Share

Chismis ba?

last update Huling Na-update: 2021-08-06 13:32:39

Gilda Point of View

                “Paano po kayo nagkakilala ni Tatay Dan?” tanong ko kay Maria habang patuloy niyang hinahagod ang aking buhok.

                Kita ko sa salamin kung paanong lumiwanag ang kanyang mukha at paanong ngumiti ang kanyang labi at mata.

                Mukhang talagang gustong gusto niya ang tatay ko. Parang iba naman ang tunay na ugali niya sa naririnig kong kwento dati ni nanay sa akin. Baka nagbago na talaga si Maria dahil nakapag isip isip na siya ng tama.

                “Nakilala ko ang tatay mo sa isang parke,” ani nito sa akin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Bata pa lang kami noon at binubully ako dati ng mga bata dahil galing ako sa ampunan at iniwan ako roon ng aking mga magulang. Dumating si Dan at ipinagtanggol niya ako sa mga batang iyon.”

                Wow parang palabas pala sa mga drama kung paano sila nagkakilala ni Tatay.

                “Mula noon ay nahulog na nag loob ko kay Dan dahil sa mga pinapakita niyang kabutihan sa akin,” dagdag ni Maria. “Sabi ko ay siya na ang lalaking pakakasalan ko sa aking pagtanda. Hindi niya ako itinuring na iba. Lagi siyang nariyan para sa akin kaya naman lagi na akong dumikit sa kanya.

                Sinuklay muli ni Maria ang aking buhok paibaba.

                “Kahit noong maging high school kami ay nakadikit ako palagi sa kanya. Sobrang close na close kami ng tatay mo. Wala na ngang magpapahiwalay sa amin kahit si Lola Teresa ay hindi kami mapaghiwalay. Sa kanila na ako nanirahan noon ng sa ganoon ay hindi ako mawalay sa tabi ni Dan pero nagbago ang lahat ng dumating si Liliybeth.”

                Napalunok ako noong biglang humipit ang pagkakahawak ni Maria sa aking buhok ngunit hinayaan ko lamang dahil hindi naman masyadong masakit.

                “Simula ng makilala ni Dan si Liliybeth ay hindi na kami masyadong nagkakasama,” ani ni Maria sa akin. “Ang atensyon niya ay laging na kay Liliybeth, ang oras niya ay palaging na kay Liliybeth. Wala na siyang oras para sa akin. Lagi na lamang siyang nakadikit kay Lilybeth. Tumigil na ako ng high school para kay Dan. Ang akala ko kapag nasa bahay na niya ako habang gumagawa ng mga gawaing bahay ay titignan niya ako upang isang perpektong babae na mapapangasawa niya. Gusto rin sa akin ni Lola Teresa kaya naman ang damdamin ko ay kalmado pa rin kahit nag iba na ang pakiksama niya sa akin.

                “Nabalitaan ko na lamang na nililigawan na niya pala si Lilybeth at hindi nagtagal ay naging sila.”

                “Ahm nanay Maria, ang buhok ko po,” ani ko sa kanya dahil sobrang diin na ng kanyang pagkkahawak sa aking buhok.

                “Sinubukan kong tanungin ang dalawa kung paano nila nagawa sa akin iyon,” ani ni Maria na hindi pinansin ang aking sinabi. Mukhang nahulog na siya ng malalim sa kanyang kwento. “Ngunit laking gulat ko noong ilayo ako ni Dan ‘kay Lilybeth. Sinabi niya sa akin na isang nakababatang kapatid lamang ang tingin niya. Hindi ko iyon matanggap. Siya na ang nakikita kong asawa sa aking hinaharap at hindi ko matanggap na may nag mamay ari na sa kanyang iba. Simula ng dumating si Lilybeth ay nagulo ang lahat.

                “Ang mga pangarap ko ay gumuho. Nawala sa akin si Dan at lumayo ang loob niya sa akin. Sigurado akong dahil ‘kay Lilybeth kaya ganoon na lamang ako itrato ni Dan. Ipinagpalit niya ako sa isang babaeng noon niya pa lamang nakilala. Kung hindi sana dumating si Lilybeth- “

                Biglang napatigil si Maria at nakita ko napatingin siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Ang mga galit na mata niya ay biglang nagbago at kumalma. Gumaan din ang pagkakahawak niya sa aking buhok.

                “Pasensya na,” ani sa akin ni Maria. “Masyado akong nadala sa aking pagkukuwento. Matagal na iyon at nakamove on na ako. Wala na akong galit sa iyong ina at masaya ako na naging masaya sila. Kung hindi naging sila ay paano ka na lamang? Kung walang sila ay wala ring Gilda. Nakakatampo lang na hindi nila ako ginawang ninang sa binyag mo.”

