Naalimpungatan si Clarisse. Ibinuka niya ang mga mata at agad na inilibot ang paningin sa buong paligid.
“Tang ina kasalanan mo ito!”
“Ano ba! Huminahon kayo!”
“That’s enough for you two!”
“Tsk! Ang sabi mo nagpapanggap lang siya o ano ngayon ha?! Paano kung natuluyan iyan, ha?!”
Dinig na dinig niya ang bangayan nina Drake at Carlo. Inaaninag niya ang mga ito pero sadyang nanghihina pa rin siya at inaantok kaya hindi niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata.
Huminga siya nang malalim bago muling sinubukan ang dumilat. Mas naaninag na niya ang mga tao sa kanyang paligid sa pangalawang pagkakataon.
Nangunot pa ang kanyang noo nang makita sina Carlo at Drake hindi kalayuan sa kanya. Hawak ni Drake ang kwelyo ni Carlo at tila hindi pa rin ito tapos sa pagbabangayan. Nasa gilid naman ng pinto si Manuel, nakahalukipkip at pinagmamasdan ang dalawa.
“Bakit ba nag-aalala ka sa traydor na iyan, ha, Drake? Parang kanina lang ay gusto mo na ring patayin iyan, ah? Anong nangyari? Lumambot ka naman agad!” nanunuyang sabi pa ni Carlo.
Mas lalong nagtagis ang bagang ni Drake at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Drake.
“I said that is enough!”muling sigaw ni Manuel at pinaghiwalay na nga ang dalawa.
Napalunok si Clarisse. Hindi alam ng mga ito na gising na siya at hindi siya sigurado kung gusto niyang malaman ng mga ito na gising na siya. Ipinikit niya ulit ang mga mata. Kailangan niyang magpalakas kung gusto niyang makalabas ng buhay.
“Manuel!” Natigil sa pagsisigawan ang mga lalaki nang pumasok si Marienne. “Kausapin mo nga itong doktor na ito! Ang sabi niya ay kailangan daw munang magpahinga niyan! Hindi pa pwedeng mag-transplant!”
Ramdam na ramdam ni Clarisse ang galit ni Marienne habang sinasabi iyon. Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata at sinulyapan ang mga pangyayari. Nasa loob na ngayon si Marienne kasama ang isang lalaking doktor. Nasa tabi na sina Carlo at Drake.
“Mrs. Buenaventura, we cannot risk the life of the donor and the patient as well. That might affect the transplant considering the injuries that she had. Hindi lang iyon, may signs siya ng malnutrition. She is also very week. I would suggest you for her to meet the standard weight first. After that, pwede kayong bumalik for checkup para matingnan natin kung eligible na ba siyang amg-donate ng kidney,” marahang paliwanag ng doktor. Hindi alam ni Clarisse ang kanyang mararamdaman pero parang may namuong pag-asa sa kanyang puso dahil sa narinig.
“At paano ang anak ko ha?!” sigaw ulit ni Marienne.
“Gagawin po namin ang lahat para maging stable siya…pero si Miss Clarisse po ba talaga ang magdo-donate? Kaano-ano niyo po siya? Pwede naman po kasi kayong pumili roon sa checklist ng mga willing mag-donate” tanong ulit ng doktor. Natigilan ang mga naroon at nagkatitigan pa.
“Hindi! Siya ang magdo-donate!” giit ni Marienne.
Kitang-kita ni Clarisse kung paano natutulakan ang mga ito gamit lamang ang mga tingin.
“Wala na siyang pamilya… siya ang magdo-donate…out of good will… dahil kinupkop siya ng pamilya sa mahabang panahon. That is really what she wanted…” si Drake ang sumagot.
Gustong matawa ni Clarisse pero pinigilan niya na lang ang mag-react. Nakatitig lang ang doktor kay Drake na para bang kinikilatis nito kung nagsasabi nga ba ng totoo ang lalaki. Sa huli ay tiningnan nito ang mag-asawang Buenaventura.
“Iyon lang po ang magagawa ko sa ngayon. Sabihan niyo na lang ako pag nakapagdesisyon na kayo,” anito na ikinasinghap ni Marienne.
