Share

05

Author: imynnocent
last update Huling Na-update: 2023-06-24 23:19:13

"K-Kumusta ang laro?" Hinabol ko si Sammuel at sumabay sa kanya sa paglalakad.

Nakakailang man na sumabay sa kanya sa paglalakad pabalik aa eskwelahan, hindi ko pa rin maitago ang tuwa na nararamdaman ko ngayon.

"Talo kami." Sagot niya, hindi man lang ako nilingon.

Tumango ako at saglit na tumingin sa mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sa amin.

"Narinig ko nga ang sigawan ng mga tao mula sa labas ng municipal gym. Sayang hindi ko nakita 'yong laro—"

"Kasi umalis ka." Pinutol niya ang sinabi ko.

Sinulyapan niya ako sandali bago muling bumaling sa dinadaanan.

"K-Kasi... Nauhaw ako bigla kaya lumabas ako para bumili ng juice." Sagot ko at tinignan siya.

Tumaas ang kilay niya at ngayon ay nilingon na niya ako. Tumaas na naman ang isa niyang kilay.

"Bumili lang ng juice? Bakit hindi ka na bumalik?"

Umawang ang labi ko. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Nag assume naman ako ngayon. Hindi naman siguro masamang mag assume 'no? Ako naman 'yong masasaktan sa kaka-assume ko eh.

"N-Nagpahinga lang din ako doon sa ilalim ng puno... Tsaka chee-ner ka naman ng ex mo... Kaya na niya niyang i-cheer ka at ang buong team... Na-inspire ka siguro sa paglalaro 'no kasi sinisigaw ng babaeng mahal mo 'yong pangalan mo."

Napaka martyr ko talaga! Kahit masakit sinabi ko pa rin 'yon! Ano bang naisip ko para sabihin 'yon?! Alam kong masasaktan ako kapag binanggit ko ang ex niya pero... 'Yon nga... Wala akong karapatang magselos kasi in the first place walang kami. Hindi niya ako girlfriend at hindi ko rin siya boyfriend. Hindi ko nga alam na baka ngayon lang 'tong pag-uusap namin tapos bukas... Hindi na naman niya ako papansinin.

Ngumiti ako at tumingala para matignan ko siya. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin habang dire-diretso ang paglakad namin pero subrang bagal, mas mabagal pa sa pagong.

"Ang ganda niya pala talaga 'no? Nakakababa ng confidence ang ganda niya," tumawa ako, pero tawa na may halong sakit. "Alam mo ba, Sammuel na gandang ganda ako sa sarili ko pero noong nakita ko siya tangina... Nawala ang confidence ko kasi may mas maganda sa akin—"

"Why are you comparing yourself to her?" Pinutol na lang bigla ni Sammuel ang sinabi ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Humarap siya sa akin kaya hinarap ko rin siya. Kailangan ko pang tumingala para makita ko siya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sinag ng araw na tumatama sa amin ngayon kaya ako nasisilawan o dahil sa gwapo niya ako nasisilaw.

"Hindi ko lang maiwasan... Kasi—"

"You're beautiful, no explanation."

Umihip ang panghapong hangin. Sinasayaw ng hangin ang buhok ko. Parang tumigil ata ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa sinabi ni Sammuel at ang puso ko ay ang lakas ng tibok.

Umiling siya at tinalikuran na ako, naiwan naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig pa rin sa kanya na naglalakad palayo.

Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa subrang saya. Halo halo ang nararamdaman ko, kilig, saya at marami pang iba! Hindi ko na maisa isa.

Dahil doon sa sinabi niya mas lalo ko pa siyang nagustuhan. Ngayon ko lang din naisip na hindi ko siya nagustuhan dahil gwapo siya.

Nagustuhan ko siya dahil kakaiba siya sa lahat, pinapataas niya confidence ko ng hindi niya nalalaman.

"Mag q-quiz tayo ngayon. I-ready niyo na papel niyo. This is a long quiz."

Kinamot ko ang ulo ko at hinalughog ang bag ko. Wala na pala akong papel, ayaw ko rin namang bumili dahil sayang lang ang pera ko.

Tinaas ko ang kamay ko, "excuse me, Ma'am. Bibili lang po ako ng papel,"

"Sige, bilisan mo dahil magsisimula kaagad tayo."

Tumayo na ako at kumaripas ng takbo pababasa hagdan.

Hindi naman talaga ako bibili ng papel, manghihingi lang ako kay Vien.

Sumilip ako sa room nila Vien, nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya habang may sinusulat sa kanyang notebook.

"Hoy! Bayad! Kulang ka ng singko!" Sigaw niya sa kaklase niya.

"Psst!" Tawag ko kay Vien, pero imbis na si Vien ang lilingon si Sammuel pa ang lumingon sa akin.

Ngumiti ako kay Sammuel pagkatapos ay bumaling na naman kay Vien na busy sa pangungulekta ng pera.

"Hoy, ikaw! Hindi mo pa binayaran utang mo! Bayad na bilis! Kapag hindi ka magbabayad ngayon tataas ang utang mo bg diyes pesos—

"Psst! Vien!"

