Share

V

last update Huling Na-update: 2021-08-02 22:25:58

Gilda Point of View

        lNapamulat ako ng aking mga mata noong marinig ko ang boses ni Maria na tinatawag ako sa labas.

        *tok* *tok* *tok*

        Napatayo ako agad dahil sa sunod sunod na katok na ginagawa ni Maria. Napatingin ako sa may salamin at napansin ko na wala na ang tapis na inilagay ko roon kagabi.

        Napailing na lamang ako dahil baka nilipad lamang ng hangin. Ikinibit balikat ko na lamang at dumiretso sa pintuan ng aking kwarto saka binuksan ang pinto.

        Anong oras na ba at bakit nangangatok na ang binibini? Sa tyansa ko ay hindi pa naman sumisikat ang araw ng buo. Medyo makulimlim pa sa labas base sa nakikita ko sa butas ng aking bintana.

        Wala naman kasing orasan sa kwarto. Hindi pa naman ako sanay magising ng maaga dahil nasanay na ako na taghali ang gising dahil sa bakasyon ko naman sa eskwelahan.

        Binuksan ko ang pintuan at nakita ko agad ang nakangiting mukha sa akin ni Maria. Medyo nacrecreepihan ako sa ngiti niya ngayon.

        I mean maganda naman siya at maganda rin ang ngiti niya ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Sa sobrang ganda niya ata ay nakakatakot na.

        Ang mga mata niya ay hindi nakangiti ngunit ang labi niya ay kulang na lang sampalin ako upang ipamukha sa akin na nakangiti ito hangang tenga.

        “Bakit ho?” tanong ko ‘kay Maria na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Tila hindi nangangawit ang kanyang labi na ngumiti na hindi man lang gumagalaw kahit kaonti.

        “Pasensya na,” ani ni Maria. “Alam kong namamahinga ka ngunit ala singko na kasi ng umaga at dito sa probinsya ay kailangan mong gumising ng ganoong oras.”

        Kumunot naman ang aking noo. Mandatory ba? Ano ang gagawin ko ng ganito kaaga?

        “Bakit po?” tanong ko napaayos ng aking buhok. “May sasakahin po ba tayo?”

        Kadarating ko lang dito ay uutusan na ba nila ako kaagad? Hindi ba pwedeng mamahinga muna at bumawi ng pwersa na nawala sa akin kakaiyak at sa byahe.

        I mean bago pa lang ako dito tapos hindi ba kabastusan na utusan agad ako. Pagod pa rin hanggang ngayon ang aking katawang tao at nais ko pang magpahinga pa.

        Dapat ay hindi na muna ako gumising at hinayaan na lang siya kumatok ng kumatok hanggang sa tumigil.

        Biglang tumawa sa Maria pero tawang parang may bahid ng peke. Baka ganun talaga siya tumawa? O ewan?

        Ayoko na siya isipan ng masama. Saka ano naman mapapala niya kung gagawan niya ako ng masama. Hindi naman siya magiging masaya don diba? Dadagdan niya lang ang kanyang kasalanan dito sa lupa.

        “Ano ka ba,” ani ni Maria. “May sariling magsasaka ang lola Teresa kaya hindi mo na kailangan pang gawin iyon. Dito ka lang sa bahay at tutulungan mo kami sa mga gawaing bahay.”

        “Ah? Ano po ba dapat kong itawag sa iyo?” tanong ko rito at napahikab.

        Saglit itong nanahimik at tila nag – isip at noong lumipas ang ilangs egundo ay ngumiti ito sa akin.

        “Tawagin mo na lang akong mama,” ani ni Maria sa akin na ikinagulat ko.

        Ano ba ang pinagsasabi niya? Mama? Medyo baliw ata siya para sabihin sa akin iyan. Sobrang sensitive ng palayaw nay an sa akin lalo na at bagong libing palang si nanay.

        Hindi ba at kabastusan din na akuin ang isang titulo na hindi naman nararapat sa kanya.

        Ah basta ang weird naman na tawagin ko siyang mama eh hindi naman niya ako anak.

        Iisa lang ang nanay ko noh at si nanay Lilybeth iyon. Walang sino man ang makapag papalit sa pwesto sa puso ng aking ina.