                Hindi naman ako sumagot sa kanya. Sana nga ay wala na talaga siyang galit sa aking magulang.

                “Nalungkot ako noong mabalitaan ko ang sinapit ni Liliybeth at Dan,” ani ni Maria sa akin. “Ikaw agad ang aking naisip. Kung paano ka? Kung kanino ka tutuloy. Alam kong masakit sa iyo iyon. Lubha nga akong natakot nab aka nakasama ka sa aksidente. Mabuti na lamang at hindi ka kasama. Mabuti na lamang at ligtas ka. Naiwan ka sa amin ni Lola Teresa.”

                Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa ulo.

                “Kamukhang kamukha mo si Dan,” ani niya sa akin. “Kitang kita ko sa iyo ang iyong tatay. Ngunit huwag kang mag – alala pa sa kanila nasa mabuti na silang kalagayan. Wala na rin silang dapat ipag alala pa dahil ligtas ka dito. Ako na nag bahalang mag – alaga sa iyo at ituturing kita na parang isa kong anak.      

                “Mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal ko sa iyong ama. Hindi ka na dapat mabahala. Narito ako para sa iyo. Narito ako para sandalan mo.”

                “Sobrang nagpapasalamat ako sa iyong kabutihan nanay Maria,” ani ko sa kanya. “Kahit hindi mo ako kadugo ay labis na kabutihan at pagmamahal ang pinaparamdam mo sa akin. Hindi ko ito malilimutan. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa araw araw ng sa ganoon ay hindi ako maging pabigat sa iyo at ng sa ganoon ay makabawi ako sa mga kabutihang pinapakita mo sa akin.”

                “Hindi mo na kailangan gawin iyon,” ani ni Maria. “Ano ka ba. Ang kabutihan ko ay walang hinihinging kahit anong kapalit, Gilda. Nagmamahal ako ng kusa.”

                “Salamat po talaga,” ani ko. Kahit wala na sila ina ay nakakaramdam pa rin ako ng pagmamahal. Salamat kay Maria. “Ngunit nabanggit niyo po na galing kayo ng ampunan. Nasaan nap o ang iyong mga magulang? Nakita niyo ba sila? Nagkita na po ba kayo kahit minsan? O kung may balita kayo sa kanila.”

                “Malalim na ang gabi, Gilda,” ani ni Maria sa akin at inilapag ang suklay sa may lamesa. “Tapos na an gating pagsusuklay. Matulog ka na sa yong higaan at maaga pa tayong gigising bukas.”

                Mukhang ayaw niyang sagutin ang aking mga tanong kaya naman sumunod na lamang ako sa gusto niya.

                Humiga na ako sa kama habang lumabas naman na siya sa pintuan ng aking silid.

                Ipinikit ko na ang aking mga mata.

Carmen Point of View

                “Oh sino nanaman iyang katext mo?” tanong sa akin ng aking kapatid na si Popoy. Nakaupo ito tabi ko habang may hawak ng isang pack na chichirya.

                Nanonood kasi kami ngayon ng nakakatakot na pelikula habang nanginginain ng mga chichiryang kinuha namin sa paninda ng aming tindahan.

                “Wala ka na roon,” ani ko sa kanya. “Manood ka na lamang.”

‘Bukas na lang uli, Carmen. Kausap ko si Miss Maria.’ nakita kong reply ni Gilda sa akin.

Napalunok ako sa aking nabasa. Hindi niya naman ako ilalag kila Maria hindi ba? Nais ko lang naman siyang tulungan dahil baka magaya siya sa ibang mga taong nanirahan sa kanila.

Concern lang naman ako para sa kanya gayong baguhan lang siya rito sa probinsya.

Tama kaya ang ginagawa ko? Tama kayang balaan siya sa kung anong panganib ang naghihintay sa kanya. Sa katotohanan nga ay dapat wala na akong pakielam sa kung ano pa ang gawin nila sa kanya kaso noong makita ko siya kanina na tilsa isang mangmang sa mga ginagalaw ng mga tao sa palengke ay naaawa ako.

Parang hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan na lamang siya.

Hindi naman niya ako niloloko hindi ba? Hindi naman siya nagsisinungaling? Baka naman sinabi niya lamang iyon upang makuha niya ang loob ko at ako ang sunod nilang biktimihin.

Kung kausapin ko na lang kaya siya sa personal at umakto rin na walang alam ng sa ganoon ay mahuli ko rin siya sakali mang nagsisinungaling siya.

