Share

IX

"How are you mara?" Sarkastikong tanong ni Kit, ito ang bumungad sa pinto nang mabuksan iyon. Ang nakakainis na mukha ng isang kriminal. 

Sinuyod ko ang buong katayuan niya at nakataas ang kilay na sinalubong ang titig niya. 

"So what brought you here, asshole?" Mayabang na tanong ko sa kanya. Napahagalpak ito ng tawa at kalauna'y ngumiti ng nakakaloko. 

"You sounds like an owner of that room you're occupying. You're disrespecting me" Anito habang nililibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto ko. 

"First of all, you're an abductor and a big piece of shit so you don't deserve a piece of respect. What do you want?" Pagtataray ko dito nang hindi siya binibigyan ng espasyo para makapasok. 

"I want your body" Aniya. 

Nayanig ang katauhan ko sa narinig, nanatiling nakanganga ang mga bibig ko habang malisyoso niyang tinititigan ang buong katawan ko. 

This multitasking criminal. 

"Back off, pervert" Walang ganang tugon ko sa kanya. Ngunit tumaas lang ang gilid ng labi niya na siyang kinaiinisan ko. 

"But, Carlos wants to see you" Aniya na siyang nagpalaki sa mga mata ko. 

"W-why?"

_______________________________________________

"Cause I want you to be a part of our trial" 

"Pero bakit ako? H-hindi ko kakayanin yang eksperimento niyo!" Pagsigaw ko kay Carlos habang nagpupumiglas sa dalawang lalakeng nakahawak sa mga kamay ko. 

Nakaupo ako sa malamig na sahig at nararamdaman ko ang pamamanhid ng ilang parte ng katawan ko dahil sa matagal na pagkakaupo. 

Napabuntong hininga siya at tumayo mula sa kinauupuan saka lumapit sa akin. 

"It was just a speedy trial Mara, we just want to make sure that this drug won't cause any mental issues." Seryosong tugon niya sa akin. 

Namalayan ko ang panginginig ng nakakuyom kong kamao dahil sa sinabi nito. 

Dahil doon ay matapang ko siyang tinignan.

"Are you aware of the crime you're commiting? Think of the probable consequences before doing such actions, Carlos" Sagot ko dito saka tuluyan nang itinikom ang mga bibig ko. 

Dinala nila ako sa laboratoryo at sinuotan ako ng surgical attire saka ako pinahiga sa malambot na kama nito. 

"12 hours without any negative effects will be considered as successful" Ani isang doktor na sa palagay ko ay isang chemist. 

Akmang papaalis na siya ng pigilan ko ang mga kamay nito. He look back at me with a confused face. 

"Why me?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. 

Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at kung bakit ako ang napili nilang ipang trial. Hello? Pwede silang kumuha ng ibang babae diyan na mas matatapamg ang loob pero ako pa rin dinala nila. 

Pilit itong ngumiti sa akin at masuyong sinuklay ang buhok ko gamit ang kanang kamay niya. 

"You have a healthier system and aside from that, you're a newbie. Di pa masyadong naaabuso ang utak mo kaya't mas malinaw na makita ang resulta pag ikaw ang ginamit. Don't worry, we'll just penetrate one needle and the whole experiment will be monitored. But we can't promise you a successful outcome. Cause this will be the first trial." Aniya saka ako kinabitan ng CPAP machine, at wala pang minuto ay nakaramdam na ako ng labis na pagkaantok. 

Maya maya pa ay kusa nang dumilim ang paningin ko. Pero nag echo pa sa utak ko ang mga sinabi niya bago ako mahimbing. 

'Di pa naabuso ang utak mo'

Tss. What a concept. 

Hindi ko alam kung anong oras na at gaano kahabang oras na ang naitulog ko, basta't para lang akong dinuduyan at ang sarap sa pakiramdam nito. Para bang minamasahe ang buong katawan ko paakyat sa ulo ko. 

May kung anong dumadaloy sa loob ng katawan ko. Tila isa itong malamig na likido na siyang direktang umaakyat sa utak ko. Napakalamig. Patuloy lang itong dumadaloy. At nararamdaman kong gising na ang diwa ko kahit di pa nakadidilat ang mga mata ko. Hanggang sa isang himig ang siyang nanuot sa tainga ko. Himig na kay sarap pakinggan, mula sa boses na kilalang kilala ko.

