Chapter 5:
Maayos niyang nilagay sa kaniyang mga biyas ang mga damit niya na tinutupi. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras na ayusin ang mga damit niya upang mailagay nang maayos sa kabinet sapagkat naglinis siya sa silid at nilabhan niya ang mga damit ng Amo niya. Dapit-hapon na at maganda pa rin ang araw, masinag ito at tiyak na ang mga brief na kaniyang binilad ay matutuyo mamaya. Pagkatapos niyang tupiin ang mga damit ay kaniyang nilagay ang mga ito sa kabinet. Umunat siya at ngumiti. Tumingin siya sa buong silid. Maayos na ito at hindi na makalat sa loob dahil nilaanan niya ito ng oras upang asikasuhin. Umupo siya sa sahig at nangalumbaba. Nabuo ang pangarap niya na magkaroon ng maayos na bahay noong siya ay bata pa lamang. Pirapirasong plywood lang kasi ang dingding ng bahay nila sa probinsiya at tanging ang labin-limang taon na makapal na kurtinang puno na ng mantsa ang tanging pantapal sa mga butas nito. Madalas siyang nakaririnig ng pangungutya mula sa mga kapitbahay nila. Masakit na mga salita ang binabato sa kanila ng Nanay niya dahil ang lupang tinitirikan ng kanilang bahay ay walang titulo noong nabili ng kaniyang mga magulang. Mahirap ang naging buhay na nakagisnan niya. Maging ang maliit na negosyo ng kaniyang Nanay ay nalugi dahil sa pagpapagamot nito. Tumingin siya sa langit at huminga nang malalim. Naisip niya ang Amo niya na masakit magsalita at malamig ang trato sa kaniya. “Magtiis ka lang, Lila. Matatapos din ang lahat ng paghihirap mo,” aniya. Umahon siya sa pagkakaupo at tumanaw siya sa labas ng bintana. Kaniyang kinuha ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kama at tumawag siya kay Etang. “Hello? Ate? Ate Lila, kumusta ang mga unang araw mo riyan?” “Maayos naman, Etang.” Iyon ang sinabi niya kahit hindi naman talaga. “Mainam kung gano’n, Ate!” “Kayo ni Nanay riyan kumusta?” Buntonghininga ang una niyang narinig matapos niyang tanungin si Etang. Kinurot ang puso niya sapagkat alam niya na hindi mabuti ang lagay ng kaniyang Nanay. “Okay ako, Ate. Wala naman pong problema sa paaralan. Si Tiya lang ang hindi gaanong okay. Isang gabi mo palang diyan sa Maynila ay pakiramdam niyang tatlong taon ka na niyang hindi nakikita. Namamaga ang mga mata niya kaiiyak. Iyong ubo naman niya ay hindi siya pinapatulog nang maayos. Mabuti na lang ngayon dahil nakatulog siya.” “Ang Nanay talaga. Sabihan mo siya na ako ay tumawag upang kumustahin kayo. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Etang. Palagi mo lang siyang bigyan ng kaluwagan ng loob habang wala ako riyan.” Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Matapos iyon ay inalis niya ang kaniyang mga luha. “K-Kapag nakaipon ako nang malaki-laki ay uuwi ako agad, Etang. Natatakot ako na malayo sa Nanay, lalo na at ganiyan ang kaniyang kalagayan.” “Ate, hindi ka makakaipon kung inuubos mo ang sahod mo sa pagpapadala rito. Half scholar naman ako sa munisipyo at sisikapin kong maging full scholar nang sa ganoon ay hindi ka masyadong namomroblema sa aking pag-aaral. Hindi ko pababayaan si Tiya habang ikaw ay wala rito, Ate. At sana ay huwag mong pabayaan ang sarili mo riyan.” “Oo, Etang. Salamat sa iyo.” “Ate, kumusta