Share

When You're Gone
When You're Gone
Author: imynnocent

Simula

Author: imynnocent
last update Huling Na-update: 2023-06-24 23:15:50

"Sumasakit ang ulo ko sa math!" Reklamo ni Maika.

Umupo si Maika sa tabi ko at agad na binagsak ang ulo sa mesa'ng nasa harapan namin.

Tumawa ako at tinapik ang balikat ni Maika, "bobo lang daw ang sumasakit ang ulo sa math so, ibig sabihin bobo ka?"

"Sinong nagsabing matalino ako?!"

Umiling kaming tatlo dahil sa sinabi ni Maika, humarap ako kay Vien at Clouie. Mga kaibigan ko na silang tatlo noong mga bata pa kami hanggang ngayong nag senior high na kami kaso nga lang iba-ibang strand ang kinuha namin kaya hindi na kami magkaklase ngayon.

Ako Humss ang kinuha ko, si Vien naman ay ABM, si Maika ay STEM. Si Clouie ay GAS ang kinuha.

"Para ka namang timang d'yan, imbis na alalahanin mo 'yong math na nagpapasakit sa ulo mo, i-libre mo na lang kami," ngumisi si Vien pero inirapan siya ni Maika.

"Ubos na nga pera ko tapos magpapalibre pa kayo? Ako ang nanglibre kahapon kaya kayo naman ngayon!"

Nagkatinginan kaming apat at nag ngisihan na lang na parang mga baliw. Nandito kami ngayon sa 7/11 tumatambay dahil may aircon at kahit hapon na subrang init pa rin sa labas kaya tumatambay na lang kami dito sa loob kahit walang binibili.

"Titignan natin ang schedule kung sino ang manglilibre ngayon," ngumisi si Vien at kinuha ang ginawa naming schedule.

Sino bang pasimuno ng schedule na 'yan? Malamang si Vien, nililista niya kung sino ang manglilibre sa lunes, martes, miyerkules, huwebes at biyernes!

Tinignan namin si Vien, hinintay ang sasabihin niya kung sino ba ang manlilibre ngayon, sana naman hindi ako kasi wala akong pera ngayon. Sakto lang 'tong pera ko sa pamasahe.

Ngumuso si Vien at nilapag ang schedule sa mesa.

"Sino ang manglilibre ngayon?" Tanong ni Clouie at kinuha ang notebook ni Vien na sinulatan nito ng schedule.

"Aha! Kaya pala ngumuso ka d'yan kasi ikaw pala manglilibre ngayon!" Tinuro ni Clouie si Vien at humagalpak.

Ngumisi rin kaming dalawa ni Maika at pinakatitigan namin si Vien. Lumingon si Vien sa amin at inirapan kaming tatlo.

Tumayo si Vien at kinuha ang bag niya, "tara! Street food lang ang afford natin,"

Ngumisi ako at mabilis na kinuha ang bag at lumabas na kaming apat sa 7/11. Tinignan lang kami no'ng babaeng nasa cashier, ang ingay na namin siguro tapos wala pa kaming binili kahit isa.

Pumunta kami sa rotary kung saan maraming mga street food vendors ang nakahanay, tuwing hapon ay maraming mga street food vendor dito sa rotary dahil madami rin kasing mga estudyanteng bumibili.

"Ito akin, tapos ito! At ito rin! Tsaka masarap ata 'to kaya bibili na rin ako nito," hindi na namin masundan ang mga tinuro-turo ni Maika dahil sa subrang dami ng pinili niya.

Poker face na hinarap ni Vien si Maika at nagpamaywang si Vien, muntik pang mabatokan si Maika.

"Grabe naman 'to! Uubusin mo ba pera ko?"

Ngumisi si Maika at tinuro ang buko, "dahil uuhawin ako kailangan ko ng panulak sa mga kinain ko kaya isang buko na rin, Vien."

Umiling na lang kaming dalawa ni Clouie at pumili na rin ng aming bibilhin, busangot ang mukha ni Vien dahil ang daming pinili ni Maika pero binili pa rin naman lahat 'yon ni Vien.

