Prologue:
Tumingin na lamang sa langit si Lila nang bumalik sa isipan niya ang sinabi ng doktor sa kaniya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa sinapit ng ina niya. May barbecue-han sila at doon nagsimula ang sakit na tuberculosis ng kaniyang ina, at ang masaklap ay lumalala na ito. “Hija, dugo na ang inuubo ng nanay mo. We can't do anything kun'di ang tanggapin ang masamang mangyayari sa kaniya kung hindi niya maipagpapatuloy ang pag-inom ng mga gamot para sa sakit niya.” Humingang malalim ang dalaga at umupo ito sa kinalawang na silya sa labas ng ospital. Tumingin siya sa paligid at mga malalabong imahe ng mga taong naglalakad ang kaniyang nakikita dahil sa mga luhang humarang sa kaniyang mga mata. “Diyos ko? Paano na ito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng maisusustento ko sa pangangailangan ng aking ina.” Hayskul graduate lamang si Lila kaya hindi na siya umasa pa na matatanggap siya para sa maayos na trabaho. Lalo na at hindi siya bulag sa sistema ng Pilipinas. Kulang na nga lang ay mag-required ang bansang ito ng doctoral degree para sa posisyon ng isang janitor. Nangamba siya, sapagkat mahirap makatagpo ng matinong trabaho ngayong mga araw na ito. Isang malalim na buntonghininga na lamang ang kaniyang pinakawalan at inalis niya ang mga luhang sagabal upang maging malinaw ang paligid sa kaniyang paningin. Tumayo siya matapos tumingin sa de bateryang relo sa kaniyang wrist na pamana pa ng kaniyang namayapang ama. Kung hindi namatay sa pamamasahero ang ama niya ay tiyak siyang may masumbungan na siya ngayon ng mga problema na may roon siya, tiyak na may kasama na siyang harapin ang mga bundok ng paghihirap na nasa harap niya. Sa edad na bente-singko ay hindi niya naranasan ang buhay ng ibang kabataan. Gugol siya sa pagtulong sa ina dahil dalawa na lamang sila sa buhay. Kahit naman may mga kamag-anak sila ay nahihiya siyang lumapit sa mga ito dahil mata pobre ang mga ito. Akmang hahakbang siya pabalik sa loob ng ospital nang naagaw ng isang player na nasa lupa ang kaniyang mga mata. Isang malaking bahay ang nasa litrato at may nakasulat na “Urgent Hiring: Maid! ₱20,000.00 salary, free accomodation and necessities”. Yumuko siya upang damputin ito mula sa lupa. Muli niyang binasa ang mga nakasulat sa papel upang matiyak na hindi siya nagkakamali. “D-Diyos ko? Ito ba ang iyong tugon sa dasal ng aking puso?” Pinalangoy niya ang kaniyang kanang kamay sa loob ng bag na dala niya at sinubukan itong buksan. Nakahinga siya nang maayos dahil hindi inabutan ng topak ang cellphone niya. Tinawagan niya ang numero na nasa ibaba ng adbertisment. Mabuti na lang at may agad na sumagot sa kaniyang tawag. “Hello? This is Callares residence. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?” matinis na tanong ng babaeng tantiya niya ay ka-edad ng kaniyang ina. Unang pumitik ng kaba ang kaniyang dibdib, hindi batid ni Lila kung ano ang mabuting itugon sa kausap. Para bang nalula siya. Ngayon lang kasi siya nakarinig ng boses ng isang taga-Maynila. “H-Hello po. Magandang araw po. Ako po si Adellilah Mantoha p-po.” “Hija, bakit ka napatawag?” “Mag-apply p-po sana ako bilang maid. Nakita ko kasi sa player na naghahanap kayo ng maid.” “You're hired.” “P-Po?!” Nagulat siya sa tugon ng kausap. Hindi man lang ba tatanungin nito kung saang lupalop ng daigdig siya nakatira? Nag-duda si Lila kaya naman ay hindi niya maiwasan ang mag-isip nang masama. Baka mamaya ay patibong lang ito at kapag tutungo siya sa Maynila ay kakatayin siya na parang baboy at ibebenta ang kaniyang lamang-loob. “Ang sabi ko ay tanggap ka na sa trabaho.” “G-Ganoon na lang po iyon? Tanggap na po ako, agad-agad?” “Aba! Parang ayaw mo naman na tanggapin ka bilang maid, a.” Pumikit siya. Bahala na