Tubong-probinsiya si Adellilah Mantoha. May sakit ang kaniyang ina, kaya ay kinailangan niyang lumuwas patungong Maynila upang pumasok bilang kasambahay ng isang guwapo, mayaman at bilyunariyong si Ryllander Callares, lalaking malamig ang trato sa lahat, dahilan upang mahirapan ang dalaga na pagsilbihan ito. Kaya ba ng isang hamak na probinsiyanang-maid na paamuin ang ang isang cold-hearted bachelor? Ngunit paano na lang kung mahuhulog siya rito kahit alam niyang sa pantasya lang naisasakatuparan ang ilusyong pag-ibig para sa lalaki?
View MoreChapter 3:Napangiwi siya nang sinubukan niyang umahon mula sa malambot na kamang hinigaan niya. Hindi siya sanay na matulog sa ganitong higaan. Paano ba ay sanay na siya sa banig lamang ang hapin sa kaniyang kama na yari sa kawayan doon sa probinsiya. Iyon na ang kaniyang kama simula noong bata pa siya hanggang sa ngayong bente-singko na ang edad niya. Sa katunayan ay ang mga kahoy na ginamit sa pag-gawa ng kama na iyon ay mismong ang Lolo niya ang sumukat at nag-linis ng mga ito. “Kay hirap naman itong hindi sanay sa ganitong higaan.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot niya ang bawat gilid nito sapagkat nahirapan siyang makatulog nang maayos. Hinahanap ng katawan niya ang higaan niya at ang kaniyang mga tainga ay hindi sanay na hindi marinig ang hilik at ubo ng kaniyang Nanay. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na malapad na ang maliwanag na parte ng langit. Tuluyan siyang bumaba sa kama at agad na tinupi ang makapal na kumot niya bago ito nilagay sa ibabaw n
Chapter 2: Mahinang pag-katok sa pinto ng Amo niya ang kaniyang ginawa. Hindi umabot ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang nakahubad-pantaas na Amo. Makinis na tunay ang balat nito, matigas ang mga dibdib at ang tiyan nito ay hinelarahan ng maliliit na burol. Kung hindi siya nagkamali sa ginawang pag-bilang ay walo ang mga burol na iyon. Pinagpawisan siya dahil sa kaniyang nakita. “Sir…m-maglalaba na po ako. Kukunin ko na po ang mga labahan niyo.” “Come in,” wika ng amo sa kaniya at pinapasok na siya nito nang tuluyan. Malakas ang pagsarado ng pintuan subalit mas malakas pa roon ang tibok ng puso niya nang makita ang loob ng silid ng kaniyang Amo. Kung ang nasa labas ay mga painting, ang nasa loob naman ay mga baril na nasa loob ng frame. Nanlamig ang kaniyang mga palad at kung magsisinungaling ay dama niya kung paano umudyok na lumabas ang pawis niya sa kaniyang palad dahil sa nakakasindak na armas na nakita.Nangilid ang mga luha niya. Naalala niya
Chapter 1: Nakatulala pa rin ang dalaga, iniisip ang isang malaking katangahan na kaniyang ginawa kanina lamang. Tinrato ba naman niyang utusan ang amo niya? Kararating pa lamang niya, pero palpak na agad siya. Nakikinig siya kay Lordes na nagpapaliwanag sa kaniya ng mga patakaran sa mansiyon. Pinilit niyang kumilos na para bang walang ilang na naramdaman sa kaniyang katawan, kahit na ang totoo ay humihiling na lang siya sa lupa na sana lamunin siya nito nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman pa ang kahihiyan na siya naman ang mismong nag-dulot sa sarili. “Ikaw ang siyang ma-aasign sa paghahatid ng pagkain ni Sir Ryllander sa kaniyang silid dahil hindi naman iyon bumababa sa tuwing oras ng pagkain niya. Ang umagahan niya ay bandang 7 AM, at ang hapunan niya ay 8 PM naman. Huwag mo nang problemahin ang kaniyang tanghalian dahil madalas ay sa opisina na siya kumakain, iyon nga lang ay dapat ihahanda mo ang baon niya kasabay ng umagahan niya.”Tumango siya at patuloy lamang sa pak
Prologue: Tumingin na lamang sa langit si Lila nang bumalik sa isipan niya ang sinabi ng doktor sa kaniya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa sinapit ng ina niya. May barbecue-han sila at doon nagsimula ang sakit na tuberculosis ng kaniyang ina, at ang masaklap ay lumalala na ito. “Hija, dugo na ang inuubo ng nanay mo. We can't do anything kun'di ang tanggapin ang masamang mangyayari sa kaniya kung hindi niya maipagpapatuloy ang pag-inom ng mga gamot para sa sakit niya.” Humingang malalim ang dalaga at umupo ito sa kinalawang na silya sa labas ng ospital. Tumingin siya sa paligid at mga malalabong imahe ng mga taong naglalakad ang kaniyang nakikita dahil sa mga luhang humarang sa kaniyang mga mata. “Diyos ko? Paano na ito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng maisusustento ko sa pangangailangan ng aking ina.”Hayskul graduate lamang si Lila kaya hindi na siya umasa pa na matatanggap siya para sa maayos na trabaho. Lalo na at hindi siya
Prologue: Tumingin na lamang sa langit si Lila nang bumalik sa isipan niya ang sinabi ng doktor sa kaniya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa sinapit ng ina niya. May barbecue-han sila at doon nagsimula ang sakit na tuberculosis ng kaniyang ina, at ang masaklap ay lumalala na ito. “Hija, dugo na ang inuubo ng nanay mo. We can't do anything kun'di ang tanggapin ang masamang mangyayari sa kaniya kung hindi niya maipagpapatuloy ang pag-inom ng mga gamot para sa sakit niya.” Humingang malalim ang dalaga at umupo ito sa kinalawang na silya sa labas ng ospital. Tumingin siya sa paligid at mga malalabong imahe ng mga taong naglalakad ang kaniyang nakikita dahil sa mga luhang humarang sa kaniyang mga mata. “Diyos ko? Paano na ito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng maisusustento ko sa pangangailangan ng aking ina.”Hayskul graduate lamang si Lila kaya hindi na siya umasa pa na matatanggap siya para sa maayos na trabaho. Lalo na at hindi siya...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments