Share

KABANATA 20

Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse.

Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki.

“Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake.

Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”

Nanatiling nakayuko lang si Christi.

“Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status