Share

II

Mga ilang minuto ko ring tinitigan ang litrato ng estudyanteng dalawang araw na raw nawawala. Si Demi Lobusta. Isang engineering student, ang pagkakaalam ko ay napakahirap ng engineering pero bakit kase nakuha niya pang umattend ng mga parties? At alam naman niyang mahirap malasing pero bakit umuwi pa siya ng mag isa? Sa dis oras pa ng gabi. 

Isinara ko na ang laptop ko saka pumasok na sa banyo para maligo. Nang matapos na ako ay sinimulan ko nang gawin ang presentation na kailangan ko nang ipresent pagkatapos ng dalawang araw. 

Ibinuklat ko na ang librong inuwi ko na siyang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon o detalye sa magiging report ko. Sinabayan ko na rin to ng madaliang research para sigurado at walang malilito sa mga makikinig. 

Halos nangangalahati palang ako ay nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko.

Sinilip ko ang orasan, saktong alas dyes na ng gabi. Kailangan ko nang matulog para hindi ako magmukhang lantang gulay pag pasok ko bukas. 

Napabuntong hininga ako at iniligpit na ang mga kagamitang nakakalat sa kama ko, saka humiga.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang muli kong maalala ang lalaking nakatitig sa akin kanina. Napakamisteryoso niya. Bigla akong binalot ng kaba nang maalala ko na ang lalaking iyon ay nakasandal sa isang poste kung saan nakapaskil ang litrato ni Demi. Hindi kaya?

---------------------

Kinaumagahan, pag pasok ko. Puro bulong bulungan at impit na ingay ng mga estudyante ang bumungad sakin. Tila ba lahat sila ay abala sa mga nakalap nilang chismis. 

Di ko na ito pinansin at nagtuloy sa pinakamalapit na palikuran para ayusin ang itsura ko. Inihanda ko na rin ang mga gamit ko bago pumasok sa silid namin.

Pagdating ko ay mangilan ngilan palang ang naroroon. May kanya kanya ring mundo ang mga ito. May mga nagbabasa at ang iba ay puro cellphone lang, may isang nag lalaptop at meron ding sumisimsim ng starbucks sa dulo. Pero parang may kakaiba. Para bang ang lungkot ng ambiance ng buong kwarto. Nakakapanibago. 

Nagtungo na ko sa upuan ko at maya maya pa nga'y nagsimula na ang klase. 

Dere deretsong pumasok si Prof. Alfonso at nagsimulang magsulat sa white board. Agad kong tinake down ang mga hinahighlight ni prof. 

Ngunit parang may mali, para bang may isang pangyayari ang nagpatikom ng ganito sa buong klase. 

Sinuyod ko nang tingin ang buong kwarto hanggang sa magtama ang mga paningin namin ni Zea. 

Di ko marinig ang sinasabi niya, pero nabasa ko sa paggalaw ng mga labi niya ang nais niyang iparating.

Para bang tinatanong niya kung 'anong meron?'.

Nagkibit balikat na lang ako dahil ultimo ako ay walang kaalam alam. Basta ang napansin ko ay para bang may malungkot na balitang bumungad sa kanila. And since hindi naman ako mahilig makiusyoso ay hinayaan ko na lang ito. 

Maya-maya pa ay binasag na ni Prof. Alfonso ang nakakabinging katahimikan sa loob ng klase.

"Alam kong nakakaalarama ang balitang nakarating sa inyo kanina, pero sana iwasan nating mag panic. Ginagawa na ng pulisya ang lahat ng kanilang makakaya para maimbestigahan na ang kaso ni Demi." Mahinahong sabi nito na agad kong ipinagtaka. 

Gusto kong magtanong kaso mas pinili kong itikom ang bibig ko. Mas pinili kong makinig na lang. 

"Maaga ang dismissal ngayon, by 12 pm ay makakalabas na kayo, there will be no shifting today. Magkakaroon ng mahaba habang meeting ang mga school officials dahil sa karumal dumal na pagkamatay niya." Patuloy nito. 

