Share

Carmen

last update Last Updated: 2021-08-05 12:27:20

Carmen Point of View

                  “Sino iyon? Kakilala mo? Bakit mag kausap kayo?” tanong sa akin ng aking ina habang nagpapack ng mga asukal para sa aming paninda.

                  Umiling iling naman ako habang tinitignan ang pinuntahan ni Gilda.

                  “Hindi po,” ani ko sa kanya. “Mukha kasing bago siya rito kaya tinanong ko,” ani ko naman sa aking ina. “Mula raw siya sa manynila at umuwi lang dito dahil wala na siyang tutuluyan.”

                  “Nako bakit? Nabuntis ba?” tanong sa akin ng aking ina. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Maraming mga kabataan ang nabubuntis ngayon. Kaya lagi kitang pinapapaalalahan, Carmen! Huwag kang masyadong maglalalapit sa mga lalaki. Nako kapag nakuha nila ag gusto nila ay iiwan ka na nila.

                  Tumayo si nanay sa pagkakaupo at inabot ang iba pang plastic ng asukal upang isabit sa taas.

                  “Paano na lang kaming mga magulang niyo na halos isubsob na ang mukha sa lupa kakakayod makapagtapos lang kayo. Aba maawa naman kayo sa amin. Hindi namin kayo pnag aaral para mabuntis lang mga walang kwentang lalaki na iyan. Kapag ikaw nabuntis nako sinasabi ko sa iyo. Sira na agad ang pangarap mo. Imbes na diploma ang hawak mo ay bata na. Paano ka pa makakapag aral kung may anak ka na dapat alagaan? Ano itatambak mo sa akin? Sa amin ng tatay mo? Mag – isip isip ka nga.”

                  Napatawa nama ako sa sinabi ni Ina. May nabuo nanaman siyang tsismis galing sa sarili niyang imahinasyon. Hindi ko pa naman sinasabi na buntis si Gilda. Hindi naman buntis si Gilda.

                  “Imbes na maging isang successful kang babae ay magiging batang ina ka!” madiin na sabi sa akin ng aking ina. “Huwag mong susunugin ang hagdan mo para lamang sa pansamantalan kaligayahan, anak. Napakahirap mabuhay sa mundo. Ano ipapadede mo sa anak mo? Nakapisan ka pa nga sa amin Kakaladkarin mo lang ang anak mo sa hirap. Ako nga na may sariling tindahan at tatay mo na pulis ay nahihirapan pa rin sa buhay paano pa ikaw na nakadepende lang sa amin tapos mabubuntis ng kung sinong lalaki. Maghunos dili ka. Baka mabaril ng tatay mo yung lalaking makakabunts sa iyo.”

                  “Ano ka ba nay,” ani ko. “Hindi naman po buntis yung babaeng nakausap ko kanina. Kasing edaran ko lang po siya at nauwi siya sa probinsya dahil wala lang siyang matitiran na sa maynila pero hindi siya buntis.”

                  Niyakap ko naman ang aking ina sa likuran.

                  “Wala ka bang tiwala sa anak mo?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko naman magagawa iyon sa iyo. Nais kong makapagtapos para makatulong ako sa inyo. May pangarap ako sa buhay tulad mo. Alam kong malaki ang pangarap mo sa akin , Nay kaya hindi kita bibiguin.”

                  “May tiwala ako sa iyo, anak,” ani ni Ina. “Ngunit sa mga lalaki ay wala. Nakakatkot ang mundo ngayon. Kaya naman huwag kang sasama kung kanino kanino lamang ha. Baka mamaya mapahamak ka pa. Taga saan nga pala yung kausap mo? Saan siya banda dito?”

                  “Ah, apo raw siya ni Lola Teresa,” ani ko naman sa kanya.

                  “Nako, huwag mong mabanggit banggit ang pangalan na iyan at baka marinig ka niya,” ani sa. akin ni ina at mabigat akong tinapik sa hita.

