Chapter 6:
Napapadaing siya sa sakit sa t’wing lumalapat sa kaniyang balat ang telang may nakabalot na yelo sa loob nito. Nagmarka ang bawat daliri ng Amo niya sa kaniyang balat. Nabalatan pa ang braso niya sa pagpiga ng Amo niya sa kaniyang braso kanina. Masakit ang laman at mahapdi naman ang ibabaw na parte nito. “Dahanin mo ang bata, Lordes. Ikaw, batid mong bago pa lang itong si Lila ay hindi mo siya tinanod. Hindi niya pa alam ang buong patakaran ni Sir Ryllander, tapos ikaw, wala kang ginawa. Ikaw ang nagpapasok kay Lila rito, kaya obligasyon mong sabihan siya tungkol sa kahit na anong patakaran ng Amo mong pinaglihi sa isanglibong demonyo na mula pa sa Mesopotamia!” “Aba! Hindi ko naman napansin na doon pala binilad nitong si Lila ang mga underwear ni Sir Ryllander. Ikaw ang nasa hardin buong araw pero wala kang ginawa. Imposibleng hindi mo nakita si Lila.” “Ikaw ang huling nakausap ng bata! Sinabihan mo pa siya kanina na ibilad na ang mga brief ni Sir Ryllander.” “Aray ko po,” napangiwing daing niya. Tumingin siya nang salitan sa dalawang matanda na nag-aalala sa kaniya. “H'wag na po kayong mag-away. Walang may kasalanan sa inyo sa nangyari. Ako ang may kasalanan. Gusto ko lang naman na matuwa siya sa akin. Pero sa halip na matuwa ay parang sasabog siya sa galit niya sa akin.” “O, ‘yan. Tapos na. Magpahinga ka muna.” “Hindi na po, Aling Lordes. Kailangan ko pang labhan ulit ang mga brief ni Sir Ryllander.” “Marami naman siguro siyang reserba na underwear sa aparador niya. Hayaan mo na muna ang mga underwear na naging dahilan ng mga pasa mo sa iyong braso,” suhestiyon ni Mang Topeng sa kaniya. Gusto niyang maiyak sapagkat nakita niya sa mga matanda na tunay ang asikoso ng mga ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay mga magulang niya ito na nag-aalala sa kaniyang kalagayan. “Maraming salamat sa inyong dalawa, Mang Topeng, Aling Lordes. Kung wala kayo ay hindi ko alam paano ko pangasiwaan ang sitwasyon na ito. Wala pa naman akong kakilala sa Maynila at wala rin akong kapamilya rito.” “Ineng, kahit tanungin mo ang mga nakababatang kasamahan namin dito ay palagi kaming nandiyan para sa kanila kapag kailangan nila ng makausap at mapagsumbungan ng mga problema na kanilang dinadala sa buhay.” “Tama si Topeng, Lila. Mukha lang kaming palaging magka-galit at nag-aaway pero kami ang tumatayong sandigan ng mga kasamahan natin dito. Kaya ikaw, huwag mong isipin na ikaw lang mag-isa sa Maynila at wala kang kapamilya dahil nandito kaming dalawa ni Mang Topeng mo. Handa kaming helehin ka kapag kailangan mo ang kalinga at pagmamahal ng mga magulang. Habang wala sa tabi mo ang iyong Nanay ay kami ni Topeng ang magiging magulang mo pansamantala.” Nakangiti siya subalit ang ilang butil ng luha niya ay pumatak mula sa kaniyang mga mata. Kasunod nito ay ang kaniyang pagyakap sa dalawa bilang pasasalamat. - Isang lingggo ang lumipas mula nang piniga ni Ryllander ang kaniyang braso. Hindi na masakit ang braso niya, pero mayroon pa rin itong pasa. Suot niya ang palda ng yuniporme niya subalit ang pantaas niya’y sando lamang. Dala niya ang bandeha kung saan maayos na nakalatag ang almusal ng Amo niya. “Sir? Papasok na po ako dala ang iyong almusal.” “Come in,” wika nito mula sa loob. Lumakad siya patungo sa higaan ng kaniyang Amo. Nang inangat niya ang kaniyang sulyap ay tumigil siya sa paghakbang. Tinulak niya sa isa't isa ang mga labi niya nang makita ang ginagawa nito. Naglilinis ng pistol ang Amo niya at sa ibabaw ng puting