Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse. Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki. “Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake. Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”Nanatiling nakayuko lang si Christi. “Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
“Huwag na huwag ka nang lumingon pag nakalabas ka na, kosa. Magpakasaya ka sa labas!” Umalingawngaw ang hiyawan ng mga preso sa loob. Ipinilig ni Clarisse ang ulo bago tuluyang naglakad paalis ng city jail. Ramdam niya ang pagtayo ng kanyang balahibo dahil sa lamig ng hanging yumayakap sa kanyang katawan. Limang taon. Dalawampu’t isang taon siya nang makulong, ngayon ay dalawampu’t anim na taon na siya. Ang daming nangyari sa buhay niyang hinding-hindi niya makakalimutan. “Pasok,” malamig na utos ng isang lalaki. Napatingin siya sa isang itim na sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada. Sa tabi noon ay ang lalaking malamig pa sa hangin kung magsalita. Ito ang kanyang Kuya Carlos, ang kanyang kapatid na lalaki na walang ibang ginawa kundi ang insultuhin at sigawan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon pagkatapos nitong malaman na hindi naman talaga sila tunay na magkapatid. Ni hindi sila magkadugo. “K-Kuya…” malat na sambit ni Clarisse. Parang lalabas na ang kanyang puso sa sobr
Nanginginig pa rin sa gilid ng sasakyan si Clarisse. Habang binabagtas ng sasakyan ang daan papuntang hospital ay nag-iisip na siya ng paraan kung paano tumakas. Hindi na siya magpapaapi sa mga ito. Ayaw niyang mag-donate ng kidney. Hindi siya pwedeng mag-donate. Ikakamatay niya iyon. Ayaw pa niyang mamatay! “Kumusta ka nga pala sa bilangguan? Masaya ba roon?” nanunuyang tanong pa ni Drake sa kanya. Nasa kabilang gilid ito at sa gitna naman nila si Carlo. Hindi siya sumagot. Mas niyakap niya na lang ang kanyang sarili habang nakatitig lang sa kawalan. “Tsk. Sumagot ka pag tinatanong!”Nanlaki ang mga mata ni Clarisse nang biglang may humawak sa kanyang mukha at ipinaharap siya sa mga ito. “Tsk. Tingnan mo nga naman, oh.” Pero wala na siyang nagawa nang hawakan ni Drake ang kanyang baba at pilit siya nitong pinaharap dito. Impit na napasigaw at napahikbi si Clarisse nang pisilin nito nang mariin ang kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ngipin sa sobrang higpi
Umigting ang panga ni Drake nang maalala ang batang naging bunga ng pagtataksil ni Clarisse. Mariing pumikit naman si Clarisse at mahigpit na niyakap ang kanyang sarili. Oo, nabuntis siya ng lalaking kanyang kinatalik. Ni wala siyang maalala noong gabing iyon. Halos patayin siya ni Drake nang malaman nito ang nangyari at ang naging pagbubuntis niya. Kinailangan niyang sundin ang mga ito kaya napilitan siyang ipamigay ang anak niya. “Ano? Gusto mong patayin ko rin ang anak mong iyon? Gusto mo siyang madamay?!” Dumagundong sa buong kwarto ang boses ni Drake. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse at mabilis na umiling dito. “H-hindi! P-please, huwag! Huwag inosente siya please! Malayo na siya sa akin! Malayo na siya sa inyo! M-maawa kayo please…” Naitakip niya na lang sa kanyang mukha ang dalawa niyang kamay. Doon siya umiyak nang umiyak, nagmamakaawa sa mga ito. “Inosente? Bakit? Inosente rin si Trina nang ipinalit ka ng nanay mo sa kanya!” “Ahhh!” daing ni Clarisse nang sabunutan siy
Naalimpungatan si Clarisse. Ibinuka niya ang mga mata at agad na inilibot ang paningin sa buong paligid. “Tang ina kasalanan mo ito!” “Ano ba! Huminahon kayo!”“That’s enough for you two!”“Tsk! Ang sabi mo nagpapanggap lang siya o ano ngayon ha?! Paano kung natuluyan iyan, ha?!”Dinig na dinig niya ang bangayan nina Drake at Carlo. Inaaninag niya ang mga ito pero sadyang nanghihina pa rin siya at inaantok kaya hindi niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim bago muling sinubukan ang dumilat. Mas naaninag na niya ang mga tao sa kanyang paligid sa pangalawang pagkakataon. Nangunot pa ang kanyang noo nang makita sina Carlo at Drake hindi kalayuan sa kanya. Hawak ni Drake ang kwelyo ni Carlo at tila hindi pa rin ito tapos sa pagbabangayan. Nasa gilid naman ng pinto si Manuel, nakahalukipkip at pinagmamasdan ang dalawa. “Bakit ba nag-aalala ka sa traydor na iyan, ha, Drake? Parang kanina lang ay gusto mo na ring patayin iyan, ah? Anong nangyari? Lumambo
