Share

Huling araw

last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-18 00:21:59

Third Person Point of View

Matapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.

Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.

Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.

Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.

Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

                Hindi na nila ipinagawa pa ang mga punding ilaw sa kanilang kwarto dahil mas sanay silang gumamit ng kandila. Kaibigan din nila ang dilim.

                Noong makapa ni Maria ang posporo at kandila ay dali dali siyang kumuha ng isang pilito saka ikinaskas ito sa gilid ng kaha ng posporo.

                Sa unang kaskas ay hindi ito umilaw kaya naman kinaskas niya uli. Sa pangalawang kaskas ay sumindi na ngunit hindi it inabutan ng mitsa ng kandila kaya naman kinakailangan niyang ulitin muli ang proseso.

                Muli siyang kumuha ng posporo sa isang tabi saka ikinaskas ito. Agad niyang idinikit ang kandila dito. Naging matagumpay ang pagsisindi niya ng kandila.

                Itinapat niya ag ilaw nito sa buong kwarto. Una niyang tinignan ang higaan ng matanda. Bakante ito. Sumunod ay ang tumba tumba na umuugoy ugoy pa ngunit walang nakaupo.

                Wala roon ang lola Teresa. Malaman na nagpunta nanaman ito sa kanilang pagpupulong ng mga kaanib nila sa kulto.

                Tatalikod n asana si Maria noong may mapansin siyang malaking itim na kama ng matanda. Hindi na sana niya ito papansinin ngunit tila tinatawag siya nito na kanyang buklatin.

                Dahil wala si Lola Teresa roon ay naisipan na rin tignan ni Maria ang laman ng folder na nasa ilalim ng kama ng matanda.

                Lumuhdod siya saka kinuha iabot ito ng kanyang kamay. Hindi naman siya nahirapang kunin ang folder dahil malapit lang it sa labas. Sadyang sumilip lang sa kama kaya naman napansin niya.

                Ibinaba niya ang kandila sa katabi niyang lamesa. Binuklat niya ang folder ngunit hindi niya makita ang laman pagka’t magkasalungat ang likuran nito saka ng ilaw mula sa kandila.

                Itinapat niya ang loob ng folder sa ilaw ng kandila. May dalawang lumang litrato siyang nakita sa loob ng folder.

                Isang picture ni Lilybeth, at picture ni Dan. Ang mga larawan ng mga ito ay may mga buhok. May mga patak na natuyong kandila sa ibat ibang bahagi ng folder.

                Nanlaki ang kanyang mga mata noong mapagtanto kung ano ang ibig sabihin niyon. Ginagawa ito ng mga nagriritwal upang ipahamak ang taong nais nilang mamatay na, at mawala sa mundo.

                “Bakit narito ka?” tanong ni Teresa na kapapasok lang ng kanyang kwarto.

                Napatingin naman si Maria sa matanda, at ipinakita ang folder na kanyang hawak hawak. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ni Teresa na  tila walang pake sa nalaman na katotohanan ni Maria.

                “Lola Teresa,” tawag ni Maria. “Kayo ang may gawa nito?!”

                Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nasaksihan.

                “Sino pa ba sa tingin mo? Saan mo ba nakita ang hawak mo? Hindi ba at sa kwarto ko? Sino pa sa tingin mo ang gagawa ng bagay na iyan?” pabalang na sagot ni Teresa habang nakatingin kay Maria ang mga nanlalaki na mga mata nito na animo ay luluwa na.

                “P-pero anak niyo si Dan,” ani ni Maria. “Ikaw ang may kagagawan kaya sila naaksidente. Pinatay niyo ang sarili niyong anak, Lola Teresa?”

                “Ano naman?” tanong ni Lola Teresa. “Saka bakit ganyan ka magtanong. Dapat ay magpasalamat ka dahil nauwi pa dito si Dan. Kung hindi dahil sa akin ay baka nasa maynila pa rin sila ni Lilybeth habang tayo ay iniwan nilang nagungulila. Hindi ka ba masaya? Dahil sa ginawa ko ay nakasama na natin siya muli.”

                Napalunok naman si Maria sa sinabi ng kaharap niyang matanda.

                “Bakit hindi niyo p agad sinabi sa akin?” tanong ni Maria.

                “Bakit? Ano ba kita? Kailangan ko bang sabihin lahat sa iyo ng mga ginagawa ko at mga desisyon ko?” tanong ni Teresa kay Maria. Hindi nagustuhan ni Maria ang sinabi sa kanya ng matanda. Sa panayam nito ay parang wala siyang halaga sa bahay na ito. Siya ay isa lamang katulong , at ginagamit niya bilang alalay.

                Sumisiklab unti unti ang galit ni Maria sa matanda. Hindi niya maatim na matapos ng lahat ng ginawa niya ay ganito pa rin siya itrato ng  matanda na animo ay isang katulong nila sa bahay.

