Share

VI - Plano

last update Huling Na-update: 2021-09-15 20:59:26

Gilda Point of View

       Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag.

       Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito.

       Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin.

       “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.”

       Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito.

       “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya niya. Ilang taon na ang lumipas na gamit gamit namin iyan! Lahat ng bagay dito ni maliit o malaki ay mahalaga sa akin.”

       “Sorry talaga, Lola Teresa,” ani ko at napakagat ng aking labi. Kung sinusuwerte nga naman ako ay nakabasag pa ako ng baso. “Mag – iingat nap o ako sa susunod. Hindi kop o talaga sinasadya.”

       Agad akong tumalungko upang ayusin ang mga bubog na nagkalat sa sahig ngunit nagulat ako sa pagsigaw ni Maria sa akin.

       “Ako na!” sigaw ni Maria kaya naman gulat ang mga mata kong napatingin sa kanya.

       Mukha namang nagulat din siya sa kanyang sigaw.

       “Ako na diyan, Gilda,” ani nito na huminhin ang boses. “Baka mamaya ay masugatan ka pa. Hindi ko gugustuhin na mahiwa ka ng mga bubog na iyan. Ipagpatuloy mo na lamang ang iyong pagkain at ako na ang bahala sa bubog na naikalat.”

       “Pasensya nap o talaga,” ani ko ‘kay Maria at naupo sa aking upuan.

       Habang si Maria naman ay napatayo sa kanynag inuupuan at nagbukas ng maliit na aparador. Mula roon ay kinuha niya ang walis saka dustpan.

       “Huwag kang masyadong magtampo sa iyong Lola Teresa,” ani ni Maria sa akin habang winawalis ang mga bubog. “Masyado niya lang talagang mahal ang mga lumang gamit niya. Sa susunod ay mag – iingat ka na lamang dahil baka masaktan ka sa padalos dalos na ginagawa mo.”

       “Opo,” sagot ko sa kanya.

       “Patingin ko nga ng iyong kamay,” aniya sa akin at inabot ang aking kamay saka tinitigan ito.

       “Wala ka naman bang nararamdamang sakit sa palad mo o sa paa?” tanong nito sa akin habang sinusuri mabuti ang aking katawan. “Baka mamaya ay may tumilapon na bubog at bumaon sa balat mo. Sabihin mo sa akin agad kung may masakit sa iyo ng sa ganoon ay maagapan ko.”

       Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Matapos ko siyang isipan ng masama ay eto siya at nagmamabuting gawa para sa akin. Hinaplos ng pag – aalala niya ang puso ko.

       Bigla tuloy akong nahiya sa kanya. Siya pa ang kailangan gumawa ng paglilinis gayong ako yung nakabasag. Sana ay sa ibang araw ay masuklian ko ang kabutihan niya sa akin.

       Mukhang mabait talaga siya. Siguro ay masyado lang akong makasalanan para isipan pa siya ng masama.

       Matapos maglinis ay bumalik na muli si Maria sa kanyang upuan at napatingin siya sa akin.

       Ngumiti muna siya bago niya ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.

       Ngumiti ako ng kaonti pagka’t nahihiya ako sa kanya. Hindi ko pa siya tinulungan kagabi.

       Isang katahimikan ang bumalot sa aming hapg kainan. Mahigpit kung hinawakan ang aking tinidor habang nag – iipon lakas upang kausapin si Lola Teresa.

       “Ahhm,” panimula ko. “Lola Teresa.. Kasi.. Kasi po pasukan na sa isang buwan. Gusto ko po sana ipagpatuloy ang pag – aaral ko.”

       Nakita ko na napatigil sa pagnguya ng karne ang Lola Teresa at matapos ay uminom ng juice sa kanyang baso.

       Tumingin ito sa akin. Mga tingin na tila nagpapabigat sa aking dalawang balikat.

       “Anong baitang mo nab a sa susunod na pasukan?” tanong nito sa akin.

       “Grade 11 na po ako sa susunod na pasukan,” ani ko sa kanya. “Don’t worry po, libre naman ang tuition ko dahil upcoming senior high school ako. Wala po kayong babayaran sa school kahit piso.”

       “Hindi na,” ani nito sa akin na parang bigla akong nanlamig sa kanyang sagot. “Hindi ka na mag – aaral. Wala naman silbi sa iyo iyon. Dito ka na lang sa bahay at tulungan mo si Maria. Babae ka at dapat na matuto ka ng gawaing bahay.”

