“Miss Clarisse, may iilang katanungan lang po kami sa inyo.” Hindi makapagsalita at makagalaw si Clarisse sa tanong ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Napalunok na lang siya. Ramdam niya ang titig ni Callen sa kanya. Tila gusto nitong may sabihin siya pero hindi niya naman alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bakit ba humantong ito sa pulis? At talagang si Callen ang nagsumbong? Bakit?” “Miss Clarisse? Maki-cooperate na lang po kayo para matapos na rin po tayo agad,” muling sabi ng pulis nang hindi siya magsalita. “Just tell them who did that to you,” tila naiinis na sambit na rin ni Callen. Mas lalong napalunok si Clarisse. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Callen tapos ay sa mga pulis. Ganoon ang ginawa niya nang ilang segundo. Sobrang naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa sobrang kaba niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Callen at naghihintay ng kanyang sasabihin. Na
“Sorry, anak…sorry talaga…” naiiyak na sabi ni Clarisse habang hinahalikan ang kanyang anak sa ulo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Nakangiti siya sa kanyang anak habang hinahaplos ang buhok nito. “Mama…saan ka ba po pumunta? Natakot ako, eh,” nanginginig pa rin ang boses na sabi nito sa kanya. Parang may nagbara naman sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nasaktan din niya ang kanyang anak. “Nasaan ba ang Tito Luis mo? Bakit ka nandito, ha?” tanong niya naman pabalik dito imbes na sagutin ang tanong nito. Ngumuso si Michael sa kanya. “Tulog po siya…lumabas ako kasi hinahanap kita…” Nasapo na lang ni Clarisse ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Muli niya itong niyakap tapos ay hinagkan ulit ito sa kaliwang pisngi. “Ate?”Napatayo siya nang makita si Luis na palabas ng bahay. “Luis!” Nilapitan niya ang kapatid, hawak ang kanyang anak sa isang kamay. “Bakit hindi mo
“Aba, aba! Sumasagot ka na ngayon, ha!” Akmang lalapitan siya nito para sabunutan pero agad itong napigilan ni Christi. “No, Manang, it’s not worth it. Hindi worth it ang babaeng iyan,” mariing sambit pa ni Christi, idinidiin ang salitang ‘hindi worth it’. “Bakit hindi po natin icheck iyan siya! Nako, Maam, malay naman talaga natin!” sulsol na naman ng mayordoma na mas lalong ikinasinghap ni Clarisse. “Wala nga akong kinalaman diyan! Christi, hindi ko alam iyan!” “Sinungaling! Sige nga, hubarin mo iyang suot mo para makita naming wala ka ngang tinatago, ha? Ano?” hamon nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa sinabi ng mayordoma. Bumalatay ang takot sa mukha ni Clarisse dahil sa sinabi ng mayordoma. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Seryoso ba ito? Hindi siya makapaniwala sa sitwasyon na iyon lalo pa nang makita niyang tila pumapayag si Christi sa sinabi ng mayordoma. Mariing umiling si Clarisse. “Hindi! Hindi ko gagawin iyan!” Sobra-sobra na ang ginagawa ng
“Daddy!” Mabilis na nalipat din ang tingin ni Clarisse nang makitang tumakbo ang anak ni Christi sa lalaking nasa likuran nina Carlos at Drake. Maging si Christi ay natulala rin at napatayo nang maayos. “L-Luigi…y-you’re back. I thought may business meeting ka pa sa Beijing?” tanong pa nito sa asawa.“Nandoon si Papa. Umuwi ako para asikasuhin ang divorce natin.” Napakurap-kurap si Clarisse at napatitig kay Christi. Kung kanina ay ang tapang-tapang nito, ngayon ay para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Kahit pilit nitong tinatago ay ramdam at kita niya rito ang sakit.“Talagang minamadali mo iyan?” Dinig na dinig ni Clarisse ang pait sa boses ni Christi. Nawala ang matapang at mapangmataas na titig nito sa kanya kanina at napalitan iyon ng tila takot at sakit. Para itong nanliliit habang nakatitig sa asawa nito. “Tsk. Bakit hindi?” tanging sagot lang ng asawa ni Christi dito. Hindi napigilan ni Clarisse ang mapakurap-kurap dahil sa sagot ng lalaki. Napaawang ang kanyang bibig
Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse. Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki. “Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake. Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”Nanatiling nakayuko lang si Christi. “Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
“Huwag na huwag ka nang lumingon pag nakalabas ka na, kosa. Magpakasaya ka sa labas!” Umalingawngaw ang hiyawan ng mga preso sa loob. Ipinilig ni Clarisse ang ulo bago tuluyang naglakad paalis ng city jail. Ramdam niya ang pagtayo ng kanyang balahibo dahil sa lamig ng hanging yumayakap sa kanyang katawan. Limang taon. Dalawampu’t isang taon siya nang makulong, ngayon ay dalawampu’t anim na taon na siya. Ang daming nangyari sa buhay niyang hinding-hindi niya makakalimutan. “Pasok,” malamig na utos ng isang lalaki. Napatingin siya sa isang itim na sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada. Sa tabi noon ay ang lalaking malamig pa sa hangin kung magsalita. Ito ang kanyang Kuya Carlos, ang kanyang kapatid na lalaki na walang ibang ginawa kundi ang insultuhin at sigawan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon pagkatapos nitong malaman na hindi naman talaga sila tunay na magkapatid. Ni hindi sila magkadugo. “K-Kuya…” malat na sambit ni Clarisse. Parang lalabas na ang kanyang puso sa sobr
Nanginginig pa rin sa gilid ng sasakyan si Clarisse. Habang binabagtas ng sasakyan ang daan papuntang hospital ay nag-iisip na siya ng paraan kung paano tumakas. Hindi na siya magpapaapi sa mga ito. Ayaw niyang mag-donate ng kidney. Hindi siya pwedeng mag-donate. Ikakamatay niya iyon. Ayaw pa niyang mamatay! “Kumusta ka nga pala sa bilangguan? Masaya ba roon?” nanunuyang tanong pa ni Drake sa kanya. Nasa kabilang gilid ito at sa gitna naman nila si Carlo. Hindi siya sumagot. Mas niyakap niya na lang ang kanyang sarili habang nakatitig lang sa kawalan. “Tsk. Sumagot ka pag tinatanong!”Nanlaki ang mga mata ni Clarisse nang biglang may humawak sa kanyang mukha at ipinaharap siya sa mga ito. “Tsk. Tingnan mo nga naman, oh.” Pero wala na siyang nagawa nang hawakan ni Drake ang kanyang baba at pilit siya nitong pinaharap dito. Impit na napasigaw at napahikbi si Clarisse nang pisilin nito nang mariin ang kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ngipin sa sobrang higpi
Umigting ang panga ni Drake nang maalala ang batang naging bunga ng pagtataksil ni Clarisse. Mariing pumikit naman si Clarisse at mahigpit na niyakap ang kanyang sarili. Oo, nabuntis siya ng lalaking kanyang kinatalik. Ni wala siyang maalala noong gabing iyon. Halos patayin siya ni Drake nang malaman nito ang nangyari at ang naging pagbubuntis niya. Kinailangan niyang sundin ang mga ito kaya napilitan siyang ipamigay ang anak niya. “Ano? Gusto mong patayin ko rin ang anak mong iyon? Gusto mo siyang madamay?!” Dumagundong sa buong kwarto ang boses ni Drake. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse at mabilis na umiling dito. “H-hindi! P-please, huwag! Huwag inosente siya please! Malayo na siya sa akin! Malayo na siya sa inyo! M-maawa kayo please…” Naitakip niya na lang sa kanyang mukha ang dalawa niyang kamay. Doon siya umiyak nang umiyak, nagmamakaawa sa mga ito. “Inosente? Bakit? Inosente rin si Trina nang ipinalit ka ng nanay mo sa kanya!” “Ahhh!” daing ni Clarisse nang sabunutan siy