Gilda Point of View
“Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon.
Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call.
Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay.
“Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.”
“Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.”
“Bakit? Hindi ka ba kinuha ng mga kapati ng nanay mo na nasa ibang bansa?” tanong nito habang kumakain ng barbe q.
Umiling iling naman ako.
“Wala eh,” sagot ko sa kanya at bigla akong nalungkot. “Minessage ko na sila sa f******k pero hanggang ngayon ay hindi nila ako sinasagot. Nakalimutan na nga ata talaga nila kami nila nanay.”
“Grabe naman, namatay na ang kapatid nila pero wala pa rin silang pakielam,” ani sa akin ni Clara.
Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Nakakalungkot lang na wala silang pakielam sa amin. Simula noong makapg ibang bansa na sila ay nakalimutan na nila si nanay. Kahit noong burol ay hindi sila pumunta.
Imposible naman na hindi nila nakita ang mensahe ko. Friends kami sa f******k kaya babalandra ang message ko sa inbox nila. Isa pa ay nakikita ko pa nga na active sila sa f******k pero kahit seen o condolence ay hindi nila magawa man lang.
Nakakatampo. Siguro ay pag nalaman ni inay ang mga bagay na ito ay malulungkot siya. Sino ba naman kasi ang hidi kapag ganyan ang ginagawa sa iyo ng mga kapatid mo.
Hindi naman sa panunumbat pero si nana yang tumulong sa kanila mangibang bansa. Si nana yang nagbigay suporta sa kanila nooong down na down sila pero ngayon na kailangan sila ni nanay ay wala sila.
Bigla tuloy ako nagkaroon ng inis sa kanila. Nakakainis naman talaga.
“Hay nako! Huwag mo na ngang isipin iyong mga iyon,” ani ni Clara sa akin na nabasa ata ang iniisip ko. “Sasakit lamang ang ulo mo kung iintindihin mo sila. Maiba tayo. Tingin ko ang probinsya niyo!”
“Ito ang kwarto ko,” ani ko at itinaas ko ang angle ng camera at ipinalibot ang kwarto ko.
“Wow ang laki! Kwarto mo lang iyan?” tanong sa akin ni Clara.
Tumango tango naman ako sa kanya.
“Oo, mag – isa lang akong natutulog dito,” sagot ko sa kanya. “May sari – sarili kaming mga kwarto dito at puro malalaki. Kung makikita mo lamang ang bahay ay malulula ka sampung beses ang laki sa bahay namin sa maynila!”
“Talaga! Patingin nga!” ani ni Clara sa akin na halata sa boses ang excitement.
“Sige sandali, lalabas ako,” ani ko at tumayo sa aking kama.
“Sino sino pala ang mga kasama mo riyan?” tanong ni Clara sa akin.
“Si Lola Teresa saka si Maria,” sagot k okay Clara habang bumababa ng hagdan.
“Sino si Maria?” tanong ni Clara. “Kapatid ng tatay mo?”
“Ha? Hindi,” sagot ko at dirediretsong lumabas ng bahay. “Kababata ng tatay ko.”
Itinutok ko ang camera sa bahay namin.
“Ito oh, yung bahay ni Lola Teresa,” ani k okay Clara.
“Wow grabe ang laki nga girl! Tiba tiba ka riyan! So kamusta ang pagtira sa napakalaking bahay?” tanong sa akin ni Clara.
Napaisip naman ako. Kamusta? Malungkot. Napakalaki ng bahay ngunit tatlo lang kaming nakatira hindi gaya noon sa maynila. Maliit lang pero kasama ko sila nanay at tatay.
Sa totoo lang ay balewala ang ganito kalaking bahay kung hindi naman ako masaya. Hindi ako masaya. Hindi ako masaya sa bahay na ito.
“Tahimik, medyo boring. Wala naman kasing pagkakaabalahan dito,” sagot ko at iniharap na sa akin ang camera.
“Girl tama ba ang nakikita ko? Wala kayong kapitbahay? Bat parang nasa gitna ng bukid ang bahay niyo?” ani ni Carmen sa akin.
“Literal,” sagot ko sa kanya. “Nasa gitna talaga ng bukid ang bahay ni Lola Teresa. Saka nakita mo ang mga ektaryang iyan? Sa Lola ko raw iyan.”
“Seryoso ba? Ang yaman niyo pala! Bakit naghihirap kayo sa maynila. Dapat sa probinsya na lang kayo nanirahan,” ani ni Clara sa akin. “Pero bakit naman ganyan. Sa gitna ng bukid talaga? Hindi ka ba natatakot, Gilda? Haler! Ang hirap humingi ng tulong pag wala kang kapitbahay. Saka baka mamaya kung ano ano pa ang umaaligid ligid diyan! Lalo na kapag gabi girl nakakatakot!”
Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Umamin ka nga, Gilda,” ani sa akin ni Clara. “Aswang ka noh! Aswang kayong pamilya mo noh? Aminin mo na, girl. Tanggap naman kita kahit ano ka.”
Napakunot ang aking noo sa sinabi ni Clara. Bahagya akong napaisip.
“Bakit mo naman naitanong?” tanong ko sa kanya at pinalo ang lamok na kumakagat sa aking binti.
“Hindi mo tinanggi so aswang ka talaga?” tanong ni Clara na gulat na gulat ang mata.
“Hindi noh! Baliw ka talaga!” ani ko at napatawa.
“Eh kasi naman nasa gitna kayo ng bukid,” ani niya sa akin. “Mga aswang lang naman gumagawa niyan. Nako ganyan na ganyan mga nababasa ko sa kwento o kaya naman barang.”
“Huy!” sita ko sa kanya. “Porket nasa gitna ng bukid aswang at mangkukulam na? Baliw ka! Mga normal na tao lang kami noh! Huwag ka!”
“Sorry na,” ani ni Clara at napatawa. “Naisip ko lang naman. Wait lang saglit. Tinatawag lang ako ni mama. Babalik uli ako.”
“Ha, hindi na,” ani ko. “Bukas na lang uli at baka maubos na rin ang data ko. Kanina pa tayo nag uusap.”
“Oo nga pala walang internet diyan. Sige na babush na, bukas uli!” sabi niya at nag flying kiss pa sa akin.
Napatawa ako at kumaway sa kanya.
“Bye bye!”
Pinutol ko na ang tawag at napabagsak ako ng kamay. Napatingin ako sa bahay ni Lola Teresa at pagkatpos ay nilibot ang aking tingin sa paligid.
Tunay na wala ka ngang makikitang kahit isang bahay kapag nakatayo ka rito. Malayong malayo sila sa amin. Kahit sino naman ay matatakot kung magpapatayo ka ng bahay sa gitna ng bukid kung saan mahirap kang puntahan ng mga tao.
Binabagabag na tuloy ako ng aking isipan dahil sa sinabi ni Clara. Ano kayang dahilan bakit nag iisa ang bahay ni Lola Teresa rito?
Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ng driver dati sa akin. Yung driver ng sasakyan na sinakyan namin ni tatay pauwi rito.
Ano kaya ang ibig niyang ipahiwatig doon? Hindi ko na kasi masyadong pinansin iyon dahil abala ako sa nadumihang sapatos ko. Isa pa ay masyado akong emosyonal noong mga oras na iyon.
Napailing na lamang ako at pumasok sa loob ng bahay. Babalik na lamang ako sa aking kwarto.
Umakyat na ako ng hadgan at itinago ang phone ko sa may bulsa.
Napatigil ako sa aking paglalakad noong may maamoy akong kakaiba.
Suminghot singhot ako at agad akong napatakip ng aking ilong. Anong amoy iyon? Nakakasulasok at sobrang kasuka suka. Nais ko tuloy maduwal.
Parang nabubulok…
Amoy nabubulok…
Nabubulok na karne…
Tama! Amoy nabubulok na laman!
Saan nanggaling ang amoy na iyon?!
Tumingin ako sa paligid at ang una kong nakita ay ang pinto ni Maria.
Lumapit ako roon at bahagyang sumingot singot. Agad kong tinakpan ng madiin ang aking ilong.
Walang duda na dito nga galing ang nakakasulasok na amoy. Parang bulok na karne na ilang linggo ng napabayaan. Ano naman kaya iyon? Ano kayang nasa loob ng kwarto ni Maria? Hindi niya ba naamoy ang napakabahong amoy?
Sobrang nakakasuka.
May patay na daga ata ang naabutan ng kamatayan sa kwarto niya. Kailangan niyang mahanap kung nasaan ito sa lalong madaling panahon. Grabe kase ang amoy! Umaalingasaw.
Pero… kung patay na daga ito ay hindi dapat ganito kalansa at kabulong ang amoy. Tila sinusuntok ako ng kamao ng pambansang boksingero sa tuwing pumapasok ang amoy nito sa ilong ko.
Mas mabaho pa ito sa isang piste! Halos masuka ako sa aking naaamoy. Gusto kong dumuwal pero wala naman akong mailabas sa aking bibig. Naduduwal lamang ngunit walang suka.