pala ang amo mo? Mabait ba siya sa iyo?” Mabait ang mga kasamahan niyang naninilbihan sa mansiyon subalit ang amo niya ay lubos na matulis ang dila at sinlamig pa ng yelo ang ugali nito. Ayaw niyang sabihin kay Etang ang totoo dahil mag-aalala ito at baka sabihin nito sa kaniyang Nanay ang kalagayan niya sa mansiyon. “A, o-oo naman. Mabait na mabait siya sa akin.” “Mas mabuti kung ganiyan, Ate!” “Oo, Etang.” Nakita niyang bumukas ang pultahan at nahulog ang isang underwear ng amo niya. Pumasok ang isang pamilyar na sasakyan at tumugpa ang underwear sa harap ng driver's seat. Tumigil ang sasakyan at agad na lumabas mula sa kabubukas na pintuan nito ang Amo niya. “Lila!” malakas na sigaw ng Amo niya na tiyak ay rinig sa ibang mga compound. “What the hell is this?!” “Ate, ano iyong narinig kong malakas na sigaw?” “Etang, paalam na. Mag-ingat kayo ni Nanay riyan, a!” “Ate—” Kaniyang pinatay ang tawag at tinapon sa kama ang cellphone niya. Nagmadali siyang bumaba dahil sa sigaw na iyon ng kaniyang Amo. Sa pag-alala ng mga kasambahay niyang naninilbihan ay sumunod sila sa kaniya. Inayos niya ang yuniporme niya at yumuko siya sa tapat ng kaniyang amo na para bang pinasabugan ng granada ang mukha sa magulo at hindi mailarawang ekspresiyon nito. Sinubukan niyang inangat ang titig sa Amo, at doon niya nakita na namumula ang mukha nito. “S-Sir? Ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo?” “Lila, were you born yesterday? Ano ang pumasok sa isipan mo at sa ibabaw ng gate mo binilad ang mga brief ko?!” “S-Sir, sa likod ko sana ibibilad ang mga iyan. Pero matagal pa bago matuyo ang mga iyan doon.” Kinuha niya ang brief ni Ryllander na natugpa sa kotse nito at hinawakan niya nang mahigpit. “T-Tingnan mo, Sir.” Humawak siya sa kamay ng Amo niya na naging dahilan upang magbulungan ang mga kasamahan niya. Nilagay niya sa palad ng amo niya ang karampot na saplot pang-ibaba nito at kaniyang tiniklop ang palad ni Ryllander. “Hindi po ba ay nais niyong tuyong-tuyo ang mga brief niyo? I-Iyan po!” “Lila?” Nag-alalang tawag sa kaniya ni Lordes matapos siyang tinulak ni Ryllander. Natihayang siya sa lupa, sinikap na umahon at nang siya ay nakaupo ay malakas na hinagis ni Ryllander ang hawak nitong brief sa kaniyang mukha. Napahawak siya sa kaniyang mata dahil mismong sa loob nito tumama ang pansikip na bahagi nito. Maraming luha ang nilabas ng kaniyang mga mata dahil nangilo ang mga ito. Napahiya rin siya sa mga nakasaksi sa ginawa ng Amo niya kaya ay sumakit ang damdamin niya at naiyak na lamang siya nang tuluyan sa ganoong posisyon. “Hindi ko alam kung kusang ganiyan ang pag-iisip niyong mga taga-probinsiya o sadyang pinanganak kang tanga ng Nanay mo! Kung sino man ang Nanay mo ay nagkamali siya sa panganganak sa iyo!” “H’wag niyo p-pong idamay ang Nanay ko, Sir.” “At mayroon ka pang lakas-loob na magsalita pabalik sa akin? You know what? In the thousands of maids na tumuntong sa mansiyon ko ay ikaw ang pinaka-tanga at walang-silbi!” Kung ang mga salita ng Amo niya’y matalim na kutsilyo o hindi naman kaya ay mga bala na puno ng poot ay kanina pa dumanak ang dugo sa ibabaw ng kaniyang puso. Hindi niya maatim ang katiting na tapang