When You're Gone

When You're Gone

last updateLast Updated : 2023-09-09
By:  imynnocent  Completed
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
1 rating. 1 review
42Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

April Hreghen Atienza ay ang babaeng gustong gusto si Sammuel Lazarus Sandoval. She like Sammuel so much kaya ginawa niya ang lahat mapansin lang siya ng crush niya. Dahil sa pag-iibigan nilang dalawa, nalihis sila ng daan. Parehong bumagsak ang grado nila dahil hindi nila natutokan ang kanilang pag-aaral. Nawasak ang kanilang puso, nasaktan, umiyak, nagdusa, naghabol at pilit na pinapatatag ang relasyon. Paano nila maibabalik ang dating sigla ng pag-iibigan? Ang tanong... maibabalik pa ba ang dating pinagsamahan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

"Sumasakit ang ulo ko sa math!" Reklamo ni Maika.Umupo si Maika sa tabi ko at agad na binagsak ang ulo sa mesa'ng nasa harapan namin. Tumawa ako at tinapik ang balikat ni Maika, "bobo lang daw ang sumasakit ang ulo sa math so, ibig sabihin bobo ka?" "Sinong nagsabing matalino ako?!" Umiling kaming tatlo dahil sa sinabi ni Maika, humarap ako kay Vien at Clouie. Mga kaibigan ko na silang tatlo noong mga bata pa kami hanggang ngayong nag senior high na kami kaso nga lang iba-ibang strand ang kinuha namin kaya hindi na kami magkaklase ngayon.Ako Humss ang kinuha ko, si Vien naman ay ABM, si Maika ay STEM. Si Clouie ay GAS ang kinuha. "Para ka namang timang d'yan, imbis na alalahanin mo 'yong math na nagpapasakit sa ulo mo, i-libre mo na lang kami," ngumisi si Vien pero inirapan siya ni Maika."Ubos na nga pera ko tapos magpapalibre pa kayo? Ako ang nanglibre kahapon kaya kayo naman ngayon!" Nagkatinginan kaming apat at nag ngisihan na lang na parang mga baliw. Nandito kami ngayon s

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
imynnocent
must read!!! highly recommend!
2023-09-09 19:50:30
0
42 Chapters

Simula

"Sumasakit ang ulo ko sa math!" Reklamo ni Maika.Umupo si Maika sa tabi ko at agad na binagsak ang ulo sa mesa'ng nasa harapan namin. Tumawa ako at tinapik ang balikat ni Maika, "bobo lang daw ang sumasakit ang ulo sa math so, ibig sabihin bobo ka?" "Sinong nagsabing matalino ako?!" Umiling kaming tatlo dahil sa sinabi ni Maika, humarap ako kay Vien at Clouie. Mga kaibigan ko na silang tatlo noong mga bata pa kami hanggang ngayong nag senior high na kami kaso nga lang iba-ibang strand ang kinuha namin kaya hindi na kami magkaklase ngayon.Ako Humss ang kinuha ko, si Vien naman ay ABM, si Maika ay STEM. Si Clouie ay GAS ang kinuha. "Para ka namang timang d'yan, imbis na alalahanin mo 'yong math na nagpapasakit sa ulo mo, i-libre mo na lang kami," ngumisi si Vien pero inirapan siya ni Maika."Ubos na nga pera ko tapos magpapalibre pa kayo? Ako ang nanglibre kahapon kaya kayo naman ngayon!" Nagkatinginan kaming apat at nag ngisihan na lang na parang mga baliw. Nandito kami ngayon s
Read more

01

Kagat labi akong dumaan sa room nila Sammuel, pagdaan ko ay sumulyap ako sa loob ng room at nakita ko siyang pinapalibutan ng mga naka jersey na mga lalaki. Kinakausap siguro tungkol sa nalalapit na inter-high.Ngumuso ako at nagpamaywang. Kanina pa ako daan nang daan dito sa room nila para mapansin niya ako pero kahit anong gawin ko hindi siya lumilingon sa akin. Sa huli napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa ikalawang palapag. Ano bang kailangang gawin para mapansin ako ni Sammuel?Hindi ko talaga alam kung bakit ba ako nagkagusto sa lalaking 'yon. Aside sa subrang gwapo niya, study first din siya. Talagang may bright future siya at kung maging kami man ang swerte ko siguro sa kanya. Pumasok ako sa room, umupo ako sa upuan ko at nagpangalumbaba na lang. Dahil na bored ako ay kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook. Habang nagscroll aa facebook, naalala ko na lang bigla ang si Sammuel. Ngumisi ako at kagat labing ni-research ang pangalan niya.Sammuel Lazarus Sandoval
Read more

