Blangko ang ekspresyon ko habang pinapakinggan ang pagmamakaawa ng ilang babaeng nakakulong rin kagaya ko, di ko sila masyadong marinig pero dahil tahimik dito sa kwarto ko, malinaw na umiiyak sila. Nanghihina ang katawan ko. Para akong pagod kahit wala naman akong ginagawa.
Ang daming naglalakbay sa isipan ko nang bigla akong natigil ng isang maamong boses.
"Bago ka lang ba dito?" Tanong nito, nakasilip siya sa isang maliit na bintana, taga kabilang kwarto.
"Oo"
Lumapit ako dito at umupo sa may sulok malapit sa siwang. May spring na nakaharang dito pero hindi iyon naging hadlang para di ko maaninag ang itsura nito.
"Ilang taon kana?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya nang mapansin kong medyo bata pa ang itsura niya.
"I'm 20" Sagot nito na ikinagulat ko.
"You have a pair of pretty eyes" Aniya.
Nginitian ko lang ito.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, ang ganda niya. Hindi siya nababagay dito.
"Siguro nagulat ka din sa edad ko?" Natatawa niyang saad.
"Medyo bata lang tong itsura ko, baka nga mas matanda pa ko sayo eh. Ikaw, ilang taon kana?"
"D-disinuwebe palang ako." Naiilang na sagot ko.
Bahagya siyang natahimik at nang tingnan ko ito ay bakas na sa mukha niya ang awa.
"Bata ka pa pala, hindi mo pa dapat nararanasan 'to." Malungkot niyang saad at pilit na ngumiti. Biglang pinasok ng kyuryusidad ang isip ko kaya hinarap ko siya.
"Ano bang nagtulak sa kanila para gawin to? Akala ko ako lang mag-isa ang nabiktima. Anong ibig sabihin nito? Wala kasi akong kaalam alam sa mga nangyayare." Sunod sunod kong tanong.
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Parang sanay na siya. Mukhang alam na niya ang motibo ng mga sindikatong 'yon.
Nang lumipas na ang ilang segundo at di parin siya sumagot, napabuntong hininga na lang ako. Mukhang di niya kaya at wala siyang balak mag kwento.
Baka hanggang kyuryusidad lang talaga ako.
Nagbaba ako ng tingin at nanahimik na lang.
"Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong niya. Lumukso ang kaba ko at binalik ang tingin sa kanya.
"Sabihin mo lahat sa'kin, please?" Nagmamakaawang saad ko.
Gaano man kapait ang katotohanan sa likod nito, handa akong malaman ang lahat. Lalo na't hindi ako mapalagay sa bawat gabing dumadaan nang hindi ko alam ang tiyak na kinalalagyan ko. Ikadurog man ito ng puso ko ay tatanggapin ko. Para kahit papaano ay alam ko kung sa anong klaseng impyerno itong kinalalagyan ko ngayon.
"Fine" Sagot niya saka umayos ng pagkakaupo paharap sa akin.
Ang kabang nararamdaman ko kanina ay dumoble pa nang magsimula na itong mag salita.
"Ang mga lalakeng dumukot sayo ay ilan lang sa napakaraming tauhan ni Carlos. Si Carlos ang namumuno sa area na 'to. Dito lang." Pauna niya.
"Anong ibig mong sabihin? H-hindi lang tayo ang biktima nito?" Tumango siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ilan lang din tayo sa mga hawak nila. At ang pagkakaalam ko, sa mga susunod na buwan ay pag iisahin na nila tayong lahat. Pero sa tingin ko, bago umabot ng ilang buwan ay marami na namang mababawas, bawat linggo kasi ay may namamatay dito at kapag nababawasan ay mayroon ding nadadagdag. Noong nakaraan, nabalitaan naming may nahuli si Kit, pero nakatakas raw at nalaman na lang namin na tinuluyan niya 'yon." Aniya.
Sigurado akong si Demi ang tinutukoy niyang nakatakas kaya pinatay ni kit.
At ako ang naging kapalit ni Demi.
