Chapter 4:
Nagtago siya sa gilid ng malaking bahay ni Ryllander dahil hinintay niyang makaalis muna ang amo niya bago siya pumasok sa loob. Sa hardin na siya nanatili dahil may malalaking mga halaman dito na tiyak na itatago siya at hindi ibubunyag sa kaniyang Amo na alam niyang kung makikita siya ngayon ay titirisin siya nito na para bang isang peste. “Mang Topeng?” “Dios Mio, Lila! Mamamatay ako nang maaga dahil sa iyo!” “Patawad po, Mang Topeng. Tatanungin ko lang sana kung nakaalis na si Sir Ryllander patungo sa trabaho.” “Nagmamadali siya kanina. Tiyak ako na nakaalis na siya.” Patuloy lamang sa pagtutubig ng mga halaman ang Mama. Dahil sa tugon nito ay umahon si Lila muna sa pagkakaupo sa tabi ng malaking puno ng Bougainville na namumulaklak na. “Mabuti naman kung ganoon,” aniya. “Ineng, bakit ka ba nagtatago riyan at tila takot kang magkita kayo ni Sir Ryllander.” Pinahina ng Mama ang tubig at tumingin ito nang diretso kay Lila. “Tungkol pa rin ba ito sa nangyari kaninang madaling-araw?” Inurong niya ang pagtitig sa Mama, kaniyang binato na lamang ang mga tingin niya sa tubig na lumalabas mula sa gomang pandilig. “A, o-oo, Mang Topeng.” “Bakit naman? Hindi ba ay okay na iyon at naipaliwanag niyo na na hindi niyo sinadyang dalawa ang gulo kanina na bumulaga sa aming lahat?” “Mang Topeng, okay na sana iyon. K-Kaso ay sinipa ko ang binti niya.” “Dios Mio! Ikaw talatga, Ineng! Mabuti na lamang at hindi ka niya pinahabol ng putok mula sa kahit aling baril sa kwarto niya!” “Mang Topeng, hindi ko naman sinasadya iyon. Inaamin ko na siya ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Iyong pinto talaga ang sadya kong sipain upang matulungan sana ako nito na alisin ang kahit katiting na parte ng inis na mayroon ako sa kaniya, pero binuksan niya ang pintuan kaya ay siya ang nasipa ko.” “Malakas ba ang pagsipa mo sa kaniya?” natatawang tanong ng Mama sa kaniya. Saglit siyang pumikit at inalala ang mukha ng amo niya matapos niya itong sinipa. Base sa ekspresiyon ng mukha ni Ryllander ay hustong masakit ang sipa na ginawad niya. Pinigilan niya ang sarili kanina, pero higit ring sumobra ang ugali ni Ryllander. Kung tutuusin ay pasasalamatan siya nito, subalit pinagalitan pa siya ng Amo. “Mang Topeng, base sa mukha niya ay masasabi kong napalakas ang pagsipa ko sa kaniya.” “Ineng, e, iyong Lemon Juice na sabi niya? Binigyan ka ba niya?” “Diyos ko, Mang Topeng! Walang Lemon Juice!” “Ha?” “Oo, Mang Topeng! Hindi naman talaga Lemon Juice ang ginawa niya! Wala rin namang matinong tao na gagawa ng Lemon Juice sa ibabaw ng kama, hindi po ba?!” “E, baka naman ibang juice iyon?” “Buko Juice niya ika mo! Iba talaga! Mabuti na lang dahil hindi ko nakita ang pagbulwak ng juice niya!” Habang nagkukuwento siya ay namumula ang Mamang kausap. Natatawa ito dahil sa sinasabi niya tungkol sa Amo. “Ikaw talaga. Pasalamat ka at hindi ka niya inalis sa trabaho mo agad-agad.” Naagaw ng sinabi ng mama ang kaniyang atensyon. “Po?” “Tama ang narinig mo. Ani ko ay mabuti’t hindi ka inalis ng amo mo sa iyong trabaho.” Lumingon sa paligid ang Mama. Tuluyan nitong pinatay ang tubig at binagsak sa lupa ang hawak na gomang pandilig. Lumakad patungo