Share

Kwarto

last update Huling Na-update: 2021-08-08 22:49:17

Gilda Point of View

                “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin.

                Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito.

                “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.”

                Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.

                “A-ah nagpahangin lang po ako sa labas,” palusot ko habang mata ko ay kung saan saan napapaptingin.

                Kasi naman ay hindi ko maiwasan. Hindi ko naman kasi kayang titignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

                Hindi sumagot at tila nagdadalawang isip sa sinabi ko kung papaniwalaan niya ba.

                “Pasensya na at hindi na po ako nakapag paalam pa sa inyo,” sabi ko muli. “Busy kasi kayo kanina kaya naisip ko na hindi ko na kayo abalahin. Naglakad lakad lang naman ako sa labas para na rin maging pamilyar ako rito.”

                Kinakabahan ako na hindi siya sumasagot. Patay ako nito.

                Nagulat ako noong humakbang siya patungo sa akin at bigla akong niyakap.

                “Sana next time ay magpaalam ka naman sa akin,” ani ni Maria habang yakap yakap ako. “Kaninang kanina pa ako nag aalala dahil baka mamaya ay kung saan ka na nagpunta. Please, wag ka na uli aalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Baka mabaliw ako kakahanap kung nasaan ka.”

                Dahan dahan ko namang iniangat ang aking mga kamay at niyakap siya pabalik.

                “Sorry po talaga,” paghingi ko ng pasensya. “Hindi na po mauulit.”

                Bumitaw si Maria sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa aking mga mata.

                “Wala ka naman bang nakasalubong na ibang tao? O may nakausap ka ba na tao sa labas?” tanong niya sa akin.

                Napalunok naman ako. Sasabihin ko ba sa kanya na nakausap ko si Carmen? Pero baka pag sinabi ko ay pagbawalan niya ako. Kung hindi ko naman sasabihin ay nagsisinungaling ako at baka mas malala ang mangyari sa hinaharap. Bahala na nga.

                “Wala naman po,” ani ko at napakagat ng aking labi. “Puro damo lang ang aking nakita.”

                “Mabuti naman,” ani ni Maria. “Huwag kang makikipag usap sa iba. Masyadong mapanganib ang panahon ngayon. Maraming delikadong tao sa paligid kaya huwag na huwag kang lalapit o makikipag usap sa iba pwera na lamang kung may pahintulot namin ng iyong Lola Teresa. Naiintindihan mo ba?”

                Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Tila naguluhan ako.

                “Opo, dadalhin ko ang iyong payo,” ani ko naman habang napapaisip.

                Tumango tango naman si Maria.

                “Alam mo naman na nag aalala ako sa iyo ng masyado,” ani ni Maria sa akin. “Bago ka pa lang dito at alam nila iyon. Alam nila na isa kang bagong salta kaya marami ang magtatangkang lokohin ka. Huwag kang magpapabitag sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sa iyo dahil nilalapit ka lamang nila sa panganib. Hindi mo sila kakilala. Makinig ka sa akin dahil kapamilya mo na rin ako.”

                This time ay ako naman ang napatango sa kanya.

                “Opo,” matipid kong sagot.

                “Sige at itutuloy ko na ang ginagawa ko sa kusina,” ani ni Maria sa akin. “Ikaw, nais mo ba akong samahan sa aking pagluluto?”

                “Ah! Maglilinis na po muna ako ng bahay bago sumunod sa inyo,” ani ko kay Maria.

                Ngumiti naman ito sa akin at hinaplos ang aking buhok.

                “Napakasipag mong bata,” ani Maria sa akin habang dala dala ang ngiti nitong nakakakilabot talaga.

                Napatingin kami sa may hagdan noong nakarinig kami ng mga yabag. Nakita ko si Lola Teresa na pababa at nakabihis ng itim na damit at itim na mahabang palda. Nakabelo ito ng itim at masungit ang mga tingin na ibinibigay sa amin.

                “Gising na pala kayo pareho,” aniya sa amin noong makababa siya. May hawak itong tungkod sa kanyang isang kamay. “Hindi na muna ako mag aagahan at mananghalian dito. May pupuntahan ako ngayon at ikaw na muna, Maria ang bahala sa bahay.”

                “Opo,” ani ni Maria. “Huwag kayong mag alala at ako na po ang bahala.”

