Kitang-kita ni Clarisse kung paano nanlaki ang mga mata ni Drake nang marinig ang boses na iyon. Napalunok si Clarisse at napatitig din sa lalaking nakatayo ilang metro lang ang layo sa kanila. Si Callen.
Hindi niya alam kung nakita ba siya nito kasi natatabunan sila ng kahoy na nasa gilid ng gate. Nanliit ang mga mata ni Clarisse habang nakatitig kay Drake. “Kuya….k-kailan ka pa nakauwi?” tila kinakabahang tanong nito sa lalaki. Hindi gaanong nakita ni Clarisse ang naging reaksyon ni Callen pero halatang-halata kay Drake na kinakabahan ito. Nakita niya pa kung paano pasimpleng sumenyas si Drake sa maid nila para dumalo sa kanila. Agad namang tumalima ang maid. “Bring them to the maid’s house. Sa likod kayo dumaan,” bulong pa nito. “Kuya,” sabi nito at tuluyan nang pumasok sa bukana ng mansyon para salubungin ang kapatid nito. Binalingan sila ng maid na inutusan ni Drake. Ang sama pa ng tingin nito sa kanya kaya napayuko na lang si Clarisse. “Tara na. Sundan niyo ako,” malamig na sabi pa nito at nauna nang maglakad. Walang choice si Clarisse kundi ang sumunod na rin dito dahil agad na pinasunod na sila ng mga bodyguard. Kumakabog ang dibdib ni Clarisse habang papunta sila sa likod ng bahay. “A-Ate…tara na… umalis na tayo rito…” bulong ni Luis sa kanya pero mariin niya itong tiningnan. Alam niyang nakikinig ang mga guard ni Drake. Mas iniyuko na lang ni Clarisse ang ulo habang yakap-yakap ang kapatid at anak niya. “Oh, dito kayo,” tila mabigat sa loob na sabi pa ng maid na naghatid sa kanila. Doon lang nag-angat ng tingin si Clarisse at nakita niyang nasa likod na nga sila ng mansyion ng mga Giorado. “Hoy, huwag kayong aalis dito ha! Pag ako napagalitan dahil nakalabsas kayo, humanda kayo sa akin!” Pinanlakihan sila ng mga mata ng maid na naghatid sa kanila. Nag-iwas na lang ng tingin si Clarisse at hindi na ito pinatulan. “Huwag kayong aalis, ha! Sinasabi ko sa inyo. Pupuntahan kayo ni Sir Drake dito!” banta pa ng maid bago tuluyang umalis doon. Naiwang kasama ni Clarisse ang mga guard ni Drake. Dahan-dahan siyang umupo sa may sementong bench na nasa harapan ng maid’s house. Ganoon pa rin ang ayos nito. May mga ilang nagbago pero iyong pinaka-main structure ay naroon pa rin naman. Ilang taon din naman kasi sila ni Drake at muntik pa nga silang magpakasal kaya ilang beses na rin siyang nakakapunta rito sa bahay nila. Iyon din ang dahilan kung bakit kilala nia si Callen. Ibang-iba ito kay Drake at ito lang ang kinatatakutan ng huli. Kung tama ang kanyang hinala ay hindi pa nito alam ang pinaggagawa ni Drake. Hindi pa rin naman kasi niya sinabi ang buong nangyari. Mag-uusap pa dapat sila pero ito nga ang nangyari. Huminga siya nang malalim at mas niyakap ang anak. Kung sa bagay, puwede niyang gamitin ang pagkakataong ito para makausap na si Callen at malaman na nito ang pinaggagawa ng kapatid nito. Naikuyom niya ang mga kamay nang bumalik na naman sa kanyang isipan ang ginawa ng mga ito sa kanya. Tiningnan niya ang kanyang anak at hinalikan ito sa noo. Tumingala si Michael sa kanya. “Mama…dito tayo titira na po?” inosenteng tanong pa nito sa kanya. Nginitian lang ni Clarisse ang kanyang anak at saka hinalikan ito sa noo. Binalingan niya ang kapatid at parang pinipiga ang kanyang puso dahil hitsura nito. Ang dami niyang