Chapter 1:
Nakatulala pa rin ang dalaga, iniisip ang isang malaking katangahan na kaniyang ginawa kanina lamang. Tinrato ba naman niyang utusan ang amo niya? Kararating pa lamang niya, pero palpak na agad siya. Nakikinig siya kay Lordes na nagpapaliwanag sa kaniya ng mga patakaran sa mansiyon. Pinilit niyang kumilos na para bang walang ilang na naramdaman sa kaniyang katawan, kahit na ang totoo ay humihiling na lang siya sa lupa na sana lamunin siya nito nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman pa ang kahihiyan na siya naman ang mismong nag-dulot sa sarili. “Ikaw ang siyang ma-aasign sa paghahatid ng pagkain ni Sir Ryllander sa kaniyang silid dahil hindi naman iyon bumababa sa tuwing oras ng pagkain niya. Ang umagahan niya ay bandang 7 AM, at ang hapunan niya ay 8 PM naman. Huwag mo nang problemahin ang kaniyang tanghalian dahil madalas ay sa opisina na siya kumakain, iyon nga lang ay dapat ihahanda mo ang baon niya kasabay ng umagahan niya.” Tumango siya at patuloy lamang sa pakikinig kay Lordes. Nilalagay niya sa pokus ang isipan niyang iniimahe ang mukha ng amo niya. Kaya sinungitan siya nito kanina nang makarating na sila sa mansiyon ay dahil sa inasal niya. Hindi niya masisisi ang sarili niya. Ang baba kasi ng tingin ng amo niya sa kaniya kanina, kaya ay nagalit siya at sinabat ito. Pero kung batid niya na ang lalaking nag-lagay ng tatlong piso sa kape niya ay ang amo niya ay pasasalamatan pa niya ito at hindi pagagalitan. “Bilang personal maid ni Sir Ryllander, panatilihin mong malinis ang kaniyang silid. Metikuluso siya. Alam niya ang posisyon ng mga gamit niya at ayaw niyang binabago kung paano niya inayos ang mga ito. Ikaw na rin ang maglalaba ng mga damit niya.” “Bareta po ba ang gamit?” “Lila, powder with fabcon ang gagamitin mo sa paglalaba ng mga damit niya. Mahigpit pala na pinagbabawal ni Sir na gamitan ng washing machine ang kaniyang mga brief, hand wash lang dapat at sa araw dapat patuyuin.” “H-Ha?!” “Oo, Lila. Ikaw ang mag-lalaba ng kaniyang underwears. Huwag ka nang maarte, hindi naman masama na gawin mo iyon, lalo na at parte ito ng iyong trabaho. Isa pa ay nasa iyo na iyon kung tutulong ka sa amin sa ibang gawaing-bahay, basta ay atupagin mo ang sentro ng trabaho mo, at ito ay pagsilbihan si Sir Ryllandern nang maayos.” Huminga siya nang malalim. Tama si Lordes. Walang masama sa pag-lalaba ng mga brief ni Ryllander. Amo niya ito at siya ang naatasan na pagsilbihan ang lalaki dahil siya ang personal maid nito. “Lahat ng ipapagawa niya sa iyo ay gawin mo sa saktong oras at huwag mo siyang bibiguin. Nakakatakot magalit si Sir.” Nabahag ang buntot niya sa winika ni Lordes. Hindi puwedeng kukupad-kupad siya sa trabaho, at baka matiris siya ng Amo niya, lalo na at hindi pa mabuti ang pinakita niyang asal sa lalaki noong una silang nag-kita. “Aling Lordes, hindi kaya ako puwedeng makipag-palit ng trabaho sa ibang maids na kasama natin dito? Parang nakakatakot naman pumalpak sa Amo natin.” “May tiwala ako na kaya mong gampanan ang trabahong naka-laan sa iyo, Lila. Mukha ka namang masipag at madaling makakuha ng mga instructions. O siya, dalhin mo ang mga gamit mo sa iyong silid. Tulungan na rin kita at mukhang mabigat ang iyong mga dala.” “Aking silid?” “Oo, Lila. May sariling silid