"Bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraang buwan, Sammuel?" Marahang tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsalita sa aming dalawa. "Dahil ba sa umamin ako sa'yo kaya mo ako iniiwasan?" Tanong ko ulit. "Ikaw ang umiiwas sa akin—" "Anong ako? Nilalagpasan mo nga ako kapag nagkakasalubong tayo, eh. Para lang akong hangin na nararamdaman mo pero hindi mo nakikita." Pagputol ko sa sinabi niya. Yumuko siya pagkatapos ay bumuntong hininga. "Umiwas ako dahil kayo ni Roger," Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sammuel. Sumandal siya sa upuan niya at diretsong tumingin sa akin. "Bakit mo naman 'yan naisip?" "Akala ko kayo ni Roger. Hindi kasi maganda tignan na kayo tapos nakikipag kausap ka sa akin—" "Bakit nga naisip mo 'yan?" Putol ko ulit sa sasabihin niya, kumunot na ang noo ko ngayon. "Kasi... Palagi kayong magkasama. Palagi ko kayong nakikitang... Magkasama kaya inakala ko na kayo." Napanganga na lang ako, hindi ko alam na g
Nang maghapon na ay ako ang unang lumabas sa room, nagpaalam na ako kay Roger na hindi muna ako makatulong ngayon sa paglilinis dahil pupuntahan ko pa si Mama. Sinugod kasi si Mama sa hospital dahil mataas ang lagnat niya at nanginginig na siya. Napag-alaman naming nagkadengue si Mama.Pero paglabas ko ay si Sammuel ang una kong nakita, huminto ako at tinignan siya. Kumurap siya pagkatapos ay tumayo ng matuwid, "saan ka pupunta?" Marahan niyang tanong, siguro nakita niyang nagmamadali ako sa paglabas.Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit, "iniiwasan mo pa rin ba ako?" Mabilis akong umiling, "hindi kita iniiwasan... Uh, pupuntahan ko lang si Mama sa hospital." Lumingon ako sa likod at nakita kong halos hindi na gumalaw sa mga kinatatayuan nila ang mga classmates ko dahil sa gulat na makita si Sammuel na kausap ko ngayon.Kinagat ko ang labi ko at naglakad na papunta sa hagdan, naramdaman kong sumunod sa akin si Sammuel sa likoran ko."Anong nangyari sa Mama mo?" Niling
Dahil sa sinabi ni Mama kanina hindi ko mapigilang mag-assume na naman. Pinanganak talaga akong assumera, hindi na ata 'yon magbabago."Nanligaw ba sa'yo 'yon, anak?" Napalingon ulit ako kay Mama, "hindi po..." "Hindi siya nanligaw sa'yo? Kasi kayo na?" Kung barkada ko lang 'to si Mama baka sinapak ko na rin si Mama sa kilig. Kahit si Mama pinapaasa ako. "Mama, hindi po kami ang advance mo naman masyado... Pero sana hehe sana maging kami..." Nag-a-assume ako na may nararamdaman din sa akin si Sammuel, hindi na tulad ng dati na hindi niya ako iniimikan ngayon hindi ko na mabilang na salita ang lumalabas sa bibig niya. Pinapansin na niya ako at maraming mga kilos siyang pinapakita sa akin na tanging mga lalaking may gusto sa isang babae lang ang gumagawa. Ewan ko ba! May parte sa sarili ko na 'wag mag-assume kasi masakit mag-assume sis! Subra! Ilang ulit na akong nasaktan dahil nga assumera ako, masakit! Grabe! 'Yong akala mo may gusto siya sa'yo pero assumera ka lang talaga. Ayun
"April, ikaw ang gagawin naming white lady," tinuro ako ni Claire. "Bagay na bagay sa'yo kasi mataas ang buhok mo." "Mas mataas pa ang buhok ng white lady kaysa sa akin, eh." "Basta ikaw na ang white lady, tapos ikaw Roger—" "White gentleman?" Sinamaan ng tingin ni Claire si Roger dahil sa pagputol nito sa sasabihin niya. "Walang gano'n, Roger," inirapan ni Claire si Roger at tumingin sa ibang kaklase namin. "Meron kaya para partner kami ni April!" Kinindatan ako ni Roger. Inikot ko ang mata ko, "sige... Payag ako na maging white lady." October 28 pa lang ay pinaplano na namin ang gagawin sa booth namin para ngayong November 3. Katatakotan ang booth kasi araw ng mga patay, holiday kasi sa november 1 at 2 kaya sa 3 na lang ito ginawa. May bayad symempre ang mga papasok at sa mga gustong ma explore ang loob ng booth. "Kailangan na nating nag design sa november 1 hanggang 2 para pagka november 3 handa na ang lahat," tumingin sa amin si Claire. "Sa make up ay may binayaran tayo n
Nasa bahay lang ako noong December hanggang sa January 3. Nagtatawagan lang kami ni Sammuel araw araw, nagkakamustahan at nag-uusap na umaabot ng ilang oras.Subrang saya ko, hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Noong araw na umamin siya sa akin na mahal niya ako parang sasabog ang puso ko sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na aamin siya sa akin noong araw na 'yon, umiiyak ako dahil nasasaktan ako doon sa nakita ko sa kanila ni Caileigh pero hindi ko ko inakalang aamin siya sa akin.Ako ito... Unang nahulog ng tudo sa kanya, na para bang sa araw araw ay siya lang ang naiinisip ko. Na sa bawat araw na dumadaan siya ang ginagawa kong inspirasyon. Hindi ko rin inakalang mas lalong lalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi na ako assuming ngayon, kasi... Gusto niya rin ako... Hindi lang gusto mahal pa ako. Tangina, hindi ko alam kung ano i-r-react ko noong araw na 'yon ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak ulit sa harapan niya. "Nanligaw na ba si Sammuel sa'yo?" Napalin
