Chapter 2:
Mahinang pag-katok sa pinto ng Amo niya ang kaniyang ginawa. Hindi umabot ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang n*******d-pantaas na Amo. Makinis na tunay ang balat nito, matigas ang mga dibdib at ang tiyan nito ay hinelarahan ng maliliit na burol. Kung hindi siya nagkamali sa ginawang pag-bilang ay walo ang mga burol na iyon. Pinagpawisan siya dahil sa kaniyang nakita. “Sir…m-maglalaba na po ako. Kukunin ko na po ang mga labahan niyo.” “Come in,” wika ng amo sa kaniya at pinapasok na siya nito nang tuluyan. Malakas ang pagsarado ng pintuan subalit mas malakas pa roon ang tibok ng puso niya nang makita ang loob ng silid ng kaniyang Amo. Kung ang nasa labas ay mga painting, ang nasa loob naman ay mga baril na nasa loob ng frame. Nanlamig ang kaniyang mga palad at kung magsisinungaling ay dama niya kung paano umudyok na lumabas ang pawis niya sa kaniyang palad dahil sa nakakasindak na armas na nakita. Nangilid ang mga luha niya. Naalala niya ang mga winika ni Lordes kanina, kaya ay lubos ang takot niya habang nakatayo lamang sa gitna ng silid. Ang mga mata ay tinitigan ng isa-isa ang higit isang-daang baril na nasa pader. Sa tabi naman ng pintuan ay nakasabit ang isang itim na jacket na kung susukatin sa kaniyang katawan ay hanggang sa kaniyang binti, mayroon ding tungkod na ang hawakan ay para bang kalahating katawan ng nakabuka ang bibig na dragon, kinilabutan siya nang makita ito, at may sumbrero rin siyang nakita na parang gabing madilim ang kulay. “Miss Maid, gusto ko lang ipaalala sa iyo na lahat ng nakikita mo ay totoong mga baril. They are my collections and you are not allowed to touch any of them. Linisin mo lang ang frame at ang ilalim ng frame, pero hindi ang mga baril ko dahil ako ang gumagawa no’n.” “O-Okay, Sir. Nasaan po p-pala ang mga b-brief mo?” Tumalikod sa kaniya si Ryllander kaya ay nakita niya ang mabakat na puwet ng lalaki sa suot nitong manipis na pang-ibaba. Kaunting inggit ang naramdaman niya habang pinagmasdan ang puwet ng lalaki. Mas may laman pa ang puwet ng lalaki kumpara sa kaniya. Bitbit ng lalaki ang malaking laundry basket at binigay ito sa kaniya. Bumundok ang mga brief ng lalaki sa loob ng basket, kaya ay halos mahalikan na niya ang nakalantad at nakabaliktad na brief ng lalaki. Nakasentro ang kaniyang bibig at ilong sa kung saan nakapuwesto ang pagkalalaki ni Ryllander. Halos paisa-isa lamang ang kaniyang pag-hinga dahil sa kaba at ilang na namayani sa kaniyang isipan. “Ano pa ang tinatayo-tayo mo riyan?!” “P-Patawad po. Saan ko ito lalabhan?” Nakita niya ang pag-gulong ng mga mata ng supladong Amo. Hindi niya naman talaga batid kung saan siya maglalaba sapagkat baguhan pa lang siya sa lugar. Hindi rin naman nila bahay ito, sa likod lang kasi sila naglalaba at poso pa ang gamit nila. E, sa mansiyon na ito na kay laki-laki, tiyak na kahit sinong bago rito ay malilito talaga. Hindi rin kasi siya nasabihan ni Lordes tungkol dito. “Miss Maid, go downstairs and ask Lordes about that.” “S-Sige po.” Tumalikod na siya sa Amo at huminga nang malalim, sinubukang alisin ang takot na dulot ng mga baril na maayos na nakahilera habang nasa loob ng kani-kaniyang frame. Bago pa man siya nakahawak sa siradura ay tumikhim si Ryllander. Tumayo ang