CLOUD'S POV
Sinimulan ko ang araw na ito ng may positibong pananaw sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari. Malaki rin ang kumpyansa ko na sasang-ayon si Vier sa mga nais kong mangyari at sa mga plano ko para sa aming dalawa at sa anak namin. Inakala ko na sa wakas ay mapapanindigan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Na matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa ay isang magandang daan pa rin pala ang magiging hantungan namin. Daan na tatahakin namin ng magkasama. Ng magkahawak-kamay. At magkasama sa anumang hamon o hirap na naghihintay sa amin. Pero mukhang hindi iyon ang tadhanang nais ibigay sa amin ng panahon at ng pagkakataon. Papunta na sana ako sa bahay nila pero si Carol ang una kong nakita. Sobrang saya niya na muli akong makita sa 'area namin' kung tawagin namin dati. Masaya rin naman akong makita siya pero si Vier talaga ang pakay ko kaya magpapaalam na sana ako sa kanya nang, "Wala sa kanila si Vier. May date siya ngayon kasama 'yung boss namin. 'Yung may-ari ng building sa bayan." Sa mga sinabi niyang iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Date lang naman iyon, but the thought na pumayag na siyang makipag-date sa ibang lalaki already left my heart in shattered pieces. Halos paliparin ko ang sasakyan ko para lang makita ko silang dalawa. At ngayon na nasa harapan ko na sila, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Para lang akong isang g**o na nakatingin sa masasaya nilang mukha habang narito ako ngayon na parang isang basang sisiw. Isa si Vier sa mga taong walang interes sa mga libro. Isa iyon sa mga kinaaayawan niyang bagay dahil na rin sa tamad siyang magbasa. Hindi niya rin gusto ang amoy ng mga libro at parati niyang dinadaing na masakit sa ilong ang mga iyon. Pero hindi ganoon ang reaksyon nakikita ko sa kanya ngayon na nasa loob siya ng bookshop kasama si Hector. She seems to be very interested sa mga sinasabi ni Hector na halata namang patungkol sa mga librong naroroon sa shop. And I know that those genuine happiness in her eyes are not because of the books, but because Hector is there. At halos pigain ng husto ng realisasyong iyon ang puso ko. She's now enjoying her life. A life without me but with Hector. Aalis na sana ako dahil hindi ko na kaya pang tagalan ang mga nakikita ko. Pero bago ko pa man maihakbang palayo ang mga paa ko ay nakita ko pa kung paanong inilapit ni Vier ang kanyang sarili kay Hector at iangkla ang kanyang mga braso sa balikat nito. Hindi ko na nagawang makaalis pa sa kinatatayuan ko. My whole being was freezed. How I wish na mali ang naiisip ko. Na nag-ooverreact lang ako o nag-ooverthink. Na hindi ganoong eksena ang susunod kong masasaksihan. And I felt relieved nang magtama ang mga mata naming dalawa. Baliw na kung baliw kung papakinggan, pero umasa ako na mapipigil ng mga titig ko sa kanya ang sa tingin ko ay balak niyang gawin. Akala ko ay matatransport sa kanya ang mga iniisip ko ng mga sandaling iyon. Na hindi niya iyon itutuloy. Pero hindi. Kitang-kita ko kung paano niyang h******n sa labi si Hector habang nakatitig siya sa mga mata ko. Mga matang napuno ng matinding sakit dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay babagsak na ako anumang oras sa mismong kinatatayuan ko. O kung lang sana posible, bumuka na lang ang lupa at lamunin na ako nito ng tuluyan. Hindi ko na rin kasi alam kung may lakas pa ako para makaalis sa lugar na ito. Para akong nilamon ng matinding sakit sa nasaksihan. Mabuti na nga lamang at tumunog ang cellphone ko at bahagyang naalis kay Vier ang aking atensyon. It was an unknown caller. VIER'S POV Hindi ko inasahan na sa lugar at sa sandaling ito ko pa talaga muling makikita si Cloud. Bigla tuloy akong nalito sa nararamdaman ko. Pero hindi! May iba na siya. Masaya na siya sa iba and I also deserve that happiness. "Totoo ba?," tanong pa ni Hector nang bitawan ko na ang labi niya kahit obvious naman na ang sagot. Tumango lang ako at pagkatapos ay niyakap na niya ako ng ubod ng higpit sa sobrang saya niya. "I love you Vier! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon," aniya habang mahigpit pa rin ang pagkakaakap sa akin. Masaya ako. Yes. Totoo 'yun. Masaya ako na sa wakas ay nakahanap na ako ng papalit kay Cloud sa puso ko. Pero tila ba nahati ang nararamdaman kong kasiyahan nang sa isang iglap ay ang nakangiting hitsura na ni Cloud ang sumalubong sa mga mata ko nang muling mapagawi sa kanya ang tingin ko. At mukhang ang kausap niya sa kabilang linya ng kanyang telepono ang nagdudulot sa kanya ng sayang iyon. At malamang na si Tiffany ang nas kabilang linya kaya ganoon na lang ang kasiyahang nakikita ko sa mga mata niya. "Tara," sabi ko lang kay Hector at agad ko siyang hinila palabas ng bookshop at palayo kay Cloud. "Sa'n tayo pupunta?," tanong niya na hindi ko na lang sinagot. Sa totoo lang kasi ay hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Isa pa ay nararamdaman ko na ang papalapit na ang pagtulo ng luha ko na malamang ay hindi ko na mapigilan pa sa sandaling ibuka ko ang labi ko para magsalita. Kaya pinili ko na lamang manahimik habang patuloy kaming tumatakbo palayo sa kung saan naroroon si Cloud. Hindi man naging ganoon ka-smooth ang naging takbo ng araw na 'to para sa akin at sa aming dalawa ni Hector, pakiramdam ko pa rin ay dinaramayan at pinakikisamahan pa rin ako ng mundo. Dinala kami ng mga paa namin malapit sa arcade. Muli kong naibalik ang ngiti sa labi ko at hinila ko na si Hector papasok roon. "Whoah!," aniya habang tila isa-isang sinusuri ng mga mata ang mga gaming machines na sa harapan namin. "Ayaw mo?" Napangiwi ako sa isiping iyon dahil dito ko sana gustong manatili para maalis na ang sakit sa dibdib ko na bigla na naman akong sinalakay. "Manood na lang tayo ng movie," suhestyon ko para lang sana may gawin kami at hindi kami tumunganga. "Ah, no. Dito na tayo. Medyo nagulat lang ako na meron palang ganito sa malls." "Seryoso ka? Hindi ka ba namamasyal sa mall?" hindik kong tanong sa kanya. Sino ba naman kasing hindi magugulat na ang isang mayaman na katulad niya ay hindi sanay sa mall. "Nagpupunta naman pero hindi para mamasyal o mag-ikot. Usually, it's for business matters," seryoso niyang hayag habang nakamasid pa rin sa mga makinaryang naririto. Nakangiti siya pero ramdam ko rin na may nakatago pa ring lungkot sa likod ng mga ngiting iyon na lagi niyang pinapakita sa akin. Totoo nga palang hindi lahat ay nakukuha ng mayayaman. Hindi pera ang dakilang batayan para maging successful o maging masaya ang isang tao. At si Hector ay isa sa mga buhay na patunay ng mga salitang iyon. "H'wag kang mag-alala dahil ngayong araw mag-eenjoy lang tayo. We will celebrate our life and our love," saad ko sabay kindat. And I will try to celebrate my freedom from pain as well.Matinding pagkabigla at nag-aapoy na galit sa aking sarili ang patuloy na bumabalot sa akin habang mag-isa akong nakaupo dito sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ni Allen. Masaya ako na muli siyang makita. Kahit nga nang marinig ko pa lang sa telepono ang boses niya na tila masayang-masaya nang kumpirmahin ko na naririto nga akong muli sa Bulacan ay nakaramdam na rin ako ng galak sa puso ko. Masaya ako na may mga kakilala ako dito na excited pa rin na makita ako matapos ang lahat-lahat ng nangyari sa amin ng kapatid niya. Na pamilya pa rin ang turing niya sa akin hanggang ngayon. Pero kahit anong pilit ko na ikubli na lang sa aking sarili ang sakit na nararamdaman at punan na lang ang utak ko ng masayang isipin na may maituturing pa rin akong kapamilya dito ay hindi ko pa rin magawang magsaya. Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang nasaksihan ng mismong mga mata ko kanina. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko na parang sirang plaka na unti-unti ring sumisira sa kalo