Pagkatapos naming bumili ay naglakad na kami papunta sa termenal ng jeep.

"Kailan nga 'yong inter-high?" Tanong ni Clouie pagka-upo namin sa jeep.

"Malayo-layo pa naman ang inter-high," sagot ko at inubos na ang kinakain ko.

"Hindi naman ako interesado sa inter-high na 'yan, wala namang gwapo dito sa school natin tapos wala ding gwapo sa ibang school."

Ngumiwi silang tatlo sa sinabi ko, kung wala lang silang hawak na mga pagkain baka binatukan na ako ng tatlong 'to.

Meron kasi silang mga crush sa ibang school, ewan ko nga bakit nila naging crush nila ang mga 'yon na minsan lang naman nila 'yon nakikita tapos hindi pa gwapo.

"May gwapo sa school natin 'no!"

Siniko ako ni Vien, inilingan ko na lang sila at tumingin na lang sa labas.

"Wala ka bang bagong crush ngayon, April? Ang bitter mo masyado eh,"

Tumawa si Clouie, tinaasan ko lang siya ng kilay at nagkibit na lang ng balikat.

"Wala akong crush kasi pangit lahat ng mga nakikita ko. Tsaka bawal ako sa crush crush na 'yan, tatanda na lang siguro ako na single."

Malayo ang eskwelahan namin sa bahay namin, kailangan pa naming sumakay ng jeep o kaya naman bus at ilang minuto pa bago makarating sa lugar namin.

"Ma!"

Sigaw ko, binaba ko ang bag ko at pumunta sa likod dahil baka nandoon si Mama at hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Mama na nagpapakain ng mga alagang manok sa likod ng bahay namin.

"Oh? Nandito ka na pala," si Mama na hindi man lang ako nilingon dahil busy sa pagpapakain ng mga alagang manok.

"Ano pong ulam, Ma?"

Lumingon na si Mama sa akin ngayon, tumawa ako at nagkamot ng ulo.

"Nagutom ako eh, ang daming report at research ang ginawa namin kanina,"

"Walang ulam, magluluto pa ako. Wala ring kanin kaya mag saing ka muna."

Pagkatapos kong nagsaing ay pumasok na ako sa kwarto at nahiga sa kama. Nahihirapan na ako ngayon kahit nasa Senior High pa ako paano na lang kaya kung nasa College na kaya ako? Baka mas triple pa ang hirap na mararanasan ko.

Sabay ulit kaming apat na pumasok sa eskwelahan, kailangan naming agahan dahil ilang minuto pa bago makarating sa eskwelahan tapos kailangan pa naming maghintay ng jeep na hindi namin alam kung kailan dadating.

Pagdating namin sa eskwelahan ay nagkahiwalay na kaming apat, umakyat naman ako sa second floor dahil nandoon ang room ko, sina Vien, Maika at Clouie ay nasa first floor lang.

Pumasok na ako sa room at umupo sa upuan ko na nasa pinaka dulo. Nagpangalumbaba ako sa mesa at pinikit ang mga mata. Mga alas unse na rin akong nakatulog kagabi dahil tinapos ko pa ang research namin na pinapagawa ng teacher namin. Noong mga Junior High pa ako ay alas nueve o kaya alas otso ay natutulog na ako dahil wala masyadong iniisip pero ngayon halos umabot na ako ng madaling araw paano pa kaya kung magcollege na ako?! Baka hindi na ako makatulog nito!

"Maglalaro daw si Sammuel ngayong inter-high."

"Nakita ko ring kinausap siya ng coach ng mens volleyball kanina."

"Matagal ko na ring hindi siya napanood na naglalaro ng volleyball."

"Tumigil siya kasi mas tinutukan niya ang pag-aaral niya para makatulong sa kanyang pamilya."

Kumunot ang noo ko at bumaling doon sa mga kaklase kong nag-uusap sa harapan ko.