ang personal maid ni Sir Ryllander. Nasa tabi ito ng kaniyang kuwarto, kaya ay dapat kontrolin mo ang lakas ng iyong boses kapag nasa kabila siya. Baka magugulat ka na lang at pasasabugan ka niya ng granada.” “S-Seryuso?” “Of course not! Biro lamang iyon, Lila. Kanina ka pa kasi hindi mapakali at para bang lahat ng aking sinasabi sa iyo ay kinasisindakan mo.” Lumunok siya. Hindi maalis sa isipan niya ang mga baka sakali na mayroon siya. Baka sakaling magiging mabait sa kaniya ang Amo niya. Baka sakaling hindi naman ganoon ka-istrikto at ka-suplado si Ryllander. Pero ang kaniyang puso ay panay ang pagtibok sa kaba na baka sakaling kabaliktaran ng iniisip niya ang mangyari. Kung minsan ay tumitigil siya sa pag-hakbang pataas, tungo sa sinabing silid niya ni Lordes. Mataas ang hagdan na ito at umikot-ikot pa ito bago maabot ang ikalawang palapag ng mansiyon. Medyo mabigat ang mga gamit niya, mabuti na lang dahil ang isang bagahe ay si Lordes na ang nagmabuting-loob na dalhin ito. “Ang laki pala ng mansiyon ni Sir Ryllander, ano?” “Oo, naman. Minsan kapag nag-gegeneral cleaning kami rito ay umaaabit kami ng tatlong araw bago matapos. Partida ay wala pang masyadong pahinga iyon, maliban sa pagkain.” “Ahm. Malayo pa ba tayo?” tanong niya habang hila-hila ang bagahe niya. “Sa dulo ang room mo, Lila. At sa tabi nito ang kay Sir.” Sumunod na lamang siya kay Lordes patungo sa dulo ng nilalakaran nilang corridor. Maganda ang disenyo ng bahay, para itong bahay ng isang maharlika sa ibayong bayan. Hindi nakakabagot ang kulay gintong-dilaw na pinta sa buong pader ng mansion, at ang mga hamba sa mga pintuan ay kulay pilak naman. Mayroong magagandang paintings na naka-bitay sa pader na siyang nagbibigay kahulugan at linang na ang nakatira sa mansiyon na ito ay hindi mababaw kun'di malalim na tao. “Lila, nandito na tayo.” Kinuha ni Lordes ang susi sa bulsa ng yunipormeng suot nito at binuksan ang pintuan. Tinulak nito ang pinto at una itong pumasok. Sumunod si Lila at agad na tumingin sa baba, taas, kanan, at kaliwa ang kaniyang mga mata. Malaki ang silid na ito. Dahilan upang maalala niya ang ina niyang mataas ang pangarap, subalit pinutol iyon ng sakit nito. Kaya nagsusumikap sa maliit na negosyo ang ina niya ay upang makapag-aral siyang muli at makapagpagawa sila ng malaking bahay kahit na silang dalawa lang ang titira roon. Subalit ang lahat ng naipon nito ay napunta lamang sa mahabang pagpapagamot at araw-araw na gastusin nilang mag-ina. Malungkot siyang umupo sa kamang malambot at lihim na inalis ang kaniyang mga luha. Kararating lamang niya sa mansiyon subalit nangungulila na siya agad sa kaniyang ina. Para bang minu-minuto ay hinahanap niya ang boses ng kaniyang ina na tatawag sa kaniya at tatanungin kung ano ang ginagawa niya. “Pasensiya ka na sa hitsura ng silid. Kaunting ayos lang naman ang gagawin mo rito. Iyong huli kasing personal maid ni Sir Ryllander ay burara at hindi marunong umayos ng mga gamit, kaya na-kick out sa mansiyon.” Tinuro nito ang aparador na kulay kayumanggi na nasa tabi ng bintana. “Bakante iyan. Diyan mo ilagay ang mga gamit mo. Ako ay bababa na at marami pa akong aasikasusin sa baba.” Sa relo na suot naman ito nakatingin. “Mayroon ka pang apat na oras na magpahinga o mag-ayos ng mga gamit mo, bago