"Ano?! Hindi na ako nagpapautang ngayon... Ikaw pala, April. Ano kailangan mo?" Huminahon bigla ang boses niya.

Napailing na lang ako at sinenyasan siyang lumapit sa akin.

"May papel ka? Pahingi naman oh,"

"Bakit? Wala ka bang papel?" Kunot noo niyang tanong pero kinuha niya pa rin ang papel niya at binigyan niya ako.

"Wala, eh." Kinamot ko ang ulo ko, bago ako umalis tinignan ko muna si Sammuel.

Nasa pisara ang tingin niya at nang lumingon siya sa akin ay ngumiti ako at kumaway tsaka kumaripas ng takbo paakyat ulit sa hagdan.

Nagsimula na ang quiz namin at buti na lang mataas ang nakuha kong score.

Pumasok ang sunod naming teacher ngayong araw. Nakita ko pa lang mukha ni Ma'am nawawalan na ako ng gana pero dahil may inspiration ako hindi ako nabored sa klase niya.

"Mag l-long quiz tayo ngayon," mataray na sambit ni Ma'am at umupo sa upuan na nasa harap.

Palaging nakataas ang kilay niya at ang sungit ng mukha!

Tinaas ko ang kamay ko, "exuse me, Ma'am. Bibili lang po ako ng—"

"Bilisan mo dahil kapag hindi ka bumalik kaagad aba pasensyahan na hija hindi ka namin hihintayin. Wala akong pake kung hindi mo masagutan ang ilang tanong. At hindi ko na rin uulitin ang mga tanong."

Tumaas ang kilay ni Ma'am habang pinapaypayan ang sarili niya. Pinigilan ko ang sarili ko na umismid at umirap baka kasi ibabagsak niya ako sa subject niya.

Lumapit si Roger sa akin. "'Di ba bumili ka na kanina ng papel?" Bulong niya.

Nginitian ko lang siya at tumayo tsaka siya kinindatan at lumabas na sa room. Bumaba ulit ako mg hagdan at pumunta sa room nila Vien.

"Vien!" Tawag ko kay Vien.

Nasa labas lang siya at hinahabol ang mga kaklase niyang may utang ata sa kanya.

Busangot ang mukha niya nang lumingon siya sa akin at nagmartsya palapit sa akin.

"Ang kapal ng mga mukha kapag uutang pero kapag sinisingil na tinatakbuhan na tayo!" Reklamo niya.

"Pahingi papel—"

"Hindi na papel ang sinasadya ko dito eh. Naku! Ikaw talaga kahit sa oras ng klase lumalandi pa rin!" Pinutol ni Vien ang sinabi ko.

"Hindi kaya ako lumalandi! Wala naman talaga kasi akong papel! Tsaka may quiz kami ngayon!"

Tinignan lang niya ako ng matagal para bang tinitimbang niya ang mga sinasabi ko.

"Okay, sabi mo eh."

Aba! Hindi pa naniwala! Manghihingi lang ng papel malandi agad? 'Di ba pwedeng gusto ko lang siyang makita para naman may inspiration na naman ako mamaya sa quiz at baka ma perfect ko pa ang quiz ni Ma'am ngayon.

"Pero alam mo may plano ako," ngumisi si Vien ag bigla akong hinila sa room nila.

"April, manghihingi ka ulit ng papel?!" Kumunot ang noo ko ng ipagsigawan 'yon ni Vien.

Humarap siya sa akin at pinanlakihan ako ng mata.

"H-Ha?! O-Oo! M-Mangihingi sana ako ng papel..."

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumapasok sa kukute ni Vien sa mga oras na 'to, hindi ko na talaga alam kung ano ang plano niya.

Kinuha ni Vien ang bag niya ang may hinalughog, "hala! Wala na pala akong papel!"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Vien, kanina lang ang dami niyang papel eh paanong nangyari na bigla na lang siyang naubusan ng papel?

"Sammuel,"

Mas ikinagulat ko ng tawagin ni Vien si Sammuel na tahimik lang sa kanyang upuan.

Mahigpit akong napakapit kay Vien ng lumingon si Sammuel sa amin na salubong ang kilay.

"May papel ka?"

Napalingon naman ako kay Vien ngayon, gusto kong takpan ang bibig niya para itigil ang sasabihin niya.

"Why?" Kunot noong tanong ni Sammuel at sumulyap sa akin.

"Wala kasing papel itong kaibigan ko eh, manghingi raw siya sa'yo—"

"H-Ha?! S-Sayo na lang Vien! May papel ka 'di ba?"

Lumingon si Vien sa akin at inirapan ako, "may pangalan na kasi lahat ng papel ko, eh." Nagkibit nang balikat si Vien at bumaling ulit kay Sammuel.

"Manghingi raw ang kaibigan ko ng papel. Bigyan mo na kawawa ang kaibigan ko walang papel."

Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at tumingin kay Sammuel na nakatitig sa akin ng ilang sandali bago kinuha ang papel sa kanyang bag.