Gilda Point of View

                  Maya’t maya kong tinitigan si Maria habang naghahanap siya ng mga bibilhin niya para sa bahay. Wala naman akong nakikitang mali sa kanya. Mukha lang siyang isang ordinaryong mamimili sa palengke. Ngunit bakit ganoon? Tahimik sila habang nagmamasid lang sa amin. Pakiramda ko tuloy mga aswang sila.

                  May napanood ako dati. Ganitong ganito rin ang senaryo. Sino na nga ba ang nagbida sa palabas na iyon? Nakalimutan ko na ang pangalan ng magandang aktres pro basta umattend sila sa pyesta ng mga aswang. Wala silang kaalam alam na ihahanda nap pala sila ng kanilang tinuturing na kaibigan sa pyesta.

                  “Ano at kanina mo pa ako tinititigan?” tanong ni Maria at inilagay sa plastic ang mga kamatisna pinili. “May nais ka bang bilhin? Sabihin mo lamang upang maisama ko na.”

                  Nakangiti siya  sa akin habang maamo ang mga mukha. Aswang ba siya? Aswang ba kami? Huwag mong sabihin na may lahi kaming aswang? Teka, hindi naman ako natatakam sa dugo. Pero hindi ba at napapapasa iyon?

                  Hindi kaya, kaya ako inuwi ng Lola Teresa upang pasahan ako ng jollen niya. Yung maliit na itim na iniluluwa raw.

                  Napahawak ako sa bibig ko at napailing.

                  “Ano? Bakit ka gumaganyan?” tanong ni Maria sa akin? “May masakit ba sa iyo? May nanakit bas a iyo?”

                  Hinawakan niya ako sa mukha at sinipat.

                  Napatingin naman ako sa mga tinda ng tindera.

                  “Gusto ko po ng bawang at asin,” ani ko sa kanya bigla. “Pwede niyo ba ako bilhan? Kakain sana ako ng mangga at gagawa ng chili sauce.”

                  “Nako iyon lang pala,” ani ni Maria. “Oo naman. Ngunit maraming asin sa atin kaya kahit hindi ka na bumili. Bawang na lamang.”

                  Inabot ni Maria ang ilang bugkos ng bawang at inilagay sa timbangan.

                  Bakit hindi siya napaso? Kailangan bang ipalunok ko sa kanya yung bawang.

                  Kinuha ko ang isang bugkol ng bawang at kumuha ng piraso nito. Kinagat ko ito kaya napatingin sa akis ang tindera at Maria.

                  “Wow, ang sarap,” ani ko. “Tikman niyo po, Miss Maria.”

                  Nakita ko na napangiwi naman siya.

                  “Gilda ano ka ba naman,” ani nito. “Nakakahiya sa tindera at kinakagat mo ang tinda nila ng hindi pa nababayaran. Saka hindi ako kumakain ng hilaw na bawang.”

                  “Masarap, tikman niyo po,” pilit ko at inilapit ang bawang sa bibig niya. Agad naman siyang napahawak sa kamay ko at inilayo ang kanyang mukha.

                  “Sige na,” pilit kong muli. “Kapag tinikman niyo ito ay tatawagin ko na kayong nanay.”

                  Ilang segundo ang lumipas at nag – isip ang babaeng kaharap ko. Tapos ay ngumiti siya sa akin.

                  “Sige na nga,” ani ni Maria at ngiwing kumagat sa bawang. “Basta sabi mo ha, tatawagin mo na akong ina.”

                  Napatango naman ako habang tinitignan ang magiging reaksyon.

                  Mas lalo itong napangiwi habang ngumunguya saka nilunok. Magiging aswang na ba siya?

                  “Kakaiba ang taste mo ha,” ani ni Maria at pinunasan ag bibig. “Ang pait. Hindi ko gusto. Kanino mo natutunan ang kumain ng hlaw na bawang? Ang alam ko ay ginagamit lang ito sa lutuin at sa ibang bagay tulad ng patungkol sa medikasyon at kalusugan.”