darating si Sir Ryllander.” “Okay lang, Aling Lordes. Malaki ito at madali lamang linisin. Huwag kang mag-alala sa akin at gawin mo na ang trabaho mo sa baba.” Ngiti ang tugon ng ginang sa kaniya. Nang siya ay naiwang mag-isa ay pinili niyang humiga muna at yakapin ang unan sa tabi niya. Lumuha na naman ang mga mata niya. Tatawagan sana niya ang ina subalit pinigilan niya ang sarili. Bukas na lang siya tatawag, magpapadala na lang siya ng mensahe sa ina na nakarating siya nang ligtas sa mansiyon ng Amo niya upang maibsan ang pag-alala nito sa kaniya. Bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata hanggang sa hindi niya na napigilan na siya’y mahimbing na nakatulog. Kung hindi pa siya nakarinig ng malakas na pagkatok mula sa likod ng pinto ay hindi niya minulat ang kaniyang mga mata. “Nanay?” wika niya, subalit biglang umahon ang katawan niya nang mapagtanto na wala na nga pala siya sa kanilang bahay kun'di siya ay nasa mansiyon ng kaniyang Amo. “Diyos ko!” nag-alalang sambit niya at nag-atubiling tumakbo sa pinto upang hilahin ito at buksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang mukha ng Amo niya. Nakakunot ang noo nito, nanlilisik ang mga mata, at ang mga panga ay umiigting. Galit itong umirap kay Lila. “S-Sir? M-Magandang gabi po.” “I'm glad that you're awake now, Miss Maid! Well, I just want to remind you that you are here to work and not to sleep.” Umiling ito. “Ano ba namang maid itong nakuha ni Lordes? Bakit ba kasi isang probinsiyana pa ang hi-nire niya?” Wala na siyang oras upang damhin ang pagmamaliit ng Amo niya sa kaniya, at sa kaniyang pinanggalingan. Wala siya sa sariling pamamahay kaya ay tinanggap niya ng buo na mali ang ginawa niyang pag-tulog nang mahimbing at sobra sa apat na oras. “P-Pasensiya na po, Sir. Napagod kasi ako sa biyahe kanina kaya ay nakatulog ako. H-Hindi ko talaga sinasadya na hindi mabantayan ang oras,” aniya, sinsirong humingi ng tawad sa Amo niya. Umismid ang lalaki at nanatili itong tumitig sa kaniya na may galit. Yumuko siya. Tinatagan ang loob at pinaalala sa sarili na kailangan niyang mag-tiis sa lugar na ito para sa kaniyang inang may sakit. “I don't care about your fucking excuses or what happened before you went to your fucking dreamland, Miss Maid. Ang akin lang ay umayos ka at itatak sa mo sa utak mo na hindi mo ito bahay at hindi ikaw ang Amo rito.” “Pasensiya na po talaga, Sir. Pasensiya na rin sa inasta ko kaninang umaga.” “Now, I suggest you to look into the mirror. Tingnan na lang natin kung makikipag-argue ka pa sa akin kung tawagin kitang “mukhang beggar”, because you really look like one.” “A-Ano po ang iuutos niyo sa akin, Sir?” tanong niya upang ilihis ang pag-uusap nila ng Amo niya. “Isang basket na ang brief ko na hindi nalabhan. I want them washed and ironed. Huwag kang gumamit ng dryer. Bukas mo ibilad sa araw, okay? Basta labhan mo lang ngayon!” Tinulak niya sa isa't isa ang kaniyang mga labi. Iniwasan na mahuli ng amo niya na siya ay naiilang sa inutos nito. “Hey! Are you even listening to me?!” “O-Opo. Gagawin ko po ang utos niyo. Itatali ko po muna ang aking buhok, at tutungo na ako sa inyong silid upang kunin ang mga underwear niyo.” “Better,” wika nito bago umalis. Napasandal na lamang siya sa hamba at humawak sa kaniyang