Lumingon sa akin si Vien at ngumisi ng napakalaki pagkatapos ay tinapik ang balikat ko.

"Sa labas na ako, sisingilin ko lang sila sa mga utang nila."

Tatawagin ko pa sana si Vien para pigilan pero hindi ko nagawa dahil nasa harapan ko nasi Sammuel.

Tumingala ako para makita ko siya, "estudyante ka ba?" Mahinahon niyang tanong pero ang tingin niya ay nasa kanyang papel.

Tumango ako ng dahan dahan habang nakatitig pa rin sa kanya. Dahan dahan siyang tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Estudyante ka pala pero wala kang papel."

Aray! Muntik na akong matumba buti na lang agad kong naibalance ang sarili ko para hindi ako matumba.

"Wala kasi akong pambili!"

Tinaasan niya ulit ako ng kilay bago binigay sa akin ang hinihingi kong papel.

"Maraming salamat..."

Kinuha ko ang papel na inilahad niya pagkatapos ay tumalikod na ako.

Pagbalik ko sa room ay nagsimula na sila sa quiz. Number 10 na nga sila eh. Kaya ang sama ng tingin sa akin ni Ma'am para siyang kakain ng estudyante.

"Komupya ka na lang sa akin," bulong ni Roger.

Minsan talaga may silbi rin ang isang 'to sa buhay ko.

Ngumiti ako at mabilis na kinopya ang mga sagot ni Roger.

"Ayan kasi paglalandi ang inuuna," sinamaan ko ng tingin si Roger pero ang tingin niya ay nasa pisara.

"Anong sabi mo? Hindi ako lumalandi ah. Bata pa ako kaya wala pa sa akin ang paglalandi."

Lumingon na siya sa akin ngayon, "so, anong ginawa mo doon sa room nila Sammuel, hmm?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Inirapan ko naman siya, "nanghingi lang ako ng papel sa kaibigan ko 'no—"

"Weh?"

Hindi pa naniwala ang gago! Kung wala lang si Ma'am ngayon baka nasapak ko na si Roger. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina tungkol sa kanya.

Nakakainis ang lalaking 'to!

"Bakit bawal?" Tinaasan ko rin siya ng kilay at inirapan ulit pagkatapos ay tinuon na ang atensyon kay Ma'am.

Natapos na ang buwan ng July at ngayon ay August na, naghahanda na ang eskwelahan namin para sa gaganaping program ngayong buwan ng wika.

Pinapasuot kaming mga estudyante mula Junior high hanggang sa Senior high at subrang maraming aktibidad ngayong buwan ng wika.

Nagtitipon kami sa municipal gym ng New Corella, dahil doon gaganapin ang buwan ng wika. May mga estudyanteng nagdedebate, may mga nagsasayaw at iba pa.

Pinaypayan ko ang sarili ko sa dala kong pamaypay, lumilingon ako aa paligid dahil hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan ko.

Nakapilipinyana ako ngayon na kulay kayumanggi, halos naka baro't saya na mga estudyante ang nakikita ko.

May ibang nakikinig sa debate ang iba naman ay nagcecellphone lang sa kanilang inuupuang bleachers.

"Hey, where's your friend?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko.

Sumingkit ang mata ko, pilit na inalala kung saan ko ba nakita ang pagmumukha niya.

"I'm Kevin. Team captain ng men's volleyball."

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko at napaatras ng bahagya.

Siya 'yong team captain nila Sammuel na aksidente kong nalagyan ng love letter imbis na kay Sammuel ko ilagaya 'yon!

"Buwan ng wika ngayon pero ingles ka ng ingles d'yan. Tsk. Hindi ko talaga mahal ang sariling atin,"

"Pagpasensyahan mo na binibini." Ngumisi siya pero hindi man lang ako natuwa sa sinabi niya.

"Nasaan si Sammuel? Nakita mo ba si Sammuel?"

Nawala ang ngisi niya at pinakatitigan ako pero ilang sandali ay ngumisi siya ulit.

"Ah, si Sammuel talaga ang iyong totoong napupusuan at hindi ako. Ang sulat na iyon ay para sa kanya hindi ba?" Ngumisi pa siya lalo na ikinangiwi ko.

Mas gusto ko pang mag english siya kaysa sa magmakata.

"Binasa mo ba ang love letter ko?"

Tumuwid siya at tumingin sa stage kung saan nagdedebate ang ilang mga estudyante.

"Sabihin na nating, Oo. Nabasa ko nga grabe! Alam mo bang kilig na kilig ako doon habang binabasa ko ang love letter mo?"

"Kinikilig ka eh hindi naman 'yon sayo. Assuming ka rin, eh." Umiling ako at nilibut ulit ang paningin.

"Oh? Ba't parang galit ka sa akin?" Tumawa siya.

Hinarap ko siya ulit, sinamaan ko siya ng tingin. Naiinis na ako sa lalaking 'to. Akala ko wala ng mas nakakainis kay Roger meron pa pala. Mas nakakainis pa nga ang isang 'to eh.

"Binigay mo ba kay Sammuel ang love letter?" Kunot noo kong tanong.