                  Hindi siya naging aswang. Hindi siya nasaktan. Ibig sabihin, mali ang iniisip ko.

                  Napahawak ako sa aking ulo at napaayos ng buhok.

                  “Sa maynila po,” sagot ko. “Pasensya na. Akala ko magugustuhan niyo.”

                  Nagbayad na si Maria ng mga binili namin.

                  “Iba iba naman tayo ng taste,” ani nito at hinawakan ako sa kamay at lumipat ng ibang tindahan.

***

                  Pagdating namin ng bahay ay laking tuwa ko noong makita ko na nakasindi ang lumang ilaw sa loob ng bahay ni Lola Carmen. Yes! Sa wakas at nagka – ilaw din.

                  Pagkatapos ko ibaba ang mga bayong ay agad akong umakyat sa kwarto upang icharge ang aking cellphone.

                  Dead battery na kasi mula ng dumating ako rito. Ngayon ko lang uli mabubuksan. Sana naman ay malakas ang signal nila rito.

                  Hoping kahit na alam kong probinsya ito.

                  Humiga ako sa kama habang hawak ang aking cellphone na nakacharge. Napagod ako sa pamamalengke. Ako ba naman halos ang magbuhat lahat ng bayong eh. Sabagay, sabi nga ni Maria ay hindi niya masyadong magamit ang kamay niya dahil nanghihina.

                  Okay lang sa akin. Basta makabawi ako sa kabutihan na pinapakita niya sa akin.

                  Hay. Maya maya ay bababa pa uli ako upang maglinis ng bahay. Naalala ko nga pala na binilinan ako ni Maria ng mga gagawin ko habang papauwi kami. Walang kasing layo ang bayan. Mabuti na lamang at nag special na kami ng sasakyan pauwi at hindi na namin pa kailangan lakarin ang mahabang daan papuntang highway.

                  Kung bakit ba kasi napakalayo ng bahay ng Lola Teresa.

                  Noong magbukas ang phone ko ay napangiti ako. Pumasok na rin ang load at agad ko naman itong iniregister sa internet. Medyo mahina ang signal na nasasagap ng phone ko pero pwede ko naman ng pagtiyagaan.

                  Pakiramdam ko tuloy nasa ibang henereasyon ako ng kasaysayan. Tila napag – iwanan na kasi ang probinsya nila Tatay. Pati na sa palengke makikitaan mo pa rin ng lumang tradisyon.

                  Ang kagandahan nga lang sa probinsya ay tahimik at malayo sa komunidad. Walang polusyon at maluwang ang espasyo. Mahangin at hindi kasing init sa maynila dahil marami ring puno. Kahit sa bayan at puno ng puno ang bawat kalye.

                  Nakakamanngha lamang. Habang sa maynila ay wala na halos. Talagang maninibago ka. Nakakita rin ako kanina ng mga kalabaw, baka at mga manok. Sa maynila kasi ay puro karne na nila ang nakikita ko bibihira na lang mga buhay.

                  Kanina pala ay nakakakita ako ng kabayo. Syempre bilang taga maynila ay mangmang ako. Sa maynila kasi ay puro sasakyan na de gulong na lamang ang makikita. Ni minsan ata ay hindi pa ako nakasalubong ng  kalesang may kabayo sa reyalidad at puro sa tv ko lamang nakikita.

                  Sabi ni Maria ay may mga kabayo raw sila dati kaso nangamatay na dahil may mga naiinggit sa kanila at nagalit. Hindi naman niya sinabi kung anong dahilan ng mga pagkaggalit nito.

                  Sayang at hindi ko naabutan. Gusto ko pa naman sumakay ng kabayo at makipagkarera. Tamang tama at malaki ang lupain dito sa bukid. Pwedeng pwede ako mangabayo. Kabayo na lang talaga ang kulang.