“Nasaan siya?! Paanong nakawala?! Tang ina mga bobo ba kayo, ha?! Bakit kayo natakasan ng babaeng iyon?” Halos mayanig ang buong kwarto sa pagsigaw na iyon ni Carlo. Mabilis na nagsialisan ang kanilang mga tauhan. “How could you be so lenient, Carlo?! Bakit ka natakasan ng babaeng iyon?!” sermon naman ng kanyang ina sa kanya habang hinahaplos ang buhok ng kanyang kapatid na noon ay gising na. Nasapo ni Carlo ang ulo at napasigaw na lang sa inis. “Hmm baka talagang ayaw niyang ibigay ang kidney niya, Mama,” ang mahinang sambit ni Trina. “Sabi na, eh, hindi talaga siya mapagkakatiwalaan. Akala ko pa naman may isang salita siya…” dagdag pa nito. “Ohh, Trina…shhh huwag kang mag-aalala, okay? Mahahanap natin ang babaeng iyon at makukuha mo rin ang dapat na sayo. She owed you that kidney, hija, pagkatapos ng lahat ng ginawa nila ng nanay niya…” mariing sambit nito sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Tipid na ngumiti lang si Trina at nag-iwas ng tingin sa ina. “Pwede bang huwag
“Anong ginagawa niyo rito?!” Gulat na gulat si Clarisse nang biglang humarang ang kapatid niyang si Luis sa kanila ni Michael. Walang takot nitong idinipa ang dalawang kamay na para bang pinoprotektahan sila nito.“L-Luis…” tawag niya rito dahil baka kung ano ang gawin ni Drake dito. Napapikit na lang si Clarisse nang makita kung gaano kagalit si Drake. Ano nga ba ang ginagawa nito rito at paano nito nalaman ang kanilang tinitirhan? Sinunan ba siya nito? Pero sinigurado niya kaninang hindi siya nasundan ng kahit na sino. “Hindi! Hindi, Ate! Sumusobra na sila! Pagkatapos mong pahiyain ang ate ko at pagkatapos mo siyang ipakulong? Ano? Ganoon na lang iyon? Hindi pa ba talaga sapat ang mga iyon at may plano pa kayong masama sa ate ko? Sobra-sobrang kabayaran na ang mga ginawa niyo sa kanya noon kaya tigilan niyo na siya!” Humahangos si Luis habang sinasabi iyon. Mariing napapikit naman si Clarisse at mas lalong niyakap si Michael. Nakita niyang tumaas ang kilay ni Drake habang nakatiti
Kitang-kita ni Clarisse kung paano nanlaki ang mga mata ni Drake nang marinig ang boses na iyon. Napalunok si Clarisse at napatitig din sa lalaking nakatayo ilang metro lang ang layo sa kanila. Si Callen.Hindi niya alam kung nakita ba siya nito kasi natatabunan sila ng kahoy na nasa gilid ng gate. Nanliit ang mga mata ni Clarisse habang nakatitig kay Drake. “Kuya….k-kailan ka pa nakauwi?” tila kinakabahang tanong nito sa lalaki. Hindi gaanong nakita ni Clarisse ang naging reaksyon ni Callen pero halatang-halata kay Drake na kinakabahan ito. Nakita niya pa kung paano pasimpleng sumenyas si Drake sa maid nila para dumalo sa kanila. Agad namang tumalima ang maid.“Bring them to the maid’s house. Sa likod kayo dumaan,” bulong pa nito. “Kuya,” sabi nito at tuluyan nang pumasok sa bukana ng mansyon para salubungin ang kapatid nito. Binalingan sila ng maid na inutusan ni Drake. Ang sama pa ng tingin nito sa kanya kaya napayuko na lang si Clarisse. “Tara na. Sundan niyo ako,” malamig na
Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse. Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki. “Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake. Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”Nanatiling nakayuko lang si Christi. “Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
