Gilda Point of View
Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan.
Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya.
Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na.
Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin.
Unti – unti kong itinaas ang aking mukha at iginawi sa kanya ng dahan dahan ang aking tingin. Agad ko rng ibinalik ang tingin ko sa aking plato sa may lamesa.
Sh*t! Sh*t! Sh*t! Nakatingin siya sa akin habang ngumunguya, at ang kanyang mga labi kahit ginagamit niya sa pagkain ay nakangiti pa rin. Ang weird.
Kinikilabutan ako. Pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin.
Tumikhim ako at dumiretso ng ayos. Huwag kang matakot, Gilda! Si Maria lamang ang kaharap mo. Walang nakakatakot doon. Nakangiti lamang siya at…
At nakatingin sa iyo…
Normal lang iyon! Tama! Normal lamang iyon. Normal na tignan ka ng isang tao pero…
Pero…
Pero normal ba na halos isang oras ka na niyang tinititigan? Buti sana kung si crush ang nakatingin sa akin kahit dalawang oras pa yan maiintindihan ko dahil malay mo baka nagagandahan siya sa akin pero si Maria?
OH! Baka nagagandahan rin siya sa akin. Dahil ba hawig na hawig ko si Tatay Dan? Anak ng tokwa, Maria please parang awa mo na huwag mo akong titigan ng ganyan. Natatakot ako ng sobra.
Napakagat ako sa aking labi. Kahit anong isip ko ay hindi normal ang kanyang pagtitig.
Tila may dumadaan na anghel ngayon sa aming hapag kainan at napupuno ng katahimikan ang buong kainan habang…
Habang nakatitig siya sa akin.
Tumulo ang pawis ko sa aking mukha. Pinagpapawisan na ako dahil sa kanya.
Mukha akong tanga dito na pilit pinatatatag ang loob ko kahit dumadagundong na sa kaba ang aking dibdib.
Hindi niya naman siguro naririnig ang pagtibok ng malakas ng aking puso hindi ba?
Tumingin ako kay Maria upang tignan kung nakatingin pa rin sa akin at nais kong mapamura ng malakas. Nagtama an gaming mga tingin.
Nakakakilabot ang tingin niya sa akin. Hanggang kailan niya ako tititigan.
“B-bakit po?” tanong ko sa kanya. “M-may problema po ba? B-bakit niyo po ako tinititigan mula pa kanina???”
Ang labi nito na nakangiti ay mas lalong ngumiti pa.
“Bakit?” tanong niya pabalik. “Hindi ka ba komportable? Nako pasensya na anak. Natutuwa lang akong makita ka at tila ayaw ko nang tanggalin pa ang tingin ko sa iyo. Natatakot ako na mawala ka sa aking mga mata.”
Ha? Pinagsasabi niya? Anong mawala?
Sinubo ko na ang mga natitira pang kanin sa aking bibig upang makaakyat na ako ng kwarto.
“Hindi naman po ako mawawala,” ani ko. “Narito lang ako palagi.”
Awkward akong tumawa at niligpit ang aking kainan.
“Sige po akyat na muna ako,” paalam ko ‘kay Maria ngunit nagulat ako noong naabot niya agad ang aking kamay bago pa ako makatalikod sa kanya.
“Huwag ka na munang aakyat, anak,” aniya sa akin. “Dito ka na muna. Samahan mo na muna ako. Pagkatapos ko nito ay may sasabihin ako sa iyo.”
Sasabihin?? Ano ang sasabihin niya? Bakit mamaya pa? Pwede bang ngayon na lamang? Ayoko na muna siyang makasama. Ang creepy niya at lagi siyang nakatitig sa akin. Nakakailang. Kung pwede ko lamang sabihin sa kanya iyon ay sinabi ko na. Ayoko lamang masaktan ko ang kanyang damdamin dahil naging mabuti siya sa akin.
“Ano po ang sasabihin niyo?” tanong ko sa kanya.
“Mamaya, malalaman mo rin,” sabi niya at kinuha na ang mga plato at inilagay sa lababo.
Wow! Pasuspense! Bakit mamaya pa?