                  Teka paano na kaya ako makakapanood ng mga paborito kong drama. Ang laki pa naman umubos ng mb ang mga ito kapag dinadownload. Pang 7 days lang ang pinaload ko at kailangan ko pang tipirin iyon dahl hindi ko alam kung kailan uli kami babalik.

                  Nabanggit ni Maria kanina na pang dalawang linggo ang pinamalengke namin kanina kaya baka matagalan pa uli.

                  Sabihin ko kay Lola Teresa na magpakabit ng internet? Ang boring kasi pag wala. Hindi ko na mahinuna kung ano ang kalalagyan ko sa bawat araw na walang net. Kaso kung sasabihin ko naman iyo ay baka sabihin na ang dami kong demand. Baka mas mapasama pa ako at hindi na ito pumayag na mapag – aral ako.

                  Kay Maria ko na lang kaya sabihin? Tutal naman ay mabait siya baka pwedeng himukin niya ang Lola Teresa. Mukha naman na malakas siya rito. Sa akin kasi ay ang sungit sungit ni Lola. Natatakot ako na lapitan ito.

                  Tama! Lalapitan ko na lang si Maria mamaya at sasabihin sa kanya. Kasi kung siya ang kukumbinsi kay Lola Teresa ay mas malaki ang posibilidad na pumayag ito di tulad sa akin na medyo malayo. Kailangan ko pang magpalakas para naman mapalapit din ako sa kanya.

***

                  Natapos ang maghapon. Napagod ako dahil napakarami kung nilinis. Ang luwang luwang ng bahay. Buti na lamang at hindi na ipinalinis sa akin ang kwarto ni Lola Teresa at ang kwarto ni Maria.

                  Katatapos ko lang din kumain at hindi ko pa nasabi kay Maria ang nais kong sabihin. Nahihiya rin kasi ako sa kanya.

                  Napatingin ako sa cellphone ko noong mag beep ito. May nagmessage pero hindi ko kilala dahil number lang ang nakagay.

                  Binuksan ko ang message sa cellphone.

                  ‘Hi! Si Carmen ito, Gilda’ Ito ang nakalagay sa message.

                  Carmen? Carmen? Sino si Carmen? Wala naman akong kakilalang Carmen sa maynila.

                  Ah! Siya yung tindera kanina sa planegke. Akala ko naman kung sino. Syempre nagreply din ako. May makakachismisan na ako ngayon at hindi na ako gaanong maboboring sa bahay.

                  ‘Hi! Kamusta ka Carmen? Bakit ka napatext?’ tanong ko rito sa text.

                  ‘Ito ang number ko. Isave mo sa phone mo at huwag mo ipangalan sa akin. Ichat o tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong. Kakampi mo ako’

                  Napakunot ako sa reply niya sa akin. Ha? Ano ang ibig sabihin niya sa reply niya? Saka bakit ko kailangan humingi ng tulong? Saka bakit hindi ko ipapangalan sa kanya?

                  ‘Bakit hindi ko ipapangalan sa iyo? Saan mo ako tutulungan?’ reply ko.

                  Isinave ko na ang pangalan niya. Min ang inilagay kong pangalan kasi carMEN pero MIN na lang.

                  Ah! Baka natatakot siya na mapahamak ako sa daan dahil malayo ang bahay namin sa bayan. Wow grabe. Friends na agad kami? Ang bait pala ng mga tao dito sa probinsya. Kakakilala lang namin kanina ay concern na agad siya sa akin.

                  ‘Basta! Tapos burahin mo na lang bawat reply ko please. Lagyan mo ng lock ang phone mo.’ Reply nito.

                  Bakit kaya? Sige sabi niya eh. Binura ko ang mga reply niya gaya ng kanyang request. May lock naman talaga ang phone ko.

                  ‘Sige.’ Reply ko.

                  ‘Kung may kailangan ka ay nandito lang ako. Pwede mo ako sabihan.’ Text niya muli.

                  Ang bait talaga.

                  ‘Salamat. Nakapag enroll ka na?’ tanong ko sa kanya.