maliliit na buhok ni Lila sa batok sapagkat malapit lamang sa kaniya ang Amo niya. “Miss Maid?” Lumingon siya. Nanlaki ang mga mata niya nang dibdib ng Amo niya ang nakita niya. Nararamdaman ng kaniyang mukha ang init na sumungaw sa katawan nito. Umatras siya hanggang sa madikit na sa pinto ang kaniyang likod. “S-Sir? Pakiusap… h’wag po.” “What are you talking about?” Umiling ito. “Nakalimutan ko na may tatlo pa pala akong brief na natapon sa ilalim ng kama. Ito,” wika nito at pinatong sa bundok ng briefs ang tatlong piraso ng kararampot na tela na ginagamit suporta para sa pagkalalaki nito. “Kung ano ang iniisip mo. Get out of my room because you're giving me headache.” Lumabas siya sa silid na bukod sa laundry basket na puno ng mga brief ay dala rin ni Lila ang hiya sa sarili. Kaya lang naman niya nasabi iyon dahil ayaw niyang makuha ng kung sinong lalaki ang kaniyang pagkababae. Konserbatibo siyang pinalaki ng kaniyang ina kaya hindi niya masisisi ang sarili kung ganito siya mag-isip at mag-bigay reaksiyon sa kilos ng ibang tao, lalo na ng mga lalaki. Pinalaki siya ng kaniyang ina na mailap sa mga lalaki. Kahit ang tatay niya ay hindi hinayaan ng ina niya na paliguan siya noong siya ay paslit pa. Mainam daw na mula bata pa lang ay marunong na siyang hindi maging kumpiyansa sa kahit na sino. Malaki ang tulong ng disiplinang natutuhan niya mula sa kaniyang ina. Sa katunayan ay kahit mayroon siyang taglay na ganda at balingkitinan ang kaniyang katawan ay walang lalaki ang humamak na ligawan siya, sapagkat alam ng mga lalaki sa kanila ang ugali niya, lalo na ang ugali na mayroon ang nanay niya. - Likas na para kay Lila ang makipag-laban sa nagbubundok na labahin, pero ngayon lamang siya natagalan ng halos apat na oras dahil sa ilang niya habang nilalabhan ang mga brief ni Ryllander. Isang piraso na lang ang natira at kulay puti pa ito, tapos mayroon itong mantsa. Naninilaw ang gitnang parte ng brief ng Amo niya. “Wala naman sigurong sagingan sa pinagtatrabahuhan ni Sir Ryllander, pero bakit ganito ang mantsa ng kaniyang brief? Ang hirap nitong tanggalin sa puti!” Masinop niyang tinitigan ang brief na nakalantad sa kaniyang harapan. Hindi naman ganoon ka-laki ang katawan ng amo niya, pero matambok ang puwet nito, kaya ay extra large ang brief nito. Umiling siya nang marahas. Bakit ba niya binibigyang pansin ang bagay na iyon? Binalik niya ang atensiyon sa panunubok na alisin ang mantsa mula sa Hanes na brief ng lalaki. Kung minsan ay nilulublob niya nang matagal sa bumubulang tubig ang hawak na brief, umaasa na matanggal agad ang mantsa nito. “Lila? Kumusta ka riyan? Hindi ka pa ba natatapos?” “Hindi pa ho. Pero isa na lang po ang natira, kaso kulay puti ito ay may mantsa pa. Saan ba nagtatrabaho si Sir Ryllander? Bakit may mantsa ang puting brief niya na para bang ayaw nang matangal pa?” “Sa opisina, Lila.” “Ha?! Opisina?! Kung gano’n ay dapat hindi ganito ang mantsa na nakukuha niya. Imposible nga na mamantsahan ang brief niya, hindi naman ito sa labas sinusuot, a.” “Alam mo naman ang mga lalaki, hija. May sariling mantsa ang mga iyan.” Sinundan pa ni Lordes ng tawa ang winika, kaya naman ay napakunot na lamang ng noo si Lila. Hindi niya kasi batid ang pinagsasabi ng ginang. “Tapusin mo na