Share

01

Author: imynnocent
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kagat labi akong dumaan sa room nila Sammuel, pagdaan ko ay sumulyap ako sa loob ng room at nakita ko siyang pinapalibutan ng mga naka jersey na mga lalaki. Kinakausap siguro tungkol sa nalalapit na inter-high.

Ngumuso ako at nagpamaywang. Kanina pa ako daan nang daan dito sa room nila para mapansin niya ako pero kahit anong gawin ko hindi siya lumilingon sa akin.

Sa huli napabuntong hininga na lang ako at umakyat na sa ikalawang palapag. Ano bang kailangang gawin para mapansin ako ni Sammuel?

Hindi ko talaga alam kung bakit ba ako nagkagusto sa lalaking 'yon. Aside sa subrang gwapo niya, study first din siya. Talagang may bright future siya at kung maging kami man ang swerte ko siguro sa kanya.

Pumasok ako sa room, umupo ako sa upuan ko at nagpangalumbaba na lang.

Dahil na bored ako ay kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook.

Habang nagscroll aa f******k, naalala ko na lang bigla ang si Sammuel. Ngumisi ako at kagat labing ni-research ang pangalan niya.

Sammuel Lazarus Sandoval

Madaming lumabas na Sammuel at pareho ring pangalan sa kanya pero hindi naman siya ang nasa profile. Kahit ilang ulit kong ni-research ang pangalan ni Sammuel ay hindi ko nakita ang account niya. Mga arabo naman o kaya indian ang nakikita ko.

Sa huli napabuntong hininga ulit ako at naisipang magpost.

"Ang lowkey mo naman crush..."

Hindi ko na nagamit ang cellphone dahil pumasok na ang teacher namin sa last subject.

Wala ba siyang f******k? Ang tanong gumagamit ba ng social media si Sammuel? Naiwan na ata siya ng panahon eh.

Bakit ngayon ko lang ba siya napansin? Ang gano'ng kagwapong lalaki dapat napapansin ko 'yan. Hindi nakakatakas sa akin ang mga gano'n ka gwapong lalaki kaya nagtataka ako kung bakit hindi ko man lang siya napansin.

Mabilis akong nagligpit ng gamit at nagmadaling lumabas sa room. Halos takbuhin ko na ang hagdanan pababa para lang makapunta kaagad sa room nila Vien at Sammuel.

"Hoy! Hindi ako makakasabay ngayon sa pag-uwi kasi kailangan namin gawin ngayon 'yong-teka lang, nakikinig ka ba?"

Niyugyug ni Vien ang katawan ko, lumingon ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya at tumingin sa loob ng room nila.

"Sino ba sadya mo? Si Sammuel o ako? Nagseselos na ako, April ha..."

Inirapan ko na lang si Vien, napanguso na lang ako dahil hindi ko siya makita. Wala na siya sa room niya, ibang estudayante na naman ang naglilinis ngayon.

"Wala siya kasi ma practice sila ngayon sa volleyball-"

"Saan sila nagpapractice?" Putol ko sa sasabihin ni Vien.

Ngumiwi lang siya pero kalaunan ay sinagot ako. "Ewan ko, basta sinundo siya ng mga ka-teammates niya kanina."

Ngumuso ako. Tinapik lang ni Vien ang balikat ko.

"Mauna na kayong umuwi, mamaya pa kasi ako."

Tumango ako at nagpaalam na kay Vien na pupuntahan na ang sina Clouie at Maika. Naghintay pa ako sa labas ng room ni Maika dahil cleaners niya pala ngayon, dumating naman si Clouie kaya kaming dalawa ang naghihintay kay Maika.

Pagkatapos maglinis ni Maika ay naglakad na kami paalis sa eskwelahan, bumili ulit kami ng mga pagkaing binibenta sa rotary at umuwi kaagad.

"Sinabi ni Vien sa amin na ma crush ka na raw," ngumisi si Clouie.

Naglalakad na kami ngayon papasok sa village kung saan kami nakatira.

Tinusok ni Maika ang tagiliran ko at ngumisi, "sino 'yan ah? Sabihin mo na! Akala ko ba ayaw mo sa crush crush na 'yan?" Tumawa si Maika.

"Kilala niyo ba si Sammuel Lazarus Sandoval?" Tanong ko sa kanila at lumingon.

Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin sa akin at sabay na tumango.