                  ‘Apo ka ba talaga ni Ginang Teresa Hussein?’ reply niya na hindi niya pinansin ang tinanong ko.

                  Bigla tuloy ako nakaamoy na may mali.

                  Oo, pero hindi kami close dahil ngayon pa lang kami nagkita. Ako hindi pa nakakapagenroll baka pwedeng tulungan mo ko mag enroll sa school?’ text ko sa kanya.

                  ‘Mag – iingat ka, Gilda lalo na sa mga kasama mo sa bahay,’ text niya pabalik.

                  Kinilabutan ako noong mabasa ko ang reply niya. Anong ibig sabihin niya? Si Lola Teresa lang naman at Maria ang kasama ko sa bahay.

                  Anong meron sa kanila? Bakit ganoon nila ito  tratuhin? Tila kinatatakutan nila ang dalawa.

                  ‘Bakit? Ano ba sila? Ano ang dapat ko-‘

                  Nabitawan ko sa baba ang phone ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

                  “Sino ang katext mo?” agad akong napalingon sa babaeng nasa likuran ko.

                  Si Maria. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti ang labi. Mas kinikilabutan ako sa mga ngiti niya ngayon dahil sa text ni Carmen.

                  Paano siyang nakapasok sa kwarto ko? Hindi ko man lang namalayan ang presensya niya.

                  Pinulot ko ang cellphone ko at agad na dinelete ang mga text messages sa phone.

                  “Ah, yung mga kaibigan ko dati ay kinakamusta ako,” palusot ko ‘kay Maria at itinago sa likuran ko ang phone.

                  “Gabi na, bukas na iyan. Mag goodnight ka na sa kanila,” ani ni Maria. “Tapos maupo ka na ssa upuan at susuklayin ko ang buhok mo bago ka matulog.”

                  Napalunok naman ako at nagtext sa cellphone.

                  ‘Bukas na lang uli, Carmen. Kausap ko si Miss Maria’ text ko at binura na rin iyon sa sentbox.

                  Nilugay ko naman ang buhok ko mula sa pagkakaipit at naupo sa may upuan sa harap ng malaking salamin.

                  Lumapit naman sa akin si Maria at hinawakan ang aking buhok sa sinimulang suklayin.

                  “Mula ngayon ay gabi gabi ko ng susuklayin ang buhok mo,” ani ni Maria sa akin. “Alam mo ban a isa ito sa pinakamahalagang parte ng katawan ng babae?”

                  Hindi naman ako sumagot at ngumiti na lamang habang pinagmamasdan ang repleksyon namin sa salamin.

                  Normal lang naman ang itsura ni Maria sa salamin. Tao lang ito. Isang normal na tao.

                  “Kaya dapat ay hindi mo ginugupitan ito. Pahabain mito upang matuwa ang iyong Lola Teresa,” ani ni Maria. “Ang ganda ganda ng buhok mo. Ang bango bango at makintab.”

                  “Ginagamitan kop o ng conditioner na hiyang sa akin,” sagot ko sa kanya.

                  “Sino ba ang mga kaibigan mong iyan?” tanong ni Maria sa akin. “Pwede mo silang imbitahan dito sa probinsya natin.”

                  “Talaga po? Pwede ko silang imbitahan dito?” tanong ko.

                  “Oo naman,” sagot naman niya.

                  “Hindi ba magagalit si Lola Teresa?” tanong ko sa kanya.

                  “Hindi,” sagot nito sa akin. “Mas matutuwa pa nga ito sa iyo kapag ginawa mo iyon. Itext mo bukas ang mga kaibigan mo na dalawin ka dito.”

                  Napangiti naman ako. Gusto ko rin sila iinvite para makapagbakasyon sila kasama ko. Miss ko na rin sila.

                  “Sige po,” sagot ko.

Related chapters

  • The Last Sacrifice   Chismis ba?

