Share

KABANATA 5

“Nasaan siya?! Paanong nakawala?! Tang ina mga bobo ba kayo, ha?! Bakit kayo natakasan ng babaeng iyon?” 

Halos mayanig ang buong kwarto sa pagsigaw na iyon ni Carlo. Mabilis na nagsialisan ang kanilang mga tauhan. 

“How could you be so lenient, Carlo?! Bakit ka natakasan ng babaeng iyon?!” sermon naman ng kanyang ina sa kanya habang hinahaplos ang buhok ng kanyang kapatid na noon ay gising na. 

Nasapo ni Carlo ang ulo at napasigaw na lang sa inis. 

“Hmm baka talagang ayaw niyang ibigay ang kidney niya, Mama,” ang mahinang sambit ni Trina. “Sabi na, eh, hindi talaga siya mapagkakatiwalaan. Akala ko pa naman may isang salita siya…” dagdag pa nito. 

“Ohh, Trina…shhh huwag kang mag-aalala, okay? Mahahanap natin ang babaeng iyon at makukuha mo rin ang dapat na sayo. She owed you that kidney, hija, pagkatapos ng lahat ng ginawa nila ng nanay niya…” mariing sambit nito sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. 

Tipid na ngumiti lang si Trina at nag-iwas ng tingin sa ina. “Pwede bang huwag na nating pag-usapan ang mga iyon, Mama? Ayoko na po kasi talagang maalala,” mahinhing sambit niya pa rito.

Nagbuga ng hininga ang kanyang ina. “Okay, okay…kung ganoon…then baka pwede na rin nating palitan ang apelyido mo?” marahang tanong naman ng kanyang ina pabalik. 

Hanggang ngayon kasi ay Trina Casaje pa rin ang gamit niya—ang apelyido ng mga taong kumupkop sa kanya. Nang tanungin siya kung bakit hindi niya pa ito pinapapalitan ay ang sabi niya lang na kahit naman hindi siya tinratong mabuti ng ng mga umampon sa kanya ay ang mga ito pa rin naman ang kumupkop at nag-alaga sa kanya sa loob ng dalawampu’t isang taon.

Hindi sinagot ni Trina ang ina. Sa huli ay bumuga na lang din ng hininga ang kanyang ina at hinalikan siya sa noo.

“Okay, okay…mamaya na lang natin pag-usapan,” bulong pa nito sa kanya. 

“Fuck! Nakalabas ng hospital ang gagang iyon!” 

“Carlo! Ano ba namang klase iyang mga tauhan mo?!” galit na sigaw ni Marienne at napatayo na rin. 

Napapikit si Trina. Maya-maya pa ay marahan siyang tumingin sa kanyang ina at kapatid. Napalunok siya at naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. 

“Kuya…p-paano na kami ni Drake?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. 

Suminghap ang kanyang ina. “Hija? Ano ba iyang iniisip mo! Of course matutuloy ang kasal mo! Hindi niya maaagaw si Drake sayo!”

“But I’m not well! Baka hindi na ako gustuhin ni Drake…b-baka hindi nanako gumaling…” Tuluyan na siyang napahagulgol. Agad namang dumalo ang kanyang ina sa kanya. 

“No, no, no, Trina. Stop it! Hinding-hindi mangyayari iyon, okay? Matutuloy ang kasal ninyo. Hindi ako papayag na hindi. At hindi ka pakakawalan ni Drake, okay? You’re smart and very elegant. Wala na siyang hahanapin pa sayo! Matutuloy ang kasak niyo at gagaling ka, okay?” maamong sambit nito sa kanya. 

Nakagat na lang ni Trina ang labi. Niyakap siya ng kanyang ina. 

“Don’t worry about that bitch, Trina. Hindi siya makakalayo rito. Hindi kami papayag na makawala ang babaeng iyon,” paninigurado naman ni Carlo sa kapatid.

Lumunok si Trina at inangat ang tingin sa kanyang kuya. Bumakas ang takot sa kanyang mukhq. 

“P-paano kapag nalaman niyang tayo ang may gawa noong pag setup sa kanya kasama ang—”

“Tsk. Shut it, Trina! Walang may alam kung sino ang lalaking iyon, okay? Walang makakaalam kung walang magsasalit, so shut it, okay?”

Nag-iwas ng tingin si Trina. “But hindi ba weird na hanggang ngayon hindi natin mahanap iyong lalaki? Paano kung bigla iyong sumulpot tapos hindi natin alam kasi maski tayo hindi natin kilala!”

“Oh come on, I said stop it! Snap out of it, Trina! Wala na akong pakialam sa lalaking iyon! Nagawa na niya ang parte niya. Nasira na natin si Clarisse kay Drake. Iyon ang importante!” pangaral ulit ng kanyang kuya. 

Mariing napatango na lang si Trina habang inaalo ng kanyang ina. Wala naman talaga siyang pakialam kung sino man ang lalaking iyon ang importante sa kanya ay makabawi siya kay Clarisse dahil sa pang-aagaw nito sa buhay niya. Ayaw lang talaga niya ng kapalpakan lalo na at palapit ang kasal nila ni Drake. Hinding-hindi siya papayag na maagaw nito si Drake sa kanya! 

****

Eskwater.

Palinga-linga si Clarisse sa paligid habang inaayos ang kanyang baseball cap. Nadagit niya lang ito kanina sa sampayan ng bahay na pinaghintuan niya. Ayaw niyang magnakaw pero wala siyang choice. Baka makilala siya kung hindi siya nagpalit. 

"Ate Clarisse!" sigaw ng isang boses. Nanlaki ang mga mata ni Clarisse at agad na tumakbo papunta sa kanyang kapatid. “Ate! Sinundo kita kahapon pero wala ka na roon! Ang sabi ay nakaalis ka na raw. Saan ka ba nagpunta?” Bakas sa mukha ni Luis ang pag-aalala. Mangiyak-ngiyak pa itong tumingin sa kanya.

Nakagat ni Clarisse ang labi at nayakap na lang ang kapatid. 

“Sorry…sorry…”

“Sila ba ulit ang kumuha sayo? Anong ginawa nila, ha?” tanong nito sa kanya. Napalunok ulit si Clarisse at mas hinigpitan ang yakap sa kapatid.

“Shhh…shhh. Okay na. Nandito na si Ate hindi na ako aalis.” Kumalas sila sa yakap. 

Hinaplos niya ang pisngi ng kanyang kapatid at ginulo ang buhok nito. Noong itinakwil siya ng kanyang kinikilalang mga magulang ay akala niya wala na siyang matatakbuhan. Akala niya mag-isa na siya. Pero hindi dahil nakilala niya ang kanyang totoong kapatid na si Luis at binigyan siya ng isang chikiting. 

“Halika na po, Ate, kanina ka pa hinihintay ni Michael sa bahay. Excited na excited iyon. Ang talino niyang bata, Ate…alam niyang ngayon ka lalaya…” nakangiting sabi pa ni Luis sa kanya. Ngumisi ito sa kanya at hinila na siya. “Tara na po.”

Hindi na niya ito kinontra at nagpadala na siya rito. Sinuot nila ang makipot na eskinita hanggang sa marating nila ang isang barong-barong.

“Michael! Nandito na ang mama mo!” sigaw pa ni Luis. Agad na lumabas ang isang maliit na bata na nasa limang taong gulang. 

Naiyak na lang si Clarisse nang makitang muli ang kanyang anak.

“Mama! Misshuu poo!” matinis na sambit nito at agad na niyakap siya nang mahigpit. 

“Miss na miss din kita, anak…”

“What a touching mother and son scene…”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status