        “Ah…” medyo tumawa ako ng awkward habang nag – iisip kung ano ba ang dapat kong sabihin. “Pwede bang ate na lamang? Ate Maria o Tiya Maria?”

        Napatayo ako ng diretso ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat.

        “Ano ka ba, Gilda,” ani niya sa akin habang pinipisil pisil at hinahagod ang aking balikat. “Hindi ka naman iba sa akin. Anak ka ni Dan. Kahit ngayon lang uli tayo nagkita ay gusto kita. Saka malayo na edad natin para tawagin mo akong ate. Tawagin mo akong mama. Ayos lang naman sa akin iyon. Isa pa ayaw ba noon? Kahit wala na si Lilybeth ay may pangalawa kang ina. Ako na ang bahala sa iyo.”

        Nagdadalawang isip ako. Paano ko siyang tatawaging ina? Sa totoo lang ay stranger pa rin ang dating niya sa akin. We are not blood related. Sila lang ni Tatay Dan ang may koneksyon. Magkaibigan sila simula bata pa. Habang ako ay ngayon ko lamang siya nakilala ng personal.

        Isipin niyo na lang na tatawagin mong mama ang isang babaeng ngayon mo pa lamang nakilala. Saka isa pa ay magkagalit sila ng aking ina base sa naikwento sa akin ni Nanay Lilybeth. Hindi ba siya nakricringe kung tatawagin niya akong anak?

        Ayoko naman nab aka mabastos ko siya kapag tinanggihan ko ang sinabi niya gayong ako ang nagtanong sa kanya kung ano ang dapat kong itawag.

        “Sige, naiintindihan ko,” ani ni Mara at biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. “Alam ko na masakit sa iyo mawalan ng ina. Okay lang. Handa akong maghintay. Kapag ayos ka na ay nandito lang ako upang gampanan ang pagiging ina sa iyo. Huwag kang mahihiyang tawagin akong mama ha? Saka kung may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang lumapit sa akin. Nandito lang ako palagi.

        Ngumiti ako kay Maria. Mabuti naman at nakahalata siya kahit kaonti. Ayoko talaga siyang tawagin na mama. Ang cringe.

Napabuka ako ng bibig ngunit agad kong pinigilan ang aking sarili. Naalala ko ang nangyari kagabi at nais ko sanang tanungin kung ano ang hinahatak niya na mabigat kaso nga lang ay naalala ko rin na hindi ako sumagot sa tawag niya at hindi ko siya tinulungan.

        Ano na lamang ang sasabihin niya sa akin? Tamad na babae? Na gising naman pala ngunit hindi man lang nagkusang tulungan siya? Well, pagod namin kasi ako kagabi kaya tnamad na rin akong bumuhat ng kung ano ano. Bawi na lamang ako next time sa kanya.

Maria Point of View

        Pilit kong iningiti ang aking labi sa harap ng batang ito. Sa totoo lang ay kanina pa kating – kati ang aking mga kamay na sabunutan siya at hilahin lahat ng buhok niya hanggang sa matanggal sa kanyang anit.

        Kung hindi lang talaga sinabi ng hukluban na si Teresa na pakisamahan ko ito ay baka kahapon ko pa ito pinagtataga taga noong magkita kami.

        Ano at ako pa ba ang kailangang gumising sa kanya sa araw araw? Hindi niya ba kayang gumising ng alas kwatro o alas singko? Bata ba siya?

        Eh mukhang matanda na nga siya pero aanga anga pa rin.

        Pagmasdan mo Liliybeth kung paano ko papatayin ang nag – iisang anak mo. Mukhang binigyan ako ng langit ng pagkakataon upang mailabas ang lahat ng galit ko sa iyong bruha ka.

        Talagang iniwan mo pa sa amin ang bwiset na anak mo. Sigurado naman akong magiging pabigat lang ito sa amin.

        Anong nginingiti ngiti ng babaeng ito? Baka gusto niyang tapyasin ko ang kanyang mukha at punitin ang kanyang labi upang mawala ang ngiti niya sa mukha.

        Nangigigil talaga ako dito. Kumukulo ang dugo ko. Kahit kamukha siya ng mahal ko na si Dan ay nakakabwiset pa rin sa tuwing masasagi sa isip ko na ang batang ito ay anak niya kay Liliybeth.

