Zea's point of view.
"Zeanilleee!"
Mabilis kong tinakpan ang mga tenga ko nang sandaling makapasok ako sa loob ng condo ni Iyah at bumungad sakin ang nakakabinging sigaw nito.
Pasalampak akong naupo sa tapat ng vanity table saka inis na hinalungkat ang makeup kit ko para mag retouch. Grabe naman kaseng taas ng floor nato, ano ba naman kaseng pumasok sa isip niya bakit sa high end condo pa tumira.
"You're late, again" Puna sa akin ni Lia pero di ko na yon pinansin.
Mas lalo akong binalot ng inis nang magsimula na namang mag soundtrip si Mara, inis ko siyang tinapunan ng tingin at nang mapalingon siya sa akin ay nagpatay malisya ito at nangingiting hininaan ang volume saka nagtuloy sa pag aayos ng sarili.
Napangiti ako dito saka humarap ulit sa salamin at doon ko na tiningnan ang repleksyon ng maamo niyang mukha sa likod.
It's been 6 years, and she did go through depression for 2 years prior. It's not easy. But now look at her, already an achiever.
I don't know what she had gone through, inside the Cèstra Palace, what kind of sufferings and how many breakdowns. But I believe that she became a tough woman. Tough enough to move forward. Far from being the weak Mara back then.
Napailing ako nang magtama ang mga mata namin at binigyan niya 'ko ng isang matamis na ngiti. Ngiting nagsasabing handa na siya. Handa na siyang balikan ang lahat.
"Okay, done?" Tanong ni Iyah sa amin at sabay sabay namin siyang tinanguan. Nagsimula na kaming magsikilos, tinapos ko na ang pag reretouch sa pag apply ng nude tint. Saka nilagay na sa loob ng bag ko ang tubig at mga pagkaing mababaon sa byahe na hinanda ni Lia.
Pinatay na rin ni Mara ang maingay na tugtugan niya at sabay sabay na kaming lumabas. Kasalukuyan kaming nasa 21st floor kaya kitang kita ang pagbubukas liwayway. Malapit na itong sumikat at kailangan na naming mag madali. Kumapit sa braso ko si Iyah at si Lia naman ay nakay Mara, kotse na rin ni Iyah ang ginamit naming sasakyan para di na kami maghiwa hiwalay pa.
Mahaba habang biyahe rin pero sulit naman dahil habang nasa sasakyan ay puro ingay ng tawanan at tugtog ng magagandang musika ang maririnig. Sabayan pa ng batuhan ng mga chichirya na animo'y nasa isang road trip kami.
"Lia! Pag ako natamaan sama sama tayong sasalpok nito!" Pasigaw na suway ni Iyah sa amin pero tinawanan lang namin siya. Kaya't nagulat kami sa susunod na nangyare.
"What happened?!" Natatarantang tanong ni Mara, malakas kaseng pumreno si Iyah sa gitna ng daan. Nilibot ko ang paningin sa labas at puro damuhan lang ang makikita. Mukhang nasiraan ata kami.
"What's happening?" Baling ko sa kanila.
"We're here"
"What?!" Sabay sabay na pagkagulat namin ni Lia at Mara. Tinuro ni Iyah ang isang gate na nasa mataas at patag na bahagi ng daan sa di kalayuan. Sinikap kong titigan ang nakasulat doon. At nabalot ako ng pagkamangha nang mabasa ko na ito. Napakaganda ng lugar. Napaka aliwalas.
"Welcome to Danver's Cèstra Palace"
Anang nakasulat sa lumang gate nito. Puno na ng kalawang ang gate ngunit kitang kita pa rin ang makapangyarihang nakaukit doon.
So this is it. The Cèstra Palace.
"You scared us Iyah, hindi ito ang dinaanan natin noong kasama natin ang mga pulis para iligtas sila Mara!" Pabirong sigaw ni Lia sa kanya ngunit tinawanan lamang siya nito.
We hurriedly came outside holding our sling bags and cameras together with our necessary things.
"Wow parang bago tingnan. Almost one century na ang nagdaan diba?" Namamanghang tanong ko sa kanila. Nang lingunin ko ang mga ito ay nakatuon din ang mga atensyon nila dito. Si Iyah lang ang tumango sa akin.
Nilapitan ko si Mara, seryoso lang siyang nakatingin direkta sa gate na animo'y isa itong bagong lugar para sa kanya.
"Sa tagal nating nakulong diyan Lia, nabasa ko na lahat ng shortcuts papasok sa loob. Ang dinaanan nating ruta ang siyang pinakamadali dahil malinis at hindi lubak lubak ang daan saka ito rin ang pinakamalapit" Mahabang paliwanang ni iyah. Napatango ako sa sinabi nito.
"So ilang oras ba dapat tayong babyahe kung sa main road tayo dumaan?" Tanong ko sa kanya.
Umikot ang paningin niya na tila ba may iniisip.
"Uh? 5 hours tayong babyahe kung sa main road tayo dumaan" Aniya. Sabay sabay na nanlake ang mga mata naming tatlo. Nakakahanga talaga ang babaeng to.
"Ang galing mo Iyah" Puri sa kanya ni Lia.
Nagkibit balikat lamang siya saka tinaas ang gitnang daliri.