Wala naman akong pake kung sino ang pinag-uusapan nila, hindi rin ako interesado kung sino man ang pinag-uusapan nila. Hindi ko rin kilala ang lalaking pinag-uusapan nila pero nakakainis lang kasi ang ingay nila! Pwede naman sigurong hinaan nila ang boses nila 'no?

Dumating ang teacher namin at report kaagad ang ginawa namin. Sunod na pumasok na teacher ay groupings at research na naman ang pinagawa sa amin. Subrang sakit na ng ulo ko lalo na't ang titigas ng mga ulo nitong mga ka group mates ko.

"Sa bahay na lang kaya tayo magresearch?" Representa ng isa kong kagrupo.

"Kahit saan ayos lang sa akin basta research ang atupagin nating lahat," marahan kong sambit.

Tumango naman sila at nagpagpasyahang doon sa bahay ng isa sa mga kagrupo namin kami gagawa ng research.

Tumunog ang bell kaya nagsilabasan na ang mga estudayante, niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas na rin sa room pero kahit sa ibang section ay usap usapan pa rin ang lalaking 'yon.

May estudyante akong nakasabay sa pagbaba sa hagdan at dinig na dinig ko ang pinag-usapan nila.

"Si Sammuel maglalaro?"

Sammuel? Sino ba kasi 'yang Sammuel? Ngayon ko pa narinig ang pangalan niya. Siguro pangit kasi ang pangit din ng pangalan pangmatanda. Wala naman sigurong espesyal sa Sammuel na 'yan 'no? Ano naman ngayon kung maglalaro si Sammuel na 'yan ng volleyball?

"Totoo ba 'yong kumalakat na kaya siya hindi naglalaro sa volleyball ulit kasi nakipagsuntukan siya doon sa isang player na galing sa ibang school dahil inagaw daw ng lalaking 'yon ang girlfriend ni Sammuel."

"'Yon din ang narinig ko."

Ahhh... Kaya naman pala sikat kasi may issue. Tsk. Pilipinas nga naman, ang daming issue kahit mga hindi sikat na tao ay sumisikat dahil sa issue nila.

"Kawawa si Sammuel dahil 'yong lalaking taga ibang school ang pinili ng girlfriend niya imbis na siya."

"Kaya siguro tumigil kasi heartbroken dahil iniwan ng girlfriend."

"Ano kayang rason niya bakit siya bumalik sa paglalaro ng volleyball?"

"Siguro para ipakita sa ex niya na mabubuhay siya na wala ang ex niya."

Sinundan ko ng tingin ang grupo ng mga estudyante na pupunta sa canteen.

Ngumiwi ako at umiling na lang.

Ang OA naman ng Sammuel na 'yan, hindi mabubuhay na wala ang ex niya? Nag quit sa paglalaro dahil iniwan ng girlfriend? Maganda ba girlfriend no'n? Baka hindi rin kasi pangit din ang Sammuel na 'yon.

Hays, Sammuel Moments nga naman.

Hinintay ko na lang ang tatlo sa kinatatayuan ko. Natatanaw ko na silang paparating sa akin.

"Ang sakit ng ulo ko, kailangan ko ng pagkain!" Umupo kaming apat sa bakanteng mesa sa canteen.

As always, punuan na naman ang canteen tuwing tangahali dahil sa mga Senior High na tumatambay sa canteen kaya ang mga Junior High ay nahihiyang pumasok. Ganyan din ako dati, nahihiyang pumasok sa canteen tuwing tanghali dahil punong puno ito mg Senior High.

Tapos na ang tanghali, bumalik kami sa room namin dahil tumunog na naman ang bell.

Hindi pa rin humuhupa ang tsismis nila tungkol sa Sammuel na 'yan. Hanggang ngayon si Sammuel pa rin ang usap usapan nila, naririndi na ako dahil pangalan na lang niya palaging naririnig ko.

Nagquit daw si Sammuel dahil sa girlfriend niya.