“Ano po yon? Sabihin niyo na po,” ani ko sa kanya na may paggalang sa boses dahil baka mabastusan siya sa pagtatanong ko.
“Hindi ba at gusto mo na makakuha ng maganda at batang balat?” tanong nya sa akin.
Nagulat naman ako at napahawak sa kanyang kamay.
“Opo!” sagot ko sa kanya habang tumatango tango. “Tuturuan niyo na po ba ako??”
Tumango naman siya sa akin.
“Oo, anak,”aniya sa akin. “Ituturo ko na sa iyo. Sa tingin ko ay handa ka na rin naman dahil tinanggap mo na ako bilang ina. Pagkatapos ko maghugas ay tuturuan na kita.”
“Wow talaga po?!” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. “Salamat po, nay! Uupo na lang muna ako rito habang hinihintay ko kayong matapos sa paghuhugas.”
Hinawakan nya muna ako sa mukha at pinisil ang aking pisngi bago tumalikod at nagsimulang maghugas ng plato.
OMG! Ituturo niya na sa akin ang sikreto. Who you kayo ngayon mga tigyawat ko! Hindi niyo na uli ako malalapitan.
Ang ganda ng kutis ni Maria. Kung makikita mo lang talaga siya sa personal ay aakalain mong artista at bata sa ganda ng kanyang balat.
Animo ay hindi siya tumatanda. Pang kutis koreana ang kanyang magandang balat.
Noon pa man ay pangarap ko ng maggkaroon ng glass skin! Sigurado akong magugulat din ang mga kaibigan ko kapag nakita ako.
Tatanungin nila kung paano ako nagkaroon ng kay gandang balat. At tatanungin nila kung ano ang secret ko. OMG! I can’t wait.
Napatigil ako noong marinig kong humimig si Maria. Isang himig na kay lamig at nakakalungkot pero kung mag isa ka lang sa bahay ay paniguradong nakakatakot marinig ang himig na ito.
“Halika na,” aya niya sa akin at lumapit.
Tapos na pala sya maghugas.
Tumango naman ako at sumama sa kanya.
Kunot ang noo ko noong makita na mayroon pa palang isang CR sa kabila. Akala ko kwarto iyon dahil nakalock.
Nakangiti ako habang binubuksan ni Maria ang pinto. OMG this is it! Ito na ang sikreto.
“Ito na,” ani ni Maria at binuksan ang pinto.
Naglaho bigla ang ngiti ko.
Gilda Point of View Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan. Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya. Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na. Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin. Unti – unti kong itinaas
Gilda Point of View Kinuha ko ang panghilod sa may sabunan ng banyo. Hindi sa banyo ng may bath tub ng dugo na napupuno ng uod kundi dito sa palikuran na may shower at totoong tubig. Gusto kong maiyak kanina sa ginawa ni Maria. Muntik ko na syang mamura at masabunutan dahil sa ginawa niyang pang lublob sa akin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil mas matanda pa rin siya sa akin kahit papaano. Napasuka pa ako ng marami dahil sa lansa at sa tuwing naiisip ko iyong ginawa niya ay nais kong maiyak. Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Feeling ko maninikit ang mabahong amoy sa akin. Bwiset kasi! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko tapos nilublob pa ako. Sino naman ang matutuwa sa ganoon diba?
Gilda Point of View Kinuha ko ang panghilod sa may sabunan ng banyo. Hindi sa banyo ng may bath tub ng dugo na napupuno ng uod kundi dito sa palikuran na may shower at totoong tubig. Gusto kong maiyak kanina sa ginawa ni Maria. Muntik ko na syang mamura at masabunutan dahil sa ginawa niyang pang lublob sa akin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil mas matanda pa rin siya sa akin kahit papaano. Napasuka pa ako ng marami dahil sa lansa at sa tuwing naiisip ko iyong ginawa niya ay nais kong maiyak. Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Feeling ko maninikit ang mabahong amoy sa akin. Bwiset kasi! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko tapos nilublob pa ako. Sino naman ang matutuwa sa ganoon diba? Para siyang bida bidang kaklase ko. Although nag sorry naman na siya
Gilda Point of View Napangiti ako habang naglalakad sa may palengke. Bakit pakiramdam ko ay ang ganda ganda ko ngayon? Grabe kasi naman. Kung makikita niyo lamang ang gada ng kutis ko ngayon baka gustuhin niyong lumangoy sa dugong bath tub. Pakiramdam ko nag niningning ako ngayon. Ang aking buhok. Kahit hindi ko na shampuhin at gamitan ng conditioner ay napakaganda. Napakagat ako sa aking labi. Kung patuloy ko lamang gagawin ang itinuro sa akin ni Maria ay hindi ko na kailangan pang intindihin kung ano ang aking itsura dahil mananatili akong palaging maganda at sariwa habang patuloy akong naliligo sa bath tub ng dugo. Kung iisipin ay hindi naman masama. Wala naman kaming natatapakan na ibang tao. Nag iinarte lang talaga ako.