hapin ng kama nito ay nakalatag ang isang kulindang ng bala na parang maliliit na kanyon, at mayroon ring nakakalat lamang doon. Lumunok siya at pilit binabawi ang kalmadong huwisyo. Subalit ay nanginginig ang mga kamay niya. Tuloy ay naalog ang baso ng gatas na nasa gilid sa ibabaw ng bandeha. “Diyos ko,” bulong niya. Nangangamba siyang makagawa ng kapalpakan ngayong umaga na ito. Sa tingin niya ay hindi mahirap para kay Ryllander na barilin siya kapag nakagawa siya ng bagay na ikagagalit nito. Hangad niya ay maging matiwasay ang umagang ito at lubayan siya ng pagiging padaskul-daskol niya. “Lila, mamaya pa ako matatapos sa ginagawa ko. Malapad ang kama ko kaya ay puwede mong ilagay ang tray na iyan sa tabi ng mga bala na iyan.” “S-Sige po, sir.” Inangat ng Amo niya mula sa pinupunasang gatilyo ng pistol ang titig at binato ito sa kaniya. Marahang pag-hinga ang kaniyang ginawa habang nilagay niya ang tray sa kama, sinisikap niyang maging kalmado sa kabila ng takot niya na magkamali. Gayunpaman ay nasagi ng likod ng kaniyang daliri ang bala ng pistol ni Ryllander kaya'y gumulong ito sa nakahigang binti ng lalaki. Hindi maputi ang Amo niya, subalit ay makinis ang balat nito at bagay pa ang kulot na buhok sa binti nito. Tumigil sa ginagawa ang Amo niya kaya'y kiming ngiti lang ang naiguhit ng kaniyang mga labi nang mag-tama ang mga titig nila. Umahon siya at umatras. Ang mga talukap ng mga mata ni Ryllander ay gumalaw, mayamaya ay bumaba ang titig nito sa kaniyang braso. “Sinadya mo bang magsuot ng sando upang makita ko ang pasa mo, Adellilah? Kung iniisip mo ang posibilidad na tumubo ang konsensiya sa puso ko at magbunga ito ng paghingi ko ng tawad ay nagkakamali ka. I don't feel conscience for the people who are stupid enough to do mistakes in just a day.” “W-Wala naman po akong sinabing ganiyan, sir. Mauuna na lang po akong bumaba dahil may gagawin pa ako.” “No. You'll stay here and wait until I finish my food. H'wag mong gawing apisyon mo ang paglabas-pasok sa kuwarto ko, Miss Maid. I don't want you to enter my room when I am not here. Papasok ka lang dito kapag nandito ako. I hope you understand.” “Oo po. N-Naiintindihan ko po.” Umatras pa siya ng isang hakbang at yumuko nang tuluyan. Nanatiling nakadahilig ang isang braso niya at tinakpan ng kaniyang kamay ang mga pasa sa kaniyang braso. Ang silid ay naging tahimik sa loob ng ilang minuto. Lihim niyang sinulyapan ang bandeha na hindi pa ginalaw ng Amo niya. Kumain na sana ang Amo niya upang siya'y makaalis na sa silid na ito na parang tinarangkahang kuweba. “Miss Maid, natatakot ka ba sa akin?” “P-Po?” “I'm asking you if you feel afraid when I'm around. Natatakot ka ba?” Lumunok siya. Ilang segundo lang ang lumipas, pero gumilid sa kaniyang noo ang mga butil ng pawis niya. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang itutugon sa tanong na iyon na hindi siya pagagalitan ng Amo niya. “S-Sir, anong sagot ba ang nais niyong marinig? Iyong hindi k-kayo magagalit?” Tumayo ang Amo niya at nilaro nito ang gatilyo ng baril nito habang lumalakad patungo sa kaniya. Ang mga mata niya'y unti-unting nanunubig sa takot. Humakbang siya paatras hanggang wala na siyang aatrasan pa. Tumama ang likod niya sa pader at tinutulak niya ito kahit alam niyang hindi ito matinag. Nangangatog ang kaniyang mga tuhod nang sampilungin ng Amo niya ang pader malapit sa kaliwang parte ng kaniyang ulo, kaya'y napatitig siya sa kaliwang bahagi ng pader. Nanlaki ang mga mata niya nang tinutok ni