Kaya daw siya nagquit dahil brokenhearted. Maglalaro daw ulit si Sammuel sa volleyball. Si Sammuel daw ay chuchu blah blah. Nakakainis na! Kailangan kong makita ang pagmumukha ng Sammuel na 'yan! Bakit siya sikat na sikat?! Bakit hindi ko man lang narinig ang pangalan niya at ang issue niya? Nasaan ba ako ng mga panahon na nagkaissue 'yang Sammuel na 'yan?!

Dahil maaga kaming pinalabas ay pinuntahan ko na si Vien sa room nila dahil siya naman ang pinakamalapit kaysa sa dalawa na nasa pinakadulo ang room.

Eksakto namang papalabas na si Vien sa room. Pinulupot kaagad niya ang braso niya sa braso ko.

"Vien, may itatanong ako,"

Lumingon si Vien sa akin. "Ano namang itatanong mo?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Kilala mo ba si Sammuel?" Kunot noo kong tanong.

Napaisip naman si Vien, hindi ata kilala si Sammuel o baka subrang daming Sammuel sa eskwelahan kaya nahirapan siya? Alam kong alam ni Vien mga issue dito sa eskwelahan dahil mas tsismosa siya kaysa sa akin.

"Sammuel? Isa lang namang Sammuel ang kilala ko, eh. Si Sammuel Lazarus Sandoval ba ang tinutukoy mo?"

Kumunot din ang noo ni Vien at nag-isip ulit.

"Sammuel Lazarus Sandoval? Volleyball player ba siya na maglalaro ngayong inter-high?"

Tanong ko ulit, lumingon ulit si Vien sa akin at nanlaki ang mata at tinuro ang lalaking nasa loob ng room nila.

"Siya ba ang tinutukoy mo? Kaklase ko si Sammue Lazarus Sandoval. Volleyball player siya at maglalaro siya ngayong inter-high 'yon ang dinig ko."

Nalaglag ang panga ko ng makita kung sino si Sammuel, nagwawalis siya sa room nila at seryoso ang mukha nito.

Totoo ba 'tong nakikita ko? Bakit hindi pangit ang nakita ko? Bakit subrang gwapo ang nakikita ko ngayon na naglilinis?

"Pangalan niya, Vien?"

Tanong ko habang na kay Sammuel pa rin ang tingin ko. Dahil hapon na ay at sumisinag ang araw sa loob ng room nila Vien natatamaan siya ng araw.

Napanganga na lang ako ng masinagan ng araw ang mata niya at parang kuminang ito, namamalikmata lang ba ako o talagang tumingin siya sa akin?!

"Sammuel Larazus Sandoval nga ang pangalan niya, kulit mo naman!"

Hihilain na sana ako ni Vien pero hinila ko siya pabalik.

"Edad? Saan nakatira? Height niya? May girlfriend? Ilan ang ex?" Sunod sunod kong tanong na ikinalaglag ng panga ni Vien.

Lumingon si Vien sa akin, hindi makapaniwala sa mga tinanong ko.

"17 years old, hindi ko alam kung saan siya nakatira pero ang alam ko ay taga Poblasion lang din siya. Height niya? Hindi ko alam, basta matangkad siya. Siya ang matanggakad sa klase. Wala siyang girlfriend ngayon. Nililigawan? Ewan ko kung meron at meron siyang ex 'yong naririnig mo ngayon na iniwan siya, ewan ko kung totoo 'yon tsaka study first 'yan! Puro pag-aaral inaatupag, hindi lumalandi o baka hindi pa rin nakakalimutan ang ex niya kaya hanggang ngayon wala pa ring kapalit 'yong ex niya. Hindi ko gusto ang lalaking katulad niya, napakaseryoso at hindi ngumiti tsaka parang galit palagi sa mundo at sa mga tao! Ewan ko d'yan! Hindi ko siya type, mysterious guy nga siya pero hindi namamansin, ewan ko ba d'yan. Gwapo nga siya, subrang gwapo pero hindi pa nakaka get over sa girlfriend niya kaya ganyan."

Ang haba ng sinabi ni Vien sa akin samantalang ilan lang 'yong tinanong ko, sinali pa talaga niya kung gaano niya hindi kagusto si Sammuel.

