Gilda Point of View
Napatingin ako sa lumang salamin sa aking kwarto. Malinis na malinis iyon. Siguro ay nilinis na ni Maria noong malaman niya na darating ako.
Nakapagtataka lamang na hindi siya galit sa akin. Ang kwento sa akin ni ina ay galit pa nga raw si Maria sa kanya dahil siya ang pinili ni tatay. Hindi kaya ay nililinlang ako ng aking mga mata at hindi naman talaga mabuting tao si Maria? Nag babait – baitan lamang siya? Tulad ng mga napapanood ko sa telebisyon tuwing hapon. Tapos baka mamaya ay bigla na lang ako gawan ng masama nito. O kaya naman ay napipilitan lang siyang tanggapin ako dahil sa sinabi ni Lola Teresa at no choice talaga siya kaya tinanggap niya ako. Mayroon naman kasi talagang mga ganoong tao!
Hays! Bakit ko ba iniisipan ng masama ang taong iyon? Wala naman na ako dapat pang ipagkabahala. May mga tao rin naman na nagmamahal at nag – papaubaya. Baka nakalimutan niya na rin iyon dahil matagal ng nangyari sa buhay nila. Baka pinili niya na lamang ang magsilbi kay Lola Teresa at maging masaya para sa tatay ko.
Mas maigi kung ganoon. I feel bad kasi iniisipan ko pa siya ng masama gayong pinapakitaan niya nga ako ng kabutihan.
Pero grabe nakakagulat talaga malaman na siya si Maria na kilala nila tatay at nanay. Kasi naman, sila tatay at nanay ay may mga puti pa sa buhok ngunit si Maria, kung pagmamasdan mo ito ay wala pa itong puting buhok kahit isang hibla o sadyang madilim lang ngayon kaya hindi ko nakita? Pero kahit tignan mo ang balat niya ay kay kinis pa rin na tulad ng isang birhen na dalaga. Kakainggit. Samantala ako naman ay may tigyawat na sa mga muka.
Para nga itong isang kpop idol. Napakinis at ganda ng balat. Pwede na siyang mag – apply na artista. In fairness ang ganda niya rin pero siyempre may tatalo ba sa ganda ng aking ina? Mas maganda pa rin si nanay noh!
Ano kayang sikreto ni Maria? Sabi niya sa akin sa ibang araw ay ituturo niya raw sa akin kung ano ang sikreto ng kanyang magandang balat. Ano kayang pinapahid niya para panatilihin na maganda at sariwa siya kung titignan. Nako siguro kung pupunta siya sa manynila ay baka siya pa ang pagkaguluhan.
Mas maganda pa ang kutis niya kaysa sa akin. Mas bata kaya ako. Naiinsecure tuloy ako sa aking balat. Ewan ko ba at ginamit ko naman lahat ng skincare na nakikita ko sa internet ngunit pabalik balik pa rin ang mga bwiset na tigyawat na ito sa aking mukha.
Mahalin ko na lang kaya sila para iwan ako? Hindi ba at ganon naman ang mga bagay bagay. Pag minamahal mo sila ng lubusan at bigla ka na nilang iiwan.
Baka naman pwedeng iapply din to sa mga tigyawat ko hindi ba. Baka magsawa rin sila kakatira sa aking mukha at lumisan na.
Sinipat ko ang mga tigyawat ko sa malaking salamin na nasa harapan ko lamang. Hays. Dumadami nanaman sila. Naiistress kasi ako.
Inayos ko ang buhok ko at nagpose sa harapan ng salamin. Ngumiti ako kahit nalulungkot ako sa mga nangyari sa aking magulang. Ang bata ko pa para mawalay sa kanila pero wala naman akong magagawa.
Umalis na sila at pumunta sa langit. Sana nga lang ay isinama na nila ako para hindi na ako mamobrelama sa mga nakakabwiset na problema sa mundo.
Kung wala si lola Teresa ay hindi ko alam kung saan ako pupulitin sa lansangan. Hindi naman sapat ang mga naipon ko para buhayin ang sarili ko. Haler! Saan ako dadalhin ng twenty thousand pesos? Baka nga kulang pa iyon sa isang linggo. Bahay, kuryente, tubig? My gosh! Kulang na kulang. Isang buwang pagkain ko pa. Hindi naman ako marunong magtinda. Sila tatay at nanay ay binuhay ako tulad ng isang prinsesa. Gawaing bahay lamang ang alam ko ngunit hindi pa binat ang aking sarili sa pagtratrabaho. Yung pag – aaral ko pa. Pasukan pa naman na next month. Saan ako papasok? Sana naman ay may public school sila dito.
