Share

III

last update Huling Na-update: 2021-06-11 17:58:21

Third Person Point of View

Matapos magpalit ng damit ni Gilda ay kinuha na niya ang kandila sa may salamin at binuksan ang pinto upang bumaba.

Muling nabalutan ng dilim ang kwarto ng maisarado niya ito.

Dahan dahan siyang naglakad sa matandang kahoy ng 2nd floor ng bahay at napabaling siya sa kwarto ng kanyang lola Teresa.

Nakita niya na bahagyang nakabukas ito. Ang akala ni Gilda ay isinara na ito ni Maria kanina. Napaatras siya ng mas bumukas pa ito ng bahagya.

Nakaramdam siya ng malamig na hangin. Sa isipin niya ay baka nakabukas ang pinto nito sa kwarto. Ganoon naman talaga sa probinsya. Malamig ang simoy ng hangin lalo na kapag gabi.

Tinahak na ni Gilda ang hagdan paibaba. Pagbaba niya ay naabutan niya ang sala. Walang tao doon.

Malaki ang espasyo ng sala ng bahay ng kanyang lola. May mga sofa na nakalagay sa bandang gitna. Hindi niya masyadong naaninag ang ibang bahagi dahil hindi sapat ang kandila para punan ang kadiliman ng malaking bahay.

‘pssst’

Agad na napalingon si Gilda noong makarinig siya ng paswit. Akala niya ay ang lola Teresa niya iyon ngunit wala siyang nakita paglingon niya.

‘psst’ ‘pssst’

Biglang kinabahan si Gilda. Dahil na rin sa dilim ay natakot siya. Malakas ang paswit at sa wari ng dalaga ay nanggagaling ito sa ilalim ng hagdan.

“M-maria ikaw ba iyan?” tanong ni Gilda at unti – unting humakbang ang paa. Diretso lamang ang kanyang tingin. Pilit niyang sinasanay sa dilim ang kanyang mata. “Huwag naman kayo ganyan oh. Nakakatok po kasi ang paswit niyo. Sa-“

Naputol ang sasabihin ni Gilda noong mapatid siya sa bagay na hindi niya alam. Sadyang may pumatid na kamay sa kanya sa may dilim. Isang itim na kamay.

Namatay ang hawak na kandila ni Gilda at tuluyan ng nilamon ng dilim ang sala.

Kinapa kappa niya ang sahig upang hanapin ang kandila. Naiwan niya pa ang cellphone niya sa kanyang kwarto. Sa kanyang pagkapa ay may nahawakan siyang isang malamig!

Tama isang malamig na bagay! Malamig at… medyo malambot! Hindi lang pala medyo malambot dahil noong diinan ni Gilda ang paghawak doon ay bumaon ang kanyang kamay!

Mas malambot pa ito sa isang gelatin!

Napakunot ang noo ni Gilda sa kung ano ang bagay na iyon. Tila ba humawak siya ng isang bulok na mangga.

“Ano ito?” tanong ni Gilda.

Kinuha niya ang kamay pabalik at tila sumama sa kanyang mga daliri ang parte nito.

Dahan dahan na inilapit ni Gilda ito sa kanyang ilong para amuyin.

Halos masuka siya sa amoy nito. Amoy nabubulok! Isang nabubulok na laman! Mas masahol pa ang amoy nito sa karne na nilipasan ng linggo na hindi nailalagay sa refrigerator!

Nakaramdam si Gilda ng maliliit na bagay na gmagapang sa kamay niya. Maliliit ito na kaonti lang ang laki sa isang langgam. Agad niyang iwinagwag ang kamay sa diri.

“Ano ba ito?!” inis na tanong ni Gilda habang tinitignan sa dilim ang kamay.

Muli niya itong inamoy at nakakasulasok. Pakiramdam niya ay umabot sa kanyang utak ang nakakasukang amoy. Sumakit bigla ang kanyang ulo. Amoy nabubulok na laman!

Tumayo si Hilda sa kanyang pagkakadapa at paglingon niya ay nakita niya si Maria sa kanyang likuran na may hawak na kandila. Halos kaonti lang ang pagitan nilang dalawa. Halos mapasigaw siya sa gulat. Nakatingin sa kanya si Maria.