Ngumiti siya at nilapit ang mukha sa akin kaya napaatras ako.

"Bakit ko naman ibibigay sa kanya 'yon eh sa akin mo 'yon binigay 'di ba? Nasa bag ko 'yon—"

"Kay Sammuel 'yon eh sana binigay mo sa kanya." Matalim ko siyang tinignan pero nginisihan niya lang ako.

"Walang pangalan ni Sammuel ang nakalagay doon kaya para sa akin 'yon—"

Tinalikuran ko na siya, hindi ko na kayang makipag usap sa isang katulad niya. Kumukulo lang ang dugo ko.

Bumaba ako sa hagdan na busangot ang mukha ko. Lalabas na sana ako sa municipal gym nang humarang sa dinadaanan ko si Sammuel.

"Are you flirting with our team captain?" Nakataas kilay niyang tanong habang nakahalukipkip.

Uwang ang labi ko, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Siya lang ata ang naiiba sa lahat ng mga lalaki dito.

Ang mga suot kasi ng mga lalaki ay barong tagalog habang siya naman ay simple lang. Parang damit pang magsasaka at may sumbrero rin siyang suot.

"'Yon? Lalandiin ko? Tss. Hindi mangyayari 'yon!"

Tinignan lang niya ako na parang hindi siya naniwala sa akin.

"Bored na bored na ako dito—"

Nabigla ako ng hawakan ni Sammuel ang kamay ko at hinila sa labas ng municipal gym.

"T-Teka! Saan tayo pupunta?" Nauutal kong tanong, bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Sasabong na naman ang puso ko sa subrang kasiyahan at kilig na nararamdaman ko ngayon.

"Sa labas. Ayaw ko na rin sa loob,"

"Anong gagawin natin sa labas?" Tanong ko, nanatili pa rin ang tingin sa kamay namin.

Para akong nakukuryente ngayon, magkahawak ang kamay namin at para akong nakalutang sa ere sa subrang tuwa! Pakiramdam ko pulang pula ako ngayon.

"Kakain." Sagot niya.

"Anong kakainin natin—"

"Ang dami mong tanong." Pinutol na niya ang sinabi ko.

Ngumuso ako at nagpatianod na lang sa hila niya. Huminto kami sa isang street vendor.

Lumingon siya sa akin. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

Tumingin ako sa mga paninda, "uhm... Fish ball na lang." Sagot ko at tumingin ulit sa kanya.

Tumango siya at tumingin sa nagtitinda.

"Fish ball bale sampo at dalawang buko juice."

Binitawan ni Sammuel ang kamay ko, bumaba ang tingin ko sa kamay namin at parang gusto kong habulin ang kamay niya para hawakan ulit pero inangat na niya ito para kunin ang binili naming fish ball at juice.

Bumagsak ang balikat ko, akala ko mahahawakan ko siya ng matagal pero hindi pala.

Tiningala ko siya at naabutan ko siyang nakatingin sa akin pero agad ding iniwas ang tingin para kunin ang sukli.

Kinuha ko sa kanya ang fish ball ko at ang buko na binili niya.

Tigli-lima lang ang fish ball namin at tag-iisang buko juice.

"Anong pinag-usapan niyo ni Captain?" Tanong niya.

Hindi kami umalis sa harap ng street vendor, doon lang namin kinakain ang binili namin.

"May tinanong lang ako sa kanya," sagot ko habang nginunguya ang isang fish ball.

"Nagtanong ka lang?" Lumingon ako sa kanya at tumango.

Tumaas ang kilay niya, "bakit tumatawa siya kung nagtanong ka lang? Ang sarap siguro ng pinag-uusapan niyo. Ano bang pinag-usapan niyo, hmm bakit tawa siya ng tawa?"

Sunod sunod niyang tanong. Natigil ako sa pagnguya at tinitigan siya. Si Sammuel ba talaga 'tong nasa harapan ko o baka clone lang 'to? O kaA doppleganger?!

"Nagtanong nga lang ako. May sayad ata 'yong captain niyo kasi tumatawa ng mag-isa." Uminom ako ng juice at iniwas ang tingin.

Ako lang ba pero bakit pakiramdam ko nagseselos siya? Nagseselos ka ba Sammuel? Sabihin mo sa akin kung nagseselos ka!

Pero pakiramdam ko mali rin ang iniisip ko. Si Sammuel magseselos?! Malabong mangyari! Bakit naman siya magseselos in the first place wala namang kami at ako lang naman itong nag-assume.

"Ano bang tinanong mo sa kanya?" Tanong niya ulit.

Tumingin ulit ako sa kanya, ubus na ang fish ball niya at ang buko niya.

"Tinanong ko lang siya kung binigay ba niya sa'yo 'yong bagay na nailagay ko sa bag mo imbis na sayo dapat 'yon." Sagot ko habang pinapanood siyang pinupunasan ang kamay niya.

"Talaga? May nailagay kang bagay sa bag niya na dapat ay sa akin?" Taas kilay niyang tanong at hinawakan bigla ang kamay ko at hinila ako papunta sa rotary.