        Kung hindi lang sana dumating si Liliybeth sa buhay namin ay baka kami ang nagkatuluyan ni Dan. Baka kami ang mag – asawa ngayon. Edi sana may masaya kaming pamilya.

        Sabagay, hindi pa naman huli ang lahat para amin ni Dan.

        At itong babae na ito? Magiging bwiset lang sa buhay namin kaya naman mas mabuting mamatay na lamang siya.

        Mabuti naman at hindi siya pumayag sa sinabi ko. Mama? Huwag siyang magpatawa! Nakakasuka! Itong batang ito na anak ni Lilybeth ay tatawagin akong mama? Baka bigla ko na lamang siya masampal. Sukang suka ako sa kanilang mag – ina at hindi ko maaatim na tawagin niya akong mama.

        Hinding hindi ako magpapakaina sa bwiset na bata ito! Mangulila siya at habang buhay magdusa. Mabuti nga sa kanya at maagang naulila. Bwiset! Pesteng bata na ito.

        “Sige na at bumaba ka na pagkatapos mo mag – ayos ng sarili,” ani ko sa kanya habang pinipilit ang ngiti sa aking labi. “Tulungan mo ako sa aking mga pinalengke.”

        Tumango naman ang bwiste sa akin.

        “Sige po,” sagot niya sa akin. “Susunod na lamang po ako sa baba.”

        “Sige,” ani ko at akmang tatalikod na ngunit nagsalita pa muli ang bwiset.

        “Ah teka lang po,” pigil niya sa akin. “May kuryente na po ba?”

        Kuryente? Ah oo nga pala at sanay ito sa buhay maynila. Natutuwa akong makita siyang nahihirapan sa buhay probinsya.

        “Wala pa, Gilda,” ani ko sa kanya. “Baka bukas pa magkakakuryente dahil umulan kahapon.”

        “Ganun po ba? Sige po. Internet po? May internet po ba kayo dito?” tanong nito sa akin.

        Internet? Demanding masyado ang bwiset na ito. Anong silbi ng internet kung mamamatay na siya.

        “Internet?” tanong ko dahil masyadong malawak ag internet na sinasabi niya.

        “I mean kung may sarili kayong wifi sa bahay po,” sagot niya sa akin.

        “Ah! Nako pasensya na, Gilda,” ani ko sa kanya. “Wala kaming ganoon dito. Hindi naman kasi kami gumagamit ng ganyan ng Lola Teresa mo. Masaya kami kahit walang internet.”

        Bwiset! Talagang kailangan ko pa ring humingi ng pasensya sa kanya?

        “Ah ganun po ba?” ani nito sa akin at nakita ko ang paglungkot ng kanyang mukha. “Boring po kung ganon. Ang dami ko pa namang kailangan sa internet.”

        “Pwede ka naman mag avail ng data kung may sim card ka,” ani ko sa kanya. “Magpaload ka na lamang. Halos lahat dito ay ganoon ang ginagawa. Kaso nga lang ay doon pa iyon sa bayan. Kapag nagawi tayo roon ay ituturo ko sa iyo ang bilihan ng load.”

        “Sige po, salamat,” ani ni Gilda sa akin. “Sunod na lang po ako sa baba. Mag – ayos lang po ako saglit.”

        Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Tuluyan na niyang isinara nag pinto at kasabay ng pagliit ng siwang nito ay ang pagkawala ng ngiti ko sa labi.

        Inambaan ko ang pinto niya.

        “Bwiset,” bulong ko at tumalikod na lamang. Baba na ako at ihahanda ko pa ang mga dapat kong ihanda para sa bwiseta namin sa bahay.

***

        Nakapaghanda na ako lahat lahat ay wala pa rin ang bwiset na bata. Luminga linga ako sa paligid upang tignan kung meron bang nagmamasid. Noong wala ay agad kong inilabas ang botelya sa aking bulsa.

        Ginawa ko ito kahapon. Isa itong lason. Talagang pinag tuunan ko ng oras ang paggawa sa lason na ito para lamang kay Gilda.

        Napangiti ako habang pinagmamasdan ang likido sa loob ng botelya.

        Binuksan ko ito at agad na inubos ang laman at itinapon sa isang basong juice na ginawa ko para kay Gilda.

        Hinalo halo ko ito at nagpalinga linga sa paligid.

        Agad kong itinago ang botelya sa aking damit at nagpagpag ng kasuotan.