                Hindi naman na sumagot si Lola Teresa at dire diretsong lumakad. Tinapunan niya lamang ako ng saglit na tingin at pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas ng bahay.

                “Saan po pupunta si Lola Teresa?” tanong ko kay Maria.

                “May pagpupulong siguro sila ng kanyang mga kagrup- ng mga kaibigan niya,” ani ni Maria sa akin habang tinatanaw ang pintuan.

                “May mga kaibigan po si Lola Teresa?” tanong ko. “Taga bayan po ba sila?”

                “Makikilala mo rin sila sa tamang oras,” ani ni Maria sa akin habang ngumingiti. “Sige maglinis ka ng bahay at pagbalik mo ay tapos na ako maghanda ng ating kakainin.”

                Tumango naman ako sa kanya habang siya ay tumalikod na.

                Sino kaya ang papaniwalaan ko? Si Carmen o siya? Napakabait ni Maria. Imposibleng gumawa ito ng mga kahindik hindik na bagay. Baka naman sinisiraan lang ni Carmen ang pamilya ko sa akin. Ngunit para saan? Bakit niya gagawin iyon? May galit ba siya sa pamilya namin o trip trip niya lang?

                Mukha rin naman kasing hindi siya nagbibiro kanina. Baka gusto niya kami pagwatakin watakin.

                Napailing ako. Hindi ko maisipa na kaya nilang gawin  ang mga binibinitang ko sa kanila. Isa pa ay stranger lang din naman kami ni Carmen. Ano naman mapapala niya sa akin hindi ba?

                Pwera na lang talaga kung may backstory sa pamilya ko at sa pamilya niya.

                Si Maria ay mabuting tao, Gilda. Walang dahilan para pagdudahan mo siya. Kay sama ko namang tao kung matapos ang lahat ng ginawa niya para sa akin ay iisipan ko lamang siya ng masama. Tama! Hindi kayang gawin iyon ng aking pamilya. Hindi totoo ang kulto! Chismis lang nila iyon Saka wala namang ebidensya ang mga tao. Anong karapatn nilang pagbintangan ang aking pamilya?

                Si Lola Teresa ay masungit ngunit… ngunit hindi niya magagawa ang bagay na ibinibintang sa kanya.

                P-pero ilang araw pa lamang ako rito at maging ako ay hindi sila kilala. Hindi ko sila lubusang kilala.

                Ang hirap tuloy mamili kung sino ang paniniwalaan ko.

                Tama! Sinabi ni Carmen na may itim na libro ang mga kulto at sinabi niya sa akin na iyon ang magpapatunay sa aking hinala.

                Kung gaanon ay hahanapin ko ito. Ngunit saan naman nila iyon itatago?

                Sumilip ako sa may kusina at busy pa rin si Maria roon. Umakyat ako ng mabilis sa second floor.

                Hindi naman siguro nila itatago iyon sa aking kwarto noh? Pero pwede rin gawin nilang iyon dahil hindi ako maghihinala na may nakatago sa kwarto ko.

                Agad akong pumasok sa aking kwarto at pinagmasdan ito. Maluwang ang kwarto at kaonti lang ang mga gamit. Umiling iling ako. Wala dito iyon.

                Paglabas ko ng aking kwarto ay sumilip ako sa may hagdan. Walang tao roon ngunit napatingin ako sa mga siwang ng bawat hakbang ng hagdanan.

                Binibigyan talaga ako ng kilabot kapag madilim.

                Hindi ko na ito pinansin at pumunta sa tapat ng kwarto ni Lola Teresa.

                Dahan dahan kong pinihit ang senadura ng pintuan. Bukas! Bukas ito! Hindi niya nilock.

                Matapos ay marahan kong itinulak ang pinto ng kwarto upang makapasok. Lumilikha ito ng nakakatakot na tunog. Yung parang mga pinto sa horror movie.

                Bumungad sa akin ang medyo madilim na kwarto. Tama medyo madilim nga siya dahil sarado ang mga bintana.

                Kinapa ko ang gilid na pader upang hanapin ang switch. Kapa… Dahan… Dahan…

                Walang switch! Nasaan ang switch ng kwarto?

                Lumapit na lamang ako sa pinakamalit na aparador at nagsimulang maghalungkat ng mabilis lamang.

                Halungkat dito at halungkat doon. Binabalik ko rin sa dati agad upang hindi ko malimutan ang ayos nito.