02

Ang lungkot lungkot ko dito sa loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin malimutan ang nakita ko kanina. Sinunog lang ni Sammuel ang mga love letter. Hindi lang ba niya binasa 'yon? Bakit kailangang sunugin? Sana tinago na lang niya para remembrance na rin.Bumuntong hininga ako at nagpapasyahan na basahin na ang mga reply ng mga kaibigan ko. Sinabi ko kasi sa kanila kung gaano ako kalungkot dahil sinunog ni Sammuel na crush ko ang mga love letter, alam kong kasama na ang love letter ko doon. Binasa ko ang mga reply nila sa group chat namin. BITCHES Vien: Don't be sad okay?Clouie: Sad is for losers Maika: We're not losersNapangiti ako sa nga reply ng mga kaibigan ko. Nagtitipa ako para sa icha-chat ko ulit pero bigla na lang nagchat si Vien.Vien: We're worse than that. Tangina... Anong klaseng kaibigan 'to? Grabeng motivation naman 'to, nakaka appreciate. Ako: tangina niyo. Sana hindi kayo pansinin ng crush niyo.Vien: excuse me, tahimik lang ako pero nakakausap ko na crush ko.Sum
Read more

03

Tangina! Tangina! Bakit hindi ko nakita na pareho pala sila ng bag ni Sammuel? Baka akala ng lalaking 'yon na siya ang binigyan ko ng love letter, naalala ko pa naman na hindi ko nalagyan ng pangalan ni Sammuel doon. Wala ng 'Dear, Sammuel' na nakalagay! Nakakahiya pa kanina, napagkamalan pa nila akong magnanakaw. Grabe sila makatingin sa akin kanina parang may ginagawa akong masama kahit wala naman. Lalo na 'yong mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Sammuel, ang sarap dokutin ng mga mata nila. Kung makatingin parang ang sama ko ng tao. "Bakit busangot ang mukha mo?" Tanong ni Maika, kami lang dalawa ang magkasama ngayon kasi may ginagawa rin ang dalawa. "Nakakainis kasi eh!" Halos magpapadyak na ako sa kahihiyan na sinapit ko kanina. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Sammuel. Kasi maging siya tinignan ako ng masama, parang hinuhusgahan niya ako. Ang mga maririin niyang tingin na tagos hanggang kaluluwa. Hindi ako nahiya dahil pinagtitinginan ako ng mg
Read more

04

Dahil doon sa sinabi ni Sammuel sa akin, sa bawat araw na dumaan hindi ako tumigil sa pagpapansin sa kanya. Araw araw ako sa room nila Vien para makita ko lang siya, kung minsan ay dumadaan ako sa room nila para silipin lang siya. Araw araw na rin ang practice ni Sammuel dahil malapit na ang inter-high. Busy ang mga athletes sa pagpapractice, walang practicr nila Sammuel na hindi ako nanood. Minsan nagpapasama ako kina Vien, Maika at Clouie, minsan din ay ako lang mag-isa ang pumupunta. "Ang galing mo, Sammuel!" Sigaw ng mga kababaihang nanonood. Ngumuso na lang ako, hindi ko na kayang sumigaw ng malakas dahil namamaos na ang boses ko dahil sa araw araw kong pagcheer kay Sammuel. "Ipahinga mo 'yang boses mo para sa laban nila sa susunod na araw," si Maika, simahan niya akong manood ng practice ni Sammuel dahil wala naman daw siyang ginagawa habang ang dalawa ay may inaasikaso. "Subrang busy na niya. Hindi na niya ako napapansin." Malungkot kong sambit habang pinapanood ang gal
Read more

05

"K-Kumusta ang laro?" Hinabol ko si Sammuel at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nakakailang man na sumabay sa kanya sa paglalakad pabalik aa eskwelahan, hindi ko pa rin maitago ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. "Talo kami." Sagot niya, hindi man lang ako nilingon. Tumango ako at saglit na tumingin sa mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sa amin. "Narinig ko nga ang sigawan ng mga tao mula sa labas ng municipal gym. Sayang hindi ko nakita 'yong laro—" "Kasi umalis ka." Pinutol niya ang sinabi ko. Sinulyapan niya ako sandali bago muling bumaling sa dinadaanan. "K-Kasi... Nauhaw ako bigla kaya lumabas ako para bumili ng juice." Sagot ko at tinignan siya. Tumaas ang kilay niya at ngayon ay nilingon na niya ako. Tumaas na naman ang isa niyang kilay. "Bumili lang ng juice? Bakit hindi ka na bumalik?" Umawang ang labi ko. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Nag assume naman ako ngayon. Hindi naman siguro masamang mag assume 'no? Ako naman 'yong masasaktan sa kaka-assume ko
Read more