"Oo, alam na alam namin kung sino si Sammuel Lazarus Sandoval. May issue siya dati, hindi ko lang alam kung totoo ba o gawa gawa lang." Si Clouie.

Inirapan ko sila at ngumuso, "bakit kayo kilala niyo siya? Samantalang ako kahapon ko pa lang siya nakilala!"

"Akala ko ba ayaw mo sa crush crush na 'yan? Bakit lumalandi ka na ngayon?" Tinaasan ako ng kilay ni Maika at tinusok ulit ang tagiliran ko.

Lumayo ako kay Maika at inirapan ulit siya.

"Hindi muna ako self love ngayon, tingin ko kaming dalawa talaga para sa isa't isa ni Sammuel-"

"Luh?! Ang assumera nito!" Humaglpak silang dalawa.

Inirapan ko sila ulit, "oo! Totoo 'yon! Nararamdaman ko na kaming dalawa ang para sa isa't isa!"

"Paanong naramdaman, ha?" Si Clouie na ngumisi.

"Nafe-feel ko lang! Basta feeling ko kaming dalawa para sa isa't isa! Wala na dapat lalandi sa kanya kasi ako lang dapat!"

Umiling lang silang dalawa at nagpaalam na dahil nasa kanilang bahay na sila. Magkatabi lang kasi ang bahay ni Clouie at Maika dahil magpinsan lang din sila habang ang bahay namin ay nasa pinakalikod ng bahay ng tita ko.

Pagdating ko sa bahay ay nagbihis kaagad ako, at kumain. Nakakagutom talaga mag-aral.

Ginawa ko muna ang ilan sa mga dapat iresearch para wala na akong problemahin kapag pupunta ako sa bahay ng kagrupo ko. Para na rin hindi na gano'n ka dami ang gagawin ko.

Pagkatapos magresearch ay pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. F******k kaagad ang inatupag ko at habang nags-scroll sa f******k ay may nakita akong post.

Si A ay para ay S

Halos kuminang ang mata ko sa nabasang post. Dati hindi ako naniniwala dito pero ngayon pani-paniwala na ako.

Hindi naman siguro masamang mag assume 'no? Ako naman ang masasaktan kong mag a-assume ako kaya pake ko sa iba kong sabihin nilang assumera ako? Ako 'yong masasaktan at hindi sila.

Dahil sa surbang saya na nararamdaman ko ay shinare ko ang post.

Sabi ko na nga ba eh! Sabi ko na na si April Hregen Atienza ay para lang kay Sammuel Larazus Sandoval!

Nafefeel ko talaga na kami ni Sammuel ang magkakatuluyan. Nararamdaman ko na siya! BWAHAHA!

No'ng tumingin siya sa akin nang araw na 'yon alam kung pareho ang tinitibok ng puso namin. Noong nagtama ang mga mata naming dalawa bigla na lang kumalabog ang puso ko at alam kong gano'n din ang nararamdaman niya.

Pumasok kaming apat ng maaga pero syempre hindi pa ako pumunta sa room namin dahil tumambay muna ako sa room nila Vien, nagpapanggam na si Vien ang sadya pero ang totoo si Sammuel talaga pero malapit ng magsimula ang klase wala pa rin si Sammuel.

"Wala naman si Sammuel dito eh..."

Napabaling ako sa mga babaeng nagtutulakan sa pituan. Kumunot ang noo ko at pinanood lang sila.

Bumaba ang tingin ko sa hawak ng babae, isang papel? Love letter? Para kanino? Kay Sammuel?!

Aba! May kaagaw pala ako sa crush ko!

"Mamaya mo na ang ibigay kapag nand'yan siya," rinig kong sabi ng isa niyang kasama.

"Kapag binigay mo 'yan sa kaklase niya baka pagtawanan ka lang nila." Nagsitanguan silang lahat at sa huli ay umalis sila.

Bibigyan ng babaeng 'yon ng love letter si Sammuel?!

Tumakbo ako palabas sa room nila Vien para tignan ang mga babaeng pumunta kanina at nakita ko silang sabay na pumasok sa isang room.

Sumingkit ang mata ko.

Hindi pwede! Hindi maaari! Hindi pwedeng maunahan ako!

Tinakbo ko ang distansya papunta sa room namin, agad kong nilabas ang papel at ball ko at nagsimulang magsulat.

Dear, Sharo-este Sammuel.