plano noong nalaman niyang makakalabas na siya ng kulungan. Ang akala niya ay maaayos na niya ang lahat sa buhay niya. Marami siyang pinaghandaan para sa kinabukasan ng anak niya at ni Luis. Sinabi niya sa sariling babawi siya sa kanyang kapatid dahil siya rin naman ang dahilan kung bakit hindi naging maganda ang kinabukasan nito. Drop out kasi si Luis at high school lang ang tinapos nito. Nang ipinanganak siyang may sakit sa puso ay ang tanging nakitang paraan ng kanyang ina na makakaligtas sa kanya ay ang ipalit siya sa anak ng amo nito. Ayaw man nitong gawin, mas pinili nitong iligtas siya. Dahil sa guilt na naramdaman para kay Trina ay ito ang pinag-aral ng mga ito sa halip na si Luis. Naging mahirap ang buhay ni Trina pero ginawa naman ng pamilya ni Clarisse ang lahat ng kanilang makakaya para lang kay Trina. Alam niya kung gaano kahirap kay Luis ang desisyong iyon ng mga magulang nila. Noong huli nga ay hindi na nito napigilang magtanong at magalit sa mga magulang nila kung bakit mas pinapaboran ng mga ito si Trina. Doon na sumabog ang lahat. Napilitan ang mga magulang nila na sabihin ang totoo. Ang hindi alam ng mga ito ay naroon si Trina at nakikinig. Nang araw na iyon din ay sumugod si Trina sa bahay ng mga Buenaventura at doon nito isiniwalat ang totoo. Kung ano anong masasamang bagay ang sinabi ni Trina sa mga Buenaventura kaya galit na galit ang mga ito sa kanila. Hindi niya rin alam kung bakit ganoon na lang ang pagsisinungaling ni Trina at kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi nito sa totoong pamilya niya na wala namang ibang ginawa kundi ang ipadama rito ang kahit paano ay magandang buhay. “Ano pang ginagawa niyo rito?! Pasok!” Nabalik sa reyalidad si Clarisse nang marinig ang galit na boses ni Drake. Agad siyang napatayo at ganoon din ang ginawa ni Luis. Mas lalong nagsumiksik ang anak niya sa kanyam “Huwag mo hawakan ang mama ko!” matinis na sabi nito na agad niyang sinaway. Galit na galit na nakatingin si Drake sa kanya. Umiigting ang panga nito at pinanlilisikan sila ng mga mata. “D-Drake…” “Sinabi ng pasok!” Napaigting si Clarisse at takot na napatango na lang. Nanginginig na hinila niya ang anak at si Luis para sana makapasok na sila sa loob nang biglang tumakbo palayo si Michael. “Papa? Papa!” Nanlaki ang mga mata ni Clarisse at agad na napatingin sa direksyong tinakbuhan ng anak niya. Maging si Drake at ang mga bodyguard at natuod sa kinalalagyan nang makitang nakalapit na ang anak niya kay Callen na noon ay kunot na kunot ang noong nakatitig sa kanila. “Papa!” ulit ni Michael na mas lalong ikinagulat nilang lahat. Mabilis pa sa alas kwatrong napatakbo si Clarisse papunta sa anak. Kumakabog ang kanyang dibdib nang lumuhod si Callen para pantayan ang kanyang anak. “Ilang taon ka na?” malalim ang boses na tanong nito. Mas lalong kinabahan si Clarisse. Kilala niya si Callen. Hindi ito basta-bastang nagpapalapit at hindi rin ito basta-bastang namamansin. He was even known for being a ruthless and fearless businessman. Never niya pa itong nakitang naging malambot pero noong oras na iyon, pakiramdam niya ay may iba. “Five po!” Lumunok si Clarisse at mabilis na hinila palayo si Michael. “Anak, hindi mo siya papa,” mahinang bulong niya at saka sila nagkatitigan ni Callen. Matalim ang tingin nito sa kanya. “May dapat ba akong malaman? What in the world is happening here, Drake, Clarisse?”