Tama ! May pavoucher pala sa amin ang gobyerno. Libre nga pala ang aming tuition dahil senior higs school student ako ngunit ang tanong ay kung may school ba dito na tumatangap ng voucher. Wish ko lang ay meron. Gusto ko pang makapagtapos ng pag – aaral. Gumuho man ang mundo ko dahil sa mga nangyari sa akin ay mayroon pa rin naman akong mga pangarap sa buhay na nais kong matupad noh!
Para kila nanay at tatay ay tatapusin ko ang aking pag – aaral. Ang pangarap nilang kursong medisina ay ipapangako kong matatapos ko.
Napakagat ako sa aking labi at agad na pinikit pikit ang aking mga mata dahil biglang nagbago ang aking itsura sa salamin. Kinusot kong muli ang aking mga mata at tinitigan ang aking sarili dito ngunit normal lang naman ngayon ang aking nakikita. Siguro ay namalikmata lamang ako.
Grabe, bigla akong kinalibutan. Nakita ko kasi ang sarili ko na biglang ngumiti sa akn at nanlisik ang mga mata. Siguro ay ‘kay tagal ko nang tumititig dito kaya naman na malikmata ako. Bigla akong kinabahan doon.
Luminga linga ako sa paligid ko upang humanap ng malaking kumot o tela na pwedeng ipangtakip sa malaking salamin na ito. Hindi ako magging komportable kung iiwan ko na lamang ito na ganito. Baka mamaya ay may maakit pa akong elemento. Kasi hindi ba at sabi nila ay portal daw ang mga salamin. Baka mamaya ay bangungutin pa ako. Nakatapat pa naman ito sa aking higaan. Masamang pangitain ito. Lalo na at probinsya pa ito. Marami pa namang mga kwento kwneto kapag probinsya. Mga kwentong kahila hilakbot.
Dahil wala akong makita na malaking kumot ay kumot na lamang ng aking hihigaan ang ipinangtakip ko dito. Isinabit ko ang kumot sa itaas at binalutan kong mabuti ang salamin. Ayan! Mas okay na hindi kami nagkikita lalo na sa gabi. Nakakatakot itong pagmasdan lalo na ang sarili mo. Ang laki rin naman kasi ng salamin na ito. Magkano kaya ang bili nila rito?
Yung salamin namin sa maynila at mukha lang ang kita. Paano ba naman kasi ay ang mahal ng salamin. Hindi namin masyadong afford saka isa pa ay hindi din naman sila palasalamin. Ang ginagamit nila ay ang ang mga repleksyon lang nila sa tubig o sa kung anong bagay ang meron sa bahay na kita ang kanilang repleksyon.
Siguro ay dahil laking probinsya sila tatay kaya ganon. Ako? Hindi ko makta ang sarili ko sa ganon lamang. Mas gusto ko talaga yung salamin na kitang kita ako ng malinaw. PAkiramdam ko pag hindi ako nakapagsalamin ay mukhang katawa tawa ang aking sarili. Baka mamaya ay may tuyong laway sa aking mukha o naligaw na kulangot. Kakahiya hindi ba? Papasok pa tayo sa school tapos makikita ni crush na ganoon. Baka mapa eww pa sa atin dahil sa ating hindi malinis na hygiene.
I kennat!
Hindi ko na makikita ang crush ko. Nagkakamabutihan pa naman kami. Siguro kung kami naman talaga ang nakatadhan ay muli kaming magkikita in the future. Naniniwala ako roon. Ipagprapray ko na lamang siya ‘kay God.
Natulog ako sa byahe ngunit pagod pa rin ako. Ang dami ko tuloy nakain kanina. Baka sabihin nila Maria ay may dumating na palamunin sa kanilang bahay. Sana naman ay hindi ganoon ang isipin nila sa akin. Marunong naman ako maglinis kaya tutulong ako sa kanila bukas. Maglilibot na rin ako at ipapamlyar ang aking sarili dito.
Mukhang malaki kasi ang bahay ni lola Teresa. Sa nakita ko kanina pagdating ko dito ay halos mapanganga ako. Hindi ko naman na kasi nakita ito dati. Kung nauwi man sila nanay dito at tatay noon kasama ako ay hindi ko na matandaan pa. Ang tagal tagal na rin kasi.