‘Sige, Goodnight! Kita tayo bukas sa may highway, malapit lang ang bahay namin doon.’ Text ko pabalik at inilapag na ang cellphone ko sa gilid ng sofa.

Tinuon ko ang akng atensyon sa may telebisyon kung saan kasalukuyang nagpapalabas ng nakakatakot na pelikula. Ang mga mata ko ay nakapako sa telebisyon ngunit ang aking isipan ay kung saa saan napapapadpad.

Patingin tingin ako sa cellphone ko dahil baka nagreply na si Gilda ngunit hindi na ito umilaw muli upang magbadya na merong mensahe o notipikasyon na pumasok sa aking cellular.

Malalim akong napahinga at napansandal na lamang sa sofa. Bakit ba kailangan ko pang pakielamanan ang bhuhay ng iba gayong may sarili naman akong buhay. Baka mamaya kakatulong ko sa kanila ay ako pa ang mapahamak.

Masisi ko ba ang sarili ko kung ganito ako mag – isip at umaksyon. Ni hindi man lang ako nag isip mabuti kanina bago ko siya itext.

Saka isa pa ay ano ba ang dapat ikabahala ko ‘kay Gilda. Apo naman siya ng ginang na si Teresa. Imposible na saktan niya ang sarili niyang apo pero…

Apo nga ba siya? Tunay niya ba talagang kadugo ito? Saka ang alam ko ay may isang anak na lalaki nga si ginang Teresa ngunit pumunta sa maynila. Kung ganoon anak ba talaga siya ni Sir Dan?

Sinabi niya sa akin na namatay ang parents niya pero hindi niya nabanggit ang mga pangalan nito. Nako po kung anak nga siya ni Sir Dan sa asawa nito ay bakit kasama niya si Maria?

Alam ko na magkagalit ang asawa ni Sir Dan at si Maria dahil ang balita sa amin ay gustong gusto ni Maria si Sir Dan pero siya nito pinakasalan.

Kahit malayo ang bahay nila sa aming mga tao ay mabilis naman lumipad ang chismis sa amin. Ewan ko ba at ang lalaki ng tenga n gaming mga kapitbahay na mapa hanggang doon sa malayo ay naririnig nila ang mga balita.

Ang alam ko pa nga ay naglaslas daw si Maria noong nagpakasal sa iba si Dan at ginamot lang siya ni Teresa kaya siya sa nabuhay.

Dinala pa nga raw ni Sir Dan ang ginang sa bayan upang ipagamot habang puno ng dugo ang barong na suot nito. Kagagaling lamang nito sa kanilang kasal ay ganoon na ang naabutan nila sa kanlang bahay. Wala ang nais lumapit sa kanila dahil nga kilala ang kanilang pamilya at natatakot ang mga tao sa kanila. Ang ending ay inuwi na lang din nila ito sa bahay.

Pagkatapos ng araw na iyon ay namatay ang doktor ng hospital sa may bayan sa di malamang sakit. Ang balat nito ay napuno ng mga butlig butlig na nilalabasan ng mga insekto at malansang dugong itim.

Sobrang nandidiri raw sila ng makita nila ang dokto sa may opisina rin nito. Ang sinisisi nila ang ginang na si Teresa at si Maria. Sabi nila ay kinulam daw ito dahil hindi nito tinulungan si Maria. Wala naman ang may lakas na loob na tanungin ang matanda dahil sa takot na sila naman ang dapuan ng nakakatkot na sakit na ito.

Noong araw din na iyon ay umalis si Sir Dan kasama ang kanyang asawa.  Ewan ko kung bakit. Ang dami kasing kwento. Sabi nila umalis daw ang mag – asawa upang mamuhay na lamang sa maynila upang makapag simula ng bago. Ang sabi naman ng iba ay inilayo ni Sir Dan ang asawa sa obsessed nitong kababata na si Maria. Yung ibang bersyon naman ay hindi na kinaya ni Sir Dan ang sikreto ng kanilang pamilya at ang ginagawa ng kanyang ina kaya iniwan na nya ito at kay rami pang iba.

Sila lamang ang tanging nakakaalam kung ano ang totoo. Umingay pa nga muli ang bayan dahil sa kwento noong umalis si Teresa ng probinsya upang may sunduin doon.

Hindi naman nagsasalita ang driver kung ano ang pinuntahan ng ginang sa maynila. Siguro ay dinalaw nga niya ang kanyang anak na si Dan.

Tapos noon ay umuwi rin agad. Baka naman sinundo lang nito si Gilda upang pagbakasyunin.

Pero sabi ni Gilda ay patay na ang parents niya kaya umuwi siya ng probinsya upang manirahan. Parang nagegets ko na ang mga nangyayari.