                Nagawi ang tingin sa isang likido na nakabote sa gilid. Ano ito? May nakalagay sa loob nito na malaking balahibo ng ibon. Mukhang panulat. Wow! Hindi ba nila alam ang ballpen at ganito pa rin ang gamit nila?

                Kinuha ko iyon at sinubukan sumulat sa isang papel.

                Hindi itim ang kulay ng ink kundi pula. Inamoy ko ito at napatakip ako ng ilong. Ang baho! Amoy kalawang! Ano ba itong ink na ito napakabaho! Tila… tila nabubulok ang amoy. Ganito ba talaga ang ink ng mga sinauna? Mabaho ang amoy.

                Ibinaba ko na ito at nagsimulang maghanap muli. Nasaan ba kasi?!

                Wala dito… wala rin dito. Isinirado ko ang mga pinto ng aparador at inikot ko ang aking tingin. Madilim talaga kahit anong kurap ko. Buksan ko kaya ang bintana? Huwag na! Baka mahirapan lang ako isarado.

                Nagawi ang tingin ko sa isang banda. Puno ng dilim ito at wala talaga akong makita. Bigla akong nanlamig habang nakatingin dito. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin pabalik.

                Lumabas na ako ng kwarto ni Lola Teresa at dahan dahang isinara ito. Wala namang itim na libro roon.

                Napatingin ako sa kwarto ni Maria. Baka ipinatago sa kanya ni Lola Teresa ang libro. Tama! Baka na sa kanya. Kasi close sila at pwedeng ipatago ito sa kanya ng Lola.

                Agad akong lumapit doon at pinihit ang senadura. Nakalock! Nakalock ang pinto! Nilock ni Maria!

                Sayang naman.

                Naisipan kong bumaba na lamang dahil hindi ko naman mapapasok ang kwarto ni Maria dahil sa nakalock. Sa baba na lang ako maghahanap kasi pwedeng naroon din.

                Habang pababa ako ng hagdan ay nakarinig ako ng biglang kumalabog.

                Saan galing iyon? Sinundan ang tunog ng pagkalabog.

                Sa baba! Nasa baba ng… nasa baba ng hagdan.

                Lumakas ang tibok ko. Wala naman silang alagang pusa. Nasa kusina rin si Maria. So ano? Sino ang gagawa ng kalabog na iyon?

                Bumaba ako ng hagdan at sinilip ang ibaba nito. Hindi ko makita. Wala akong matanaw. Madilim… Tila nagkukubli ang anumang mga bagay na yon sa anino.

                Binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone at iniliwan ito. Nagulat ako noong may isang pintong maliit sa ilalim ng hagdan.

                Wow, meron pa palang isang kwarto rito. Lumapit ako roon. Pakiramdam ko ay doon nanggagaling ang kalabog kanina.

                Lumapit ako dahan dahan sa tapat ng pinto.

                Hinawakan ko ang malamig na senadura habang ang kaba ko sa dibdib ay abot hanggang langit. May tao ba rito?

                Pinihit ko ang senadura upang pumasok. Napakunot ang noo ko at pinihit itong muli. Sarado! Nakalock din. Kung ganoon may tao sa loob?

                Napatingin ako sa pinakababang pinto. May padlock ito sa pinakababa. Wala palang tao kasi nakapadlock sa labas. Akala ko meron.

                Tumalikod na ako. Kung ganoon ay saan nangggaling ang kalabog? Napatigil ako ng makarinig muli ng kalabog. Agad akong humarap sa pinto. Narinig ko ang kalabog ng mas malakas.

                Lumapit ako rito upang making muli. Dahan dahan kong inilapat ang aking tainga sa may pintuan. May kumakalabog nga na tila may pinapalong kahoy. Pero hindi ang pinto na ito ang kinakalabog nya. Sa loob pa ng kwartong ito ang kalabog na naririnig ko.

                “Gilda,”

                Agad akong napabitaw sa senadura at napatingin sa likuran ko. Nakita ko si Maria na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.

                “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa akin.

                “A-ah kasi po may kumakalabog,” ani ko sa kanya.

                “Kumakalabog? Guni guni mo lamang iyon tara na at kumain,” sabi niya sa akin na hindi man lang kakakitaan ng pagtataka sa mukha.

                “Pero narinig ko po talaga,” pilit ko sa kanya. “May kumakalabog po talaga sa loob. Pakinggan niyo po.”