Ryllander ang dulo ng pistol nito sa tabi ng ulo niya hanggang sa tuluyan itong madikit sa pader. “Natatakot ka ba sa akin, Miss Maid?” Humarap siya sa amo niyang halos madikit sa kaniya ang katawan nito. Yumuko si Ryllander kaya ay mas nasikipan si Lila sa maliit na espasyo kung saan siya nabakod ng Amo niya. “S-Sir, h-hindi po ako makahinga,” aniya bago namanhid ang katawan niya at dumilim ang kaniyang buong paligid.Chapter 7:Isang madilim na sulok ang kaniyang kinatatayuan, nanatiling kumakabog ang tibok ng kaniyang puso dulot ng takot niya sa isang aninong papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Sumikip ang dibdib niya’t halos hindi na niya mahabol ang sariling hininga. Nawawalan siya ng lakas at ang nais lamang niya'y magising kung siya'y binabangungot man. Nakasuot ang anino ng tsaketang may talukbong kaya'y hindi niya makilala ito. Pumaibaba ang lumuluha at nanlalaking mga mata niya upang titigan ang kamay nito. Isang pistol ang kinasa ng anino. Sumunod lang sa kilos ng kamay ng lalaki ang kaniyang titig. Ang mosyon ng kamay ng lalaki ay paangat hanggang sa maitutok nito sa kaniya ang pistol. Ang mga kamay niya ay nanginginig na humarang sa sentro ng pistol kahit alam niyang hindi siya kayang protektahan ng mga palad niya laban sa balang iluluwa ng baril na hawak ng lalaki. “M-Maawa ka sa akin. W-Wala naman akong g-ginawang masama sa i-iyo,” nauutal niyang sabi. Nanatiling nakatutok ang pi
Chapter 8:Ang galit niya at inis sa Celine na iyon ang dahilan upang mabilis niyang natapos ang nilabhan niyang kumot at mga hapin ng kama. “Ineng, bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo? Nag-away na naman kayo ng Amo mo?”“Wala naman pong bago roon, Mang Topeng. At sa pagtutuwid lamang ng iyong winika, hindi po kami nag-aaway. Siya lang naman ang palaging umaaway sa akin.”“E, bakit ganiyan ang ekspresiyon ng iyong mukha? Tila ba ay daig mo ang petsa de peligro. ‘Yan ba ay dulot ng pagpapalaba niya sa iyo ng mga makakapal na hapin at kumot?”Tinaas niya ang kaniyang mga kamay at umunat. Inabot niya ang kaniyang batok at marahan niya itong minasahe. Namanhid kasi ito dahil sa kaniyang pagyuko. Pagkatapos ay kaniyang tiningnan ang Mama.“Mang Topeng, kahit isang sakong hapin at kumot ang lalabhan ko ay hindi ako bubusangot. Para saan ba at naging katulong ako sa mansiyon na ito kung hindi ko gagawin ang mga trabahong nakatalaga sa akin at magrereklamo lang ako?”Kaunting tango ng Mama na
Chapter 9:Titig na titig si Lila sa kard tawagan na hawak niya. Nasa loob siya ng kaniyang silid at nagpapahinga, halos gabi na kasi nang siya ay makauwi mula sa pamilihan. Masakit nga ang kaniyang mga balikat at mga paa marahil iyon ay dulot ng kaniyang paglalakad sa malawak na pamilihan kanina. Kaya ay pagkatapos niyang kumain at hatdan ng pakain ang Amo niya ay nagpahinga na siya.Kahit na pagod siya ay hindi matinag ang kaniyang tuwa. Akala niya ay walang guwapong lalaki ang mayroong mabuting puso rito sa Maynila, pero nagkamali siya dahil kanina ay nagkatagpo sila ni Anthony. “Anthony Pullido,” bulong niya ng pangalan ng lalaking nagpumilit na magpalitan sila ng numero. “Mabuti ka pa dahil hindi ka suplado tulad ng Amo kong si Ryllander.” Paulit-ulit niyang naririnig ang mga papuri na sinabi ni Anthony sa kaniya kaya ganoon na lamang kung siya ay makangiti. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya sa nga panahon na iyon kaniya. Ayaw niyang itago na siya ay nahahaling sa lalaki. M
