Share

Kakaiba?

last update Last Updated: 2021-08-05 00:07:52

Maria Point of View

                Napainat ako ng mga kamay upang pawiin ang antok ng aking katawan. Katatapos ko lamang magsipilyo at ala singko na muli ng maga. Kailangan ko ng muling mamalengke para sa mga gagamitin namin ngayon sa bahay at pati na sa susunod pang mga linggo.

                Tamang tama ang magandang umaga na ito upang pahirapan ang bruhang anak ni Lilybeth. Wala pa ring sinasagot si Lola Teresa patungkol sa kalagayan ni Gilda. Sana lang talaga ay tumanggi siya dahil kung hindi ay mas mabwibwiset ako sa kanilang dalawa. Ayaw na ayaw ko pa naman na taliwas sa kagustuhan ko ang mga nangyayari.

                Matapos ko mag ayos ng sarili ay agad na akong pumunta sa sa kwarto ni Gilda. Nakalock ito nag subukan kong buksan mula sa ilabas. Ano ba ang tingin niya sa amin at pinaglolockan pa niya kami ng pinto. Tamang tama. Pwede ko itong magamit laban sa kanya. Pwede  ko ito gamitin pang sulsol kay Lola Teresa.

                Hay! Ang talino mo talag, Maria. Wala ng mas tatalino pa sa galing mong mag – isip.

Malakas kong kinatok ang pintuan ng kwarto para naman magising agad ang bruha sa loob. Ano siya si Cinderella o si snow white? Hindi siya prinsesa para matulog habang ako ang gumagawa ng lahat. Hindi pwedeng ako lamang ang mappagod sa araw araw noh! Ano pang silbi niya kung hindi siya tutulong dito sa bahay.

Kinatok ko muli ang kwarto ng sunod sunod dahil walang sumasagot. Sige huwag ka pang sumagot at kakalbugin ko na ang pintuan mo.

Ilang segundo akong naghintay ngunit wala pa rin akong natatanggap na responde mula sa babaeng bruha.

Ah ayaw mo akong pansinin ha!

Malakas kong kinalabog ang pinto ng kanyang silid ng magkakasunod at isinigaw ang kanyang pangalan.

“GILDA!!!” sigaw ko. “GILDAA!!”

Nakarinig ako ng kaluskos sa loob at maya maya pa ay nagbukas na ang pinto. Hapong hapo ang dalagang nakatingin sa akin.

“Miss Maria,” tawag niya sa akin. “Kayo pala ang kumakatok. Bakit po may sunod po ba?”

Aba malamang. Sino pa ba ang aasahan niyang kumatok sa kanyang pinto? Ang patay niyang ina na si Lilybeth? At anong sunog ang pinagsasabi nito?

Kinaldabog ko lang ang pinto ay may sunog na agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang sirain ang araw niya dahil hindi niya sinasagot ang aking pagtawag sa kanya?

Siguro nananadya ang babaeng ito. Siguro nga! Siguro hindi niya talaga ako sinasagot dahil alam niyang uutusan ko siya. Aba magaling pala itong bruha na ito. Hindi ako papayag. Ayaw pa niyang sumagot ha! Pwes dahil dyan ay mas lalo ko pa siyang papahirapan. Bwiset kang bata ka! Ayaw mo akong tulungan samantalang wala nama siyang gagawin sa bahay.

Dapat ay naglilinis na nga siya sa baba ng ganitong oras. Ano nanaman ba ang iniexpect niya? Tatawagin ko siya at gigising para utusan siyang gumawa ng mga gawaing bahay? Ano ako katulong niya at taga gising? Ano ba siya? Diba grade 11 na siya. Matanda na siya at dapat alam niya na ang mga responsibilidad niya bilang apo na nakikitira dito.

Narinig ko na may kumaluskos sa bandang kwarto ng Lola Teresa kaya naman hinawakan ko sa magkabilang balikat si Gilda na ikinagulat niya.

“Gilda! Ano ka ba!’ ani ko habang dala dala ang pag – aalala sa mukha at boses. “Kanina pa ako kumakatok sa pinto mo ngunit hindi ka sumasagot! PInag aalala mo ako masyado! Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo ngunit walang sumago sa akin. Akala ko ay may nangyari na sa yong masama!”

                Naramdaman ko ang presesnya ng hukluban na lumapit sa amin.

                “Ano ka ba Gilda!” ani ng Lola Teresa na lihim kong ikinangiti dahil batid sa boses nito ang inis. “Tulog mantika ka ba at hindi ka magising? Nagising pa tuloy ako sa komosyon dito! Ano na Maria? Ngayon pa nga lang ay pinag aalala ka na niya paano pa kaya kapag hinayaan ko ng lumabas iyang babaeng alaga mo sa bahay! Baka mas lalong pasakitin niyan ang ating mga ulo.”