sa upuang yari sa semento ang Mama. Sumunod siya rito marahil ay nais marinig ang karugtong ng winika ni Mang Topeng. Umupo siya habang ang Mama naman ay nakatapak lamang ang kanang kamay sa upuan na semento. “Matagal na ako rito sa mansiyon ni Sir Ryllander, Ineng. Wala pa akong nakikitang kasambahay niya na hindi niya pinalayas matapos makagawa ng palpak. Hindi na nga nito iniisip pa ang sasabihin niya. Kapag sinabi niyang pinapalayas niya ang kasambahay ay iyon ang nangyayari ayon sa nais niya.” “Masama ang ugali ng lalaking iyon. Halos isang gabi pa nga lang ang tinagal ko rito ay para bang hindi ko na nais pang magpatuloy na pagsilbihan pa siya.” Mahinang tawa ang ganting wika ng Mama sa kaniya kaya ay napakipot ang mga kilay niya sa reaksyon ni Mang Topeng. “Bakit, Mang Topeng? Puwede naman akong mamasukan bilang kasambahay sa ibang mga bakuran dito, a. Alam ko rin na marami ang naghahanap ng mga kasambahay ngayon.” “Iyon ay kung puwde mong gawin iyon, Ineng.” “At bakit naman?” pagtataka niya. “Buhay ko naman ito. At kung ang ginastos nila sa akin ang dahilan ay kaya ko naman iyong bayaran basta ay hulug-hulugan lang.” “Hindi ka makakaalis dito kung hindi mula sa Amo mo, Ineng. Siya lang ang may kapangyarihan na paalisin ang kahit na sinong kasambahay at helper na ayaw niyang magtrabaho para sa kaniya.” “Ang unfair naman niyon, Mang Topeng!” Siya’y naghun turighininga sa kadahilanan na hindi siya sang-ayon sa patakaran ng Amo niya na nabatid niya mula kay Mang Topeng. “Lila,” tawag sa kaniya ni Lordes. Tumingin siya sa Ginang, ang mga mata nito ay para bang matulis na kutsilyong pinagsasaksak ng mga banta si Mang Topeng. “Topeng, alagaan mo na lang ang mga halaman at ang mga manok ni Sir Ryllander. Huwag kang maraming sinasabi sa bata.” “Wala naman akong sinasabi na hindi tama, Lordes. Pinaalala ko lang sa kaniya na hindi siya makakaalis dito kung hindi iyon ayon sa nais ng Amo niya.” “Lila, tumayo ka na riyan at pumasok sa loob. Huwag mong isipin ang sinabi ni Topeng. Ikaw ay mag-agahan na lamang at bilisan mong ibilad sa araw ang mga damit panloob ng Amo mo. Tandaan mo na ayaw niya nangangamoy kulob ang mga underwear niya.” Tumayo siya at tumingin kay Topeng. Tumango siya bilang hudyat na siya ay papasok na sa loob. Tiyak na nakaalis na ang Amo niya kaya ay hindi na siya nakayukong lumakad na para bang isa siyang kriminal na nagtatago sa mga awtoridad. “Anong sigaw na naman ang narinig ko kanina, Lila? Para kayong mag-asawa na hindi nakakaunawaan ng Amo mo.” “H-Ha? Wala iyon, Aling Lordes. N-Nasipa ko lang siya nang malakas.” Umiling ang Ginang sa tugon niya. “Ikaw lang talaga ang nakakagawa niyan sa lalaking iyon.” Sinamahan siya ni Lordes sa kusina at binatayan pa siya nito na parang bata na pinapakain. Hinainan siya nito, kaya ay naalala niya ang kaniyang Nanay. Ito ang ginagawa ng Nanay niya sa kaniya, lalo na kung siya ay pagod. “Aling Lordes, hindi naman po sa pagiging makating dila. Pero bakit ba ganoon si Sir Ryllander? Mainitin ang ulo at para bang walang lugar ang kasiyahan sa kaniyang buhay? Para siyang Ampalayang sinahog sa sabaw. Nakakahawa kaya ang kapaitan ng ugali niya!” “Lila, huwag mo na lang