Chapter 10: Sibuyas, Luya, paminta at karots ang sinahog niya sa lugaw na hinanda niya paa sa Amo niyang mataas ang lagnat. Tumingin siya sa orasan sa ibabaw ng lababo, tumuro ang mahabang galamay nito sa numero 1. Kaya pala ay nag-aantok na siya dahil ilang oras na lang ang nalalabi ay titilaok na ang mga tandang na alaga ng Amo niya. Halos masarado na ang talukap ng kaniyang mga mata subalit nagsumige pa rin siya sa paglulugay ng lugaw. “Lila, bakit gising ka pa?” Lumingon siya kay Lordes at pinilit na ngumiti kahit pagod siya at naaantok na talaga. Lumapit sa kaniya ang Ginang at sinilip ang laman ng kaldero. “Nagutom ka ba, Lila? May mga pagkain pa naman sa ref. Puwede mong initin sa oven ang mga iyon. Pinagod mo pa ang sarili mo na magluto ng lugaw. Hindi ka rin mabubusog niyan.” Umiling si Lila. Tinaktak niya ang sandok at pinahina ang apoy ng kalan de kuriyente. Kumuha siya ng tubig at uminom siya upang mawala ang antok niya. “Hindi po para sa akin ang lugaw na
Chapter 11:Higit isang buwan na siya sa mansiyon. Ngayong araw niya ipapadala ang pera na kaniyang inipon mula nang siya ay nandito sa mansiyon, isasabay niya sa kalahating sahod niya na nilaan para sa gastusin ng Nanay niya at ni Etang. Nakukuha na niya ang timpla ng ugali ni Ryllander, pero hindi pa rin maalis sa Amo niya ang taglay nitong kalamigan sa kaniya at ang pagiging suplado nito. Minsan iniisip niya na lang na nag-aalaga siya ng isang bata na hindi pa sakto sa edad kaya’y kailangan niyang aralin sa bawat araw na dumarating kung paano ito mas paamuin pa.Araw ng sabado, kaya ay iilan lang na mga kasambahay ang nasa mansiyon. Nahihiya siyang humingi ng tulong sa mga kasamahan niya rito. Wala kasi sina Lordes at Topeng. Naabutan siya ng Amo niya na siya’y kanina pa palakad-lakad sa balkonahe ng mansiyon. Tumigil siya sa paglalakad at agad na inalis ang sarili sa gitna upang makadaan si Ryllander. Inaayos ng Amo niya ang butones ng longslib na suot nito. Bakas sa mukha ng l
Chapter 12:Hindi natuloy ang pagpapadala niya ng pera sa probinsiya. Buong araw siyang wala sa sarili buhat nang paulit-ulit niyang naririnig ang bawat putok ng baril kanina, nakikita niya sa kaniyang isipan ang bawat pagtilapon ng mga taong binaril ng amo niya at ang pagsabog ng sasakyan ng mga taong sa tingin niya ay katunggali ni Ryllander.Hindi rin natuloy sa pakikipagkita ang Amo niya sa kung sino mang sinabi nitong importanteng tao na kakausapin niya sa araw na ito. Tumuloy sila sa gusali ng kompanya ni Ryllander at dinala siya ng lalaki sa opisina nito. Malayo na rin kasi kung babalik sila sa mansiyon kanina, kaya’y nagdesisyon ang Amo niyang dumiretso na lang sa opisina nito.Paminsan-minsan niyang sinusulyapan ang Amo niyang para bang wala lang rito ang ginawa. Pumatay ito ng ilang tao, subalit wala man lang nakitang badha ng konsensiya sa mga mata nito. Pinalaking may takot sa Taas si Lila. Ang pangaral ng kaniyang namayapang Tatay ay dapat matuto siyang magpahalaga sa ka
Chapter 13: Ilang beses siyang huminga nang malalim, naglalayon na umayos ang boses niya. Naalala niya kasing tawagan ang Nanay niya at sabihan na hindi siya nakapagpadala dahil abala siya sa trabaho kahit na hindi naman. Tiyak na aatakihin sa puso ang Nanay niya kahit na wala itong sakit sa parteng iyon ng katawan nito kapag nalaman na hinabol sila ng mga armadong lalaki at nagkabarilan ang dalawang panig.Nang sinagot ni Etang ang kaniyang tawag ay nilayo niya saglit ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang tainga bago niya pinakawalan ang isang buntonghininga. “Ate, kumusta ka? Nag-alala si Tiya dahil hindi ka raw tumawag mula pa kanina. Tinatawagan din kita pero may pagkakataon na hindi tumutunog ang cellphone mo, at madalas ay hindi mo sinasagot ang tawag ko.”“Etang, pagpasesiyahan mo na ako dahil doon. Na-silent ko ang cellphone ko.”“A, kaya pala, Ate. Sige, kausapin mo si Tiya nang sa ganoon ay mapawi ang pag-aalala niya?” Naghintay siya ng ilang segundo. Narinig niya ang