                “Baka malalim lang po talaga ang tulog ni Gilda,” ani ko naman dito at kunwari ay ipinagtatanggol ko ang asang asa na bruha.

                “Pasensya na po, hindi ko agad naulinigan ang katok ang tawag ni Miss Maria. Mahimbing po kasi ang pagkakatulog ko,” ani naman ni Gilda.

                Ows? Talaga? Bakit hindi niya na lang sabihin na ayaw niya kasi akong tulungan.

                “Mga abala kayo sa tulog ko!” madiin na sabi ni Lola Teresa. “Sana next time huwag mo ng ilock ang pinto mo para hindi na kailangan mangalabog pa ng pinto si Maria dahil dinig na dinig ko sa kwarto ko!”

                “Opo, pasensya na p Lola Teresa,” ani ni Gilda.

                Buti nga sa iyo. Sige pagalitan mo pa iyan tanda.

                Tumalikod naman na si Lola Teresa at bumalik sa kanilang kwarto.

                “Nako, pasensya ka na,” ani ko sa kanya. “Nag alala lang naman ako kaya ako sumigaw dito. Akala ko kasi ay may nangyari ng masama sa iyo.”      

                “Ayos lang po,” ani nito sa akin at hinawi ang buhok mula sa mukha. “Naiintindihan ko pong nag- aalla lang kayo para sa akin. Wala po kayong dapat ihingi ng patawad. Yun nga lang ay mukhang nagalit sa akin ang Lola Teresa.”

                Nag – aalala? Asa ka! Ni kahit gatiting ay wala akong pag aalala sa iyo. Kahit nga mamatay ka pa. Mas mabuti ngang mamatay ka na para wala ng hadlang sa buhay ko. Sa tuwing nakikita kita ay kumukulo ang dugo ko. Kailangan ko pang mag pangggap na mabait sa araw araw kahit hindi naman dapat.

                Tama lang na mas magalit pa sa iyo ang Lola Teresa para hindi ka na makapag –aral. Susulusulan ko ang matanda para mawalan ito ng tiwala sa iyo. Tutulungan kitang mapalayo ang loob mo sa kanya hanggang sa bandang huli ay ikaw na lang ang susuko.

                “Nako, alam mo naman ang Lola Teresa mo, masungit,” ani ko sa kanya. “Pero mabait iyan. Ganyan lang talaga. Huwag mo na siyang intindihan pa.”

                Joke lang. Mas bruha pa sa bruha ang Lola Teresa mo. Kaya nga nattakot ang lahat na lumapit sa kanya dahil sa sama ng kanyang ugali at hindi lamag iyon. May isang bagay na kinatatakutan ng lahat sa kanya.

                Wala sa diksiyonaryo ng Lola Teresa ang salitang mabait noh.

                “Oo nga pop ala,” ani ni Gilda sa akin. “Bakit pop ala kayo nangangatok.”

                “Magpapasama sana ako sa bayan upang mamalengke,” ani ko sa kanya at ngumiti. “Ayos lang ba? Medyo nanghihina kasi ang mga kamay ko at kay rami kong dapat bilhin ngayon. Naisip ko nab aka pwede ay samahan mo ako.”

                “Oo naman p,”sagot niya sa akin. “Sige po at magbibihis lamang ako at susunod ako sa ibaba.”

                “Baka naman makatulog ka uli ha,” biro ko sa kanya.

                “Ay hindi po,” sagot nito sa akin at tumawa.

                Dapat lang! Subukan niya lang uli na tulugan ako ay malilintikan siya. Hindi niya ako pwedeng paghintayin!

                “Sige at bababa na ako,” paalam ko sa kanya.

                Tumango naman siya habang ako ay tumalikod na.

Gilda Point of View

                Napatitig ako sa paligid habang naglalakad kami palabas sa highway ni Miss Maria. Grabe napakalawak at ni wala man lang kaming kapitbahay.

                Napakalayo din ng aming nilalakad. Literal na nasa gitna kami ng bukid.

                “Wala po ba talagang dumadaan na tricycle dito or jeep man lang?” tanong k okay Miss Maria habang hawak hawak ang mga bayong sa aking kamay.

                “Nako wala,” ani ni Maria sa akin habang hawak ang kanyang mahabang palda at naglalakad. “Sino naman ang pupuntahan nila dito? Wala naman silang pasahero dito. Tayo lamang ang tao sa lugar na ito.”

                Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ng driver noong isang araw noong bagong dating ako dito.

                “Bakit naman po wala tayong kapit bahay kahit isa?” tanong ko kay Maria ngunit tanging ngiti lamang ang isinagot niya sa akin.

                “Hindi ba kayo natatakot na baka looban ang bahay ng mga magnanakaw o kaya naman ay baka may masamang tao ang manghimasok sa atin at patayin tayo? Wala man lang tayo mahihingan ng tulong agad.”

                Napatawa naman ng mahinhin si Maria sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa aking sinabi. May mali ba sa aking tanong?

                “Ano ka ba, hindi ba at nasabi na sa iyo?” tanong nito sa akin. “Wsalang sino man ang magtatangkang gumawa ng mga bagay na iyan sa lupa ni Lola Teresa. Sila ang takot sa amin.”

                Nagtaka naman ako sa kanyag sinabi. Paanong sila ang takot sa kanila. Baka isang baril o saksak lang sa amin ng mga masasamang tao ay mamatay kami.

                Hindi lang pala maganda si Maria kung hindi ay matapang din. Kung ako ay baka maiyak na lamang ako habang nagdadasal.

                “Bakit po matatakot sa inyo?” tanong ko sa kanya.

                “Basta,” ani nito sa akin habang nakangiti. Iyan nanaman ang mga ngiti niyang nakakapanindig balahibo. “Malalaman mo rin.”

                Parang ayaw ko ng malaman. Natatakot ako dahil sa mga ngiting ibinibigay niya. May laman ang mga ito at kakaiba. Isang ngiting tila puno ng hilakbot na gagapang sa aking katauhan.

                “Malayo po ba ang bayan dito?” tanong ko ‘kay Maria.

                Hindi nama kasi ako pamilyar sa lugar na ito. Ngayon ko pa lang ito napuntahan. Kung napuntahan man namin dati ay hindi ko na matandaan pa.

                “Oo, medyo malayo ang bayan dito. “Halos thirty minutes din kung gagamt tayo ng sasakyan. Ngunit wala masyadong dumadaan na sasakyan dito. Kailangan pa nating maglakad muli ng kaonti sa highway para makahanp ng masasakyan patungo sa bayan.”

                Gusto ko na lang lumuhod at humiga sa lupa sa layo. Kanina pa kami naglalakad ni Maria at tila wala namang hanggang. Puro bukid lamang ang aking nakikta. Napakatahimik sa lugar na ito pero hindi kapayapaan ang nadarama ko kundi parang isang tahimik na dagat na nagbabadya ng nakatagong panganib. Grabe ang creepy. Nainindig lahat ng balahibo ko.

                “Magkano po pamasahe hangang bayan?” tanong ko muli.

                “One fifty pesos kada isang tao kapag tricycle ang gamit pero kung jeep naman ay eighty pesos lamang,” sagot niya sa akin. “Ngunit bibihira ang jeep dito. Meron sa bayan ngunit may oras ang larga ng bawat jeep doon.”

                Grabe ang mahal naman. Sa maynila ay ilang sakayan na iyan.

***

                Napapatingin ako sa mga tinderang nakatingin sa akin at kay Maria. Hindi ko alam kung bakit tingin sila ng tingin at hindi nagsasalita. Dahil ba bago ako dito at isa akong taga maynila? Sabi nga nila ay artistahin ka daw sa probinsya kapag galing kang maynila.

                Kapag naman nginingitian ko sila ay agad nilang iniiwas ang kanilang mga tingin. May problema ba? Parang hindi palengke ang pinuntahan namin. Tahimik sila at hindi nagsasalita.

                Hindi ko alam kung kung paanong nangyari iyon. Kanina rin sa jeep ay pinagtitinginan ako at ang tahimik tahimik. Noong medyo hindi pa kami nakakapasok sa palengke ay naririnig ko na nag ingay ngunit ngayon na nasa loob na kami ay tahimik ang mga tao. Tanging sibak lang ng kutsilyo sa may karne ang naririnig ko.

                Ano bang mga problema nila?

                “Bakit po nila tayo tinitignan kanina pa?” tanong ko kay Maria habang siya ay namimili ng mga gulay.

                “Dahil takot sila sa atin,” ani ni Maria sa akin. “Makapangyarihan kasi tayo.”

                Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Ang weird. Parang hindi ko nagets ang nais niyang sabihin sa akin. Yung totoo? Jinojoke niya ba ako?

                “H-hi?” bati ko sa isang tindera sa kabilang estante ngunit hindi ako pinansin at pinaypayan na lamang ang kanyang mga tinda upang hindi langawin.

                Grabe naman ate. Ang harsh mo naman sa akin. Parang nakiki hi lang eh.

                Pakiramdam ko talaga may mali. Ano ba kasi iyon? Bakit hindi nila sabihin sa akin o sa amin? May tagos ba ako sa likod? May butas ba ang damit ko? May dumi ba sa mukha ko?

                Oh no! agad akong naghanap ng mapagsasalaminan. Baka mamaya feeling maganda ako dito iyon pala ay may kulangot ako sa mukha.

                Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ang sarili ko sa repleksyon. Ayos naman ang aking itsura. Bakit pinagtitinginan nila kami na parang may mali.

                Lumapit na lamang uli ako kay Maria.

                “Miss Maria, saan po pala ang loadan ng sim card dito para makapag data ako,” tanong ko sa kanya.

                “Kaliwa ka lang diyan sa dulo,” aniya sa akin. “Magpaload ka na habang namimili ako dito ng mga gulay.”

                “Sige po,” ani ko at sinundan naman ang sinasabi niya.

                Madali ko lamang itong nakita dahil nakapaskil ang isang malaking karatula sa taas ng tindahan nito na nagsasabing ‘Load na Dito. All network’

                “Hi pwede pong magpaload?” ani ko sa tindahan.

                “Sige ano ang number mo?” tanong ng babae at kinuha ang phone niya sa gilid na lamesa.

                Ibinigay ko naman ang number ko sa kanya.

                “Hi, anong pangalan mo?” tanong ng isang babae sa gilid. Tansya ko ay mag kasing edad lang kaming dalawa. “Bago ka dito?”

                Wow for the first time may nagsalitasa harap ko ngayon dito sa palengke.

                “Hello,” bati ko sa kanya. “Ako si Gilda. Yes bago ako dito. Kadarating ko lang last week. Three days pa lang ako dito. Ikaw, anong pangalan mo?”

                “Carmen,” ani nito. “Ako si Carmen. Anong grade mo na? Parang magkasing grade lang tayo.”

                “Grade 11 na ako this coming pasukan. Ikaw ba?” tanong ko.

                Nagliwanag naman ang mga mata nito.

                “Wow, nice! Same level tayo,” ani ni Carmen sa akin. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay. “Nagagalak akong makilala ka. Gilda?”

                Inabot ko naman ito ng aking kamay.

                “Gilda??” tanong nito.

                “Gilda Hussein,” sagot ko sa kanya. Nakita ko na nagulat siya sa aking sinabi.

                “Hussein? Lola mo si Teresa?” tanong nito sa akin.

                Namangha naman ako na kilala niya ang aking lola.

                “Oo, Lola ko nga siya,” ani ko dito.

                Napansin ko na agad napabitaw ng kamay sa akin si Carmen. Iniilag niya ang kanyang mga mata at itinuon sa iba ang kanyang atensyon. Medyo nabastusan ako pero naalala ko na may mali nga pala sa mga kinikilos nila.

                “Bago lang ako dito,” ani ko sa kanya. “Hindi ko alam kung bakit ganito niyo kami itrato. May nagawa ba kaming masama?”

                “Bakit ka nandito?” tanong ni Carmen sa akin na hindi ako tinitignan at busy kakakutkot ng paninda nila.

                “Namatay na kasi ang parents ko,” ani ko sa kanya. “Taga maynila ako talga kaso wala na akong tutuluyan kaya naman inampon  na ako ni Lola Teresa at inuwi rito sa kanilang probinsya.”

                Noong sinabi ko iyon ay tumingin sa akin si Carmen.

                “So wala kang alam?” tanong niya sa akin.

                Naguluhan naman ako s aibig niyang sabihin. Hindi ko mabatid kung ano ang kanyang tinutukoy.

                “Na alin? Ano ang dapat kong malaman?” tanong ko sa kanya at napatitig sa kanyang labi kung ano ang kanyang sunod na isasagot.

                “GILDA!” napatingin ako gilid ng may tumawag sa akin. Nakita ko roon si Maria na may hawak na supot ng mga gulay habang nakangiti sa akin. “Tapos ka na ba riyan? Halika na at lilipat na tayo ng tindahan.”

                Napatingin naman ako kay Carmen ngunit nakatalikod na ito sa akin.

                Kunot ang aking mga noo habang iniiisip kung bakit ganito sila umakto sa harap ni Maria. Ano ang meron? Ano ang hindi ko alam? Dapat ko pa bang alamin? Ngunit paano? Ano iyon? Hindi ko maintindhan.

                Tumalikod na rin ako at lumapit kay Maria.

                “Alam mo ba magpaload?” tanong niya sa akin.

                “Opo,” sagot ko habang pinagmamasdan siya.

                “Bakit ang tagal mo?” tanong niya sa akin.

                “Ah, sorry napatingin ako sa mga tinda nila,” ani ko sa kanya at iniiwas ang aking tingin.

                “Ganun ba,” ani nito at naglakad. “Sige tara na.”

Related chapters

  • The Last Sacrifice   Carmen

    Carmen Point of View “Sino iyon? Kakilala mo? Bakit mag kausap kayo?” tanong sa akin ng aking ina habang nagpapack ng mga asukal para sa aming paninda. Umiling iling naman ako habang tinitignan ang pinuntahan ni Gilda. “Hindi po,” ani ko sa kanya. “Mukha kasing bago siya rito kaya tinanong ko,” ani ko naman sa aking ina. “Mula raw siya sa manynila at umuwi lang dito dahil wala na siyang tutuluyan.” “Nako bakit? Nabuntis ba?” tanong sa akin ng aking ina. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko.

    Last Updated : 2021-08-05
  • The Last Sacrifice   Chismis ba?

    Gilda Point of View “Paano po kayo nagkakilala ni Tatay Dan?” tanong ko kay Maria habang patuloy niyang hinahagod ang aking buhok. Kita ko sa salamin kung paanong lumiwanag ang kanyang mukha at paanong ngumiti ang kanyang labi at mata. Mukhang talagang gustong gusto niya ang tatay ko. Parang iba naman ang tunay na ugali niya sa naririnig kong kwento dati ni nanay sa akin. Baka nagbago na talaga si Maria dahil nakapag isip isip na siya ng tama. “Nakilala ko ang tatay mo sa isang parke,” ani nito sa akin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Bata pa lang kami noon at

    Last Updated : 2021-08-06
  • The Last Sacrifice   Ano sila

    Maria Point of View Napairap ako paglabas ko ng pintuan. Gusto kong sabunutan ang bruha na iyon ng tawagin niya akong nanay. Buti na lamang at kaya kong magpigil sa inis. Nakakadiri! Nakakasuka. Hindi ba siya nahihiya sa akin? Sana ay hindi niya na lamang itinuloy ang pagtawag sa akin ng salutasyon na iyon. Pareho rin naman namng gusto. Pero sabagay, kung narito man si Lilybeth ay baka naiinis na iyon habang pinapakinggan ang sariling anak niya na tinatawag ang kanyang mortal na kaaway na ina. Hinawi ko ang mahahabnag buhok na lumadlad sa aking mukha at inipit ko iyon sa aking likuran na tainga. Si

    Last Updated : 2021-08-07
  • The Last Sacrifice   Kwarto

    Gilda Point of View “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito. “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.” Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Last Sacrifice   Parusa

    Gilda Point of View “Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon. Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call. Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay. “Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.” “Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.” &nbs

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Last Sacrifice   Paunang Dasal

    Maria Point of View Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone. ‘Anak yan ni Dan.’ Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan. Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid. “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko haba

    Last Updated : 2021-08-11
  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View “Sa kwarto ko po kanina may nakita akong tatlong babae,” ani ko kila Maria habang kumakain kami ng hapunan. “Nasa likuran ko sila habang nagsasalita sila ng hindi ko maintindihan na lengwahe para silang… para silang nagdadasal.” Napatawa naman si Maria sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa? Seryoso ako! Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwng maaalala ko iyon. “Tumititig ka ba sa salamin?” tanong ni Maria sa akin. “Paano niyo pong nalaman? Bigla po kasing natanggal ang telang tinakip ko rito kaya napatingin ako,” sagot ko naman sa kanya. Anong meron sa salamin? May multo ba roon? Tokwa! Nakaka

    Last Updated : 2021-08-12
  • The Last Sacrifice   Sikreto

    Third Person Point of View “Ilang taon na po kayo?” tanong ni Gilda habang sinusuklay siya ni Maria. “Alam mo bang hindi mo dapat itinatanong iyan sa mga babae,” ani ni Maria at nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok ni Gilda. “Pasensya nap o,” ani naman ni Gilda. “Ang ganda ganda po kasi ng kutis niyo. Pang artista. Oo nga po pala, nabanggit niyo sa akin na ituturo niyo ang sekreto ng makinis at batang balat. Pwede niyo na po bang ituro sa akin?” Ngumiti naman si Maria habang sinusuklay ang buhok ni gilda.  

    Last Updated : 2021-08-13

Latest chapter

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status