Mabilis na bumalot ang matinding takot sa buong pagkatao ko. Hindi maaari.

Nanatili akong kalmado sa kabila ng pagkagulat sa di inaasahang pangyayari. Nang tingnan ko si Zea ay kitang kita rin sa mukha nito ang pagkagulantang. 

Sa sandaling matapos ni Prof ang pagsusulat ay humarap ito at seryosong nagsalita. Halata sa kaniya ang pag-aalala para sa mga estudyante niya. 

"Simula ngayon, kailangan niyo nang magdoble ingat sa tuwing papasok kayo o kahit saang lugar na pupuntahan niyo. Iwasan niyo ring maglakad nang kampante sa dilim lalo na sa kababaihan. Napakahirap iresolba ng kaso ni Demi lalo na't walang fingerprints na na trace kaya walang mapagkunan ng proweba o kahit na anong impormasyon sa pumatay sa kanya." Malungkot na saad nito at kalauna'y yumuko. 

"Maliban na lang sa isang laser na nakakabit sa mahabang patalim na nakabaon sa dibdib niya," Dugtong nito. 

Agad na nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. At bigla ay parang gumuho ang pagkatao ko at bumuhos ang kaba nang mapagtanto na,

Isa na palang bangungot ang nangyari sa akin kagabi.

_________________________

Magdamag akong tulala sa loob ng klase, hanggang sa matapos lahat ng subjects ay walang ibang tumakbo sa isipan ko maliban sa nakakatakot na senaryo ng pag patay kay Demi. 

What could be the motive that urged the killer to knock her down?

Kasalukuyan kong tinititigan ang litrato ng bangkay nito nang biglang agawin ni Zea ang atensyon ko. Nandidito kami sa malaking bakery malapit sa school. 

"Ayan na yung order mo, kumain ka muna. Isantabi mo muna yang pag o-overthink mo." Aniya. 

Tiningnan ko lang siya sa mga mata ng matamlay. Saka binalik ang atensyon sa litrato ng wala nang buhay na katawan ng babae. Nakasuot ito ng puting hospital dress na animo'y galing ito sa isang asylum. At ang nakasisindak na pagpatay sa kanya ay tila ba nakikita ko. 

Mukhang nanlaban ito kaya tinuluyan, ginahasa muna at binugbog saka tinarakan ng kutsilyong may kasamang laser.

Ang ilaw nito sa loob ng malaking sugat niya sa dibdib ay nagdadala ng halo halong emosyon sa mga nakakakita. 

Takot, galit at lungkot. Halatang walang kalaban laban ang babaeng ito. Ibinaling ko sa pagkaing nasa harapan ko ang tingin dahil parang binabaliktad ang sikmura ko sa litrato nito. 

Sinimulan ko nang kumain nang biglang magsalita si Zea. 

"Sigurado ka bang nakita mo ang pumatay kay Demi?" Tanong nito habang sinisipsip ang smoothie niya. 

Tinigil ko ang pagkain saka humarap sa kanya. 

"Zea, hindi ako pwedeng magkamali. Itinutok niya pa nga sa akin ang laser niya na para bang tinatawag niya ko sa pamamagitan no'n. Nakakatakot siya, mula sa itsura at sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ay malalaman mo na kaagad na may binabalak siyang masama. Kaya napakalaki talaga ng posibilidad na siya rin ang pumatay kay Demi nang gabing yon." Paninigurado ko pa at di ko inalis ang titig ko sa kanya para makumbinsi siya. 

"So kung malakas ang kutob mo? Bakit di ka magsumbong sa mga pulis?" Nagtatakang tanong niya sa akin. 

Bigla akong natigilan sa tanong nito dahil kahit ako, ay hindi alam kung bakit di pa ako nagsumbong sa mga kinauukulan matapos ng pangyayaring yon. 

