“Mama nanalo ako sa painting contest! Tayo ni Tito ang ni-paint ko!” Napangiti na lang si Luis sa sinabi ng kanyang pamangkin. Huminga siya nang malalim at tinuloy ang pag-video gamit ang cell phone na hiniram pa niya sa kapitbahay nila dahil wala naman siyang pambili ng kanya. “Sige pa, ano pa ang gusto mong sabihin sa mama mo,” aniya pa sa kanyang pamangkin na game na game naman sa pagbibida ng mga award nito. Hindi niya pwedeng isama ang bata sa tuwing bumibisita siya sa kanyang ate sa kulungan kaya naman binibidyo niya ito para makita ng ate niya ang kalagayan nito at para na rin masabi nito sa ate niya lahat ng gusto nitong sabihin. Ngumuso ito sa camera. “Mama, kailan ka po uuwi? Sabi po nila kasi wala daw akong magulang. Saan po ba ang papa ko, Mama? Asan po ba kasi si Papa? Kailan po kayo uuwi. Mama? Bakit niyo po ako iniwan? Nasaan po ba kayo?” Nakanguso si Michael na tila ba isang tulak na lang ay iiyak na ito. Napapikit na lang si Luis at pinigilan na rin ang kanyang s
Malinaw na malinaw pa sa alaala ni Clarisse ang babaeng nasa harapan niya. Noon pa man ay bully na talaga ito. Ito ang kanilang Queen Bitch noon. Ang dami nga nitong alipores eh. Spoiled brat din ito kaya lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Isa siya sa mga napagtrip-an nito noon. Pero hindi gaya ngayon, may tagpagtanggol siya noon—si Drake. Walang araw na hindi siya sinasamahan ni Drake magmula noong b-in-ully siya. Iyon din ang simula ng pag-iibigan nila ni Drake. Nagsimula sila noong iniligtas siya ng lalaki sa mga bully noong panahong iyon. Sobrang takot na takot siya noong mga panahong iyon dahil ikinulong siya ng mga alipores si Marie sa cubicle ng CR dahil lang nagustuhan ng mga ito ang kanyang suot na bracelet. Gustong kunin ng mga ito iyon sa kanya pero nagmatigas siya kaya pinagtulungan siya ng mga ito at ikinulong sa CR. But then Drake arrived. Tila naging isang knight in shining armor niya ito nang sinipa nito ang pinto ng cubicle kung saan siya nakakulong.Para siyang na
“Ito oh. Kain pa kayo…kain ka pa, boy.” “Salamat po,” tipid na sabi ni Clarisse kay Pablo, ang assistant ni Callen. Ngumiti naman ito sa kanya. “Kain din po kayo, Maam, Sir,” sabi naman nito sa kanila ni Luis. Tumango lang ang kapatid niya rito. Nginitian niya rin ito at saka siya bumalik sa pagkain. “Kain ka pa, anak,” sabi niya pa kay Michael at muli itong sinubuan ng kanin at ulam. “Masarap ba?” tanong niya pa rito. Magiliw na tumango naman si Michael sa kanya. Mas napangiti siya at ginulo ang buhok ng kanyang anak. Hinagkan niya pa ito sa ulo. Tiningnan niya ang kanyang kapatid at tahimik lang din naman itong kumakain. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay tipid niya pa itong nginitian. Hindi siya nito pinansin at binigyan na ulit ng pagkain si Michale. “Ay teka po, may kukunin lang ako,” paalam ni Pablo sa kanila. Tumango lang sina Clarisse at Michael dito habang si Luis ay wala pa ring kinakausap. Hinayaan na lang ni Clarisse ang kapatid. Basta ba magkasama sila at nabab
Takang-taka si Clarisse habang nakatitig kay Drake na noon ay nasa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nasa sala noon at nakaupo sa mahabang couch. Ang anak niya ay nasa kwarto at natutulog pa. Umaga na iyon at hinihintay na lang niyang matapos ang kanyang niluluto. Sobrang bait ni Callen dahil sobra-sobra ang ibinigay nitong pagkain para sa kanila kaya naman may naluto pa siya kinabukasan. Mabuti na lang din iyon kasi hindi nga sila pinapalabas. Nagulat na lang siya nang biglang pumasok doon si Drake. “D-Drake…” Napatayo siya at ramdam na ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang magkaharap sila ni Drake. Mukha itong bagong gising at tila labag pa sa loob nito ang pagpunta nito sa kanya. Napalunok siya habang pinagmamasdan niya ito. “Tsk. Sasama ka sa akin ngayon,” mariing sambit nito. Napaawang ang labi niya at biglang kumabog ang kanyang dibdib. “H-ha? Bakit? T-teka, saan tayo pupunta?” sunod-sunod niyang tanong dito. “Tsk. Bakit ba ang dami mong tanong? Sumama k