Noong una kitang nakita alam kong ikaw na ang para sa akin at ako ay para sa'yo. Pinana ako ni Kupido at nahulog sayo ehe...

Tumigil ako sa pagsusulat at binasa ng paulit ulit ang nasulat ko. Ngumiwi ako at pinunit ang papel. Hindi ko gusto, ang OA.

Nagsimula ulit akong magsulat. Wala akong pake sa mga kaklase ko kung maingay ba sila basta tutok na tutok ako sa sinusulat ko ngayon. Dapat maganda rin ang sulatkamay ko para masabi niyang maganda ang nagsulat nito kasi maganda rin ang handwriting. HAHAH!

Sammuel,

Alam mo ba? Sinong nagsabi? Na crush kita? 'Di ko sinabi? Alam mo ba? Ang aking feeling? Alam mo bang sa'yo lang ako kakampag! Crush na crush na crush kita! 'Di mo ba na darama?

Napunit ko ulit ang papel, hindi ko na talaga alam kung ano ang magsinusulat ko, wala akong maisip na sasabihin sa kanya.

Sammuel,

Mahal kong Sammuel nais kong sabihin sa'yo na ikaw ang palaging laman ng puso't isipan ko. Nais ko ring malaman mo na ikaw lang ang iibigin ko aking irog, ikaw ang aking hinahanap sa araw araw-

Nilukot ko ang papel. Para naman akong nasa kapanahonan ni Rizal.

Nagpangalumbaba ako, wala akong maisip na sasabihin sa kanya! Bakit ba kasi hindi gumagama ang utak ko ngayon?! Bakit ang corny ng mga sinusulat ko?

Pinatunog ko ang ballpen ko, nag-iisip ng magandang sasabihin sa kanya. Advance lang ang valentines sa akin, kahit july pa lang papakiligin ko na siya!

Tumitig ako sandali sa blankong papel, bigla na lang may pumasok sa utak ko. Ngumisi ako at sinulat lahat ng mga naisip kong sabihin. Hehehe, kililigin siya sa mga sasabihin ko. Mamayang gabi, papanaginipan na niya ako. BWAHAHA!

Gumawa pa ako ng sariling subre para lalagyan sa sinulat ko, nilagyan ko pa ito ng heart na design.

"Luh! Si April, umiibig na!" Ang pakealamero kung kaklase na si Roger.

"Tumahimik ka! Maglinis ka na d'yan!" Inirapan ko siya.

"Sino 'yan ah? Pabasa nga-"

"Lumayo ka sa akin o bugbugin kita! Alam mo bang malayong kamag anak ako ni Pacquiao?!" Sabay pakita ko sa maliit kong kamao, ngumuso lang si Roger at umalis na sa harapan ko.

Bumalik ang atensyon ko sa sulat ko. Ngumisi ako ng napakalapad at nagmamadaling bumaba sa hagdan.

Hawak hawak ko ang subre ay sumilip ako sa room nila Vien, may kanya kanya silang ginagawa at may napapatingin sa akin pero hindi naman nila ako pinagtuonan ng pansin.

Tsaka hindi ko rin nakita si Sammuel sa loob ng room nila, nasaan kaya 'yon? Baka nagpractice ng volleyball kaya wala siya?

Pumasok ulit ako sa room nila Vien at nilapitan siya.

"Nasaan ang bag ni Sammuel?" Bulong ko kay Vien.

Kumunot ang noo ni Vien at lumingon sa akin, "bakit?"

"Wala lang, basta ituro mo na kung nasaan ang bag niya. Hindi naman ako magnanakaw, eh."

Pinakatitigan ako ng matagal ni Vien na parang may ginagawa akong masama. Ngumuso ako at hinintay na ituro niya ang bag ni Sammuel.

"'Yan ang bag niya. Siguradohin mo lang na wala kang nanakawin!"

"Hindi nga ako magnanakaw! Siya 'yong magnanakaw kasi ninakaw niya ang puso ko!" Ngumisi ako pero ngumiwi lang si Vien.

"Ang landi mo na, April! Saan mo natutunang lumandi?!" Pabulong niyang sigaw at halos hilain na ang buhok ko.

"Malamang kanino pa ba? Edi sa inyong tatlo! Ang lalandi niyo kasi-aray!" Sinapak ako ni Vien.

