Share

KABANATA 6

“Anong ginagawa niyo rito?!” Gulat na gulat si Clarisse nang biglang humarang ang kapatid niyang si Luis sa kanila ni Michael. Walang takot nitong idinipa ang dalawang kamay na para bang pinoprotektahan sila nito.

“L-Luis…” tawag niya rito dahil baka kung ano ang gawin ni Drake dito. Napapikit na lang si Clarisse nang makita kung gaano kagalit si Drake. Ano nga ba ang ginagawa nito rito at paano nito nalaman ang kanilang tinitirhan? Sinunan ba siya nito? Pero sinigurado niya kaninang hindi siya nasundan ng kahit na sino.

“Hindi! Hindi, Ate! Sumusobra na sila! Pagkatapos mong pahiyain ang ate ko at pagkatapos mo siyang ipakulong? Ano? Ganoon na lang iyon? Hindi pa ba talaga sapat ang mga iyon at may plano pa kayong masama sa ate ko? Sobra-sobrang kabayaran na ang mga ginawa niyo sa kanya noon kaya tigilan niyo na siya!” Humahangos si Luis habang sinasabi iyon.

Mariing napapikit naman si Clarisse at mas lalong niyakap si Michael. Nakita niyang tumaas ang kilay ni Drake habang nakatitig sa kanila. Ngumisi pa ito sa kanila.

“Sobra? Anong sobra? Kulang pa ang lahat ng ito! Hindi niya pa nababayaran ang kasalanan niya sa akin! Iyang batang iyan? Iyan ang muntik nang sumira sa pangalan ko! Sa pangalan namin! Kulang na kulang pang kabayaran ang buhay ng bubwit na iyan sa hinarap ng pamilya namin!”

“Drake! Huwag! Please!” matinis na sigaw ni Clarisse nang akmang lalapit si Drake kay Michael at bibigwasan ito. Mariin siyang napapikit at mas niyakap ang kanyang anak. Panay ang hingi niya ng tawad sa bata at panay naman ang iyak nito.

“Bati bata sasaktan mo?! Anong klaseng tao ka?! Tao ka ba talaga ha?!”

“Luis! Huwag!” umiiyak na sigaw na naman ni Clarisse nang walang takot na itinulak ni Luis si Drake. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nanlilisik na mga mata ni Drake, “Luis! Luis!” Hinila niya ang kapatid pero nagmatigas ito.

“Ano, Ate?!”

“Luis! Tama na!” bulyaw niya rito at mas malakas na hinila ito.

“Ate!”

“Tama na!” Pinanlakihan niya ito ng mga mata at mabilis na itinago sa kanyang likuran. Hinarap niya si Drake. Marahan siyang umiling dito. Halos hindi na nga niya makita ang lalaki dahil sa natatakpan na ng mga luha niya ang kanyang mga mata.

Ramdam niya ang paninitig ng mga tao sa kanila pero wala ni isa sa mga ito ang tumulong sa kanila. Bakit nga ba naman sila tutulungan ng mga ito? Halatang malaking tao si Drake kaya malamang takot ang mga kapitbahay nila rito.

“Drake…p-please… huwag mo silang saktan…p-pabayaan mo na kami…p-please, h-hinding-hindi niyo na kami m-makikita…p-pangako…” humihikbing pagmamakaawa niya sa lalaki.

Umigting ang panga ni Drake at inisang hakbang siya. “Ginagago mo ba ako, ha?!”

“Ahhh! D-Drake!”

“Bitiwan mo siya!”

Pumalahaw ng iyak si Michael habang sinusubukan naman ni Luis na tanggalin ang pagkakahawak ni Drake sa kanyang buhok. Napahiyaw si Clarisse nang mas higpitan ni Drake ang kapit sa kanyang buhok.

“Bitiwan mo siya!”

“Luis! Si Michael! Please, si Michael!” umiiyak na sigaw na ni Clarisse. Walang nagawa si Luis kundi ang puntahan ang kanyang anak na umiiyak. Muli ay tiningala niya si Drake. Impit siyang napasigaw sa sakit ng kanyang anit. “D-Drake…”

“You agreed to our deal! Tapos tumakas ka ha?!”

“S-sorry! Sorry!” umiiyak na smabit niya rito. “G-gusto ko lang makasama a-ang anak at kapatid ko…p-please…tutupad ako sa u-usapan…bigyan mo lang ako kahit tatlong araw…Drake, nagmamakaawa ako, please. Pakiusap…”

“Ate! Huwag kang makiusap diyan! Walang awa iyan! Hindi niya iyan deserve!”

