CLOUD'S POV
Walang humpay at paulit-ulit ang ginagawa kong pagbibilin ngayon kay Steffano patungkol sa mga dapat niyang gawin sa pagpapatakbo nitong restaurant at pati na rin ang mga bagay na dapat na niyang tigilan mula sa araw na ito, kagaya na lang ng panglalandi niya sa halos lahat ng mga babae naming staff. Iyon ay kahit pa kanina ko pa napapansin na hindi naman niya pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ko. Well, sabagay nga naman. Kung pagpapatakbo at pagpapatakbo lang din naman nitong maliit naming business, I am so sure that he can handle it. He's great pagdating sa kusina at pati na rin sa pakikipag-usap sa mga clients, pero 'yung pagiging babaero at kalandian niya? Uh, that's another thing. One thing na kadikit na 'yata talaga ng pagkatao niya. Kaya kailangan ko talagang idildil sa kanya, o mas tama 'yatang sabihin na, kailangan kong ipaalala sa kanya ng paulit-ulit ang mga dapat na niyang iwasan o bawasan sa pag-alis ko. He needs some focus from now on. "Have you lost your brilliant mind bro?," bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng pangangaral ko sa kanya about being seriously focused dito sa Jupiter's. Gaya ng kanina ko pa napapansin, hindi nga pala talaga nakikinig sa akin 'tong taong 'to. "You're seriously unserious with this right?," dagdag pa niya habang pinupuno ng mga linya ang kanyang noo na kadalasan naman ay naka-relax lang dahil na rin sa pagiging allergic niya sa wrinkles na nakakabawas umano sa pagiging cool niya. But, looking at him now, mukhang nawala na 'ata sa bokabularyo niya ang pagiging cool niya. "Isang buwan na natin 'tong pinag-uusapan Steff. At nasabi ko na rin sa'yo lahat ng gusto kong gawin—" "Yeah, na gusto mong magpakaama sa anak n'yo ni Vier kasi ayaw mong danasin ni George 'yung naging buhay mo na walang ama. Gusto mong punan 'yung ilang taon na wala ka sa tabi niya para alalayan siya sa paglaki niya and so on and so forth. But man! Gusto mo ba talagang torture-in 'yang sarili mo?," he said in a full blast, roaring frustration tone. "I have to do it, Steff. It's my duty as a man at bilang ama na rin," paliwanag ko sa kanya. "C'mon bro, pwede mo naman 'yung gawin without letting Vier ruin your life again! Nage-gets mo ba 'yung sinasabi ko ha? Naiintindihan mo ba ako?," aniya sa hindi na maitagong inis pa para sa mga plano ko. Alam ko naman at naiiintindihan ko rin kung bakit siya nagkakaganito habang isinasaayos ko ang lahat para sa nais kong gawin. Few years back, siya ang naging sandalan ko kahit na nga bago pa lamang kaming magkakilala noon. He knows kung gaano akong nasaktan sa naging relasyon ko kay Vier. He even knows how much I cried nang dahil sa kanya dahil lagi siyang nasa tabi ko noong mga panahong iyon. Nakita niya kung paanong halos hindi ko na makita ang kinabukasan ko dahil sa sobrang pagkalugmok ko. Pero hindi na ako babalik sa ganoong estado. Sinisigurado ko 'yan ngayon. Ilalaban ko na ang pagmamahalan namin dahil alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ko kakayanin na mabuhay ng wala si Vier sa buhay ko. Si Vier at ngayon ay pati na rin ang batang patuloy na nagdudugtong sa buhay naming dalawa, si George. "Hindi mo kasi naiintindihan Steff. You have never fallen in love like I do. Kaya hindi mo pa maunawaan kung bakit ko 'to ginagawa," saad ko sa kanya sa bahagya nang mataas na tono. Marahil ay dahil na rin sa unti-unting pagkawala ng aking pasensya sa walang tigil kong pagpapaliwanag sa kanya ng sarili kong buhay at desisyon. Nagmamadali na ako at gusto ko nang masimulan ang muli kong pagpaparamdam kay Vier ng tunay kong nararamdaman sa kanya magpahanggang-ngayon. Ayokong mag-aksaya ng kahit na konting oras lang para sa ganitong uri ng usapan na ilang ulit na rin naman naming napagdiskusyonan. Gusto ko nang makaalis. Yun lang. "Yes. Tama ka naman," aniya sa sarkastikong tono. "I willl never know how to love." May diin ang bawat bigkas niya ng mga salitang iyon. Isabay pa ang matatalim niyang tingin sa akin. Bagay na hindi ko pa nakita noon sa kanya. "Steff–" "At wala rin akong planong mahulog sa mga katangahan n'yong 'yan," aniya at