Share

KABANATA 8

“K-Kuya…” Ramdam ni Clarisse ang takot at panginginig sa boses ni Drake nang sabihin iyon. 

Nanatiling nakayuko si Callen kay Michael na noon ay hawak na ni Clarisse. Gustong-gusto na ni Clarisse ang umalis sa sitwasyong iyon pero hindi niya alam kung paano at hindi niya rin sigurado kung ano ang gagawin. 

“Anong nangyayari dito, Drake?” Pakiramdam ni Clarisse ay nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya sa paraan ng pagkakasabi noon ni Callen. 

Hindi tinitingnan ni Clarisse si Drake pero pakiramdam niya ay nanginginig na ito base na rin sa boses nito. 

“K-Kuya…s-si Trina kasi… naaksidente siya…kailangan niya ng transplant…” panimula nito. Tila hindi pa nito kayang tapusin ang sinimulan. Mas humigpit ang yakap ni Clarisse sa kanyang anak. Nakayuko lang siya, naghihintay ng kung ano mang sasabihin ni Callen.

“Anong kinalaman ni Clarisse?” Nag-angat na ng tingin si Callen  at kitang-kita ni Clarisse kung paano nito titigan ang kapatid. 

“S-siya ang magdo-donate, Kuya….may malaki siyang utang kay Trina kaya siya ang magdo-donate. 

Napapikit nang mariin si Clarisse. Limang taong gulang lang ang anak niya pero matalino ito at ayaw niya sanang malaman nito kung ano man ang nangyayari. Ayaw niyang madamay ito sa kung ano mang gulo. Gagawin niya ang lahat, maprotektahan lang ito. Napalunok siya at saka napatitig kay Callen na noon ay titig na titig pa rin sa kapatid nito. 

Wala itong sinabing kahit ano. Well noon pa man kasi ay hindi naman na talaga ito nakikialam sa mga bagay na hindi ito kasali. Never itong nakialam sa kahit anong bagay na hindi nito concern lalo na sa mga bagay na tungkol kay Drake. Wala lang kasi talaga itong pakialam sa kahit anong tungkol sa kapatid. 

“Uhhh this is actually a long story, Kuya…s-sasabihin ko na lang sayo kapag may oras na tayong makapag-usap…Clarisse will stay here…wala kasi silang matuluyan,” sabi pa ni Drake at agad na lumapit sa kanila. Agad niyang naramdaman ang pagtatago ng kanyang anak na tila ba takot na takot ito sa presensya ni Drake. “Hey, come here…” Sinubukan ni Drake na paamuhin ang anak niya. Gustong masuka ni Clarisse sa ipinapakita ni Drake. 

Ang galing nga naman nitong mamlastik. Palibhasa kasi ay takot ito sa kapatid nito. Ngumiti pa ito sa kanyang anak. Nang hindi gumalaw si Michael at nanatili lang sa kanyang gilid habang nakayakap sa kanya ay saka ito tumayo at sinundan pa talaga ang kanyang anak. 

“Halika na,” sabi pa nito at pilit na kinukuha ang kamay ng kanyang anak para pasamahin dito. 

“D-Drake…huwag na, ako na,” pigil niya rito pero hindi talaga nagpaawat si Drake at pilit nitong kinukuha sa kanya si Michael. 

“Hmm! Mmm!” piglas ni Michael sa hawak ni Drake. 

“Oh come on, sige na,” pilit pa nito, halatang gigil na. Handa na sanang pumagitna si Clarisse nang biglang tumakbo si Michael papunta kay Callen. Gulat na gulat si Callen nang yakapin ito ni Michael. 

Maging si Clarisse ay gulat na gulat din at akmang pupuntahan na ang anak nang magsalita ito. 

“Ayaw ko po sa kanya….sayo lang ako, Papa…” sabi pa ulit ni Michael. Nasapo na lang ni Clarisse ang bibig habang nakatingin sa kanyang anak. Sa sobrang gulat niya ay hindi na rin siya nakagalaw sa kanyang kinalalagyan. 

Bumalot ang takot sa buong katawan ni Clarisse habang hinihintay ang reaksyon ni Callen. Narinig niya pang suminghap si Drake, tila gulat na gulat sa sinabi ng kanyang anak. 

“Tsk. Your son is delusional,” mahinang sabi pa nito sa kanya. Hindi na lang ito pinansin ni Clarisse. 

Mabilis na nilapitan niya ang anak nang makabawi na siya mula sa pagkakagulat. 