sanang usisahin pa ang buhay ng Amo mo. Kung palarin kang tumagal dito ay malalaman mo rin ang rason. Ayaw ko na isipin ni Sir Ryllander na sinisiraan ko siya sa iyo o hindi naman kaya ay ginagawa kong pulutan sa usapan ang pangalan niya kung nakatalikod ako sa kaniya.” Umismid siya, subalit naiintindihan niya ang bawat punto ni Lordes. Ngumiti siya kalaunan. Kaniyang napagtanto na dapat ay maging kagaya siya ni Lordes, ang trabaho nito ang inaatupag at hindi ang buhay ng amo niya. “Kaya siguro madali akong natanggap sa trabaho at malaki ang sahod sa trabahong ito dahil sa Amo natin.” Ang mga mata ni Lordes ay biglang nawala ang kinang. Para bang hindi makatingin sa kaniya ang Ginang. “I'm sorry, Lila. Alam ko na kapag sinabi ko sa telepono ang ugali ni Sir Ryllander ay walang mag-aapply sa trabahong hinain namin.” Hinila ni Lordes ang upuan at umupo ito. “Kapag aking sinabi na hindi madaling pagsilbihan si Sir Ryllander dahil sa kung anong uri ng tao siya ay hindi mo tatanggapin ang trabaho. Baka nga ay humindi ka o babawiin mo ang iyong oo kahit na malaki ang sahod na ibibigay sa iyo.” “Anong klase ng tao ba si Sir Ryllander, Aling Lordes? Alam ko na masungit siya at malamig kung makitungo sa iba. Subalit ako rin ay nakatitiyak na siya ay may dahilan sa likod ng lahat ng ito. Ngunit ano iyon? Mapait ba ang nakaraan na mayroon siya kaya gusto niyang pagbuntungan ang mundo—ang ibang tao?” “Lila, kung gusto mong mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na iyan ay sikapin mong manatili pa rito nang matagal. Magtiis ka at huwag susuko sa paninilbihan mo sa kaniya. Bilog ang mundo kaya posibleng ikaw ang makakapagpaamo sa kaniya at makakapagbigay ng kainitan sa kaniyang malamig na trato sa mundo—sa ibang tao o sa iyo mismo.” Parang isang misyon ang kaniyang paninilbihan kay Ryllander, lalo na at kailangan niyang patuyuin ang mga brief nito. Nang naalala niya ang trabahong kailangan niyang gawin ay niligpit niya ang kaniyang pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Bumalik na rin sa pagtatrabaho si Lordes at siya naman ay agad na tumungo sa pinag-iwanan niya ng mga underwear ni Ryllander. Kinuha niya ang laundry basket at dinala ito sa likod ng bahay. Tumingala siya at nakita niya na mamaya pang alas-diyes ang pagtama ng sikat ng araw sa pinagsasampayan ng mga labahing damit sa likod. “Mabuti pa ay doon na lang sa tapat ng bahay ako magsasampay. O hindi kaya ay sa gate na lang.” Nang nasa tapat na siya ng gate ay kaniyang sinampay sa ibabaw nito ang mga brief ni Ryllander. Makikita sa labas ang mga underwear ni Ryllander na nagmistulang mga paniking nakakapit sa taas ng gate. Hinanap niya ang guwardiya upang pagsabihan na tanurin ang mga sinampay niya, subalit wala ang guwardiyang may katungkulan ngayong araw. Umunat na lamang siya at pinagmasdan ang mga brief ni Ryllander na kumakaway sa kaniya kapag minsang masanggihan ng hangin. “Diyan lang kayo, a! Tiyak ako na madali lang kayong matutuyo dahil sa hihip ng hangin at sikat ng araw.”Chapter 5: Maayos niyang nilagay sa kaniyang mga biyas ang mga damit niya na tinutupi. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras na ayusin ang mga damit niya upang mailagay nang maayos sa kabinet sapagkat naglinis siya sa silid at nilabhan niya ang mga damit ng Amo niya.Dapit-hapon na at maganda pa rin ang araw, masinag ito at tiyak na ang mga brief na kaniyang binilad ay matutuyo mamaya. Pagkatapos niyang tupiin ang mga damit ay kaniyang nilagay ang mga ito sa kabinet. Umunat siya at ngumiti. Tumingin siya sa buong silid. Maayos na ito at hindi na makalat sa loob dahil nilaanan niya ito ng oras upang asikasuhin. Umupo siya sa sahig at nangalumbaba. Nabuo ang pangarap niya na magkaroon ng maayos na bahay noong siya ay bata pa lamang. Pirapirasong plywood lang kasi ang dingding ng bahay nila sa probinsiya at tanging ang labin-limang taon na makapal na kurtinang puno na ng mantsa ang tanging pantapal sa mga butas nito. Madalas siyang nakaririnig ng pangungutya mula sa mga kapitbahay nila.
Chapter 6: Napapadaing siya sa sakit sa t’wing lumalapat sa kaniyang balat ang telang may nakabalot na yelo sa loob nito. Nagmarka ang bawat daliri ng Amo niya sa kaniyang balat. Nabalatan pa ang braso niya sa pagpiga ng Amo niya sa kaniyang braso kanina. Masakit ang laman at mahapdi naman ang ibabaw na parte nito. “Dahanin mo ang bata, Lordes. Ikaw, batid mong bago pa lang itong si Lila ay hindi mo siya tinanod. Hindi niya pa alam ang buong patakaran ni Sir Ryllander, tapos ikaw, wala kang ginawa. Ikaw ang nagpapasok kay Lila rito, kaya obligasyon mong sabihan siya tungkol sa kahit na anong patakaran ng Amo mong pinaglihi sa isanglibong demonyo na mula pa sa Mesopotamia!”“Aba! Hindi ko naman napansin na doon pala binilad nitong si Lila ang mga underwear ni Sir Ryllander. Ikaw ang nasa hardin buong araw pero wala kang ginawa. Imposibleng hindi mo nakita si Lila.” “Ikaw ang huling nakausap ng bata! Sinabihan mo pa siya kanina na ibilad na ang mga brief ni Sir Ryllander.”“Aray ko
Chapter 7:Isang madilim na sulok ang kaniyang kinatatayuan, nanatiling kumakabog ang tibok ng kaniyang puso dulot ng takot niya sa isang aninong papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Sumikip ang dibdib niya’t halos hindi na niya mahabol ang sariling hininga. Nawawalan siya ng lakas at ang nais lamang niya'y magising kung siya'y binabangungot man. Nakasuot ang anino ng tsaketang may talukbong kaya'y hindi niya makilala ito. Pumaibaba ang lumuluha at nanlalaking mga mata niya upang titigan ang kamay nito. Isang pistol ang kinasa ng anino. Sumunod lang sa kilos ng kamay ng lalaki ang kaniyang titig. Ang mosyon ng kamay ng lalaki ay paangat hanggang sa maitutok nito sa kaniya ang pistol. Ang mga kamay niya ay nanginginig na humarang sa sentro ng pistol kahit alam niyang hindi siya kayang protektahan ng mga palad niya laban sa balang iluluwa ng baril na hawak ng lalaki. “M-Maawa ka sa akin. W-Wala naman akong g-ginawang masama sa i-iyo,” nauutal niyang sabi. Nanatiling nakatutok ang pi