Hindi ako makaimik, gulat na gulat ako sa nangyari. Pakiramdam ko hindi pumasok sa utak ko ang lahat ng mga sinasabi ni Sammuel. Tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko ngayon.

"Hoy! Tinatanong kita kung anong bagay 'yon nilagay mo sa bag niya?"

Bumalik lang ako sa katinuan ng pinitik niya sa harapan ko ang kamay niya.

Napakurap kurap ako at tumingala para makita siya.

"Nevermind. Hindi naman siguro 'yon importanteng bagay. Sa kanya na lang 'yon—"

KB05

"Tanga ka ba?! Importanteng bagay 'yon! Pinaghirapan ko kaya 'yon tapos sasabihin mo lang na hindi importante?!" Inirapan ko siya, nagalit ako bigla sa sinabi niya pero hindi ko kayang mag inarte, ayaw kong bitawan ang kamay niya dahil sa galit lang ako.

Susulitin ko ang mga oras na ito na magkahawak ang mga kamay namin baka bukas o sa susunod na araw o kaya sa susunod na buwan o taon ay hindi na ito mangyayari pa.

"Siya nga pala, bakit wala kang f******k account?" Tanong ko at inubos na ang natitirang fish ball pagkatapos ay uminom ng natitirang buko juice.

"Hindi ako interesado d'yan—"

"Dapat maging interesado ka! Gumawa ka ng f******k account o kaya i*******m o kaya naman twitter tapos mag update ka rin araw araw para lagi akong updated sa mga ginagawa mo!"

Lumingon siya sa akin, nagtataka sa sinabi ko. Natuptup ko ang bibig ko. Napasubra ata ang mga sinabi ko.

"Hindi ako marunong niyan—"

"Tuturuan kita! Madali lang 'yan! Nako! So easy!" Nginitian ko siya at huminto sa paglalakad at hinarap siya tsaka inilahad ko ang kamay ko.

"Akin na cellphone mo,"

Tinitigan niya lang ang kamay ko bago kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

Habang kinukuha niya ang cellphone niya, tinignan ko ulit siya mula ulo hanggang paa at hindi ko magawang hindi mapangiti habang tinitigan siya.

"Ang gwapo mo talaga, Sammuel. Walang duda." Bulong ko pero narinig niya ata ang sinabi ko dahil napatitig siya sa akin ng ilang segundo.

Tumawa ako at kinuha sa kanya ang cellphone niya. Kailangan kong magsakripisyo. Kailangan kong bitawan ang kamay niya para magawan ko lang siya ng account sa f******k.

"Kailan ang birthday mo?" Tanong ko habang nasa screen ng cellphone niya ang atensyon.

"September 13," sagot niya, tumango naman ako.

"Saan ka interesado? Male or female or both or sa akin?" Tanong ko at lumingon sa kanya.

Hindi siya nagsalita, tinitigan lang niya ako na para bang hindi niya maintindihan ang sinabi ko.

Tumawa ako at mahinang tinampal ang balikat niya, "joke lang hehe."

Pinagpatuloy ko ang paggawa sa kanya ng account niya sa f******k. Tahimik lang siya sa tabi ko habang pinapanood akong gumagawa ng accout.

"Ayan! Kailangan mo na lang gawin ay lagyan ng picture mo 'yong profile at cover photo mo para malaman nila na ikaw 'yan." Ngumiti ulit ako at binigay sa kanya ang cellphone niya.

Kinuha naman niya sa akin ang cellphone niya at tinignan ang screen.

"Pagkatapos? Anong gagawin?" Inosente niyang tanong at tumingin ulit sa akin.

"Pagkatapos accept mo friend request ko." Ngumiti ako habang tumaas naman ang kilay niya.

"April Hreghen Atienza!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

Nakita ako ang mga kaibigan kong kumakaway sa akin habang malaki ang ngisi sa kanilang labi.

"Tinatawag ka na nila," napalingon ako kay Sammuel, binalik niya sa bulsa niya ang kanyang cellphone at tinignan ako.

"Basta gawin mo 'yong sinabi ko ah? Accept mo 'yong friend request ko."

Tinanguan lang niya ako. Lumaki ang ngisi ko.

Kinawayan ko na siya at mabilis na tumakbo papunta sa mga kaibigan ko.

"Ano 'yon ha? Hiningi mo 'yong number?" Nakangising tanong ni Vien.

"Symepre hindi!"

"So, anong ginawa ninyo?" Sunod namang tanong ni Maika.

"Nag-usap lang kami." Sagot ko na may ngiti sa labi.

"Umamin ka na ba sa kanya?" Si Clouie naman ngayon ang nagtanong.

"Matagal na akong umamin pero hindi nga lang harap harapan tsaka nagpapansin nga ako nagbibigay ako ng motibo pero sana hindi siya manhid para maramdaman niya rin ako."

Umiling lang sila sa sinabi ko.

"Papunta pa lang tayo sa exciting part." Ngumisi ako.

Pagdating ko sa bahay ay ginawa ko muna lahat ng kailangan kong gawin. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay excited akong pumunta sa kwarto ko.

