Chapter: KABANATA 20Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse. Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki. “Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake. Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”Nanatiling nakayuko lang si Christi. “Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
Huling Na-update: 2024-08-24
Chapter: KABANATA 19“Daddy!” Mabilis na nalipat din ang tingin ni Clarisse nang makitang tumakbo ang anak ni Christi sa lalaking nasa likuran nina Carlos at Drake. Maging si Christi ay natulala rin at napatayo nang maayos. “L-Luigi…y-you’re back. I thought may business meeting ka pa sa Beijing?” tanong pa nito sa asawa.“Nandoon si Papa. Umuwi ako para asikasuhin ang divorce natin.” Napakurap-kurap si Clarisse at napatitig kay Christi. Kung kanina ay ang tapang-tapang nito, ngayon ay para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Kahit pilit nitong tinatago ay ramdam at kita niya rito ang sakit.“Talagang minamadali mo iyan?” Dinig na dinig ni Clarisse ang pait sa boses ni Christi. Nawala ang matapang at mapangmataas na titig nito sa kanya kanina at napalitan iyon ng tila takot at sakit. Para itong nanliliit habang nakatitig sa asawa nito. “Tsk. Bakit hindi?” tanging sagot lang ng asawa ni Christi dito. Hindi napigilan ni Clarisse ang mapakurap-kurap dahil sa sagot ng lalaki. Napaawang ang kanyang bibig
Huling Na-update: 2024-08-18
Chapter: KABANATA 18“Aba, aba! Sumasagot ka na ngayon, ha!” Akmang lalapitan siya nito para sabunutan pero agad itong napigilan ni Christi. “No, Manang, it’s not worth it. Hindi worth it ang babaeng iyan,” mariing sambit pa ni Christi, idinidiin ang salitang ‘hindi worth it’. “Bakit hindi po natin icheck iyan siya! Nako, Maam, malay naman talaga natin!” sulsol na naman ng mayordoma na mas lalong ikinasinghap ni Clarisse. “Wala nga akong kinalaman diyan! Christi, hindi ko alam iyan!” “Sinungaling! Sige nga, hubarin mo iyang suot mo para makita naming wala ka ngang tinatago, ha? Ano?” hamon nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa sinabi ng mayordoma. Bumalatay ang takot sa mukha ni Clarisse dahil sa sinabi ng mayordoma. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Seryoso ba ito? Hindi siya makapaniwala sa sitwasyon na iyon lalo pa nang makita niyang tila pumapayag si Christi sa sinabi ng mayordoma. Mariing umiling si Clarisse. “Hindi! Hindi ko gagawin iyan!” Sobra-sobra na ang ginagawa ng
Huling Na-update: 2024-08-12
Chapter: KABANATA 17“Sorry, anak…sorry talaga…” naiiyak na sabi ni Clarisse habang hinahalikan ang kanyang anak sa ulo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Nakangiti siya sa kanyang anak habang hinahaplos ang buhok nito. “Mama…saan ka ba po pumunta? Natakot ako, eh,” nanginginig pa rin ang boses na sabi nito sa kanya. Parang may nagbara naman sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nasaktan din niya ang kanyang anak. “Nasaan ba ang Tito Luis mo? Bakit ka nandito, ha?” tanong niya naman pabalik dito imbes na sagutin ang tanong nito. Ngumuso si Michael sa kanya. “Tulog po siya…lumabas ako kasi hinahanap kita…” Nasapo na lang ni Clarisse ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Muli niya itong niyakap tapos ay hinagkan ulit ito sa kaliwang pisngi. “Ate?”Napatayo siya nang makita si Luis na palabas ng bahay. “Luis!” Nilapitan niya ang kapatid, hawak ang kanyang anak sa isang kamay. “Bakit hindi mo
Huling Na-update: 2024-08-11
Chapter: KABANATA 16“Miss Clarisse, may iilang katanungan lang po kami sa inyo.” Hindi makapagsalita at makagalaw si Clarisse sa tanong ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Napalunok na lang siya. Ramdam niya ang titig ni Callen sa kanya. Tila gusto nitong may sabihin siya pero hindi niya naman alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bakit ba humantong ito sa pulis? At talagang si Callen ang nagsumbong? Bakit?” “Miss Clarisse? Maki-cooperate na lang po kayo para matapos na rin po tayo agad,” muling sabi ng pulis nang hindi siya magsalita. “Just tell them who did that to you,” tila naiinis na sambit na rin ni Callen. Mas lalong napalunok si Clarisse. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Callen tapos ay sa mga pulis. Ganoon ang ginawa niya nang ilang segundo. Sobrang naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa sobrang kaba niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Callen at naghihintay ng kanyang sasabihin. Na
Huling Na-update: 2024-08-06
Chapter: KABANATA 15“What the fuck are you doing?” kalmado ngunit galit na sabi ni Callen. Natahimik ang buong paligid. Nanatiling nakayuko si Clarisse habang pinapakinggan ang sigaw ni Callen. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil nakayuko lang naman siya at nakaharang pa sa kanyang vision ang bulto ni Callen.Walang nagsalita sa mga kaibigan ni Drake. Ilang saglit lang ay narinig niya ang pag-ismid ni Callen. Napakurap-kurap si Clarisse lalo na nang hilahin siya nito patayo. Naramdaman niyang tila chinicheck siya nito. "Tsk. Let's bring her to the hospital. She's bleeding," narinig niya na lang sabi nito tapos ay hinila na siya nito paalis doon. Ni hindi niya namalayang dumugo pala ang kanyang braso. Marahil ay dahil iyon sa paghampas niua ng champagne kay Miguel. Nakarinig pa siya ng bulong-bulungan mula sa mga taong naroon. Hindi na lang iyon pinansin ni Clarisse at tuluyan na siyang nagpahila kay Callen paalis doon. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Clarisse ang mahigpit na mapakapi
Huling Na-update: 2024-08-04