Naglakad kami paakyat sa mayabong bahagi ng lugar patungo sa Cèstra.
Mara's point of view.
Mahigpit akong nakahawak sa mga kamay ni Lia habang binabagtas namin ang daan patungo sa lugar na iyon. Lugar kung saan ako nahubog, lugar kung saan ko nakilala ang matatapang na babaeng 'to, lugar kung saan ako umibig.
Kung saan nagsimula at nagtapos ang lahat.
Nararamdaman ko ang paninikip ng d****b ko kaya hinila ko ang mga kamay niya para pabagalin ang lakad namin. Ngunit hindi niya ko hinayang huminto.
"Nandidito na tayo, babalikan na natin Mara. Magpakatatag ka." Mga salitang binitawan niya saka ako iginiya sa mabilis na paglalakad.
Habang papalapit kami ay naaninag ko na ang mga naglalakihang mga truck at iba't ibang heavy equipments na siyang ginagamit nila para irenovate ang isang lugar. Ito na ang huling beses na makakapasok kami dito, dahil bukas na bukas ay ibabalik na ito sa pangangalaga ng gobyerno. Kaya't napagdesisyunan naming bumalik, para mahakot namin ang mga magagandang alaala sa lugar na ito. Maging ang alaala ng taong mahal ko.
"Welcome Ms. Janiyah" Ani isang lalakeng sa tingin ko ay mas matanda sa amin ng ilang taon, naka black suit ito at may dilaw na helmet. Isang arkitekto.
Tinanguan lamang siya ni Iyah at iminuwestra na sa amin ang daan papasok sa loob.
Naninibago ako habang nililibot ng paningin ang buong paligid, napakarami nang nagbago. Bukas na ang lahat ng sementadong pinto at bintana nito. At wala na rin ang mga patibong. Malaya na ang lugar.
Hindi na ako nakapaghintay pa at mabilis kong tinakbo ang malawak na entrada ng gusali. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero di ko na nagawang lumingon pa. Dahil hinihila ako ng pamilyar na alaala ng lugar. At nang sandaling makapasok ako ay naramdaman ko ang pagkawasak ng puso ko.
Napakalinis. Napaka aliwalas. Tila hindi na ito ang Cèstra Palace. Hindi na ito ang lugar na naging bahagi ng pagsubok ko. Ibang iba na ang lahat. Pero kahit nagbago na ito, ang memorya ng mga masasayang panahon namin ay naririto pa rin. Niyayakap ko ang sarili ko habang dinadama ang hangin na sumalubong sa akin.
Pakiramdam ko ay siya iyon, at hindi ako nagkakamali. Dahil nang sandaling idilat ko ang mga mata ko ay napako sa isang hallway ang paningin ko. Ang daan na maghahatid sa akin sa naging tirahan ko.
Wala na akong inaksayang panahon at pinasok ko ang lagusang 'yon. At habang tumatagal ay nagiging pamilyar na ang lahat. Nakalimutan ko na ang pasikot sikot nito pero tila naaalala pa ng puso ko. At yun ang naging gabay ko para makarating.
Isa pang liko at bumungad na sa akin ang mga kwarto namin noon. Namalayan ko ang pagkabuhay loob ko nang mapagtantong bukas na ang mga bintana ng bawat kwarto nito, at natatamaan na iyon ng sinag ng araw. Sa wakas, naliwanagan na rin ang dating madilim na mga silid.
Nangingiti akong naglalakad sa kahabaan nito hanggang sa marating ko ang dulo. Mula sa labas ay pinagmasdan ko ang isang silid. Isang bakanteng silid, naroroon pa ang mga gamit nito at presensya ko na lang ang kulang.
Pinahid ko ang mga tumakas na luha sa mga mata at mabilis na nilundagan ang kama nito, wala akong pake kung ano nang amoy o gaano na ito kadumi, ang mahalaga ay maramdaman ko ulit ang lambot nito, at nang sandaling tumitig ako sa kisame ay siyang pagbalik ng mga ala-ala.
"Sa pagkain lang? I think, you also need to thank me for saving you earlier."
"I'm leaving. Thank you for allowing me to stay here."
"Kailangan mong makalabas, josh! Sa oras na makalabas ka, lumapit ka na agad sa awtoridad. Hindi mo naman ako iiwan para lang sa wala diba?"
"I know, i promised. But there's a lot of hindrances, mara. And since i won't be able to bring you with me and leave this hell, then let's escape. Together."
"Let's take the risk together"
"I love you baby so please fight, fight for your rights... I promise one day, I'll send a star. And it will lean down to kiss you.."
I remembered everything, from the night we first met to the day he promised and to the moment when he was only seconds away to break that promise. The moment of his last fight.
Napangiti ako at marahang pinahid ang mga luha sa mata ko. Saka bumangon sa kama at tinignan ang ilalim niyon. Binuksan ko ang compartment nito at hinalungkat ang ring box na nakita ko noon. Mas lumawak pa ang ngiti ko nang makapa ko ito. Sa wakas.
Nandidito pa rin.
Isa isa kong nilabas at tinititigan ang mga litrato at napatigil ako sa litrato ni Josh at Iyah, mga bata pa sila, isa iyong stolen shot nila habang nagsusulat.
Napahigpit ako ng kapit dito, at agad kong itinago iyon nang makarinig ako ng mga yabag ng paang papalapit sa kwarto ko.
"Can I join you?" Tinanguan ko si Zea nang makalapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko.
"This room has a cool ambiance" Papuri niya at sabay naming nilibot ng tingin ang buong paligid.
"Dito ako natuto noon Zea, lumaban at maging matatag" Saad ko habang nakatuon ang atensyon sa bukas na bintana nito sa kanan, tanaw na tanaw sa labas ang magandang tanawin, buong akala ko ay napapalibutan ito ng naglalakihang puno noon pero natapat pala ang kwarto ko sa tanawin ng pampang. At kitang kita sa baba ang magagandang pananim at ang sasakyan naming naka parke sa di kalayuan.
"This place have really changed you" Anito.
Natigilan ako dahil doon. Nagdaan ang ilang segundo ng katahimikan at di ko man lang magawang makatingin sa kanya. Did.. I really changed?
"Palagay ko ay wala namang nagbago sa akin Ze--"
"There is" Putol niya sa kung ano mang sasabihin ko. Kaya napayuko na lang ako sa kahihiyan at napakagat labi.
"You're once a bubbly person Mara, but weak. Nung mga panahon na nawawala ka, talagang ilang buwan akong di mapakali. Di ko alam kung makikita pa kita di ko alam kung masisilayan pa kita ng buhay. Nilamon nako ng pagiging negatibo ko at nawalan ng pag asang matagpuan ka pa."
"Tatlong buwan matapos ng pagkawala mo ay sinara na ang imbestigasyon, malinaw na kidnapping ang naganap ngunit wala nang ideya ang pulisya kung buhay ka pa. Pero nanatili akong matatag, nararamdaman kong may Mara pa. At gano'n din ang iniisip ng iba, ng mga nakakakilala sayo. Alam nilang buhay ka pa. Naniniwala silang kahit mahina ka ay hindi ka basta basta nagpapatalo."
Napatingin ako sa kanya, at nginitian niya ako. Parang namang lumulundag ang puso ko, na kahit pala isa lang akong simpleng tao, marami ring naghahanap ng presensya ko, marami rin palang nag aalala sa akin noon na akala ko ay wala.
"Ngunit saktong pagkasara ng kaso ay siyang pag ere ng balita tungkol sa inyo. Nakaligtas ka pero iba kana."
Muli akong napayuko pero hinawakan niya ang balikat ko dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya.
"Remember those years? 2 years kitang di makausap ng maayos, 2 years mong dinadown ang sarili mo at wala akong magawa, kase di ko naman alam yung dagok na napagdaanan mo. Kaya wala akong karapatan pangaralan ka, hinayaan kita Mara. At yun ang isang bagay na di ko pinagsisihan."
"Dahil sa mga sumunod na taon, natuto ka rin. At hindi ka lang nagising sa katotohanan, tumibay ka pang lalo. Tumatag, hanggang sa tuluyan ka nang naging positibo. H-hindi ko alam kung ano nag paggising sa'yo, pero alam kong isa si Josh sa mga dahilan no'n"
Bigla ay tumulo ang mga luha ko nang banggitin niya ang pangalan nito. Ang sakit. Ang sakit na marinig ang pangalan nito. Pero agad ko rin iyong iwinakli sa isipan ko.
Dahan dahan akong umahon at tumabi rito at hinawakan ang mga kamay niya.
"Zea, hindi ako nagbago. Naging mas matatag lang ako, ako pa rin to. Ang best friend mo." Pangungumbinsi ko sa kanya dahilan para mapangiti ito at mahigpit akong niyakap.
"Alam kong darating din ang panahong to Mara, at ito na nga" Aniya habang hinahagod ang likod ko.
"I'm sure Mama Leste's proud of you" Anito na siyang nagpalawak ng ngiti ko. Nang humiwalay siya sa akin ay napansin ko ang pagkinang ng mga mata niya.
"Let's go? They're waiting for us, lilibutin pa natin ang ilang kwarto rito" Pag aya niya sa akin ngunit may isang bagay pa akong nakalimutan gawin.
"Mauna kana, susunod na lang ako. May gagawin lang ako saglit" Saad ko dito na tinanguan niya lang.
"Bilisan mo ha? Aantayin ka namin sa taas" Anito saka tumayo at nagpaalam sa akin.
Hinarap ko ang headboard ng kama at hinawi ang unan na nababalot na ng alikabok at nangingitim na rin dahil sa kalumaan ngunit ang tulang tumambad sa likod nito ay tila wala pa ring pinagbago. Ganoon pa rin ang linaw at walang kahit na anong nabura. Buo pa rin.
Isa itong malayang tula ngunit may napakalalim na kahulugan. Isang tula na itinuro sa pamamagitan ng panaginip, ang pinakamagandang tula na nabasa ko.
Wala na akong inaksayang panahon at nilabas ko ang kapiraso ng papel saka kinopya ito ng buo.
"Naiwan man kita at di na nagawang mailabas pa, pangakong ipagpapatuloy ko pa rin ang ating nasimulan, mahal ko." Huling sambit ko dito saka tuluyan nang tumayo, tinignan ko muna ang asul na kalangitan mula sa bintana.
Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang matinding sakit na lilisanin ko na ang kwartong ito.
Tapos na ang lahat. At tahimik na ang bawat isa, ang mga kwento sa loob ng lugar na ito ay mananatiling ala ala na lang. Isang magandang ala-ala, katulad ng sinabi ni Mama Leste.
Nakangiti kong nilisan iyon at sumunod na kila Zea, ilang oras pa naming nilibot ang Cèstra Palace sa pinakahuling pagkakataon. Dahil mula bukas, ay mananahimik na ang lugar na ito.
"Are you sure you're ready?" Tanong sa akin ni Lia habang hawak ang mga kamay ko.
"I'm more than ready" Sagot ko.
Nginitian niya ko at ganoon din sila Zea at Iyah. Naramdaman ko ang pagtapik ni Uncle Don sa likod ko.
"Kayang kaya mo iyan anak, ibahagi mo sa kanila ang totoong dinaramdam ng puso mo" Anito. Nilingon ko siya para yakapin ng mahigpit.
"Maraming salamat sa pagdalo, Tito Don" Saad ko habang tinatapik ang likod nito.
"Walang anuman, Mara" Ganti niya at humiwalay na ako dito nang makarinig na ako ng palakpakan.
"And today, a successful woman will be sharing her motivations for you graduates." Rinig kong sambit ng kasalukuyang Dean sa unibersidad na pinagtapusan ko.
Eto na yun Mara, ang sinasabi mo noon. Panahon na para mag-iwan ng bakas.
"Please welcome. Attorney Samara Delizo" Anito saka nabalot ng masisigabong palakpakan ang buong paligid mula sa mga estudyanteng nagsipagtapos.
Sa araw na ito, gagamitin ko ang sariling salita, mga salitang dinidikta ng puso ko. Para magbukas ng isang bagong paniniwala.
Umakyat na ako sa entablado at hinarap ang mga estudyanteng malalawak ang ngiti, saka nagsalita.
Sa unang pagkakataon, maibabahagai ko na sa mga batang ito, ang totoong hamon ng buhay. Kung paano ka nito susubukin at kung paano mo magagawang talunin ang pagsubok nito.
"Do you remembered the 2019 gang war incident?" Panimula ko. Napansin ko ang pagbubulungan ng iba at pagkagulat sa mga mukha nila na animo'y alam na kung ano ang mga susunod na babanggitin ko.
"One of its survivor is standing in front of you. Delivering her piece of advice. An advice that would surely change-not everyone but I know, some of these student's perspectives in life will change." Pagpatuloy ko.
At doon na sila tuluyang natahimik, ang iba ay tumatango na lang habang may bakas ng pag aalala at lungkot sa mga mukha.
Ngumiti ako sa kanila bago magpatuloy.
"So here's my point. I came here not just to inform you that I survived that greedy incident. Not just to tell you an untold story. I came here, to share the reality. That my life have never been a straight path for me."
"6 years ago, I witnessed an unforgettable crime, or should I say, a disaster. Where daughters, sisters, sons and brothers are physically and mentally abused. In short, the victims are young people. I'm one of them. But what's funny out of that chaotic experiences? We, victims. Became family." Saad ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak ko sa mic.
"Inside that palace, I found a friend I could lean on"
"I found a skillful protector."
"A savior."
Nilingon ko ang gawi nila Uncle Don at lahat sila ay nakangiti sa akin nang mapagtantong sila ang tinutukoy ko.
"And it might sounds crazy but, I found love" Nahugot ko ang hininga saka pasimpleng tumingin sa kalangitan para pigilan ang mga luha ko gayong hindi ko alam kung kanino ko ilalaan ang tingin, wala siya para saksihan ang kaganapang 'to.
"A man, who taught me how to see things beyond reality. A man, who captured my heart, chased away my pain and burdens, and the man who sacrificed his life to save me. But I became numb after that, the reason why I forgot to remember his words, his reasons and his purpose."
"We survived but the reality that he didn't, made me trapped in scourge. That's why I considered his sacrifice as my most painful failure."
"I forgot myself." Sambit ko, napansin ko ang ilang mga mata sa harapan ko na tumatangis na.
"I just stayed up late at night, weary of searching for his love. But then a realization hit me, that my sorrows and agony are just drifting me into a deeper hole. And then there I saw the ghosts of my unfulfilled promises to him, ghosts of the opportunities I didn't grabbed. Ghosts of his sacrifices, they're all standing around my bed, begging me to wake up."
Huminga ako ng malalim.
"And so I woke up. And the moment I got up on my bed, I felt the strength. The soft voice of the cold wind whispered on me. Saying that I finally succeed. But I never understood that word, that I finally succeed. 'Cause first of all, life took away my only hope, h-he is my only hope but life took him away from me. All I remember is I stopped fighting and just faced defeat. That I didn't succeed at anything."
"But now here I am, speaking for the youth. And I'm encouraged by what I see, sparkling eyes with a hundred percent of determination and willingness to move forward. And as of this moment, I finally realized. That I. Really. Did. Succeed." Nakita ko ang paglawak pang lalo ng mga ngiti nila.