“Michael, Michael… hindi siya ang papa mo. Halika na. Dadalhin na lang kita sa papa mo. Please, anak… halika na…” Sinubukan niyang kunin si Michael pero talagang ayaw pa nitong bumitiw kay Callen. Hindi naman nagsasalita si Callen at tila nakikinig lang ito sa kanila. 

“Michael…” tawag niya rito at pilit na itong tinanggal sa pagkakayakap kay Callen. “Sorry, pasensya na…” paghingi niya ng paumanhin kay Callen. Nag-angat ito ng tingin sa kanya pero  hindi rin naman ito nagsalita. 

Pinaharap ni Clarisse si Michael sa kanya. Thankfully nakalas na rin ito mula sa pagkakayakap kay Michael. Napalunok pa si Clarisse habang sapo-sapo ang pisngi ng kanyang anak. 

“Michael—”

“Ayoko sa kanya! Bad siya!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Michael habang nakaturo kay Drake. Umawang ang bibig ni Clarisse at nanlaki ang kanyang mga mata. Mariing umiling pa si Michael bago muling bumaling kay Callen na noon ay nakamasid lang sa kanila. “Hindi siya bad. Gusto ko sa kanya!” Tinuro nito si Callen. “Hindi po ba kayo ang papa ko? Pero mabait po kayo di ba? Hindi po kayo bad? Gusto ko po sa inyo! Poprotect mo si Mama sa bad person di ba?”

Parang nilalakumos ang dibdib ni Clarisse habang nakatitig at nakikinig sa kanyang anak. Nasapo niya ang bibig at pilit na pinipigilan ang sariling maiyak. Hindi pa rin nagsasalita si Callen. 

“M-Michael…halika na,” naiiyak na sambit na rin ni Clarisse. Hinila niya ang anak palayo kay Callen. 

“Sir Callen!” 

Natigilan silang lahat nang biglang dumating ang assistant ni Callen. Nabigla pa ito nang makita ang kanilang sitwasyon pero agad din naman itong nakabawi. 

“Sir, I’m sorry pero kailangan na po nating umalis.” Doon lang tila natauhan si Callen. Sinaglitan pa nito ng tingin ang kanyang anak bago ito tumayo. 

Tiningnan nito ang kapatid. “Fix this mess,” mariing sambit pa nito. 

“Y-Yes, Kuya!” 

Umiling lang si Callen at tumalikod na rin. Bago siya tuluyang umalis doon ay pinagmasdan pa niya ang mag-ina na nakaluhod. Huminga siya nang malalim. Pagkalabas ng bahay ay may naghihintay na roong isang limousine. 

Pagkapasok nila ni Pablo, ang kanyang assistant, ay humalukipkip si Callen. 

“Pablo.”

“Yes, Sir?”

“Kumusta na iyong pinapahanap ko? Anim na taon na ang nakalipas.” 

Napayuko si Pablo sa tanong ng amo. “Pasensya na po, Sir. Wala pa po kaming lead. Pero hindi po kami tumitigil.” 

Tumango lang si Callen. Humugot ulit siya ng malalim na hininga. Anim na taon na ang lumipas nang may maka-one night stand siya. Hindi naman na dapat big deal iyon. Well, he had his fair share of one night stands with other women. Pero iba iyong babaeng iyon. Hindi iyon katulad ng mga babaeng nakaka-sex niya. 

Isa pa, pakiramdam niya ay pakana iyon ng mga kalaban niya sa negosyo. Baka may kung anong inutos ang mga ito sa babaeng iyon. Gusto niyang malaman. Mukha kasing hindi naman patapon ang buhay ng babaeng iyon. Ayaw pa nga nito noong una pero tila may matinding tama silang dalawa noong gabing iyon at hindi na nila napigilan ang tawag ng laman. 

Medyo guilty siya sa nangyari sa babaeng iyon pero gusto niya ring malaman kung ano nga ba ang dahilan at nandoon iyon sa hotel room niya. Wala naman siyang balak makipag-sex. Pagkarating niya sa kanyang kwarto ay nandoon lang ang babae na para bang sinadya talaga iyon. 

Namasahe niya ang ulo. Ilang taon na pero wala pa ring lead. Ang hindi niya pa maintindihan ngayon ay kung bakit tila pamilyar ang amoy ni Clarisse sa kanya kanina….kapareho iyon ng amoy ng babae noong taong iyon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status