Kahit anong kondisyon ni Clarisse sa kanyang sarili na huwag magpaapekto sa mga sinasabi at ginagawa ni Drake ay hindi niya pa rin maiwasan. Kuyom na kuyom ang kanyang kamay habang papunta sila sa venue ng kaarawan ni Trina. Gusto niya na lang sanang matapos ang gabing ito nang walang gulo. Ang sabi niya sa kanyang sarili ay hindi na siya papatol sa kahit anong sabihin ng lalaki pero sadyang hindi niya kaya dahil talagang walang humpay ang pang-iinsulto sa kanya. Talagang nagalit ito sa sinabi niya kanina kaya ngayon ay hindi sita nito tinatantanan ng mga masasakit na salita. Hanggang sa pagkababa nila ay patuloy pa rin ang parinig nito. Mas lalong naikuyom ni Clarrise ang kanyang mga kamay nang pagkapasok nila sa venue ay may sumalubong agad sa kanila. “My, my! Look who’s here!”“Today’s protagonist!”Kinantiyawan siya ng mga taong sumalubong sa kanila. Nang titigan niyang maigi kung sino ang mga ito ay saka lang niya makilalang ang mga ito ay ang circle ni Drake na noon ay sobran
“What the fuck are you doing?” kalmado ngunit galit na sabi ni Callen. Natahimik ang buong paligid. Nanatiling nakayuko si Clarisse habang pinapakinggan ang sigaw ni Callen. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil nakayuko lang naman siya at nakaharang pa sa kanyang vision ang bulto ni Callen.Walang nagsalita sa mga kaibigan ni Drake. Ilang saglit lang ay narinig niya ang pag-ismid ni Callen. Napakurap-kurap si Clarisse lalo na nang hilahin siya nito patayo. Naramdaman niyang tila chinicheck siya nito. "Tsk. Let's bring her to the hospital. She's bleeding," narinig niya na lang sabi nito tapos ay hinila na siya nito paalis doon. Ni hindi niya namalayang dumugo pala ang kanyang braso. Marahil ay dahil iyon sa paghampas niua ng champagne kay Miguel. Nakarinig pa siya ng bulong-bulungan mula sa mga taong naroon. Hindi na lang iyon pinansin ni Clarisse at tuluyan na siyang nagpahila kay Callen paalis doon. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Clarisse ang mahigpit na mapakapi
“Miss Clarisse, may iilang katanungan lang po kami sa inyo.” Hindi makapagsalita at makagalaw si Clarisse sa tanong ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Napalunok na lang siya. Ramdam niya ang titig ni Callen sa kanya. Tila gusto nitong may sabihin siya pero hindi niya naman alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bakit ba humantong ito sa pulis? At talagang si Callen ang nagsumbong? Bakit?” “Miss Clarisse? Maki-cooperate na lang po kayo para matapos na rin po tayo agad,” muling sabi ng pulis nang hindi siya magsalita. “Just tell them who did that to you,” tila naiinis na sambit na rin ni Callen. Mas lalong napalunok si Clarisse. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Callen tapos ay sa mga pulis. Ganoon ang ginawa niya nang ilang segundo. Sobrang naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa sobrang kaba niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Callen at naghihintay ng kanyang sasabihin. Na
“Sorry, anak…sorry talaga…” naiiyak na sabi ni Clarisse habang hinahalikan ang kanyang anak sa ulo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Nakangiti siya sa kanyang anak habang hinahaplos ang buhok nito. “Mama…saan ka ba po pumunta? Natakot ako, eh,” nanginginig pa rin ang boses na sabi nito sa kanya. Parang may nagbara naman sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nasaktan din niya ang kanyang anak. “Nasaan ba ang Tito Luis mo? Bakit ka nandito, ha?” tanong niya naman pabalik dito imbes na sagutin ang tanong nito. Ngumuso si Michael sa kanya. “Tulog po siya…lumabas ako kasi hinahanap kita…” Nasapo na lang ni Clarisse ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Muli niya itong niyakap tapos ay hinagkan ulit ito sa kaliwang pisngi. “Ate?”Napatayo siya nang makita si Luis na palabas ng bahay. “Luis!” Nilapitan niya ang kapatid, hawak ang kanyang anak sa isang kamay. “Bakit hindi mo