06

"Alam mo bang nakakasama sa kalusugan ang araw araw na mag-assume?" Saad ni Vien. Tumango naman ang dalawa, sumang-ayon sa sinabi ni Vien. "Kayo nga d'yan eh. Bakit hindi ba kayo nag-assume sa crush niyo ah?" Sabay silang napakamot sa kanilang ulo. Alam ko na kasi kung sino ang mga crush nilang tatlo at kagaya ko hinahabol at nagpapansin din sila sa crush nila. "Nakalimutan kong magkaibigan pala tayo haha." Tumawa si Clouie habang kinakamot ang ulo niya."So, kumusta kayo ni Sammuel?" Bumaling ako kay Maika, dahil sa tanong niya napanguso ako at sinubsub ang mukha sa mesa."Ayon nga, tama nga ako na pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na mauulit ang pangyayaring 'yon." Pagkatapos kasi noong chinat ko si Sammuel na may gusto ako sa kanya parang umiwas siya sa akin. Hindi na niya ako kinakausap, hindi ko naman sinasabing kailangan niya akong tratohin ng gano'n na parang ma relasyon kami ang gusto ko lang ay sana hindi niya ako lalayuan.Ito 'yong kinakatakutan ko eh. Kapag aamin k
Read more

07

"Bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraang buwan, Sammuel?" Marahang tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsalita sa aming dalawa. "Dahil ba sa umamin ako sa'yo kaya mo ako iniiwasan?" Tanong ko ulit. "Ikaw ang umiiwas sa akin—" "Anong ako? Nilalagpasan mo nga ako kapag nagkakasalubong tayo, eh. Para lang akong hangin na nararamdaman mo pero hindi mo nakikita." Pagputol ko sa sinabi niya. Yumuko siya pagkatapos ay bumuntong hininga. "Umiwas ako dahil kayo ni Roger," Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sammuel. Sumandal siya sa upuan niya at diretsong tumingin sa akin. "Bakit mo naman 'yan naisip?" "Akala ko kayo ni Roger. Hindi kasi maganda tignan na kayo tapos nakikipag kausap ka sa akin—" "Bakit nga naisip mo 'yan?" Putol ko ulit sa sasabihin niya, kumunot na ang noo ko ngayon. "Kasi... Palagi kayong magkasama. Palagi ko kayong nakikitang... Magkasama kaya inakala ko na kayo." Napanganga na lang ako, hindi ko alam na g
Read more

08

Nang maghapon na ay ako ang unang lumabas sa room, nagpaalam na ako kay Roger na hindi muna ako makatulong ngayon sa paglilinis dahil pupuntahan ko pa si Mama. Sinugod kasi si Mama sa hospital dahil mataas ang lagnat niya at nanginginig na siya. Napag-alaman naming nagkadengue si Mama.Pero paglabas ko ay si Sammuel ang una kong nakita, huminto ako at tinignan siya. Kumurap siya pagkatapos ay tumayo ng matuwid, "saan ka pupunta?" Marahan niyang tanong, siguro nakita niyang nagmamadali ako sa paglabas.Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit, "iniiwasan mo pa rin ba ako?" Mabilis akong umiling, "hindi kita iniiwasan... Uh, pupuntahan ko lang si Mama sa hospital." Lumingon ako sa likod at nakita kong halos hindi na gumalaw sa mga kinatatayuan nila ang mga classmates ko dahil sa gulat na makita si Sammuel na kausap ko ngayon.Kinagat ko ang labi ko at naglakad na papunta sa hagdan, naramdaman kong sumunod sa akin si Sammuel sa likoran ko."Anong nangyari sa Mama mo?" Niling
Read more

09

Dahil sa sinabi ni Mama kanina hindi ko mapigilang mag-assume na naman. Pinanganak talaga akong assumera, hindi na ata 'yon magbabago."Nanligaw ba sa'yo 'yon, anak?" Napalingon ulit ako kay Mama, "hindi po..." "Hindi siya nanligaw sa'yo? Kasi kayo na?" Kung barkada ko lang 'to si Mama baka sinapak ko na rin si Mama sa kilig. Kahit si Mama pinapaasa ako. "Mama, hindi po kami ang advance mo naman masyado... Pero sana hehe sana maging kami..." Nag-a-assume ako na may nararamdaman din sa akin si Sammuel, hindi na tulad ng dati na hindi niya ako iniimikan ngayon hindi ko na mabilang na salita ang lumalabas sa bibig niya. Pinapansin na niya ako at maraming mga kilos siyang pinapakita sa akin na tanging mga lalaking may gusto sa isang babae lang ang gumagawa. Ewan ko ba! May parte sa sarili ko na 'wag mag-assume kasi masakit mag-assume sis! Subra! Ilang ulit na akong nasaktan dahil nga assumera ako, masakit! Grabe! 'Yong akala mo may gusto siya sa'yo pero assumera ka lang talaga. Ayun
Read more
DMCA.com Protection Status