batok upang marahan itong masahihin. Ganito siguro ang mga taga-siyudad, walang nararamdaman na ilang sa mga kasambahay nila. Nagpapahiwatig ito ng malaking pagkakaiba ng mga tao sa siyudad at sa probinsiya nila. Doon kasi ay nakakahiyang labhan ang underwear mo sa harapan ng ibang tao, lalo na kung uutusan mo pa ang iba na gawin ito para sa iyo.Chapter 2: Mahinang pag-katok sa pinto ng Amo niya ang kaniyang ginawa. Hindi umabot ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang nakahubad-pantaas na Amo. Makinis na tunay ang balat nito, matigas ang mga dibdib at ang tiyan nito ay hinelarahan ng maliliit na burol. Kung hindi siya nagkamali sa ginawang pag-bilang ay walo ang mga burol na iyon. Pinagpawisan siya dahil sa kaniyang nakita. “Sir…m-maglalaba na po ako. Kukunin ko na po ang mga labahan niyo.” “Come in,” wika ng amo sa kaniya at pinapasok na siya nito nang tuluyan. Malakas ang pagsarado ng pintuan subalit mas malakas pa roon ang tibok ng puso niya nang makita ang loob ng silid ng kaniyang Amo. Kung ang nasa labas ay mga painting, ang nasa loob naman ay mga baril na nasa loob ng frame. Nanlamig ang kaniyang mga palad at kung magsisinungaling ay dama niya kung paano umudyok na lumabas ang pawis niya sa kaniyang palad dahil sa nakakasindak na armas na nakita.Nangilid ang mga luha niya. Naalala niya
Chapter 3: Napangiwi siya nang sinubukan niyang umahon mula sa malambot na kamang hinigaan niya. Hindi siya sanay na matulog sa ganitong higaan. Paano ba ay sanay na siya sa banig lamang ang hapin sa kaniyang kama na yari sa kawayan doon sa probinsiya. Iyon na ang kaniyang kama simula noong bata pa siya hanggang sa ngayong bente-singko na ang edad niya. Sa katunayan ay ang mga kahoy na ginamit sa pag-gawa ng kama na iyon ay mismong ang Lolo niya ang sumukat at nag-linis ng mga ito. “Kay hirap naman itong hindi sanay sa ganitong higaan.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot niya ang bawat gilid nito sapagkat nahirapan siyang makatulog nang maayos. Hinahanap ng katawan niya ang higaan niya at ang kaniyang mga tainga ay hindi sanay na hindi marinig ang hilik at ubo ng kaniyang Nanay. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na malapad na ang maliwanag na parte ng langit. Tuluyan siyang bumaba sa kama at agad na tinupi ang makapal na kumot niya bago ito nilagay sa i
Chapter 4:Nagtago siya sa gilid ng malaking bahay ni Ryllander dahil hinintay niyang makaalis muna ang amo niya bago siya pumasok sa loob. Sa hardin na siya nanatili dahil may malalaking mga halaman dito na tiyak na itatago siya at hindi ibubunyag sa kaniyang Amo na alam niyang kung makikita siya ngayon ay titirisin siya nito na para bang isang peste. “Mang Topeng?”“Dios Mio, Lila! Mamamatay ako nang maaga dahil sa iyo!”“Patawad po, Mang Topeng. Tatanungin ko lang sana kung nakaalis na si Sir Ryllander patungo sa trabaho.”“Nagmamadali siya kanina. Tiyak ako na nakaalis na siya.” Patuloy lamang sa pagtutubig ng mga halaman ang Mama. Dahil sa tugon nito ay umahon si Lila muna sa pagkakaupo sa tabi ng malaking puno ng Bougainville na namumulaklak na. “Mabuti naman kung ganoon,” aniya.“Ineng, bakit ka ba nagtatago riyan at tila takot kang magkita kayo ni Sir Ryllander.” Pinahina ng Mama ang tubig at tumingin ito nang diretso kay Lila. “Tungkol pa rin ba ito sa nangyari kaninang mad