Gilda Point of View Nakauwi na kami ni Maria mula sa palengke. Gaya ng dati ay ako na nga ang nagbitbit lahat. Tila naging katulong ako ni Maria. Napakadami niya kung bumili ng stocks namin na animo ay magugutuman kaming tatlo. Gusto ko nga sabihin sa kanya na maghunos dili siya kakabili. Ang dami naman pala nilang pera pero bakit ayaw ni Lola Teresa na mag aral ako? Hindi naman pala magiging hadlang ang katayuang pinansyal namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot. Nalalapit na ang pasukan. Ayoko naman nang mangulit pa sa kanila baka lalong mapasama pa ang hinihintay ko. Nakakalungkot lang. Kung siguro ay narito sina nanay at tatay ay baka nakapag enroll na agad ako. Lalong lalo na si Nanay Lilybeth. Nako! Mas exc
Third Person Point of View Isang malakas na panahaw ang maririnig ngayon sa kalsada. Panahaw ng isang ina na nawalan ng kanyang mahal na anak. Kanina pa ito humahagulgol mula ng makita ang kahindik hindik na sinapit ng kanyang anak. Nagkakagulo ang mga tao ngayon habang pinagmamasdan ang dalagang wala ng buhay sa isang tabi na kalong kalong ng kanyang humahagulgol na ina. “Ano ba iyan? Grabe? Hayop ba ang gumawa niyan?” “Kakadiri! Ang salbahe! Bakit ginawa nila iyan!” “Hindi tao ang kayang gumawa niyan!” “
Gilda Point of View Narito kami ngayon ni Maria sa aking kwarto. Nakasilip na ang buwan sa kalangitan at sinusuklayan niya ang aking mahabang buhok. Sa lahat ng parte ng aking katawan ay gustong gusto niya ag buhok ko sa di ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Basta gusto gusto niya itong sinusuklayan tuwing gabi. “Nabalitaan niyo po ba ang nangyari kanina?” tanong k okay Maria habang nakatingin ako sa salamin. Nabalitaan ko ang kahindik hindik na krimen kanina sa balita. Nag text muli sa akin si Carmen kaya muli nanaman akong binalot ng pangamba. Pero alam ko namang hindi magagawa iyon ni Maria o ni Lola Teresa. Mabuti silang mga tao at ang mga katulad nila ay hindi babahidan ng kadumihan ang kanilang mga kamay. Al
Third Person Point of View Napahinga ng malalim si Kathy habang mahigpit na hawak hawak ang kanyang bag sa kanyang dibdib. Kinakabahan sya dahil madadaanan niya nanaman ang mga lalaking nag iinuman sa tapat ng tindahan nila aling Linda. Kung mayroon lamang ibang daraanan kahit malayo ay doon na lang dadaan si Kathy dahil natatakot siya sa mga tambay na lasenggo. Lagi na lamang siyang napagtritripan ng mga ito sa tuwing umuuwi siya ng gabi. Wala naman siyang magagawa dahil hanggang alas onse ng gabi ang kanyang trabaho at inaabot na siya ng alas dose ng gabi bago makauwi sa kanilang tahanan. Wala rin siyang nakaksabay na makakasama dahil iba ang daan ng kanyang mga kasama sa kanilang trabaho.&
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n
CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.
THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.
CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G