ang Diyos sa kaniya. Hindi naman siguro siya mapapahamak kung manalig lamang siya sa taas. Isang madulas na desisyon ito, subalit ito na lamang ang natitirang opsyon sa kaniya. “G-Gusto ko po. Kaso nasa probinsiya po ako.” “Don't worry, hija. Itetext kita mamaya at papadalhan ng pera pang pocket money mo at ako na rin ang bahala magbu-book ng ticket para sa iyo. Dumiretso ka na lang sa airport kapag nakuha mo na ang pera na ipapadala ko. Bukas na bukas ay dapat nasa airport ka na, okay?” “A-Ang bilis naman po.” “Hija, kaya nga may urgent sa adbertisment na iyong nabasa sa players na napulot mo. O siya, kailangan ko na itong ibaba nang sa ganoon ay makapaghanda ka na riyan.” Natapos ang kumbersasyon nila ng kaniyang nakausap at hanggang ngayon ay hindi pa rin napasok sa sistema niya na siya ay tanggap sa trabaho nang ganoon na lamang. Tumunog ang cellphone niya. Nagpakilala ang nag-text bilang Lordes at hiningian na agad siya ng address, numero at kompletong pangalan. Walang anu-ano’y ni-reply-an niya si Lordes at nilagay roon ang detalyeng hiningi sa kaniya. “Diyos ko?!” Halos mabitawan niya ang cellphone niya sa kaniyang nakita. Plakado trentamil ang sinend sa kaniya ni Lordes. Sa takot na baka mawala sa gitna ang pera ay kaniya itong ini-claim sa remittance center sa tapat ng ospital. Bumalik siya sa ospital na dala ang ngiti. Bukod sa may trabaho na siya ay makakalabas na sa ospital ang nanay niya at may pambili na siya ng mga niresetang gamot sa nanay niya. - Nasa sala ang ina niya, nakaupo at nagpapahinga. Katatapos lang nitong uminom ng gamot. Ang pinsan niyang kararating lang ay tulog na. Nalungkot si Lila nang pagmasdan ang kaniyang ina. Lilisanin niya ang tabi nito dahil hindi niya kayang ibigay ang pangangailangan nito kung mananatili siya sa bahay lang. Marahang hakbang na tila ba nagpipigil ang ginawa ni Lila patungo sa ina niya. Umupo siya sa tabi nito at yumakap dito. Pumatak sa kaniyang braso ang luha ng kaniyang ina. Alam niya na hindi nito nais na lumayo si Lila, siya na lang ang anak nito at hindi ito sanay na malayo sa tabi ang anak. “Lila, p-patawarin mo ako. Hindi na nga kita nabigyan ng magandang buhay, naging peruwisyo pa ako sa iyo, anak. Kahit ang pag-aaral mo ay hindi natapos dahil sa aking kakulangan bilang m-magulang mo.” “Si nanay talaga. Huwag kang malungkot at huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginagawa ko ito para sa ating dalawa. Hayaan mo at kapag nakapag-ipon-ipon ako sa pinagtatrabahuhan ko ay uuwi ako agad.” “P-Pangako, anak?” “Pangako ko ho iyon, nanay.” Kinaumagan ay naghanap ng traysikel na mapapakyaw si Lila. Mabuti na lang at pumayag ang kapitbahay nila na ihatid siya sa airport kahit na umagang-umaga pa. Ngayon kasi ang schedule ng flight niya patungong Maynila. Dumating na rin kanina ang ticket na pinadeliver sa kaniya ni Lordes. Kabado niyang niyakap ang ina at ang nakababatang pinsan niya. “Etang, alagaan mo nang mabuti si nanay. Huwag mong hayaan na mahuhuli sa oras ang pag-inom niya ng kaniyang gamot. At ikaw rin, mag-ingat ka at mag-aral nang mabuti.” Si Etang ang pinsan niya sa panig ng kaniyang ama, at tanging pumayag sa alok niya na samahan ang ina niya habang wala siya, kapalit ay ang pagsusustento sa niya pag-aaral nito. “Ate, mag-ingat.” “Anak, tawagan mo ako palagi.” “Mag-iingat kayo.” Isang mahigpit na yakap ang katapusan ng mga paalam ng tatlo sa isa't isa. Tutuparin ni Lila ang pangako sa kaniyang ina na uuwi kapag may naipon na siyang pera. Ayaw niya rin na mawalay nang matagal sa ina, kaya ay magtitipid siya at mag-iipon ng maraming pera. Maingay sa loob ng airport. Pero hindi na iyon alintana ng dalaga sapagkat abala siya sa pag-iisip kung saan siya dadalhin ng desisyon niyang ito. Habang nasa biyahe