Kumurap kurap at at dahan dahang napangiti.

"Nahanap ko na, Vien,"

Kunot noong nilingon ako ni Vien, nagtatataka sa sinabi ko.

"Nahanap ang alin?"

"Nahanap ko na ang crush ko," ngumisi pa ako lalo habang nakatitig kay Sammuel. "Crush ko na siya, Vien... Crush ko na si Sammuel Larazus Sandoval."

"Ha?!"

Nanlaki ang mata ni Vien sa gulat at napalingon kay Sammuel na naglilinis pa rin sa loob ng room.

Kaugnay na kabanata

  • When You're Gone   01

    Kagat labi akong dumaan sa room nila Sammuel, pagdaan ko ay sumulyap ako sa loob ng room at nakita ko siyang pinapalibutan ng mga naka jersey na mga lalaki. Kinakausap siguro tungkol sa nalalapit na inter-high.Ngumuso ako at nagpamaywang. Kanina pa ako daan nang daan dito sa room nila para mapansin niya ako pero kahit anong gawin ko hindi siya lumilingon sa akin. Sa huli napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa ikalawang palapag. Ano bang kailangang gawin para mapansin ako ni Sammuel?Hindi ko talaga alam kung bakit ba ako nagkagusto sa lalaking 'yon. Aside sa subrang gwapo niya, study first din siya. Talagang may bright future siya at kung maging kami man ang swerte ko siguro sa kanya. Pumasok ako sa room, umupo ako sa upuan ko at nagpangalumbaba na lang. Dahil na bored ako ay kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook. Habang nagscroll aa facebook, naalala ko na lang bigla ang si Sammuel. Ngumisi ako at kagat labing ni-research ang pangalan niya.Sammuel Lazarus Sandoval

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   02

    Ang lungkot lungkot ko dito sa loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin malimutan ang nakita ko kanina. Sinunog lang ni Sammuel ang mga love letter. Hindi lang ba niya binasa 'yon? Bakit kailangang sunugin? Sana tinago na lang niya para remembrance na rin.Bumuntong hininga ako at nagpapasyahan na basahin na ang mga reply ng mga kaibigan ko. Sinabi ko kasi sa kanila kung gaano ako kalungkot dahil sinunog ni Sammuel na crush ko ang mga love letter, alam kong kasama na ang love letter ko doon. Binasa ko ang mga reply nila sa group chat namin. BITCHES Vien: Don't be sad okay?Clouie: Sad is for losers Maika: We're not losersNapangiti ako sa nga reply ng mga kaibigan ko. Nagtitipa ako para sa icha-chat ko ulit pero bigla na lang nagchat si Vien.Vien: We're worse than that. Tangina... Anong klaseng kaibigan 'to? Grabeng motivation naman 'to, nakaka appreciate. Ako: tangina niyo. Sana hindi kayo pansinin ng crush niyo.Vien: excuse me, tahimik lang ako pero nakakausap ko na crush ko.Sum

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   03

    Tangina! Tangina! Bakit hindi ko nakita na pareho pala sila ng bag ni Sammuel? Baka akala ng lalaking 'yon na siya ang binigyan ko ng love letter, naalala ko pa naman na hindi ko nalagyan ng pangalan ni Sammuel doon. Wala ng 'Dear, Sammuel' na nakalagay! Nakakahiya pa kanina, napagkamalan pa nila akong magnanakaw. Grabe sila makatingin sa akin kanina parang may ginagawa akong masama kahit wala naman. Lalo na 'yong mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Sammuel, ang sarap dokutin ng mga mata nila. Kung makatingin parang ang sama ko ng tao. "Bakit busangot ang mukha mo?" Tanong ni Maika, kami lang dalawa ang magkasama ngayon kasi may ginagawa rin ang dalawa. "Nakakainis kasi eh!" Halos magpapadyak na ako sa kahihiyan na sinapit ko kanina. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Sammuel. Kasi maging siya tinignan ako ng masama, parang hinuhusgahan niya ako. Ang mga maririin niyang tingin na tagos hanggang kaluluwa. Hindi ako nahiya dahil pinagtitinginan ako ng mg