"Hindi natatapos ang ganoong proseso. Simula nung napunta ako dito ay paulit ulit lang ang mga nangyayare. Hindi lang sila mga sindikato, marami rin silang kakamping rebelde na sumusuporta sa ginagawa nila. Sa pagkakaalam ko, si Carlos ay naimpluwensyahan lang ng mga miyembro nito sa isang gang, iyon ay matapos mapatay ng kabilang grupo ang asawa niya"
"Nagparami sila at dahil sa matinding galit dahil sa pagkamatay ng asawa niya ay nagpasailalim na rin siya sa pamumuno ng gang nila. Hanggang sa natalo nila ang kabilang grupo at naalipin ang mga natitirang miyembro no'n. Pinaghiwalay nila ang mga babae sa lalake. Ang mga lalake ay pinag eksperimentuhan nila, samantalang ang mga babae naman ay binebenta nila sa murang halaga sa mga rebelde. Hindi nagtagal, ang unang eksperimentong ginawa nila sa mga kalalakihan ay naging taliwas sa inaasahan nilang resulta" Kunot ang noo kong napatango rito.
"Halos karamihan sa mga kalalakihan ang namatay dahil sa overdose ng iba ibang gamot na sabayan nilang tinuturok na hindi naman umepekto ng ayon sa napag aralan nila. Kaya napilitan silang paghatiin ang grupo nila. Ang mga nanatiling matatag sa eksperimento ay tinago nila sa isang lugar at ang mga lubos na naapektuhan naman ay kinulong na lang nila at hinayaang mamatay."
Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. Hindi ko ine-expect na matagal na pala 'tong nangyayare, mas lalo tuloy binaha ng katanungan ang isip ko.
Sasagot na sana ako nang bigla siyang magpatuloy.
"Hindi pa sila nakuntento, pinagpatuloy nila ang eksperimento. Hanggang pati ang grupo ng kababaihan ay ginamit na rin nila. Pero may isang beses na biglang gumulo ang lahat. Ilan sa mga babae ang nagplanong tumakas noon pero nung nakalabas sila ay sinalubong sila ng iba't ibang mga patibong na nakapaligid sa buong lugar. Bumagsak sila sa lupa na may nakausling matutulis na patalim, kalahati na naman ang namatay at bilang kaparusahan sa mga natirang buhay ay pinagahasa sila sa mga rebelde nang walang bayad. Kabilang na doon ang kapatid ko."
Mas lalo akong nagulantang. Ang sakit.
Nang muli ko siyang tignan, nakita ko ang pasimpleng pag punas nito sa mga luhang saglit na tumakas sa mga mata niya.
Wala akong kapatid, at walang tumuring sakin bilang kapatid. Pero ang sakit na nararamdaman ng babaeng kausap ko ngayon ay parang napapasa sa'kin.
Grabeng kahayupan pala ang napagdaanan ng mga taong nauna sa'kin dito.
Nagsisisi tuloy ako, sana hindi na lang ako naduwag. Sana di na lang ako nag dalawang isip. Tama si Zea, sana man lang naisip ko ang mga taong makikinabang kung nag sumbong ako. Sana man lang nakatulog ako kahit papano. Edi sana ngayon, may hustisya na sila.
Tumingin ulit ako sa kanya,
"P-paano nasama ang kapatid mo? Ibig sabihin kasama ka rin sa mga nakatakas no'n?" Umiling siya.
"Hindi. Si ate lang ang kasama sa gang ng Chronus, tumulong lang ako makipag laban. Pero pinaghiwalay nila kami, sila ate ay nasa pamumuno ni Algo, ang leader nila Carlos. Nangako sakin si ate no'n, na tatakas siya at ililigtas niya ko at sabay kaming makakalabas dito. That's her last promise. And out of all her promises, yun lang ang hindi niya natupad. Inagaw na nila ang buhay ng ate ko. Ang sakit, pero tinanggap ko na lang din. Wala namang mangyayare kung iiyak lang ako. Baka ganito lang talaga ang buhay, or should I say, ganito talaga ang buhay ko. So kaysa umiyak, nanahimik na lang ako. Up until now, inaantay ko na lang din kung anong sususnod na magiging ganap sa buhay k--"
"No. Hahanap tayo ng way para makalabas tayo dito. Hindi tayo titigil hangga't buhay tayo." Pagpigil ko sa kanya. Pero nanatili lang siyang walang kibo.