Chapter 5: Maayos niyang nilagay sa kaniyang mga biyas ang mga damit niya na tinutupi. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras na ayusin ang mga damit niya upang mailagay nang maayos sa kabinet sapagkat naglinis siya sa silid at nilabhan niya ang mga damit ng Amo niya.Dapit-hapon na at maganda pa rin ang araw, masinag ito at tiyak na ang mga brief na kaniyang binilad ay matutuyo mamaya. Pagkatapos niyang tupiin ang mga damit ay kaniyang nilagay ang mga ito sa kabinet. Umunat siya at ngumiti. Tumingin siya sa buong silid. Maayos na ito at hindi na makalat sa loob dahil nilaanan niya ito ng oras upang asikasuhin. Umupo siya sa sahig at nangalumbaba. Nabuo ang pangarap niya na magkaroon ng maayos na bahay noong siya ay bata pa lamang. Pirapirasong plywood lang kasi ang dingding ng bahay nila sa probinsiya at tanging ang labin-limang taon na makapal na kurtinang puno na ng mantsa ang tanging pantapal sa mga butas nito. Madalas siyang nakaririnig ng pangungutya mula sa mga kapitbahay nila.
Chapter 6: Napapadaing siya sa sakit sa t’wing lumalapat sa kaniyang balat ang telang may nakabalot na yelo sa loob nito. Nagmarka ang bawat daliri ng Amo niya sa kaniyang balat. Nabalatan pa ang braso niya sa pagpiga ng Amo niya sa kaniyang braso kanina. Masakit ang laman at mahapdi naman ang ibabaw na parte nito. “Dahanin mo ang bata, Lordes. Ikaw, batid mong bago pa lang itong si Lila ay hindi mo siya tinanod. Hindi niya pa alam ang buong patakaran ni Sir Ryllander, tapos ikaw, wala kang ginawa. Ikaw ang nagpapasok kay Lila rito, kaya obligasyon mong sabihan siya tungkol sa kahit na anong patakaran ng Amo mong pinaglihi sa isanglibong demonyo na mula pa sa Mesopotamia!”“Aba! Hindi ko naman napansin na doon pala binilad nitong si Lila ang mga underwear ni Sir Ryllander. Ikaw ang nasa hardin buong araw pero wala kang ginawa. Imposibleng hindi mo nakita si Lila.” “Ikaw ang huling nakausap ng bata! Sinabihan mo pa siya kanina na ibilad na ang mga brief ni Sir Ryllander.”“Aray ko
Chapter 7:Isang madilim na sulok ang kaniyang kinatatayuan, nanatiling kumakabog ang tibok ng kaniyang puso dulot ng takot niya sa isang aninong papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Sumikip ang dibdib niya’t halos hindi na niya mahabol ang sariling hininga. Nawawalan siya ng lakas at ang nais lamang niya'y magising kung siya'y binabangungot man. Nakasuot ang anino ng tsaketang may talukbong kaya'y hindi niya makilala ito. Pumaibaba ang lumuluha at nanlalaking mga mata niya upang titigan ang kamay nito. Isang pistol ang kinasa ng anino. Sumunod lang sa kilos ng kamay ng lalaki ang kaniyang titig. Ang mosyon ng kamay ng lalaki ay paangat hanggang sa maitutok nito sa kaniya ang pistol. Ang mga kamay niya ay nanginginig na humarang sa sentro ng pistol kahit alam niyang hindi siya kayang protektahan ng mga palad niya laban sa balang iluluwa ng baril na hawak ng lalaki. “M-Maawa ka sa akin. W-Wala naman akong g-ginawang masama sa i-iyo,” nauutal niyang sabi. Nanatiling nakatutok ang pi
