Share

Affair With My Ex Fiance and His Brother
Affair With My Ex Fiance and His Brother
Author: Agata Gallean

KABANATA 1

“Huwag na huwag ka nang lumingon pag nakalabas ka na, kosa. Magpakasaya ka sa labas!” Umalingawngaw ang hiyawan ng mga preso sa loob. 

Ipinilig ni Clarisse ang ulo bago tuluyang naglakad paalis ng city jail. Ramdam niya ang pagtayo ng kanyang balahibo dahil sa lamig ng hanging yumayakap sa kanyang katawan. 

Limang taon. 

Dalawampu’t isang taon siya nang makulong, ngayon ay dalawampu’t anim na taon na siya. Ang daming nangyari sa buhay niyang hinding-hindi niya makakalimutan. 

“Pasok,” malamig na utos ng isang lalaki. 

Napatingin siya sa isang itim na sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada. Sa tabi noon ay ang lalaking malamig pa sa hangin kung magsalita. 

Ito ang kanyang Kuya Carlos, ang kanyang kapatid na lalaki na walang ibang ginawa kundi ang insultuhin at sigawan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon pagkatapos nitong malaman na hindi naman talaga sila tunay na magkapatid. Ni hindi sila magkadugo. 

“K-Kuya…” malat na sambit ni Clarisse. Parang lalabas na ang kanyang puso sa sobrang kaba. Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo. 

Narinig niya pa ang pag-ismid ng kanyang itinuturing na kapatid. 

“Hindi mo ako kuya. Nakakadiri ka.” Walang emosyon ang mukha ni Carlos habang sinasabi iyon sa kanya. “Ninakaw mo ang dalawampu’t isang taon ng tunay kong kapatid! Gaano kakapal iyang mukha mo at nakukuha mo pa akong tawaging kuya, ha?!”

Pakiramdam ni Clarisse ay nanuyo ang kanyang lalamunan. Nangingilid na ang mga luha sa kanang mga mata pero hindi siya nagsalita. Tumungo na lang siya. 

Ang pamilya ng mga Buenaventura ang tinaguriang pinakamakapangyarihang pamilya sa buong bayan ng San Diego. Si Clarisse ang kinikilalang pinakamatandang anak na babae ng mga Buenventura ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya isang totoong Buenaventura. Anak siya ng isang kasambahay noon ng mga Buenvantura at ipinalit lang siya sa totoong anak ng mga ito. 

“P-Pasensya na…” mahinang sambit niya. Mariing pinaglapat niya ang mga labi para lang pigilan ang kanyang pag-iyak. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos noon. 

Limang taon na ang nakalipas nang ma-frame siya sa kaso ng E****a. Sa limang taon niya sa kulungan ay natutunan niyang maging malambot at mapagkumbaba para lang maka-survive siya sa araw-araw. Nilunok niya na lahat ng kanyang pride at ilang beses na siyang nagmakaawa para lang hindi siya saktan ng mga kasama.

Sa loob ng mahabang panahon, siya ang kinilalang unang anak at tagapagmana ng mga Buenaventura. Spoiled siya sa kanyang kapatid at mahal na mahal siya ng mag-asawang Buenaventura. Ngunit lahat ng iyon ay nawala sa kanya nang lumitaw ang totoong anak at tagapagmana. 

Sa loob ng isang araw, nabaliktad ang kanyang mundo. Ang totoo niyang ina ay naging kriminal at maging siya ay naging isang mang-aagaw at saling kitkit sa pamilya ng mga Buenaventura. Kahit na wala siyang muwang nang ipinalit ng kanyang ina sa tunay na anak ng mga ito, sa mata ng mga Buenaventura ay isa siyang mapagpanggap na babae at inagaw niya ang lahat na dapat ay sa totoong tagapagmana lang. 

“Pasensya? Iyan lang ang sasabihin mo? Ni hindi pa sapat ang limang taon mong pagkakakulong para pagbayaran ang ginawa ng ina mo kay Trina!” Kasing lamig ng yelo ang boses ni Carlo. Tiningnan siya nito nang puno ng pagkasuya. Inilayo pa nito ang sarili sa kanya na para bang nakakadiri siya. 

Hindi napigilan ni Clarisse ang masaktan dahil sa ipinapakita nito. Ang dating malambing niyang kapatid ay kinasusuklaman na siya ngayon.  

