This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu
"Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a
"Sumasakit ang ulo ko sa math!" Reklamo ni Maika.Umupo si Maika sa tabi ko at agad na binagsak ang ulo sa mesa'ng nasa harapan namin. Tumawa ako at tinapik ang balikat ni Maika, "bobo lang daw ang sumasakit ang ulo sa math so, ibig sabihin bobo ka?" "Sinong nagsabing matalino ako?!" Umiling kaming tatlo dahil sa sinabi ni Maika, humarap ako kay Vien at Clouie. Mga kaibigan ko na silang tatlo noong mga bata pa kami hanggang ngayong nag senior high na kami kaso nga lang iba-ibang strand ang kinuha namin kaya hindi na kami magkaklase ngayon.Ako Humss ang kinuha ko, si Vien naman ay ABM, si Maika ay STEM. Si Clouie ay GAS ang kinuha. "Para ka namang timang d'yan, imbis na alalahanin mo 'yong math na nagpapasakit sa ulo mo, i-libre mo na lang kami," ngumisi si Vien pero inirapan siya ni Maika."Ubos na nga pera ko tapos magpapalibre pa kayo? Ako ang nanglibre kahapon kaya kayo naman ngayon!" Nagkatinginan kaming apat at nag ngisihan na lang na parang mga baliw. Nandito kami ngayon s
Kagat labi akong dumaan sa room nila Sammuel, pagdaan ko ay sumulyap ako sa loob ng room at nakita ko siyang pinapalibutan ng mga naka jersey na mga lalaki. Kinakausap siguro tungkol sa nalalapit na inter-high.Ngumuso ako at nagpamaywang. Kanina pa ako daan nang daan dito sa room nila para mapansin niya ako pero kahit anong gawin ko hindi siya lumilingon sa akin. Sa huli napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa ikalawang palapag. Ano bang kailangang gawin para mapansin ako ni Sammuel?Hindi ko talaga alam kung bakit ba ako nagkagusto sa lalaking 'yon. Aside sa subrang gwapo niya, study first din siya. Talagang may bright future siya at kung maging kami man ang swerte ko siguro sa kanya. Pumasok ako sa room, umupo ako sa upuan ko at nagpangalumbaba na lang. Dahil na bored ako ay kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook. Habang nagscroll aa facebook, naalala ko na lang bigla ang si Sammuel. Ngumisi ako at kagat labing ni-research ang pangalan niya.Sammuel Lazarus Sandoval
Ang lungkot lungkot ko dito sa loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin malimutan ang nakita ko kanina. Sinunog lang ni Sammuel ang mga love letter. Hindi lang ba niya binasa 'yon? Bakit kailangang sunugin? Sana tinago na lang niya para remembrance na rin.Bumuntong hininga ako at nagpapasyahan na basahin na ang mga reply ng mga kaibigan ko. Sinabi ko kasi sa kanila kung gaano ako kalungkot dahil sinunog ni Sammuel na crush ko ang mga love letter, alam kong kasama na ang love letter ko doon. Binasa ko ang mga reply nila sa group chat namin. BITCHES Vien: Don't be sad okay?Clouie: Sad is for losers Maika: We're not losersNapangiti ako sa nga reply ng mga kaibigan ko. Nagtitipa ako para sa icha-chat ko ulit pero bigla na lang nagchat si Vien.Vien: We're worse than that. Tangina... Anong klaseng kaibigan 'to? Grabeng motivation naman 'to, nakaka appreciate. Ako: tangina niyo. Sana hindi kayo pansinin ng crush niyo.Vien: excuse me, tahimik lang ako pero nakakausap ko na crush ko.Sum
Tangina! Tangina! Bakit hindi ko nakita na pareho pala sila ng bag ni Sammuel? Baka akala ng lalaking 'yon na siya ang binigyan ko ng love letter, naalala ko pa naman na hindi ko nalagyan ng pangalan ni Sammuel doon. Wala ng 'Dear, Sammuel' na nakalagay! Nakakahiya pa kanina, napagkamalan pa nila akong magnanakaw. Grabe sila makatingin sa akin kanina parang may ginagawa akong masama kahit wala naman. Lalo na 'yong mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Sammuel, ang sarap dokutin ng mga mata nila. Kung makatingin parang ang sama ko ng tao. "Bakit busangot ang mukha mo?" Tanong ni Maika, kami lang dalawa ang magkasama ngayon kasi may ginagawa rin ang dalawa. "Nakakainis kasi eh!" Halos magpapadyak na ako sa kahihiyan na sinapit ko kanina. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Sammuel. Kasi maging siya tinignan ako ng masama, parang hinuhusgahan niya ako. Ang mga maririin niyang tingin na tagos hanggang kaluluwa. Hindi ako nahiya dahil pinagtitinginan ako ng mg