Siguradong ang laki ng espasyo sa bahay ng lola Teresa tapos tatlo lang kaming titira.
Ito pa nga lang oh at tig iisang kwarto rin kami. Ang laki rin ng kwarto ko ngayon. Halos kasing laki na ng bahay namin sa maynila. I mean ng inuupahan namin sa maynila. Baka nga mas malaki pa ito. Sa bagay , iba talaga ang buhay sa probinsya. Mura ang mga pagkain at malaki ang mga bahay at bakuran ngunit mahirap ang buhay. Nakakalungkot lamang isipin ito.
Kanino kayang kwarto ito dati? Kay tatay ba? Nabanggit ba ni Maria sa akin ang bagay na iyon? Hays, hindi ko na matandaan. Masyado akong okupado kanina at kung ano ano ang laman ng aking isipan na hindi ko na matandaan lahat ng sinabi niya sa akin. Gulat na gulat din kasi ako na makita siya. Lalo na at ang bata bata pa rin niya tignan.
May asawa na kaya si Maria? O kaya naman ay anak? Siguro ay wala. Kasi hindi ba at dito na siya nagtira simula ng mawala ang tatay ay si Maria na raw ang sumama kay Lola Teresa. Tatlo lang sila dito. Kung meron mang sariling pamilya si Maria ay dapat kasa – kasama nila ito dahil malaki naman ang bahay ng lola Teresa at kayang kaya patirahin ang ilang pamilya.
Ano kayang itatawag ko ‘kay Maria? Ate? Tita? Ninang? Miss? Binibini? Hindi ko alam. Tatanungin ko na lamang siya bukas. Dapat akong makisama sa kanila ng maayos kung ayaw ko na magalit sila sa akin.
Inilabas ko ang aking phone at humiga sa aking kama. Bukas ko na lamang siguro aayusin ang aking mga gamit. Madilim na rin kasi at dis oras na ng gabi. Nais ko na rin magpahinga.
Chinarge ko muna ang aking cellphone. Mabuti naman at may sasaksakan sa kwarto na ito dahil kung hindi ay mababaliw ako.
Napatakip ako ng aking noo. Wala nga pa lang ilaw ngayon kaya malamang ay baka bukas ko pa machacharge ang cellphone ko o kung kailan babalik ang ilaw sa bahay nila lola Teresa. Sana naman ay magbalik na agad ito. Mababanas ako kung hindi. Lumaki ako na may ilaw at gadget sa aking tabi kaya naman hindi ko kaya pag nawala ito sa aking buhay.
Saka isa pa siguradong boring ang buhay probinsya. Malayo sila sa siyudad at siguradong napag – iiwan na ito. Di tulad ng sa maynila ay makikita mo talaga ang new technology ng ating bansa.
Baka nga wala pang rice cooker dito pero baka naman ako lang ang nag – iisip ng ganon. Baka mamaya ay updated na pala ang probinsya nila lola Teresa at akala ko lang ay hindi. How I wish! Sa nakikita ko kanina ay tila nasa gitna pa ng bukid ang bahay na ito. Mukhang mahihirapan akong kumuha ng signal.
Saka wala ba sila talagang kapit bahay? Argh! Hindi ko kasi masyadong napansin dahil madilim na rin. Isa pa ay nainis ako kanina dahil nadumihan ang aking sapatos na puting puti. Kailangan ko pa itong labhan bukas.
Inilapag ko sa may side table ang aking cellphone at nag – inat na upang matulog.
Napabalikwas ako ng tumunog ang senadura na tila nais magbukas. May nagbubukas nito sa labas. Kinandado ko kasi ito kanina dahil sanay akong ginagawa iyon sa bahay namin sa maynila.
Napalunok ako habang nakatingin sa pinto.
*tok* *tok* *tok*
“Gilda? Gising ka pa ba?” Isang boses ang aking narinig mula sa labas.
Boses iyon ni Maria. Nakilala ko na ang boses niya dahil nag – usap din naman kami kanina.
Hindi ako sumagot sa kanyang tanong at humiga na lamang. Kunwari ay tulog na ako. Bukas na lamang kami mag – usap. Hindi naman siguro importante ang sasabihin niya hindi ba?
*tok* *tok* *tok*
Tatlong katok muli ang narinig ko sa pinto.
“Gilda? Gising ka pa ba?” muling tanong ni Maria sa likod ng pinto ng aking silid.
Nanatili akong tahimik at hindi sumasagor. Kung kakatok muli siya ay bubuksan ko na dahil baka importante.