In-add ko kaagad si Sammuel sa account niya.

Bumilog ang mata ko at nalaglag ang panga ko ng makita ang profile picture niya at ang cover photo niya.

Ang profile niya ay kuhai mismo noong naglalaro sila noong inter-high. Pawis na pawis ang kanyang mukha, tumutulo ang pawis niya at ang mata niya ay nakadepena. Isa ito sa mga kuha no'ng mga photographer na pumunta sa laro na 'yon.

Ang cover photo naman niya ay nakaupo siya sa bleacher, subrang lapit ng pagkakuha ng larawan na 'yon at ang nakakagulat pa ay pati ako na nasalikod ni Sammuel ay nakunan rin.

Nakangiti ako habang nasa kabilang banda ang tingin ko pero kuhang kuha ang mukha ko. Hindi siya blurred hindi tulad ng ibang nasa likoran ni Sammuel.

Kamangha-mangha! Ako at si Sammuel lang ang klarong klaro sa litrato!

Bakit... Bakit niya ginawang cover photo 'to? May... May ibig ba itong sabihin o baka naman... Nagiging assuming na naman ako?

Unti uniting sumilay ang ngiti sa labi ko at kinuha ang dalawang litrato ni Sammuel.

Nag sent kaagad ako ng friend request kay Sammuel at ilang sandali lang ay in-accept niya kaagad ako!

Oh, my gulay! Online siya!

Humagikhik ako at nagtipa kaagad ng sasabihin kay Sammuel, naalala ko bigla ang tinanong sa akin ni Clouie kanina.

Aamin ako? Nagpaparamdam naman ako sa kanya, araw araw pa nga eh tapos inamin ko rin sa love letter na gusto ko siya. Maliban na lang kung hindi niya iyon binasa.

Kinagat ko ang labi ko, napagpasyahan ko ng aamin ako sa kanya kahit sa chat lang, kahit hindi ko alam kung may mukha ba akong maihaharap sa kanya bukas.

Bahala na si batman!

Ako: Sammuel, gusto kita... Gustong gusto kita.

Pinikit ko ang mata ko at sinubsub ang mukha sa kama. Ilang sandali pa ay narinig kong tumunog ang messenger ko.

Kabadong kabado ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kinakabahan ako sa mababasa ko. Kung ano man ang mababasa ko, tatanggapin ko pero hindi ibig sabihin na i-uncrush ko siya.

Sammuel: Ipasa mo 'to sa 25 ka tao. Si Anna ay pinatay at hanggang ngayon ay hindi pa natatahimik ang kaluluwa niya. Kapag hindi mo ito pinasa sa 25 ka tao makikita mo si Anna sa ilalim ng kama mo. Ipasa mo na ito bago mahuli ang lahat.

Sammuel: Pinasa lang sa akin 'yan. Ayaw ko pang mamatay kaya ipasa mo na rin ito sa 25 ka tao.

Aray! Ouch!

"Anak?! Ayos ka lang?!" Dumating si Mama at Papa sa kwarto ko.

Ngumiti ako sa kanila. "A-Ayos lang ako... Nahulog lang ako sa kama. Buhay pa ako haha."

Putik! Ang sakit mo sa apdo, Sammuel! Ano bang pumasok sa utak mo! Umamin ako tapos 'yon i-r-reply mo?! Putik! Nahulog pa ako sa kama dahil sa gulat!

Kaugnay na kabanata

  • When You're Gone   06

    "Alam mo bang nakakasama sa kalusugan ang araw araw na mag-assume?" Saad ni Vien. Tumango naman ang dalawa, sumang-ayon sa sinabi ni Vien. "Kayo nga d'yan eh. Bakit hindi ba kayo nag-assume sa crush niyo ah?" Sabay silang napakamot sa kanilang ulo. Alam ko na kasi kung sino ang mga crush nilang tatlo at kagaya ko hinahabol at nagpapansin din sila sa crush nila. "Nakalimutan kong magkaibigan pala tayo haha." Tumawa si Clouie habang kinakamot ang ulo niya."So, kumusta kayo ni Sammuel?" Bumaling ako kay Maika, dahil sa tanong niya napanguso ako at sinubsub ang mukha sa mesa."Ayon nga, tama nga ako na pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na mauulit ang pangyayaring 'yon." Pagkatapos kasi noong chinat ko si Sammuel na may gusto ako sa kanya parang umiwas siya sa akin. Hindi na niya ako kinakausap, hindi ko naman sinasabing kailangan niya akong tratohin ng gano'n na parang ma relasyon kami ang gusto ko lang ay sana hindi niya ako lalayuan.Ito 'yong kinakatakutan ko eh. Kapag aamin k