na mayroon siya na pumalag sa Amo niya dahil nauna na itong umatake hanggang siya au hindi na maka-laban pa. Masakit ang katawan niya marahil iyon ay sa pagtulak ng Amo niya, pero mas masakit ang tinatamasa ng puso at isipan niya dahil sa mga salitang winika ng Amo niya. “S-Sobra naman po kayo kung magsalita, S-Sir…” “Lila, huwag ka na lamang magsalita.” “Alam mo, Lordes, kasalanan mo kung bakit nandito ang ang babaeng iyan. Ang sinabi ko maid ang hanapin mo at hindi problema! Ang sinabi ko humanap ka ng maid na magpapagaan ng buhay ko at trabaho ko, hindi iyong magiging pabigat dahil sa puro kapalpakan sa trabaho!” Tumayo siya kaya'y bumagsak sa lupa ang brief ng amo niyang nasa kaniyang biyas kanina. Ang mga mata niyang puno ng panghihina ay tinitig niya sa Amo niyang hindi niya batid kung tao ba o may lahing bato dahil sa tigas ng puso nito. “Hindi kasalanan ni Aling Lordes ang nangyari. Ako ang nagkusa dahil gusto ko na kapag nakita niyo ang mga brief na pinalabhan niyo sa akin ay m-matuwa kayo. K-Kasalanan ko ang lahat. Ako ang nagbilad ng mga brief mo sa gate. Ako na lang ang pagsabihan mo at huwag si Aling Lordes, Sir.” “Obviously, walang nakakatuwa sa ginawa mo. Nakakainis nga, e. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko, kung bakit nabuhay pa ang mga taong tanga na katulad mo?” “Sir, kung iyan ang tingin mo sa akin ay mabuti pang ibalik niyo na lang ako sa amin o hindi kaya ay hayaan na umalis sa mansiyon niyo at humanap ng trabaho sa ibang bakuran d-dito.” “And who the hell are you to ask something from me?! Why people do always asked something from me like that?! I'm not God to favor a low class woman like you, Adellilah!” “Humanap na lang h-ho kayo ng ibang maid. H-Hindi ko na kaya ang ganito.” Humakbang nang isang beses ang Amo niya at mahigpit nitong hinawakan ang kaniyang braso. Habang lumuluha siya ay matalim na tumitig ang amo niya sa kaniya. “Hindi. Hindi ka ba nasabihan na nasa akin ang desisyon kung paaalisin kita o hahayaan na manatili? Hindi lamang isang hamak na katulong at probinsiyanang tanga na tulad mo ang gagawa ng desisyon para sa akin! I am not Ryllander Callares just to follow a command from a promdi maid who did all the worst all her life.” “S-Sir, masakit po…” “Mas masasaktan ka pa kapag magpapatuloy ka sa pagpapakatanga mo! And by the way, make it root inside your heart that I am the owner of this mansion and whatever I say must be followed, Lila!” Piniga pa nito ang braso ni Lila. “Nakuha mo ba?” “O-Opo.” “Kung sinong driver man ang nandito, bring my car to the garage now! At ikaw, labhan mo ulit ang mga underwear ko kung ayaw mong ipakain ko ang mga iyan sa iyo!” Nilagpasan nito si Lila. Tumabi ang ibang naninilbihan. Nang makalayo-layo na ang Amo niya ay lumapit sa kaniya si Lordes. “Hija?” “A-Aling Lordes,” iyak niya at agad na yumakap sa leeg ng Ginang. Walang sinabi ang Ginang pero dama niya ang simpatya nito sa kaniya. Ang masahol na ugali ng amo niya ay hindi maalis sa isipan niya’t dumulot ito ng pighati sa kaniyang damdamin.Chapter 6: Napapadaing siya sa sakit sa t’wing lumalapat sa kaniyang balat ang telang may nakabalot na yelo sa loob nito. Nagmarka ang bawat