Share

Alala

last update Last Updated: 2021-09-14 00:19:47

CARMEN POINT OF VIEW

                Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa.

                Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load?

                Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan.

                Siguro kung hindi ako kokontakin ni Gilda ng mag – iisang buwan ay tatawag na ako sa papa kong pulis ng tulong upang makasiguradong ligtas si Gilda.

                Ngunit baka naman mapahiya kami pagdating roon o baka mapag initan kami ng kanilang mga mata at paliparan kami sa hangin ng sumpa. Nakakatakot lamang.

                O kaya ay siguro mga isang linggo pa? Parang ang tagal naman kung maghihintay ako ng isang buwan pero mukhang matagal din kung maghihintay pa ako ng isang linggo.

                Baka mamaya ay kailangan na kailangan nap ala ni Gilda ng tulong namin tapos paabutin ko pa ng ganon katagal.

                Ngayon na kaya? Papuntahan ko na kaya siya ngayon? Kaso… Baka mamaya ay mali ako. Saka isa pa… hindi kaya I’m crossing the line na kung makikielam ako sa kanila.

                Mahirap talaga mangialam. Siguro ay ipauubaya ko na lang sa kanila ang problema nilang pamilya. Wala namang mawawala sa akin.

                Hindi ko naman sagutin si Gilda kaya kung ano man gang mangyari sa kanya ay wala naman akong sagutin. Isa pa ay hindi naman kami magkadugo o close na close hindi ba? Hindi ko naman kailangan iligtas siya. Saka hindi ko naman alam.

                Baka mamaya kapag nakielam ako ay maipahamak ko pa ang aking pamilya. Ayoko naman iyon. Masyadong malakas ang mga kapangyarihan nila na kaya nilang gawin ang kahit ano sa aking pamilya basta magsalita lamang sila ng mga dasal  sa hangin.

                Ayokong madamay ang pamilya ko. Iba na ang usapan pagdating sa kanila. Hindi kakayanin ng konsensya ko. Pero kasi… parang hindi rin kaya ng konsensya ko na pabayaan na lamang si Gilda.

                Ngayon pa nga lang ay nag – aalala na ako. Makokonsensya rin ako lalo na pag nabalitaan ko na napahamak siya at wala man lang akong ginawa upang tulungan siya kahit papaano.

                Sinubukan ko siyang tawagan ngunit nag riring lamang ang kanyang phone. Hindi niya sinasagot. Baka inilayo nga sa kanya.

                Hays, ano ba ang ipinag aalala ko. Hindi naman nila sasaktan si Gilda. Tama ako hindi ba? Kapamilya naman nila iyon.

                Nakakalungkot lamang na may mga nagiging biktima nanaman ng kulto. Ang kaklase ko ay hinahanap niya lamang ang kanyang kapatid ay nadamay pa. Mga wala silang awa.

                Kailangan nilang managot sa batas. Paano kaya kung iyon ang gamitin namin upang mahuli na silang mga kulto? Upang matapos na ang mga krimen sa probinsya namin. Upang mawala na rin ang takot sa aming mga puso.

                Mas makakabuting mawala na silang lahat. Akala nga namin ay tapos na ang lahat ng kaguluhan sa bayan pero hindi pa pala. Nagsisimula muli sila. Puro babae pa ang kanilang mga pinapatay.

                Ah basta! Hindi ako naniniwalang ang mga nahuli nilang suspek ang may gawa noon. Naniniwala ako na mga kulto iyon na nanghahasik nanaman ng mga lagim.

                Grabe na talaga ang panahon ngayon! Sobrang nakakatakot. Hindi na tuloy kami makalabas ng bahay sa gabi. Hapon pa lamang ay nagsasara na kami ng amng mga bintana, saka gate.

                Hindi kami mapakali kahit sa sarili naming bahay. Puno ng takot an gaming mga puso.

                Naaawa ako para sa kanilang mga nabiktima. Wala ba silang puso? Wala ba silang pamilya? Hindi ba nila naisip ang mga taong uuwian ng mga iyon? hindi ba nila naisip na kay hirap na nga ng buhay ay dadagdagan pa nila ang problema.

                Napakabuti, at napakasipag ng taong mga pinapatay nila! Nagtratrabaho lamang ang mga iyon ngunit hindi nila akalain magiging biktima sila ng kagimbal gimbal na krimen.

                Nakapagtataka. Bakit kaya nila kinukuha ang puso ng bawat biktima. Saan kaya nila gagamitin iyon?

                Nagresearch na ako tungkol doon pero as expected wala akong nakuhang impormasyon. Wala naman kasi sa internet yung mga kulto na iyan. As if din na ituturo nila sa mga tao ang mga ginagawa nilang kababalaghan.

                Si nanay tuloy ay hindi na ako pinapalabas ng bahay. Tanghali pa lang ay dapat nasa loob na ako ng bahay namin. Nandyan si kuya popoy upang bantayan ako habang nasa trabaho sila ni tatay. Natatakot sila para sa kaligtasan ko.

                Maging ako naman ay natatakot din sa kung anong pwedeng mangyari. Anong alam natin sa kung ano ang mga balak ng taong nakapaligid sa atin? Akala natin ay mabubuti sila ngunit may impakto pa lang itinatago sa kanilang mga mukha.

                “Tulala ka nanaman diyan. Ano iniisip mo?” narinig kong tanong ni kuya popoy sa akin. Umupo siya sa tabi ko sa may sofa saka kinuha ang remote sa maliit na lamesa. Binuksan niya ang tv namin upang manood.

                “Kasi yung kaibigan ko ay hindi ko pa rin makontak hanggang ngayon. Wala akong balita sa kanya. Nag – aalala tuloy ako,” ani ko kay kuya.

                “Sino namang kaibigan iyan?” tanong ni kuya sa akin. “Baka boyfriend mo yan ha. Sumbong kita kila tatay.”

                Hindi naman ako sumagot dahil pag nalaman niya na si Gilda ang tinutukoy ko ay pagagalitan ako nito.

                “Nako po! Huwag mong sabihin na iyong apo noong kulto ang tinutukoy mo!” ani ni kuya sa akin. Iyon nga siya nga! “Tigil tigilan mo iyan Carmen! Ipapahamak mo ang sarili mo! Huwag kang lumapit sa kanya. Isa pa ay wala kang pakielam sa kanila kung ano man ang mnagyari sa buhay nila. Naiintindihan mo ba?”

                Sabi ko na nga ba at pagagalitan niya ako sa bagay na iyon. Ayaw niya na nakikipagkaibigan ako kay Gilda. Alam ko naman kung bakit naiintindihan ko siya. Alam kong gusto niya lang ang kaligtasan ko.

                Tumango na lamang ako sa aknya upang hindi na humaba ang aming diskusyunan.

Related chapters

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

    Last Updated : 2021-09-15
  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

    Last Updated : 2021-09-15
  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

    Last Updated : 2021-09-17
  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

    Last Updated : 2021-09-18
  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

    Last Updated : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

    Last Updated : 2021-09-20
  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

    Last Updated : 2021-09-20

Latest chapter

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status