    Gilda Point of View “Paano po kayo nagkakilala ni Tatay Dan?” tanong ko kay Maria habang patuloy niyang hinahagod ang aking buhok. Kita ko sa salamin kung paanong lumiwanag ang kanyang mukha at paanong ngumiti ang kanyang labi at mata. Mukhang talagang gustong gusto niya ang tatay ko. Parang iba naman ang tunay na ugali niya sa naririnig kong kwento dati ni nanay sa akin. Baka nagbago na talaga si Maria dahil nakapag isip isip na siya ng tama. “Nakilala ko ang tatay mo sa isang parke,” ani nito sa akin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Bata pa lang kami noon at

    Last Updated : 2021-08-06
  • The Last Sacrifice   Ano sila

    Maria Point of View Napairap ako paglabas ko ng pintuan. Gusto kong sabunutan ang bruha na iyon ng tawagin niya akong nanay. Buti na lamang at kaya kong magpigil sa inis. Nakakadiri! Nakakasuka. Hindi ba siya nahihiya sa akin? Sana ay hindi niya na lamang itinuloy ang pagtawag sa akin ng salutasyon na iyon. Pareho rin naman namng gusto. Pero sabagay, kung narito man si Lilybeth ay baka naiinis na iyon habang pinapakinggan ang sariling anak niya na tinatawag ang kanyang mortal na kaaway na ina. Hinawi ko ang mahahabnag buhok na lumadlad sa aking mukha at inipit ko iyon sa aking likuran na tainga. Si

    Last Updated : 2021-08-07
  • The Last Sacrifice   Kwarto

    Gilda Point of View “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito. “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.” Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.

    Last Updated : 2021-08-08
  • The Last Sacrifice   Parusa

    Gilda Point of View “Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon. Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call. Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay. “Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.” “Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.” &nbs

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Last Sacrifice   Paunang Dasal

    Maria Point of View Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone. ‘Anak yan ni Dan.’ Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan. Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid. “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko haba

    Last Updated : 2021-08-11
  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View “Sa kwarto ko po kanina may nakita akong tatlong babae,” ani ko kila Maria habang kumakain kami ng hapunan. “Nasa likuran ko sila habang nagsasalita sila ng hindi ko maintindihan na lengwahe para silang… para silang nagdadasal.” Napatawa naman si Maria sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa? Seryoso ako! Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwng maaalala ko iyon. “Tumititig ka ba sa salamin?” tanong ni Maria sa akin. “Paano niyo pong nalaman? Bigla po kasing natanggal ang telang tinakip ko rito kaya napatingin ako,” sagot ko naman sa kanya. Anong meron sa salamin? May multo ba roon? Tokwa! Nakaka

    Last Updated : 2021-08-12
  • The Last Sacrifice   Sikreto

    Third Person Point of View “Ilang taon na po kayo?” tanong ni Gilda habang sinusuklay siya ni Maria. “Alam mo bang hindi mo dapat itinatanong iyan sa mga babae,” ani ni Maria at nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok ni Gilda. “Pasensya nap o,” ani naman ni Gilda. “Ang ganda ganda po kasi ng kutis niyo. Pang artista. Oo nga po pala, nabanggit niyo sa akin na ituturo niyo ang sekreto ng makinis at batang balat. Pwede niyo na po bang ituro sa akin?” Ngumiti naman si Maria habang sinusuklay ang buhok ni gilda.  

    Last Updated : 2021-08-13
  • The Last Sacrifice   Angkin

    Third Person Point of View Napatingin si Maria sa matandang pababa ng hagdan. Pang – ilang araw na ito ng matanda na aalis ng kanilang bahay. “Magandang umaga, Lola Teresa,” tawag ni Maria dito kaya napatingin sa kanya ang matanda. “Aalis muli kayo?” “Oo, may kailangan akong asikasuhin,” sagot naman sa kanya ng matanda habang pababa ng hagdan. “Ikaw na muna ang bahala rito, Maria.” “Hindi po ba nila ako hinahanap sa inyo?” tanong ni Marai at ngumiti. 

    Last Updated : 2021-08-14

Latest chapter

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status