“Tumahimik ka, Luis!” Marahas na tiningnan niya ang kapatid. Gulat na napatitig ito sa kanya. Inilingan niya ang kapatid at muling ibinalik ang tingin kay Drake para magmakaawa. “Pakiusap…Drake…”

Ngumisi lang lalaki sa kanya at sa halip na tingnan siya ay ang kanyang kapatid ang tiningnan nito. Umiling pa ito sa kanyang kapatid. Kulang na lang ay yumakap siya sa tuhod nito para lang pakinggan siya pero mukhang nainis talaga ito sa sinabi ng kanyang kapatid. Iniwan siya nito at lumapit ito sa kanyang kapatid.

“D-Drake…”tawag niya rito pero hindi ito nakinig. Halata sa mukha ni Drake ang galit at natatakot siyang baka kung ano ang gawin nito sa kanyang kapatid.

“Ang lakas ng loob mo, ah…” gigil na sambit ni Drake dito. Walang takot namang nakipagtitigan si Luis dito.

Mas nataranta si Clarisse at agad niyang nilapitan ang kanyang kapatid at anak.

“Drake—Luis!”

Nanlaki ang mga mata ni Clarisse nang biglang hablutin ni Drake si Luis at inundayan ng suntok.

“Drake, huwag! Huwag!” Pumalahaw siya ng iyak habang hawak ang kanyang anak. Pinilit niyang tumayo para pigilan si Drake.

Nakita niyang pumapalag na rin ang kanyang kapatid kaya mas lalo siyang kinabahan dito. “Luis! Tama na!” Sinubukan niya ulit tumayo at lumapit sa mga ito pero hinila siya ng kanyang anak. Takot na takot na ito kaya niyakap niya ito. Nagulat na lang siya nang biglang may mga taong dumating at pinalibutan sina Drake at Luis.

“Drake! Huwag please!” Hindi na alintana ang mga bodyguard ay tumakbo siya sa kapatid habang karga si Michael.

Iyak nang iyak ang kanyang anak. Nayakap na lang niya ang kapatid na puno dugo na ang mukha.

“Tama na please…pakiusap tama na…” pagmamakaawa niya kay Drake.

“H-huwag kang magmakaawa sa kanya, Ate!” Nahihirapan man ay matigas itong nanindigan.

“Luis, tumigil ka!” Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero hindi talaga ito natatakot. Mas hinigpitan ni Clarisse ang yakap sa kanyang anak.

“What a pathetic family…” komento ni Drake. Akmang lalapit ang lalaki sa kanila at pagbubuhatan ng kamay si Clarisse.

“Huwag mo saktan Mama ko!” matinis at maliit na sigaw ni Michael na siyang ikinagulat ni Clarisse.

Natigilan si Drake. Agad namang niyakap at tinago ni Clarisse ang anak sa kanyang likuran. Hinarap niya si Drake at nakita niya ang nanlilisik nitong mga mata.

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. “Manang-mana sayo ang bastardo mo. Matabil ang dila!” sigaw nito kasabay ng paghampas ng kamay nito sa pisngi ni Clarisse.

“Mama!” iyak ni Michael.

“Walanghiya ka talaga!” sigaw naman ni Luis at akmang susugurin si Drake pero agad itong hinawakan ng bodyguards ni Drake. Mas itinago niya sa likuran si Michael.

“Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko,” mariing sambit niya kay Drake.

Mapait itong umiling sa kanya. “Huh talagang pinoprotektahan mo iyang batang sumira sa buhay natin ha?”

Hindi sumagot si Clarisse. Nanatili ang matalim niyang tingin sa lalaki. Hindi siya makapaniwalang minahal niya ang halimaw na ito noon.

“Sasama ka sa akin kung ayaw mong mapahamak ang anak mo. Sa akin kayo maninirahan. You’ll take care of yourself until you’re healthy enough to donate a kidney. Your brother will work for me and you’ll do this if you don’t want your son to suffer hell.”

***

Pumarada ang sasakyan ni Drake sa isang mansyon. Karga pa rin ni Clarisse si Michael habang hawak naman niya sa kabilang kamay si Luis.

“Sinong nasa loob?” tanong pa ni Drake nang makalabas ito.

May mga maid na nag-aabang sa kanila. Napalunok si Clarisse.

“Sir Drake, nandito po ang kapa-”

“Long time no see, brother.”

Nanlaki ang mga mata ni Clarisse. Kilala niya ang boses na iyon!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status