"Fine. Tatagan mo lang 'yang loob mo. Makakamit rin natin ang hustisya nang buhay tayo. Okay?" Saad ko.
Kahit sa ganitong sitwasyon, gusto ko paring magpalakas ng loob ng iba.
"Let's make that, our goal." Sagot niya habang nakangiti.
I smiled back. It's nice to meet a kind hearted person inside this hell, isn't it? But i guess, I forgot something.
"By the way, what's your name?" Biglang tanong niya.
Exactly. Nakalimutan ko rin itanong sa kanya 'yan.
"Mara. Ikaw?"
"Nathalia, just call me Lia instead." Aniya.
"Thank you" Kumunot ang noo niya.
"For what?"
"For allowing me to know all of these." I said, flashing a genuine smile.
"As their victim, you need to know their motives pero Mara, hindi lang 'yan ang nalalaman mo. Siguradong sa mga susunod na araw, marami ka pang matutuklasan" Aniya.
"By the way, goodnight. Nice meeting you, Mara."
Tumayo na siya at nagtungo sa kama niya.
Iba ibang tanong na naman tuloy ang pumasok sa isip ko. Bakit kailangan umabot sa ganito? Bakit kailangan nilang mag gantihan. Marami na palang nabiktima, marami na ring binawian ng buhay. Bakit walang alam ang gobyerno tungkol dito? Bakit parang wala silang aksyon. Hanggang kailan matatapos 'to? Matatagalan ko pa ba to? Makakamit pa nga ba namin ang hustisya?
Ngayon ko lang naisip na, habang nalulungkot ako noon. Noong pakiramdam ko ako lang ang nagdurusa sa mundo, marami pala. Nung mga panahong halos isuko ko na ang buhay ko, may mga tao palang nagmamakaawa. May mga tao palang uhaw sa kalayaan.
Ang buhay na ibinigay sakin ay mas mainam parin pala sa iba.
Ngayon, isa na ko sa kanila. Wala nang panahaon para mag sisi. Hindi na kailangan umiyak, kailangan ko na lang lumaban.
Hindi ako papayag na manatili ako rito. At mas lalong hindi ako papayag na hawakan ng ibang tao ang buhay ko.
KINABUKASAN
5:30 am, bumangon na ako.
Ang aga ko magising. Nanaas bigla ang mga balahibo ko, usually sa ganitong oras, nag peprepare na'ko para pumasok. I miss my room, I miss doing my everyday routine. Our school, my friends, specially Zea.
Nagbuga ako ng malalim na hininga para pigilan ang mga luhang gustong kumawala. Hindi ko akalaing magiging isa ko sa mga biktima nila. Akala ko, ang pag aabandona lang ng parents ko sakin ang pinakamasakit na mararanasan ko sa buhay ko.
Pilit akong ngumiti.
Nang lingunin ko ang paligid, napansin ko ang ilalim ng kama. Inusisa ko iyon.
May dalawang napupull out sa ilalim, nang buksan ko ang nasa taas, ang daming damit. Pero pare pareho lang ng style, iba-iba nga lang ng kulay. Lahat pang hospital. May isang towel na at mga panloob pang babae. Mayroon ding mga shorts.
Ano to mental?
Napairap ako, kumuha na lang ako ng isang damit at panloob pati na rin ng shorts.
Napagdesisyunan kong magpalit na lang kaysa mag reklamo. Ang mahalaga maging malinis ako sa dugyot na lugar na 'to.
Nagtungo ako sa banyo at naligo, nasa kalagitnaan nako ng pagbabanlaw nang makarinig ako ng isang malakas na kalabog mula sa labas.
Dali dali kong tinapos ang pagligo at lumabas.
Pero bigla rin namang natahimik, pumunta ako ng bintana at tinawag si lia.
