Chapter: EPILOGUE"Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a
Huling Na-update: 2023-09-09
Chapter: 40This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu
Huling Na-update: 2023-09-09
Chapter: 39"Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi
Huling Na-update: 2023-09-09
Chapter: 38"Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng
Huling Na-update: 2023-09-09
Chapter: 37Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k
Huling Na-update: 2023-09-09
Chapter: 36Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto
Huling Na-update: 2023-09-09