Chapter 8:Ang galit niya at inis sa Celine na iyon ang dahilan upang mabilis niyang natapos ang nilabhan niyang kumot at mga hapin ng kama. “Ineng, bakit ganiyan ka-haba ang mukha mo? Nag-away na naman kayo ng Amo mo?”“Wala naman pong bago roon, Mang Topeng. At sa pagtutuwid lamang ng iyong winika, hindi po kami nag-aaway. Siya lang naman ang palaging umaaway sa akin.”“E, bakit ganiyan ang ekspresiyon ng iyong mukha? Tila ba ay daig mo ang petsa de peligro. ‘Yan ba ay dulot ng pagpapalaba niya sa iyo ng mga makakapal na hapin at kumot?”Tinaas niya ang kaniyang mga kamay at umunat. Inabot niya ang kaniyang batok at marahan niya itong minasahe. Namanhid kasi ito dahil sa kaniyang pagyuko. Pagkatapos ay kaniyang tiningnan ang Mama.“Mang Topeng, kahit isang sakong hapin at kumot ang lalabhan ko ay hindi ako bubusangot. Para saan ba at naging katulong ako sa mansiyon na ito kung hindi ko gagawin ang mga trabahong nakatalaga sa akin at magrereklamo lang ako?”Kaunting tango ng Mama na
Chapter 9:Titig na titig si Lila sa kard tawagan na hawak niya. Nasa loob siya ng kaniyang silid at nagpapahinga, halos gabi na kasi nang siya ay makauwi mula sa pamilihan. Masakit nga ang kaniyang mga balikat at mga paa marahil iyon ay dulot ng kaniyang paglalakad sa malawak na pamilihan kanina. Kaya ay pagkatapos niyang kumain at hatdan ng pakain ang Amo niya ay nagpahinga na siya.Kahit na pagod siya ay hindi matinag ang kaniyang tuwa. Akala niya ay walang guwapong lalaki ang mayroong mabuting puso rito sa Maynila, pero nagkamali siya dahil kanina ay nagkatagpo sila ni Anthony. “Anthony Pullido,” bulong niya ng pangalan ng lalaking nagpumilit na magpalitan sila ng numero. “Mabuti ka pa dahil hindi ka suplado tulad ng Amo kong si Ryllander.” Paulit-ulit niyang naririnig ang mga papuri na sinabi ni Anthony sa kaniya kaya ganoon na lamang kung siya ay makangiti. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya sa nga panahon na iyon kaniya. Ayaw niyang itago na siya ay nahahaling sa lalaki. M
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak
Chapter 96:Isang metro na lamang ang layo ni Celine sa upuan kung saan siya nakagapos. “May nalalaman ka pang pakulo at nagbigay ka ng pekeng impormasyon. You said you are in Baguio, right? E, kung bagyuhin ko ang pagmumukha mo ngayon?!”“Celine, lumayo ako sa iyo at kay Ryllander dahil ayaw ko ng gulo! Mahirap bang hayaan na lang ako?! Kung gusto mong kunin si Ryllander, edi kunin mo siya! W-Wala na akong pakialam sa kaniya!” Sarkastikang tumawa si Celine. Pinagmasdan siya nito saglit hanggang sa hindi na nito makontrol ang sarili at siya ay sinampal nito.“Hindi na lang ito tungkol kay Ryllander, Lila! It’s about you and me. Ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. That's why you are sitting in front of me right now!”“Wala naman talagang bagay ang sa iyo, hindi ba? Kung ang pagiging head ng association ang pinuputok ng butsi mo ngayon ay gusto ko lang ipaalala sa iyo na para kay Mrs. Han ang posisyon na iyon!”“Para sa kaniya?! Walang para sa kaniya kung hi
