Share

Huling Kabanat

Author: Maharlikang Pilipina
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Nagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.

Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.

“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”

“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.

Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.

“Ang mga kwarto? Wala bang mga tao? Wala ba sila roon?” tanong ni Joselito.

Umiling naman ang kanyang kausap.

“Negative,” sagot nito sa kanya.

“Ako na ang titingin,” ani ni Joselito. Hindi siya naniniwalang tumakas ang mga ito.

Ito ay mga matatapang na mga tao. Sigurado siya na imbes na tumakas ay mananatil ang mga ito sa kanilang teritoryo at pagbabantaan ang sino mang bumangga sa kanila.

Kaya naman hindi siya naniniwalang wala na ang mga ito sa kanilang bahay. Nakabukas pa nga ang mga ilaw ng kusina.

Tumungo si Joselito sa hagdan saka nagsimulang umakyat. Ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa ay gumagawa ng tunog ng kahoy na animo ay marupok na at ano mang oras ay pwede ng masira.

Ramdam na ramdam niya ang bigat ng paligid. Halatadong mga gumagamit ang mga naninirahan dito ng itim na mahika.

Noong marating ni Joselito ang second floor ay nabungaran niya ang tatlong kwarto na pawang mga nakabukas ang pintuan. Inuna niyang lapitan ang kwarto na mag isa lamang sa kanyang hilera.

Binuksan niya pa ng mas maigi ang pinto nito. Kinapa niya ang switch ng ilaw ngunit noong sindihan niya ay hindi gumagana ang bumbilya.

Madilim ang kwarto dahil sarado ang parehong bintana kaya naman kinuha na lamang ni Joselito ang kanyang flashlight sa bewang saka inilawan ang kwarto.

Simpleng kwarto lamang ito na may katabing tumba tumba sa gilid ng kama. Ang mga bagay rin sa gilid ay tumpok tumpok at magulo. Tinignan niya ang mga gamit sa gilid na lamesa. Magulo rin ang mga ito.

Nilapitan niya ang lagayan ng damit na aparador. Nakaawang ito ng kaonti. Binuksan niya rin ito upang tignan baka mayroong nagtatago roon ngunit tanging mga damit lamang ang sumalubong sa kanya.

Lumapit siya sa bintana at isa isang binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang malawak na bukirin sa tapat ng bahay ni Teresa.

Sunod niyang sinilip ang ilalim ng higaan. May mga gamit doon na nakaharang. Hinawi niya ang mga ito upang makita ang likuran. Wala pa ring tao.

Noong makasiguradong walang laman ang kwarto na kinatatayuan ay dumiretso siya sa katapat na kwarto nito.

Pumasok siya rito at kinapa ang switch ng ilaw ngunit gaya ng naunang kwarto ay sira rin ang bumbilya nito.

Napatakip siya dahil sa nakakasulasok na amoy na sumasalubong sa kanyang ilong. Alam niya ang amoy na ito. Sa tagal niya sa kanyang trabaho ay hindi na bago sa kanya ang ganoong mga amoy.

Amoy ng isang nabubulok na bangkay.

Lumapit agad si Joselito sa bintana upang buksan ito. Kahit papaano ay mas pumasok na liwanag mula sa labas.

Hinalungkat niya rin ang  mga aparador.

Sunod ay sinilip niya ang higaan.

Inilawan niya ito ng flashlight.  Napakunot ang kanyang noo dahil may mga tuyong dugo roon. Puno din ng uuod ang ilalim ng kama. Inilawan niya ang ibabaw. Ang kobre kama nito ay may mga natuyong dugo. Ang mga uod ay nagkalat sa paligid.

Sa palagay ay may inilagay na bangkay dito at inuuod na lamang sa katagalan. Ipaiimbestiga niya ang dugong ito sa kanyang mga kasamahan.

Noong makasiguro siya na wala ng tao  sa kwarto ay lumipat naman sya sa kwarto na kabila.

Hindi tulad ng dalawang kwarto ay mas maliwanag ito at mas maaliwalas. Kaonti lamang ang gamit at masinop.

Sinilip niya ang aparador sa gilid ng kwarto. Walang kalaman laman ito. Napaupo siya sa may higaan. Napahawak siya sa kanyang ulo. Sumasakit ang kanyang ulo. Hindi niya malaman kung saan hahanpin ang kanyang anak.