Chapter 8:Ang galit niya at inis sa Celine na iyon ang dahilan upang mabilis niyang natapos ang nilabhan niyang kumot at mga hapin ng kama. “Ineng, bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo? Nag-away na naman kayo ng Amo mo?”“Wala naman pong bago roon, Mang Topeng. At sa pagtutuwid lamang ng iyong winika, hindi po kami nag-aaway. Siya lang naman ang palaging umaaway sa akin.”“E, bakit ganiyan ang ekspresiyon ng iyong mukha? Tila ba ay daig mo ang petsa de peligro. ‘Yan ba ay dulot ng pagpapalaba niya sa iyo ng mga makakapal na hapin at kumot?”Tinaas niya ang kaniyang mga kamay at umunat. Inabot niya ang kaniyang batok at marahan niya itong minasahe. Namanhid kasi ito dahil sa kaniyang pagyuko. Pagkatapos ay kaniyang tiningnan ang Mama.“Mang Topeng, kahit isang sakong hapin at kumot ang lalabhan ko ay hindi ako bubusangot. Para saan ba at naging katulong ako sa mansiyon na ito kung hindi ko gagawin ang mga trabahong nakatalaga sa akin at magrereklamo lang ako?”Kaunting tango ng Mama na
Chapter 9:Titig na titig si Lila sa kard tawagan na hawak niya. Nasa loob siya ng kaniyang silid at nagpapahinga, halos gabi na kasi nang siya ay makauwi mula sa pamilihan. Masakit nga ang kaniyang mga balikat at mga paa marahil iyon ay dulot ng kaniyang paglalakad sa malawak na pamilihan kanina. Kaya ay pagkatapos niyang kumain at hatdan ng pakain ang Amo niya ay nagpahinga na siya.Kahit na pagod siya ay hindi matinag ang kaniyang tuwa. Akala niya ay walang guwapong lalaki ang mayroong mabuting puso rito sa Maynila, pero nagkamali siya dahil kanina ay nagkatagpo sila ni Anthony. “Anthony Pullido,” bulong niya ng pangalan ng lalaking nagpumilit na magpalitan sila ng numero. “Mabuti ka pa dahil hindi ka suplado tulad ng Amo kong si Ryllander.” Paulit-ulit niyang naririnig ang mga papuri na sinabi ni Anthony sa kaniya kaya ganoon na lamang kung siya ay makangiti. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya sa nga panahon na iyon kaniya. Ayaw niyang itago na siya ay nahahaling sa lalaki. M
Chapter 10: Sibuyas, Luya, paminta at karots ang sinahog niya sa lugaw na hinanda niya paa sa Amo niyang mataas ang lagnat. Tumingin siya sa orasan sa ibabaw ng lababo, tumuro ang mahabang galamay nito sa numero 1. Kaya pala ay nag-aantok na siya dahil ilang oras na lang ang nalalabi ay titilaok na ang mga tandang na alaga ng Amo niya. Halos masarado na ang talukap ng kaniyang mga mata subalit nagsumige pa rin siya sa paglulugay ng lugaw. “Lila, bakit gising ka pa?” Lumingon siya kay Lordes at pinilit na ngumiti kahit pagod siya at naaantok na talaga. Lumapit sa kaniya ang Ginang at sinilip ang laman ng kaldero. “Nagutom ka ba, Lila? May mga pagkain pa naman sa ref. Puwede mong initin sa oven ang mga iyon. Pinagod mo pa ang sarili mo na magluto ng lugaw. Hindi ka rin mabubusog niyan.” Umiling si Lila. Tinaktak niya ang sandok at pinahina ang apoy ng kalan de kuriyente. Kumuha siya ng tubig at uminom siya upang mawala ang antok niya. “Hindi po para sa akin ang lugaw na
Chapter 11:Higit isang buwan na siya sa mansiyon. Ngayong araw niya ipapadala ang pera na kaniyang inipon mula nang siya ay nandito sa mansiyon, isasabay niya sa kalahating sahod niya na nilaan para sa gastusin ng Nanay niya at ni Etang. Nakukuha na niya ang timpla ng ugali ni Ryllander, pero hindi pa rin maalis sa Amo niya ang taglay nitong kalamigan sa kaniya at ang pagiging suplado nito. Minsan iniisip niya na lang na nag-aalaga siya ng isang bata na hindi pa sakto sa edad