"The fact that I am now a licensed lawyer has finally sank in to me." Napangiti ako sa mga salitang malaya ko nang nabibigkas.
"So now I'm telling you young people, defeat is temporary, but giving up makes it permanent. So don't lose hope, always find a way, focus on positivities. Lessons in life will be repeated until they're learned. Never get tired of moving forward. You fall? Then stand up. 'Cause every failure is a one step closer to success. That's why I kept going. And so you have to."
"If you didn't know the importance of failure, you will never succeed. Embrace it, cause it's inevitable. Learn from it's lessons and then rise again. Keep on going."
Huminga ako ng malalim bago tuluyang sabihin ang pinakapunto ko. Ang pinaka natutunan ko.
"Pahihirapan ka muna ng buhay, bago ka tuluyang mahubog. Kaya ang pagkabigo sa isang bagay at gawin niyong kasangkapan, para matuto. Hindi para sumuko. Mag padayon kayo sa inyong mga pangarap, at huwag mawawalan ng pag asa."
"And I know someday, many of you, students. Are going to reshape the world by the next generations. Some of you will speak for your experiences. And you shall inspire them by delivering your wisdoms."
"Binabati ko kayo. Maligayang pagtatapos." Nakangiting saad ko dito at sa isang iglap ay nagtayuan ang mga ito para bigyan ako ng masisigabong na palakpakan at mga papuri. Inabot ko na ang mic sa dean saka nagtuloy nang bumaba sa entablado.
Sinalubong ako ng kayap ni Zea at ginantihan ko iyon ng mas mahigpit pa.
"Thank you for supporting my decisions" Bulong ko sa tainga nito. Kung hindi dahil sa kanya at kila Iyah, wala sana ako dito ngayon. Pero pinakalakas ako ng mga ito, kaya bahagi sila ng tagumpay na nakakamit ko ngayon.
"We're so proud of you" Anito saka humiwalay sa akin. Sumunod na naiyakap ako nila Iyah at Lia kasama si Tito Don.
"A brave motivational speaker, you never fail us Mara" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses dahilan para mapahiwalay sila Iyah sa akin.
Agad akong nabuhayan ng loob ng makita ko siya saka mabilis kong tinakbo ang pagitan naming dalawa.
"Prof Alfonso!" Nagagalak na sambit ko at nag mano dito.
"Ipinagmamalaki ko kayo ni Zeanille. Maraming salamat Mara" Anito.
Nginitian ko siya.
"Maraming salamat rin, ginoo." Tumango siya sa akin at sinilip ang mga nasa likod ko.
"Nakita kong late dumating si Zea kanina. Nasaan ang babaeng yo--"
"Ano na naman ba yon ser?!" Pag arangkada ni Zea sa harapan namin.
"Kahit kailan talaga, di na magbabago ang kilos mo." Pag puna niya rito.
"Hmp! Ang mahalaga di nagbago ang ganda ko!" Pagtatay ni Zea. Sabay sabay kaming napahalakhak dahil don.
"Osya, una na ako, ako na ang susunod na tatawagin" Paalam ni sir sa amin. Tinanguan lang namin siya at inaya na sila Lia para umuwi.
Di na namin tinapos ang programa at dali dali na kaming umuwi. Mag hahapon na kase at kailangan naming makapag pahinga dahil bukas ng madaling araw ay may sasaksihan kami. Nag paalam na rin sa amin si Tito Don dahil may pasok pa siya.
Sa condo na kami ni Iyah tumuloy dahil sa kanya ang pinakamaluwag.
"Mag aalarm ako ng 2:45 ah? Ang pinaka huling gigising bubuhusan ng tubig" Lahat kami ay umangal sa sinabi nito dahil sanay naman kami na siya ang unang nagigising palagi.
"Oh baket?! Bahay ko to a?" Suway niya samin kaya natahimik kami. Nasa iisang unit lang kami pero dalawang ang bedroom. Nasa kabilang kwarto si Iyah at Zea samantalang magkasama naman kami sa kwartong 'to ni Lia.
"Pang anim na taon na bukas a?" Aniya habang sinusuklay ang buhok niya. Nakatalikod siya sakin habang kinakalikot ang phone niya.
Ako naman ay nakahiga na habang nag iiscroll din sa phone ko. Inalarm ko din iyon ng 2:30 para mawutata si iyah bukas hahaha.
"Oo nga e, ang bilis ng panahon" Sagot ko rito. Ngumuso lang siya sakin saka humiga na sa tabi ko.
"Nadalaw mo na ba si Arriane?" Tanong niya ulit.
Tumango ako, saka napangiti nang maalala ang senaryong iyon. Sinamahan kase ako ni Iyah sa puntod ng mommy nila kasabay ng pagbisita ko kay Mama Leste. Kagaya ng sinabi ko noon. Ako ang tumupad ng mga pangako sakin ni Josh, tutal inalay niya sakin ang buhay niya. Ipinaalam ko sa mga inspirasyon namin na mag aanim na taon na kaming magkarelasyon ni Josh.
"Ang layo na ng narating mo Mara, dahil sa naipamalas mong katatagan at kahusayan mo sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Kilala ka na ng nakararami"
Napabuntong hininga na lang ako saka di na ito sinagot.