Ibig sabihin nabalitaan ng ginang na si Teresa na namatay na ang kanyang anak kay lumuwas siyang pamaynila saka kinupkop ang kanyang apo na si Gilda.

Kung ganoon apo niya talaga si Gilda kung tama ang pagtagpi tagpi ko ng mga pangyayari.

Nakakalungkot naman na patay na si Sir Dan. Mabuting tao si Sir Dan ngunit ang ayaw lang ng mga mamayan ay si Ginang Teresa at si Binibining Maria.

Sabi nila magkagalit din daw ang magbyenan na si  Lilybeth at si Teresa. Pero baka nga kwento kwento lang iyon kasi naman  dumadalaw din ang mag – asawa minsan sa isang tao simula ng lumuwas sila. Parang isang beses nga lang. Siguro hindi na sila nag kayos at itinakwil na talaga siya ni Teresa.

“Sino si Gil? Boyfriend mo to noh?” nawala ako sa mga iniisip ko noong marinig ko ang boses ng aking kuya na si Popoy.

Agad akong napatingin sa kanya at hawak hawak na niya ang aking cellphone habang may binabasa dito.

Agad kong inagaw sa kanya ang cellphone ko.

“Hoy! Bakit ka nagbabasa ng mga mensahe na hindi naman sa iyo! Hindi ba sabi ni nanay masama iyon,”

“Sinong Maria ang tinutukoy ni Gil?” tanong ni Kuya Popoy sa akin.

Hindi naman ako sumagot dahil kilala niya rin si Maria na kasama kasama lagi ni Ginang Teresa.

“Huwag mong sabihin na yung nahihiraa sa gitna ng bukid iyon,” ani niya sa kain habang nanlalaki ang mga mata.

“Sira ka!” ani ni Kuya at pinukpok ako sa ulo ng mahina. “Kung sino sino ang kinakausap mo! Baka bigla ka na lang magkasakit diyan. Hindi ka nag – iisip!”

“Hindi naman si Maria mismo ang kausap ko kung hindi si Gilda,” ani kosa kanya at napaiwas ng tingin.

“Kahit na! Kaano ano niya si Maria?” tanong ni Kuya Popoy sa akin.

“Hindi sila magkaano ano pero apo si Gilda ni Teresa,” sagot ko sa kanya.

“Ay nako po!” ani naman ni Kuya Popoy at napatapik pa sa kanyang noo. “Sa dami dami ng pwede mong maging kaibigan ay apo pa talaga ng matandang iyon! Hindi ka ba natatakot ha! Baka mamaya mabalitaan na lang namin na patay ka na. Talagang nilalagay mo sa panganib ang sarili mo noh! Hindi mo na inisip kaming mga nag aalala sa iyo!”

“Eh kasi naawa ako kay Gilda,” sabi ko sa kanya. “Wala siyang kaalam alam baka saktan siya nila Maria.”

“Panong sasaktan? Ikaw na nga ag nagsabi sa akin na apo siya ni Teresa,” ani nito sa akin. “Mag – isip isip ka nga. Bakit niya sasaktan ang sarili niyang apo. Saka ano bang inaalala mo roon? Alalahanin mo ang sarili mo dahil baka hindi ka na tigilan ng Gilda na iyan! Baka kung ano ang gawin sa iyo niyan.”

“Mukha namang mabait si Gilda,” ani ko sa kanya.

“Mabait? Tanga ka. Sa tingin mo lalapit sa iyo ang demonyo sa tunay na anyo nito?” tanong sa akin ng Kuya Popoy. “Susumbong nga kita ‘kay Tatay at Nanay. Sasabihin ko sa kanila kung ano nananman ang ginawa mo.”

Akmang aalis na siya noong pigilan ko siya sa may kamay.

“Sorry na,” ani ko sa kanya. “Huwag mo na akong isumbong kuya. Promise hindi ko na siya kakausapin.”

“Sige siguraduhin mo lamang,” ani nito sa akin. “Burahin mo na ang number ng babaeng iyan.”

Binuksan ko naman ang phone ko at ipinakita sa kanya kung paano ko binura ang numero ni Gilda.

Ngumuya siya ng chichirya at bumalik muli sa panonood.

Buti naman at hindi na niya ako sinumbong kung hindi ay patay ako kila nanay.