“JOSELITO!! MAY ISA PANG PINTO RITO!” narinig niyang sigaw ng kanyang kasama sa ibaba.

Agad siyang napatayo saka bumaba ng hagdan.

“Saan?!” agad niyang tanong sa kasama.

Itinaas nito ang kamay saka tumuro sa isang lugar. Napatingin siya sa itinuturo nito. Sa ilalim ng hagdan.

Inilawan niya ito at hindi nga ito nagkakamali. May isa pang pinto rito. Hindi agad ito mapapansin dahil nakatago at madilim ang kinalalagyan.

Agad nya itong nilapitan saka binukasan. Tumabad sa kanya ang mga estante na puno ng mga bote. May iba’t ibang mga laman ang mga boteng ito na sa kanyang tingin ay mga parte ng kung anong hayop.

Iniikot niya ang tingin at napukaw ng kanyang atensyon ang hugis parisukat sa may sahig. May lalagyan pa ito ng lock at nakalagay pa dito ang lock na nakabukas.

Nilapitan niya ito at kinatok. Agad na binuksan niya ang  pintong ito.

May hagdan pababa ngunit hindi niya tanaw kung anong mayroon sa ibaba. Madilim ang paligid. Napatakip siya ng kanyang ilong pagka’t naaamoy na naman niya ang amoy ng isang bangkay.

Binuksan niya ang flashlight at nag ilaw sa ibaba. Nanlaki ang kanyang mga mata pagka’t may nakahiga sa may sahig.

“HUWAG KANG GAGALAW!” sigaw niya rito.

Humakbang siya sa may hagdan at kinapa ang gilid ng basement. Inaasahan niya an sira rin ang ilaw ngunit sa pagbukas niya nito ay bumukas din ang ilaw. Kanyang natanaw ang dalawang stretcher ang isang nilalang na nakahiga sa sahig.

Marahan niyang inobserbahan ang nilalang na ito kung bakit nakahiga sa may sahig ngunit napagtanto niya na isa na itong malamig na bangkay. Nagkalat ang tuyong dugo sa uluhan nito. Nilalangaw na, at may mga uod sa katawan.

Inikot niya ang paningin may mga gamit sa gilid na may mga alikabok. Mukhang hindi ginagamit ang silid na ito.

May mga kandila na itim sa paligid. May batsa sa bandang gitna na may laman na pulang likido. Marahan siyang bumaba habang hindi inaalis ang tingin sa nilalang na nakahiga.

Noong siya ay makalapit ay noon niya lamang napagtanto na tadtad din ang katawan ng saksak. Ag itim na suot nito ay naninigas na dahil sa mga natuyong dugo.

Sinilip niya ang mukha ng nilalang na ito. Si Teresa. Ang matandang si Teresa ang babaeng nakaratay sa sahig.

Patay na ito at wala ng hininga. Ngunit ang kanilang pinagtataka ay wala na itong buhay. Sino ang pumatay dito?

Isang pulis ang lumapit sa basement.

“May nakita pa kaming bangkay hindi kalayuan sa bahay. Isang babae na mukhang nahulog sa bangin. Patay na.”

Agad na umakyat si Joselito upang tignan ang narecover na bangkay ng pulisya. Labis labis ang kanyang kaba habang papalabas ng bahay.

Nakita niya ang nakatakip na puting tela na bangkay. Agad niya itong nilapitan. Nanginginig ang kanyang mga kamay na unti unting tinanggal ang telang puti.

Napahinga siya ng maluwag noong mapagtanto na si Maria ang babaeng ito.

Umaasa siya na buhay pa ang kanyang anak na si Carmen.

“Ipagpatuloy niyo ang paghahanap,” ani ni Joselito. “Dalawang tao pa ang nawawala. Ang anak ko at ang apo ni Teresa.”

Tumango naman ang mga ito saka muling umalis upang ipagpatuloy ang paghahanap sa dalawang taong nawawala.

“Carmen nasaan ka na ba anak ko?” ani ni Joselito habang nakatingin sa malayo. “Umuwi ka na anak. Nag aalala na ang iyong ina, at kuya. Ang tatay ay lubhang nag aalala na rin. Kung nasaan ka man ay sana ligtas ka.”