"Hey! Kanina pa nag aalarm ang cellphone mo!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Lia. Agad kong kinuha ang cp ko at 5 minutes na pala kong late sa alarm. No a bad thing for an early bird hehe. 10 minutes pa rin naman akong advance kina Iyah.
Bumangon na kami ni Lia at pagbukas namin ng pinto ay halos manlaki ang mga mata ko nang makita nagkakape na si Iyah at Zea sa sala.
Sabay silang napalingon sa amin at sinamaan kami ng tingin habang si Lia naman ay natatawa tawa kaya nagtataka kong binaling ang atensyon sa kanya.
"Nilock ko ang pinto para di tayo mabuhusan ng tubi--"
"Which is unfair! Tss" Sigaw ni Iyah sa amin.
Nagkatinginan kaming dalawa at napahagalpak ng tawa saka tumabi na sa mga ito para magkape.
Alas tres na ng madaling araw nang napagdesisyunan naming pumwesto na sa balkonahe ng condo nito at nilabas na ang mga astronomical apparatus. Si Lia ang nag prepare ng mga kagamitan at si Zea naman ay naghahanda ng mga makakain namin habang nag aabang.
At kami ni Iyah ay nakapwesto na sa gilid habang nag aabang.
Nakahiga kami sa kanya kanya naming mga relaxing chair habang nakatitig sa madilim ngunit malinaw na kalangitan. A perfect time to watch this stunning beauty of the night sky.
Walang mga ulap, walang sagabal.
And then there goes the music. Ako ang pumili no'n para patugtugin. At di nagsasawang tumingin sa mga bituin.
Ang huling kantang inalay sa akin ni Josh.
And when the song hits it's chorus, i felt Iyah's hands caressing mine.
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling...
Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin...
Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo...
Ang lahat nang 'to, iaalay ko sayo..
Ang saya ng puso ko, dahil ngayon ay nararamdaman kong lumalakas na ako. Ang mga luha ko ngayon ay di na kahinaan ng simbulo, kundi galak.
Nilingon ko si Iyah nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin, hawak niya pa rin ang mga kamay ko at marahan niya itong hinahaplos.
"Thank you, Mara" Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
At pasimple kong pinunasan ang luha ko bago sumagot.
"For what?"
"For keeping your promise. Naalala mo noon? Sabi ko i-keep mo siya?" Anito at binaling sa kalangitan ang tingin.
"Di ko akalaing hanggang ngayon ay si kuya pa rin ang nilalaman ng puso mo. Napakatagal na panahon na, sa lahat ng bagay na pwede mong ipaglaban, pagmamahal mo pa sa kanya ang hindi mo sinuko. Maraming salamat Mara, alam kong natutuwa siya ngayon. Dahil pinahalagahan mo ang sakripisyo niya" Dugtong niya pa.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkakakapit ko sa kanya.
"Hinding hindi maalis sa puso ko ang kuya mo, Iyah. Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko siya, umukit na iyon ng malaking pwesto sa puso ko. At wala nang makahihigit pa sa pagmamahal niya sa akin" Sagot ko dito.
"Ba't di mo subukan mag move on sis?" Singit sa amin ni Lia.
Ngumiti ako sa tanong nito saka umiling.
"No. Moving on is like forgetting something in the past. And I didn't considered Josh as just my past. Tanggap ko na ng habang buhay kong dadalhin ang kirot na 'to. Ayoko siyang kalimutan at hinding hindi ko siya makalilimutan. Dahil dala na niya noon pa man ang puso ko." Paliwanag ko dito.
Napuno ng katahimikan ang buong paligid at tanging ang ingay na lang ng mga sasakyan sa baba ang maririnig. Wala nang ibang ingay at nakapatay na rin ang kanta.
Maya maya lang ay biglang nagliwanag ang paligid. Nagkaroon ng ingay sa mga balkonahe ng mga katapat naming gusali at lahat sila ay nakatingin na sa itaas.
"Finally! Meteors!!" Rinig kong sigaw ni Zea na ngayon ay nakatutok na sa telescope.
"Come here Mara!" Anito sa akin at napabalikwas ako ng bangon saka humalili sa pwesto niya.
Mula sa lenses nito ay tanaw na tanaw ko na ang naglalakihang mga bulalakaw. Napakarami nila at ang ilan ay patungo sa direksyon namin ang pagbaba.
Kasabay ng kirot na nararamdaman ko ay ang pag alala ko sa mga ngiti niya. Mga ngiting maihahalintulad sa liwanag na nakikita ko ngayon.
"I miss you, Joshua." Tanging mga salitang naibulalas ko saka tumayo at tumalikod sa kanila. Binigyan ko sila ng pagkakataon masilayang ang bumababang mga ilaw.
______________________________________________
"Mag iingat ka Mara" Tinanguan ko lang si Zea nang ihatid niya ko sa sementeryo, paakyat ang daan nito at kailangan niyang maiwan sa baba para mabantayan ang sasakyan namin.
Nakangiti kong tinatahak ngayon ang direksyon patungo sa taong mahal ko. Maaga akong nagpunta rito para masalubong ang pagsikat ng araw.