"Naks ang laki ng ngiti natin ngayon, ah," siniko ako ni Vien. "Labas pati gilagid eh." "Gan'yan talaga kapag may nag-aalaga na sa'yo. Blooming palagi!" Kinurot naman ni Maika ang tagiliran ko."Alangan namang maging haggard ako, syempre dapat maganda ako palagi sa paningin ng boyfriend ko." Ngumisi ako."Wow naman! Kung dati crush mo lang siya tapos ngayon boyfriend mo na! Ano bang ritwal ginawa mo gabi-gabi?" Lumingon ako kay Clouie at nginitian ang kaibigan ko, "siya nga 'yong nag-r-ritwal gabi-gabi kaya ganito ako ka baliw sa kanya." Nagngiwian silang tatlo, hindi naniwala sa sinabi ko. Bahala sila basta si Sammuel ang gumayuma sa akin kaya ganito ako ka baliw sa kanya. Magpapansin ba ako kay Sammuel kung hindi niya ako ginayuma? "Matanong nga kay Sammuel kung anong gayuma ang ginawa niya sa'yo," sabi ni Maika. "Ma-try nga sa crush ko." "Nako! Asa ka pa! Kahit anong gawin mong pagkukulam sa crush mo hinding hindi ka niya magustuhan—""Ouch, Vien, ah. Nakakasakit ka na. Parang
"Hello po, Tita," bati ko sa ina ni Sammuel na naabutan namin na hinahanda na ang mesa."Nand'yan na pala kayo. Nako! Pasensya na hindi ko pa nalinis ang mesa," mabilis na kumuha ng pampunas sa mesa ang ina ni Sammuel. "Ma, ako na po dito..." Pero inagaw ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina. "'Wag na, tawagin mo na lang ang Papa mo na nandoon sa likod, hinahagod na naman ang kanyang manok." Hindi nakinig si Sammuel sa sinabi ng ina niya, kinuha pa rin ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina at siya na mismo ang nagpunas sa mesa."Ako na po, baka may niluto pa kayo doon," sabay lingon ni Sammuel sa dirty kitchen nila.Napangiti na lang ako habang pinapanood ko si Sammuel na nagpupunas ng mesa. I'm so lucky to have him. Mahal niya ang kanyang pamilya, may respeto, maalaga, at malambing pero hindi mawawala ang pagiging gwapo niya. "Uh, Tita Sonya tulungan ko na po kayo sa pagluluto," iniwan ko si Sammuel doon para puntahan si Tita Sonya para tulungan siya."Malapit na ako matapos kay
Ang bilis ng panahon, ilang buwan na lang graduate na kami ng Senior High School, maraming preparations mas dumadami ang mga school works na dapat asikasohin. Tuwing tanghali lang kami minsan nagkakatime ni Sammuel sa isa't isa dahil sa subrang busy na dahil graduating kaming dalawa. Sa gabi rin ay halos hindi na kami nag-uusap sa phone dahil kahit sa gabi ay may ginagawa kaming school works.Pero kahit busy kaming dalawa hindi pa rin kami nawawalan ng time sa isa't isa. Sinisiguro ni Sammuel na nag-uusap kami araw araw, nagkukumustahan at nag-o-open up sa isa't isa gan'yan ang ginagawa namin para mas lalong mapatatag ang relasyon namin. May pangarap kaming dalawa, pangarap ko ay pangarap din ni Sammuel. Pinlano na namin ang future naming dalawa noong nakaraang araw nga ay nagpa-plano kami sa mangyayari sa amin sa college at kung ano ang mga possibilities na mangyayari."Siguradong mas lalo tayong maging abala sa college dahil mas mahirap na sa college," sabi ko. "We will graduate.
"Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a
This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu
"Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi
"Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng
Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k
Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto
Ngayon na ang araw na sasabihin ko kay Sammuel tungkol sa anak namin. Ti-next ko sa kanya kung anong room ang papasokan niya mamaya, kahapon pa ako nag book ng room dito sa Grande Hotel. Handa na handa na ako sa pagkikita ng anak ko at ang ama niya. Absent nga ngayon ang anak ko dahil maski siya ay excited na makita ang ama niya. Sinabi ko sa kanya na makikita niya ngayon ang kanyang ama at siya pa ang nagsabing a-absent na muna siya para makita ang kanyang ama. "Nanay, guwapo po ba ako?" Humarap ako sa anak ko, sinusuklay niya ang basa niyang buhok at inaayos niya ang kanyang damit. Napangiti na lang ako at nilapitan ang anak ko at inayos ang buhok niya. "Ang guwapo mo na anak! Kamukhang kamukha mo ang Tatay mo!" Nakangiti kong sinabi. Humarap ang anak ko sa salamin at ngumiti. "Talaga po? Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon, Nanay?" "Syempre naman! Ikaw pumili niyan 'di ba? Bagay na bagay sa'yo! Ang guwapo mo lalo!" Sa subrang excited niya siya na mismo ang pumili ng damit
Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya. "What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant. "Tubig na lang, please..." Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to. Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea. Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter. "Late ba ako?" Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko. Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?" Kung maka April 'to parang close kami, ah. "Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig. Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin. "So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?" "Hindi ang anak ko ang pag-uusa
"At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu