Share

KABANATA 10

“Mama nanalo ako sa painting contest! Tayo ni Tito ang ni-paint ko!”

Napangiti na lang si Luis sa sinabi ng kanyang pamangkin. Huminga siya nang malalim at tinuloy ang pag-video gamit ang cell phone na hiniram pa niya sa kapitbahay nila dahil wala naman siyang pambili ng kanya.

“Sige pa, ano pa ang gusto mong sabihin sa mama mo,” aniya pa sa kanyang pamangkin na game na game naman sa pagbibida ng mga award nito.

Hindi niya pwedeng isama ang bata sa tuwing bumibisita siya sa kanyang ate sa kulungan kaya naman binibidyo niya ito para makita ng ate niya ang kalagayan nito at para na rin masabi nito sa ate niya lahat ng gusto nitong sabihin.

Ngumuso ito sa camera. “Mama, kailan ka po uuwi? Sabi po nila kasi wala daw akong magulang. Saan po ba ang papa ko, Mama? Asan po ba kasi si Papa? Kailan po kayo uuwi. Mama? Bakit niyo po ako iniwan? Nasaan po ba kayo?” Nakanguso si Michael na tila ba isang tulak na lang ay iiyak na ito.

Napapikit na lang si Luis at pinigilan na rin ang kanyang s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status