"Hindi ko alam, natatakot ako Zea." Nag-aalalang tugon ko dito. 

Agad na kumunot ang noo niya sakin. 

"Mara naman, harap harapan ka na palang binabantaan pero bakit nananahimik ka parin? Alam mo bang mabilis mong ikapapahamak 'yang pagiging tikom mo?" Mahinang sumbat niya sakin. 

Napayuko ako. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya. Sa lagay ko ngang to, hindi dapat ako maging duwag. Kailangan kong magsalita, ngunit paano? 

Umiwas ako ng tingin dito saka humugot ng malalim na hininga. 

"Magsumbong ka." Aniya sa matigas na tono na para bang kailangan kong seryosohin ang mga nangyayari sa buhay ko. Well kailangan naman talaga. Wala pa rin akong maisip na paraan, natatakot akong magsumbong lalo't pakiramdam ko'y natatandaan ako ng lalaking 'yon. 

"Natatakot ak--" 

"Magsumbong ka. Sasamahan kita." Putol niya sa sasabihin ko at sinipsip ang natitirang laman ng smoothie niya. 

Nagbaba ako ng tingin. Bakit kasi hindi ko na lang isumbong? 

"Pero papaano kung balikan niya tayo? Paano kung nagmamanman lang pala siya? Paano kung tuluyan niya ko?" Sunod sunod na tanong ko dito. 

Naaalarma na ako, paano kung gano'n nga ang mangyari? Para na akong hihimatayin sa kaka overthink ko pero wala parin akong maisip na paraan kung paano ko makakalimutan ang pangyayaring iyon.

"Kaya nga uunahan mo siya! Ano ka ba naman mara, matalino ka diba? Kailangan mong gumawa ng paraan para mapanatag ka. Pag nagsumbong ka, hindi lang ikaw ang makikinabang. Pati na rin ang mga nabiktima niya, makakamit nila ang hustisyang para sa kanila. Pero kung iiwas iwasan mo lang yan? Sinasabi ko sayo, di malayong matulad ka kay Demi. Di pepwedeng mag ingat ka lang. Kailangan mo rin magsalita. May abogado bang takot sa kriminal?" Mahinang sabi nito sa seryosong tono. 

Bigla ay para akong nabuhayan sa huling salitang binitiwan niya. Oo nga pala, magiging abogado ako. Bandang huli ay ako parin ang magiging takbuhan ng mga biktima nang kahit na anong krimen. 

Kailangan ay hindi ako pipi sa loob ng korte. Kailangan ngayon palang matuto na akong mag salita o mag magsumbong para di ko rin ikapahamak sa huli. 

Tiningnan ko sa mga mata si Zea at saka ito nginitian. She really knows how to make me follow her. 

"Oh ano? G kana?" Tanong nito. 

Napabuntong hininga ako dito. 

"Sa oras na makita ko ulit siya, at ako na lang din ang magrereport, Zea. Ayokong maabala ka pa." Saad ko sa kanya nang nakangiti.

Mataman niyang sinalubong ang mga titig ko. 

"Sigurado ka ba?"

"Oo, kaya ko na 'to nang mag-isa." Seryosong tugon ko dito.

"Fine. Basta pag nagbago isip mo, tawagan mo lang ako a? O sya, tara na?" Paniniguro niya pa. 

Sabay kaming umuwi ni Zea gaya nang lagi naming nakagawian. Pagdating sa kaibigan, si Zea lang ang meron ako, yaong uri ng kaibigan na walang lamangan. Tunay.

Makalipas ang dalawang linggo ay ganito na lagi ang sistema namin. Our Prof reminded us to stay along with our friends lalo na ngayong di pa parin nawawala ang takot na iniwan ng di inaasahang pangyayari. 

Anyway, unti unti na ring humupa ang pangamba ko. And since iyon na ang huling beses na nakita ko ang lalaking posibleng pumatay kay Demi ay ipinag paliban ko na lang muna ang pagrereport sa mga pulis. Pero ipinangako ko sa sarili ko na once na maulit na naman ang pangyayaring iyon sa akin, di ko na palalampasin. 