Chapter 95:Nakaupo siya sa dulo ng kama. Walang lakas siyang suminghap. Hindi na ba titigil ang pagiging talunan niya sa mundong ito? Umiling siya nang maalala ang tinuro ng Tatay niyang namayapa na. Hindi tama na magkuwestiyon ukol sa mga hindi mabubuting bagay na dumarating at nangyayari sa buhay. Masama na gawin ang bagay na iyon dahil ang Diyos sa langit ang makakatanggap ng pagdududa. Perpekto ang Diyos at ang lahat ng ginagawa niya sa buhay ng isang tao ay may sadya. “Baby, kumapit ka lang at huwag bibitaw sa tiyan ni Mommy mo, a. Hindi kita pababayaan at kahit na nasa ganitong sitwasyon tayo ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka.”Umaga na’t hindi niya batid kung ano ang mangyayari. Pero kaniyang isinasa-Diyos ang lahat. Wala nang iba pang makakatulong sa kaniya kun’di ang Diyos lamang. Hindi siya makahingi ng tulong sa pamilya niya at kay Totoy. Kaya ay ang dalangin niya ay panatilihin lang siyang buhay upang hindi mamatay ang pag-asa na mayroon ang puso niya na matatapos di
Chapter 94:“Juice mo,” wika ni Totoy at nilagay sa tapat niya ang baso na may lamang juice. Tinitigan niya ang laman ng baso. Mukha naman itong malinis. Pero hindi pa rin maiwasan ni Ryllander ang mangamba na baka may nilagay ang lalaki sa inumin niya. Halata naman na mainit ang dugo nito sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Lila kanina ay aalis na sana siya. Pero pinigilan siya ng Ginang at sinabihan na huwag munang umalis. “Sinabi ni Tita na bukas ka na lang ng umaga aalis. May bakanteng kuwarto naman sa taas, dalawa tayo roon.”“What?”“Ano? Aalis ka? Edi, mas mababastos si Tita kapag umalis ka. Pero ikaw ang bahala. Parang wala lang naman sa iyo na nawawala si Lila nang dahil sa iyo.”“That's not what I mean. Kaya kong matulog sa bahay ni Auntie. Pero ang makasama ka sa kuwarto ay parang nagdadalawang-isip pa ako.” Umirap siya patingin sa juice. “Pati nga itong inumin na dala mo ay nakakabahalang tikman. Baka bigla na lang bubula ang bibig ko,” aniya. “A, pinagbibi
Chapter 93: Dala ng kaniyang yaman at impluwensiya ay tumungo siya sa probinsiya nina Lila. Hindi niya inisip na malayo ito at ang distansiya ay para bang isang hakbang lang kung iturin niya. Sumakay siya ng pribadong eroplano na niregalo ni James sa kaniya noong nakaraang kaarawan niya. Iniwan niya ito sa malapit na siyudad sa probinsiya nina Lila. Matirik ang araw. Nang lumabas siya sa sasakyan ay preskong hangin ang humalik sa kaniyang mukha. May mga taong pumaligid sa kaniyang sasakyan, tila ba ay namangha ang iilan, subalit ang karamihan ay nakakunot ang mga noo na tumitingin sa kaniya. Para bang isa siyang malaking masamang kuwento sa mga tao rito kung kaya’y halos maramdaman niya sa balat niya ang hapdi na dulot ng mga titig nila. Hindi niya nababatid kung paano siya kinuwento ni Lila sa mga ito kung nagkataon na umuwi rito ang babae. Huminga na lamang siya nang malalim. Ang pakay niya ay hanapin si Lila dahil gusto niyang sabihin sa babae na may nararamdaman siya para r
Chapter 92:Ang galit sa kaniyang mga mata ay hindi niya maitago pa. Kinuha niya ang kaniyang baso at agad itong tinapon. Sa kabila ng kapal nito ay nabasag pa rin ito sa maliliit na piraso. “Nahum?! Hindi puwede ang sinabi mo! Why the hell that she wasn’t there?!” “Look, Sir Ryllander, sinubukan ko siyang puntahan sa mismong bahay na tinuro ng mga kabaryo niya kung saan siya nakatira. Pasalamat nga ako dahil hindi na sila masungit sa akin. Pero wala roon si Miss Lila. Nakita ko roon ang Nanay niya at ang kaniyang nakababatang pinsan. Pero ganoon pa rin, ang sabi nila ay wala silang ideya kung nasaan si Miss Lila. Hindi raw ito umuwi sa probinsiya nila. Ang alam pa nga nila ay nasa Maynila ito at nagtatrabaho sa inyo. Sir, huwag naman po sana kayong magalit sa akin.”“Ano ang ineexpect mo sa akin, Nahum? Do you want me to applaud you? Nakakaproud ba iyan?! Matagal ko nang binigay sa iyo ang trabaho mo, Nahum! Oh come on! Not only that! Sumunod ako sa gusto mo!”“At transparent laman