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   04

    Dahil doon sa sinabi ni Sammuel sa akin, sa bawat araw na dumaan hindi ako tumigil sa pagpapansin sa kanya. Araw araw ako sa room nila Vien para makita ko lang siya, kung minsan ay dumadaan ako sa room nila para silipin lang siya. Araw araw na rin ang practice ni Sammuel dahil malapit na ang inter-high. Busy ang mga athletes sa pagpapractice, walang practicr nila Sammuel na hindi ako nanood. Minsan nagpapasama ako kina Vien, Maika at Clouie, minsan din ay ako lang mag-isa ang pumupunta. "Ang galing mo, Sammuel!" Sigaw ng mga kababaihang nanonood. Ngumuso na lang ako, hindi ko na kayang sumigaw ng malakas dahil namamaos na ang boses ko dahil sa araw araw kong pagcheer kay Sammuel. "Ipahinga mo 'yang boses mo para sa laban nila sa susunod na araw," si Maika, simahan niya akong manood ng practice ni Sammuel dahil wala naman daw siyang ginagawa habang ang dalawa ay may inaasikaso. "Subrang busy na niya. Hindi na niya ako napapansin." Malungkot kong sambit habang pinapanood ang gal

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   05

    "K-Kumusta ang laro?" Hinabol ko si Sammuel at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nakakailang man na sumabay sa kanya sa paglalakad pabalik aa eskwelahan, hindi ko pa rin maitago ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. "Talo kami." Sagot niya, hindi man lang ako nilingon. Tumango ako at saglit na tumingin sa mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sa amin. "Narinig ko nga ang sigawan ng mga tao mula sa labas ng municipal gym. Sayang hindi ko nakita 'yong laro—" "Kasi umalis ka." Pinutol niya ang sinabi ko. Sinulyapan niya ako sandali bago muling bumaling sa dinadaanan. "K-Kasi... Nauhaw ako bigla kaya lumabas ako para bumili ng juice." Sagot ko at tinignan siya. Tumaas ang kilay niya at ngayon ay nilingon na niya ako. Tumaas na naman ang isa niyang kilay. "Bumili lang ng juice? Bakit hindi ka na bumalik?" Umawang ang labi ko. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Nag assume naman ako ngayon. Hindi naman siguro masamang mag assume 'no? Ako naman 'yong masasaktan sa kaka-assume ko

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   06

    "Alam mo bang nakakasama sa kalusugan ang araw araw na mag-assume?" Saad ni Vien. Tumango naman ang dalawa, sumang-ayon sa sinabi ni Vien. "Kayo nga d'yan eh. Bakit hindi ba kayo nag-assume sa crush niyo ah?" Sabay silang napakamot sa kanilang ulo. Alam ko na kasi kung sino ang mga crush nilang tatlo at kagaya ko hinahabol at nagpapansin din sila sa crush nila. "Nakalimutan kong magkaibigan pala tayo haha." Tumawa si Clouie habang kinakamot ang ulo niya."So, kumusta kayo ni Sammuel?" Bumaling ako kay Maika, dahil sa tanong niya napanguso ako at sinubsub ang mukha sa mesa."Ayon nga, tama nga ako na pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na mauulit ang pangyayaring 'yon." Pagkatapos kasi noong chinat ko si Sammuel na may gusto ako sa kanya parang umiwas siya sa akin. Hindi na niya ako kinakausap, hindi ko naman sinasabing kailangan niya akong tratohin ng gano'n na parang ma relasyon kami ang gusto ko lang ay sana hindi niya ako lalayuan.Ito 'yong kinakatakutan ko eh. Kapag aamin k