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   07

    "Bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraang buwan, Sammuel?" Marahang tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsalita sa aming dalawa. "Dahil ba sa umamin ako sa'yo kaya mo ako iniiwasan?" Tanong ko ulit. "Ikaw ang umiiwas sa akin—" "Anong ako? Nilalagpasan mo nga ako kapag nagkakasalubong tayo, eh. Para lang akong hangin na nararamdaman mo pero hindi mo nakikita." Pagputol ko sa sinabi niya. Yumuko siya pagkatapos ay bumuntong hininga. "Umiwas ako dahil kayo ni Roger," Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sammuel. Sumandal siya sa upuan niya at diretsong tumingin sa akin. "Bakit mo naman 'yan naisip?" "Akala ko kayo ni Roger. Hindi kasi maganda tignan na kayo tapos nakikipag kausap ka sa akin—" "Bakit nga naisip mo 'yan?" Putol ko ulit sa sasabihin niya, kumunot na ang noo ko ngayon. "Kasi... Palagi kayong magkasama. Palagi ko kayong nakikitang... Magkasama kaya inakala ko na kayo." Napanganga na lang ako, hindi ko alam na g

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   08

    Nang maghapon na ay ako ang unang lumabas sa room, nagpaalam na ako kay Roger na hindi muna ako makatulong ngayon sa paglilinis dahil pupuntahan ko pa si Mama. Sinugod kasi si Mama sa hospital dahil mataas ang lagnat niya at nanginginig na siya. Napag-alaman naming nagkadengue si Mama.Pero paglabas ko ay si Sammuel ang una kong nakita, huminto ako at tinignan siya. Kumurap siya pagkatapos ay tumayo ng matuwid, "saan ka pupunta?" Marahan niyang tanong, siguro nakita niyang nagmamadali ako sa paglabas.Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit, "iniiwasan mo pa rin ba ako?" Mabilis akong umiling, "hindi kita iniiwasan... Uh, pupuntahan ko lang si Mama sa hospital." Lumingon ako sa likod at nakita kong halos hindi na gumalaw sa mga kinatatayuan nila ang mga classmates ko dahil sa gulat na makita si Sammuel na kausap ko ngayon.Kinagat ko ang labi ko at naglakad na papunta sa hagdan, naramdaman kong sumunod sa akin si Sammuel sa likoran ko."Anong nangyari sa Mama mo?" Niling

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   09

    Dahil sa sinabi ni Mama kanina hindi ko mapigilang mag-assume na naman. Pinanganak talaga akong assumera, hindi na ata 'yon magbabago."Nanligaw ba sa'yo 'yon, anak?" Napalingon ulit ako kay Mama, "hindi po..." "Hindi siya nanligaw sa'yo? Kasi kayo na?" Kung barkada ko lang 'to si Mama baka sinapak ko na rin si Mama sa kilig. Kahit si Mama pinapaasa ako. "Mama, hindi po kami ang advance mo naman masyado... Pero sana hehe sana maging kami..." Nag-a-assume ako na may nararamdaman din sa akin si Sammuel, hindi na tulad ng dati na hindi niya ako iniimikan ngayon hindi ko na mabilang na salita ang lumalabas sa bibig niya. Pinapansin na niya ako at maraming mga kilos siyang pinapakita sa akin na tanging mga lalaking may gusto sa isang babae lang ang gumagawa. Ewan ko ba! May parte sa sarili ko na 'wag mag-assume kasi masakit mag-assume sis! Subra! Ilang ulit na akong nasaktan dahil nga assumera ako, masakit! Grabe! 'Yong akala mo may gusto siya sa'yo pero assumera ka lang talaga. Ayun

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   10

    "April, ikaw ang gagawin naming white lady," tinuro ako ni Claire. "Bagay na bagay sa'yo kasi mataas ang buhok mo." "Mas mataas pa ang buhok ng white lady kaysa sa akin, eh." "Basta ikaw na ang white lady, tapos ikaw Roger—" "White gentleman?" Sinamaan ng tingin ni Claire si Roger dahil sa pagputol nito sa sasabihin niya. "Walang gano'n, Roger," inirapan ni Claire si Roger at tumingin sa ibang kaklase namin. "Meron kaya para partner kami ni April!" Kinindatan ako ni Roger. Inikot ko ang mata ko, "sige... Payag ako na maging white lady." October 28 pa lang ay pinaplano na namin ang gagawin sa booth namin para ngayong November 3. Katatakotan ang booth kasi araw ng mga patay, holiday kasi sa november 1 at 2 kaya sa 3 na lang ito ginawa. May bayad symempre ang mga papasok at sa mga gustong ma explore ang loob ng booth. "Kailangan na nating nag design sa november 1 hanggang 2 para pagka november 3 handa na ang lahat," tumingin sa amin si Claire. "Sa make up ay may binayaran tayo n

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   11

    Nasa bahay lang ako noong December hanggang sa January 3. Nagtatawagan lang kami ni Sammuel araw araw, nagkakamustahan at nag-uusap na umaabot ng ilang oras.Subrang saya ko, hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Noong araw na umamin siya sa akin na mahal niya ako parang sasabog ang puso ko sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na aamin siya sa akin noong araw na 'yon, umiiyak ako dahil nasasaktan ako doon sa nakita ko sa kanila ni Caileigh pero hindi ko ko inakalang aamin siya sa akin.Ako ito... Unang nahulog ng tudo sa kanya, na para bang sa araw araw ay siya lang ang naiinisip ko. Na sa bawat araw na dumadaan siya ang ginagawa kong inspirasyon. Hindi ko rin inakalang mas lalong lalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi na ako assuming ngayon, kasi... Gusto niya rin ako... Hindi lang gusto mahal pa ako. Tangina, hindi ko alam kung ano i-r-react ko noong araw na 'yon ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak ulit sa harapan niya. "Nanligaw na ba si Sammuel sa'yo?" Napalin

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   12

    "Naks ang laki ng ngiti natin ngayon, ah," siniko ako ni Vien. "Labas pati gilagid eh." "Gan'yan talaga kapag may nag-aalaga na sa'yo. Blooming palagi!" Kinurot naman ni Maika ang tagiliran ko."Alangan namang maging haggard ako, syempre dapat maganda ako palagi sa paningin ng boyfriend ko." Ngumisi ako."Wow naman! Kung dati crush mo lang siya tapos ngayon boyfriend mo na! Ano bang ritwal ginawa mo gabi-gabi?" Lumingon ako kay Clouie at nginitian ang kaibigan ko, "siya nga 'yong nag-r-ritwal gabi-gabi kaya ganito ako ka baliw sa kanya." Nagngiwian silang tatlo, hindi naniwala sa sinabi ko. Bahala sila basta si Sammuel ang gumayuma sa akin kaya ganito ako ka baliw sa kanya. Magpapansin ba ako kay Sammuel kung hindi niya ako ginayuma? "Matanong nga kay Sammuel kung anong gayuma ang ginawa niya sa'yo," sabi ni Maika. "Ma-try nga sa crush ko." "Nako! Asa ka pa! Kahit anong gawin mong pagkukulam sa crush mo hinding hindi ka niya magustuhan—""Ouch, Vien, ah. Nakakasakit ka na. Parang

    Huling Na-update : 2023-06-24
  • When You're Gone   13

    "Hello po, Tita," bati ko sa ina ni Sammuel na naabutan namin na hinahanda na ang mesa."Nand'yan na pala kayo. Nako! Pasensya na hindi ko pa nalinis ang mesa," mabilis na kumuha ng pampunas sa mesa ang ina ni Sammuel. "Ma, ako na po dito..." Pero inagaw ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina. "'Wag na, tawagin mo na lang ang Papa mo na nandoon sa likod, hinahagod na naman ang kanyang manok." Hindi nakinig si Sammuel sa sinabi ng ina niya, kinuha pa rin ni Sammuel ang basahan sa kanyang ina at siya na mismo ang nagpunas sa mesa."Ako na po, baka may niluto pa kayo doon," sabay lingon ni Sammuel sa dirty kitchen nila.Napangiti na lang ako habang pinapanood ko si Sammuel na nagpupunas ng mesa. I'm so lucky to have him. Mahal niya ang kanyang pamilya, may respeto, maalaga, at malambing pero hindi mawawala ang pagiging gwapo niya. "Uh, Tita Sonya tulungan ko na po kayo sa pagluluto," iniwan ko si Sammuel doon para puntahan si Tita Sonya para tulungan siya."Malapit na ako matapos kay

    Huling Na-update : 2023-06-24

Pinakabagong kabanata

  • When You're Gone   EPILOGUE

    "Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a

  • When You're Gone   40

    This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu

  • When You're Gone   39

    "Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi

  • When You're Gone   38

    "Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng

  • When You're Gone   37

    Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k

  • When You're Gone   36

    Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto

  • When You're Gone   35

    Ngayon na ang araw na sasabihin ko kay Sammuel tungkol sa anak namin. Ti-next ko sa kanya kung anong room ang papasokan niya mamaya, kahapon pa ako nag book ng room dito sa Grande Hotel. Handa na handa na ako sa pagkikita ng anak ko at ang ama niya. Absent nga ngayon ang anak ko dahil maski siya ay excited na makita ang ama niya. Sinabi ko sa kanya na makikita niya ngayon ang kanyang ama at siya pa ang nagsabing a-absent na muna siya para makita ang kanyang ama. "Nanay, guwapo po ba ako?" Humarap ako sa anak ko, sinusuklay niya ang basa niyang buhok at inaayos niya ang kanyang damit. Napangiti na lang ako at nilapitan ang anak ko at inayos ang buhok niya. "Ang guwapo mo na anak! Kamukhang kamukha mo ang Tatay mo!" Nakangiti kong sinabi. Humarap ang anak ko sa salamin at ngumiti. "Talaga po? Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon, Nanay?" "Syempre naman! Ikaw pumili niyan 'di ba? Bagay na bagay sa'yo! Ang guwapo mo lalo!" Sa subrang excited niya siya na mismo ang pumili ng damit

  • When You're Gone   34

    Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya. "What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant. "Tubig na lang, please..." Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to. Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea. Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter. "Late ba ako?" Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko. Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?" Kung maka April 'to parang close kami, ah. "Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig. Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin. "So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?" "Hindi ang anak ko ang pag-uusa

  • When You're Gone   33

    "At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu

DMCA.com Protection Status