Chapter 14: Kulang na lang ay isa-isahin na alisin ni Anthony ang kahit na maliliit na bato sa kaniyang dinaanan papasok sa restawran. Siya na nga itong nahiya sa lalaki. Para bang isa siyang maharlika kung iturin nito. Maging ang paghila ng upuan ay ang lalaki ang gumawa. Ayaw naman paawat ng lalaki sa ginagawa nito. Sa katunayan ay nagiging hindi na siya komportable. “Here are your orders, Ma'am and Sir.” Nilapag ng serbidor ang mga pagkain na inorder ng lalaki para sa kanilang dalawa. “Thank you,” pagpapasalamat ni Anthony sa serbidor.Bakas sa mukha ni Anthony na tuwang-tuwa ito habang nakatingin sa kaniya. Daig pa ng lalaki ang bata na nanalo sa palaro kung bumungisingis ito. Hindi maalis ang ngiti ng lalaki na naging dahilan ng pagkapermanenteng singkit ng mga mata nito.“Alam mo ba, Adellilah? Parang dream come true itong nangyayari ngayon. Halos isang buwan na rin akong hindi makatulog nang maayos kaiisip kung paano kita makikita o matatawagan. Gusto ko na nga lang sumugo
Chapter 62:Halos magsusumigaw siya sa paghingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kaniya dahil tiyak ay tulog na ang mga katulong. Nahapdi na ang braso niya. Lubos ang takot niya sa lalaking nakatitig sa kaniya ngayon. Hindi na niya kilala ang Amo niya. Para bai tong may sapi ng diyablos.“Sir, t-tama na po,” pagmamakaawa niya sa lalaki.Tinapon siya nito sa sahig. Marahan niyang inahon ang sarili na magulo ang buhok at ang kaninang magandang damit ay napunit na.“Bakit kailangan mo akong suwayin nang ilang beses, Miss Maid?!” tanong nito sa kaniya. “At bakit kailangan ang lalaking iyon pa ang kinausap mo kanina?”Hinawi niya ang mga hibla ng buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha. Ang emosyon niya ay naging samu’t sari na.“Diyos ko! A-Ano ba ang ginawa ko roon? Sinabi na nga sa iyo ni Anthony na w-wala akong ginawang masama! Ang unfair mo! Malaya kang nakikipaglandian sa mga babae sa party pero ako ay pinagbawalan mong makipag-usap sa kaibigan ko?!”“Hindi ako nakikipaglandia
Chapter 61:Matatanaw pa ang mga tao sa main venue ng party. Ang kaniyang Amo ay patuloy pa rin sa pakikipagsayawan at kuwentuhan sa ibang panauhin. Hindi matinag ang inis niya na para bang isa siyang bomba na inalisan ng pin sa mga oras na ito. Mayamaya ay baka sasabog na.Huminga siya nang malalim at pilit na ngiti ang ginawa niya nang nakita niya na papalapit na sa kaniyang gawi si Anthony. May dalang isang bote ng alak ang kaibigan at isang kaha ng sigarilyo. Kinindatan siya ng lalaki nang makalapit na ito sa kaniya. Nilapag nito ang bote ng alak at isang kaha ng sigarilyo sa mesa na naroon.“Bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo, Adellilah? It is given that you are beautiful even though you are having a long face, but you are gorgeous when you smile. Isa pa ay hindi ako sanay na makita kang ganiyan. Is there any problem?” tanong ng kaniyang kaibigan, kinuha nito ang dalawang maliliit na baso at nilapag sa tabi ng bote.Umiling siya at tumingin sa alak na dala ng lalaki.“Ano ang ala
Chapter 60:“You can do it,” bulong ni Ryllander bago siya inalalayan nito na umakyat sa entablado.“Here we go. Everyone, I know that not everybody here knew this beautiful lady. She is the woman I mentioned earlier. The ever-beautiful girlfriend of Ryllander Callares. She is Adellilah Mantoha,” pagpapakilalang muli sa kaniya ni Mrs. Han.Sinabi ng titig ng Ginang na kaya niyang ibalik kay Celine ang ginawa nito sa kaniya. Tumango siya at agad na ngumiti sa madla sa kabila ng kaba na namayani sa kaniyang buong pagkatao.May mga tao ang nagagalak na tumingin sa kaniya. Ang iba naman ay mayroong galit ang mga titig na binato sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang ibang tao. Sa wari niya ay dalawa lang ang dahilan kaya sila nagagalit sa kaniya. Dahil ay espesyal ang trato ni Mrs. Han sa kaniya o baka naman ay nagagalit sila dahil nobyo niya ang lalaking pinangarap ng karamihan.“M-Magandang gabi,” simula niya.“Akala ko ba ay sa ibang bansa ka nakapag-aral, Lila? Why you are s
Chapter 59:Maraming mga bisita ang mga Han. Hindi lamang ang mga kasapi ng organisasyon at asosasyon ang naririto ngayon. Maging ang mga kamag-anak nila at ibang kakilala ay naririto rin. Ang akala niya na ang mga Mejes na ang siyang pinakamayaman sa lahat. Mayroon pa pala at hindi na siya magdududa kung may mas mayaman pa sa mga Han.Isang kulay na dirty white dress na ang laylayan ay sa ibabaw ng kaniyang mga tuhod ang suot ni Lila. Simple lamang ito pero halos isangdaang libo na naman ang nagasto para bilhin ito. Medyo mura na nga raw ito sabi ni Adah dahil siya ang bibili. Kung sa iba ibebenta ang damit ay tiyak na lalagpas ito sa dalawangdaang libong piso.Ang kaniyang kapares sa party ay nakasuot ng dirty white na long sleeve at itim na slacks. Parehong simple lamang ang mga damit nila subalit ang mga mata ng mga naroon ay nakatitig sa kanilang dalawa.“Sir, wala po ba akong dumi sa mukha?” tanong niya sa kaniyang Amo sa pabulong na paraan. “Kanina pa sila nakatitig, e. Kinakab
Chapter 58:“Palagi kang abala nitong mga nakaraang mga araw, Sir Ryllander. Ano ho ba ang ginagawa mo?”Hindi siya iniwan ng kaniyang Amo. Hanggang ngayon na halos mag-alas diyes na ay kasama pa rin niya ito sa hardin. Nagpahatid pa ng dalawang tasa ng kape ang Amo niya rito para sa kanilang dalawa. Si Lordes ang naghatid kaya ay hindi siya nakaligtas sa mapang-asar na titig ng Ginang. Para itong nanood ng sine kung kiligin sa kanila ni Ryllander.“May kailangan lang akong hulihin, Miss Maid.”“Ano po?”“There’s a beast in the city and I want to catch him with my own hands.”Noong una ay ang sabi ni Ryllander sa kaniya ay abala ito sa opisina dahil sa bagong putahe na ilalabas ng restaurant na pagmamay-ari nito. Pero ngayon ay dinaan siya ng Amo niya sa isang malalim at matalinghagang mga salita.“Hindi ko po kayo gets, Sir.”“Hindi mo naman kailangan na ma-gets ang sinabi ko. Ang kailangan mo lang gawin ay alisin na ang pag-aalala mo para sa akin.”“Parang malabo iyon, Sir Ryllander