Kaugnay na kabanata

  • The Last Sacrifice   Ano sila

    Maria Point of View Napairap ako paglabas ko ng pintuan. Gusto kong sabunutan ang bruha na iyon ng tawagin niya akong nanay. Buti na lamang at kaya kong magpigil sa inis. Nakakadiri! Nakakasuka. Hindi ba siya nahihiya sa akin? Sana ay hindi niya na lamang itinuloy ang pagtawag sa akin ng salutasyon na iyon. Pareho rin naman namng gusto. Pero sabagay, kung narito man si Lilybeth ay baka naiinis na iyon habang pinapakinggan ang sariling anak niya na tinatawag ang kanyang mortal na kaaway na ina. Hinawi ko ang mahahabnag buhok na lumadlad sa aking mukha at inipit ko iyon sa aking likuran na tainga. Si

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • The Last Sacrifice   Kwarto

    Gilda Point of View “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito. “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.” Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • The Last Sacrifice   Parusa

    Gilda Point of View “Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon. Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call. Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay. “Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.” “Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.” &nbs

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • The Last Sacrifice   Paunang Dasal

    Maria Point of View Pinagmasdan ko ang batang si Gilda habang naka higa sa kanyang higaan at okupado sa paggamit ng kanyang cellpone. ‘Anak yan ni Dan.’ Bigla kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakaitaas at napahawak sa aking ulo dahil sa boses na bumulong sa aking isipan. Agad akong lumabas ng kwarto habang madiin na hawak hawak ang aking ulo. Bumaba ako sa hagdan at luminga linga sa paligid. “Sino ka! Magpakita ka! Ang lakas ng loob mong pigilan ako kanina!” sigaw ko haba

    Huling Na-update : 2021-08-11
  • The Last Sacrifice   Plano

    Gilda Point of View “Sa kwarto ko po kanina may nakita akong tatlong babae,” ani ko kila Maria habang kumakain kami ng hapunan. “Nasa likuran ko sila habang nagsasalita sila ng hindi ko maintindihan na lengwahe para silang… para silang nagdadasal.” Napatawa naman si Maria sa sinabi ko. Ano ang nakakatawa? Seryoso ako! Hanggang ngayon nga ay kinikilabutan pa rin ako sa tuwng maaalala ko iyon. “Tumititig ka ba sa salamin?” tanong ni Maria sa akin. “Paano niyo pong nalaman? Bigla po kasing natanggal ang telang tinakip ko rito kaya napatingin ako,” sagot ko naman sa kanya. Anong meron sa salamin? May multo ba roon? Tokwa! Nakaka

    Huling Na-update : 2021-08-12
  • The Last Sacrifice   Sikreto

    Third Person Point of View “Ilang taon na po kayo?” tanong ni Gilda habang sinusuklay siya ni Maria. “Alam mo bang hindi mo dapat itinatanong iyan sa mga babae,” ani ni Maria at nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok ni Gilda. “Pasensya nap o,” ani naman ni Gilda. “Ang ganda ganda po kasi ng kutis niyo. Pang artista. Oo nga po pala, nabanggit niyo sa akin na ituturo niyo ang sekreto ng makinis at batang balat. Pwede niyo na po bang ituro sa akin?” Ngumiti naman si Maria habang sinusuklay ang buhok ni gilda.  

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • The Last Sacrifice   Angkin

    Third Person Point of View Napatingin si Maria sa matandang pababa ng hagdan. Pang – ilang araw na ito ng matanda na aalis ng kanilang bahay. “Magandang umaga, Lola Teresa,” tawag ni Maria dito kaya napatingin sa kanya ang matanda. “Aalis muli kayo?” “Oo, may kailangan akong asikasuhin,” sagot naman sa kanya ng matanda habang pababa ng hagdan. “Ikaw na muna ang bahala rito, Maria.” “Hindi po ba nila ako hinahanap sa inyo?” tanong ni Marai at ngumiti. 

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • The Last Sacrifice   Alaala

    Maria Point of View Inilapag ko ang mga plato sa hapag habang pasilip silip sa aking anak na si Gilda. Busy ito sa pag cecellphone. Ano naman kaya ang tinitignan niya sa maliit niyang cellphone? Kinuha ko ang isang mangkok upang salinan ng mga ulam. “Anak,” tawag ko sa kanya habang nagsasalok ng pagkain. “Ano ang pinagkakaabalahan mo riyan? Kausap mo ba ang iyong mga kaibigan?” “Nag – isscroll lang pos a facebook,” sagot niya sa akin na ang mga mata ay hindi inaalis ang tingin sa hawak hawak na bagay. “Hindi ko pa po nakakausap ang mga kaibigan ko. Busy pa sila kaya hindi ko pa sila maimbita. Isa pa ay malapit na rin ang pasukan. Baka mag alangan sila na pumunta pa ng probinsya.”

    Huling Na-update : 2021-08-15

Pinakabagong kabanata

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status