“Anong nangyari?” tanong ni Maria sa kanya. “Kanina ka pa hinihintay ng iyong lola Teresa sa hapag kainan.”

Agad na tinignan ni Gilda ang kamay sa may liwanag ng kandila at napakunot ang kanyang noo ng makitang malinis ito. Inamoy amoy pa ng dalaga muli ang kamay niya ngunit wala na itong amoy di gaya kanina na sobrang nakakasulasok.

“Nadapa ho kasi ako,” sabi ni Gilda. “Namatay yung dala dala kong kandila.”

Inilawan naman ni Maria ang ibang bahagi. Nakita niya ang kandila sa ilalim ng hagdan. Tumungo ang babae roon at pinulot ito saka muling sinindihan. Inabot niya iyon kay Gilda matapos.

“S-salamat po,” sabi ni Gilda sa babae. “K-kanina pop ala ay may pumapaswit malapit sa hagdan. Kayo po ba iyon?”

Medyo nagbago ang emosyon ni Maria sa mukha at sumungit ngunit bumalik din sa dati na mukhang inosente.

“Kadadating ko lamang dito sa sala galing sa kusina upang sunduin ka,” ani ni Maria. “Baka naman sa sobrang pagod mo kaya may naririnig ka na wala naman talaga.”

“Hindi po,” pagpipilit ni Gilda dito. “Tatlong beses ito pumaswit ng malakas. Dinig na dinig ng aking tainga. Baka ho mamaya ay magnanakaw na nakapasok o masamang loob.”

Dahil base na rin sa sinabi ng kanyang lola Teresa ay dalawa lang sila ni Maria na naninirahan sa bahay kaya imposibleng may pumaswit sa kanyang ibang tao pwera na lang kung may iba pang nakapasok doon.

Napatawa naman ng mahinhin si Maria sa sinabi ni Gilda.

Hinawakan siya ni Maria sa buhok at hinaplos haplos.

“Huwag kang mag – alala,” ani ni Maria. “Walang sino man ang maglalakas loob na pumasok sa bahay ni lola Teresa ng walang pahintulot.”

“P-pero na sa may gitna po ng palayan ang bahay ni lola Teresa,” ani ni Gilda. “Isa pa ay walang ilaw. Malakas ang loob ng mga masasamang tao na magnakaw.”

“Gilda,” tawag sa pangalan niya ni Maria. “Maniwala sa akin. Hindi sila papasok sa bahay na ito. Takot lang nila na makasalubong ako o si lola Teresa mo. Kahit sa bayan ay alam nilang hindi dapat pumapasok sa bahay ng lola Teresa ang mga walang pahintulot.”

Napahinga naman ng malalim si Gilda sa sinabi ni Maria.

“Paano niyo po nasabi na natatakot sila?” tanong ni Gilda sa babae.

“Darating tayo sa oras na iyan,” sabi ni Maria. “Malalaman mo rin. Sa ngayon ay tara na sa kusina upang kumain. Hating gabi na rin at baka magalit pa ang lola Teresa mo kakahintay sa iyo.”

Tumango naman si Gilda at dumiretso na sila sa kusina.

Naabutan nila ang matanda na nakaupo sa harap ng lamesa habang nakatingin sa kanila papasok.

“Nandito na si Gilda, lola Teresa,” ani ni Maria sa matanda.

“Ano pang hinihintay natin?” tanong ni lola Teresa. “Kumain na tayo dahil gusto ko na rin magpahinga. Sa bayan pa ba kayo nanggaling sa tagal niyo sa pagpunta dito sa kusina? Hindi niyo dapat pinaghihinatay ang pagkain.”

Masungit sa pandinig ni Gilda ang matanda.

“S-sorry po,” sabi ni Gilda dito.

Hinainan naman siya ni Maria ng pagkain. Nilagyan ang kanin niya ng sabaw at tatlong laman.

“Kumuha ka lang kung kulang pa sa iyo,” sabi ni Maria at ang sarili naman ang hinainan.

Tumango naman si Gilda dito.