“P-pero gusto ko rin pong makapagtapos ng pag – aaral,” ani ko sa aking Lola Teresa. “Please Lola Teresa. Tulungan niyo po ako. Ito po ang gusto ng aking mga magulang para sa akin.”

       “Nasa bahay kita ata ko ang masusunod!” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Hindi ka na mag – aaral. Dito ka lang! Baka mamaya ay magboypren boypren ka lang sa eskwelahan! Mag – aral ka manahi at magluto. Tuturuan ka ni Maria. Ayoko na maririnig pa na pipilitin mo ako.”

       Gusto kong maiyak sa sinabi ni Lola Teresa. Tila ba wala siyang pake sa kanyang apo. Ayaw niya bang makatapos ako? Ayaw niya ba akong maging successful sa buhay?

       Napapunas ako ng aking luha na kusa ng tumulo sa aking mga mata. Gusto ko mag – aral! Gusto kong makapagtapos! Tapos pipigilan niya lamang ako? Sa anong dahilan? Hindi ko maintindihan! Libre naman iyon.

       Hindi ko naman alam kung ayaw niya. Saka hindi naman ako magboboypren agad. Kung meron man ay magpapakabait naman ako. Hindi naman ako agad mag – aasawa.

       “Hindi po ako mag boboypren, Lola Teresa,” ani ko dito. “Pangako! Uuwi agad ako ng maaga! Payagan niyo na po ako please! Magtratrabaho din po ako para sa baon ko kung kinakailangan.”

       “Hindi!” matigas na sabi ni Lola Teresa sa akin.

       Parang gusto kong umiyak sa harap niya para makamtam ko ang kanyang sagot na oo.

       Kailangan ko pa bang lumuhod para lang payagan niya ko? Sila nanay at tatay nga ay nagpupursige para lamang mapagtapos ako pero ngayon naman si Lola Teresa ay parang ayaw akong makatapos sa pag – aaral.

       Parang nakakatampo naman. Nagtatampo na ako sa kanya. Bakit ganon? Bakit ayaw niya? Nakakasira ng araw yung sagot niyang hindi.

       Hindi pa nga nangangalahati ang araw ko.

Maria Point of View

       Ang bruha! Talagang gusto niya pa mag – aral? Sa tingin niya ba ay hahayaan ko siya? Kung nais kong mapariwara ang kanyang buhay ay dapat pigilan ko ang Lola Teresa na pag – aralin siya.   

       Mukhang may balak pang lumuhod ang bruha sa harap ng matanda at mag makaawa.

       Pinagmasdan ko ang mukha ni Lola Teresa. Mukhang wala itong balak na umu oo sa kagustuhan ni Gilda. Napapangiti ako ng lihim dahil dito.

       “Lola Teresa, payagan mo na po ang inyong apo na mag – aral,” ani ko ‘kay Lola Teresa para naman magmukhang concern ako sa bwiset na apo niya. “Mukha namang matinong dalaga itong apo mo.”

       Nakita ko kung paano magkaroon ng liwanag sa mukha ni Gilda dahil sa sinabi ko.

       Ha?! Asa kang babae ka!

       Tumingin ako ‘kay Lola Teresa upang hintayin ang kanyang magiging sagot.

       “Sa tingin mo?” tanong ng Lola Teresa sa akin na nakapagpawala ng lihim kong ngiti.

       Mukhang biglang papayag ang matandang ito.

       “O- oo naman,” ani ko. “Matino naman si Dan at nagmana naman siguro si Gilda sa kanya. Hindi ba Gilda?”

       Mabilis naman na tumango tango si Gilda sa matanda.

       “Opo,” ani nito. “Sobrang matino po ako! Masipag po ako mag –aral! Sisiguraduhin ko pong hindi ko kayo bibiguin. At kahit nag – aaral na ako ay pangakong tutulungan ko pa rin si Ma- si Miss Maria dito sa bahay.”

       At talagang pangakong pangako pa ang bruha na ito sa matanda.

       Hukluban! Huwag mong pagbibigyan ang babaeng ito! Kung hindi ay malilintikan ka sa akin.

       Bwiset kasi! Dapat hindi na ako nakielam pa. Dapat hinayaan ko na lang sila.

       Nanaahimik na lamang ako upang hayaan na magdesisyon ang matanda. Ayoko na magsalita at baka maapektuhan pa ang mga kagusutuhan kong mangyari sa hinaharap.