daliri ng Amo niya sa kaniyang balat. Nabalatan pa ang braso niya sa pagpiga ng Amo niya sa kaniyang braso kanina. Masakit ang laman at mahapdi naman ang ibabaw na parte nito. “Dahanin mo ang bata, Lordes. Ikaw, batid mong bago pa lang itong si Lila ay hindi mo siya tinanod. Hindi niya pa alam ang buong patakaran ni Sir Ryllander, tapos ikaw, wala kang ginawa. Ikaw ang nagpapasok kay Lila rito, kaya obligasyon mong sabihan siya tungkol sa kahit na anong patakaran ng Amo mong pinaglihi sa isanglibong demonyo na mula pa sa Mesopotamia!”“Aba! Hindi ko naman napansin na doon pala binilad nitong si Lila ang mga underwear ni Sir Ryllander. Ikaw ang nasa hardin buong araw pero wala kang ginawa. Imposibleng hindi mo nakita si Lila.” “Ikaw ang huling nakausap ng bata! Sinabihan mo pa siya kanina na ibilad na ang mga brief ni Sir Ryllander.”“Aray ko
Chapter 7:Isang madilim na sulok ang kaniyang kinatatayuan, nanatiling kumakabog ang tibok ng kaniyang puso dulot ng takot niya sa isang aninong papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Sumikip ang dibdib niya’t halos hindi na niya mahabol ang sariling hininga. Nawawalan siya ng lakas at ang nais lamang niya'y magising kung siya'y binabangungot man. Nakasuot ang anino ng tsaketang may talukbong kaya'y hindi niya makilala ito. Pumaibaba ang lumuluha at nanlalaking mga mata niya upang titigan ang kamay nito. Isang pistol ang kinasa ng anino. Sumunod lang sa kilos ng kamay ng lalaki ang kaniyang titig. Ang mosyon ng kamay ng lalaki ay paangat hanggang sa maitutok nito sa kaniya ang pistol. Ang mga kamay niya ay nanginginig na humarang sa sentro ng pistol kahit alam niyang hindi siya kayang protektahan ng mga palad niya laban sa balang iluluwa ng baril na hawak ng lalaki. “M-Maawa ka sa akin. W-Wala naman akong g-ginawang masama sa i-iyo,” nauutal niyang sabi. Nanatiling nakatutok ang pi
Chapter 8:Ang galit niya at inis sa Celine na iyon ang dahilan upang mabilis niyang natapos ang nilabhan niyang kumot at mga hapin ng kama. “Ineng, bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo? Nag-away na naman kayo ng Amo mo?”“Wala naman pong bago roon, Mang Topeng. At sa pagtutuwid lamang ng iyong winika, hindi po kami nag-aaway. Siya lang naman ang palaging umaaway sa akin.”“E, bakit ganiyan ang ekspresiyon ng iyong mukha? Tila ba ay daig mo ang petsa de peligro. ‘Yan ba ay dulot ng pagpapalaba niya sa iyo ng mga makakapal na hapin at kumot?”Tinaas niya ang kaniyang mga kamay at umunat. Inabot niya ang kaniyang batok at marahan niya itong minasahe. Namanhid kasi ito dahil sa kaniyang pagyuko. Pagkatapos ay kaniyang tiningnan ang Mama.“Mang Topeng, kahit isang sakong hapin at kumot ang lalabhan ko ay hindi ako bubusangot. Para saan ba at naging katulong ako sa mansiyon na ito kung hindi ko gagawin ang mga trabahong nakatalaga sa akin at magrereklamo lang ako?”Kaunting tango ng Mama na