"Malandi na nga kami! Pero 'wag mo namang ipagsigawan! Secret ang paglalandi natin baka kapag nalaman ng mga boys na malandi tayo matu-turn off sila! Ikaw talaga!" Halos sabunutan na ako ni Vien, tinawanan ko na lang siya at dahan dahang naglakad papunta sa bag ni Sammuel.

Tumaas ang kilay ko habang tinitigan ang bag niya, hindi gano'n kalaki ang bag niya at mahilig rin siya sa mga keychain dahil may nakasabit na keychain sa bag niya.

Kanino kaya galing 'yang mga keychain? Baka sa mga babaeng nagpapacute sa kanya tapos binibigyan siya ng keychain tapos tinatanggap naman niya?

Tss. Wala akong pake kung binibigyan siya ng keychain ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya, baka bilhan ko siya d'yan ng mas malaki pa d'yan eh.

Ngumisi ako at dahan dahang binuksan ang bag niya at sinilid doon ang subre na may lamang love letter na ginawa ko.

Tumalikod na ako at aalis na sana pero hinarangan ako ni Vien.

"Ano 'yong nilagay mo sa bag ni Sammuel?" Mahinang tanong ni Vien.

Ngumiti ako, "subre na may lamang solicitation letter baka kasi bibigyan niya ako ng one thousand!"

Tumawa ako at lumabas na sa room nila at bumalik sa room namin. Buong klase ay nakangiti lang ako, naaalala ko palagi ang letter na binigay ko kay Sammuel. Sana mabasa niya 'yon, alam kong kapag nabasa niya 'yon ay kililigin siya ng subra at magkakagusto sa akin! Tapos magiging kami! Bwahaha!

Dahil cleaners ko ay kasali ako sa naglinis pagkahapon. Hindi ko gustong naglilinis pero ngayon ganadong ganado akong maglinis dahil inspired na inspired kay crush!

Sa mga oras na ito ay alam kong nabasa na niya ang letter ko. Ano kaya ang reaksyon niya habang binasa ang letter ko?

"Sa likod niyo itapon ang mga basura," sabi ng adviser namin.

"Roger, samahan mo na si April na magtapon ng basura sa likod." Dagdag ni Ma'am.

Ang laki ng ngisi ni Roger sa akin, lumalabas talaga pagi gilagid! Bungisngis!

"Ang saya saya mo ah! Ang laki ng ngiti mo, April! Anong nangyari ah? Naibigay mo ba sa crush mo ang love letter na sinulat mo?" Nagtaas baba ang kilay ni Roger at nakangisi pa rin.

"Oo! Naibigay ko na! Manahimik ka na d'yan ang tsismoso mo talaga!" Sinapak ko siya at pinadala ko na sa kanya ang basurahan.

"Paano kapag may ibang gusto ang crush mo?"

Sinamaan ko ng tingin si Roger, kanina pa talaga ako naiinis sa lalaking 'to.

"Oh? Paano kung hindi ka rin gusto ng crush mo dahil ang crush mo ay may boyfriend na ah?" Balik ko sa kanya.

Ngumuso lang siya at tinapon na ang basura. May basurahan kasi sa likod ng grade 8 building at dito tinatapon lahat ng mga basura pero syempre na-segregate na ang mga basurang tinapon namin.

"Si Sammuel..."

Napabaling ako sa mga babae, sila 'yong mga babaeng nakita ko kanina na magbibigay ng love letter.

Sumingkit ang mga mata ko at sinundan ang tinignan nila at nakita ko na lang si Sammuel na may hawak na mga papel na nakaharap sa sinusunog na mga lantang dahon.

"Anong hawak niya?" Narinig ko ang mga pinag-uusapan nila.

Bumaling ulit ako sa kanila pagkatapos ay tumingin ulit kay Sammuel na seryosong seryoso ang mukha at tinapon na lang bigla ang mga papel na hawak na nakikitang kong may nga desenyo pang puso at kung anu-ano pa.

Narinig ko ang pagsinghap nila, "s-sinunog niya ang lahat ng mga love letter..."

Love letter? Sinunog lahat ni Sammuel ang love letter?

Natulala na lang ako kay Sammuel, tumalikod siya pagkatapos niyang itapon ang mga love letter na 'yon sa apoy.

Akala ko aalis na siya pero huminto siya at bumaling sa banda ko. Gano'n pa rin siya, nagmukha siyang galit dahil sa kilay niyang nagkadugtong na at sa noo niyang nakakunot.