                “Ang sa akin lang ay sana nagsabi kayo,” ani ni Maria kay Teresa.

                “Loka loka!” sigaw ni Teresa rito. “Hindi ko kailangan sabihin sa iyo! Ako ang magdedesisyon kung ano ang gusto kong gawin. Naiintindihan mo? “

                Hindi naman sumagot si Maria.

                “Oh? Wala ka nang sasabihin? Umalis ka na sa kwarto ko aber at ako ay mamahinga na.”

                Napakuyom ng kamao si Maria. Ilang segundo lang ang lumipas ay lumuwag na ang kamao niyang nakasara.

                Naglakad siya patungo sa pinto ngunit bago umalis ay tumigil muna siya upang magsabi kay Teresa.

                “May nahuli akong dalaga na kukumpleto ng inyong ritwal para mabuhay si Dan,” ani ni Maria. “Iginapos ko siya sa sikretong silid na nasa baba ng hagdan.”

                Tila nagliwanag naman ang mga mata ni Teresa sa kanyang narinig dahil sa sinabi ni Maria.

                “Talaga? Sino naman iyon? Sigurado ka bang birhen pa ang dalagang iyon?” tanong ni Teresa na may ngit sa labi dahil sa wakas ay kumpleto na ang kanilang alay.

                “Hindi ko kilala ang babaeng iyon ngunit sigurado akong birhen pa iyon,” ani naman ni Maria.

                “Magaling Maria! Iyan ang gusto ko sa iyo,” sabi ni Teresa saka tumawa ng malakas.

                “Pwede na po ba natin simulan ang ritwal?” tanong ni Maria pagka’t nais na niyang mabuhay ang kanyang minamahal na si Dan sa mas lalong madaling panahon.

                “Hindi ka na natuto, Maria,” ani ni Teresa rito. “Hindi ngayon ang magandang oras upang magritwal kailangan ay sumisilay ang buwan sa kalangitan upang mas epektibo at mas malakas. Tamang tama ay kabilugan ng buwan bukas. Pwede na nating gawin an gating ritwal.”

                “Kasama niyo po ba ako??” tanong ni Maria.

                “Sasama ka pero wala kang gagawin kundi ang manood lamang,” ani ni Teresa. “Wala ka naman kasing alam. Bukas na tayo mag – usap. Napagod ako sa pagdadasal ko kanina. Nais ko ng mamahinga.”

                Tumango naman si Maria saka lumabas ng pintuan.

MARIA POINT OF VIEW

Marahan kong isinara ang pintuan ng babaeng huklubang na matandang byuda. Nais kong ibalibag pasara ang kanyang pinto ngunit hindi ko pa pwedeng gawin iyon. Kailangan ko pa siya para mabuhay ang aking mahal na asawang si Dan.

Impaktitang matanda! Siya ang dahilan kung bakit naaksidente at namatay si Dan. Hindi ko akalaing magagawa niya iyon sa kanyang anak mapauwi lang dito si Dan.

Akala ko ay ako na ang pinakamasamang  tao sa bahay na ito ngunit mas maitim pala sa akin ang budhi ng matandang iyon.

Dumiretso na ako sa aking kwarto upang mamahinga na rin.

Sigurado naman akong hindi na makakawala ang babaitang iginapos ko sa ilalim ng hagdan dahil mahigpit ang pagkakatali ko sa kanya.

Isa pa ay kinandado ko na rin ang pintuan gamit ang padlock kaya makawala man siya sa kanyang pagkakagapos ay hindi pa rin siya makakalabas.

Madami siyang tinamong saksak sa akin. Nag enjoy ako masyado sa malambot nyang likod. Hindi ko namalayan na kay rami na pala ng pagkakasaksak ko sa kanya. Mukhang hindi na aabutan ng liwanag ang babaeng iyon.

Teka. Mukhang masarap kainin ang mga tulad niyang dalaga. Sariwa, malambot, hindi pa matanda. Batang bata pa. Siguradong napakalambot ng kanyang karne.

Masarap sigurong gawing steak ang mga laman ng dalaga na iyon. Nangangati na agad ang aking kamay upang iluto siya. Ako mismo ang tatadtad ng kanyang katawan.

Isinara ko na ang pintuan ng aking kwarto at lumingon kay Dan.

“Madaling araw na mahal ko bakit gising ka pa?”  tanong ko kay Dan. Nilapitan ko siya at idinikit ang aking tainga sa kanyang bibig. “Ano ang iyong sinasabi? Naririnig mo ang usapan namin ng nanay mo?”

“Wala iyon, may hindi kami pagkakaintindihan kanina mahal ko,” ani ko  sa kanya. “Paano ba naman ay siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente. Bilang iyong asawa ay talagang sasama ang aking loob sa ginawa ng nanay mo.