“No! You’re Luigi Tan’s son right? I know your father! Marami kaming pinag-usapang negosyo at kung gugustuhin ko ay madali kong—”
“Maam, with all due respect, doktor po ako at hindi ako involved sa negosyo ng pamilya ko. What I care about the most are my patients’ well-being, other things than that, I am not concerned anymore. Thank you. Excuse me.”
Hindi na nakapagsalita si Marienne Buenaventura dahil iniwan na ito ng batang doktor. Nagpapadyak na lang ito sa inis bago nag-walkout. Sinundan naman ito ng asawa. Ilang saglit lang ay lumabas din si Carlo at Drake. Saglit pa siyang sinulyapan ni Drake bago ito tuluyang lumabas.
Nang siya na lang mag-isa sa kwarto ay parang nakahinga nang maluwag si Clarisse. Pinilit niya ang sariling bumangon. Kinapa niya ang katawan pero wala na sa kanya ang cutter niya. Hindi niya rin mahanap ang kanyang mga damit. Napamura siya at mabilis na tinanggal ang mga suwero niya. Kahit na nahihilo pa ay maingat siyang bumaba ng kama at nagpunta sa pinto. Ikinalat niya ang tingin sa buong corridor at nang makita niyang walang tao roon ay saka siya kumaripas ng takbo papuntanf fire exit.
Hindi na niya alintana ang sakit ng katawan. Sa wakas ay nakalabs na rin siya ng hospital. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Palinga-linga pa rin siya at baka may nakasunod sa kanya. Napalunok siya. Tiningnan niya ang sarili. Kailangan niyang humingi ng tulong. Pero saan?
Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa may nadaanan siyang payphone. Napalunok siya at agad na huminto. Tinitigan niya ang payphone. Alam na niya kung sino ang kanyang tatawagan.
Nagmamadaling pumunta siya sa booth. Kinailangan niya pang manghingi ng panghulog doon. Mabuti na lang at may naawa naman sa kanya. Natatarantang idenial niya ang kaisa-isang number na saulo niya at ang kaisa-isang taong alam niyang kinatatakutan ng mga Buenaventura at ni Drake.
“Callen…s-si Clarisse ito…” humihingal niyang sambit nang sagutin nito ang tawag.
“Hmmm. Finally decided to call me huh.”
Napapikit si Clarisse. “I-I need your help…please …”
Si Callen Giorado ang genius na business tycoonant head ng Giorado group of companies ang isang taong kinatatakutan ng mga Buenaventura at ni Drake. Ayaw man niya itong isali sa gulo niya, wala na siyang choice. Hindi na lang sarili niya ang kailangan niyang protektahan kundi pati na rin ang kanyang anak. Sa kabila ng lahat ng nangyari, never niyang sinisi ang bata. Wala itong kasalanan at gagawin niya ang lahat para lamang maprotektahan ito kahit ano pa ang maging kapalit.
“Alright…tell me what you need…”
“Nasaan siya?! Paanong nakawala?! Tang ina mga bobo ba kayo, ha?! Bakit kayo natakasan ng babaeng iyon?” Halos mayanig ang buong kwarto sa pagsigaw na iyon ni Carlo. Mabilis na nagsialisan ang kanilang mga tauhan. “How could you be so lenient, Carlo?! Bakit ka natakasan ng babaeng iyon?!” sermon naman ng kanyang ina sa kanya habang hinahaplos ang buhok ng kanyang kapatid na noon ay gising na. Nasapo ni Carlo ang ulo at napasigaw na lang sa inis. “Hmm baka talagang ayaw niyang ibigay ang kidney niya, Mama,” ang mahinang sambit ni Trina. “Sabi na, eh, hindi talaga siya mapagkakatiwalaan. Akala ko pa naman may isang salita siya…” dagdag pa nito. “Ohh, Trina…shhh huwag kang mag-aalala, okay? Mahahanap natin ang babaeng iyon at makukuha mo rin ang dapat na sayo. She owed you that kidney, hija, pagkatapos ng lahat ng ginawa nila ng nanay niya…” mariing sambit nito sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Tipid na ngumiti lang si Trina at nag-iwas ng tingin sa ina. “Pwede bang huwag