Kung ako ang may ari ng mundo

Ibibigay ang lahat ng gusto mo

Araw araw pasisikatin ang araw, 

Buwan buwan pabibilugin ko ang buwan

Para sayo

Para sayo...

Saglit kong idinilat ang mga mata ko, at bumungad sa akin ang mala anghel na imahe ni Josh. Nakaupo sa gilid ng kama ko at bahagyang sinusuklay ang buhok ko. 

Naramdaman ko ang animo'y boltahe ng kuryenteng mula sa mga haplos nito. 

Susungkitin mga bituin, para lang makahiling...

Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin..

Kung pwede lang, kung kaya lang

Kung akin ang mundo...

Ang lahat ng 'to, iaaalay ko sayo...

Nakangiti itong umaawit at matamang tinititigan ang mga mata na animo'y para sa akin ang kantang iyon. 

Inalis niya ang CPAP na nakakabit sa akin para makapagsalita ako. 

"J-josh" Saad ko. 

Di ako makapaniwalang nandidito siya, sa tabi ko. Kasama kong harapin ang eksperimento. 

"I'm here, don't be afraid okay? Everything will be fine" Aniya na siyang mas nagpalakas pa ng loob ko. Di ko mapigilang ngumiti, lalo na't nakakaramdam ako ng kapayapaan sa tuwing nandidito siya sa tabi ko. 

Sa lahat ng lalakeng nakilala ko dito, sa kanya lang gumaan ang loob ko. Kaya't napapanatag ako kapag kasama ko siya. 

May biglang tumunog na ring sa buong paligid at nagsipasukan na ang mga naka white suit sa laboratoryo. Lumapit sa akin ang doktor na huling nasilayan ko kanina, at saglit na lumayo sa amin si Josh para magbigay espasyo.

"12 hours passed, ano nang nararamdaman mo, Mara?" Bungad na tanong niya sa akin saka isa isang tinanggal ang mga natitirang nakakabit sa katawan ko. 

"I'm just hungry" Walang ganang tugon ko sa tanong niya at umayos ng upo sa kama saka humalukipkip.

"Finally! Successful procedures!" Natutuwang sigaw nito na siyang sinabayan ng palakpalakan ng iba. Nawala ang pagkabahala sa mukha ni Josh samantalang ako naman ay, nakatulala lang na nanonood sa kanila. 

"Okay, we only have 2 formulas left, then everything's settled. Accommodate her, make sure she'll be receiving proper meals for the next 24 hours." Aniya. Inalalayan niya akong tumayo at iniabot sa mga kamay ni Josh. Saka niya ako iginiya kasama ng isang lalakeng umaalalay din sa akin. 

"What time is it?" Tanong ni josh sa gitna ng paglalakad namin sa pasilyo.

"Quarter to 7 pm" Sagot nito sa kanya. Tinanguan lang iyon ni Josh at hindi na umimik hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. 

"Hey, Mike, ako na ang maghahatid ng pagkain sa kanya, go back to your base magpahinga ka na" Utos nito sa Mike at agad din iyong sinunod ng lalake. Tumalikod na ito sa amin at lumakad papalayo. 

Isinara na ni Josh ang pinto at pinaupo ako sa kama. Saglit na katahimikan pa muna ang bumalot sa amin bago ako magkaroon ng lakas para magsalita. 

"Then? Ibig sabihin, magiging kumpleto na ang formula nila?" Pagbubukas ko ng usapan. Umupo siya sa sofa at tumango ito sa akin. 

"Ikaw ang ginawa nilang hakbang para malaman kung nagtagumpay ba sila" Aniya. 

Napabuntong hininga ako dito. Saka napangiwi. 

"Paano ba kapag hindi nag successful? Anong mangyayare sa sample?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas yung tiyan kong nang iingay na. 

Nagkibit balikat siya habang nakatingin sa sahig. 

"I'm not sure but, I think if their formula has a wrong procedure, the patient may acquire an anxiety disorder's symptoms" Sagot niya saka tumayo at tumabi sa akin. 