        Susunod ka na rin sa iyong ina Gilda. Inumin mo lang ang juice na ginawa ko sa iyo. Saglit lang naman ito. Makakaramdam ka lang ng sunog sa loob ng ilang minuto tapos… Surprise! Patay ka na agad. Tiiisin niya na lamang ang sakit total naman after non ay makikita niya na agad ang bruhang si Liliybeth.

        Napalingon ako sa aking likuran noong makarinig ako ng mga yabag.

        “Nako pasensya na po,” ani sa akin ni Gilda pagkapasok ng kusina ng bahay. “Nakatulog kasi ako kaagad. Hindi ko namalayan. Kagigising ko lang po kaya naman agad agad akong bumaba dito.”

        “Ano ka ba?” ani ko at ngumiti sa kanya. “Ayos lang. Naisip ko nga kung bakit pa kita ginising. Dapat ay hinayaan na muna kitang matulog dahil pagod ka sa byahe niyo kahapon. Ako ang dapat humingi ng pasensya. Sorry ha. Halika at kumain na rin tayo. Tawagin mo na ang lola Teresa sa itaas.”

        Akmang aalis na siya noong pinigilan ko.

        “Ay huwag na pala,” pigil ko sa kanya. “Ako na ang tatawag. Dito ka na lamang at maupo ka na.”

***

Gilda Point of View

        Napapikit ako sa sarap. Ninamnam ko ang malambot at medyo mamantikang karne na kasusubo ko lamang sa aking bibig.

        Grabe ano bang karne ang meron sila? Napakasarap talaga. Akala ko ay gutom lang ako kahapon ngunit talaga pa lang masarap ang karne nila dito sa probinsya.

        Ang juicy at medyo manamis namis. Baboy ba ito? Hindi naman ito baka o kalabaw. Huwag naman sanang aso. Baka maiyak ako. Malapit pa naman ako sa mga dogs at cat.

        “Ang sarap po ng luto niyo,” ani ko sa kanya. “Pati yung karne. Ano ba ang recipe niyo? May pinapahid ba kayo dito sa karne? Pati kasi laman ay lasang lasa ang sarap at linamnam.”

        Napatawa naman si Maria ng mahinhin.

        “Ano ka ba,” ani ni Maria at napatakip pa ng bibig. “Pinalalaki mo ang aking ulo. Simpleng karne lang naman ng iyan na mula doon sa kulungan ng baboy sa gitna ng ating bukid.”

        “Gilda,” tawag sa akin ni Lola Teresa kaya napatingin ako rito.

        Ang bibig nito ay ng7umunguya at tumutulo ang mantika sa gildi. Nangingitim na rin pala ang ngipin ng Lola Teresa. Ngayon ko lamang napansin habang nakatingin sa kanya. Marami na rin siyang kulubot sa kanyang balat.

        “Huwag na huwag kang pupunta sa kulungan ng baboy,” ani ni Lola Teresa sa akin. “Hindi ka pwede don. Mabaho doon at hindi pasyalan ng kung sino sino. Naiintindihan mo ba?”

Tanong nito sa akin.

Tumango tango naman ako ‘kay Lola Teresa.

“Opo, Lola,” sagot ko.

Wala rin naman akong balak pumunta sa gitna ng bukid. Anong gagawin ko don? Hindi ako magdudumi sa putik para lang makita ang mga baboy na ginagamit nila Maria sa pagluluto. Hindi ako magpapapagod noh!

Ngumunguya ako ng karne at nakaramdam ang dila ko ng tila magaspang. Agad kong ipinasok ang aking daliri upang kuhanin ang magaspang na iyon.

Napakunot ang nook o at itinaas ang makapal at maliit na hibla ng buhok sa daliri ko galing sa aking kinakain. Kulay itim ito at hindi naman ganoon kahaba.

Itim? Bakit itim? May itim na buhok ba ang baboy? Napangiwi ako at inilagay sa gilid ng plato ang buhok na aking nakita.

Napansin kong nakatingiin doon si Maria.

        “Sa susunod ay linisin mong mabuti ang mga niluluto mo, Maria,” ani ni Lola Teresa dito.

        “Pasensya na ho,” ani ni Maria sa matanda. “Hindi na ito mauulit.”