Pinagmasdan ni Gilda ang pagkaing na sa kanyang plato. Malalaki ang tipak ng laman na inilagay sa kanya. Maiigi niyang pinagobserbahan ang karne at nakikita niya ang mantika nito. Ngunit wala na rin siyang panahon upang usisain pa ito ng sobra gayong gutom na rin talaga siya.

Sumandok siya ng kanin sa plato at sinubo ito. Tinusok niya ng tinidor ang laman at saka kumagat dito.

Nagulat si Gilda sa lambot ng laman. Ibang iba ang linamnam ng karne na kinakain niya ngayon.

“Masarap ba?” tanong ni Maria kay Gilda.

Tumango naman si Gilda.

“Ilang oras niyo po ito pinakuluan?” tanong ni Gilda. “Ano po ang inilagay niyong sangkap dito? Napakalambot kasi at kakaiba ang linamnam.”

 Napatawa si Maria na tila nahihiya.

“Apat na oras ko pinakuluan ang karne sa mainit na tubig,” ani ni Maria kay Gilda. “Wala namang sikretong sangkap. Sinunod ko lamang ang recipe sa libro ng lola Teresa. Sadyang masarap lang talaga ang ganyang laman. Malinamnam at napakalambot. Tila na sa langit ka sa tuwing kakagatin mo ito.”

“Baboy ho ba ito?” tanong ni Gilda.

Nagkatinginan naman si lola Teresa at Maria. Matapos ay bumaling sa kanya si Maria.

“Oo,” sagot ni Maria. “Alagang baboy iyan ng lola Teresa mo.”

Napatango naman si Gilda sa sinabi nito.

Masyado siyang nasarapan sa karne ng baboy at hindi na siya nagsalita pa at kumain na lamang.

---

Nakatatlong serving si Gilda sa sarap ng ulam. Isama mo pa ang pagod niya sa byahe kaya ganoon na lamang ka dami ang nakain niya.

“Mukhang nagustuhan mo ang luto ko,” sabi ni Maria.

Ngumiti na lamang si Gilda. Naalala ni Gilda ang ama at gusto niyang malaman kung saan ililibing ng kanyang lola ang kanyang tatay.

“Lola Teresa,” tawag ni Gilda sa matanda na umiinom ng tubig. “Saan niyo po ililibing ang itay?”

Ibinaba naman ng matanda ang kanyang baso.

“Huwag mo ng intindihin iyon,” sabi ng kanyang lola. “Si Maria na ang bahala sa tatay mo.”

“Pwede po bang sumama kapag ililibing niyo na siya?” tanong ni Gilda kay Maria. “Gusto kong makita kung saan niyo po siya ililibing ng sa ganoon ay alam ko kung saan ko po siya dadalawin. Nais ko rin magbigay ng huling pamamaalam kay itay.”

“Oo naman,” sabi ni Maria kay Gilda habang nakangiti. “Pwedeng pwede ka sumama sa kanyang libing.”

“S-salamat po,” ani ni Gilda.

“Ako na ang bahala sa mga plato,” sabi ni Maria. “Magpahinga na kayo ng lola Teresa sa itaas.”

Bigla namag nahiya si Gilda sa sinabi nito.

“Ako na lang po siguro ang maghuhugas,” sabi ni Gilda. “Pinakain niyo naman ho ako at sa tingin ko ay dapat lang na ako ang maghugas.”

“Lola Teresa,” sabi ni Maria at tumingin sa matanda. “Napakagalang naman pala ng iyong apo. Tignan mo at hindi na siya kailangan pang utusan. Siya na mismo ang nagrereprisinta.”

Tumayo naman ang matanda sa pagkakaupo.

“Bahala na kayo mag – usap diyan, Maria,” sabi ng matanda. “Kailangan ko ng tumungo sa aking kwarto.”

Lumabas na ng kusina ang matanda.

Hinawakan naman ni Maria sa kamay si Gilda.

“Salamat ha,” sabi ni Maria. “Ngunit alam ko ring pagod ka. Ako na ang bahala maghugas ngayon. Bumawi ka na lamang sa mga susunod na araw.”