"Are you hungr--" Hindi na nito natapos ang tanong niya nang malakas na tumunog ang tiyan ko. Walang gana kong tinarayan si Josh nang mapansin na nagpipigil na ito ng tawa. Tinapik tapik niya ang ulo ko at tumango.

"Kukunin ko lang ang makakain mo" Pamamaalam niya saka nakangiting nilisan ang kwarto ko. 

Ako naman ay agad na nagtungo sa bintana namin ni Lia ngunit nang silipin ko siya ay mahimbing itong natutulog. Napangiti ako dito, tila walang bakas ng kalungkutan ang mukha nito. Bumalik ako sa kama at doon na lang hinintay si Josh at nang makabalik ito ay may dalawang malaking bowl na itong dala sa isang tray. 

"Gusto kitang makasabay ulit kumain" Aniya nang mapansing nakatitig lang ako sa dala niya. 

"Here's yours" Abot niya sa akin ng isang bowl. Mainit na sopas ang laman niyon at mas lalo akong ginutom dahil sa amoy nito. 

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay napansin kong tila may bumabagabag sa kanya. At nang matapos kami ay saka ko na siya hinarap. 

"Hey?" Agaw ko ng pansin dito. Nag angat lang siya ng kilay na parang nagtatanong.

"You alright?" Tanong ko sa kanya, tumango ito sa akin saka nakangiting binaba ang bowl na wala nang laman. 

Tinitigan ko lang siya bago higupin ang natitirang sabaw ng pagkain ko.

"Something's brothering you" Pang huhuli ko sa kanya. 

Napansin kong natigilan ito saka tumitig sa akin. 

"Are you sure, you're not feeling anything strange?" Sa wakas ay tanong niya. Yun nga! Sabi na't nag aalala nga siya sa lagay ko pagkatapos kong maging parte ng first trial nila.

Bumuntong hininga akong umusad ng upo papalapit sa kanya. 

"Kanina ka pa walang imik tapos ako lang pala iniisip ko, andito lang ako oh" Pang aasar ko sa kanya saka siya binigyan ng panatag na ngiti. 

Nakakaloko itong ngumiti at pailing iling na nakakagat labi. 

"Nag aalala lang ako sayo, mamaya may maapektuhan sa pag iisip mo" Aniya. Natigilan ako dahil sa sinabi nito.

Hehe, simula ata nung sinasamahan mo ako bumaliko na ang pag-iisip ko. 

Pero oo nga pala, di nga pala nila ipinangko na magkakaroon ng magandang resulta. Baka mamaya, huli na lumabas ang mga epekto ng droga sa katawan ko. Siguradong hindi ko kakayanin.

"Mara" Napaangat ako ng tingin sa kanya nang tawagin niya ko. Binigyan ko ito ng nagtatakang mukha. 

Tumayo siya at lumapit sa akin, saka hinawakan ang kanang pisnge ko. 

"Kapag may naramdaman kang kakaiba, magsabi ka kaagad sa akin ha? Wag na wag kang magtatago ng nararamdaman mo sa akin" Aniya. 

Bigla akong napababa ng tingin dahil sa uri ng pagkakasabi nito sa huling salita. Parang may kahulugan. Naramdaman kong nag init ang mga pisnge ko dahil doon. 

"Anyway, bukas ay may darating na panauhin sila dad, hindi ko alam kung mabuti idudulot no'n o masama, basta't sa oras na palabasin kayo kumapit ka kaagad kay Lia. Okay?" Tinanguan ko ito at panatag na siyang ngumiti sa akin. 

"Lalabas na ako, matulog kana kaagad ha? Wag ka nang mag isip ng kung ano ano." Aniya saka lumapit sa akin at dinampian ng mainit na h***k ang noo ko, saka siya tuluyang lumabas.

Ako naman ay naiwang tulala at nanlalaki ang mga mata sa nangyare.

He kissed my forehead.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ang lalong pag init noon. Kumakabog ng malakas ang d****b ko at boltahe ng kuryente ang nanalaytay sa buong katawan ko.

Nangingiti akong sumandal sa headboard saka niyakap ang sarili. 

His kiss. It's so overwhelming but feels great. Para niya kong iniwanan ng lakas dahil sa ginawa niya. Sana, sana di ako nagkakamali ng iniisip Josh. 

Sana maulit. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status