        “Aba dapat lang,” ani ng aking Lola. “Hindi ka ba nahihiya na si Gilda ba ang nakakita ng hindi malinis na pagkakaluto?”

        “Okay lang po, Lola,” ani ko dahil pinapagalitan na nito si Maria dahil lamang sa isang hibla ng buhok.

        “Hindi ko tinatanong sa iyo kung okay lang,” ani sa akin ni Lola Teresa kaya naman napatihimik ako. Parang ako ang biglang napahiya sa aming dalawa ni Maria. “Kahit kailan ay hindi magiging okay ang maruming pagkain. Mag – uusap tayo mamaya, Maria!”

        “Opo,” ani ni Maria at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Kumain na lang din ako.

Kaugnay na kabanata

  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong b

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • The Last Sacrifice   Kakaiba?

    Maria Point of View Napainat ako ng mga kamay upang pawiin ang antok ng aking katawan. Katatapos ko lamang magsipilyo at ala singko na muli ng maga. Kailangan ko ng muling mamalengke para sa mga gagamitin namin ngayon sa bahay at pati na sa susunod pang mga linggo. Tamang tama ang magandang umaga na ito upang pahirapan ang bruhang anak ni Lilybeth. Wala pa ring sinasagot si Lola Teresa patungkol sa kalagayan ni Gilda. Sana lang talaga ay tumanggi siya dahil kung hindi ay mas mabwibwiset ako sa kanilang dalawa. Ayaw na ayaw ko pa naman na taliwas sa kagustuhan ko ang mga nangyayari. Matapos ko mag ayos ng sarili ay agad na akong pumunta sa sa kwarto ni Gilda. Nakalock ito nag subukan kong buksan

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • The Last Sacrifice   Carmen

    Carmen Point of View “Sino iyon? Kakilala mo? Bakit mag kausap kayo?” tanong sa akin ng aking ina habang nagpapack ng mga asukal para sa aming paninda. Umiling iling naman ako habang tinitignan ang pinuntahan ni Gilda. “Hindi po,” ani ko sa kanya. “Mukha kasing bago siya rito kaya tinanong ko,” ani ko naman sa aking ina. “Mula raw siya sa manynila at umuwi lang dito dahil wala na siyang tutuluyan.” “Nako bakit? Nabuntis ba?” tanong sa akin ng aking ina. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko.

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • The Last Sacrifice   Chismis ba?

    Gilda Point of View “Paano po kayo nagkakilala ni Tatay Dan?” tanong ko kay Maria habang patuloy niyang hinahagod ang aking buhok. Kita ko sa salamin kung paanong lumiwanag ang kanyang mukha at paanong ngumiti ang kanyang labi at mata. Mukhang talagang gustong gusto niya ang tatay ko. Parang iba naman ang tunay na ugali niya sa naririnig kong kwento dati ni nanay sa akin. Baka nagbago na talaga si Maria dahil nakapag isip isip na siya ng tama. “Nakilala ko ang tatay mo sa isang parke,” ani nito sa akin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Bata pa lang kami noon at

    Huling Na-update : 2021-08-06
  • The Last Sacrifice   Ano sila

    Maria Point of View Napairap ako paglabas ko ng pintuan. Gusto kong sabunutan ang bruha na iyon ng tawagin niya akong nanay. Buti na lamang at kaya kong magpigil sa inis. Nakakadiri! Nakakasuka. Hindi ba siya nahihiya sa akin? Sana ay hindi niya na lamang itinuloy ang pagtawag sa akin ng salutasyon na iyon. Pareho rin naman namng gusto. Pero sabagay, kung narito man si Lilybeth ay baka naiinis na iyon habang pinapakinggan ang sariling anak niya na tinatawag ang kanyang mortal na kaaway na ina. Hinawi ko ang mahahabnag buhok na lumadlad sa aking mukha at inipit ko iyon sa aking likuran na tainga. Si

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • The Last Sacrifice   Kwarto

    Gilda Point of View “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito. “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.” Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • The Last Sacrifice   Parusa

    Gilda Point of View “Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon. Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call. Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay. “Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.” “Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.” &nbs

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • The Last Sacrifice   Paunang Dasal

    Maria Point of View Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone. ‘Anak yan ni Dan.’ Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan. Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid. “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko haba

    Huling Na-update : 2021-08-11

Pinakabagong kabanata

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status