Kakadiri. Bakit ganoon. Wala bang proper hygiene si Maria? Hindi ba siya naglilinis ng kwarto niya?
Kasi naman ay kapag pinaglilinis niya ako ay dito sa lang sa baba at sa aking kwarto. Hindi niya hinahahayaan na makapasok ako sa kwarto niya o sa kwarto ni Lola Teresa.
Ang baho baho ng amoy. Panigurado na ito rin ang naamoy ko noong isang araw. Akala ko sa hangin sa labas lamang ang amoy na iyo pero dito pala. Mas bumaho na ang amoy ngayon.
Baka naman patay na pusa? Saan naman kaya manggagaling ang pusa eh wala nga kaming kapitbahay. Malamang sa malamang na daga lang ito. Kaso kakaiba talaga ang amoy. Hindi ko keri.
Kumatok ako sa pinto ni Maria.
“Tao po,” tawag ko. “Nanay Maria!”
Sasabihin ko na sa kanya. Baka naman may sinus siya kaya hindi niya maamoy na mabaho na ang kanyang kwarto.
Kumatok muli ako noong walang sumagot sa akin.
“Nanay Maria nasa loob ka ba?” tanong ko at kumatok katok uli.
Medyo may pagkabingi rin ata siya at hindi niya ako marinig.
“Gilda! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” tanong ni Maria na nasa labas pala ng kwarto.
Napatingin ako sa kanya.
“Ang baho po kasi rito,” ani ko sa kanya.
“Mabaho? Anong amoy?” tanong ni Maria sa akin.
“Amoy nabubulok,” ani ko sa kanya. “Amoy nabubulok na karne. Sobrang nakakasuka po ang amoy. Nakapanghihina ng tiyan. Hindi niyo po ba naaamoy ito?”
Suminghot singhot naman si Maria sa hangin at napakunot ang kanyang noo.
“Wala naman akong naaamoy ha,” ani ni Maria sa akin. “Baka naman yung hangin sa labas ang naaamoy mo. “Alam mo naman nasa bukid tayo at marami ring mga namamatay na piste sa labas. Baka iyon lang iyon. Isarado mo na lamang ang iyong mga bintana upang hindi mo na maamoy pa.”
Napakunot ang noo ko. Sa lakas ng amoy ay imposibleng hindi ito maamoy ng kahit na sino.
“Meron po talagng umaamoy. Nasa loob ng bahay,” ani ko kay Maria. “Hindi po sa labas. Sa loob po ata ng kwarto niyo nanggagaling ang amoy na iyon. Amuyin niyo po uli. O kaya naman ay buksan niyo na lamang ang kwarto niyo at tutulungan ko kayong hanapin kung saan nanggaling ang mabahong amoy.”
“Hindi na!” mariin na sagot sa akin ni Maria. “Ako na ang bahala. Pumasok ka nasa sa iyong kwarto at ako na ang mag – aasikaso rito.”
“Sigurado ho ba kayo?” tanong ko sa kanya. “Para kasing hindi nyo naaamoy. Tulungan ko na po kayo.”
“Sinabi kong hindi na!” nagulat ako sa kanyang pagsigaw sa akin at mukhang napagtanto nya agad ang nagawa. “Ang ibig kong sabihin ay huwag mo ng pagurin pa ang sarili mo. Kaya ko naman ng gawin ito. Kaya sige na at mamahinga ka na lang muna sa iyong kwarto.”
Biglang nagbago ang tono ng boses niya.
“S-sige po,” sabi ko at naglakad na papasok sa aking kwarto.
Bago pumasok ay tumingin muna ako kay Maria. Nakatingin ito sa akin habang seryoso ang kanyang mukha.
Pumasok na lang ako sa kwarto at hinayaan na siya. Bahala siya. Ako na nga ang nag mamagandang loob. Pero okay lang naman baka masuka pa ako pag pasok sa loob ng kwarto niya. Sobrang baho kasi.
Maria Point of View
Noong makapasok si Gilda sa kanyang kwarto ay binuksan ko naman ang kwarto ko at pumasok. Pabalag kong isinara ang kwarto ko at nilock.
“Narinig mo ba iyon, Dan?” tanong ko sa aking asawa. “Binabasto ka ng anak mo! Sinasabi ko na nga ba at manang mana iyon sa bruha mong asawa dati na si Lilybeth! Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Hindi magtatagal at lalabas na rin ang tunay na kulay ng bwiset mong anak. Harap harapan kang binabastos. Kesyo ang baho baho mo raw. Pagsabihan mo iyang anak mo ha! Baka bigla ko na lamang iyon masaktan.