“Daddy!” Mabilis na nalipat din ang tingin ni Clarisse nang makitang tumakbo ang anak ni Christi sa lalaking nasa likuran nina Carlos at Drake. Maging si Christi ay natulala rin at napatayo nang maayos. “L-Luigi…y-you’re back. I thought may business meeting ka pa sa Beijing?” tanong pa nito sa asawa.“Nandoon si Papa. Umuwi ako para asikasuhin ang divorce natin.” Napakurap-kurap si Clarisse at napatitig kay Christi. Kung kanina ay ang tapang-tapang nito, ngayon ay para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Kahit pilit nitong tinatago ay ramdam at kita niya rito ang sakit.“Talagang minamadali mo iyan?” Dinig na dinig ni Clarisse ang pait sa boses ni Christi. Nawala ang matapang at mapangmataas na titig nito sa kanya kanina at napalitan iyon ng tila takot at sakit. Para itong nanliliit habang nakatitig sa asawa nito. “Tsk. Bakit hindi?” tanging sagot lang ng asawa ni Christi dito. Hindi napigilan ni Clarisse ang mapakurap-kurap dahil sa sagot ng lalaki. Napaawang ang kanyang bibig
“Aba, aba! Sumasagot ka na ngayon, ha!” Akmang lalapitan siya nito para sabunutan pero agad itong napigilan ni Christi. “No, Manang, it’s not worth it. Hindi worth it ang babaeng iyan,” mariing sambit pa ni Christi, idinidiin ang salitang ‘hindi worth it’. “Bakit hindi po natin icheck iyan siya! Nako, Maam, malay naman talaga natin!” sulsol na naman ng mayordoma na mas lalong ikinasinghap ni Clarisse. “Wala nga akong kinalaman diyan! Christi, hindi ko alam iyan!” “Sinungaling! Sige nga, hubarin mo iyang suot mo para makita naming wala ka ngang tinatago, ha? Ano?” hamon nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa sinabi ng mayordoma. Bumalatay ang takot sa mukha ni Clarisse dahil sa sinabi ng mayordoma. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Seryoso ba ito? Hindi siya makapaniwala sa sitwasyon na iyon lalo pa nang makita niyang tila pumapayag si Christi sa sinabi ng mayordoma. Mariing umiling si Clarisse. “Hindi! Hindi ko gagawin iyan!” Sobra-sobra na ang ginagawa ng
“Sorry, anak…sorry talaga…” naiiyak na sabi ni Clarisse habang hinahalikan ang kanyang anak sa ulo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Nakangiti siya sa kanyang anak habang hinahaplos ang buhok nito. “Mama…saan ka ba po pumunta? Natakot ako, eh,” nanginginig pa rin ang boses na sabi nito sa kanya. Parang may nagbara naman sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nasaktan din niya ang kanyang anak. “Nasaan ba ang Tito Luis mo? Bakit ka nandito, ha?” tanong niya naman pabalik dito imbes na sagutin ang tanong nito. Ngumuso si Michael sa kanya. “Tulog po siya…lumabas ako kasi hinahanap kita…” Nasapo na lang ni Clarisse ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Muli niya itong niyakap tapos ay hinagkan ulit ito sa kaliwang pisngi. “Ate?”Napatayo siya nang makita si Luis na palabas ng bahay. “Luis!” Nilapitan niya ang kapatid, hawak ang kanyang anak sa isang kamay. “Bakit hindi mo
“Miss Clarisse, may iilang katanungan lang po kami sa inyo.” Hindi makapagsalita at makagalaw si Clarisse sa tanong ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Napalunok na lang siya. Ramdam niya ang titig ni Callen sa kanya. Tila gusto nitong may sabihin siya pero hindi niya naman alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bakit ba humantong ito sa pulis? At talagang si Callen ang nagsumbong? Bakit?” “Miss Clarisse? Maki-cooperate na lang po kayo para matapos na rin po tayo agad,” muling sabi ng pulis nang hindi siya magsalita. “Just tell them who did that to you,” tila naiinis na sambit na rin ni Callen. Mas lalong napalunok si Clarisse. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Callen tapos ay sa mga pulis. Ganoon ang ginawa niya nang ilang segundo. Sobrang naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa sobrang kaba niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Callen at naghihintay ng kanyang sasabihin. Na