                “Hindi mo ba nakita na may kandado ang pintuan?” tanong nito sa akin. “Ibig sabihin ay walang gumagamit nito. Nakasarado ito at hindi nanamin ginagamit. Baka daga lamang na naglalaro ang mga narinig mo. Huwag mo na lamang pansinin.”

                “Ah, baka nga po daga lamang,” pag sang ayon ko sa kanya.

                “Tara na, kain na tayo,” sabi ni Maria at hindi na ako hinitay makasagot. HInawakan na niya ako sa kamay at hinatak paalis doon. Napatingin muli ako sa may pintuan.

                Bat parang iba ang kutob ko? Nais kong buksan ang pinto na iyon. Pwede rin na daga lamang. Marami naman kasing daga sa probinsya. Isa pa ay nasa gitna kami ng bukid.

                Third Person Point of View

                Matapos nilang kumain nila Gilda ay pinaghugas ni Maria ang dalaga ng kanilang kinainan habang sya naman ay umakyat na sa kanyang kwarto.

                Pagkapasok ni Maria sa kwarto ay pabalabag niyang sinarado ang pinto at nilock ito upang walang makapasok.

                Kinuha niya ang isang manika na wlang mukha, ilong, at bibig maging tenga. May kamay lamang ito at paa saka katawan.

                Kinuha ni Maria ang karayom sa isang tabi at pinagsasaksak ng karayom ang hawak na manika.

                Walang nakabalot na dasal sa manika na iyon ngunit iniisip niya na ito si Gilda. Gigil na gigil niya itong pinagsusundot ng karayom.

                “Bwisett!!!” madiin na sabi ni Maria at ibinuhos na roon ang lahat ng galit na kinikimkim niya. “Pasalamat ka talaga at buhay pa ang matanda mong lola dahil kung hindi ay nilaslas ko na ang leeg mo! Nanggigigil talaga ako pag nakikita kitang pesteng bata ka!”

                “Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!” sunod sunod na sabi ni Maria sa may manika at iniisip niya na si Gilda ito.

“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!”

                “Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!”

“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!”

“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na- AHH!”

                Sa bilis ng pagsundot ni Maria ng karayom sa manika ay dumulas ito at diretsong bumaon sa kanyang isang daliri.

                Ngiwi ang mukha na binunot ni Maria iyon ng dahan dahan sa kanyang daliri.

                Binitiwan niya ang karayom at nagkaroon ng panlalaki sa kanyang mga mata.

                “Kasalanan mo ito Gilda! Bwiset ka kasi!” madiin na sabi ni Maria matapos ay tinignan nya ang manika at malakas na binalibag ito sa isang gilid.

                Tinamaan nto ang nakasinding kandila kaya nahulog at namatay ang apoy.

                “Honey, tignan mo! Sinugatan ako ni Gilda!” sumbong ni Maria na animo ay isang bata.

                Lumapit siya sa isang lalaking nakahiga sa kanyang kama. Ang mga mata ni ay sarado. Nanalalamig na ito at medyo nangangamoy na. Nagsisimula na ring uurin ang balat nito.

                Hindi sumagot ‘kay Maria ang lalaki at nanatiling nakapikit.

                “Ano iyon, Dan?” tanong ni Maria na inilapit pa ang mukha sa mukha ng lalaki.

                Napangiti naman si Maria.

                “Sisipsipin mo na lang?” tanong ni Maria sa bangkay ni Dan. Paipit itong tumawa. “Huwag na noh!”

                Inilagay ni Maria ang dumugong daliri niya sa bibig ng lalaking nakahiga.

                “Ano ka ba Dan! Sabi kong huwag na,” ani ni Maria habang ang daliri ay nasa bibig pa rin ng lalaki. “Ang sweet mo talaga kahit kailan. Kaya kita nagustuhan eh.

                “Ano iyon? Gusto mo ng lumabas? Ano ka ba. Medyo matatagalan pa bago ka lumabas ng bahay. Marami pang proseso ang dapat na gawin namin ng nanay Teresa mo. Hindi naman kadaling gawin iyon pero huwag kang mag – alala. Matagal pero makakalabas ka rin naman. Ako ang bahala sa iyo. Alam mo namang mahal na mahal kita diba at gagawin ko ang lahat para sa iyo. I love you”

                Yumakap si Maria sa bangkay ni Dan. Isinuksok ni Maria ang kanyang mukha sa dibdidb nito.