mabibigat ang mga hakbang niyang nilisan itong kitchen at iniwan ako dito. Napapikit na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. Naiintindihan ko naman siya at kung saan siya nanggagaling. Yun nga lang, hindi pa niya siguro ako maiintindihan. "Aalis na 'ko," paalam ko sa kanya nang maabutan ko siya sa labas na nagpapahangin. I gave him a manly hug pero sadyang malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Alam ko na kapakanan ko lang din ang iniisip and I appreciate it very well. "Soon, maiiintindihan mo rin ako," sabi ko pa sa kanya bago ako tuluyang tumalikod. Mainit ang panahon at mahaba-haba rin ang byahe mula sa Ilocos papuntang Maynila, pero walang-wala 'yon kumpara sa labis na pananabik na nararamdamaman ko, isipin pa lang na muli na kaming magkakalapit ni Vier. Kagaya na lang nina Francis at Steff, hindi ko rin inakala na darating pa ako sa ganitong punto. I din't see this thing coming. Pero heto na nga ako at papunta na akong muli sa buhay niya. Hindi rin matigil ang maya't-maya kong pagsilip sa rearview mirror ng sasakyan ko para makita ng sarili kong mga mata king gaano ako kasaya habang pinupuno ni Vier at ng muling pagkabuhay ng inakala kong namatay na naming pagmmahalan ang isip ko. Nakakabaliw isipin ang mga bagay-bagay patungkol sa aming dalawa…. na ngayon ay tatlo na pala. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang excitement na sa wakas ay makapiling ko na sila. Wala pa 'kong pinagsasabihan ng mga bagay-bagay patungkol sa amin, maliban na lang syempre kay Steffano. Pero nakasisigurado ako na ikatutuwa ng lahat ang existence ni George. "Cloud, kumusta ang byahe?," excited na bati sa akin ni Jasmine, ang manager dito sa Jupiter's sa Makati, nang makita niya ako. Amo niya ako but since mas matanda naman siya kaya Cloud na lang ang pinayagan kong itawag niya sa akin. Isa pa ay nagtatrabaho na siya sa amin sa pagsisimula pa lang namin nitong branch namin dito sa Makati, two years ago, kaya hindi na rin iba ang turingan namin sa isa't isa. "Mukhang masaya ka ngayon ah," puna niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa maliit na opisina ko rito. "Masyado bang halata?," pabiro kong tugon sa kanya habang nananatiling nakapinta sa mukha ko ang matamis na ngiting iyon na dulot sa akin ni Vier. Tumango-tango naman siya at mukhang masaya rin sa nakikita niya sa akin ngayon. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi pa kasi ako naging ganito kasaya for the past 4 years of my life. "Ipaghahanda na muna kita ng makakain. Alam kong gutom ka na," aniya bago ako iwan. Tumuloy na rin ako sa maliit na kwarto dito na nagsisilbi rin na opisina ko sa tuwing nagagawi ako rito. This room was designed like a mini house para may natutuluyan ako sa tuwing nandirito ako. At mula ngayon ay magsisilbi na muna itong bahay ko. Kumpleto naman ang mga gamit ko rito at mayroon rin itong isang hidden bedroom. Kaya maayos ang magiging pamamalagi ko rito. Ipinahinga ko na muna ang sarili ko sa pang-isahang couch at agad kong inilabas mula sa wallet ang larawan ni George. "You're so adorable," sabi ko habang nakatitig sa kanyang larawan. "We'll meet soon my kid," sabi ko pa na akala mo ay nasa harapan ko lang talaga siya.VIER'S POV Day off ko ngayon at naisipan na rin ni Hector na ayain akong lumabas for a date. Ayon kasi sa kanya ay hindi raw kasi masyadong nakakapag-usap sa tuwing may trabaho ako. Iyon ay kahit pa nga halos araw-araw pa rin naman kaming nagkakasama lalo na tuwing hinahatid niya kami ni Carol pauwe. Hindi ko tuloy napigilan na muling makaramdam ng labis na tuwa na halos magpatalbog sa dibdib ko. Halos prinsesa na niya ako kung ituring sa araw-araw. Bumibisita siya sa restaurant kapag naroon lang siya sa building at kung naman may trabaho o meeting siya sa ibang lugar ay sinisigurado pa rin niyang makakarating siya para ihatid kami pauwi. Minsan nga ay nakakaramdam na rin ako ng matinding hiya sa kanya dahil kahit sobrang pagod na siya ay pinipilit pa rin niya na maihatid kami ni Carol. Parati niya ring ipinapaalala sa akin na mahalaga ako at karapat-dapat na alagaan ng husto kaya raw ganoon na lang kung protektahan niya ako. Such a sweet gesture from a real gentleman like him
CLOUD'S POV Sinimulan ko ang araw na ito ng may positibong pananaw sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari. Malaki rin ang kumpyansa ko na sasang-ayon si Vier sa mga nais kong mangyari at sa mga plano ko para sa aming dalawa at sa anak namin. Inakala ko na sa wakas ay mapapanindigan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Na matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa ay isang magandang daan pa rin pala ang magiging hantungan namin. Daan na tatahakin namin ng magkasama. Ng magkahawak-kamay. At magkasama sa anumang hamon o hirap na naghihintay sa amin. Pero mukhang hindi iyon ang tadhanang nais ibigay sa amin ng panahon at ng pagkakataon. Papunta na sana ako sa bahay nila pero si Carol ang una kong nakita. Sobrang saya niya na muli akong makita sa 'area namin' kung tawagin namin dati. Masaya rin naman akong makita siya pero si Vier talaga ang pakay ko kaya magpapaalam na sana ako sa kanya nang,"Wala sa kanila si Vier. May date siya ngayon kasama 'yung boss namin. 'Yung
Matinding pagkabigla at nag-aapoy na galit sa aking sarili ang patuloy na bumabalot sa akin habang mag-isa akong nakaupo dito sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ni Allen. Masaya ako na muli siyang makita. Kahit nga nang marinig ko pa lang sa telepono ang boses niya na tila masayang-masaya nang kumpirmahin ko na naririto nga akong muli sa Bulacan ay nakaramdam na rin ako ng galak sa puso ko. Masaya ako na may mga kakilala ako dito na excited pa rin na makita ako matapos ang lahat-lahat ng nangyari sa amin ng kapatid niya. Na pamilya pa rin ang turing niya sa akin hanggang ngayon. Pero kahit anong pilit ko na ikubli na lang sa aking sarili ang sakit na nararamdaman at punan na lang ang utak ko ng masayang isipin na may maituturing pa rin akong kapamilya dito ay hindi ko pa rin magawang magsaya. Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang nasaksihan ng mismong mga mata ko kanina. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko na parang sirang plaka na unti-unti ring sumisira sa kalo
VIER'S POV Pakiramdam ko ay patuloy ang pagbaligtad ng sikmura ko habang nakaupo ako rito sa loob ng sasakyan ni Hector na ngayon ay tinatahak ang daan papunta sa bahay ng kanilang pamilya para pormal akong ipakilala bilang nobya niya. Bagay na hindi ko inasahang mangyayari kaagad sa araw na ito. Ang totoo ay wala sa mga nangyari ngayon ang inasahan kong mangyayari. Ilang araw kong pinlano ang araw na ito at inexpect ko na magiging maganda ang bunga ng paghahanda ko dahil nga pinlano at pinaghandaan ko ito ng mabuti. I expected this day to be one of the most memorable ones and I only visioned nothing but good things. Pero wala sa anumang inasahan ko ang natupad. Mula sa biglaang pagsulpot ni Cloud sa mall na nagdulot sa akin ng pag-aalinlangan hangggang sa bigla niyang pagkawala roon na naghatid naman nang hindi ko maipaliwanag na pagdaramdam. At ngayon naman ay ang biglaang pag-aaya sa akin ni Hector sa kanilang bahay para pormal niya akong maipakilala sa kanyang pamilya bilang gi
VIER'S POV"Magandang gabi po," pagbati ko sa lahat ng naroroon gamit ang pilit na pinatatag kong tinig. Ang pagbating iyon ay hindi ko na nagawang sundan pa ng kahit anumang salita dahil sa natanggap kong reaksyon mula sa bawat isang naroroon na hindi itinago ang negatibong impresyon nila sa akin. Matalim ang itinuong tingin sa akin ng matandang Mendez at sa wari ko ay pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan lamang ng mga tinging iyon na ipinupukol niya sa akin. Hindi rin maganda ang pagtitig sa akin ng katabi nitong babae na sa palagay ko ay walang iba kundi ang ina naman ni Hector. Napapalamutian siya ng naglalakihang mga perlas at nanginginang na mga ginto sa kanyang katawan na tila ba sumisigaw ng estado ng kanyang pamumuhay. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang literal niyang pagsuri sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang mga kilay na nagpapakita ng lubos niyang pagkadisgusto sa akin."Your new assistant?," tanong ng ginang kay Hector na nginiti