***

                Nagdaan ang mga araw,linggo, at buwan ngunit wala nang natagpuan pa ang team ni Joselito. Bigo silang mahanap si Carmen, at Gilda. Mismong pulisya na ang sumuko sa kanilang paghahanap.

Lubos na napuno ng pighati, at lungkot ang pamilya ni Carmen. Hindi nila matanggap ang kung ano man ang nangyari sa dalaga. Hanggang wala silang nahahanap na bangkay nito ay hindi sila titigil sa paghahanap ng nag iisang babaeng anak.

Sila ay magpapatuloy na hanapin ito hanggag sila ay humihinga. Umaasana na pagdating ng panahon ay magkita muli sila ni Carmen.

Habang si Joselito naman ay siyang nagpakalulong sa alak. Napakasakit sa kanya na wala na ang anak na si Carmen. Hindi niya matanggap. Sinisisi niya ang kanyang sarili. Pakiradam niya ay wala siyang karapatan na maging isang pulis ang kanyang mga mahal sa buhay ay hindi niya kayang protektahan.

Habang si Popoy naman ay sinisi rin ang kanyang sarili na dapat ay naging mas mahigpit pa siya sa kanyang kapatid. Hindi niya lamang dapat ito pinagalitan. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat na hindi na niya masyadong pinansin pa ang kapatid noong araw na iyon. Dapat ay mas naging mapag obserba siya.

***

Inilapag ng isang babae ang bulalak sa may puntod. Dinadalaw niya ang kanyang mahal sa buhay. Hawak hawak niya ang payong pagkat umuulan noong araw na iyon.

Napakunot ang kanyang noo noong makita niya ang isang babaeng nakasuot ng mahabang bestida. Sabukot ang buhok nito habang humuhukay sa lupa.

Nahintakutan siya sa ginagawa nito pagka’t hindi ito normal. Animo ay isa itong makina na tuloy tuloy ang pagbungkal sa lupa gamit ang sariling mga kamay.

Sa takot ng babae ay hindi na lamang niya ito sinita dahil baka pakalat kalat itong baliw sa may sementeryo. Tumalikod na lamang siya at iniwan ito.

***

“Tatlong babae ang natagpuang patay sa ilalim ng tulay ngayong hapon. Ayon sa mga pulisya ay mag iisang linggo ng patay ang mga babaeng ito. Wakwak ang dibdib at nawawala ang kanilang puso. Ayon sa pulisya ay wala ring dugo na makikita sa katawan ng mga biktima. Malinis na malinis ang mga ito. Kinilalang magkakaibigan ang tatlong biktima na ayon sa kanilang mga magulang ay naki sleep over lang sa bahay ng kanilang isa pang kaibigan. Ito ay pang ilan lamang sa mga biktima na mga natagpuan ng mga pulisya dito sa maynila. Ang hinala nila ay ibenebenta ang mga laman loob ng mga ito sa illegal na paraan sa black market.”

Rinig ng mga kumakain sa loob ng karinderya ang balita sa tv na nakasabit sa itaas ng dingding.

“Nako po! Sobrang nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Biruin mo. Ilan na iyan sa mga naging biktma ng mga sindikato. Ano na ang mga gagawin ng mga pulisya? Takot na takot tuloy ang mga tao ngayon dahil sa van na kumakalat na iyan. Puro mga kababaihan pa ang mga binibiktima nila. Mga dalaga,” ani ng may ari ng karinderya.

“Kaya nga yung dalaga ko ay hindi ko na pinapalabas lagi. Kung maari nga na dito na lamang siya sa bahay ay dito na lamang. Nakakatakot na ang mundo ngayo. Napakadaming halang ang bituka. Dapat sa kanila ay maparusahan. Death penalty!”

“Isa pa pong sabaw,” ani ng isang dalaga habang inaabot ang mangkok sa tindera. Napatingin naman dito ang tindera. Ang mga mata nito ay malalim at kitang kita ang eyebag sa ilalim ng mata. Ang labi nito ay namumutla na.