Chapter 9:Titig na titig si Lila sa kard tawagan na hawak niya. Nasa loob siya ng kaniyang silid at nagpapahinga, halos gabi na kasi nang siya ay makauwi mula sa pamilihan. Masakit nga ang kaniyang mga balikat at mga paa marahil iyon ay dulot ng kaniyang paglalakad sa malawak na pamilihan kanina. Kaya ay pagkatapos niyang kumain at hatdan ng pakain ang Amo niya ay nagpahinga na siya.Kahit na pagod siya ay hindi matinag ang kaniyang tuwa. Akala niya ay walang guwapong lalaki ang mayroong mabuting puso rito sa Maynila, pero nagkamali siya dahil kanina ay nagkatagpo sila ni Anthony. “Anthony Pullido,” bulong niya ng pangalan ng lalaking nagpumilit na magpalitan sila ng numero. “Mabuti ka pa dahil hindi ka suplado tulad ng Amo kong si Ryllander.” Paulit-ulit niyang naririnig ang mga papuri na sinabi ni Anthony sa kaniya kaya ganoon na lamang kung siya ay makangiti. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya sa nga panahon na iyon kaniya. Ayaw niyang itago na siya ay nahahaling sa lalaki. M
Chapter 10: Sibuyas, Luya, paminta at karots ang sinahog niya sa lugaw na hinanda niya paa sa Amo niyang mataas ang lagnat. Tumingin siya sa orasan sa ibabaw ng lababo, tumuro ang mahabang galamay nito sa numero 1. Kaya pala ay nag-aantok na siya dahil ilang oras na lang ang nalalabi ay titilaok na ang mga tandang na alaga ng Amo niya. Halos masarado na ang talukap ng kaniyang mga mata subalit nagsumige pa rin siya sa paglulugay ng lugaw. “Lila, bakit gising ka pa?” Lumingon siya kay Lordes at pinilit na ngumiti kahit pagod siya at naaantok na talaga. Lumapit sa kaniya ang Ginang at sinilip ang laman ng kaldero. “Nagutom ka ba, Lila? May mga pagkain pa naman sa ref. Puwede mong initin sa oven ang mga iyon. Pinagod mo pa ang sarili mo na magluto ng lugaw. Hindi ka rin mabubusog niyan.” Umiling si Lila. Tinaktak niya ang sandok at pinahina ang apoy ng kalan de kuriyente. Kumuha siya ng tubig at uminom siya upang mawala ang antok niya. “Hindi po para sa akin ang lugaw na
Chapter 11:Higit isang buwan na siya sa mansiyon. Ngayong araw niya ipapadala ang pera na kaniyang inipon mula nang siya ay nandito sa mansiyon, isasabay niya sa kalahating sahod niya na nilaan para sa gastusin ng Nanay niya at ni Etang. Nakukuha na niya ang timpla ng ugali ni Ryllander, pero hindi pa rin maalis sa Amo niya ang taglay nitong kalamigan sa kaniya at ang pagiging suplado nito. Minsan iniisip niya na lang na nag-aalaga siya ng isang bata na hindi pa sakto sa edad kaya’y kailangan niyang aralin sa bawat araw na dumarating kung paano ito mas paamuin pa.Araw ng sabado, kaya ay iilan lang na mga kasambahay ang nasa mansiyon. Nahihiya siyang humingi ng tulong sa mga kasamahan niya rito. Wala kasi sina Lordes at Topeng. Naabutan siya ng Amo niya na siya’y kanina pa palakad-lakad sa balkonahe ng mansiyon. Tumigil siya sa paglalakad at agad na inalis ang sarili sa gitna upang makadaan si Ryllander. Inaayos ng Amo niya ang butones ng longslib na suot nito. Bakas sa mukha ng l
Chapter 12:Hindi natuloy ang pagpapadala niya ng pera sa probinsiya. Buong araw siyang wala sa sarili buhat nang paulit-ulit niyang naririnig ang bawat putok ng baril kanina, nakikita niya sa kaniyang isipan ang bawat pagtilapon ng mga taong binaril ng amo niya at ang pagsabog ng sasakyan ng mga taong sa tingin niya ay katunggali ni Ryllander.Hindi rin natuloy sa pakikipagkita ang Amo niya sa kung sino mang sinabi nitong importanteng tao na kakausapin niya sa araw na ito. Tumuloy