“Anong huwag na magalit sa kanya? Intindihin? Dan, please huwag mong ipagtanggol ang nanay mo. Maling mali siya. Hindi niya dapat ginawa iyon sa iyo. Saka isa pa ay marami pa namang paraan upang pauwiin ka ngunit mas pinili niyang patayin ka? Anong klaseng ina siya.”

“Oo na, sige na. Hindi ko na aawayin ang nanay mo alang alang sa iyo. Kung hindi mo lang sya ina ay baka tinadtad ko na iyon ng sampal. Baka nabunot ko na ang anit niya sa inis. Nakapangigil kasi mahal, Alam mo ba ang pakiramdam na iyon? Nasaktan lang ako. Isa pa ay hindi niya man lang sa akin ipinaalam. Hindi niya sa akin sinabi.”

Napa ikot ang aking mata dahil sa pagtatanggol ni Dan sa kanyang ina. Ang sama ng ugali ng nanay niya pero ipinagtatanggol niya pa kaysa sa akin?

“So gusto mong mag – away tayo, Dan?” tanong ko sa kanya. “Pwede huwag na muna nating pag usapan ang iyong ina? Kumukulo lang ang aking dugo.”

“Ano iyon? Ang ating anak na si Gilda? Nandoon sa kabilang kwarto at natutulog na ng mahimbing. Katatapos ko lang kasi siyang sukalayin. Alam mo naman ang ating anak ay gustong gustong nagpapasuklay sa  kanyang ina.”

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Napahagikgik si Maria habang nakatingin kay Dan na animo ay kinakausap din siya ng patay. Patuloy siya sa pagsasalita na animo ay isang buhay na tao pa ang kanyang nasa harap.

“Oo na nga. Kapag nakalabas ka nga dto ay dadalhin kita agad sa kanya. Alam mo ban a miss na miss ka na rin ng anak natin. Pero syempre hindi ko pwedeng ipakita ka ng ganyan sa harap niya. Alam mo naman iyon medyo maarte.”

“Kwekwentuhan? Gusto mong kwentuhan kita ng mga nangyari sa araw ng anak natin? Wala naman masyadong kakaiba. Nagpunta lamang kami sa parke para makapaglaro siya. Nagpaslide pa nga siya sa akin. Sobrang tuwang tuwa siya. Akala mo nga ngayon lamang siya nakapunta sa parke.”

“Ano ililibre mo kami pag nakalabas ka na dito? Pangako iyan ha. Ilibre mo kami ng anak mo ng ice cream,” ani ni Maria saka niyakap ang inuuod na katawan ni Dan. “Ang sweet sweet mo talaga mahal. Kaya kita nagustuhan eh. Bukod sa makisig ka ay gentleman ka pa. Alam mo kamukhang kamukha mo nga si Gilda. Hawig na hawig kayo. Manang mana sa iyo ang anak mo.”

Tanging ang boses lamang ni Maria ang maririnig na ingay sa kabuuan ng kanyang silid. Walang Dan na sumasagot sa kanya. Gawa lamang iyon ng kanyang malawak na imahinasyon.

Habang ang inuuuod na bangkay ni Dan ay nasa tabi niya at umaalingasaw ay ang tingin pa rin ni Maria sa lalaki ay isang taong buhay na buhay habang masayang nakikipag usap sa kanya.

Sininghot ni Maria ang suot ni Dan na barong.

“Ang bango mo naman, mahal,” ani ni Maria saka muling napahagikgik dito. “Ako? Oo naman kaliligo ko lamang ng aking sikreto. Alam mo mahal may bago nanaman akong ipapalit na pandilig sa aking makinis na balat. Oo, may nakuha ako kanina. Yung sinungkit ko sa labas ng bintana. Mukhang mas gaganda ang kutis ko kapag napaligo ko ang kanyag dugo.”

“Ano? Tulog na tayo?” tanong ni Maria. “O sige na nga. Goodnight! Bukas ay isang mahalagang araw sa ating lahat. Bukas na bukas rin ay gagawin na namin ang ritwal, mahal,”

                Kinumutan ni maria ang kanyang sarili pati na ang lalaking katabi niya. Saka ipinikit ang mata upang matulog ng mahimbing.