kaya’y kailangan niyang aralin sa bawat araw na dumarating kung paano ito mas paamuin pa.Araw ng sabado, kaya ay iilan lang na mga kasambahay ang nasa mansiyon. Nahihiya siyang humingi ng tulong sa mga kasamahan niya rito. Wala kasi sina Lordes at Topeng. Naabutan siya ng Amo niya na siya’y kanina pa palakad-lakad sa balkonahe ng mansiyon. Tumigil siya sa paglalakad at agad na inalis ang sarili sa gitna upang makadaan si Ryllander. Inaayos ng Amo niya ang butones ng longslib na suot nito. Bakas sa mukha ng l
Chapter 12:Hindi natuloy ang pagpapadala niya ng pera sa probinsiya. Buong araw siyang wala sa sarili buhat nang paulit-ulit niyang naririnig ang bawat putok ng baril kanina, nakikita niya sa kaniyang isipan ang bawat pagtilapon ng mga taong binaril ng amo niya at ang pagsabog ng sasakyan ng mga taong sa tingin niya ay katunggali ni Ryllander.Hindi rin natuloy sa pakikipagkita ang Amo niya sa kung sino mang sinabi nitong importanteng tao na kakausapin niya sa araw na ito. Tumuloy sila sa gusali ng kompanya ni Ryllander at dinala siya ng lalaki sa opisina nito. Malayo na rin kasi kung babalik sila sa mansiyon kanina, kaya’y nagdesisyon ang Amo niyang dumiretso na lang sa opisina nito.Paminsan-minsan niyang sinusulyapan ang Amo niyang para bang wala lang rito ang ginawa. Pumatay ito ng ilang tao, subalit wala man lang nakitang badha ng konsensiya sa mga mata nito. Pinalaking may takot sa Taas si Lila. Ang pangaral ng kaniyang namayapang Tatay ay dapat matuto siyang magpahalaga sa ka
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak
Chapter 96:Isang metro na lamang ang layo ni Celine sa upuan kung saan siya nakagapos. “May nalalaman ka pang pakulo at nagbigay ka ng pekeng impormasyon. You said you are in Baguio, right? E, kung bagyuhin ko ang pagmumukha mo ngayon?!”“Celine, lumayo ako sa iyo at kay Ryllander dahil ayaw ko ng gulo! Mahirap bang hayaan na lang ako?! Kung gusto mong kunin si Ryllander, edi kunin mo siya! W-Wala na akong pakialam sa kaniya!” Sarkastikang tumawa si Celine. Pinagmasdan siya nito saglit hanggang sa hindi na nito makontrol ang sarili at siya ay sinampal nito.“Hindi na lang ito tungkol kay Ryllander, Lila! It’s about you and me. Ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. That's why you are sitting in front of me right now!”“Wala naman talagang bagay ang sa iyo, hindi ba? Kung ang pagiging head ng association ang pinuputok ng butsi mo ngayon ay gusto ko lang ipaalala sa iyo na para kay Mrs. Han ang posisyon na iyon!”“Para sa kaniya?! Walang para sa kaniya kung hi
Chapter 95:Nakaupo siya sa dulo ng kama. Walang lakas siyang suminghap. Hindi na ba titigil ang pagiging talunan niya sa mundong ito? Umiling siya nang maalala ang tinuro ng Tatay niyang namayapa na. Hindi tama na magkuwestiyon ukol sa mga hindi mabubuting bagay na dumarating at nangyayari sa buhay. Masama na gawin ang bagay na iyon dahil ang Diyos sa langit ang makakatanggap ng pagdududa. Perpekto ang Diyos at ang lahat ng ginagawa niya sa buhay ng isang tao ay may sadya. “Baby, kumapit ka lang at huwag bibitaw sa tiyan ni Mommy mo, a. Hindi kita pababayaan at kahit na nasa ganitong sitwasyon tayo ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka.”Umaga na’t hindi niya batid kung ano ang mangyayari. Pero kaniyang isinasa-Diyos ang lahat. Wala nang iba pang makakatulong sa kaniya kun’di ang Diyos lamang. Hindi siya makahingi ng tulong sa pamilya niya at kay Totoy. Kaya ay ang dalangin niya ay panatilihin lang siyang buhay upang hindi mamatay ang pag-asa na mayroon ang puso niya na matatapos di