“Saka ano ba ang pake niya kung may umaamoy? Hindi niya naman ito kwarto! Kwarto natin itong mag – asawa. Konti na lang talaga ay tatahiin ko na ang bibig niyang magaling mong anak ng matuto!”
“Swshhsgw.” Rinig ko na bulong sa hangin.
“Ano iyon?” tanong ko kay Dan at lumapit sa kanya. “Pangaralan ko ang iyong anak? Gusto mong bigyan ko siya ng leksyon?”
Napangiti naman ako sa aking iniisip.
“Sigurado ka? Gusto mong pangaralan ko ang anak niyo ni Lilybeth? Sigurado ka na ba sa gusto mo, Dan? Alam mo namang malupit ako magparusa lalo na at bastos pa iyang anak mo. Pero sige kung gusto mo ay wala naman na akong magagawa. Gusto ko ring turuan ng leksyon ang Gilda na iyan.”
“Swhwhshshs”
“Ano?” tanong ko sa aking asawa. “Oo babalik ako agad. Pagkatapos kong pangaralan ang anak mo ay babalikan uli kita agad dito. Huwag ka ng malulungkot. Dito lang naman ako sa tabi mo. Hindi kita iiwanan. Huwag kang mag – alala, Dan. Wala ng sino mang lalaki ang makakakuha ng atensyon ko dahil nasa iyo na ang aking puso.”
Hinaplos ko ang mukha ng aking asawa.
“Napakagwapo mo talaga, honey,” ani ko rito. “Wala kang kasing kisig. Kaya naman hindi ka talaga bagay kay Lilybeth. Sa akin ka bagay. Sa akin lang. Sa akin ka lang! Naiintindihan mo ba?”
“Bakit hindi ka sumasagot. Tinatanong kita, honey!” madiin kong sabi kay Dan.
“Swwwhshs”
“Shshhsw”
“Shwhwhhw”
Napatawa naman ako.
“Iyan ang gusto ko. Sumasagot agad,” ani ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at dumiretso sa drawer ko. Binuksan ko ito at inilabas ang isang kutsilyo. Isang malaking kutsilyo na kayang humiwa ng mga laman.
“Ano sa tingin mo? Pwede na ba ito para parusahan ang matigas na ulo mong anak?” tanong ko kay Dan at sinukat ang talim ng kutsilyong aking hawak hawak. “Siguradong baon ito agad sa kanyang laman.”
Napatawa ako sa aking mga iniisip habang sinasaksak si Gilda.
“Ilang baon ba ang gusto mo?” tanong ko kay Dan. “Apat? Apat na beses? Gawin na kaya nating lima upang magtino siya. Ano sa tingin mo. Huwag kang mag alala, Dan. Hindi pa nga sagad ito. Kulang na kulang pa para sa bruha mong anak. Wala naman tayong magagawa kung mana ‘kay Lilybeth ang anak mo. Pareho silang bruha. Ang magagawa na lang natin ay parusahan at pangaralan siya na dapat ay hindi siya bastos. Hindi ba?”
“Ano? Ano iyon?” tanong ko. “Gusto mong maligo? Nahihiya ka ba sa sinabi ng anak mo? Sige, pagkatapos kong parusahan ang bruha mong anak ay papaliguan kita.”
Suminghot singhot ako.
“Hindi ka naman masyadong mabaho, honey,” ani ko sa kanya. “Huwag kang magpapaniwala sa sinasabi ni Gilda. Barado ang ilong niyon kaya kung ano ano na lamang ang kanyang naaamoy. Pero ikaw. Kung gusto mong maligo ay wala namang problema sa akin. Gustong gusto ko na tulungan ka maligo.
“Pero tama na muna ang usapan natin, honey. Alam kong gusto mo pa akong kausap pero kailangan ko munang pangaralan ang iyong anak. Kaya aalis na muna ako ha.”
Lumapit ako kay Dan at hinalikan ito sa noo.
Tapos ay dumiretso na ako sa aking pintuan at pinihit ang senadura. Lumabas ako sa kwarto at dahan dahang lumapit sa kwarto ni Gilda.
Marahan kong pinihit ang senadira at itinago sa aking likuran ang dala dalang kutsilyo. Dahan dahan akong sumilip sa maliit na siwang at nakita kong nakatalikod siya.
Noong kasya na ako sa siwang ng pinto ay pumasok na ako at dahan dahang lumapit kay Gilda sa saka itinaas ang kutsilyo.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This episode contains sensitive scenes that may find disturbing for some viewers. Please read at your own risk.