Nang makarating ako sa pinakamataas na bahagi ay umupo na ako sa tapat ng puntod nito. Hinawakan ko ang lapida niyon at dinama ang lamig nito.
"Joshua Gabriel Grogorio" Mahinang usal ko.
Naglagay lang ako ng puting rosas at dalawang kandila upang ipagdasal ito.
"Maraming salamat, nagawa mo pa ring tuparin ang huling pangako mo kahit nasa langit kana. Napakaganda mahal, at napakarami nila." Huminga ako ng malalim nang mapiyok ako.
"I promise one day, I'll send a star. And it will lean down to kiss you.."
Napangiti ako nang maalala ang pangako niyang iyon. Ang tanging pangakong tinupad niya.
"Wala ka man sa tabi ko, pero nararamdaman kong talagang pinanood mo ako na unti unting makabangon at maabot lahat ng pangarap sa buhay"
Humahangos na ako rito pero hinayaaan ko lang ang sarili ko. Di ko pinigilan ang luha.
"Gustong gusto na kitang mayakap, at marinig ang boses mo. Ang hirap, mahal. Araw araw kong nilalabanan ang sakit, pero di ka napapagod na pawiin 'yon. Maraming salamat"
"Siya nga pala, I brought something. Alam kong ito ang tamang panahon para basahin ko ito sa harapan mo. Pakinggan mo ang pinakamagandang tulang iaalay ko sayo."
"Sa isang nayon na malaya.
Isang prinsipe ang tila nawawala
Napakaganda ng alon ng dagat
Ngunit nang lumapit ay agad iyong kumalat
Nagtungo siya nakapintang rosas, ngunit nang hawakan niya'y agad itong kumupas
Isang marikit na dalaga ang kanyang namataan
Ngunit nang lapitan ay naglaho ito sa kawalan
Luha. Pagod. Ipinikit niya ang mga mata
Nang magdilat ay nasa madilim na silid na
Panaginip lamang ang saglit na saya
At ang nayong malaya ay di na niya makikita pa"
"Napakaganda ng tula, at iingatan ko ito bilang pag alala sayo" Saad ko dito.
"Happy 6th anniversary mahal." Tuluyan nang bumigay ang puso ko. Ngayong araw na 'to, ang araw na napasa akin siya, araw rin ng pagkawala niya.
Ito na ang pinaka masakit na katotohanan, pero habang buhay ko itong yayakapin, sa ikapapanatag at ikasasaya ng puso ko.
"Mananatili akong sayo. Hanggang sa muli, mahal ko" Huling sambit ko bago tuluyang tumayo. At pagtalikod ko dito ay natamaan na ang mga mata ko nang sinag ng araw. Hinahaplos nito ang balat ko at napakasarap sa pakiramdam niyon.
Muli, sinabayan ito ng pagsalubong ng napakalamig na hangin na siyang nagtuyo ng mga luha ko.
Nilingon ko ang puntod nito sa huling pagkakataon saka tuluyan nang umalis.
Palayo sa kanya, palayo sa taong mahal ko.
Nawa'y masaya kang nanonood mula diyan sa taas. Hintayin mo ako mahal, ipagpapatuloy natin ang lahat.
--WAKAS--
THE 'DECAY OF DAWN' NOVELCharacters:Mara - Samara DelizoJosh - Joshua Gabriel Gregorio Iyah - Janiyah Grace GregorioLia - Nathalia GomezZea - Zeanille VelazquezUncle Don - Andrew 'Don' MercadoCarlos - Carlo Sebastian GregorioKit - Kit Arizona FloresArianne Mercado GregorioPlaylist:Cat Stevens - Morning Has Broken Erik Santos - Kung Akin Ang MundoWestlife - I Wanna Grow Old With YouLord Huron - The Night We MetDaughter - MedicineThank you for reading Samara's story. Nawa'y maging aral ang simpleng kwentong ito sa inyo. You really have to fail a hundred times in order to succeed once - Sylvester Stallone. This underrated writer was still in the process of improving. And your advices will mean a lot to me. Thank you and G
"Sadya bang ganito kalupit ang buhay ko? Puro pasakit at hinagpis ang natatamasa ko sa mundong 'to. Bakit hindi niyo na lang ako hayaang sumuko?" - Samara"Hindi lahat ng paghihirap ay napapalitan ng gantimpala Mara, ang ilan ay nananatiling ala ala na lang.""Ipangako mo saking lalaya tayo sa bangungot na 'to Josh. Lalaban tayo nang sabay"Hindi ako matibay na tao para subukin ng napakaraming pagsubok, nais kong mamuhay ng payak at masaya ngunit bakit para bang lahat ng pinapangarap ko ay ipinagkakait sa akin?Ayoko nang magpatuloy, napapagod na ako."Would you live for me, Mara?"No. Unless I'm with you.Decay of Dawn©All rights reserved.