ay higit niyang pinagdarasal na sana ay mabait na tao ang kaniyang amo. Nang makababa siya sa airport sa Maynila ay naghintay siya sa kaniyang sundo. Umupo siya sa flower box sa labas ng airport. Ang sinabi ni Lordes sa text message nito sa kaniya ay ipapasundo raw siya sa drayber upang hindi na siya maligaw pa. Habang naghihintay ay bumili siya ng kapeng tig-limang piso na sa styro-cup nilagay. Nilagay niya sa tabi ng kanang paa niya ang cup pagkatapos niyang sumimsim mula rito. Tumingala siya nang tumigil sa tapat ng kinauupuan niya ang isang lalaking kayumanggi ang balat subalit makinis ito, matangkad at macho ang katawan. Nakasuot ito ng shades kaya naman ay mas umangat ang kaguwapuhan nito sa mga lalaking nakikita ni Lila na dumadaan dito kanina pa. Kumapa ang lalaki sa kaniyang bulsa at mayamaya pa ay pinasok na niya ang kamay niya rito. Nakita niya na kumuha ng tatlong piso ang lalaki at hinulog nito sa kaniyang kape. Nanlaki ang mga mata ni Lila. Nagtitipid siya kaya iyon ang kape na binili niya, pero sinayang lang ito ng lalaki at nilagyan ng tatlong piso. “Hoy! Bakit mo tinapunan ng tatlong piso ang kape ko?! Nangangasim na nga ang sikmura ko, tapos sinayang mo ang kape ko?!” “Eh? Aren't you a beggar?!” Kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay nakakaintindi siya ng salitang Ingles. Sayang ang kaguwapuhan ng lalaki dahil bastos ang ugali nito. “Aba’y talaga namang bastos ka!” aniya at tumayo. Hanggang balikat lamang siya ng lalaki pero hindi ibig-sabihin na hahayaan na lang niya ang lalaki na maliitin siya. “Sa ganda kong ito? Beggar ang tingin mo sa akin?” “Tsss! Pretty my ass.” Dumiretso ang lalaki at hindi na siya pinansin nito. Bumalik sa kaniya ang lalaki at inaral nito ang mukha ni Lila. “Are you Adellilah Mantoha?” “Yes! Ako nga! Bakit—” Napahawak siya sa kaniyang bibig. Ito na siguro ang drayber na sinabi ni Lordes na susundo sa kaniya. “Hays! Ang feeling mo kanina! Maka-asta ka ay parang boss ka. Ikaw lang naman pala ang driver ng mga Callares.” Lumingon siya sa dalawang bagahe na dala niya. “Ito ang mga gamit ko dalhin mo dahil pagod ako at gutom na rin.” “What?!” “Mister Drayber, bilisan mo na. Umalis na tayo rito.” Hindi na nagsalita ang lalaki pero bakas sa mukha nito na naiinis siya kay Lila. Nang nasa sasakyan na sila ay umupo siya sa tabi ng upuang pang drayber. Nahihilo kasi siya kapag sa likuran siya nakaupo at hindi niya makita ang unahan ng daan. Dahil sa pagod ay nakatulog siya. Kung hindi pa tinulak ng drayber ang ulo niya ay hindi siya nagising. Halos malula siya nang sumilip siya sa labas. Nakita niya ang dambuhalang gate, at sa loob nito ay may dambuhalang bahay na para bang sa mga teleserye niya lang nakikita. Maganda, magara, at prestihiyuso. “Wow! Ang gara naman ng amo natin— Nasa’n na iyon?” Bumaba siya at agad na humawak sa sasakyan. Tinapon ng drayber ang mga bagahe niya sa tabi niya. Tiningnan niya ito sa mukha at inirapan. “Isusumbong kita sa amo natin!” “Do your worse.” “Tse! Feeling!” Pinindot niya ang doorbell. Bumukas ang gate at pinapasok siya ng guard. Mayamaya ay tumungo sa kaniyang direksyon ang isang babae na sa tingin niya ay ang siyang kaniyang nakausap at nag-text sa kaniya. “Lila?” “Opo. Ako nga po, Aling Lordes.” “Mabuti at nakapaghintay ka. Pasensiya ka na, ha? Hindi available ang mga drayber kanina kaya natagalan bago ka nasundo.” “Ha? Nasundo naman ako ng drayber, ah. Medyo masungit nga lang,” aniya na medyo nahihiya pa sa kausap. “Lila, sinong drayber ang tinutukoy mo?” Inalala niya ang mukha ng lalaki at ang pisikal na anyo nito. “Hmm. Iyong moreno, matangkad, macho, makapal ang mga kilay, at Inglesiro. Guwapo siya, ah. Pero mukhang may saltik. Tinapunan ba naman ng tatlong piso ang kape ko. Ang