THIRD PERSON POINF OF VIEW
Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon.
Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid.
Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan.
Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.
Noong masanay si Gilda ay nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Ang kanyang kaibigan na si Carmen ay duguan habang nakagapos ang mga kamay. Nanghihina ito habang nakatingin sa kanya.
“Gilda,” tawag sa kanya ng kanyang kaibigan.
“C-Carmen,” gulat na tawag pabalik ni Gilda. Agad na bumaling si Gilda kay Maria. “Anong binabalak mo? Bakit mo siya dinamay? Pakawalan mo siya! Wala siyang ginagawang masama! Isa siyang inosenteng tao.”
Napatigil naman si maria at tumingin kay Gilda.
“Ahh… Kaya pala pamilayar sa akin ang babaeng ito,” ani ni Maria. “Siya pala ang kaibigan mo anak? Nako. Huwag mo na siyang kakaibiganin. Masama siyang bata! Tinangka niyang nakawan ang atng bahay kaya naman paparusahan muna siya ng nanay mo ha.”
Napaluha si Carmen noong marinig iyon. halos hindi na siya makapagsalita dahil nanghihina na rin siya sa gutom.
“Hindi totoo ang iyong sinasabi!” sigaw ni Gilda. “Hindi magagaw iyon ni Carmen! Pakawalan mo na siya parang awa mo na.”
“Shhh,” pigil ni Maria habang hinahatak ang stretcher na dalawa na nakasandal sa gilid ng pader. “Mother knows best. Para sa ikabubuti mo rin ito anak. Huwag mo na akong kwestyunin.”
Inilatag ni Maria ang stretcher sa kanilang harapan saka inilipat si Carmen doon, at iginapos. Sunod namang inilipat ni Maria si Gilda sa tabi ni Carmen at iginapos din ang mga kamay at paa.
“Huwag ng umiyak. Maya maya lang ay matatapos na ang inyong mga hinanakit. Huwag kayong mag alala. Mabilis lamang iyon. Bukas ay nasa langit na kayo.”
Mas lalong napahagulgol si Carmen dahil sa sinabi ni maria.
“Oh diyan lamang kayo ha. Susunduin ko lamang si Lola Teresa upang gawin na ang ating ritwal,” ani ni maria saka iniwan ang dalawa.
Umakyat ito ng hagdan upang sabihin kay Teresa na handa na ang lahat.
Nagkatinginan naman ang dalawa.
“Paano kang nahuli nila?” tanong ni Gilda rito. “Bakit ka nagpahuli sa kanila?”“Pinuntahan kasi kita dito Gilda,” sagot ni Carmen. “Nag aalala ako sa iyo. Hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko. Sinubukan kong icheck kung ano ang kalagayan mo ngunit nahuli ako ni Maria.”
Umiiyak si Carmen habang sinasalaysay ang mga nangyayari.
“Wala akong awang pinagsasaksak ni Maria, Gilda,” ani ni Carmen. “Mamatay na ata ako. Ayoko pang mamatay pero mukhang hindi na rin ako makakaligtas.”
“Huwag mong sabihin iyan!” ani ni Gilda at napaluha na rin. Napatingin siya sa bukas na pinto. “Huwag kang susuko Carmen. Lalabas tayo ng buhay dito. Kalagan mo ako. Subukan mo akong kalagan. Bukas ang pinto. Pwede tayong tumakbo palabas.”
Napailing iling si Carmen sa kanyang kaibigan. Hindi ko na kaya pang tumakbo, Gilda. Ni kahit gumalaw. Ang aking mga kalamnan ay wala ng lakas. Hindi ko na kaya.”
“ANO KA BA? HAHAYAAN MO NA LANG BA MAGHINTAY ANG MGA MAGULANG MONG NAG AALALA SA IYO?! KAILANGAN MONG LUMABAN CARMEN!” madiin na sabi ni Gilda. “Ang tanga mo para tignan pa ako. Dapat hindi mo kasi ako chineck. Dapat pinabayaan mo na lamang ako. I’m sorry hindi ako nakinig sa iyo Carmen. Im sorry kung hindi kita pinakinggan. Ang tanga ko rin na pinagkatiwalaan ko pa sila! Ang tanga tanga ko!!!”