“K-Kuya…” Ramdam ni Clarisse ang takot at panginginig sa boses ni Drake nang sabihin iyon. Nanatiling nakayuko si Callen kay Michael na noon ay hawak na ni Clarisse. Gustong-gusto na ni Clarisse ang umalis sa sitwasyong iyon pero hindi niya alam kung paano at hindi niya rin sigurado kung ano ang gagawin. “Anong nangyayari dito, Drake?” Pakiramdam ni Clarisse ay nanayo ang lahat ng balahibo sa katawan niya sa paraan ng pagkakasabi noon ni Callen. Hindi tinitingnan ni Clarisse si Drake pero pakiramdam niya ay nanginginig na ito base na rin sa boses nito. “K-Kuya…s-si Trina kasi… naaksidente siya…kailangan niya ng transplant…” panimula nito. Tila hindi pa nito kayang tapusin ang sinimulan. Mas humigpit ang yakap ni Clarisse sa kanyang anak. Nakayuko lang siya, naghihintay ng kung ano mang sasabihin ni Callen.“Anong kinalaman ni Clarisse?” Nag-angat na ng tingin si Callen at kitang-kita ni Clarisse kung paano nito titigan ang kapatid. “S-siya ang magdo-donate, Kuya….may malaki siya
“Sir Callen, natagpuan na raw iyong tagapagmana ng mga Ocampo!”Natigil sa pag-iisip si Callen nang marinig iyon. Agad niyang binalingan ang kanyang secretary na malawak ding nakangiti sa kanya. “Sino?” tanong niya pa rito. “Iyong panganay at tagapagmana ng mga Ocampo! Si Miss Iris Ocampo.”“What?” Napasinghap si Callen sa narinig. “Isn’t she dead? She had depression 6 years ago, right?” takang tanong pa nito. Isa sa mga importanteng tao ang mga Ocampo sa kanilang negosyo. At malaki ang kontribusyon ng mga ito sa kanilang pamilya. Higit pa roon ay may utang din ang kompanya nito sa kanila.Hindi niya nga akalaing magpapakamatay ang dalaga noon eh. Ngayon ay hindi niya alam kung bakit biglang ganito ang nangyayari. He smelled trouble and she really didn’t want this to be a problem. Malay ba niya kung press release lang ng mga iyon ang nangyari noon para hindi makabayad ng utang. Ang pinakaayaw niya pa naman ay iyong lolokohin siya at iti-take advantage siya. He just hates it when he’
“Mama nanalo ako sa painting contest! Tayo ni Tito ang ni-paint ko!” Napangiti na lang si Luis sa sinabi ng kanyang pamangkin. Huminga siya nang malalim at tinuloy ang pag-video gamit ang cell phone na hiniram pa niya sa kapitbahay nila dahil wala naman siyang pambili ng kanya. “Sige pa, ano pa ang gusto mong sabihin sa mama mo,” aniya pa sa kanyang pamangkin na game na game naman sa pagbibida ng mga award nito. Hindi niya pwedeng isama ang bata sa tuwing bumibisita siya sa kanyang ate sa kulungan kaya naman binibidyo niya ito para makita ng ate niya ang kalagayan nito at para na rin masabi nito sa ate niya lahat ng gusto nitong sabihin. Ngumuso ito sa camera. “Mama, kailan ka po uuwi? Sabi po nila kasi wala daw akong magulang. Saan po ba ang papa ko, Mama? Asan po ba kasi si Papa? Kailan po kayo uuwi. Mama? Bakit niyo po ako iniwan? Nasaan po ba kayo?” Nakanguso si Michael na tila ba isang tulak na lang ay iiyak na ito. Napapikit na lang si Luis at pinigilan na rin ang kanyang s