Maria Point of View Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone. ‘Anak yan ni Dan.’ Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan. Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid. “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko haba
Gilda Point of View “Sa kwarto ko po kanina may nakita akong tatlong babae,” ani ko kila Maria habang kumakain kami ng hapunan. “Nasa likuran ko sila habang nagsasalita sila ng hindi ko maintindihan na lengwahe para silang… para silang nagdadasal.” Napatawa naman si Maria sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa? Seryoso ako! Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwng maaalala ko iyon. “Tumititig ka ba sa salamin?” tanong ni Maria sa akin. “Paano niyo pong nalaman? Bigla po kasing natanggal ang telang tinakip ko rito kaya napatingin ako,” sagot ko naman sa kanya. Anong meron sa salamin? May multo ba roon? Tokwa! Nakaka
Third Person Point of View “Ilang taon na po kayo?” tanong ni Gilda habang sinusuklay siya ni Maria. “Alam mo bang hindi mo dapat itinatanong iyan sa mga babae,” ani ni Maria at nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok ni Gilda. “Pasensya nap o,” ani naman ni Gilda. “Ang ganda ganda po kasi ng kutis niyo. Pang artista. Oo nga po pala, nabanggit niyo sa akin na ituturo niyo ang sekreto ng makinis at batang balat. Pwede niyo na po bang ituro sa akin?” Ngumiti naman si Maria habang sinusuklay ang buhok ni gilda.  
Third Person Point of View Napatingin si Maria sa matandang pababa ng hagdan. Pang – ilang araw na ito ng matanda na aalis ng kanilang bahay. “Magandang umaga, Lola Teresa,” tawag ni Maria dito kaya napatingin sa kanya ang matanda. “Aalis muli kayo?” “Oo, may kailangan akong asikasuhin,” sagot naman sa kanya ng matanda habang pababa ng hagdan. “Ikaw na muna ang bahala rito, Maria.” “Hindi po ba nila ako hinahanap sa inyo?” tanong ni Marai at ngumiti. 
Maria Point of View Inilapag ko ang mga plato sa hapag habang pasilip silip sa aking anak na si Gilda. Busy ito sa pag cecellphone. Ano naman kaya ang tinitignan niya sa maliit niyang cellphone? Kinuha ko ang isang mangkok upang salinan ng mga ulam. “Anak,” tawag ko sa kanya habang nagsasalok ng pagkain. “Ano ang pinagkakaabalahan mo riyan? Kausap mo ba ang iyong mga kaibigan?” “Nag – isscroll lang pos a facebook,” sagot niya sa akin na ang mga mata ay hindi inaalis ang tingin sa hawak hawak na bagay. “Hindi ko pa po nakakausap ang mga kaibigan ko. Busy pa sila kaya hindi ko pa sila maimbita. Isa pa ay malapit na rin ang pasukan. Baka mag alangan sila na pumunta pa ng probinsya.”
Gilda Point of View Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan. Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya. Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na. Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin. Unti – unti
Gilda Point of View Napayuko ako habang sumusubo ng pagkain. Ano kaya ang iniisip ni Maria? Bakit tila hindi na maganda ang pagiging mabuti niya? Maya’t maya niya akong tinatawag na anak. Tila ba parang anak na niya ako. I mean wala naman masama sa ginagawa kaso sobra sobra na eh. Naweweirduhan na ako na hindi ko maintindihan. Ang mga ngiti niyang ibinibigay sa akin. Sa tuwing makikita ko ito ay tumataas ang balahibo ko na para bang walang magandang idudulot ang mga ngiti niya. Ang pag aalala niya sa akin. Hindi niya naman ako kadugo pero sobra sobra siya mag alala. Nakakatakot na. Baka mamaya bigla na lang siyang mag – transform sa harap ko ah. O kaya naman baka mamaya ay bigla na lang niya akong tuklawin. Unti – unti kong itinaas
Gilda Point of View Kinuha ko ang panghilod sa may sabunan ng banyo. Hindi sa banyo ng may bath tub ng dugo na napupuno ng uod kundi dito sa palikuran na may shower at totoong tubig. Gusto kong maiyak kanina sa ginawa ni Maria. Muntik ko na syang mamura at masabunutan dahil sa ginawa niyang pang lublob sa akin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil mas matanda pa rin siya sa akin kahit papaano. Napasuka pa ako ng marami dahil sa lansa at sa tuwing naiisip ko iyong ginawa niya ay nais kong maiyak. Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Feeling ko maninikit ang mabahong amoy sa akin. Bwiset kasi! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko tapos nilublob pa ako. Sino naman ang matutuwa sa ganoon diba?
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n
CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.
THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.
CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G