sila sa gusali ng kompanya ni Ryllander at dinala siya ng lalaki sa opisina nito. Malayo na rin kasi kung babalik sila sa mansiyon kanina, kaya’y nagdesisyon ang Amo niyang dumiretso na lang sa opisina nito.Paminsan-minsan niyang sinusulyapan ang Amo niyang para bang wala lang rito ang ginawa. Pumatay ito ng ilang tao, subalit wala man lang nakitang badha ng konsensiya sa mga mata nito. Pinalaking may takot sa Taas si Lila. Ang pangaral ng kaniyang namayapang Tatay ay dapat matuto siyang magpahalaga sa ka
Chapter 13: Ilang beses siyang huminga nang malalim, naglalayon na umayos ang boses niya. Naalala niya kasing tawagan ang Nanay niya at sabihan na hindi siya nakapagpadala dahil abala siya sa trabaho kahit na hindi naman. Tiyak na aatakihin sa puso ang Nanay niya kahit na wala itong sakit sa parteng iyon ng katawan nito kapag nalaman na hinabol sila ng mga armadong lalaki at nagkabarilan ang dalawang panig.Nang sinagot ni Etang ang kaniyang tawag ay nilayo niya saglit ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang tainga bago niya pinakawalan ang isang buntonghininga. “Ate, kumusta ka? Nag-alala si Tiya dahil hindi ka raw tumawag mula pa kanina. Tinatawagan din kita pero may pagkakataon na hindi tumutunog ang cellphone mo, at madalas ay hindi mo sinasagot ang tawag ko.”“Etang, pagpasesiyahan mo na ako dahil doon. Na-silent ko ang cellphone ko.”“A, kaya pala, Ate. Sige, kausapin mo si Tiya nang sa ganoon ay mapawi ang pag-aalala niya?” Naghintay siya ng ilang segundo. Narinig niya ang
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak
Chapter 96:Isang metro na lamang ang layo ni Celine sa upuan kung saan siya nakagapos. “May nalalaman ka pang pakulo at nagbigay ka ng pekeng impormasyon. You said you are in Baguio, right? E, kung bagyuhin ko ang pagmumukha mo ngayon?!”“Celine, lumayo ako sa iyo at kay Ryllander dahil ayaw ko ng gulo! Mahirap bang hayaan na lang ako?! Kung gusto mong kunin si Ryllander, edi kunin mo siya! W-Wala na akong pakialam sa kaniya!” Sarkastikang tumawa si Celine. Pinagmasdan siya nito saglit hanggang sa hindi na nito makontrol ang sarili at siya ay sinampal nito.“Hindi na lang ito tungkol kay Ryllander, Lila! It’s about you and me. Ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. That's why you are sitting in front of me right now!”“Wala naman talagang bagay ang sa iyo, hindi ba? Kung ang pagiging head ng association ang pinuputok ng butsi mo ngayon ay gusto ko lang ipaalala sa iyo na para kay Mrs. Han ang posisyon na iyon!”“Para sa kaniya?! Walang para sa kaniya kung hi
Chapter 95:Nakaupo siya sa dulo ng kama. Walang lakas siyang suminghap. Hindi na ba titigil ang pagiging talunan niya sa mundong ito? Umiling siya nang maalala ang tinuro ng Tatay niyang namayapa na. Hindi tama na magkuwestiyon ukol sa mga hindi mabubuting bagay na dumarating at nangyayari sa buhay. Masama na gawin ang bagay na iyon dahil ang Diyos sa langit ang makakatanggap ng pagdududa. Perpekto ang Diyos at ang lahat ng ginagawa niya sa buhay ng isang tao ay may sadya. “Baby, kumapit ka lang at huwag bibitaw sa tiyan ni Mommy mo, a. Hindi kita pababayaan at kahit na nasa ganitong sitwasyon tayo ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka.”Umaga na’t hindi niya batid kung ano ang mangyayari. Pero kaniyang isinasa-Diyos ang lahat. Wala nang iba pang makakatulong sa kaniya kun’di ang Diyos lamang. Hindi siya makahingi ng tulong sa pamilya niya at kay Totoy. Kaya ay ang dalangin niya ay panatilihin lang siyang buhay upang hindi mamatay ang pag-asa na mayroon ang puso niya na matatapos di