                Napakunot ang noo ni Maria noong makitang may gumagapang sa bandang tiyan ni Dan. Pinulot niya ito at itinapon sa may sahig.

                “‘Kay tagal kong hinintay na makasama ka ng ganito, Dan,” ani ni Maria sa nakahigang lalaki sa kanyang tabi. “Huwag kang mag alala. Aalagan kitang mabuti.”

Maharlikang Pilipina

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. WARNING: This chapter contains sensitive scenes that may find disturbing for some viewers. Please read at your own risk.

| Like

Kaugnay na kabanata

  • The Last Sacrifice   Parusa

    Gilda Point of View “Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon. Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call. Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay. “Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.” “Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.” &nbs

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • The Last Sacrifice   Paunang Dasal

    Maria Point of View Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone. ‘Anak yan ni Dan.’ Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan. Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid. “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko haba

    Huling Na-update : 2021-08-11
  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View “Sa kwarto ko po kanina may nakita akong tatlong babae,” ani ko kila Maria habang kumakain kami ng hapunan. “Nasa likuran ko sila habang nagsasalita sila ng hindi ko maintindihan na lengwahe para silang… para silang nagdadasal.” Napatawa naman si Maria sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa? Seryoso ako! Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwng maaalala ko iyon. “Tumititig ka ba sa salamin?” tanong ni Maria sa akin. “Paano niyo pong nalaman? Bigla po kasing natanggal ang telang tinakip ko rito kaya napatingin ako,” sagot ko naman sa kanya. Anong meron sa salamin? May multo ba roon? Tokwa! Nakaka

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • The Last Sacrifice   Sikreto

    Third Person Point of View “Ilang taon na po kayo?” tanong ni Gilda habang sinusuklay siya ni Maria. “Alam mo bang hindi mo dapat itinatanong iyan sa mga babae,” ani ni Maria at nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok ni Gilda. “Pasensya nap o,” ani naman ni Gilda. “Ang ganda ganda po kasi ng kutis niyo. Pang artista. Oo nga po pala, nabanggit niyo sa akin na ituturo niyo ang sekreto ng makinis at batang balat. Pwede niyo na po bang ituro sa akin?” Ngumiti naman si Maria habang sinusuklay ang buhok ni gilda.  

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • The Last Sacrifice   Angkin

    Third Person Point of View Napatingin si Maria sa matandang pababa ng hagdan. Pang – ilang araw na ito ng matanda na aalis ng kanilang bahay. “Magandang umaga, Lola Teresa,” tawag ni Maria dito kaya napatingin sa kanya ang matanda. “Aalis muli kayo?” “Oo, may kailangan akong asikasuhin,” sagot naman sa kanya ng matanda habang pababa ng hagdan. “Ikaw na muna ang bahala rito, Maria.” “Hindi po ba nila ako hinahanap sa inyo?” tanong ni Marai at ngumiti. 

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • The Last Sacrifice   Alaala

    Maria Point of View Inilapag ko ang mga plato sa hapag habang pasilip silip sa aking anak na si Gilda. Busy ito sa pag cecellphone. Ano naman kaya ang tinitignan niya sa maliit niyang cellphone? Kinuha ko ang isang mangkok upang salinan ng mga ulam. “Anak,” tawag ko sa kanya habang nagsasalok ng pagkain. “Ano ang pinagkakaabalahan mo riyan? Kausap mo ba ang iyong mga kaibigan?” “Nag – isscroll lang pos a facebook,” sagot niya sa akin na ang mga mata ay hindi inaalis ang tingin sa hawak hawak na bagay. “Hindi ko pa po nakakausap ang mga kaibigan ko. Busy pa sila kaya hindi ko pa sila maimbita. Isa pa ay malapit na rin ang pasukan. Baka mag alangan sila na pumunta pa ng probinsya.”

    Huling Na-update : 2021-08-15
  • The Last Sacrifice   Pangalawang Simula

    Gilda Point of View Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan. Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya. Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na. Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin. Unti – unti

    Huling Na-update : 2021-08-16
  • The Last Sacrifice   Dugo

    Gilda Point of View Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan. Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya. Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na. Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin. Unti – unti kong itinaas

    Huling Na-update : 2021-08-17

Pinakabagong kabanata

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status