“Hindi ko mapigilan ang mag – alala sa iyo,” ani ni Carmen. “Naging kaibigan na rin kasi kita. Sobrang nag alala ako nab aka kung ano na ang nangyari sa iyo. Siguro kung mas nag ingat ako ay hindi ako nahuli ni Maria. Sana dinala ko na ang papa ko sa bahay niyo. Nag dalawang isip pa kasi ako nab aka mmaya ay hindi naman pala totoo ang mga naiisip ko patungkol sa iyo. Baka kasi nag assume lamang ako at mapahiya lamang. Natakot ako para sa kaligtasan nila.”
“Bakit nap aka selfless mo? I am so sorry. From the first place ay hindi naman dapat mangyayari ito kung nakinig lamang ako sa mga payo mo,” ani ni Gilda. “Kung sana ay nagpakalayo layo na lamang ako. Sana hindi ka na nag alala pa kung ligtas ako o hindi. Bakit kasi ganyan ka! Hindi naman tayo close na close para mag – alala ka pa sa akin. Hindi ako papayag na mamatay tayo dito Carmen. Iuuwi kita sa pamilya mo. Ibabalik kita sa pamilya mo! Hindi ako papayag na mamatay ka dahil sa pag aalala mo sa akin!
“Gagawa ako ng paraan! Lalabas tayo rito! Aalis tayo rito. Sa ayaw mo man o sa gusto ay hihilahin kita palabas!! Hindi pa ito ang araw ng ating kamatayan. Hindi pa tayo mamamatay dito naiintindihan mo?!”
Mula sa pagkakaiyak ay nagulat si Gilda. Bigla siyang tumahimik, at napaisip. Tinatanong ang sarili kung siya ba ay nag iilusyon o talagang nasa kanyang tabi si Carmen.
Naisip niya nab aka tulad nanaman ito ng dati na wala naman pala siyang kasama sa kwarto kundi ang sarili niya lamang.
‘Niloloko nanaman ako ng aking isipan. Bumalik ka sa iyong wisyo! Huwag kang magpapalinlang sa sarili mong isip, Gilda! Bumalik ka sa iyon wisyo!!!’ sigaw ni Gilda sa kanyang isipan.
Nagtaka naman si Carmen habang nakatingin kay Gilda. Tila bigla itong iniwan ng kanyang kaluluwa at nakatngin lamang sa itaas na silid.
“G-gilda? O-okay ka lamang ba?” tanong ni Carmen dito. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa kanyang kaibigan. Bigla itong nagbago.
Mabilis na nagkakawag si Gilda sa kanyang pagkakatali. Sumigaw siya ng sumigaw.
Napakalakas na dinig na dinig sa kinalalagyan ni Maria, at ni Teresa.
Nahintakutan naman si Carmen sa ginawa ng katabi niyang si Gilda. Tila nababaliw ito sa mga ikinikilos ng dalaga.
Hindi tila! Baliw na talaga ito! Nababaliw na si Gilda.
Bumaba naman mula sa itaas si Maria at si Teresa. Oras na para gawin nila ang ritwal na kanilag matagal na hinintay upang mabuhay si Dan.
Inilapag ni Teresa ang mga bote kung saan nakatago ang mga puso ng kanyang mga nabiktima.
“Oras na, Maria,” ani ni Teresa.
Tumango naman si Maria.
Sinidihan ni Maria ang siyam na pulang kandila saka inilagay ito paikot sa buong silid.
Matapos ay tinanguan niya si Teresa upang simulan na ang ritwal. Gamit ang kutsilyo ay hiniwa ni Teresa ang kanyang kamay.
Tumulo ang kanyang dugo sa may batsa ng tubig.
Itinaas ni Teresa ang kanyang mga kamay at nagsimulang umusal.
“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.
Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”
(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.
Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)

Palakas ng palakas ang kanyang pag usal.
“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.
Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”
(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.
Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)
Napadilat si Gilda mula sa kanyang pagkakakawag. Tinignan niya ang kanyang gilid upang makasiguradong katotohanan ang kanyang mga nakita at narinig.
Nakita niya na naroon pa rin si Carmen.
Nakahiga ito habang nakatingin sa kanya ang mga mata nito ay puno ng takot.
Takot na makikita rin sa mata ni Gilda.
“Dominus tenebrarum. Suscipe domine oblationes meas. Exaudi petitionem meam. Haec utinam sic veniat.”
Panginoon ng kadiliman. Tanggapin mo ang aking alay. Pakinggan mo ang aking hiling. Ito ang aking kagustuhan kaya ito ay matutupad.

Lumapit si Teresa sa kinalalagyan ni Carmen. Itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo nakaamba upang patayin ang dalaga habang si Gilda ay wala sa sariling nakatingin lamang sa mga mangyayari.
“Virginem. Nouus unus. Haec est oblatio mea.”
(Isang birhen. Isang sariwa. Ito ang aking alay.)
“Virginem. Nouus unus. Haec est oblatio mea.”
(Isang birhen. Isang sariwa. Ito ang aking alay.)
“Virginem. Nouus unus. Haec est oblatio mea.”
(Isang birhen. Isang sariwa. Ito ang aking alay.)
Mabilis na sinaksak ni Teresa sa gitnang dibdib ang dalagang si Carmen. Pumulandit ang mga dugo sa kanyang kamay.
Nangisay ngisay ang dalaga habang nakatingin kay Gilda bago ito tuluyang nilagutan ng hininga.
Tulalang nakatingin si Gilda sa mga nangyari. Wala siyang marinig ngayon. Pakiramdam niya ay nag iilusyon pa rin siya.
Agad naman na ipinasok ni Teresa ang kanyang kamay sa dibdib ng dalaga. Kinapa kapa niya ang puso roon. Noong makita niya ang puso ay mahigpit niya itong hinawakan saka dinukot palabas ng katawan ng bangkay ni Carmen.
Nilanghap ni Teresa ang amoy ng sariwang puso saka ngumiti habang hawak hawak ito. Tagumpay siya sa pangalawa sa huli niyang alay.
Habang si Maria naman ay natatakam na nakatingin sa malaking puso ni Carmen na hawak hawak ng matanda na si Teresa,.
Inilagay ni Teresa ang puso sa lamesang nasa gilid. Ibinalot niya muna ito ng itim na panyo upang hindi madumihan ng mga alikabok.
Malakas na humangin sa buong silid. Tila may mga nagmamasid sa kanila. Tila hindi lamang sila ang naroroon at may iba pang nilalang ang kanilang kasama.
“Ngayon ay isa na lamang ang kailangan ko upang mabuhay si Dan,” ani ni Teresa habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa stretcher. “Walang iba kung hindi ikaw, Gilda.”
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
Third Person Point of ViewPinunasan ni Gilda ang kanyang luha. Ito na ang huling araw ng burol ng kanyang mga magulang at ililibing na ito ngayon rin. Ayaw niya pang mapawalay dito ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan talaga ilibing ang mga patay.Hindi niya alam kung siya pupulitin ngayong nag – iisa na siya. Hindi niya rin makontak pa ang mga kapatid ng kanyang ina nasa ibang bansa. Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot nito ang mga mensaheng iniwan niya.Wala siyang alam sa mundo. Sanay siyang narito ang kanyang ama at ina upang umagapay sa kanya. Kumbaga ay isa siyang tao na kailangan pa na dumepende sa kanyang magulang.Nagulat siya noong may kumukha ng kabaong ng kanyang ama.“S-saan niyo po siya dadalhin?” tanong ni Gild sa lalaking bumubuhat ng ataul.Napatingin naman sa kanya ang isa sa mga lalaking nagbubuhat.“Inutos sa amin na isakay ito sa sasakyan dahil iuuwi siya ng probinsya,
Third Person Point of ViewNagising si Gilda dahil sa malakas na ingay sa labas ng sasakyan. Agad siyang napaupo sa ppagkakahiga.Iiniikot niya ang kanyang mga mata. Gabi na. Halos hindi niya matanaw kung nasaan sila.“Gising ka na pala,” ani sa kanya ng kanyang lola Teresa. “Bumaba ka na riyan o gusto mong ang patay pa ang unang lumabas bago ikaw?”“Bababa na ho,” ani ni Gilda at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng sasakyan.Napatingin siya agad sa kanyang mga paa noong maputikan ito sa kanyang pagbaba.Nilamon ng putik ang puting sapatos niya. Gamit ang flashlight ng kanyang cellphone ay inilawan niya ito.“Kauulan lang kanina kaya basa ang lupa,” ani sa kanya ng drayber na si Andok.Medyo naiinis si Gilda dahil kalalaba niya pa lamang ng putting sapatos niya at mahirap tanggalin ang dumi nito. Kung alam niya nga lang ay sana ginamit niya na lamang ang tsinelas.