Ilang minuto ang lumipas ay wala ng kumatok. Mukhang hindi naman pala importante.
Nag – inat ako at yumakap sa isang unan sa aking ulunan. Wow! Ang lambot ng unan nila dito. Mukhang mamahalin din. Parang may yakap yakap akong ulap sa lambot.
Ipinikit ko na ang aking mga mata ngunit wala pang limang minuto at kunot noo akong napadilat.
Nakakarinig ako ng kuluskos sa labas ng aking kwarto. Agad akong tumayo at marahan na lumapit sa pintuan ng aking silid. Inilapat ko ang akng tainga sa may pinto at pinakinggan ang labas.
Parang may naglalakad sa pasilyo ng mabagal at parang…
Parang may mabigat na hinahatak ang sino mang tao na nasa may pasilyo.
Baka si Maria iyon dahil kumakatok siya kanina. Baka magpapatulong siguro. Buti na lamang at hindi ko sinagot. Pagod na din naman kasi ako hindi ko na kayang magbuhat pa. Mukhang mabigat naman kasi ang binubuhat niya. Saka bakit kasi ngayon siya naghahatak? Gabing gabi na kaya pwede naman siguro ipagpabukas ang kung ano mang ginagawa niya.
Ano kaya ang kanyang hinahatak? Mukhang mabigat bigat? Rinig ko ang paglangitngit ng kahoy na papag sa bawat hakbang niya.
Hays kinokosensya ako. Dapat ba ay sinagot ko siya kanina? Baka hirap na hirap na siya sa paghahatak. Hinawakan ko ang senadura sa aking pinto upang buksan ngunit bigla akong nagdalawang isip. Tutulungan ko pa ba siya? Mukha namang malapit na siya eh. Saan niya ba dadalhin kasi iyon? Kung sa kwarto naman niya ay hindi na niya siguro kailangan ang tulong ko dahil malapit na siya.
Bumalik na ako sa aking kama upang matulog. Kayang kaya na niya yan. Naipanik na nga niya ng hagdan.
Pero ano naman kaya ang ipinannik niyang iyon? Sa tunog pa lang ay kay bigat na. Wag mo sabihin sa akin na malakas din siya at kayang kaya niya bumuhat ng ilang kilo.
Naiisip ko tulay si Maria na may muscle muscle sa kanyang mga braso.
Sa likod ng maamo mong mukha ay kasing lakas ka pala ni superman.
Napailing iling na lamang ako at tumagilid upang matulog na.
Ilang minuto din ang lumipas ay nawala na ang kaluskos. Mukhang natapos na si Maria sa kanyang ginagawa at mukhang nakatulog na rin.
Ang tahimik din ng gabing ito at tanging mga insekto at palaka lamang ang naririnig ko sa gabing ito. Siguro kung wala sila ay baka nabingi na ako sa katahimikan.
Namimiss ko na sila tatay at nanay. Gusto ko silang yakapin ngayon. Ang sakit sakit isipin na wala na sila. Permanenteng wala na.
Ewan ko ba. Sobrang sakit talaga. Mas okay pa nga siguro kung iniwan na lamang nila ako. Tulad na lamang na nangibang bansa sila tapos naiwan ako dito. Kasi pag ganon kahit papaano pwede mo pa silang makita uli at mayakap. Malayo lang sila pero nandito pa sila sa mundo pero sa kaso ko. Wala na talaga sila. Hindi na sila babalik. Wala na akongt hihintayin. Sobrang sakit isipin.
Pinunasan ko ang aking mga luha na nagsisimula na namang tumulo. Napagawi ang tingin ko sa isang sirang bintana. May butas iyon sa gilid.
Tinalikuran ko iyon at nagtakip ako ng unan sa mukha. Nakakatakot tignan kahit wala akong makita kundi dilim. Baka mamaya may kung anong nilalang na nakasilip doon. Bukas na bukas ay aayusin ko iyon.