suplado! Kapag nagkita kami ng boss natin ay isusumbong ko siya. Pero bawi naman, sinigawan ko siya at inutusan na bitbitin mga gamit ko—” “Dios Mio, Lila! Hindi drayber iyon. Si Sir Ryllander iyon! Patay kang bata ka! Bakit mo inutusan ang amo mo?” Nanatiling naka-awang ang kaniyang bibig at halos kapusin ng hininga si Lila. Mariin niyang pinikit ang mga mata niya. Namumula siya sa hiya dahil sa ginawa niya. “Diyos ko?!” “Lila, siya ang nagprisenta na sunduin ka dahil walang bakanteng drayber. Ikaw talagang bata ka.”Chapter 1: Nakatulala pa rin ang dalaga, iniisip ang isang malaking katangahan na kaniyang ginawa kanina lamang. Tinrato ba naman niyang utusan ang amo niya? Kararating pa lamang niya, pero palpak na agad siya. Nakikinig siya kay Lordes na nagpapaliwanag sa kaniya ng mga patakaran sa mansiyon. Pinilit niyang kumilos na para bang walang ilang na naramdaman sa kaniyang katawan, kahit na ang totoo ay humihiling na lang siya sa lupa na sana lamunin siya nito nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman pa ang kahihiyan na siya naman ang mismong nag-dulot sa sarili. “Ikaw ang siyang ma-aasign sa paghahatid ng pagkain ni Sir Ryllander sa kaniyang silid dahil hindi naman iyon bumababa sa tuwing oras ng pagkain niya. Ang umagahan niya ay bandang 7 AM, at ang hapunan niya ay 8 PM naman. Huwag mo nang problemahin ang kaniyang tanghalian dahil madalas ay sa opisina na siya kumakain, iyon nga lang ay dapat ihahanda mo ang baon niya kasabay ng umagahan niya.”Tumango siya at patuloy lamang sa pak
Chapter 2: Mahinang pag-katok sa pinto ng Amo niya ang kaniyang ginawa. Hindi umabot ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang nakahubad-pantaas na Amo. Makinis na tunay ang balat nito, matigas ang mga dibdib at ang tiyan nito ay hinelarahan ng maliliit na burol. Kung hindi siya nagkamali sa ginawang pag-bilang ay walo ang mga burol na iyon. Pinagpawisan siya dahil sa kaniyang nakita. “Sir…m-maglalaba na po ako. Kukunin ko na po ang mga labahan niyo.” “Come in,” wika ng amo sa kaniya at pinapasok na siya nito nang tuluyan. Malakas ang pagsarado ng pintuan subalit mas malakas pa roon ang tibok ng puso niya nang makita ang loob ng silid ng kaniyang Amo. Kung ang nasa labas ay mga painting, ang nasa loob naman ay mga baril na nasa loob ng frame. Nanlamig ang kaniyang mga palad at kung magsisinungaling ay dama niya kung paano umudyok na lumabas ang pawis niya sa kaniyang palad dahil sa nakakasindak na armas na nakita.Nangilid ang mga luha niya. Naalala niya
Chapter 3:Napangiwi siya nang sinubukan niyang umahon mula sa malambot na kamang hinigaan niya. Hindi siya sanay na matulog sa ganitong higaan. Paano ba ay sanay na siya sa banig lamang ang hapin sa kaniyang kama na yari sa kawayan doon sa probinsiya. Iyon na ang kaniyang kama simula noong bata pa siya hanggang sa ngayong bente-singko na ang edad niya. Sa katunayan ay ang mga kahoy na ginamit sa pag-gawa ng kama na iyon ay mismong ang Lolo niya ang sumukat at nag-linis ng mga ito. “Kay hirap naman itong hindi sanay sa ganitong higaan.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot niya ang bawat gilid nito sapagkat nahirapan siyang makatulog nang maayos. Hinahanap ng katawan niya ang higaan niya at ang kaniyang mga tainga ay hindi sanay na hindi marinig ang hilik at ubo ng kaniyang Nanay. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na malapad na ang maliwanag na parte ng langit. Tuluyan siyang bumaba sa kama at agad na tinupi ang makapal na kumot niya bago ito nilagay sa ibabaw n