“Tsk. Pumasok ka na nga!” bulyaw nito sa kanya ngunit hindi gumalaw si Clarisse sa kanyang kinatatayuan. Umatras pa siya nang bahagya. Nanginginig ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay isang maling kilos lang niya ay sasaktan siya nito. Ibang-iba na ito. Hindi na niya ito kilala. “Ano ba?! Bingi ka ba?! Pasok! Kung hindi ka lang namin kailangan, iniwan na kita rito!” 

Napaigting si Clarisse at nanlaki ang kanyang mga matang napaangat ng tingin kay Carlo. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya. Sa sobrang takot niya ay mabilis siyang pumasok ng sasakyan at nayakap na lang ang sarili. Kung noon ay para siyang isang babasaging perlas na iniingatan ng lahat, ngayon para na siyang basura na itinapon na lang dahil wala ng silbi. 

“S-saan ba tayo pupunta?” hindi niya napigilang tanong dahil sa totoo lang ay wala siyang ideya kung bakit ito ang sumundo sa kanya. Akala niya pagkatapos ng lahat ay wala na talagang pakialam ang pamilyang kinalakihan niya sa kanya. 

“Sa hospital. May utang ka sa kapatid ko kaya ngayon ay babayaran mo iyon…kahit buhay mo pa ang kapalit.” 

Mas lalong binalot ng takot si Clarisse. Hindi niya mabasa ang mukha ni Carlo pero sa sinabi nito at sa tono ng boses nito ay parang may gagawin itong hindi niya magugustuhan.

“A-anong ibig mong sabihin?” 

Isang nakabibinging katahimikan ang saglit na bumalot sa kanila bago ito nagsalita. 

“Naaksidente si Trina. Kailangan niya ng kidney transplant. Ikaw ang magbibigay noon bilang kabayaran sa utang mo.” 

Natuod si Clarisse sa kinauupuan. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay lumabas ng kotse pero bago pa man niya mahawakan ang handle ng pinto ay pinigilan na siya nito. 

“Saan ka pupunta ha? Akala mo makakatakas ka?! Hindi ka aalis na hindi mo nababayaran ang utang mo sa kapatid ko!”  Mas lalong nanlisik ang mga mata nito.

Nanginig ang buong katawan niya at parang huminto ang kanyang puso nang bumukas ang pinto ng sasakyan. 

“Oh nandiyan na pala iyan…”

Lumipad ang kaluluwa ni Clarisse nang magtagpo ang tingin nila ng lalaking nasa likuran ni Carlos. Hindi pa rin nagbabago ang awra nito kahit ilang taon na ang lumipas.Si Drake Giorado, ang kanyang dati niyang fiance at ang taong nag-frame up sa kanya para makulong siya. Gusto niyang mawala na lang. Hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawa ng lalaki sa kanya. Pineke lang naman nito ang lahat ng ebidensya para makulong siya. 

“Babayaran mo ngayon ang kinuha mong buhay kay Trina, Clarisse,” mariing sabi nito sa kanya habang nakangisi. 

Tuluyan nang naiyak si Clarisse. Akala niya pag nakalaya siya ay magiging malaya na talaga siya nang tuluyan pero hindi pala. Akala niya sapat na ang limang taong pagkakakulong para mapagbayaran niya ang kasalanang hindi naman talaga siya ang may gawa pero hindi pa pala. 

Hinayaan niya na nga ang mga itong ipakulong siya para lang maibsan ang pagkamuhi ng mga ito sa kanya, pero hindi pa rin pala iyon sapat. Hindi sapat na nagdusa siya ng halos limang taon. Gusto yata talaga ng mga ito ay habangbuhay siyang magdusa o kung hindi man ay mamatay na lang siya. 

“Sige na, dalhin niyo na ito sa hospital,” dinig niyang sambit ni Carlo sa driver. Halatang inip na inip na ito. Tinulak pa siya nito sa kabilang gilid ng sasakyan. Matalim siya nitong tiningnan. 

“Nakakulong pa ang totoo mong ina at hawak namin ang buhay niya. Isang savi lang naman bubulagta iyon. Kung gusto mo pa siyang mabuhay, gagawin mo ang gusto namin.”

Mas lalong hindi nakagalaw si Clarisse. Ngayon hindi niya alam kung impyerno na ba ang kulungan o mas impyerno rito sa labas. Tiningnan niya ang dalawang lalaki. Wala ng pag-asa ang dalawang ito. Hindi ito maaawa sa kanya. Ang tanging naisip na lang niyang makakatulong sa kanya ay ang kapatid ni Drake…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status