Gilda Point of View lNapamulat ako ng aking mga mata noong marinig ko ang boses ni Maria na tinatawag ako sa labas. *tok* *tok* *tok* Napatayo ako agad dahil sa sunod sunod na katok na ginagawa ni Maria. Napatingin ako sa may salamin at napansin ko na wala na ang tapis na inilagay ko roon kagabi. Napailing na lamang ako dahil baka nilipad lamang ng hangin. Ikinibit balikat ko na lamang at dumiretso sa pintuan ng aking kwarto saka binuksan ang pinto. Anong oras na ba at bakit nangangatok na ang binibini? Sa tyansa ko ay hindi pa naman sumisikat ang araw ng buo. Medyo makulimlim pa sa labas base sa nakikita ko sa butas ng aking bintana. Wala naman kasing orasan sa kwarto. Hindi pa naman ako
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong b
Maria Point of View Napainat ako ng mga kamay upang pawiin ang antok ng aking katawan. Katatapos ko lamang magsipilyo at ala singko na muli ng maga. Kailangan ko ng muling mamalengke para sa mga gagamitin namin ngayon sa bahay at pati na sa susunod pang mga linggo. Tamang tama ang magandang umaga na ito upang pahirapan ang bruhang anak ni Lilybeth. Wala pa ring sinasagot si Lola Teresa patungkol sa kalagayan ni Gilda. Sana lang talaga ay tumanggi siya dahil kung hindi ay mas mabwibwiset ako sa kanilang dalawa. Ayaw na ayaw ko pa naman na taliwas sa kagustuhan ko ang mga nangyayari. Matapos ko mag ayos ng sarili ay agad na akong pumunta sa sa kwarto ni Gilda. Nakalock ito nag subukan kong buksan
Carmen Point of View “Sino iyon? Kakilala mo? Bakit mag kausap kayo?” tanong sa akin ng aking ina habang nagpapack ng mga asukal para sa aming paninda. Umiling iling naman ako habang tinitignan ang pinuntahan ni Gilda. “Hindi po,” ani ko sa kanya. “Mukha kasing bago siya rito kaya tinanong ko,” ani ko naman sa aking ina. “Mula raw siya sa manynila at umuwi lang dito dahil wala na siyang tutuluyan.” “Nako bakit? Nabuntis ba?” tanong sa akin ng aking ina. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko.
Gilda Point of View “Paano po kayo nagkakilala ni Tatay Dan?” tanong ko kay Maria habang patuloy niyang hinahagod ang aking buhok. Kita ko sa salamin kung paanong lumiwanag ang kanyang mukha at paanong ngumiti ang kanyang labi at mata. Mukhang talagang gustong gusto niya ang tatay ko. Parang iba naman ang tunay na ugali niya sa naririnig kong kwento dati ni nanay sa akin. Baka nagbago na talaga si Maria dahil nakapag isip isip na siya ng tama. “Nakilala ko ang tatay mo sa isang parke,” ani nito sa akin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. “Bata pa lang kami noon at
Maria Point of View Napairap ako paglabas ko ng pintuan. Gusto kong sabunutan ang bruha na iyon ng tawagin niya akong nanay. Buti na lamang at kaya kong magpigil sa inis. Nakakadiri! Nakakasuka. Hindi ba siya nahihiya sa akin? Sana ay hindi niya na lamang itinuloy ang pagtawag sa akin ng salutasyon na iyon. Pareho rin naman namng gusto. Pero sabagay, kung narito man si Lilybeth ay baka naiinis na iyon habang pinapakinggan ang sariling anak niya na tinatawag ang kanyang mortal na kaaway na ina. Hinawi ko ang mahahabnag buhok na lumadlad sa aking mukha at inipit ko iyon sa aking likuran na tainga. Si
Gilda Point of View “Saan ka galing?” napasigaw ako dahil pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay naabutan ko si Maria na nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib sa biglang kaba na aking nadama noong makita siya. Dahan dahan ko pa namang binuksan ang pintuan upang hindi nila ako mahuli ngunit nahuli niya ako agad. Nakakagulat naman ito. “Saan ka galing? Tinatanong kita,” ani ni Maria sa akin. “Noong gigisingin kita kanina ay wala ka sa kwarto mo.” Tumikhm naman ako upang hindi ako mabulol sa gagawin kong palusot. Idineretso ko rin ang aking dalawang balikat.
Gilda Point of View “Condolence, Gilda,” ani ng mga kaibigan ko na kavideo call ko ngayon. Narito ako sa may kwarto habang nakikipag usap sa kanila via phone video call. Nwala naman ang mga ngiti ko sa labi at naalala nanaman ang masakit na bagay. “Saan ka na nga pala ngayon??” tanong nito sa akin. “Dinalaw kita sa bahay niyo at napag alaman kong wala ka na pala ron.” “Ah, sumama ako sa lola ko,” sagot naman sa kanya. “Umuwi na kami ng probinsya. Sa probinsya ng tatay ko.” &nbs
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n
CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.
THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.
CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G