Bab terkait

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   I

    Third Person Point of ViewPinunasan ni Gilda ang kanyang luha. Ito na ang huling araw ng burol ng kanyang mga magulang at ililibing na ito ngayon rin. Ayaw niya pang mapawalay dito ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan talaga ilibing ang mga patay.Hindi niya alam kung siya pupulitin ngayong nag – iisa na siya. Hindi niya rin makontak pa ang mga kapatid ng kanyang ina nasa ibang bansa. Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot nito ang mga mensaheng iniwan niya.Wala siyang alam sa mundo. Sanay siyang narito ang kanyang ama at ina upang umagapay sa kanya. Kumbaga ay isa siyang tao na kailangan pa na dumepende sa kanyang magulang.Nagulat siya noong may kumukha ng kabaong ng kanyang ama.“S-saan niyo po siya dadalhin?” tanong ni Gild sa lalaking bumubuhat ng ataul.Napatingin naman sa kanya ang isa sa mga lalaking nagbubuhat.“Inutos sa amin na isakay ito sa sasakyan dahil iuuwi siya ng probinsya,

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-11
  • The Last Sacrifice   II

    Third Person Point of ViewNagising si Gilda dahil sa malakas na ingay sa labas ng sasakyan. Agad siyang napaupo sa ppagkakahiga.Iiniikot niya ang kanyang mga mata. Gabi na. Halos hindi niya matanaw kung nasaan sila.“Gising ka na pala,” ani sa kanya ng kanyang lola Teresa. “Bumaba ka na riyan o gusto mong ang patay pa ang unang lumabas bago ikaw?”“Bababa na ho,” ani ni Gilda at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng sasakyan.Napatingin siya agad sa kanyang mga paa noong maputikan ito sa kanyang pagbaba.Nilamon ng putik ang puting sapatos niya. Gamit ang flashlight ng kanyang cellphone ay inilawan niya ito.“Kauulan lang kanina kaya basa ang lupa,” ani sa kanya ng drayber na si Andok.Medyo naiinis si Gilda dahil kalalaba niya pa lamang ng putting sapatos niya at mahirap tanggalin ang dumi nito. Kung alam niya nga lang ay sana ginamit niya na lamang ang tsinelas.

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-11
  • The Last Sacrifice   III

    Third Person Point of ViewMatapos magpalit ng damit ni Gilda ay kinuha na niya ang kandila sa may salamin at binuksan ang pinto upang bumaba.Muling nabalutan ng dilim ang kwarto ng maisarado niya ito.Dahan dahan siyang naglakad sa matandang kahoy ng 2nd floor ng bahay at napabaling siya sa kwarto ng kanyang lola Teresa.Nakita niya na bahagyang nakabukas ito. Ang akala ni Gilda ay isinara na ito ni Maria kanina. Napaatras siya ng mas bumukas pa ito ng bahagya.Nakaramdam siya ng malamig na hangin. Sa isipin niya ay baka nakabukas ang pinto nito sa kwarto. Ganoon naman talaga sa probinsya. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag gabi.Tinahak na ni Gilda ang hagdan paibaba. Pagbaba niya ay naabutan niya ang sala. Walang tao doon.Malaki ang espasyo ng sala ng bahay ng kanyang lola. May mga sofa na nakalagay sa bandang gitna. Hindi niya masyadong naaninag ang ibang bahagi dahil hindi sapat ang kandila para punan ang kadi

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-11
  • The Last Sacrifice   IV

    Gilda Point of View Napatingin ako sa lumang salamin sa aking kwarto. Malinis na malinis iyon. Siguro ay nilinis na ni Maria noong malaman niya na darating ako. Nakapagtataka lamang na hindi siya galit sa akin. Ang kwento sa akin ni ina ay galit pa nga raw si Maria sa kanya dahil siya ang pinili ni tatay. Hindi kaya ay nililinlang ako ng aking mga mata at hindi naman talaga mabuting tao si Maria? Nag babait – baitan lamang siya? Tulad ng mga napapanood ko sa telebisyon tuwing hapon. Tapos baka mamaya ay bigla na lang ako gawan ng masama nito. O kaya naman ay napipilitan lang siyang tanggapin ako dahil sa sinabi ni Lola Teresa at no choice talaga siya kaya tinanggap niya ako. Mayroon naman kasi talagang mga ganoong tao! Hays! Bakit ko ba iniisipan ng masama ang taong iyon? Wala naman na ako dapat pang ipagkabahala. May mga tao rin naman na na

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-01
  • The Last Sacrifice   V

    Gilda Point of View lNapamulat ako ng aking mga mata noong marinig ko ang boses ni Maria na tinatawag ako sa labas. *tok* *tok* *tok* Napatayo ako agad dahil sa sunod sunod na katok na ginagawa ni Maria. Napatingin ako sa may salamin at napansin ko na wala na ang tapis na inilagay ko roon kagabi. Napailing na lamang ako dahil baka nilipad lamang ng hangin. Ikinibit balikat ko na lamang at dumiretso sa pintuan ng aking kwarto saka binuksan ang pinto. Anong oras na ba at bakit nangangatok na ang binibini? Sa tyansa ko ay hindi pa naman sumisikat ang araw ng buo. Medyo makulimlim pa sa labas base sa nakikita ko sa butas ng aking bintana. Wala naman kasing orasan sa kwarto. Hindi pa naman ako

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-02

Bab terbaru

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status