VIER'S POV Pakiramdam ko ay patuloy ang pagbaligtad ng sikmura ko habang nakaupo ako rito sa loob ng sasakyan ni Hector na ngayon ay tinatahak ang daan papunta sa bahay ng kanilang pamilya para pormal akong ipakilala bilang nobya niya. Bagay na hindi ko inasahang mangyayari kaagad sa araw na ito. Ang totoo ay wala sa mga nangyari ngayon ang inasahan kong mangyayari. Ilang araw kong pinlano ang araw na ito at inexpect ko na magiging maganda ang bunga ng paghahanda ko dahil nga pinlano at pinaghandaan ko ito ng mabuti. I expected this day to be one of the most memorable ones and I only visioned nothing but good things. Pero wala sa anumang inasahan ko ang natupad. Mula sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa mall na nagdulot sa akin ng pag-aalinlangan hangggang sa bigla niyang pagkawala roon na naghatid naman nang hindi ko maipaliwanag na pagdaramdam. At ngayon naman ay ang biglaang pag-aaya sa akin ni Hector sa kanilang bahay para pormal niya akong maipakilala sa kanyang pamilya bilang gi
VIER'S POV"Magandang gabi po," pagbati ko sa lahat ng naroroon gamit ang pilit na pinatatag kong tinig. Ang pagbating iyon ay hindi ko na nagawang sundan pa ng kahit anumang salita dahil sa natanggap kong reaksyon mula sa bawat isang naroroon na hindi itinago ang negatibong impresyon nila sa akin. Matalim ang itinuong tingin sa akin ng matandang Mendez at sa wari ko ay pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lamang ng mga tinging iyon na ipinupukol niya sa akin. Hindi rin maganda ang pagtitig sa akin ng katabi nitong babae na sa palagay ko ay walang iba kundi ang ina naman ni Hector. Napapalamutian siya ng naglalakihang mga perlas at nanginginang na mga ginto sa kanyang katawan na tila ba sumisigaw ng estado ng kanyang pamumuhay. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang literal niyang pagsuri sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang mga kilay na nagpapakita ng lubos niyang pagkadisgusto sa akin."Your new assistant?," tanong ng ginang kay Hector na nginiti
CLOUD'S POV Matapos ang masayang tanghalian namin sa restaurant sa bayan ay nag-aya pa ang magkakapatid ng mas mahaba-haba pang bonding at usapan kasama ng mga alak sa bahay nila. Hindi na 'ko tumanggi pa dahil bukod sa sobra ko din talaga silang na-miss ay mukhang kailangan na nga rin ng sistema ko ang impluwensya ng matinding inumin para bahagya akong makalimot sa sakit na pilit kong pinaglalabanan ngayon. Dumaan muna kami sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa sisig at bicol express na kanina pang hinhirit sa akin ni Raven. Hindi raw kasi niya masyadong na-enjoy ang mga kinain namin kanina dahil mas masarap pa rin daw ang luto ko kumpara sa mga iyon. Hindi naman sa pagmamayabang o pag-aangat ng sarili kong bangko, pero tama naman siya. Para kasing tinipid sa sangkap ang mga inihain nila sa amin kanina, I know it bilang pagkain rin ang ang forte ko. Bago pa dumilim ay natapos na akong magluto at nai-ayos na rin nina Allen at Kristoph ang lamesa sa sala para sa mahaba-ha
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti