Share

Paunang Dasal

Author: Maharlikang Pilipina
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Maria Point of View

                Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone.

                ‘Anak yan ni Dan.’

                Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan.

                Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid.

                “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko habang paikot ikot ang tingin sa aking paligid dahil baka lumabas na ang nilalang na bumubulong sa akin.

                ‘Kaya mo bang patayin ang anak ng pinakamamahal mong lalaki?’

                “Bakit hindi??!” galit na tanong ko. “Kung anak niya naman iyon sa iba! Papatayin ko siya! Lalo na at hadlang siya sa aming pagmamahalan!”

                ‘Akala ko ba ay ituturing mo na siyang anak. Hindi ba at tinawag ka niyang nanay.’

                Itinutok ko ang kutsilyo sa hangin at tinignan ang bawat parte ng bahay.

                “Manahimik ka!” sigaw ko habang sumasakit ang aking ulo. “Kahit kailan ay hindi ko matatanggap na anak ang bruhang iyon! Hindi ko kailanman mamahalin ang anak ni Lilybeth! Siya ang pinaksalot sa buhay ko. Inagaw ng nanay niya sa akin si Dan! Sinira niya ang relasyon naming dalawa. Mas nanainisin ko pang mamatay kaysa maging nanay ng batang bruhang iyon.”

                ‘Hindi na ba magbabago ang iyong isip? Hindi mo ba nakikita ang itsura ni Gilda? Kamukha kamukha siya ng lalaking mahal mo. Si Dan. Hawig na hawig siya ng tatay nya.’

                Umikot ang aking paningin.

                ‘Isa siyang ebidensya na natalo ka ni Lilybeth sa komptensya. Siya ang pinili ni Dan at hindi ikaw. Isa kang talunan na babae. Isang babaeng walang kwenta dahil natalo ng kaagaw niya!’

                Matapos ay tumawa ang nilalang na nagsasalia. Mas umikot pa ang paningin ko at hindi ako makapagsalita.

                Napahawak ako sa aking ulo at kumikirot ito. Rinig na rinig ang tawa ng nilalang sa aking isipan at sobrang sumasakit ang ulo ko sa tawa niya.

                “TAMA NA!!!” sigaw ko. “TIGILAN MO AKO!!!!!”

                Tumigil naman ang pagtawa kaya kumalma ako ng kaonti.

                ‘Hindi ka pa ba gagawa ng gamot? Baka mamaya malaman ni Gilda na nasa kwarto mo ang tatay niya dahil nangangamoy na ang bangkay nito.’

                Nanlaki ang aking mga mata.

                “Gamot? Tama! Kailangan kong gumawa ng pabangong gamot upang bumango si Dan!”

Agad akong nagtungo sa may ilalim g hagdan at binuksan ang pinto nito. Tumambad sa akin ang mga gamit namin ni Lola Teresa at ang kumakaldabog na pintuan sa baba.

Tinadyakan ko ang pintuan ng ilang beses at hindi na muling kumaldabog ito.

Dumiretso ako sa mga estante at isa isang kinuha ang mga kailangan ko. Tama, ito. Kailangan ko ito. Saka ito pa. At ito pa!

Pagkatapos  ay lumabas na ako gng kwarto sa ilalim ng hagdan at nagtungo sa kusina. Kailangan ko na agad makagawa ng gamot upang hindi magduda si Gilda. Isa pa ay papagalitan ako ng Lola Teresa kapag nalaman niya na may amoy na lumalabas sa aking kwarto.

Siguradong katakot takot na talak na naman ang aabutin ko. Kay tanda na ay hindi pa rin nauubusan ng boses ang byudang iyon. Bakit ba kasi hindi pa ito mamatay matay. Sabagay, mahirap mamatay ang masamang damo. Sa sobrang sama niya ay ilang taon na siyang nabubuhay sa mundo.

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at hiniwa ang aking daliri saka itinapat sa ginagawa kong pabango. Matapos pumatak roon ang ilang dugo mula sa akin ay sinpsip ko naman na ang aking daliri upang mawala na ang dugong lumalabas doon.

Naglagay ako ng iba pang mga ingredient sa kawang hinahalo ko. Siguradong mabangong mabango ito dahil magaling ako. Wala ng maaamoy pa si Gilda. Mas mabibighani siya sa pabangong ito at hindi na siya magrerelamo.

‘Sa tingin mo ay sapat na iyan?’

“Sigurado akong sapat na ang pabangong ito upang takpan ang umaalingasaw na amoy ni Dan,” sagot ko. “Hindi na siya magtataka.”

‘Paano kung isumbong ka niya sa Lola Teresa upang kuhanin ang tiwala nito?’

“Subukan niya lamang at puputulin ko ang kanyang dila ng sa ganoon  ay hindi na niya magamit ito,” sagot kong muli habang naghahalo. Naamoy ko ang aroma na nanggaling sa hinahalo kong likido. Napakabango!

Gilda Point of  View

                Napatingin ako sa aking likuran. Akala ko ay may tao rito sa likod ko kanina pa na nakatayo. Bigla tuloy akong kinabahan.

                Napatayo ako sa aking pagkakahiga. Nahanap na kaya ni Maria kung saan nanggagaling ang masangsang na amoy? Siguro pagpasok niya ng knayang kwarto ay halos masuka siya dahil umalingasaw.

                Icheck ko nga siya. Baka kailangan niya ng aking tulong.

                Ichinarge ko ang aking phoe at naglakad ngunit napatigil ako noong mahulog ang takip ng salamin.

                Napalunok ako at napatingin sa sarili kong repleksyon. Sakto na nasa tapat ako nito noong mahulog ang telang ipinangtakip ko rito.

                Napailing na lamang ako at pinulot ang tela upang takpan uli ito. Easy, Gilda. Huwag mong takutin ang iyong sarili.

                Inayos ko ang tela at tinakpang mabuti ang salamin. Akmang aalis na muli ako noong mahulog muli ang tela mula sa salamin. Napaatras ako sa nangyari.

                Malakas na bumukas ang mga bintana at pumasok ang malakas na hagupit ng hangin.

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

Napatakip ako ng mga tenga noong makarinig ako ng mahinang bulong sa aking gilid. Malapit lang. Tila malapit lang sa akin ang bulong na iyon ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.

Ano ang sinasabi nila?  Tila… tila ang daming bumubulong…

Inikot ko ang aking paningin. Walang tao sa loob ng aking silid kung hindi ako lamang! Saan nanggaling ang tunog na iyon?!

Napatngin ako sa salamin at nagulat ako noong makita ang tatlong nilalang sa may likuran ko. Nakatayo ito at nakasuot ng itim. Nakatakip ang mga mukha ng itim na belo na tanging bibig lamang ang iyong makikita.

Malakas na kumabog ang diddib ko. Bumubulong sila! Ang mga bibig nila ay gumagalaw ng maliit na galaw.

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

‘Swhshshs’

Unti unti kong pinihit ang aking mga mata sa aking gilid.

Isinunod ko ang aking leeg at unti unting lumingo sa akin likuran. Lakas loob akong tumingin ng mabilis sa aking likuran.

Wala! Walang tao! Walang tao sa likuran ko! Tanging aparador lamang.

Nawala rin ang mga bulong. Tumingin ako sa salamin. Wala na sila! Wala na ang mga babaeng kanina ay nakita kong nakatayo sa lkuran ko.

Agad kong pinulot ang tela at tinakpan ang salamin. Kinikilabutan ako habang ginagawa ito. Dinaganan ko rin ito ng maliit na bagay sa taas ng sa ganoon ay hindi na hanginin o matanggal.

Dumiretso ako sa bintana at isa isang isinara ito at nilock. Anak ng tokwa! Paanong nabuksan ang mga ito kung nakalock naman in the first place? Ganto ba talaga ang hangin sa probinsya? Kayang kaya mag bukas ng mga saradong bintana?!

Akmang isasarado ko na ang huling bintana ng kusang napatingin ang tingin ko sa may bukid. Madilim na rin pala ang paligid at…

At may taong nakatayo sa dulo! Shemay! Bakit may tao roon? O madilim lang kaya akala ko meron?

Inilapit ko ang aking mukha sa labas ng bintana at tinitigan ang dulong bahagi mabuti. Kumurap kurap pa ako.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko. May tao nga! Isang babae… babaeng nakabelo… nakasuot ng itim at nakatingin sa banda kung nasaan ako.

Bigla itong tumakbo! Papunta sa… papunta sa akin!

Napasigaw ako ng malakas at agad na tumakbo palabas ng aking kwarto. Iniwan ko na lamang ang aking bintana.

Agad akong kumatok sa pintuan ni Maria.

Katok! Katok! Katok!

Tokwa! Bakit walang sumasagot! Baka nasa baba siya!

Dali dali akong bumaba ng hagdan at halos talunin ko na ang mga baitang.

At napatid pa ako! Napatid ako sa gitna ng mga baitang. Sumubsob ang aking mukha sa semento.

Napatingin ako sa may pintuan noong makita ko na may tao roon. Agad akong napaatras at ang sakit ng paa ko. Hindi ko magawang makatayo at nakapako ang tingin ko sa hindi ko maaninag na tao.

“AHHHHHH!!!!” sigaw ko.

Narinig ko ang ilang yabag na patungo sa akin.

“Gilda, anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw??” isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Si Maria iyon!

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya. Napatingin naman ako sa may pintuan muli.

“Napaano kang bata ka?” tanong ng tao sa pintuan. “Ano ang isinisigaw mo riyan?! Mukha ba akong multo?!”

Tila natauhan ako at napatingin mabuti sa may tao sa pintuan. Tuloy tuloy na pumasok sal loob si Lola Teresa habang nakatungkod.

Napaisip ako kung siya ba ang nakita kong tumatakbo kanina. Pero… matanda na siya at hindi siya makakatakbo ng ganoon kabilis.

“May nakita po akong tao sa labas ng bahay kanina,” ani ko sa kanila. “Tumatakbo ito ng mabilis papunta sa bahay natin! Nakakatakot! Nakasuot po ito ng itim.”

“Kung ano ano kasi ang binabasa mo kaya nagkakaganyan ka,” ani naman sa akin ni Lola Teresa. “Maria nakaluto ka na ba?”

“Opo,” sagot naman ni Maria. “Pwede na tayong kumain. Tara na, Gilda?”

Napatingin naman ako kay Maria. Parang balewala lang sa kanila ang sinasabi ko! Ano bang akala nila? Gumagawa lang ako ng kwento?

Related chapters

  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View “Sa kwarto ko po kanina may nakita akong tatlong babae,” ani ko kila Maria habang kumakain kami ng hapunan. “Nasa likuran ko sila habang nagsasalita sila ng hindi ko maintindihan na lengwahe para silang… para silang nagdadasal.” Napatawa naman si Maria sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa? Seryoso ako! Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwng maaalala ko iyon. “Tumititig ka ba sa salamin?” tanong ni Maria sa akin. “Paano niyo pong nalaman? Bigla po kasing natanggal ang telang tinakip ko rito kaya napatingin ako,” sagot ko naman sa kanya. Anong meron sa salamin? May multo ba roon? Tokwa! Nakaka

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Sikreto

    Third Person Point of View “Ilang taon na po kayo?” tanong ni Gilda habang sinusuklay siya ni Maria. “Alam mo bang hindi mo dapat itinatanong iyan sa mga babae,” ani ni Maria at nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok ni Gilda. “Pasensya nap o,” ani naman ni Gilda. “Ang ganda ganda po kasi ng kutis niyo. Pang artista. Oo nga po pala, nabanggit niyo sa akin na ituturo niyo ang sekreto ng makinis at batang balat. Pwede niyo na po bang ituro sa akin?” Ngumiti naman si Maria habang sinusuklay ang buhok ni gilda.  

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Angkin

    Third Person Point of View Napatingin si Maria sa matandang pababa ng hagdan. Pang – ilang araw na ito ng matanda na aalis ng kanilang bahay. “Magandang umaga, Lola Teresa,” tawag ni Maria dito kaya napatingin sa kanya ang matanda. “Aalis muli kayo?” “Oo, may kailangan akong asikasuhin,” sagot naman sa kanya ng matanda habang pababa ng hagdan. “Ikaw na muna ang bahala rito, Maria.” “Hindi po ba nila ako hinahanap sa inyo?” tanong ni Marai at ngumiti. 

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Alaala

    Maria Point of View Inilapag ko ang mga plato sa hapag habang pasilip silip sa aking anak na si Gilda. Busy ito sa pag cecellphone. Ano naman kaya ang tinitignan niya sa maliit niyang cellphone? Kinuha ko ang isang mangkok upang salinan ng mga ulam. “Anak,” tawag ko sa kanya habang nagsasalok ng pagkain. “Ano ang pinagkakaabalahan mo riyan? Kausap mo ba ang iyong mga kaibigan?” “Nag – isscroll lang pos a facebook,” sagot niya sa akin na ang mga mata ay hindi inaalis ang tingin sa hawak hawak na bagay. “Hindi ko pa po nakakausap ang mga kaibigan ko. Busy pa sila kaya hindi ko pa sila maimbita. Isa pa ay malapit na rin ang pasukan. Baka mag alangan sila na pumunta pa ng probinsya.”

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Pangalawang Simula

    Gilda Point of View Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan. Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya. Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na. Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin. Unti – unti

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Dugo

    Gilda Point of View Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan. Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya. Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na. Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin. Unti – unti kong itinaas

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Pagbabago

    Gilda Point of View Kinuha ko ang panghilod sa may sabunan ng banyo. Hindi sa banyo ng may bath tub ng dugo na napupuno ng uod kundi dito sa palikuran na may shower at totoong tubig. Gusto kong maiyak kanina sa ginawa ni Maria. Muntik ko na syang mamura at masabunutan dahil sa ginawa niyang pang lublob sa akin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil mas matanda pa rin siya sa akin kahit papaano. Napasuka pa ako ng marami dahil sa lansa at sa tuwing naiisip ko iyong ginawa niya ay nais kong maiyak. Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Feeling ko maninikit ang mabahong amoy sa akin. Bwiset kasi! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko tapos nilublob pa ako. Sino naman ang matutuwa sa ganoon diba?

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Last Sacrifice   Bagong Kakilala

    Gilda Point of View Kinuha ko ang panghilod sa may sabunan ng banyo. Hindi sa banyo ng may bath tub ng dugo na napupuno ng uod kundi dito sa palikuran na may shower at totoong tubig. Gusto kong maiyak kanina sa ginawa ni Maria. Muntik ko na syang mamura at masabunutan dahil sa ginawa niyang pang lublob sa akin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil mas matanda pa rin siya sa akin kahit papaano. Napasuka pa ako ng marami dahil sa lansa at sa tuwing naiisip ko iyong ginawa niya ay nais kong maiyak. Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Feeling ko maninikit ang mabahong amoy sa akin. Bwiset kasi! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko tapos nilublob pa ako. Sino naman ang matutuwa sa ganoon diba? Para siyang bida bidang kaklase ko. Although nag sorry naman na siya

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status