Share

KABANATA 2

Nanginginig pa rin sa gilid ng sasakyan si Clarisse.  Habang binabagtas ng sasakyan ang daan papuntang hospital ay nag-iisip na siya ng paraan kung paano tumakas. Hindi na siya magpapaapi sa mga ito.  Ayaw niyang mag-donate ng kidney. Hindi siya pwedeng mag-donate. Ikakamatay niya iyon. Ayaw pa niyang mamatay! 

“Kumusta ka nga pala sa bilangguan? Masaya ba roon?” nanunuyang tanong pa ni Drake sa kanya. Nasa kabilang gilid ito at sa gitna naman nila si Carlo. 

Hindi siya sumagot. Mas niyakap niya na lang ang kanyang sarili habang nakatitig lang sa kawalan. 

“Tsk. Sumagot ka pag tinatanong!”

Nanlaki ang mga mata ni Clarisse nang biglang may humawak sa kanyang mukha at ipinaharap siya sa mga ito. 

“Tsk. Tingnan mo nga naman, oh.” Pero wala na siyang nagawa nang hawakan ni Drake ang kanyang baba at pilit siya nitong pinaharap dito. 

Impit na napasigaw at napahikbi si Clarisse nang pisilin nito nang mariin ang kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ngipin sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang pisngi. Mas lalo siyang napaiyak dahil sa sakit. 

“Maganda ba sa loob, hmm? Sagot!”. 

Impit na umiyak si Clarisse pero nagawa niya pa ring umiling dito. Humikbi siya nang humikbi. Parang demonyo namang ngumisi sa kanya si Drake. Kitang-kita niya ang galit at pagkamuhi sa mukha ng binata habang siya at nanginginig na sa takot. 

Sanay na siya sa ganito sa kulungan kaso iba pa rin talaga ang trauma na dala nito sa kanya ngayon. Noong unang mga araw niya ay madalas siya pag-trip-an ng mga kasama at i-bully. Akala niya nga hindi na siya tatagal doon pero kalaunan ay nasanay niya ang sarili sa kalakalan sa loob. Nakalabas siya nang ligtas pero ang trauma sa nga naranasan niya sa loob ay nanatili sa kanya at nabubuksan iyon sa tuwing sinasaktan siya. 

Mas lumawak ang ngisi ni Drake sa kanya at inismiran pa siya. Marahas siya nitong tinulak at halos mapasigaw na siya dahil sa pagkakasiksik niya sa gilid.

“Tama na iyan, Drake. Baka kung ano ang mangyari diyan at hindi pa iyan makapag-donate.”

***

Sa hospital ng San Diego. 

“Bilis!” Halos kinaladkad ni Carlo si Clarisse palabas ng sasakyan. Mariing nakapikit lang siya habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha. 

Mabilis ang naging lakad ni Carlo at ganoon din siya dahil hila-hila siya nito. Hindi niya alam kung nasaan sila at kung may nanonood ba sa kanila dahil nakapikit lang siya. Napadilat na lang siya nang marahas siya nitong binitiwan at isalampak sa sahig.

Agad niyang ikinalat ang tingin sa buong paligid. Nasa isang kwarto sila at base sa hitsura nito ay para itong kwarto ng hospital. Wala nga lang pasyente roon. Siya, ang driver at si Carlo lang ang naroon. Maging si Drake ay nawala na rin. 

“Dito ka lang hanggang dumating sina Mama at Papa pati na ang doktor.”

Mariin siyang umiling dito. Bumuhos ang panibagong mga luha mula sa kanyang mga mata. Nagmamakaawang tumingin siya kay Carlo. Lumuhod siya sa harapan nito at yumakap sa binti nito.  

“C-Carlo please…ayoko pang mamatay! Please! Iba na lang! Gagawin ko ang lahat mapagbayaran lang ang kasalanan ng ina ko…h-huwag lang ito…please…hindi ako p-pwedeng mag-donate…hindi pwede… ayokong mamatay…m-may sakit ako, remember? Please, Carlo, please…” 

Halos pumiyok na siya dahil sa pag-iyak pero ni walang emosyong ipinakita sa kanya si Carlo. Kung hindi nga lang siya nito kailangan ay baka pinatay na nga siya nito.  

Gusto talaga ng mga itong magdusa siya. Pero hindi pa ba sapat ang naging pagdurusa niya sa kulungan? Mas higit pang pagdurusa ang naranasan niya roon, kung alam lang ng mga ito. Habambuhay na niyang dadalhin ang mga karanasan niya roon. 

“Tsk. Sinabi nang alis!” 

Halos masubsob siya sa sahig nang marahas siya nitong itinulak palayo. Pinagpagan pa nito ang mga binti at inilingan siya. Halos wala na siyang makita dahil sa mga luhang nagpalabo ng kanyang paningin. Tinitigan niyang muli ang lalaki pero walang mababakas na awa rito at mulhang determinado talaga itong pahirapan siya. 

Pumikit si Clarisse. Kailangan niyang makaalis. Kapag nakita siya ng mag-asawang Buenaventura alam niyang mas lalo siyang hindi makakaalis.  Kailangan niyang mabuhay kahit gaano pa man kasakit at kapait ang naghihintay sa kanya, hindi siya pwedeng sumuko. 

Napalunok siya nang unti-unting lumapit si Carlo sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang kinikilatis siya nito. Umiling din ito pagkatapos na tila nanghihinayang. Ang noo’y high and mighty na tagapagmana ng mga Buenaventure ay naging basahang inaapak-apakan na lang ngayon.

“C-Carlo…please…m-marami kayong mapagkukunan ng kidney…hindi lang ako. P-Paniguradong maraming gustong mag-donate para kay Trina. Maawa kayo…a-ayaw ko pang mamatay. Babayaran ko na lang ang pagkakasala k-ko sa ibang paraan…” 

May congenital heart disease si Clarisse at kahit na naoperahan na siya noong bata pa siya hindi pa rin sigurado kung makakaya ba niyang mag-donate ng kidney. 

“Tsk. Utang mo ang buhay na iyan kay Trina. Kung hindi ka ipinalit ng nanay mo sa kanya noon ay baka matagal ka nang patay kaya dapat lang na bayaran mo siya! Dalawampu’t isang taon ka nang nagpakasasa sa kayamanan na hindi dapat sayo habang ang kapatid ko ay lumaki sa hirap. Kailangan mong bayaran iyon!” 

Pareho silang natigilan nang biglang pumasok si Drake. Nagtagpo ang kanilang mga mata pero agad din naman itong nag-iwas na parang wala lang nangyari. 

“C-Carlo please…iba na lang…sa ibang paraan ko na lang babayaran…” muli niyang subok pero marahas siyang tiningnan ni Drake.

“And who are you to demand? What? Akala mo mabubura ng limang taon mong mong pagkakakulong ang mga kasalanan mo? Oh come on, bitch. Remember when you betrayed me and slept with another man before?” Nanggagalaiti na si Drake at akmang susugurin siya pero agad naman itong pinigilan ni Carlo. 

Naiiwas na lang niya ang tingin. Hindi totoong nagtaksil siya rito. Kagaya ng naging kaso niya ay sinet-up siya no Carlo sa isang lalaki para pagmukhaing nagtaksil siya kay Drake. At gata noong sa kaso ay wala siyang nagawa.

“Tama na. Parating na sina Mommy” narinig niyang sabi pa ni Carlo at kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto. 

Dahan-dahang nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang kanyang mga kinalakihang magulang. Galing ang mga ito sa wala pa ring malay na si Trina. 

“Pumayag na siya?” tanong ng kanyang kinilalang ama, si Manuel Buenaventura. Kasama nito ang kinilala niyang ina na si Marienne Buenaventura. 

“Wala naman siyang karapatang hindi pumayag, Papa,” narinig niya pang sabi ni Carlo. 

Tiningnan siyang maigi ng mga ito ngunit hindi gaya noon ay wala na ang pagmamahal sa mata ng mga ito. 

Umiling ito sa kanya. 

“Matagal ka na naming hindi nakita, Clarisse…” sambit ng kanyang kinilalang ama. 

Lumapit si Marienne Buenaventura sa kanya. Sinalubong niya ang tingin nito pero ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang sinampal siya nito. 

“How dare you!” nanlilisik ang mga matang sigaw nito sa kanya. 

Halos hindi na siya makagalaw sa kanyang kinasasadlakan. Narinig niya ang pag-ismid ni Manuel. 

“Kulang na kulang pa iyan sa lahat ng pasakit mo sa amin. Nakalimutan mo na ba na bukod sa pagtataksil mo sa iyong fiance ay muntik mo pang dungisan ang aming pangalan dahil nagpabuntis ka pa!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status