Chapter 94:“Juice mo,” wika ni Totoy at nilagay sa tapat niya ang baso na may lamang juice. Tinitigan niya ang laman ng baso. Mukha naman itong malinis. Pero hindi pa rin maiwasan ni Ryllander ang mangamba na baka may nilagay ang lalaki sa inumin niya. Halata naman na mainit ang dugo nito sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Lila kanina ay aalis na sana siya. Pero pinigilan siya ng Ginang at sinabihan na huwag munang umalis. “Sinabi ni Tita na bukas ka na lang ng umaga aalis. May bakanteng kuwarto naman sa taas, dalawa tayo roon.”“What?”“Ano? Aalis ka? Edi, mas mababastos si Tita kapag umalis ka. Pero ikaw ang bahala. Parang wala lang naman sa iyo na nawawala si Lila nang dahil sa iyo.”“That's not what I mean. Kaya kong matulog sa bahay ni Auntie. Pero ang makasama ka sa kuwarto ay parang nagdadalawang-isip pa ako.” Umirap siya patingin sa juice. “Pati nga itong inumin na dala mo ay nakakabahalang tikman. Baka bigla na lang bubula ang bibig ko,” aniya. “A, pinagbibi
Chapter 93: Dala ng kaniyang yaman at impluwensiya ay tumungo siya sa probinsiya nina Lila. Hindi niya inisip na malayo ito at ang distansiya ay para bang isang hakbang lang kung iturin niya. Sumakay siya ng pribadong eroplano na niregalo ni James sa kaniya noong nakaraang kaarawan niya. Iniwan niya ito sa malapit na siyudad sa probinsiya nina Lila. Matirik ang araw. Nang lumabas siya sa sasakyan ay preskong hangin ang humalik sa kaniyang mukha. May mga taong pumaligid sa kaniyang sasakyan, tila ba ay namangha ang iilan, subalit ang karamihan ay nakakunot ang mga noo na tumitingin sa kaniya. Para bang isa siyang malaking masamang kuwento sa mga tao rito kung kaya’y halos maramdaman niya sa balat niya ang hapdi na dulot ng mga titig nila. Hindi niya nababatid kung paano siya kinuwento ni Lila sa mga ito kung nagkataon na umuwi rito ang babae. Huminga na lamang siya nang malalim. Ang pakay niya ay hanapin si Lila dahil gusto niyang sabihin sa babae na may nararamdaman siya para r
Chapter 92:Ang galit sa kaniyang mga mata ay hindi niya maitago pa. Kinuha niya ang kaniyang baso at agad itong tinapon. Sa kabila ng kapal nito ay nabasag pa rin ito sa maliliit na piraso. “Nahum?! Hindi puwede ang sinabi mo! Why the hell that she wasn’t there?!” “Look, Sir Ryllander, sinubukan ko siyang puntahan sa mismong bahay na tinuro ng mga kabaryo niya kung saan siya nakatira. Pasalamat nga ako dahil hindi na sila masungit sa akin. Pero wala roon si Miss Lila. Nakita ko roon ang Nanay niya at ang kaniyang nakababatang pinsan. Pero ganoon pa rin, ang sabi nila ay wala silang ideya kung nasaan si Miss Lila. Hindi raw ito umuwi sa probinsiya nila. Ang alam pa nga nila ay nasa Maynila ito at nagtatrabaho sa inyo. Sir, huwag naman po sana kayong magalit sa akin.”“Ano ang ineexpect mo sa akin, Nahum? Do you want me to applaud you? Nakakaproud ba iyan?! Matagal ko nang binigay sa iyo ang trabaho mo, Nahum! Oh come on! Not only that! Sumunod ako sa gusto mo!”“At transparent laman