"Law without justice is like a wound without a cure, do you agree on this saying?" tanong ni Prof. Alfonso.Mataman niyang tinitigan ang bawat isa sa buong klase na tila ba naghihintay ng kasagutan sa mga estudyante niya.Of course yes, I agree. Lahat naman ata ay alam kung paano i-explain ang saying na ito at lahat din ay alam ang malalim na kahulugang nakapaloob dito.I was a college student and soon to be a degree holder. And I'm currently taking up a pre-law course. Disinuwebe na ako at hindi na madali para sakin ang landas na tinatahak ko ngayon. I need to focus nang sa gayon ay 'di masayang ang napakaraming taon na ginugol ko sa pag-aaral. Dahil pag college kana, lahat ng detalye sa kursong kinuha mo ay dapat alam mo."Yes Mr. De Veyra?" Nakangiting tawag ni prof sa lalaking nasa likuran nang magtaas ito ng kamay.Agad namang tu
Mga ilang minuto ko ring tinitigan ang litrato ng estudyanteng dalawang araw na raw nawawala. Si Demi Lobusta. Isang engineering student, ang pagkakaalam ko ay napakahirap ng engineering pero bakit kase nakuha niya pang umattend ng mga parties? At alam naman niyang mahirap malasing pero bakit umuwi pa siya ng mag isa? Sa dis oras pa ng gabi.Isinara ko na ang laptop ko saka pumasok na sa banyo para maligo. Nang matapos na ako ay sinimulan ko nang gawin ang presentation na kailangan ko nang ipresent pagkatapos ng dalawang araw.Ibinuklat ko na ang librong inuwi ko na siyang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon o detalye sa magiging report ko. Sinabayan ko na rin to ng madaliang research para sigurado at walang malilito sa mga makikinig.Halos nangangalahati palang ako ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko.Sinilip ko ang orasan, saktong alas dyes na ng gabi. Kailangan k
Nagising ako dahil sa ingay. Mga babaeng umiiyak, nagmamakaawang mga sigaw. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa.Unti unting tumulo ang mga luha ko, nais kong pigilan ngunit tila di ito nagpapaawat, naririnig ko ang pag ragasa ng saganang ulan na tila ba nakikiramay sa akin.Sinubukan kong kumilos, pero sobrang bigat ng katawan ko.Nang idilat ko ang mga mata ko ay wala akong makita. Madilim. Walang kahit na anong makikita bukod sa dilim.Ngunit ang iyak ng mga taong nandidito ay tila mas malakas pa sa ingay na gawa ng ulan. Nararamdaman ko ang mabigat at matigas na bagay na nakapulupot sa aking buong katawan.Hilong hilo ako, para akong nanggaling sa napakatagal na pagtulog, pero inaantok pa rin ako.Wala akong ibang magawa kundi umiyak, naguunahan ang mga luha ko ngunit walang hagulgol na lumalabas sa bibig ko. 
Muli nila akong dinala sa kwartong pinanggalingan ko. This time, mas madilim at mas nakakatakot. Wala nang lubid na nakapulupot sa katawan ko pero ikinadena nila ang mga paa ko.Iniwan nila akong mag isa sa nakakatakot na lugar na 'to.Nararamdaman kong pagabi na dahil balot na balot na ng dilim ang buong paligid. Humiga ako sa manipis na karton na nakalatag sa malamig na simento nito saka niyakap ang sarili.Ang lamig at ang lungkot.Napatitig ako sa pinakamataas na parte ng kwarto na 'to nang mapansin ko ang kakarampot na liwanag mula dito.May bintana, isang transparent window na may kaliitan ngunit sapat na para masilayan ang kalangitan. Nakita ko ang buwan. Buong buo ito gayundin ang liwanag na hatid nito.My tears suddenly burst down when a painful memory came back rushing my mind. "Ate tama na po!" Sigaw
Blangko ang ekspresyon ko habang pinapakinggan ang pagmamakaawa ng ilang babaeng nakakulong rin kagaya ko, di ko sila masyadong marinig pero dahil tahimik dito sa kwarto ko, malinaw na umiiyak sila. Nanghihina ang katawan ko. Para akong pagod kahit wala naman akong ginagawa.Ang daming naglalakbay sa isipan ko nang bigla akong natigil ng isang maamong boses."Bago ka lang ba dito?" Tanong nito, nakasilip siya sa isang maliit na bintana, taga kabilang kwarto."Oo"Lumapit ako dito at umupo sa may sulok malapit sa siwang. May spring na nakaharang dito pero hindi iyon naging hadlang para di ko maaninag ang itsura nito."Ilang taon kana?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya nang mapansin kong medyo bata pa ang itsura niya."I'm 20" Sagot nito na ikinagulat ko."You have a pair of pretty eyes" Aniya.
Napakapit ako sa paanan ng kama ko nang pumasok ang tatlong kalalakihan sa kwarto ko. Napasigaw na lang ako nang hilahin nila ako palabas."Wag niyo siyang gagalawin!" Rinig kong sigaw ni Lia. Nakita kong nakabukas ang bintana at pilit na hinahawakan ni Lia ang paa ng isang lalake.Sinipa siya nito at tinadyakan ang bintana para sumara. Napaaray ako nang higpitan pa nila ang pagkakakapit sa braso ko. Hindi ko kayang manlaban kaya't hinayaan ko na lang na tangayin na ko.Akmang palabas na kami sa hallway nang matigilan ang mga ito."Huwag siya" Anang isang lalakeng matangkad at maputi. Seryoso itong nakatingin sa lalakeng nakahawak sa braso ko.