Malinaw na malinaw pa sa alaala ni Clarisse ang babaeng nasa harapan niya. Noon pa man ay bully na talaga ito. Ito ang kanilang Queen Bitch noon. Ang dami nga nitong alipores eh. Spoiled brat din ito kaya lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Isa siya sa mga napagtrip-an nito noon. Pero hindi gaya ngayon, may tagpagtanggol siya noon—si Drake. Walang araw na hindi siya sinasamahan ni Drake magmula noong b-in-ully siya. Iyon din ang simula ng pag-iibigan nila ni Drake. Nagsimula sila noong iniligtas siya ng lalaki sa mga bully noong panahong iyon. Sobrang takot na takot siya noong mga panahong iyon dahil ikinulong siya ng mga alipores si Marie sa cubicle ng CR dahil lang nagustuhan ng mga ito ang kanyang suot na bracelet. Gustong kunin ng mga ito iyon sa kanya pero nagmatigas siya kaya pinagtulungan siya ng mga ito at ikinulong sa CR. But then Drake arrived. Tila naging isang knight in shining armor niya ito nang sinipa nito ang pinto ng cubicle kung saan siya nakakulong.Para siyang na
“Ito oh. Kain pa kayo…kain ka pa, boy.” “Salamat po,” tipid na sabi ni Clarisse kay Pablo, ang assistant ni Callen. Ngumiti naman ito sa kanya. “Kain din po kayo, Maam, Sir,” sabi naman nito sa kanila ni Luis. Tumango lang ang kapatid niya rito. Nginitian niya rin ito at saka siya bumalik sa pagkain. “Kain ka pa, anak,” sabi niya pa kay Michael at muli itong sinubuan ng kanin at ulam. “Masarap ba?” tanong niya pa rito. Magiliw na tumango naman si Michael sa kanya. Mas napangiti siya at ginulo ang buhok ng kanyang anak. Hinagkan niya pa ito sa ulo. Tiningnan niya ang kanyang kapatid at tahimik lang din naman itong kumakain. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay tipid niya pa itong nginitian. Hindi siya nito pinansin at binigyan na ulit ng pagkain si Michale. “Ay teka po, may kukunin lang ako,” paalam ni Pablo sa kanila. Tumango lang sina Clarisse at Michael dito habang si Luis ay wala pa ring kinakausap. Hinayaan na lang ni Clarisse ang kapatid. Basta ba magkasama sila at nabab
Takang-taka si Clarisse habang nakatitig kay Drake na noon ay nasa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nasa sala noon at nakaupo sa mahabang couch. Ang anak niya ay nasa kwarto at natutulog pa. Umaga na iyon at hinihintay na lang niyang matapos ang kanyang niluluto. Sobrang bait ni Callen dahil sobra-sobra ang ibinigay nitong pagkain para sa kanila kaya naman may naluto pa siya kinabukasan. Mabuti na lang din iyon kasi hindi nga sila pinapalabas. Nagulat na lang siya nang biglang pumasok doon si Drake. “D-Drake…” Napatayo siya at ramdam na ramdam niyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang magkaharap sila ni Drake. Mukha itong bagong gising at tila labag pa sa loob nito ang pagpunta nito sa kanya. Napalunok siya habang pinagmamasdan niya ito. “Tsk. Sasama ka sa akin ngayon,” mariing sambit nito. Napaawang ang labi niya at biglang kumabog ang kanyang dibdib. “H-ha? Bakit? T-teka, saan tayo pupunta?” sunod-sunod niyang tanong dito. “Tsk. Bakit ba ang dami mong tanong? Sumama k