Chapter 91:“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport, Manila! Please remain seated with your seatbelts fastened and keep the aisles clear until the aircraft comes to a complete stop and the cabin door is opened. Thank you for flying with us.”Halos putol-putol ang hangin na kaniyang pinakawalan nang marinig ang hudyat na iyon. Nandito na naman siya sa lugar kung saan nagsimulang maging magulo ang buhay niya. Ito ang alam niyang paraan upang lituhin ang mga taong naghahanap sa kaniya, takasan ang umaapoy na galit ni Celine, at lumayo upang hindi madamay ang mga taong mahalaga sa kaniya. Nagsalita pa ang Flight Attendant at nagbigay ng karagdagang alituntunin nang lumapag na ang eroplano sa paliparan. Sumunod siya sa mga taong hinay-hinay na lumabas mula sa bumukas na pintuan. Amoy ng hanging mainit ang hampas sa mukha niya ang siyang bumungad sa kaniya. Isang maleta lamang ang dala niya at kaniya itong dinala patungo sa loob ng gusali. Tinawid niya ang pi
Chapter 90:Ngayon ay makikipagkita si Celine kay Thon. Sa isang sikat na bar kung saan madalas na tumatambay ang mga kilalang tao at personalidad. Habang naglalakad siya sa gitna ay pinagmasdan siya ng maraming tao. Huminga siya nang malalim nang umupo siya sa tapat ng lalaking nakahalukipkip habang nagagalak sa mga babaeng nasa dancefloor na nagsasayaw. Minsan ay kanilang pinagmamasdan ang gawi ni Thon. Umiling siya at agad na binuhusan ng alak ang kupita na nasa tapat niya. Walang anu-ano’y ininom niya ang alak. Parang tubig lamang ito sa kaniyang lalamunan. Wala na siyang pakialam kung masira ang katawan niya at magkaroon siya ng taba o mad pumayat pa siya. Wala na siya sa industriya ng pagmomodelo at ang kaniyang brand ay nagdeclare na ng bankruptcy. “Dahan-dahan lang sa pag-inom, Celine.”“At bakit? Wala namang mangyayari kung mag-dahan-dahan ako, Thon!”“It’s so funny to hear that from you, Celine. Akala ko ba ay kailangan na manatili kang sexy? I think you are forgetting yo
Chapter 89:“She should not escape from me!” sigaw niya na hawak ang teleponong nakadikit sa kaniyang tainga. “Kaya gawin niyo ang lahat para madala niyo siya sa akin! And mind that I want her alive!”“Boss, ang nalaman kong impormasyon ay nasa Baguio siya ngayon. Hindi ko lang alam kung nasaan siya sa lugar na ‘yon. Wala kasing sinabing exact location ang lalaking kausap niya. Pero, Boss, dinig na dinig ko na naroon siya!”“Argh! Kung malapit ka lang sa akin ngayon, Jonas, ay sinakal na kita hanggang mamatay ka! Ano pa ang ginagawa niyo sa lugar na iyan?! Bakit hindi niyo siya hanapin sa Baguio?! Leave that place now and look for her!”“Boss—”“Stop telling me fairytales! Huwag mo akong gawing bata na hinehele mo sa pamamagitan ng iyong mga alibis, Jonas! Baka nakakalimutan mo na alam ko kung saan kayo nakatira at kung saan nag-aaral ang anak mo!”“Boss Celine, huwag mo naman idamay rito ang anak ko,” kabadong wika ng lalaki.“Then find that Adellilah as soon as possible! Suyurin mo