Sabukot ang kanyang buhok na animo ay hindi naligo ng ilang linggo. Ang ngipin nito ay naninilaw at nangingitim. Ang damit nito ay animo damit ng isang pulupi sa dumi.

Kinuha naman ng tindera ang inaabot na mangkok nito at napansin niya ang mga kuko nito na akala mo may taniman ng palay sa ilalim. Napangiwi ang tindera pagka’t nandidiri siya.

Kung hindi lamang ito nakakadagdag sa kanyang kita ay papalayasin na niya ito sa kanyang karinderya.

Sumalok na lamang siya muli ng libreng sabaw, at pagkatapos ay ibinigay sa dalaang nanghihingi sa kanya kanina.

Matapos kumain ni Gilda sa karinderya ay tumayo na siya saka nagbayad. Inabot niya ang kanyang saklay sa gilid at nagsimulang maglakad paalis pauwi ng kanilang bahay.

Pagkadating nya sa may inuupahang bahay ay napangiti siya sa kanyang pagbukas ng ilaw.

“Nay kumain ka na ba?” tanong ni Gilda sa isang bangkay na halos buto na lamang. Nakatingin ito sa kanya at tulala.

Bumaling naman si Gilda kay Dan na nakaupo sa gilid. Katabi nito ay isa pang bangkay ng dalaga na naagnas na. Ang bangkay ni Carmen.

“Huwag kayong mag – alala, tay, at Carmen. Malapit ko ng makumpleto ang mga puso. Mabubuhay ko na muli kayo,” ani ni Gila dala ang ngiti sa kanyang labi habang nakabukas ang itim na libro sa gitna ng lamesa.

ANG PAGTATAPOS

Related chapters

  • The Last Sacrifice   I

    Third Person Point of ViewPinunasan ni Gilda ang kanyang luha. Ito na ang huling araw ng burol ng kanyang mga magulang at ililibing na ito ngayon rin. Ayaw niya pang mapawalay dito ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan talaga ilibing ang mga patay.Hindi niya alam kung siya pupulitin ngayong nag – iisa na siya. Hindi niya rin makontak pa ang mga kapatid ng kanyang ina nasa ibang bansa. Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot nito ang mga mensaheng iniwan niya.Wala siyang alam sa mundo. Sanay siyang narito ang kanyang ama at ina upang umagapay sa kanya. Kumbaga ay isa siyang tao na kailangan pa na dumepende sa kanyang magulang.Nagulat siya noong may kumukha ng kabaong ng kanyang ama.“S-saan niyo po siya dadalhin?” tanong ni Gild sa lalaking bumubuhat ng ataul.Napatingin naman sa kanya ang isa sa mga lalaking nagbubuhat.“Inutos sa amin na isakay ito sa sasakyan dahil iuuwi siya ng probinsya,

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   II

    Third Person Point of ViewNagising si Gilda dahil sa malakas na ingay sa labas ng sasakyan. Agad siyang napaupo sa ppagkakahiga.Iiniikot niya ang kanyang mga mata. Gabi na. Halos hindi niya matanaw kung nasaan sila.“Gising ka na pala,” ani sa kanya ng kanyang lola Teresa. “Bumaba ka na riyan o gusto mong ang patay pa ang unang lumabas bago ikaw?”“Bababa na ho,” ani ni Gilda at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng sasakyan.Napatingin siya agad sa kanyang mga paa noong maputikan ito sa kanyang pagbaba.Nilamon ng putik ang puting sapatos niya. Gamit ang flashlight ng kanyang cellphone ay inilawan niya ito.“Kauulan lang kanina kaya basa ang lupa,” ani sa kanya ng drayber na si Andok.Medyo naiinis si Gilda dahil kalalaba niya pa lamang ng putting sapatos niya at mahirap tanggalin ang dumi nito. Kung alam niya nga lang ay sana ginamit niya na lamang ang tsinelas.