Kahit anong kondisyon ni Clarisse sa kanyang sarili na huwag magpaapekto sa mga sinasabi at ginagawa ni Drake ay hindi niya pa rin maiwasan. Kuyom na kuyom ang kanyang kamay habang papunta sila sa venue ng kaarawan ni Trina. Gusto niya na lang sanang matapos ang gabing ito nang walang gulo. Ang sabi niya sa kanyang sarili ay hindi na siya papatol sa kahit anong sabihin ng lalaki pero sadyang hindi niya kaya dahil talagang walang humpay ang pang-iinsulto sa kanya. Talagang nagalit ito sa sinabi niya kanina kaya ngayon ay hindi sita nito tinatantanan ng mga masasakit na salita. Hanggang sa pagkababa nila ay patuloy pa rin ang parinig nito. Mas lalong naikuyom ni Clarrise ang kanyang mga kamay nang pagkapasok nila sa venue ay may sumalubong agad sa kanila. “My, my! Look who’s here!”“Today’s protagonist!”Kinantiyawan siya ng mga taong sumalubong sa kanila. Nang titigan niyang maigi kung sino ang mga ito ay saka lang niya makilalang ang mga ito ay ang circle ni Drake na noon ay sobran
“What the fuck are you doing?” kalmado ngunit galit na sabi ni Callen. Natahimik ang buong paligid. Nanatiling nakayuko si Clarisse habang pinapakinggan ang sigaw ni Callen. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil nakayuko lang naman siya at nakaharang pa sa kanyang vision ang bulto ni Callen.Walang nagsalita sa mga kaibigan ni Drake. Ilang saglit lang ay narinig niya ang pag-ismid ni Callen. Napakurap-kurap si Clarisse lalo na nang hilahin siya nito patayo. Naramdaman niyang tila chinicheck siya nito. "Tsk. Let's bring her to the hospital. She's bleeding," narinig niya na lang sabi nito tapos ay hinila na siya nito paalis doon. Ni hindi niya namalayang dumugo pala ang kanyang braso. Marahil ay dahil iyon sa paghampas niua ng champagne kay Miguel. Nakarinig pa siya ng bulong-bulungan mula sa mga taong naroon. Hindi na lang iyon pinansin ni Clarisse at tuluyan na siyang nagpahila kay Callen paalis doon. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Clarisse ang mahigpit na mapakapi
Parang nakahinga nang maluwag si Clarisse habang pinapanood ang mga Giorado papasok ng bahay. Inihatid niya ng tingin ang mga ito bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng guesthouse. Samantala, sa loob ng bahay ng mga Giorado, nakaupo sina Drake at Christi sa upuan sa sala. Pinahatid na si Duke sa kwarto nito dahil iyak na ito nang iyak. Si Carlos naman na nagsilbing audience lang kanina ay umuwi na lang din. Halos hindi mapakali si Christi habang nakatitig ang kanilang ama sa kanilang dalawa ng kuya niya. Para silang mga batang kinakastigo. Sa gilid naman at sa pang-isahang sofa ay prenteng nakaupo lang si Luigi. Hindi pa rin makitaan ng emosyon ang mukha ng lalaki. “Anong kaguluhan ito?” kalmado pero malamig na tanong ng ama nina Christi at Drake. Umismid si Drake. “Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong manugang, Dad?”Nanatiling nakayuko lang si Christi. “Why don’t you ask your son in law, Dad?” si Drake na masamang-masama ang tingin kay Luigi. Nabaling ang tingin n
“Daddy!” Mabilis na nalipat din ang tingin ni Clarisse nang makitang tumakbo ang anak ni Christi sa lalaking nasa likuran nina Carlos at Drake. Maging si Christi ay natulala rin at napatayo nang maayos. “L-Luigi…y-you’re back. I thought may business meeting ka pa sa Beijing?” tanong pa nito sa asawa.“Nandoon si Papa. Umuwi ako para asikasuhin ang divorce natin.” Napakurap-kurap si Clarisse at napatitig kay Christi. Kung kanina ay ang tapang-tapang nito, ngayon ay para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Kahit pilit nitong tinatago ay ramdam at kita niya rito ang sakit.“Talagang minamadali mo iyan?” Dinig na dinig ni Clarisse ang pait sa boses ni Christi. Nawala ang matapang at mapangmataas na titig nito sa kanya kanina at napalitan iyon ng tila takot at sakit. Para itong nanliliit habang nakatitig sa asawa nito. “Tsk. Bakit hindi?” tanging sagot lang ng asawa ni Christi dito. Hindi napigilan ni Clarisse ang mapakurap-kurap dahil sa sagot ng lalaki. Napaawang ang kanyang bibig