"Tara na, April," tawag ni Roger sa akin sabay hawak sa kamay ko at hinila na palayo doon.

Naiwan ang mga titig ko kay Sammuel, hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatuon ang atensyon niya sa kalangitan.

Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa nasusunog na mga lantang dahon. Habang hinihila ako ni Roger palayo at nakatitig sa apoy ay doon lang pumasok sa utak ko na ang nakita kong may pusong desenyo kanina ay ang subre ko at pati 'yon ay tinapon niya sa apoy...

Related chapters

  • When You're Gone   02

    Ang lungkot lungkot ko dito sa loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin malimutan ang nakita ko kanina. Sinunog lang ni Sammuel ang mga love letter. Hindi lang ba niya binasa 'yon? Bakit kailangang sunugin? Sana tinago na lang niya para remembrance na rin.Bumuntong hininga ako at nagpapasyahan na basahin na ang mga reply ng mga kaibigan ko. Sinabi ko kasi sa kanila kung gaano ako kalungkot dahil sinunog ni Sammuel na crush ko ang mga love letter, alam kong kasama na ang love letter ko doon. Binasa ko ang mga reply nila sa group chat namin. BITCHES Vien: Don't be sad okay?Clouie: Sad is for losers Maika: We're not losersNapangiti ako sa nga reply ng mga kaibigan ko. Nagtitipa ako para sa icha-chat ko ulit pero bigla na lang nagchat si Vien.Vien: We're worse than that. Tangina... Anong klaseng kaibigan 'to? Grabeng motivation naman 'to, nakaka appreciate. Ako: tangina niyo. Sana hindi kayo pansinin ng crush niyo.Vien: excuse me, tahimik lang ako pero nakakausap ko na crush ko.Sum

  • When You're Gone   03

    Tangina! Tangina! Bakit hindi ko nakita na pareho pala sila ng bag ni Sammuel? Baka akala ng lalaking 'yon na siya ang binigyan ko ng love letter, naalala ko pa naman na hindi ko nalagyan ng pangalan ni Sammuel doon. Wala ng 'Dear, Sammuel' na nakalagay! Nakakahiya pa kanina, napagkamalan pa nila akong magnanakaw. Grabe sila makatingin sa akin kanina parang may ginagawa akong masama kahit wala naman. Lalo na 'yong mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Sammuel, ang sarap dokutin ng mga mata nila. Kung makatingin parang ang sama ko ng tao. "Bakit busangot ang mukha mo?" Tanong ni Maika, kami lang dalawa ang magkasama ngayon kasi may ginagawa rin ang dalawa. "Nakakainis kasi eh!" Halos magpapadyak na ako sa kahihiyan na sinapit ko kanina. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Sammuel. Kasi maging siya tinignan ako ng masama, parang hinuhusgahan niya ako. Ang mga maririin niyang tingin na tagos hanggang kaluluwa. Hindi ako nahiya dahil pinagtitinginan ako ng mg

  • When You're Gone   04

    Dahil doon sa sinabi ni Sammuel sa akin, sa bawat araw na dumaan hindi ako tumigil sa pagpapansin sa kanya. Araw araw ako sa room nila Vien para makita ko lang siya, kung minsan ay dumadaan ako sa room nila para silipin lang siya. Araw araw na rin ang practice ni Sammuel dahil malapit na ang inter-high. Busy ang mga athletes sa pagpapractice, walang practicr nila Sammuel na hindi ako nanood. Minsan nagpapasama ako kina Vien, Maika at Clouie, minsan din ay ako lang mag-isa ang pumupunta. "Ang galing mo, Sammuel!" Sigaw ng mga kababaihang nanonood. Ngumuso na lang ako, hindi ko na kayang sumigaw ng malakas dahil namamaos na ang boses ko dahil sa araw araw kong pagcheer kay Sammuel. "Ipahinga mo 'yang boses mo para sa laban nila sa susunod na araw," si Maika, simahan niya akong manood ng practice ni Sammuel dahil wala naman daw siyang ginagawa habang ang dalawa ay may inaasikaso. "Subrang busy na niya. Hindi na niya ako napapansin." Malungkot kong sambit habang pinapanood ang gal