Chapter 57:“Celine, hinayaan kita na siraan ako sa management noon. Pero hindi kita hahayaan na guluhin pa ako,” wika ni Adah. “Pero kung magpupumilit ka na sumuksok sa lugar ko ay pagbibigyan kita sa gusto mo. I might be soft, Celine. But my bullets are strong and would probably could kill demons like you.”“Akala mo naman ay matatakot mo ako, Adah Laos!”“Umalis ka na lang, Celine. Ang problema kasi sa iyo ay kahit na saan ka na lang sumusulpot. Kahit hindi mo lugar ay nagpapakita ka ng pagiging hayok mo sa atensiyon. Matuto kang lumugar,” wika ni Lila. “Gusto kong ipaalala sa iyo na wala ka sa kadiliman kung saan ikaw ang reyna-reynahan.“May araw ka rin sa akin, Adah! Lalo ka na, Lila!” saad nito bago na lumabas.Hahatakin sana ni Adah si Celine pero ay hinila niya si Adah.“Hayaan mo na siya,” aniya.“Kahit kailan ay napakasama ng budhi niya. She’s mothering all the insecurities she had inside of her,” bulyaw pa ni Adah.Huminga ito nang malalim at agad na tumingin sa kaniya.“O
Chapter 56:Napako sa bouquet ng bulalak ang titig ni Lila. Hindi niya maiwasan ang ngumiti dahil sa bagay na ito. Tanang buhay niya ay hindi pa siya nakatanggap ng bulaklak na mula sa isang lalaki. Nililigawan siya ng mga lalaki sa kanilang probinsiya subalit ang dala lamang nila ay kanilang mga sarili. Kung minsan ay pinapasabi lamang ng mga iyon sa iba na gusto nila si Lila.Ngayon ay may nagbigay sa kaniya ng bulaklak. Pero hindi naman siya nililigawan ng lalaking nagbigay nito. Kung tawagin ni Ryllander ang bouquet na iyon ay peace offering lamang. Pangarap niya ang makatanggap ng bulaklak mula sa lalaking mahal niya. Subalit mas higit sana siyang matutuwa kung mahal din siya ng taong nag-alay ng bulaklak sa kaniya.Tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito dahil nais niyang malaman kung sino ang tumatawag. Wala kasing pangalan ang tumawag na numero sa kaniya.“Hello,” aniya.“Yes. Hello, Darling,” bati ng pamilyar na boses sa kaniya. “I am glad that you answered the call.
Chapter 55:“Damn it, Ryllander,” mura niya sa sarili niya.Ilang araw na siyang hindi kinakausap ni Lila. Bihira na rin itong tumungo sa kaniyang silid. Dahil walang ganap sa organisasyon ay nakalaan ang atensiyon niya sa trabaho niya bilang isang businessman. Subalit kahit na ano ang gawin niya ay bigla na lamang niyang naaalala ang mukha ng kaniyang maid.Miss na miss niya ang babae kahit nasa iisang bahay lang sila. Ayaw niya lang naman na may ibang lalaki na kinakausap ang maid niya, maliban sa kaniya.Nang umuwi siya ay dumaan siya sa isang bentahan ng mga bulaklak. Inisip niya si Lila at nais niyang makabawi sa babae. Ang babaeng iyon ang dahilan kung kaya ay hindi siya makatulog nang maayos sa loob ng ilang gabi. Kung alam lang sana ni Lila na kaya siya nagkakaganito at sobrang strikto sa kaniya ay may nararamdaman din siya rito ay tiyak maiintindihan siya ng babaeng iyon.Isang bouquet ng puting rosas ang binili niya at dalawang bars ng tsokolate. Nakangiti siyang nagmaneho p
Chapter54:“Next time, kapag sinabi ko na huwag mong kakausapin ang mga taong ayaw ko na kakausapin mo. Can you, do it?”Walang masama sa sinabi niya. Siya ay lubos na nagulat sa reaksiyon ng Amo niya. Halos malimutan na nito ang estado na mayroon ito at ang pinag-aralan nito. Hindi siya umimik, sa halip ay tahimik na lamang siyang tumungo sa loob ng mansiyon.Ganoon na lamang ang gulat ni Lordes nang makita siya nito. Ang alam nito ay tutungo siya sa tinutuluyan ng kaniyang Nanay at pinsan. Pero dis-oras na ng gabi ay bumalik siya rito sa mansiyon.“O, Lila? Napaaga yata ang pagbalik mo sa mansiyon? Hindi ba ay matutulog ka sana kina Nanay mo?”Hindi siya umimik. Siya ay lumingon na lang. Kaunting ngiti na puno ng pang-aasar ang nakita niya sa mga labi ng Ginang. “Dumiretso ka sa kuwarto ko, Miss Maid, may ipapagawa ako sa iyo,” wika ng Amo niya na nakasunod sa kaniya. “May pag-uusapan din tayo,” dagdag nito.Wala pa rin siyang tinugon. Hinayaan niyang makauna sa pag-akyat ang Amo