Chapter 91:“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport, Manila! Please remain seated with your seatbelts fastened and keep the aisles clear until the aircraft comes to a complete stop and the cabin door is opened. Thank you for flying with us.”Halos putol-putol ang hangin na kaniyang pinakawalan nang marinig ang hudyat na iyon. Nandito na naman siya sa lugar kung saan nagsimulang maging magulo ang buhay niya. Ito ang alam niyang paraan upang lituhin ang mga taong naghahanap sa kaniya, takasan ang umaapoy na galit ni Celine, at lumayo upang hindi madamay ang mga taong mahalaga sa kaniya. Nagsalita pa ang Flight Attendant at nagbigay ng karagdagang alituntunin nang lumapag na ang eroplano sa paliparan. Sumunod siya sa mga taong hinay-hinay na lumabas mula sa bumukas na pintuan. Amoy ng hanging mainit ang hampas sa mukha niya ang siyang bumungad sa kaniya. Isang maleta lamang ang dala niya at kaniya itong dinala patungo sa loob ng gusali. Tinawid niya ang pi
Chapter 90:Ngayon ay makikipagkita si Celine kay Thon. Sa isang sikat na bar kung saan madalas na tumatambay ang mga kilalang tao at personalidad. Habang naglalakad siya sa gitna ay pinagmasdan siya ng maraming tao. Huminga siya nang malalim nang umupo siya sa tapat ng lalaking nakahalukipkip habang nagagalak sa mga babaeng nasa dancefloor na nagsasayaw. Minsan ay kanilang pinagmamasdan ang gawi ni Thon. Umiling siya at agad na binuhusan ng alak ang kupita na nasa tapat niya. Walang anu-ano’y ininom niya ang alak. Parang tubig lamang ito sa kaniyang lalamunan. Wala na siyang pakialam kung masira ang katawan niya at magkaroon siya ng taba o mad pumayat pa siya. Wala na siya sa industriya ng pagmomodelo at ang kaniyang brand ay nagdeclare na ng bankruptcy. “Dahan-dahan lang sa pag-inom, Celine.”“At bakit? Wala namang mangyayari kung mag-dahan-dahan ako, Thon!”“It’s so funny to hear that from you, Celine. Akala ko ba ay kailangan na manatili kang sexy? I think you are forgetting yo
Chapter 89:“She should not escape from me!” sigaw niya na hawak ang teleponong nakadikit sa kaniyang tainga. “Kaya gawin niyo ang lahat para madala niyo siya sa akin! And mind that I want her alive!”“Boss, ang nalaman kong impormasyon ay nasa Baguio siya ngayon. Hindi ko lang alam kung nasaan siya sa lugar na ‘yon. Wala kasing sinabing exact location ang lalaking kausap niya. Pero, Boss, dinig na dinig ko na naroon siya!”“Argh! Kung malapit ka lang sa akin ngayon, Jonas, ay sinakal na kita hanggang mamatay ka! Ano pa ang ginagawa niyo sa lugar na iyan?! Bakit hindi niyo siya hanapin sa Baguio?! Leave that place now and look for her!”“Boss—”“Stop telling me fairytales! Huwag mo akong gawing bata na hinehele mo sa pamamagitan ng iyong mga alibis, Jonas! Baka nakakalimutan mo na alam ko kung saan kayo nakatira at kung saan nag-aaral ang anak mo!”“Boss Celine, huwag mo naman idamay rito ang anak ko,” kabadong wika ng lalaki.“Then find that Adellilah as soon as possible! Suyurin mo