"Shh, wag kang gagawa ng ingay Mara." Mahinang saad niya at nagkunwaring parang walang nangyayare.
Hindi ko maintindihan ang kinikilos nito pero binalot na 'ko ng kaba.
"Ito! Kunin niyo 'yan!"
Bigla akong naalarma nang makita ko ang anino ng isang lalake sa transparent glass window ng pinto ko.
Napapikit ako sa takot nang sandaling mabuksan nila ang pinto.
●
●
Napakapit ako sa paanan ng kama ko nang pumasok ang tatlong kalalakihan sa kwarto ko. Napasigaw na lang ako nang hilahin nila ako palabas."Wag niyo siyang gagalawin!" Rinig kong sigaw ni Lia. Nakita kong nakabukas ang bintana at pilit na hinahawakan ni Lia ang paa ng isang lalake.Sinipa siya nito at tinadyakan ang bintana para sumara. Napaaray ako nang higpitan pa nila ang pagkakakapit sa braso ko. Hindi ko kayang manlaban kaya't hinayaan ko na lang na tangayin na ko.Akmang palabas na kami sa hallway nang matigilan ang mga ito."Huwag siya" Anang isang lalakeng matangkad at maputi. Seryoso itong nakatingin sa lalakeng nakahawak sa braso ko.
"Grabe ka naman! Hindi kaba natatakot lia? Sanay kana ba na laging ganon nakikita mo?" Singhal ko kay Lia na kinatigil niya. Alam kong baguhan lang ako dito at di pa lahat ng napagdaanan nila ay naranasan ko na. Pero bakit gano'n na lang ang reaksyon niya? Di ba siya nanghihinayang sa buhay ng iba?Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang sunod sunod na kalabog ang narinig ko mula sa labas.Napabalikwas ako at medyo hilong bumangon at sinilip ang nangyayare sa labas. Nakita ko ang grupo ng kalalahkihan na pumasok sa isang kwarto katapat ng kay Lia.Narinig ko ang pagmamakaawa ng babaeng nandoon na pakawalan siya ng mga ito. Nang ilabas nila ang babae ay gano'n na lang ang pagkagulat ko.She can't even look. I think she's losing her eyesight pero pinipilit parin nila itong tumayo at maglakad. Namamaga ang buong mukha nito lalo na sa may bandang mata at halos hindi na ito makakit
"You're doing it wrong" Reklamo ko kay Josh nang maramdaman kong mali yung direksyon ng kamay niya.He's currently braiding my hair pero parang di naman braid yung ginagawa niya."Mag antay ka kasi, ikaw may gusto nito diba? Pulupot ko 'to sa leeg mo e." He murmured"Ang iingay niyo naman, magpatulog naman kayo aba"Sabay kaming napalingon sa gawi ni Lia na nakadungaw na sa maliit na bintana. Tinanggal na ni Josh ang spring no'n kaya kitang kita na namin siya."Alas dose na umaalingawngaw parin mga boses niyo" Aniya bago bumalik sa kama.Nagkatinginan kami ni Josh. Tinawanan na lang namin siya at nagpatuloy na ito sa ginagawa."Ikaw kase--""Anong ako?" Pagdepensa ko kay Josh nang sisihin niya 'ko.Narinig ko ang mahinang pag hagikhik niya kaya siniko ko siya dahilan
"How are you mara?" Sarkastikong tanong ni Kit, ito ang bumungad sa pinto nang mabuksan iyon. Ang nakakainis na mukha ng isang kriminal.Sinuyod ko ang buong katayuan niya at nakataas ang kilay na sinalubong ang titig niya."So what brought you here, asshole?" Mayabang na tanong ko sa kanya. Napahagalpak ito ng tawa at kalauna'y ngumiti ng nakakaloko."You sounds like an owner of that room you're occupying. You're disrespecting me" Anito habang nililibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto ko."First of all, you're an abductor and a big piece of shit so you don't deserve a piece of respect. What do you want?" Pagtataray ko dito nang hindi siya binibigyan ng espasyo para makapasok."I want your body" Aniya.Nayanig ang katauhan ko sa narinig, nanatiling nakanganga ang mga bibig ko habang malisyoso niyang tinititigan ang buong