       Hindi pwedeng mag – aral ang babaeng ito. Ako nga ay hindi man lang nakapagtapos ng high school para kay Dan. Tapos iba lang pala ang pipiliin ni Dan. Si Lilybeth lang pala na walang kwentang babae. Hindi ko hahayaan na makapagtapos itong bata na ito. Kung pwedeng patayin ko siya bago niya maabot ang kanyang diploma ay gagawin ko.

       Ako ang unang unang hahadlang sa kanya. Magiging problema niya ako sa hinaharap hanggang nabubuhay pa siya. Sisiguraduhin ko na susuko na lang siya sa mga pangarap niya sa buhay.

       “Sige, pag – iisipan ko muna,” ani ng matandang hukluban.

       Dapat tumanggi na lamang siya. May pag iisipan pa siyang nalalaman.

       Nagpatuloy na sa pagkain ang matanda. Kung hindi lang talaga kay Dan ay hindi ako mag papaalipin sa kanya. Kung hindi lang talaga siya ang nanay ng lalaking minamahal ko.

       “Maraming salamat po, Lola Teresa,” ani ni Gilda sa kanya.

       “Hindi pa ako umu oo,” ani naman ng matanda dito.

       “Kahit na po,” ani ni Gilda. “Nais ko lamang pasalamatan kayo dahil nagbago pa ang inyong isipan. Promise po ay hindi ko kayo bibiguin.”

       “Tama na ang pangungulit mo,” ani ko sa bruhang babae. “Hayaan mo ng pag isipan ni Lola Teresa ang kanyang isasagot sa iyo. Baka mamaya ay makulitan pa si Lola Teresa sayo. Sige ka.”

       Ngumiti naman si Gilda sa akin at tumahimik na.

       Kapag tinuloy niya pa ang mga sinasabi niya ay baka tuluyang bumigay sa kanya ang matanda at umu oo. Hindi ako papayag.

       Ano ba kasing balak ng matanda na ito sa bruhang ito at inuwi niya pa. Pwede namang si Dan na lamang ang iuwi niya.

       “Ah,” ani  ni Gilda. “Napansin ko po na wala na ang ataul ni tatay sa ibaba. Saan po siya napunta? “

       Napatingin naman ako ‘kay Lola Teresa dahil sa tanong na iyon ni Gilda. Tumingin din sa akin ang matanda at sinenyasan ako na sagutin ang tanong ng bruha.

       Napalunok ako at tumikhim.

       “Nako, pasensya ka na, Gilda,” ani ko sa dalaga. “Hindi na kita naantay pa. Inilibing na namin ang iyong tatay na si Dan kagabi. Naisip ko kasi nab aka bumaho pa sa loob ng bahay. Ayoko ng abalahin ka pa kaya hindi na kita ginising.”

       “Pero sabi niyo po kasi ay isasama niyo ako pag inilibing si tatay Dan,” ani ni Gilda sa akin sa malungkot na tono.

       Pwe! Hindi naman siya kailangan don.

       “Nako pasensya ka na talaga ha,” sabi ko sa kanya at nagdala ng malungkot na emosyon. Akala niya ba siya lang? Magaling akong mag panggap! “Mali ako. Dapat pala ay isinama kita dahil anak ka niya. Patawarin mo ako Gilda. Mali ang naging desisyon ko. Ayoko lang kasi na mahirapan pa ang Lola Teresa sa amoy ng bangkay ng iyong ama.”

       “Saan niyo po siya inilibing?” tanong ni Gilda sa akin.

       Bwiset talaga itong pesteng bata. Bat ba ang dami niyang tanong? Pwede bang itikom na niya lang ang kanyang bibig? Basta inilibing ko siya! Bwiset!

       “Doon sa likuran pa ngating bahay,” ani ko. “Sa hindi kalayuan. Malayo ang lalakarin mo.”

       “Okay lang po,” sagot sa akin ni Gilda. “Gusto ko lamang malaman kung saan para alam ko kung saan siya dadalawin.”

       Pwes sa akin ay hindi okay. Naiimbyerna na ako sa batang ito.

       Kumagat ako ng karne saka uminom ng juice. Hindi ko na siya sinagot.

       Sinayang niya pa ang lason ko kanina. Kung hindi siya naging padalos dalos ay patay na sana siya ngayon. Edi sana kasama niya na ang impakta niyang ina. Idi sana ililibing ko na rin siya mamaya.