Chapter 94:“Juice mo,” wika ni Totoy at nilagay sa tapat niya ang baso na may lamang juice. Tinitigan niya ang laman ng baso. Mukha naman itong malinis. Pero hindi pa rin maiwasan ni Ryllander ang mangamba na baka may nilagay ang lalaki sa inumin niya. Halata naman na mainit ang dugo nito sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Lila kanina ay aalis na sana siya. Pero pinigilan siya ng Ginang at sinabihan na huwag munang umalis. “Sinabi ni Tita na bukas ka na lang ng umaga aalis. May bakanteng kuwarto naman sa taas, dalawa tayo roon.”“What?”“Ano? Aalis ka? Edi, mas mababastos si Tita kapag umalis ka. Pero ikaw ang bahala. Parang wala lang naman sa iyo na nawawala si Lila nang dahil sa iyo.”“That's not what I mean. Kaya kong matulog sa bahay ni Auntie. Pero ang makasama ka sa kuwarto ay parang nagdadalawang-isip pa ako.” Umirap siya patingin sa juice. “Pati nga itong inumin na dala mo ay nakakabahalang tikman. Baka bigla na lang bubula ang bibig ko,” aniya. “A, pinagbibi
Chapter 93: Dala ng kaniyang yaman at impluwensiya ay tumungo siya sa probinsiya nina Lila. Hindi niya inisip na malayo ito at ang distansiya ay para bang isang hakbang lang kung iturin niya. Sumakay siya ng pribadong eroplano na niregalo ni James sa kaniya noong nakaraang kaarawan niya. Iniwan niya ito sa malapit na siyudad sa probinsiya nina Lila. Matirik ang araw. Nang lumabas siya sa sasakyan ay preskong hangin ang humalik sa kaniyang mukha. May mga taong pumaligid sa kaniyang sasakyan, tila ba ay namangha ang iilan, subalit ang karamihan ay nakakunot ang mga noo na tumitingin sa kaniya. Para bang isa siyang malaking masamang kuwento sa mga tao rito kung kaya’y halos maramdaman niya sa balat niya ang hapdi na dulot ng mga titig nila. Hindi niya nababatid kung paano siya kinuwento ni Lila sa mga ito kung nagkataon na umuwi rito ang babae. Huminga na lamang siya nang malalim. Ang pakay niya ay hanapin si Lila dahil gusto niyang sabihin sa babae na may nararamdaman siya para r
Chapter 92:Ang galit sa kaniyang mga mata ay hindi niya maitago pa. Kinuha niya ang kaniyang baso at agad itong tinapon. Sa kabila ng kapal nito ay nabasag pa rin ito sa maliliit na piraso. “Nahum?! Hindi puwede ang sinabi mo! Why the hell that she wasn’t there?!” “Look, Sir Ryllander, sinubukan ko siyang puntahan sa mismong bahay na tinuro ng mga kabaryo niya kung saan siya nakatira. Pasalamat nga ako dahil hindi na sila masungit sa akin. Pero wala roon si Miss Lila. Nakita ko roon ang Nanay niya at ang kaniyang nakababatang pinsan. Pero ganoon pa rin, ang sabi nila ay wala silang ideya kung nasaan si Miss Lila. Hindi raw ito umuwi sa probinsiya nila. Ang alam pa nga nila ay nasa Maynila ito at nagtatrabaho sa inyo. Sir, huwag naman po sana kayong magalit sa akin.”“Ano ang ineexpect mo sa akin, Nahum? Do you want me to applaud you? Nakakaproud ba iyan?! Matagal ko nang binigay sa iyo ang trabaho mo, Nahum! Oh come on! Not only that! Sumunod ako sa gusto mo!”“At transparent laman