lang iyan at magpahinga ka na. Maaga pa siya bukas dahil may importante raw siyang gagawin sa opisina. Hindi ka puwedeng mag-tulog-mantika at baka ikaw ay mapagalitan na naman ni Sir Ryllander.” “Ano po ang mantsang iyon, Aling Lordes? Saan naman iyon galing?” “Lumalalim na ang gabi, Lila. Hindi dapat pinag-uusapan iyon. Malayo pa naman ang aking asawa,” sabi ng ginang na may pilyang ngiti sa mga labi. “Good night, Lila.” Mas nalito si Lila, kaya ay huminga na lamang siya nang malalim at nagpatuloy sa paglalaba nang hawak na brief ni Ryllander nang iwanan siya ni Lordes. Nang matapos ay inamoy niya isa-isa ang mga brief na kaniyang nilabhan. Nais niyang matiyak na lahat ng nilabhan niya ay malinis at mabango. “‘Yan! Imposible na hindi matuwa ang supladong iyon. Mabango na ang lahat ng brief niya!” Inabot niya ang huling brief na nilabhan niya. Sinuri niya ang bawat parte nito at nilapit sa kaniyang mukha upang amuyin ito. “Amoy bulaklak na sariwa. Parang iyong maliit na hardin ni Nanay ang amoy! Ang bango—” “Fuck! What do you think you are doing, Miss Maid?!” Habang inamoy ang brief ng amo niya ay dumating ito na nanlaki ang mga mata sa nakita. Bumagsak ang dala nitong mga damit na hula ni Lila ay ipapalaba sa kaniya. “Sir? Inamoy ko lang at sinuri. M-Maselan ka raw kasi kaya ay gusto kong matiyak na wala na itong dumi at nawala ang lahat ng bahid ng mantsa sa bawat underwear mo.” Umiling ang lalaki, hindi naniniwala sa kaniyang sinabi. Tumayo si Lila at nilagay sa laundry basket ang inamoy na brief. “Hindi iyon ang nakita ko, Miss Maid! Don't do that again!” “Ang alin? Ang amuyin ang brief mo?!” “Whatever! That's not appropriate,” wika nito. “Hala! Huwag mong isipin na pinagpapantasyahan kita, Sir Ryllander! H-Hindi ako ganoon klase ng babae, a! Mabuti ang pagpapalaki ni Nanay sa akin. Huwag ko akong pag-isipan nang ganoon! Masama iyon,” angil niya. “Kaya ka siguro matagal natapos dahil ginawa mo iyon sa lahat ng brief ko! Well, maybe there are no handsome men in your poor province,” sabi nito. Huminga siya nang malalim. Oo, hindi gaanong guwapo ang mga lalaki sa probinsiya, pero halos lahat naman sila ay mababait at maginoo. “Sabihin mo na kung ano ang gusto mo at iniisip mo kung di ka naman papaawat, Sir Ryllander, pero ipapaalala ko lang sa iyo na hindi ako ganoong klase ng babae. May respeto ako sa sarili ko.” Tumitig siya sa dalang mga damit ng Amo niya. “Iwanan mo na lang diyan ang mga damit na iyan at bukas nang umaga ko na lang po iyan lalabhan.” Nilagpasan niya ang Amo niyang may masamang pag-iisip tungkol sa kaniya. Kinalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pag-pikit, sabay hinga nang malalim. Malinis ang konsensiya niya kaya ay hindi siya dapat maapektuhan sa sinabi ng Amo niyang iyon.Chapter 3:Napangiwi siya nang sinubukan niyang umahon mula sa malambot na kamang hinigaan niya. Hindi siya sanay na matulog sa ganitong higaan. Paano ba ay sanay na siya sa banig lamang ang hapin sa kaniyang kama na yari sa kawayan doon sa probinsiya. Iyon na ang kaniyang kama simula noong bata pa siya hanggang sa ngayong bente-singko na ang edad niya. Sa katunayan ay ang mga kahoy na ginamit sa pag-gawa ng kama na iyon ay mismong ang Lolo niya ang sumukat at nag-linis ng mga ito. “Kay hirap naman itong hindi sanay sa ganitong higaan.