       Tapos ako pa talaga ang pinaglinis ng mga bubog. Ni hindi man lang siya nagdalawang isip o nahiya. Talagang naupo agad at hinayaan na lang sa akin.

       Hindi niya ba alam ang salitang hiya? Mahiya naman siya sa akin. Kabago bago niya pa lamang ay nambwibwiset na siya ng mga tao.

       Dapat talaga sinasampulan ko ang bata na ito para matuto siya. Hindi pwedeng ako lang palagi ang maglilinis ng mga pinaggamitan niya at mga kalat nya. Pwe! Ano siya sinusuwerte. Hindi ako papayag. Maghirap siya dito.

       Sabagay. Ano bang mapapala ko kapag pinatay ko na siya agad. Mapupunta lang agad siya sa dapat niyang puntahan na hindi man lang nakkaranas ng sobrang hirap. Pero kung pananatilihin ko siya dito ay pwede ko siyang alilahin.

       Pwede ko siyang utus utusan. Kung kukuhanin ko lamang ang kanyang tiwala ay susunod na siya sa akin. Hindi niya malalaman na sinasaksak ko na siya sa likod.

       Tama! Kailangan ko lang mag bait baitan sa harap niya habang pinapahirapan sya ng hindi niya alam.

       Madali lang naman sa akin gawin iyon. Kumbaga especialty ko na iyon lalo na at halos buong buhay ko ay kasama ko ang nanay ni Dan na araw araw ay kailangan kong sundin upang makuha ang loob. Hindi naman siguro ako pahihirapan ni Gilda.

       Tama, maganda nga ang naiisip ko para sa batang ito. Sa bawat araw na dadaan ay pahihirapan ko siya.

       “Ako na po diyan, binibining Maria,” ani niya sa akin at kinuha ang plato sa akiing kamay.

       Nagliligpit na kami ng pinagkainan at umakyat na nga si Lola Teresa sa taas upang gumawa ng mga dasal.

       Ibinigay ko naman sa kanya ang mga plato sa lamesa.

       Hindi na ako tatanggi at hahayaan na siya na lamang ang maghugas ng mga pinggan.

       Tama, ganto nga dapat palagi para hayayay ang buhay ko. May papalit na sa akin na parng isang katulong. Walang iba kundi si Gilda. Ang anak ni Liliybeth.

       Grabe, naiisip ko pa lang na inaalila ko siya ay labis labis na ang aking tuwa. Ano kaya ang reaksyon ni Liliybeth habang pinagmamasdan ang anak nya ngayon dito?

       Siguro ay naiiyak na ito dahil hawak ko na sa palad ko ang magiging kapalaran ni Gilda.

       Manigas ka diyan Lilybeth. Kahit maglulupasay ka pa diyan ay wala ka ng magagawa dahil patay ka na!

       “Maraming salamat kanina, Miss Maria,” ani sa akin ni Gilda habang naghuhugas ng pinggan.

       “Para saan?” tanong ko sa malambing na boses.

       “Kasi tinulungan niyo ako kanina kay Lola Teresa,” ani ni Gilda. “Hindi ko malilimutan ang kabutihan na ipinapakita mo sa akin Miss Maria. Sobrang thankful talaga ako. Sana lang ay pumayag na si Lola Teresa na mag aral ako this school year.”

       “Ano ka ba,” ani ko sa kanya. “Wala iyon. Syempre gusto ko rin namang makapagtapos ka. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay. Gusto kong matupad mo ang mga iyon.”

       Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Mukhang paniwalang paniwala siya sa mga kabutihan na pinapakita ko.

       “Huwag kang mag – alala. Kukumbinsihin ko pa ang Lola Teresa mo upang masigurado kong papayag siya,” an ko ‘kay Gilda habang minamasdan siya sa likuran.

       Hinawakan ko ang kutsilyo sa may lamesa at lumapit sa kanya.

       Unti unti kong itinaas ito hanggang sa marating ang kanyang bewang.

       Napalingon naman sa akin si Gilda at agad kong inilagay sa may lababo ang kutsilyong hawak hawak.

       “Salamat ng marami, Miss Maria,” aniya sa akin na hindi napansin ang hawak – hawak kong kutsilyo kanina lamang. “Sana nga ay payagan ako ng aking Lola.”

       “anong kurso ba ang pipiliin mo pagdating mo ng kolehiyo?” tanong ko sa kanya.