  • When You're Gone   05

    "K-Kumusta ang laro?" Hinabol ko si Sammuel at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nakakailang man na sumabay sa kanya sa paglalakad pabalik aa eskwelahan, hindi ko pa rin maitago ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. "Talo kami." Sagot niya, hindi man lang ako nilingon. Tumango ako at saglit na tumingin sa mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sa amin. "Narinig ko nga ang sigawan ng mga tao mula sa labas ng municipal gym. Sayang hindi ko nakita 'yong laro—" "Kasi umalis ka." Pinutol niya ang sinabi ko. Sinulyapan niya ako sandali bago muling bumaling sa dinadaanan. "K-Kasi... Nauhaw ako bigla kaya lumabas ako para bumili ng juice." Sagot ko at tinignan siya. Tumaas ang kilay niya at ngayon ay nilingon na niya ako. Tumaas na naman ang isa niyang kilay. "Bumili lang ng juice? Bakit hindi ka na bumalik?" Umawang ang labi ko. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Nag assume naman ako ngayon. Hindi naman siguro masamang mag assume 'no? Ako naman 'yong masasaktan sa kaka-assume ko

  • When You're Gone   06

    "Alam mo bang nakakasama sa kalusugan ang araw araw na mag-assume?" Saad ni Vien. Tumango naman ang dalawa, sumang-ayon sa sinabi ni Vien. "Kayo nga d'yan eh. Bakit hindi ba kayo nag-assume sa crush niyo ah?" Sabay silang napakamot sa kanilang ulo. Alam ko na kasi kung sino ang mga crush nilang tatlo at kagaya ko hinahabol at nagpapansin din sila sa crush nila. "Nakalimutan kong magkaibigan pala tayo haha." Tumawa si Clouie habang kinakamot ang ulo niya."So, kumusta kayo ni Sammuel?" Bumaling ako kay Maika, dahil sa tanong niya napanguso ako at sinubsub ang mukha sa mesa."Ayon nga, tama nga ako na pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na mauulit ang pangyayaring 'yon." Pagkatapos kasi noong chinat ko si Sammuel na may gusto ako sa kanya parang umiwas siya sa akin. Hindi na niya ako kinakausap, hindi ko naman sinasabing kailangan niya akong tratohin ng gano'n na parang ma relasyon kami ang gusto ko lang ay sana hindi niya ako lalayuan.Ito 'yong kinakatakutan ko eh. Kapag aamin k

  • When You're Gone   07

    "Bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraang buwan, Sammuel?" Marahang tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsalita sa aming dalawa. "Dahil ba sa umamin ako sa'yo kaya mo ako iniiwasan?" Tanong ko ulit. "Ikaw ang umiiwas sa akin—" "Anong ako? Nilalagpasan mo nga ako kapag nagkakasalubong tayo, eh. Para lang akong hangin na nararamdaman mo pero hindi mo nakikita." Pagputol ko sa sinabi niya. Yumuko siya pagkatapos ay bumuntong hininga. "Umiwas ako dahil kayo ni Roger," Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sammuel. Sumandal siya sa upuan niya at diretsong tumingin sa akin. "Bakit mo naman 'yan naisip?" "Akala ko kayo ni Roger. Hindi kasi maganda tignan na kayo tapos nakikipag kausap ka sa akin—" "Bakit nga naisip mo 'yan?" Putol ko ulit sa sasabihin niya, kumunot na ang noo ko ngayon. "Kasi... Palagi kayong magkasama. Palagi ko kayong nakikitang... Magkasama kaya inakala ko na kayo." Napanganga na lang ako, hindi ko alam na g

  • When You're Gone   08

    Nang maghapon na ay ako ang unang lumabas sa room, nagpaalam na ako kay Roger na hindi muna ako makatulong ngayon sa paglilinis dahil pupuntahan ko pa si Mama. Sinugod kasi si Mama sa hospital dahil mataas ang lagnat niya at nanginginig na siya. Napag-alaman naming nagkadengue si Mama.Pero paglabas ko ay si Sammuel ang una kong nakita, huminto ako at tinignan siya. Kumurap siya pagkatapos ay tumayo ng matuwid, "saan ka pupunta?" Marahan niyang tanong, siguro nakita niyang nagmamadali ako sa paglabas.Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit, "iniiwasan mo pa rin ba ako?" Mabilis akong umiling, "hindi kita iniiwasan... Uh, pupuntahan ko lang si Mama sa hospital." Lumingon ako sa likod at nakita kong halos hindi na gumalaw sa mga kinatatayuan nila ang mga classmates ko dahil sa gulat na makita si Sammuel na kausap ko ngayon.Kinagat ko ang labi ko at naglakad na papunta sa hagdan, naramdaman kong sumunod sa akin si Sammuel sa likoran ko."Anong nangyari sa Mama mo?" Niling