Chapter 3:Napangiwi siya nang sinubukan niyang umahon mula sa malambot na kamang hinigaan niya. Hindi siya sanay na matulog sa ganitong higaan. Paano ba ay sanay na siya sa banig lamang ang hapin sa kaniyang kama na yari sa kawayan doon sa probinsiya. Iyon na ang kaniyang kama simula noong bata pa siya hanggang sa ngayong bente-singko na ang edad niya. Sa katunayan ay ang mga kahoy na ginamit sa pag-gawa ng kama na iyon ay mismong ang Lolo niya ang sumukat at nag-linis ng mga ito. “Kay hirap naman itong hindi sanay sa ganitong higaan.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot niya ang bawat gilid nito sapagkat nahirapan siyang makatulog nang maayos. Hinahanap ng katawan niya ang higaan niya at ang kaniyang mga tainga ay hindi sanay na hindi marinig ang hilik at ubo ng kaniyang Nanay. Napatingin siya sa labas ng bintana. Nakita niya na malapad na ang maliwanag na parte ng langit. Tuluyan siyang bumaba sa kama at agad na tinupi ang makapal na kumot niya bago ito nilagay sa ibabaw n
Chapter 2: Mahinang pag-katok sa pinto ng Amo niya ang kaniyang ginawa. Hindi umabot ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang nakahubad-pantaas na Amo. Makinis na tunay ang balat nito, matigas ang mga dibdib at ang tiyan nito ay hinelarahan ng maliliit na burol. Kung hindi siya nagkamali sa ginawang pag-bilang ay walo ang mga burol na iyon. Pinagpawisan siya dahil sa kaniyang nakita. “Sir…m-maglalaba na po ako. Kukunin ko na po ang mga labahan niyo.” “Come in,” wika ng amo sa kaniya at pinapasok na siya nito nang tuluyan. Malakas ang pagsarado ng pintuan subalit mas malakas pa roon ang tibok ng puso niya nang makita ang loob ng silid ng kaniyang Amo. Kung ang nasa labas ay mga painting, ang nasa loob naman ay mga baril na nasa loob ng frame. Nanlamig ang kaniyang mga palad at kung magsisinungaling ay dama niya kung paano umudyok na lumabas ang pawis niya sa kaniyang palad dahil sa nakakasindak na armas na nakita.Nangilid ang mga luha niya. Naalala niya
Chapter 1: Nakatulala pa rin ang dalaga, iniisip ang isang malaking katangahan na kaniyang ginawa kanina lamang. Tinrato ba naman niyang utusan ang amo niya? Kararating pa lamang niya, pero palpak na agad siya. Nakikinig siya kay Lordes na nagpapaliwanag sa kaniya ng mga patakaran sa mansiyon. Pinilit niyang kumilos na para bang walang ilang na naramdaman sa kaniyang katawan, kahit na ang totoo ay humihiling na lang siya sa lupa na sana lamunin siya nito nang sa ganoon ay hindi na niya maramdaman pa ang kahihiyan na siya naman ang mismong nag-dulot sa sarili. “Ikaw ang siyang ma-aasign sa paghahatid ng pagkain ni Sir Ryllander sa kaniyang silid dahil hindi naman iyon bumababa sa tuwing oras ng pagkain niya. Ang umagahan niya ay bandang 7 AM, at ang hapunan niya ay 8 PM naman. Huwag mo nang problemahin ang kaniyang tanghalian dahil madalas ay sa opisina na siya kumakain, iyon nga lang ay dapat ihahanda mo ang baon niya kasabay ng umagahan niya.”Tumango siya at patuloy lamang sa pak
Prologue: Tumingin na lamang sa langit si Lila nang bumalik sa isipan niya ang sinabi ng doktor sa kaniya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa sinapit ng ina niya. May barbecue-han sila at doon nagsimula ang sakit na tuberculosis ng kaniyang ina, at ang masaklap ay lumalala na ito. “Hija, dugo na ang inuubo ng nanay mo. We can't do anything kun'di ang tanggapin ang masamang mangyayari sa kaniya kung hindi niya maipagpapatuloy ang pag-inom ng mga gamot para sa sakit niya.” Humingang malalim ang dalaga at umupo ito sa kinalawang na silya sa labas ng ospital. Tumingin siya sa paligid at mga malalabong imahe ng mga taong naglalakad ang kaniyang nakikita dahil sa mga luhang humarang sa kaniyang mga mata. “Diyos ko? Paano na ito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng maisusustento ko sa pangangailangan ng aking ina.”Hayskul graduate lamang si Lila kaya hindi na siya umasa pa na matatanggap siya para sa maayos na trabaho. Lalo na at hindi siya