       “Medisina po,” ani nito sa akin. “Nais kong kumuha ng medisina at maging isang magaling na doktor pagdating ng panahon.”

       Medisina? Pangarap din iyon ni Dan. Syempre pangarap ko rin iyon. Sabay kaming nangarap ng bagay na iyon.

       Ngumiti naman ako.

       “Napakaganda ng iyong pangarap tulad mo,” ani ko sa kanya. “Nasa iyo ang aking suporta. Pagbutihin mo ang iyong pag aaral kung sakali. Magandang kurso ang nais mo. Pangarap ko rin iyon.”

       “Opo, Miss Maria,” ani ni Gilda at nagpatuloy sa paghuhugas.

       Hindi bagay sa kanya ang kursong ito. Mas maganda sa kanya ay maging katulong na lamang sa bahay. Pwe! Bwiset!

Kaugnay na kabanata

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

    Huling Na-update : 2021-09-17
  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   I

    Third Person Point of ViewPinunasan ni Gilda ang kanyang luha. Ito na ang huling araw ng burol ng kanyang mga magulang at ililibing na ito ngayon rin. Ayaw niya pang mapawalay dito ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan talaga ilibing ang mga patay.Hindi niya alam kung siya pupulitin ngayong nag – iisa na siya. Hindi niya rin makontak pa ang mga kapatid ng kanyang ina nasa ibang bansa. Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot nito ang mga mensaheng iniwan niya.Wala siyang alam sa mundo. Sanay siyang narito ang kanyang ama at ina upang umagapay sa kanya. Kumbaga ay isa siyang tao na kailangan pa na dumepende sa kanyang magulang.Nagulat siya noong may kumukha ng kabaong ng kanyang ama.“S-saan niyo po siya dadalhin?” tanong ni Gild sa lalaking bumubuhat ng ataul.Napatingin naman sa kanya ang isa sa mga lalaking nagbubuhat.“Inutos sa amin na isakay ito sa sasakyan dahil iuuwi siya ng probinsya,

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • The Last Sacrifice   II

    Third Person Point of ViewNagising si Gilda dahil sa malakas na ingay sa labas ng sasakyan. Agad siyang napaupo sa ppagkakahiga.Iiniikot niya ang kanyang mga mata. Gabi na. Halos hindi niya matanaw kung nasaan sila.“Gising ka na pala,” ani sa kanya ng kanyang lola Teresa. “Bumaba ka na riyan o gusto mong ang patay pa ang unang lumabas bago ikaw?”“Bababa na ho,” ani ni Gilda at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng sasakyan.Napatingin siya agad sa kanyang mga paa noong maputikan ito sa kanyang pagbaba.Nilamon ng putik ang puting sapatos niya. Gamit ang flashlight ng kanyang cellphone ay inilawan niya ito.“Kauulan lang kanina kaya basa ang lupa,” ani sa kanya ng drayber na si Andok.Medyo naiinis si Gilda dahil kalalaba niya pa lamang ng putting sapatos niya at mahirap tanggalin ang dumi nito. Kung alam niya nga lang ay sana ginamit niya na lamang ang tsinelas.

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • The Last Sacrifice   III

    Third Person Point of ViewMatapos magpalit ng damit ni Gilda ay kinuha na niya ang kandila sa may salamin at binuksan ang pinto upang bumaba.Muling nabalutan ng dilim ang kwarto ng maisarado niya ito.Dahan dahan siyang naglakad sa matandang kahoy ng 2nd floor ng bahay at napabaling siya sa kwarto ng kanyang lola Teresa.Nakita niya na bahagyang nakabukas ito. Ang akala ni Gilda ay isinara na ito ni Maria kanina. Napaatras siya ng mas bumukas pa ito ng bahagya.Nakaramdam siya ng malamig na hangin. Sa isipin niya ay baka nakabukas ang pinto nito sa kwarto. Ganoon naman talaga sa probinsya. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag gabi.Tinahak na ni Gilda ang hagdan paibaba. Pagbaba niya ay naabutan niya ang sala. Walang tao doon.Malaki ang espasyo ng sala ng bahay ng kanyang lola. May mga sofa na nakalagay sa bandang gitna. Hindi niya masyadong naaninag ang ibang bahagi dahil hindi sapat ang kandila para punan ang kadi

    Huling Na-update : 2021-06-11

Pinakabagong kabanata

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status