  • When You're Gone   09

    Dahil sa sinabi ni Mama kanina hindi ko mapigilang mag-assume na naman. Pinanganak talaga akong assumera, hindi na ata 'yon magbabago."Nanligaw ba sa'yo 'yon, anak?" Napalingon ulit ako kay Mama, "hindi po..." "Hindi siya nanligaw sa'yo? Kasi kayo na?" Kung barkada ko lang 'to si Mama baka sinapak ko na rin si Mama sa kilig. Kahit si Mama pinapaasa ako. "Mama, hindi po kami ang advance mo naman masyado... Pero sana hehe sana maging kami..." Nag-a-assume ako na may nararamdaman din sa akin si Sammuel, hindi na tulad ng dati na hindi niya ako iniimikan ngayon hindi ko na mabilang na salita ang lumalabas sa bibig niya. Pinapansin na niya ako at maraming mga kilos siyang pinapakita sa akin na tanging mga lalaking may gusto sa isang babae lang ang gumagawa. Ewan ko ba! May parte sa sarili ko na 'wag mag-assume kasi masakit mag-assume sis! Subra! Ilang ulit na akong nasaktan dahil nga assumera ako, masakit! Grabe! 'Yong akala mo may gusto siya sa'yo pero assumera ka lang talaga. Ayun

Latest chapter

  • When You're Gone   EPILOGUE

    "Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a

  • When You're Gone   40

    This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu

  • When You're Gone   39

    "Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi

  • When You're Gone   38

    "Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng

  • When You're Gone   37

    Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k

  • When You're Gone   36

    Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto

  • When You're Gone   35

    Ngayon na ang araw na sasabihin ko kay Sammuel tungkol sa anak namin. Ti-next ko sa kanya kung anong room ang papasokan niya mamaya, kahapon pa ako nag book ng room dito sa Grande Hotel. Handa na handa na ako sa pagkikita ng anak ko at ang ama niya. Absent nga ngayon ang anak ko dahil maski siya ay excited na makita ang ama niya. Sinabi ko sa kanya na makikita niya ngayon ang kanyang ama at siya pa ang nagsabing a-absent na muna siya para makita ang kanyang ama. "Nanay, guwapo po ba ako?" Humarap ako sa anak ko, sinusuklay niya ang basa niyang buhok at inaayos niya ang kanyang damit. Napangiti na lang ako at nilapitan ang anak ko at inayos ang buhok niya. "Ang guwapo mo na anak! Kamukhang kamukha mo ang Tatay mo!" Nakangiti kong sinabi. Humarap ang anak ko sa salamin at ngumiti. "Talaga po? Bagay ba sa akin ang suot ko ngayon, Nanay?" "Syempre naman! Ikaw pumili niyan 'di ba? Bagay na bagay sa'yo! Ang guwapo mo lalo!" Sa subrang excited niya siya na mismo ang pumili ng damit

  • When You're Gone   34

    Maaga akong dumating sa restaurant na pinag-usapan namin ni Lea kahapon, wala pa siya pagdating ko. Sinadya kong magpaaga dahil babasahin ko pa ang kaso niya. "What's your order, ma'am?" May lumapit sa akin na waiter sa restaurant. "Tubig na lang, please..." Ngumiti ako sa waiter bago binalik ang tingin sa laptop ko. Kinakabahan man pero kakayanin ko 'to. Dumating ang tubig na hiningi ko sa waiter. Ilang minuto ang dumaan ay dumating na si Lea. Pinanood ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Ngumiti siya sa akin at tinaas ang kamay, nagtawag ng waiter. "Late ba ako?" Umiling ako, "maaga lang akong dumating." Sagot ko. Tumango lang siya at nag-order na. "Anong gusto mong kainin, April?" Kung maka April 'to parang close kami, ah. "Wala, ayos na ako sa tubig." Sabay taas ng basong tubig. Tinaas niya lang ang kilay niya at nagkibit na lang ng balikat. Pinaalis na niya ang waiter pagkatapos ay humarap sa akin. "So, kumusta ang anak niyo ni Sammuel?" "Hindi ang anak ko ang pag-uusa

  • When You're Gone   33

    "At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu

DMCA.com Protection Status