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot niya ang bawat gilid nito sapagkat nahirapan siyang makatulog nang maayos. Hinahanap ng katawan niya ang higaan niya at ang kaniyang mga tainga ay hindi sanay na hindi marinig ang hilik at ubo ng kaniyang Nanay. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na malapad na ang maliwanag na parte ng langit. Tuluyan siyang bumaba sa kama at agad na tinupi ang makapal na kumot niya bago ito nilagay sa ibabaw n
Prologue: Tumingin na lamang sa langit si Lila nang bumalik sa isipan niya ang sinabi ng doktor sa kaniya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa sinapit ng ina niya. May barbecue-han sila at doon nagsimula ang sakit na tuberculosis ng kaniyang ina, at ang masaklap ay lumalala na ito. “Hija, dugo na ang inuubo ng nanay mo. We can't do anything kun'di ang tanggapin ang masamang mangyayari sa kaniya kung hindi niya maipagpapatuloy ang pag-inom ng mga gamot para sa sakit niya.” Humingang malalim ang dalaga at umupo ito sa kinalawang na silya sa labas ng ospital. Tumingin siya sa paligid at mga malalabong imahe ng mga taong naglalakad ang kaniyang nakikita dahil sa mga luhang humarang sa kaniyang mga mata. “Diyos ko? Paano na ito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng maisusustento ko sa pangangailangan ng aking ina.”Hayskul graduate lamang si Lila kaya hindi na siya umasa pa na matatanggap siya para sa maayos na trabaho. Lalo na at hindi siya
Chapter 1: Nakatulala pa rin ang dalaga, iniisip ang isang malaking katangahan na kaniyang ginawa kanina lamang. Tinrato ba naman niyang utusan ang amo niya? Kararating pa lamang niya, pero palpak na agad siya. Nakikinig siya kay Lordes na nagpapaliwanag sa kaniya ng mga patakaran sa mansiyon. Pinilit niyang kumilos na para bang walang ilang na naramdaman sa kaniyang katawan, kahit na ang totoo ay humihiling na lang siya sa lupa na sana lamunin siya nito nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman pa ang kahihiyan na siya naman ang mismong nag-dulot sa sarili. “Ikaw ang siyang ma-aasign sa paghahatid ng pagkain ni Sir Ryllander sa kaniyang silid dahil hindi naman iyon bumababa sa tuwing oras ng pagkain niya. Ang umagahan niya ay bandang 7 AM, at ang hapunan niya ay 8 PM naman. Huwag mo nang problemahin ang kaniyang tanghalian dahil madalas ay sa opisina na siya kumakain, iyon nga lang ay dapat ihahanda mo ang baon niya kasabay ng umagahan niya.”Tumango siya at patuloy lamang sa pak
Chapter 3:Napangiwi siya nang sinubukan niyang umahon mula sa malambot na kamang hinigaan niya. Hindi siya sanay na matulog sa ganitong higaan. Paano ba ay sanay na siya sa banig lamang ang hapin sa kaniyang kama na yari sa kawayan doon sa probinsiya. Iyon na ang kaniyang kama simula noong bata pa siya hanggang sa ngayong bente-singko na ang edad niya. Sa katunayan ay ang mga kahoy na ginamit sa pag-gawa ng kama na iyon ay mismong ang Lolo niya ang sumukat at nag-linis ng mga ito. “Kay hirap naman itong hindi sanay sa ganitong higaan.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot niya ang bawat gilid nito sapagkat nahirapan siyang makatulog nang maayos. Hinahanap ng katawan niya ang higaan niya at ang kaniyang mga tainga ay hindi sanay na hindi marinig ang hilik at ubo ng kaniyang Nanay. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na malapad na ang maliwanag na parte ng langit. Tuluyan siyang bumaba sa kama at agad na tinupi ang makapal na kumot niya bago ito nilagay sa ibabaw n