"Anong mayroon? San nila tayo dadalhin?" Nababalisang tanong ng isang babaeng sa tingin ko ay mas matanda sa'kin ng isa hanggang dalawang taon. Nag kibit balikat na lang ako, hindi ko rin naman alam kung bakit kami inilabas dito.Hinanap ng mga mata ko si Lia at nakita ko siya dun sa dulo - malapit sa mga lakake. Mukhang pinakikinggan niya ang usapan ng mga 'yon. Hindi ko alam pero nakakakutob na naman ako na may hindi magandang mangyayari sa araw na 'to. Well, wala naman talagang magandang nangyayare kapag inilalabas nila kami dito.Nakita ako ni Lia kaya dali dali itong naglakad papunta sakin. Sa itsura pa lang niya, malalaman mo na kaagad na may masamang balita na bumungad sa kanya."Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa'kin. Nasa labas kami ng hallway, lahat kami. Nagmistula kaming mga pasyente ng isang asylum na pinagsama sama."Pagpipilian t
Rise and shine! Kahit walang sunshine. I missed the sunlight, it's been a month since the last time I saw it.Maaga akong nagising, less puyat na kasi ako these past few days. Limang araw ko nang di nakikita si Josh. Limang araw na siyang hindi dumadalaw sakin. Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong nasanay na'ko sa presensya nito.Halos gabi gabi kong hinihintay ang pagdating niya, hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko iyong sakit sa tuwing naaalala ko mga ngiti niya. Iyong halik niya. Para akong nauuhaw sa presensya nito. At ngayong wala siya, hindi ko maiwasang malungkot. Parang kulang ang bawat araw na nagdadaan nang wala siya. Kahit pa saglit na panahon palang kaming magkakilala.Gusto ko na siyang makita.Nevermind.Hindi naman ako nahuhulog diba? Hindi naman, diba? At saka yokong magmahal sa loob ng impyernong 'to. Mahirap na.
"Yes, sigurado akong si uncle Don ang kausap ni dad sa telepono. I heard their whole conversation. Next month, makakalabas na kami ni Iyah, hahayaan na kami ni dad. We will be having our freedom soon, Mara." Aniya. Mapait akong ngumiti sa sinabi nito."Good for you, hindi mo na kailangan maghirap" Nag angat siya ng tingin sa akin."But I won't leave you here, you're coming with me""Kailangan mong makalabas, Josh. Sa oras na makalabas ka, lumapit ka na agad sa awtoridad. Hindi mo naman ako iiwan para lang sa wala diba? Ang kailangan mo lang ay bumalik nang may kasamang kasangga. May kasamang mga pulis. Diba? Magandang ideya yon diba?" Paliwanang ko sa kanya pero pinagtaka kong hindi ito sumagot, yumuko lang siya na parang di kumbinsido sa sinabi ko."Come here" Anito at binigyan ako ng espasyo para tumabi sa kanya."Pag nakalabas na kami, sigurado ka
Josh's point of view.Today is September 07. Isang linggo na ang nagdaan matapos nung aminan namin ni Mara, at tatlong araw na rin siyang nilalagnat. Kaya halos oras oras ko itong dinadalaw nang palihim.Ganoon ako mag alala sa kanya, ewan ko ba. Di ako sanay na makitang mahinhin ang babaeng 'yon. Mas gusto ko yung lagi niya kong sinusungitan. Pero parang wala din namang nagbago, mukhang lumala pa nga.Sinisisi niya ko kung ba't siya nagkasakit. Kesyo pinupuyat ko daw siya lagi, e lagi na rin naman siyang huli matulog simula nung mapunta siya dito. Sabi ko sa kanya, di na ko dadalaw tuwing gabi para mahaba na lagi tulog niya. Tapos di pumayag? Abnormal. Mga babae talaga kahit kailan.Isa na nga lang ulo ayaw pang mag isip ng maayos.Lumabas na ako ng banyo, katatapos ko lang maligo. Nang matapos, agad akong nagtungo kay Zion, ang pinakamabait na utusan.&