“Anong ginagawa niyo rito?!” Gulat na gulat si Clarisse nang biglang humarang ang kapatid niyang si Luis sa kanila ni Michael. Walang takot nitong idinipa ang dalawang kamay na para bang pinoprotektahan sila nito.“L-Luis…” tawag niya rito dahil baka kung ano ang gawin ni Drake dito. Napapikit na lang si Clarisse nang makita kung gaano kagalit si Drake. Ano nga ba ang ginagawa nito rito at paano nito nalaman ang kanilang tinitirhan? Sinunan ba siya nito? Pero sinigurado niya kaninang hindi siya nasundan ng kahit na sino. “Hindi! Hindi, Ate! Sumusobra na sila! Pagkatapos mong pahiyain ang ate ko at pagkatapos mo siyang ipakulong? Ano? Ganoon na lang iyon? Hindi pa ba talaga sapat ang mga iyon at may plano pa kayong masama sa ate ko? Sobra-sobrang kabayaran na ang mga ginawa niyo sa kanya noon kaya tigilan niyo na siya!” Humahangos si Luis habang sinasabi iyon. Mariing napapikit naman si Clarisse at mas lalong niyakap si Michael. Nakita niyang tumaas ang kilay ni Drake habang nakatiti
Kitang-kita ni Clarisse kung paano nanlaki ang mga mata ni Drake nang marinig ang boses na iyon. Napalunok si Clarisse at napatitig din sa lalaking nakatayo ilang metro lang ang layo sa kanila. Si Callen.Hindi niya alam kung nakita ba siya nito kasi natatabunan sila ng kahoy na nasa gilid ng gate. Nanliit ang mga mata ni Clarisse habang nakatitig kay Drake. “Kuya….k-kailan ka pa nakauwi?” tila kinakabahang tanong nito sa lalaki. Hindi gaanong nakita ni Clarisse ang naging reaksyon ni Callen pero halatang-halata kay Drake na kinakabahan ito. Nakita niya pa kung paano pasimpleng sumenyas si Drake sa maid nila para dumalo sa kanila. Agad namang tumalima ang maid.“Bring them to the maid’s house. Sa likod kayo dumaan,” bulong pa nito. “Kuya,” sabi nito at tuluyan nang pumasok sa bukana ng mansyon para salubungin ang kapatid nito. Binalingan sila ng maid na inutusan ni Drake. Ang sama pa ng tingin nito sa kanya kaya napayuko na lang si Clarisse. “Tara na. Sundan niyo ako,” malamig na
“K-Kuya…” Ramdam ni Clarisse ang takot at panginginig sa boses ni Drake nang sabihin iyon. Nanatiling nakayuko si Callen kay Michael na noon ay hawak na ni Clarisse. Gustong-gusto na ni Clarisse ang umalis sa sitwasyong iyon pero hindi niya alam kung paano at hindi niya rin sigurado kung ano ang gagawin. “Anong nangyayari dito, Drake?” Pakiramdam ni Clarisse ay nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya sa paraan ng pagkakasabi noon ni Callen. Hindi tinitingnan ni Clarisse si Drake pero pakiramdam niya ay nanginginig na ito base na rin sa boses nito. “K-Kuya…s-si Trina kasi… naaksidente siya…kailangan niya ng transplant…” panimula nito. Tila hindi pa nito kayang tapusin ang sinimulan. Mas humigpit ang yakap ni Clarisse sa kanyang anak. Nakayuko lang siya, naghihintay ng kung ano mang sasabihin ni Callen.“Anong kinalaman ni Clarisse?” Nag-angat na ng tingin si Callen at kitang-kita ni Clarisse kung paano nito titigan ang kapatid. “S-siya ang magdo-donate, Kuya….may malaki siya