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   III

    Third Person Point of ViewMatapos magpalit ng damit ni Gilda ay kinuha na niya ang kandila sa may salamin at binuksan ang pinto upang bumaba.Muling nabalutan ng dilim ang kwarto ng maisarado niya ito.Dahan dahan siyang naglakad sa matandang kahoy ng 2nd floor ng bahay at napabaling siya sa kwarto ng kanyang lola Teresa.Nakita niya na bahagyang nakabukas ito. Ang akala ni Gilda ay isinara na ito ni Maria kanina. Napaatras siya ng mas bumukas pa ito ng bahagya.Nakaramdam siya ng malamig na hangin. Sa isipin niya ay baka nakabukas ang pinto nito sa kwarto. Ganoon naman talaga sa probinsya. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag gabi.Tinahak na ni Gilda ang hagdan paibaba. Pagbaba niya ay naabutan niya ang sala. Walang tao doon.Malaki ang espasyo ng sala ng bahay ng kanyang lola. May mga sofa na nakalagay sa bandang gitna. Hindi niya masyadong naaninag ang ibang bahagi dahil hindi sapat ang kandila para punan ang kadi

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   IV

    Gilda Point of View Napatingin ako sa lumang salamin sa aking kwarto. Malinis na malinis iyon. Siguro ay nilinis na ni Maria noong malaman niya na darating ako. Nakapagtataka lamang na hindi siya galit sa akin. Ang kwento sa akin ni ina ay galit pa nga raw si Maria sa kanya dahil siya ang pinili ni tatay. Hindi kaya ay nililinlang ako ng aking mga mata at hindi naman talaga mabuting tao si Maria? Nag babait – baitan lamang siya? Tulad ng mga napapanood ko sa telebisyon tuwing hapon. Tapos baka mamaya ay bigla na lang ako gawan ng masama nito. O kaya naman ay napipilitan lang siyang tanggapin ako dahil sa sinabi ni Lola Teresa at no choice talaga siya kaya tinanggap niya ako. Mayroon naman kasi talagang mga ganoong tao! Hays! Bakit ko ba iniisipan ng masama ang taong iyon? Wala naman na ako dapat pang ipagkabahala. May mga tao rin naman na na

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   V

    Gilda Point of View lNapamulat ako ng aking mga mata noong marinig ko ang boses ni Maria na tinatawag ako sa labas. *tok* *tok* *tok* Napatayo ako agad dahil sa sunod sunod na katok na ginagawa ni Maria. Napatingin ako sa may salamin at napansin ko na wala na ang tapis na inilagay ko roon kagabi. Napailing na lamang ako dahil baka nilipad lamang ng hangin. Ikinibit balikat ko na lamang at dumiretso sa pintuan ng aking kwarto saka binuksan ang pinto. Anong oras na ba at bakit nangangatok na ang binibini? Sa tyansa ko ay hindi pa naman sumisikat ang araw ng buo. Medyo makulimlim pa sa labas base sa nakikita ko sa butas ng aking bintana. Wala naman kasing orasan sa kwarto. Hindi pa naman ako

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong b

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Kakaiba?

    Maria Point of View Napainat ako ng mga kamay upang pawiin ang antok ng aking katawan. Katatapos ko lamang magsipilyo at ala singko na muli ng maga. Kailangan ko ng muling mamalengke para sa mga gagamitin namin ngayon sa bahay at pati na sa susunod pang mga linggo. Tamang tama ang magandang umaga na ito upang pahirapan ang bruhang anak ni Lilybeth. Wala pa ring sinasagot si Lola Teresa patungkol sa kalagayan ni Gilda. Sana lang talaga ay tumanggi siya dahil kung hindi ay mas mabwibwiset ako sa kanilang dalawa. Ayaw na ayaw ko pa naman na taliwas sa kagustuhan ko ang mga nangyayari. Matapos ko mag ayos ng sarili ay agad na akong pumunta sa sa kwarto ni Gilda. Nakalock ito nag subukan kong buksan

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Carmen

    Carmen Point of View “Sino iyon? Kakilala mo? Bakit mag kausap kayo?” tanong sa akin ng aking ina habang nagpapack ng mga asukal para sa aming paninda. Umiling iling naman ako habang tinitignan ang pinuntahan ni Gilda. “Hindi po,” ani ko sa kanya. “Mukha kasing bago siya rito kaya tinanong ko,” ani ko naman sa aking ina. “Mula raw siya sa manynila at umuwi lang dito dahil wala na siyang tutuluyan.” “Nako bakit? Nabuntis ba?” tanong sa akin ng aking ina. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko.

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status