Tumango na lamang si Gilda. Tama at pagod nga siya dahil sa byahe. Nais niya na rin matulog dahil dinadalaw na rin siya ng antok.

“Saan po pala ang banyo niyo rito?” tanong ni Gilda sa babae.

“Paglabas mo ng kusina ay lumiko ka ng kaliwa,” sabi ni Maria habang nagliligpit ng plato. “Diretsuhn mo lang iyon at mararating mo ang banyo sa dulo.”

“Sige salamat po,” ani ni Gilda. “Mauuna na rin po ako upang makapagpahinga.”

“Sige,” sabi ni Maria habang nakangiti. “Goodnight. Sweetdreams.”

“Goodnight rin po,” sabi ni Gilda at lumabas na sa kusina.

Nawala ang ngit ni Maria sa labi habang tumalim ang mga titig. Kumunot ang noo nito at padabog na nilagay ang plato sa lababo.

“Bwiset! Bwiset! Bwiset!” ani ni Maria at binuksan ang gripo saka kinuskos ang mga plato. “Bakit kailangan kong pagsilbihan ang anak ng bruhang iyon! Nanggigigil ako sa kanya!”

Madiin ang bawat kuskos ni Maria sa mga plato at nabasag pa niya ang isa.

Nasugatan siya sa kanyang palad at tumulo ang dugo roon.

Agad na dinilaan ni Maria ang tumulong dugo sa kanyang palad. Itinapon niya sa basurahan ang nabasag niyang plato at nagkuskos uli.

“Ang pangit ng pangalan niya! Gilda?” ani ni Maria at napatawa ng sarkastiko. “Kasing panget ng bruha niyang nanay! Mas maganda pa ako sa kanilang dalawa at mas mukhang bata. Kung ako sana ang pinili mo Dan ay hindi mo sasapitin ang aksidente na iyan!”

Bigla naman kumalma ang mukha ni Maria at hininhinan ang mukha.

“Hindi na bale,” ani ni Maria. “Ang mahalaga ay nakauwi ka na sa ating tahanan, Dan. Bukas ang aking silid para sa iyo. Tamang tama lamang ang laki ng higaan ko para sa iyo. Medyo tumanda na ang iyong itsura noong makita kita sa kabaong ngunit hindi kumukupas ang iyong kagwapuhan. Bakit kailangan mo pang maging kamukha ang anak mo sa bruhang iyon? Hindi na bale. Na sa akin pa rin naman ang huling halakhak. Sa akin ka pa rin bumagsak.”

Kumanta kanta pa ang babae habang tinatapos ang hugasin.

Napansin ni Maria na may mga laman na sobra sa strainer ng lababo. Kinuha niya iyon at sinubo lahat saka ngumuya nguya.

“Ang sarap talaga ng luto ko,” sabi ni Maria. “Ano kayang lasa ng anak niyo, Dan?”

Kaugnay na kabanata

  • The Last Sacrifice   IV

    Gilda Point of View Napatingin ako sa lumang salamin sa aking kwarto. Malinis na malinis iyon. Siguro ay nilinis na ni Maria noong malaman niya na darating ako. Nakapagtataka lamang na hindi siya galit sa akin. Ang kwento sa akin ni ina ay galit pa nga raw si Maria sa kanya dahil siya ang pinili ni tatay. Hindi kaya ay nililinlang ako ng aking mga mata at hindi naman talaga mabuting tao si Maria? Nag babait – baitan lamang siya? Tulad ng mga napapanood ko sa telebisyon tuwing hapon. Tapos baka mamaya ay bigla na lang ako gawan ng masama nito. O kaya naman ay napipilitan lang siyang tanggapin ako dahil sa sinabi ni Lola Teresa at no choice talaga siya kaya tinanggap niya ako. Mayroon naman kasi talagang mga ganoong tao! Hays! Bakit ko ba iniisipan ng masama ang taong iyon? Wala naman na ako dapat pang ipagkabahala. May mga tao rin naman na na