Although wala akong matibay na proweba ay paninindigan ko parin ang pagsususpetsa ko sa lalaking 'yon. 

___________________

Today, hindi muna ako dumaan sa library dahil may importanteng gawain ako ngayon. Magdedeliver ako ng mga stocks sa mga customers ko. 

Have I told you that i'm a working student before? Ngayon. Sideline ko na ito. Nagsesell ako ng mga beauty products para may pantustos ako para sa pang araw araw, at ipon na rin para sa tuition fees bukod sa allowance na nakukuha sa scholarship ko kada buwan. Nirorolling ko ang pera para lumago ito. 

Nandito ako sa isang coffee shop at pasado alas otso na ng gabi. Centralized ang AC pero pawis na pawis ako. 

Nakakapagod. 

Kakatapos ko lang makipag usap sa huling customer ko. Umorder muna ako nang coffee para di ako tamaan ng antok bago bumyahe. Nagdesisyon akong mag pahinga muna para makakapag relax na ko pagdating sa dormitory. 

Nang matapos ay nagpasiya na akong umuwi. Inayos ko na ang mga gamit ko at saka nag re-touch. Saka lumabas sa coffeeshop na 'yon. 

Sobrang dilim na ng paligid, nakakatakot maglakad. Lalo na't karamihan sa mga streetlights ay nakapatay. 

Mabilis akong tumakbo sa pinakamalapit na bus station. Ilang minuto pa akong nag antay at nang makasakay ako, agad akong dumiretso sa pinakadulong bahagi ng bus, biglang nagsiksikan ang mga tao dahil sa mga dumagdag na pasahero dito. 

At maya maya lang ay umandar na ito.

Balak ko na sanang ipahinga ang buong katawan ko nang sa sandaling tumingin ako sa bintana ay naagaw ang atensyon ko nang mapansin ko ang pamilyar na repleksyon ng lalaking nasa likod. 

Nang lingunin ko ito ay para akong binuhusan ng napakalamig na tubig.

Siya nga. 

Nakasuot ito ng itim na sumbrero, leather jacket at may nakasabit na susi ng sasakyan at isang laser sa gilid ng pantalon nito. 

Iniangat ko ang mga tingin ko dito at lalo akong nasindak sa paraan ng pagkakatitig nito sa akin.

Hindi ako nag kakamali, siya nga ito. 

Binalik ko ang atensyon ko sa dinadaanan namin. Ano bang kailangan niya? 

Nararamdaman ko ang matinding galit at kaba na gustong kumawala ngunit wala akong magawa kundi manatiling kalmado. 

Habang papalapit na ako sa babaan ay unti unti na ring lumuluwag ang loob ng bus. Bilang na lang kaming mga pasahero nito. 

Maya maya lang ay huminto na ito. Dito na ang babaan ko. Nang makatayo ako ay bigla na lang akong binangga ng lalaking 'yon at naunang bumaba.

Nang makalabas ako at sinilip ang lalaking 'yon. Nasa malayo na siya. 

Mabilis akong naglakad patungo sa shortcut na maghahatid sa akin sa isang pasilyo patungo sa dormitoryo ko. 

Tiningnan ko ang oras, 9:41 pm na.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang makapasok na ako sa masikip na pasilyo. Hingal na hingal na ako. 

Ilang hakbang nalang sana ay makakarating na ako, nang bigla may malalakas na bisig na yumakap at tinakpan ng panyo ang bibig ko. 

Sinubukan kong pumalag pero sadyang malakas ito. 

Ilang segundo lang ay nararamdaman ko na ang pagkahilo dala ng amoy nito. 

Nakakasuka.

Nakakaantok. 

Bigla na lang nanikip ang dibdib ko at bumigat ang talukap ng mga mata ko. 

Hindi na ako nakapalag.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status