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   07

    "Bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraang buwan, Sammuel?" Marahang tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsalita sa aming dalawa. "Dahil ba sa umamin ako sa'yo kaya mo ako iniiwasan?" Tanong ko ulit. "Ikaw ang umiiwas sa akin—" "Anong ako? Nilalagpasan mo nga ako kapag nagkakasalubong tayo, eh. Para lang akong hangin na nararamdaman mo pero hindi mo nakikita." Pagputol ko sa sinabi niya. Yumuko siya pagkatapos ay bumuntong hininga. "Umiwas ako dahil kayo ni Roger," Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sammuel. Sumandal siya sa upuan niya at diretsong tumingin sa akin. "Bakit mo naman 'yan naisip?" "Akala ko kayo ni Roger. Hindi kasi maganda tignan na kayo tapos nakikipag kausap ka sa akin—" "Bakit nga naisip mo 'yan?" Putol ko ulit sa sasabihin niya, kumunot na ang noo ko ngayon. "Kasi... Palagi kayong magkasama. Palagi ko kayong nakikitang... Magkasama kaya inakala ko na kayo." Napanganga na lang ako, hindi ko alam na g

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   08

    Nang maghapon na ay ako ang unang lumabas sa room, nagpaalam na ako kay Roger na hindi muna ako makatulong ngayon sa paglilinis dahil pupuntahan ko pa si Mama. Sinugod kasi si Mama sa hospital dahil mataas ang lagnat niya at nanginginig na siya. Napag-alaman naming nagkadengue si Mama.Pero paglabas ko ay si Sammuel ang una kong nakita, huminto ako at tinignan siya. Kumurap siya pagkatapos ay tumayo ng matuwid, "saan ka pupunta?" Marahan niyang tanong, siguro nakita niyang nagmamadali ako sa paglabas.Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit, "iniiwasan mo pa rin ba ako?" Mabilis akong umiling, "hindi kita iniiwasan... Uh, pupuntahan ko lang si Mama sa hospital." Lumingon ako sa likod at nakita kong halos hindi na gumalaw sa mga kinatatayuan nila ang mga classmates ko dahil sa gulat na makita si Sammuel na kausap ko ngayon.Kinagat ko ang labi ko at naglakad na papunta sa hagdan, naramdaman kong sumunod sa akin si Sammuel sa likoran ko."Anong nangyari sa Mama mo?" Niling

    Huling Na-update : 2023-06-24

Pinakabagong kabanata

  • When You're Gone   EPILOGUE

    "Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a

  • When You're Gone   40

    This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu

  • When You're Gone   39

    "Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi

  • When You're Gone   38

    "Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng

  • When You're Gone   37

    Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k

  • When You're Gone   36

    Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto

  • When You're Gone   35

    Ngayon na ang araw na sasabihin ko kay Sammuel tungkol sa anak namin. Ti-next ko sa kanya kung anong room ang papasokan niya mamaya, kahapon pa ako nag book ng room dito sa Grande Hotel. Handa na handa na ako sa pagkikita ng anak ko at ang ama niya. Absent nga ngayon ang anak ko dahil maski siya ay excited na makita ang ama niya. Sinabi ko sa kanya na makikita niya ngayon ang kanyang ama at siya pa ang nagsabing a-absent na muna siya para makita ang kanyang ama. "Nanay, guwapo po ba ako?" Humarap ako sa anak ko, sinusuklay niya ang basa niyang buhok at inaayos niya ang kanyang damit. Napangiti na lang ako at nilapitan ang anak ko at inayos ang buhok niya. "Ang guwapo mo na anak! Kamukhang kamukha mo ang Tatay mo!" Nakangiti kong sinabi. Humarap ang anak ko sa salamin at ngumiti. "Talaga po? Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon, Nanay?" "Syempre naman! Ikaw pumili niyan 'di ba? Bagay na bagay sa'yo! Ang guwapo mo lalo!" Sa subrang excited niya siya na mismo ang pumili ng damit

  • When You're Gone   34

    Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya. "What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant. "Tubig na lang, please..." Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to. Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea. Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter. "Late ba ako?" Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko. Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?" Kung maka April 'to parang close kami, ah. "Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig. Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin. "So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?" "Hindi ang anak ko ang pag-uusa

  • When You're Gone   33

    "At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu

DMCA.com Protection Status