“Sir Callen, natagpuan na raw iyong tagapagmana ng mga Ocampo!”Natigil sa pag-iisip si Callen nang marinig iyon. Agad niyang binalingan ang kanyang secretary na malawak ding nakangiti sa kanya. “Sino?” tanong niya pa rito. “Iyong panganay at tagapagmana ng mga Ocampo! Si Miss Iris Ocampo.”“What?” Napasinghap si Callen sa narinig. “Isn’t she dead? She had depression 6 years ago, right?” takang tanong pa nito. Isa sa mga importanteng tao ang mga Ocampo sa kanilang negosyo. At malaki ang kontribusyon ng mga ito sa kanilang pamilya. Higit pa roon ay may utang din ang kompanya nito sa kanila.Hindi niya nga akalaing magpapakamatay ang dalaga noon eh. Ngayon ay hindi niya alam kung bakit biglang ganito ang nangyayari. He smelled trouble and she really didn’t want this to be a problem. Malay ba niya kung press release lang ng mga iyon ang nangyari noon para hindi makabayad ng utang. Ang pinakaayaw niya pa naman ay iyong lolokohin siya at iti-take advantage siya. He just hates it when he’
“Mama nanalo ako sa painting contest! Tayo ni Tito ang ni-paint ko!” Napangiti na lang si Luis sa sinabi ng kanyang pamangkin. Huminga siya nang malalim at tinuloy ang pag-video gamit ang cell phone na hiniram pa niya sa kapitbahay nila dahil wala naman siyang pambili ng kanya. “Sige pa, ano pa ang gusto mong sabihin sa mama mo,” aniya pa sa kanyang pamangkin na game na game naman sa pagbibida ng mga award nito. Hindi niya pwedeng isama ang bata sa tuwing bumibisita siya sa kanyang ate sa kulungan kaya naman binibidyo niya ito para makita ng ate niya ang kalagayan nito at para na rin masabi nito sa ate niya lahat ng gusto nitong sabihin. Ngumuso ito sa camera. “Mama, kailan ka po uuwi? Sabi po nila kasi wala daw akong magulang. Saan po ba ang papa ko, Mama? Asan po ba kasi si Papa? Kailan po kayo uuwi. Mama? Bakit niyo po ako iniwan? Nasaan po ba kayo?” Nakanguso si Michael na tila ba isang tulak na lang ay iiyak na ito. Napapikit na lang si Luis at pinigilan na rin ang kanyang s
Malinaw na malinaw pa sa alaala ni Clarisse ang babaeng nasa harapan niya. Noon pa man ay bully na talaga ito. Ito ang kanilang Queen Bitch noon. Ang dami nga nitong alipores eh. Spoiled brat din ito kaya lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Isa siya sa mga napagtrip-an nito noon. Pero hindi gaya ngayon, may tagpagtanggol siya noon—si Drake. Walang araw na hindi siya sinasamahan ni Drake magmula noong b-in-ully siya. Iyon din ang simula ng pag-iibigan nila ni Drake. Nagsimula sila noong iniligtas siya ng lalaki sa mga bully noong panahong iyon. Sobrang takot na takot siya noong mga panahong iyon dahil ikinulong siya ng mga alipores si Marie sa cubicle ng CR dahil lang nagustuhan ng mga ito ang kanyang suot na bracelet. Gustong kunin ng mga ito iyon sa kanya pero nagmatigas siya kaya pinagtulungan siya ng mga ito at ikinulong sa CR. But then Drake arrived. Tila naging isang knight in shining armor niya ito nang sinipa nito ang pinto ng cubicle kung saan siya nakakulong.Para siyang na
“Ito oh. Kain pa kayo…kain ka pa, boy.” “Salamat po,” tipid na sabi ni Clarisse kay Pablo, ang assistant ni Callen. Ngumiti naman ito sa kanya. “Kain din po kayo, Maam, Sir,” sabi naman nito sa kanila ni Luis. Tumango lang ang kapatid niya rito. Nginitian niya rin ito at saka siya bumalik sa pagkain. “Kain ka pa, anak,” sabi niya pa kay Michael at muli itong sinubuan ng kanin at ulam. “Masarap ba?” tanong niya pa rito. Magiliw na tumango naman si Michael sa kanya. Mas napangiti siya at ginulo ang buhok ng kanyang anak. Hinagkan niya pa ito sa ulo. Tiningnan niya ang kanyang kapatid at tahimik lang din naman itong kumakain. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay tipid niya pa itong nginitian. Hindi siya nito pinansin at binigyan na ulit ng pagkain si Michale. “Ay teka po, may kukunin lang ako,” paalam ni Pablo sa kanila. Tumango lang sina Clarisse at Michael dito habang si Luis ay wala pa ring kinakausap. Hinayaan na lang ni Clarisse ang kapatid. Basta ba magkasama sila at nabab