Chapter 2: Mahinang pag-katok sa pinto ng Amo niya ang kaniyang ginawa. Hindi umabot ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang nakahubad-pantaas na Amo. Makinis na tunay ang balat nito, matigas ang mga dibdib at ang tiyan nito ay hinelarahan ng maliliit na burol. Kung hindi siya nagkamali sa ginawang pag-bilang ay walo ang mga burol na iyon. Pinagpawisan siya dahil sa kaniyang nakita. “Sir…m-maglalaba na po ako. Kukunin ko na po ang mga labahan niyo.” “Come in,” wika ng amo sa kaniya at pinapasok na siya nito nang tuluyan. Malakas ang pagsarado ng pintuan subalit mas malakas pa roon ang tibok ng puso niya nang makita ang loob ng silid ng kaniyang Amo. Kung ang nasa labas ay mga painting, ang nasa loob naman ay mga baril na nasa loob ng frame. Nanlamig ang kaniyang mga palad at kung magsisinungaling ay dama niya kung paano umudyok na lumabas ang pawis niya sa kaniyang palad dahil sa nakakasindak na armas na nakita.Nangilid ang mga luha niya. Naalala niya
Chapter 1: Nakatulala pa rin ang dalaga, iniisip ang isang malaking katangahan na kaniyang ginawa kanina lamang. Tinrato ba naman niyang utusan ang amo niya? Kararating pa lamang niya, pero palpak na agad siya. Nakikinig siya kay Lordes na nagpapaliwanag sa kaniya ng mga patakaran sa mansiyon. Pinilit niyang kumilos na para bang walang ilang na naramdaman sa kaniyang katawan, kahit na ang totoo ay humihiling na lang siya sa lupa na sana lamunin siya nito nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman pa ang kahihiyan na siya naman ang mismong nag-dulot sa sarili. “Ikaw ang siyang ma-aasign sa paghahatid ng pagkain ni Sir Ryllander sa kaniyang silid dahil hindi naman iyon bumababa sa tuwing oras ng pagkain niya. Ang umagahan niya ay bandang 7 AM, at ang hapunan niya ay 8 PM naman. Huwag mo nang problemahin ang kaniyang tanghalian dahil madalas ay sa opisina na siya kumakain, iyon nga lang ay dapat ihahanda mo ang baon niya kasabay ng umagahan niya.”Tumango siya at patuloy lamang sa pak
Prologue: Tumingin na lamang sa langit si Lila nang bumalik sa isipan niya ang sinabi ng doktor sa kaniya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa sinapit ng ina niya. May barbecue-han sila at doon nagsimula ang sakit na tuberculosis ng kaniyang ina, at ang masaklap ay lumalala na ito. “Hija, dugo na ang inuubo ng nanay mo. We can't do anything kun'di ang tanggapin ang masamang mangyayari sa kaniya kung hindi niya maipagpapatuloy ang pag-inom ng mga gamot para sa sakit niya.” Humingang malalim ang dalaga at umupo ito sa kinalawang na silya sa labas ng ospital. Tumingin siya sa paligid at mga malalabong imahe ng mga taong naglalakad ang kaniyang nakikita dahil sa mga luhang humarang sa kaniyang mga mata. “Diyos ko? Paano na ito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng maisusustento ko sa pangangailangan ng aking ina.”Hayskul graduate lamang si Lila kaya hindi na siya umasa pa na matatanggap siya para sa maayos na trabaho. Lalo na at hindi siya