    Huling Na-update : 2021-08-01
  • The Last Sacrifice   V

    Gilda Point of View lNapamulat ako ng aking mga mata noong marinig ko ang boses ni Maria na tinatawag ako sa labas. *tok* *tok* *tok* Napatayo ako agad dahil sa sunod sunod na katok na ginagawa ni Maria. Napatingin ako sa may salamin at napansin ko na wala na ang tapis na inilagay ko roon kagabi. Napailing na lamang ako dahil baka nilipad lamang ng hangin. Ikinibit balikat ko na lamang at dumiretso sa pintuan ng aking kwarto saka binuksan ang pinto. Anong oras na ba at bakit nangangatok na ang binibini? Sa tyansa ko ay hindi pa naman sumisikat ang araw ng buo. Medyo makulimlim pa sa labas base sa nakikita ko sa butas ng aking bintana. Wala naman kasing orasan sa kwarto. Hindi pa naman ako

    Huling Na-update : 2021-08-02
  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong b

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • The Last Sacrifice   Kakaiba?

    Maria Point of View Napainat ako ng mga kamay upang pawiin ang antok ng aking katawan. Katatapos ko lamang magsipilyo at ala singko na muli ng maga. Kailangan ko ng muling mamalengke para sa mga gagamitin namin ngayon sa bahay at pati na sa susunod pang mga linggo. Tamang tama ang magandang umaga na ito upang pahirapan ang bruhang anak ni Lilybeth. Wala pa ring sinasagot si Lola Teresa patungkol sa kalagayan ni Gilda. Sana lang talaga ay tumanggi siya dahil kung hindi ay mas mabwibwiset ako sa kanilang dalawa. Ayaw na ayaw ko pa naman na taliwas sa kagustuhan ko ang mga nangyayari. Matapos ko mag ayos ng sarili ay agad na akong pumunta sa sa kwarto ni Gilda. Nakalock ito nag subukan kong buksan

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • The Last Sacrifice   Carmen

    Carmen Point of View “Sino iyon? Kakilala mo? Bakit mag kausap kayo?” tanong sa akin ng aking ina habang nagpapack ng mga asukal para sa aming paninda. Umiling iling naman ako habang tinitignan ang pinuntahan ni Gilda. “Hindi po,” ani ko sa kanya. “Mukha kasing bago siya rito kaya tinanong ko,” ani ko naman sa aking ina. “Mula raw siya sa manynila at umuwi lang dito dahil wala na siyang tutuluyan.” “Nako bakit? Nabuntis ba?” tanong sa akin ng aking ina. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko.

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • The Last Sacrifice   Chismis ba?

    Gilda Point of View “Paano po kayo nagkakilala ni Tatay Dan?” tanong ko kay Maria habang patuloy niyang hinahagod ang aking buhok. Kita ko sa salamin kung paanong lumiwanag ang kanyang mukha at paanong ngumiti ang kanyang labi at mata. Mukhang talagang gustong gusto niya ang tatay ko. Parang iba naman ang tunay na ugali niya sa naririnig kong kwento dati ni nanay sa akin. Baka nagbago na talaga si Maria dahil nakapag isip isip na siya ng tama. “Nakilala ko ang tatay mo sa isang parke,” ani nito sa akin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Bata pa lang kami noon at

    Huling Na-update : 2021-08-06
  • The Last Sacrifice   Ano sila

    Maria Point of View Napairap ako paglabas ko ng pintuan. Gusto kong sabunutan ang bruha na iyon ng tawagin niya akong nanay. Buti na lamang at kaya kong magpigil sa inis. Nakakadiri! Nakakasuka. Hindi ba siya nahihiya sa akin? Sana ay hindi niya na lamang itinuloy ang pagtawag sa akin ng salutasyon na iyon. Pareho rin naman namng gusto. Pero sabagay, kung narito man si Lilybeth ay baka naiinis na iyon habang pinapakinggan ang sariling anak niya na tinatawag ang kanyang mortal na kaaway na ina. Hinawi ko ang mahahabnag buhok na lumadlad sa aking mukha at inipit ko iyon sa aking likuran na tainga. Si

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • The Last Sacrifice   Kwarto

    Gilda Point of View “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito. “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.” Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.

    Huling Na-update : 2021-08-08

Pinakabagong kabanata

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status