Third Person Point of ViewMatapos magpalit ng damit ni Gilda ay kinuha na niya ang kandila sa may salamin at binuksan ang pinto upang bumaba.Muling nabalutan ng dilim ang kwarto ng maisarado niya ito.Dahan dahan siyang naglakad sa matandang kahoy ng 2nd floor ng bahay at napabaling siya sa kwarto ng kanyang lola Teresa.Nakita niya na bahagyang nakabukas ito. Ang akala ni Gilda ay isinara na ito ni Maria kanina. Napaatras siya ng mas bumukas pa ito ng bahagya.Nakaramdam siya ng malamig na hangin. Sa isipin niya ay baka nakabukas ang pinto nito sa kwarto. Ganoon naman talaga sa probinsya. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag gabi.Tinahak na ni Gilda ang hagdan paibaba. Pagbaba niya ay naabutan niya ang sala. Walang tao doon.Malaki ang espasyo ng sala ng bahay ng kanyang lola. May mga sofa na nakalagay sa bandang gitna. Hindi niya masyadong naaninag ang ibang bahagi dahil hindi sapat ang kandila para punan ang kadi
Gilda Point of View Napatingin ako sa lumang salamin sa aking kwarto. Malinis na malinis iyon. Siguro ay nilinis na ni Maria noong malaman niya na darating ako. Nakapagtataka lamang na hindi siya galit sa akin. Ang kwento sa akin ni ina ay galit pa nga raw si Maria sa kanya dahil siya ang pinili ni tatay. Hindi kaya ay nililinlang ako ng aking mga mata at hindi naman talaga mabuting tao si Maria? Nag babait – baitan lamang siya? Tulad ng mga napapanood ko sa telebisyon tuwing hapon. Tapos baka mamaya ay bigla na lang ako gawan ng masama nito. O kaya naman ay napipilitan lang siyang tanggapin ako dahil sa sinabi ni Lola Teresa at no choice talaga siya kaya tinanggap niya ako. Mayroon naman kasi talagang mga ganoong tao! Hays! Bakit ko ba iniisipan ng masama ang taong iyon? Wala naman na ako dapat pang ipagkabahala. May mga tao rin naman na na
Gilda Point of View lNapamulat ako ng aking mga mata noong marinig ko ang boses ni Maria na tinatawag ako sa labas. *tok* *tok* *tok* Napatayo ako agad dahil sa sunod sunod na katok na ginagawa ni Maria. Napatingin ako sa may salamin at napansin ko na wala na ang tapis na inilagay ko roon kagabi. Napailing na lamang ako dahil baka nilipad lamang ng hangin. Ikinibit balikat ko na lamang at dumiretso sa pintuan ng aking kwarto saka binuksan ang pinto. Anong oras na ba at bakit nangangatok na ang binibini? Sa tyansa ko ay hindi pa naman sumisikat ang araw ng buo. Medyo makulimlim pa sa labas base sa nakikita ko sa butas ng aking bintana. Wala naman kasing orasan sa kwarto. Hindi pa naman ako
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong b
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n
CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.
THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.
CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G