CLOUD'S POV Matapos ang masayang tanghalian namin sa restaurant sa bayan ay nag-aya pa ang magkakapatid ng mas mahaba-haba pang bonding at usapan kasama ng mga alak sa bahay nila. Hindi na 'ko tumanggi pa dahil bukod sa sobra ko din talaga silang na-miss ay mukhang kailangan na nga rin ng sistema ko ang impluwensya ng matinding inumin para bahagya akong makalimot sa sakit na pilit kong pinaglalabanan ngayon. Dumaan muna kami sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa sisig at bicol express na kanina pang hinhirit sa akin ni Raven. Hindi raw kasi niya masyadong na-enjoy ang mga kinain namin kanina dahil mas masarap pa rin daw ang luto ko kumpara sa mga iyon. Hindi naman sa pagmamayabang o pag-aangat ng sarili kong bangko, pero tama naman siya. Para kasing tinipid sa sangkap ang mga inihain nila sa amin kanina, I know it bilang pagkain rin ang ang forte ko. Bago pa dumilim ay natapos na akong magluto at nai-ayos na rin nina Allen at Kristoph ang lamesa sa sala para sa mahaba-ha
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm
VIER'S POV Archie Mendez. Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa kanya? Magaling siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa pagkakaalam ko ay siya ang naging dahilan kung bakit mabilis ang naging pagbulusok ng pangalan ng mga Mendez sa industriya na kanilang ginagalawan ngayon. Hindi rin maikakaila ang mga pisikal niyang katangian na higit na angat kung ikukumpara ng kahit sino sa mga lalaking modelo sa bansa. Matangos na ilong. Maganda at mapang-akit na pares ng mga mata. A chiselled cheekbones. Name it! Hindi pa kasama rito ang angkin niyang talino na higit pang nakadaragdag sa kanyang appeal. Ngunit ano ba ang silbi ng lahat ng magagandang katangian niyang iyon kung sa likod ng kahanga-hanga niyang anyo ay nagtatago pala ang isang bulok na pagkatao. Iyan lang ang tanging itinakbo ng isip ko mula nang paalisin niya ang kasama ko kanina na si Grace at maiwan kaming dalawa. Ibinilin niya rin kay Grace na h'wag na h'wag nitong babanggitin kay Hector na magkasama kami ng
VIER'S POV Matapos ang mga nakakapraning na pangyayari nang nagdaang araw ay nagpapasalamat pa rin ako na nagising ako na may katinuan na sa utak ko. And that's all thanks to Cloud. Kung wala marahil siya sa tabi ko kagabi, nunca na makatulog o maka-idlip man lang ako. Lumabas na ako ng kwarto kahit alam kong namamaga pa ang mga mata ko. Balak ko sanang dumiretso sa banyo para sana makapaghilamos muna bago ako humarap kina inay pero hindi ko na iyon nagawa nang agad akong takamin ng mabangong amoy ng arroz caldo sa kusina. Napasugod tuloy ako roon at nakaligtaan ko na ang paghihilamos. Bukod kasi sa napakasarap ng amoy ng arroz caldo ma iyon, ay sadyang kumakalam na rin ang sikmura ko dahil wala pa akong kinakain mula pa kagabi kaya deadma na lang ako sa mugto kong mata o sa kung ano pang hitsura ko ngayon. Ang importante ngayon ay malamnan ko na 'tong nananawagan kong tiyan. "O, buti naman gising ka na," bati sa akin ni Carol na animo'y nasa magandang trono niya habang tila sa
CLOUD'S POV Sumaglit lang ako sa kusina para iinit ang pulutan namin na sisig na medyo nagsesebo na. Naisipan ko na ring saglit na magpahinga at idukdok ang ulo ko sa maliit na mesa roon dahil mukhang sumisipa na 'ata ang ininom kong alak sa ulo ko. Pero kasabay ng pagtakas ko sa alak ay ang muli ring pagdaan ng imahe ni Vier sa isipan ko. Halos mag-uumaga na pero wala pa ring Vier na nagpapakita dito sa bahay nila. What else would I think had happened? O baka hanggang ngayon ay nangyayari pa rin. "Sh*t!," impit kong pagmumura habang mariin na nakakuyumos ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa habang tumatakbo sa utak ko ang mga posibleng nagaganap sa kanila ngayon. Parang bumabaligtad ang sikmura ko, isipin ko pa lang ang ganoong bagay na hindi naman imposible. Hindi ko 'yata kakayanin na makita silang dalawa na magkasama at masaya. Hindi ko rin kayang tanggapin na ngayon ay pag-aari na siya ng ibang lalaki at hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Tumayo na ako sa aking k