“What the fuck are you doing?” kalmado ngunit galit na sabi ni Callen. Natahimik ang buong paligid. Nanatiling nakayuko si Clarisse habang pinapakinggan ang sigaw ni Callen. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil nakayuko lang naman siya at nakaharang pa sa kanyang vision ang bulto ni Callen.Walang nagsalita sa mga kaibigan ni Drake. Ilang saglit lang ay narinig niya ang pag-ismid ni Callen. Napakurap-kurap si Clarisse lalo na nang hilahin siya nito patayo. Naramdaman niyang tila chinicheck siya nito. "Tsk. Let's bring her to the hospital. She's bleeding," narinig niya na lang sabi nito tapos ay hinila na siya nito paalis doon. Ni hindi niya namalayang dumugo pala ang kanyang braso. Marahil ay dahil iyon sa paghampas niua ng champagne kay Miguel. Nakarinig pa siya ng bulong-bulungan mula sa mga taong naroon. Hindi na lang iyon pinansin ni Clarisse at tuluyan na siyang nagpahila kay Callen paalis doon. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Clarisse ang mahigpit na mapakapi
Kahit anong kondisyon ni Clarisse sa kanyang sarili na huwag magpaapekto sa mga sinasabi at ginagawa ni Drake ay hindi niya pa rin maiwasan. Kuyom na kuyom ang kanyang kamay habang papunta sila sa venue ng kaarawan ni Trina. Gusto niya na lang sanang matapos ang gabing ito nang walang gulo. Ang sabi niya sa kanyang sarili ay hindi na siya papatol sa kahit anong sabihin ng lalaki pero sadyang hindi niya kaya dahil talagang walang humpay ang pang-iinsulto sa kanya. Talagang nagalit ito sa sinabi niya kanina kaya ngayon ay hindi sita nito tinatantanan ng mga masasakit na salita. Hanggang sa pagkababa nila ay patuloy pa rin ang parinig nito. Mas lalong naikuyom ni Clarrise ang kanyang mga kamay nang pagkapasok nila sa venue ay may sumalubong agad sa kanila. “My, my! Look who’s here!”“Today’s protagonist!”Kinantiyawan siya ng mga taong sumalubong sa kanila. Nang titigan niyang maigi kung sino ang mga ito ay saka lang niya makilalang ang mga ito ay ang circle ni Drake na noon ay sobran
Takang-taka si Clarisse habang nakatitig kay Drake na noon ay nasa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nasa sala noon at nakaupo sa mahabang couch. Ang anak niya ay nasa kwarto at natutulog pa. Umaga na iyon at hinihintay na lang niyang matapos ang kanyang niluluto. Sobrang bait ni Callen dahil sobra-sobra ang ibinigay nitong pagkain para sa kanila kaya naman may naluto pa siya kinabukasan. Mabuti na lang din iyon kasi hindi nga sila pinapalabas. Nagulat na lang siya nang biglang pumasok doon si Drake. “D-Drake…” Napatayo siya at ramdam na ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang magkaharap sila ni Drake. Mukha itong bagong gising at tila labag pa sa loob nito ang pagpunta nito sa kanya. Napalunok siya habang pinagmamasdan niya ito. “Tsk. Sasama ka sa akin ngayon,” mariing sambit nito. Napaawang ang labi niya at biglang kumabog ang kanyang dibdib. “H-ha? Bakit? T-teka, saan tayo pupunta?” sunod-sunod niyang tanong dito. “Tsk. Bakit ba ang dami mong tanong? Sumama k
“Ito oh. Kain pa kayo…kain ka pa, boy.” “Salamat po,” tipid na sabi ni Clarisse kay Pablo, ang assistant ni Callen. Ngumiti naman ito sa kanya. “Kain din po kayo, Maam, Sir,” sabi naman nito sa kanila ni Luis. Tumango lang ang kapatid niya rito. Nginitian niya rin ito at saka siya bumalik sa pagkain. “Kain ka pa, anak,” sabi niya pa kay Michael at muli itong sinubuan ng kanin at ulam. “Masarap ba?” tanong niya pa rito. Magiliw na tumango naman si Michael sa kanya. Mas napangiti siya at ginulo ang buhok ng kanyang anak. Hinagkan niya pa ito sa ulo. Tiningnan niya ang kanyang kapatid at tahimik lang din naman itong kumakain. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay tipid niya pa itong nginitian. Hindi siya nito pinansin at binigyan na ulit ng pagkain si Michale. “Ay teka po, may kukunin lang ako,” paalam ni Pablo sa kanila. Tumango lang sina Clarisse at Michael dito habang si Luis ay wala pa ring kinakausap. Hinayaan na lang ni Clarisse ang kapatid. Basta ba magkasama sila at nabab