“Aba, aba! Sumasagot ka na ngayon, ha!” Akmang lalapitan siya nito para sabunutan pero agad itong napigilan ni Christi. “No, Manang, it’s not worth it. Hindi worth it ang babaeng iyan,” mariing sambit pa ni Christi, idinidiin ang salitang ‘hindi worth it’. “Bakit hindi po natin icheck iyan siya! Nako, Maam, malay naman talaga natin!” sulsol na naman ng mayordoma na mas lalong ikinasinghap ni Clarisse. “Wala nga akong kinalaman diyan! Christi, hindi ko alam iyan!” “Sinungaling! Sige nga, hubarin mo iyang suot mo para makita naming wala ka ngang tinatago, ha? Ano?” hamon nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa sinabi ng mayordoma. Bumalatay ang takot sa mukha ni Clarisse dahil sa sinabi ng mayordoma. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Seryoso ba ito? Hindi siya makapaniwala sa sitwasyon na iyon lalo pa nang makita niyang tila pumapayag si Christi sa sinabi ng mayordoma. Mariing umiling si Clarisse. “Hindi! Hindi ko gagawin iyan!” Sobra-sobra na ang ginagawa ng
“Sorry, anak…sorry talaga…” naiiyak na sabi ni Clarisse habang hinahalikan ang kanyang anak sa ulo. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Nakangiti siya sa kanyang anak habang hinahaplos ang buhok nito. “Mama…saan ka ba po pumunta? Natakot ako, eh,” nanginginig pa rin ang boses na sabi nito sa kanya. Parang may nagbara naman sa kanyang lalamunan nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Gusto niyang saktan ang sarili dahil nasaktan din niya ang kanyang anak. “Nasaan ba ang Tito Luis mo? Bakit ka nandito, ha?” tanong niya naman pabalik dito imbes na sagutin ang tanong nito. Ngumuso si Michael sa kanya. “Tulog po siya…lumabas ako kasi hinahanap kita…” Nasapo na lang ni Clarisse ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Muli niya itong niyakap tapos ay hinagkan ulit ito sa kaliwang pisngi. “Ate?”Napatayo siya nang makita si Luis na palabas ng bahay. “Luis!” Nilapitan niya ang kapatid, hawak ang kanyang anak sa isang kamay. “Bakit hindi mo
“Miss Clarisse, may iilang katanungan lang po kami sa inyo.” Hindi makapagsalita at makagalaw si Clarisse sa tanong ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Napalunok na lang siya. Ramdam niya ang titig ni Callen sa kanya. Tila gusto nitong may sabihin siya pero hindi niya naman alam kung ano ang kanyang sasabihin. Bakit ba humantong ito sa pulis? At talagang si Callen ang nagsumbong? Bakit?” “Miss Clarisse? Maki-cooperate na lang po kayo para matapos na rin po tayo agad,” muling sabi ng pulis nang hindi siya magsalita. “Just tell them who did that to you,” tila naiinis na sambit na rin ni Callen. Mas lalong napalunok si Clarisse. Palipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Callen tapos ay sa mga pulis. Ganoon ang ginawa niya nang ilang segundo. Sobrang naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig sa sobrang kaba niya. Nakatitig pa rin sa kanya si Callen at naghihintay ng kanyang sasabihin. Na