Chapter 91:“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport, Manila! Please remain seated with your seatbelts fastened and keep the aisles clear until the aircraft comes to a complete stop and the cabin door is opened. Thank you for flying with us.”Halos putol-putol ang hangin na kaniyang pinakawalan nang marinig ang hudyat na iyon. Nandito na naman siya sa lugar kung saan nagsimulang maging magulo ang buhay niya. Ito ang alam niyang paraan upang lituhin ang mga taong naghahanap sa kaniya, takasan ang umaapoy na galit ni Celine, at lumayo upang hindi madamay ang mga taong mahalaga sa kaniya. Nagsalita pa ang Flight Attendant at nagbigay ng karagdagang alituntunin nang lumapag na ang eroplano sa paliparan. Sumunod siya sa mga taong hinay-hinay na lumabas mula sa bumukas na pintuan. Amoy ng hanging mainit ang hampas sa mukha niya ang siyang bumungad sa kaniya. Isang maleta lamang ang dala niya at kaniya itong dinala patungo sa loob ng gusali. Tinawid niya ang pi
Chapter 90:Ngayon ay makikipagkita si Celine kay Thon. Sa isang sikat na bar kung saan madalas na tumatambay ang mga kilalang tao at personalidad. Habang naglalakad siya sa gitna ay pinagmasdan siya ng maraming tao. Huminga siya nang malalim nang umupo siya sa tapat ng lalaking nakahalukipkip habang nagagalak sa mga babaeng nasa dancefloor na nagsasayaw. Minsan ay kanilang pinagmamasdan ang gawi ni Thon. Umiling siya at agad na binuhusan ng alak ang kupita na nasa tapat niya. Walang anu-ano’y ininom niya ang alak. Parang tubig lamang ito sa kaniyang lalamunan. Wala na siyang pakialam kung masira ang katawan niya at magkaroon siya ng taba o mad pumayat pa siya. Wala na siya sa industriya ng pagmomodelo at ang kaniyang brand ay nagdeclare na ng bankruptcy. “Dahan-dahan lang sa pag-inom, Celine.”“At bakit? Wala namang mangyayari kung mag-dahan-dahan ako, Thon!”“It’s so funny to hear that from you, Celine. Akala ko ba ay kailangan na manatili kang sexy? I think you are forgetting yo
Chapter 89:“She should not escape from me!” sigaw niya na hawak ang teleponong nakadikit sa kaniyang tainga. “Kaya gawin niyo ang lahat para madala niyo siya sa akin! And mind that I want her alive!”“Boss, ang nalaman kong impormasyon ay nasa Baguio siya ngayon. Hindi ko lang alam kung nasaan siya sa lugar na ‘yon. Wala kasing sinabing exact location ang lalaking kausap niya. Pero, Boss, dinig na dinig ko na naroon siya!”“Argh! Kung malapit ka lang sa akin ngayon, Jonas, ay sinakal na kita hanggang mamatay ka! Ano pa ang ginagawa niyo sa lugar na iyan?! Bakit hindi niyo siya hanapin sa Baguio?! Leave that place now and look for her!”“Boss—”“Stop telling me fairytales! Huwag mo akong gawing bata na hinehele mo sa pamamagitan ng iyong mga alibis, Jonas! Baka nakakalimutan mo na alam ko kung saan kayo nakatira at kung saan nag-aaral ang anak mo!”“Boss Celine, huwag mo naman idamay rito ang anak ko,” kabadong wika ng lalaki.“Then find that Adellilah as soon as possible! Suyurin mo