Dahil doon sa sinabi ni Sammuel sa akin, sa bawat araw na dumaan hindi ako tumigil sa pagpapansin sa kanya. Araw araw ako sa room nila Vien para makita ko lang siya, kung minsan ay dumadaan ako sa room nila para silipin lang siya. Araw araw na rin ang practice ni Sammuel dahil malapit na ang inter-high. Busy ang mga athletes sa pagpapractice, walang practicr nila Sammuel na hindi ako nanood. Minsan nagpapasama ako kina Vien, Maika at Clouie, minsan din ay ako lang mag-isa ang pumupunta. "Ang galing mo, Sammuel!" Sigaw ng mga kababaihang nanonood. Ngumuso na lang ako, hindi ko na kayang sumigaw ng malakas dahil namamaos na ang boses ko dahil sa araw araw kong pagcheer kay Sammuel. "Ipahinga mo 'yang boses mo para sa laban nila sa susunod na araw," si Maika, simahan niya akong manood ng practice ni Sammuel dahil wala naman daw siyang ginagawa habang ang dalawa ay may inaasikaso. "Subrang busy na niya. Hindi na niya ako napapansin." Malungkot kong sambit habang pinapanood ang gal
"K-Kumusta ang laro?" Hinabol ko si Sammuel at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nakakailang man na sumabay sa kanya sa paglalakad pabalik aa eskwelahan, hindi ko pa rin maitago ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. "Talo kami." Sagot niya, hindi man lang ako nilingon. Tumango ako at saglit na tumingin sa mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sa amin. "Narinig ko nga ang sigawan ng mga tao mula sa labas ng municipal gym. Sayang hindi ko nakita 'yong laro—" "Kasi umalis ka." Pinutol niya ang sinabi ko. Sinulyapan niya ako sandali bago muling bumaling sa dinadaanan. "K-Kasi... Nauhaw ako bigla kaya lumabas ako para bumili ng juice." Sagot ko at tinignan siya. Tumaas ang kilay niya at ngayon ay nilingon na niya ako. Tumaas na naman ang isa niyang kilay. "Bumili lang ng juice? Bakit hindi ka na bumalik?" Umawang ang labi ko. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Nag assume naman ako ngayon. Hindi naman siguro masamang mag assume 'no? Ako naman 'yong masasaktan sa kaka-assume ko
"Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a
This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu
"Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi
"Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng
Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k
Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto
Ngayon na ang araw na sasabihin ko kay Sammuel tungkol sa anak namin. Ti-next ko sa kanya kung anong room ang papasokan niya mamaya, kahapon pa ako nag book ng room dito sa Grande Hotel. Handa na handa na ako sa pagkikita ng anak ko at ang ama niya. Absent nga ngayon ang anak ko dahil maski siya ay excited na makita ang ama niya. Sinabi ko sa kanya na makikita niya ngayon ang kanyang ama at siya pa ang nagsabing a-absent na muna siya para makita ang kanyang ama. "Nanay, guwapo po ba ako?" Humarap ako sa anak ko, sinusuklay niya ang basa niyang buhok at inaayos niya ang kanyang damit. Napangiti na lang ako at nilapitan ang anak ko at inayos ang buhok niya. "Ang guwapo mo na anak! Kamukhang kamukha mo ang Tatay mo!" Nakangiti kong sinabi. Humarap ang anak ko sa salamin at ngumiti. "Talaga po? Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon, Nanay?" "Syempre naman! Ikaw pumili niyan 'di ba? Bagay na bagay sa'yo! Ang guwapo mo lalo!" Sa subrang excited niya siya na mismo ang pumili ng damit
Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya. "What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant. "Tubig na lang, please..." Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to. Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea. Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter. "Late ba ako?" Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko. Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?" Kung maka April 'to parang close kami, ah. "Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig. Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin. "So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?" "Hindi ang anak ko ang pag-uusa
"At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu