Share

XXVII

Mara's point of view.

I thought life is just a bunch of trials, problems and failures. 'Cause success and happiness never happened to me. Each one us had given a chance to live, yes. 

But I thought, some are just living, they just live without knowing life's significance, they just accept realities without learning. And for them, failure is not a big thing that should be worried about. 

And I'm envy. 

Kasi bakit sila? Parang hindi naman nasasaktan, parang walang pinagdaanang pagsubok. 

But that's just what I thought.

'Cause now, I realized. That life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced. You have to face every moment of it. And learn from it's lessons. 

Matagal ko nang itinatanong kung bakit ganito ang buhay ko, at ngayong araw na ito nalaman ko ang sagot. Binibigyan tayo ng pagsubok para lumaban at maging matatag, hindi para sumuko. Lahat ng pasakit na dumaan sa atin ay may mga aral palang dala. 

At doon ako nangkulang. Nagkamali. 

Dahil imbes na lumaban at bumangon, ay sumusuko lang ako. Imbes na magpatuloy, lumuluha lang ako. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga aral na dala ng mga pagsubok. Dahil nagpatalo ako sa sakit. Kaya hindi ako nilulubayan ng paulit ulit na pagsubok

Dahil hindi ako natututo. 

At patuloy akong susubukin nito... Kung hindi ako lalaban. 

'THE NIGHT WE MET' BY LORD HURON IS THE PERFECT BACKGROUND MUSIC FOR THIS PART, ENJOY READING! 

Tinignan ko si Josh.

Ang maamo niyang mukha ang siya palang magpapaalala sakin ng bagay na nakalimutan kong gawin. At yun ay ang lumaban. 

Mawawalan ng saysay ang lahat kung siya lang ang kikilos, kailangan kong maging parte ng misyon, kailangan kong mag ambag sa plano. At di dapat ako matakot. Nasa akin na lang ang natitirang parte. Kailangan ko nang kumilos.

Marahan kong hinawakan ang mga kamay nito

"Pangakong hindi masasayang ang pagsasakripisyo mo Josh. Tatapusin kona, mahal ko." Saad ko dito kahit pa mabigat na paghinga na lang niya ang naririnig ko. 

Tinignan ko si Algo, at kasabay no'n ay ang paghinto ng mga luha ko. Ubos na ang lakas ko, puso ko na lang ang ipanglalaban ko. Nakatingin siyang direkta sa mga mata ko saka bumulalas.

"Hmm? Tired of drama?" Anito at saka naglagay pa ng ilang bala sa baril niya bago iyon itutok sa akin. 

"Watch me win this battle, baby" Sambit ko sa lalaking yakap ko, nakapikit na ang mga mata niya pero alam kong naririnig niya pa ang boses ko. 

Pero ilang saglit matapos kong sambitin ang mga salitang iyon, ang siyang tuluyang pagbigay niya. 

Naramdaman ko ang pag init ng mga mata ko

Wala na kong maramdamang pintig ng puso nito

Wala na kong maramdamang paghinga. Tuluyan na niya kong iniwan.

Gusto kong sabay kaming lumaban, pero alam kong pagod na siya.

I'm sorry, Josh.

Marahan kong pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko. Saka mahigpit na hinawakan ang baril. Mapait akong napangiti nang makita ko kung ilang bala na lang ang mayroon ako. 

Hindi ako umalis sa kinauupuan ko, nakahiga pa rin si Josh sa mga bisig ko. At ayokong humiwalay rito, gusto kong maramdaman ang natitirang init sa katawan niya hanggang sa huling sandaling makakapiling ko ito.

Lalaban ako habang nakakapit sayo, mahal.

Gamit ang kaliwang kamay, hinawakan ko ang baril at tinutok iyon kay Algo. 

Iyah's point of view.

Usok. Ingay. Gulo. 

Yan ang sumalubong sa amin nang makabalik kami rito.

Bumungad sa amin ang dalawang sasakyang panghimpapawid, at ang isa ay wasak na ang ilang parte at puro usok na lang ang makikita.

Nasaksihan ko ang samu't saring takbuhan ng mga tauhan nila Algo at ni dad. Napapalibutan na ng mga pulis ang buong paligid at may mga ambulansya na ring naghihintay sa babang bahagi ng lugar. 

Ngayong araw na to, tatatak sa masa ang lahat. Ngayon araw na to magtatapos ang maraming paghihirap. Nandito na kami kuya, Mara at Lia. Hintayin niyo ko, sabay nating lilisanin ang lugar na'to. 

I know everything will be fine, after all of these havocs, there is hope and a never-ending sunshine we once missed. A new life to live, outside this hell. 

Nakarinig ako ng maraming putukan ng baril at napalingon ako sa entrance na sementado, walang nang ibang lagusan para makapasok sa loob kundi ang daan na itinuro sa amin ni Uncle Don dati. Ang likod ng building na 'to.

Agad kong tinakbo ang lugar na 'yon ngunit nakakailang hakbang palang ako ay humarang na sa akin si Cally-isa sa mga babaeng binihag nila. 

"I-iyah...t-tulungan mo ako." Sabi nito bago tuluyang naupo sa lupa. 

Punong puno ng dugo ang noo nito, marahil ay isa siya sa nakasakay sa helicopter na bumagsak kanina. 

"Tulong!" Sigaw ko na umagaw sa atensyon ng dalawang sundalo sa di kalayuan. Lumapit ang mga ito sa amin at itinayo nila si Cally, saka ito inalalayan.

"S-si Nathalia, binabantayan siya ng i-isang tauhan sa loob" Anito na siyang ikinakaba ko. 

"Dalhin niyo siya sa ambulansya, ako na ang bahala" Saad ko sa mga ito na tinanguan lang nila. Tinutukan ng isang sundalo ng baril ang buong paligid para masigurong walang kalaban bago nila tuluyang dalhin sa ambulansya si Cally. 

Nagtuloy ako sa sinasabi ni Cally, at nang malapit nako sa helicopter ay narinig ko na agad ang nagmamakaawang sigaw ni Lia. Pinasok ko iyon at tumambad sa akin ang lalakeng nakatalikod habang nakatutok ang patalim nito sa leeg ni Lia. 

Umahon ang matinding galit ko at agad itong sinugod.

I immediately grabbed the anchor knife in his pocket and gored his intestines. One stab after another, and then blood covered his body. I stabbed him until his nostrils showed no signs of breath. 

"Iyah!" Agad akong niyakap ni Lia at ginantihan ko iyon ng mas mahigpit pa. At humiwalay na rin ito sa akin. 

"Sila Mara?!" Natatarantang tanong niya at iginala ang paningin sa buong paligid. 

"They're trapped" Simpleng sagot ko dito saka binulsa ang anchor knife at iginiya na siya papasok sa loob ng building. 

It's October 2019, we came here last November 2018. And we've been staying here for almost a year. There were months of chaos and tears, yes. But there were months of joy and irreplaceable moments too. This hell taught me how to redeem myself, to develop my skills, to have courage and to fight back for my dignity. 

I have learned that having a fragile heart and soft personality is not an exemption. You really have to fight for yourself even though you're strong or at your weakest point or else, you'll lose everything. The freedom, the rights, and your feminity. And that's what happened to me. I let them took my maidenhead away. At the same time, made my anger covered the pain.

The only reason that urged me to fight.

"I-iyah, sigurado ka ba sa daan na to? Wala nang mga pulis at sundalo sa bandang 'to, b-baka may mangyare sa'tin" Turan ni Lia. Hinawakan ko lang ng mahigpit ang kamay nito saka mas binilisan pa namin ang paglalakad. 

Habang palayo kami ng palayo ay palamig rin ng palamig ang hangin na sumasalubong sa amin, ang likod kasi ng building na 'to ay kaharap ng pampang. At puro puno na ang nasa ibaba. 

Hindi ko alam kung bakit may ibang klaseng sakit akong naramdaman nang sandaling mapatigil kami sa tapat ng pintong bahagyang nakabukas sa di kalayuan. Naramdaman ko ang pagsikip ng d****b ko habang unti unti kaming lumalapit dito.

At nang makalapit ako dito ay agad kong dinukot ang susi inabot sa akin ni Uncle Don saka binuksan ang kandado. At nang sandaling mabuksan namin ang pinto ay tila winasak ng puso ko sa nasaksihan. Napahigpit ako ng kapit kay Lia nang limang sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw. Sa isang iglap ay bumulagta ang bulto ni Algo sa harapan namin. 

Direkta itong tinamaan sa ulo. 

Bumuhos ang masasaganang luha ko habang pinagmamasdan ko si Mara. Yakap yakap ang walang buhay na katawan ni kuya.

Hawak parin niya ang nakatutok na baril sa kinatatayuan ni Algo kanina habang patuloy na kinakalabit ang trigger nito. Nakatulala lang siya at tila walang pakealam kahit patay na ang kalaban at ubos na ang bala niya. 

Patuloy parin siya sa pagbaril...

Humiwalay ako kay Lia at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan niya at niyakap siya ng mahigpit.

Yakap yakap ko lang siya at si Lia naman ay nakatulala lang na nakatingin sa amin. 

"Kuya..." Tanging mga salitang naibulalas ko. Ginawa namin lahat, lumaban kami hanggang dulo, pero noong mga oras na kailangan nila ako, nahuli ako. 

"I'm sorry, I shouldn't have left. Kuya, I'm sorry" Punong puno na ng luha ng buong mukha ko. 

Natigil ang pag iyak ko nang maagaw ng isang lalake ang atensyon ko. 

Si Kit.

Nakatayo ito sa likod ni Mara at tinutukan niya ito ng baril. Agad na kumulo ang galit sa utak ko at wala na kong inaksayang pagkakataon. 

Sinugod ko ito saka tinulak dahilan para bumagsak siya sa sahig. Kinubabawan ko ito at gamit ang anchor knife ay sinimulan ko itong pagsasaksakin. Wala na akong pake kung pambababoy ang ginawa ko, wala nang natitirang respeto sa pagkatao ko. Gusto kong ibuhos lahat ng galit ko dito. 

Sinaksak ko ang iba't ibang parte ng katawan niya. Bawat baon ng patalim ko rito ay nagsisimbolo ng mga paghihirap na dinanas namin para lang sa walang kwenta nilang formula. 

Napuno ng dugo ang buong katawan ko. Pero wala akong pakealam. 

"Dapat kayo ang naghirap! Dapat kayo ang binihag! Dapat kayo ang namatay!!" Galit na sigaw ko dito. Di ko kayang awatin ang sarili ko, maging si Lia na kanina pa akong niyayakap ay di ko pinapansin. Nararamdaman ko ang pag iyak niya at dahan dahan niyang ibinaba ang kutsilyong hawak ko parin.

At namalayan ko na lang, hinihila na sa amin ni Uncle Don ang katawan ni Kit at pinasok na rin ng mga pulis ang buong paligid.

And Kit Flores, died in my own hands.

Humahangos akong tumingin sa kinaroroonan nila Mara. Wala na rin itong malay. Ang sakit. Ang sakit tingnan kung paano sila sabay isakay sa stretchers at dalhin sa ambulansya habang kami ay walang magawa. 

Wala na si kuya.

Wala na ang mapagsasabihan ko ng mga problema, masasandalan ko sa kahit na anong sitwasyon, wala nang gagabay sa akin. Wala nang poprotekta sa akin sa sandaling makalaya na kami. 

At sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang kagustuhang manatili sa lugar na 'to. Na sana hindi na lang natapos ang masasayang araw namin dito, sana hindi na lang kami humantong sa ganito. Pero huli na ang lahat.

Isinakripisyo na niya ang buhay niya para sa amin, para makalaya kami. 

Siya ang naging kapalit ng paglaya namin.

Lia's point of view.

Tulala akong nakatingin sa bintana ng kwarto ko. At ngayon, hindi na kwarto ni Mara ang makikita sa kada pagdungaw ko. 

Kundi magagandang tanawin, naglalakihang gusali, malawak na palaruan, mayayabong na puno at ang nagliliparang mga saranggola. Nakakamangha, na animo'y ito ang unang beses na nakita ko ang ganitong tanawin. Sa loob ng mahigit isang taon na pakikipaglaban sa gang, pagkabihag at kahinaan. Sa wakas, natapos rin. 

"Ahm Ms. Gomez? It's time to take your medicines, you're already out of schedule" Rinig kong paalala ng nurse na siyang taga monitor sa akin. Nginitian ko lang ito at tinanguan saka binalik ang atensyon sa magandang senaryo sa labas. 

Nag aalala sa akin ang Tito Don kaya dinala na rin nila ko dito para mapabuti ang desisyon ko. Natatakot daw kasi sila na baka matulad ako sa ilang pasyente na tinamaan ng trauma. Mas mabuti na daw na makasiguro at isa pa, dito rin naka confine si Mara kaya di sila mahihirapang magbantay. 

Nang matapos ako sa pagmumuni ay bumalik na ako sa kama, kinain ko muna ang masusustansiyang pagkain na handog nila saka ininom ang gamot. Napaisip ako bigla.

Kamusta na kaya si Mara? Tatlong araw na na akong walang balita sa kanya. Sabi nila Iyah ay tulog pa rin siya hanggang ngayon. Pero di coma ang lagay niya, sadya lang daw talaga siyang naapektuhan mentally kaya hindi pa bumabalik ang consciousness niya. Overfatigue daw ito at nasa state of neurosis pa. 

Pero kinakabahan ako, baka maghatid ng matinding epekto sa kanya ang mga nangyare. Knowing her, napakalambot niyang uri ng tao, madalas siyang nagpapadala sa sariling emosyon. Pero paulit ulit ko ding pinagdadasal na sana wag naman. 

Lumipas ang ilang minuto at nakaramdaman na ako ng boredom. Naghanap ako ng mapagkakaabalahan at sumagi sa paningin ko ang telebisyon. Binuksan ko iyon saka bumalik sa kama at nanood habang sumisimsim ng gatas. Kakasimula ko palang manood pero nakaramdam na agad ako ng sakit, binabalita rito ang nangyare sa amin.

"46 women and 34 men got involved in the 'Gang war' incident. The top plot was hidden from virtually and the rest is still under investigation" Panimula ng news anchor. 

May nag flash na clip sa screen. Pinapakita ang kasalukuyang sitwasyon ngayon sa Cèstra Palace. Napapalibutan ito ng maraming pulis at sundalo, karamihan sa kanila ay mga naka lab suit and mayroon ding hydraulic excavators na siyang nagwawasak sa mga sementadong lagusan ng gusali. Drones ang kumukuha ng mga video at pinapakita ang kabuuan ng lugar. 

Binubuksan nila ang mga tagong parte nito. At ginamitan ng backhoe ang mga parte ng lugar na may mga patibong.

Iba't ibang heavy equipments ang nandodo'n, mainam na sinusuyod ang buong lugar. Pinasok nila ang gusali at pinakita ang kabuuan nito, maging ang mga sikretong lagusan pati na rin ang laboratoryo at ang underground na dinaanan nila Iyah.

Naninikip ang d****b ko habang pinapanood ito, pero pinigilan kong umiyak, I don't really want to waste my tears for it. Mas mabuti nang masaktan nang patago.

Inilipat ko ito sa ibang channel para sana maka move on sa mga nangyare pero mukhang hindi ako lulubayan nito. 

"The 'Gang War' incident is currently the headlines of the newspapers internationally-" 

Inis kong pinatay ang tv saka nahiga na lang sa kama. Binuksan ko nga iyon para makapag enjoy, sinira naman agad yung mood ko. 

Are you happy now, Carlos? Nakilala na kayo, pero hindi sa paraang gusto niyo. 

Napabalikwas ako ng bangon nang mag kumatok sa pintuan, pero di pa ko nakakatayo ay bumukas na ito at tumambad si Iyah. 

Napakagat labi ako nang makita ang mga mata nito, ibang iba sa mga mata na nakikita ko noon sa kanya. She looks so gloomy, dark circles are printed below her eyes. Not looking Janiyah anymore. Looks like she's barely living. Paniguradong dahil 'yon ng pagdadalamhati niya kay Josh. 

Parang may kung anong sumigid na kirot sa puso ko nang maalala ko ang senaryo kung saan nasa mga bisig siya ni Mara. Sobrang nasaktan ako gayong nasaksihan ko lahat ng paghihirap nila para lang mag overcome sa isa't isa, mag compromise kahit napakadelikado ng sitwasyon. At higit sa lahat, yung mga sandaling harap harapan siyang nagsakripisyo para kay Mara. 

Hindi matutumbasan ang lahat ng iyon.

"You alright?" Tanong niya saka naupo sa kama ko. 

Hindi ko siya kinibo dahil mukhang siya ang kailangan sumagot noon. 

"Ikaw? Kamusta ka?" Ibinalik ko ang tanong niya. 

Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang biglang bumuhos ang mga luha nito. Natulala ako sa naging turan niya. May inabot siyang papel sa akin na sa palagay ko ay isang sulat. Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ko iyon. 

Good morning love,

Ito na ata ang pinakamagandang regalong matatanggap mo ngayon, sana. Madadagdagan na natin sila iyah, I'm pregnant love. Two weeks ko nang tinatago ang resulta at gusto kong ipaalam sayo to sa araw ng anibersaryo natin. But i can't wait, kaya mas mabuting malaman mo na rin ngayon para mabawasan naman tampo mo sa akin. Also, I'm sorry kung lagi nating pinagtatalunan tong pinasok ko. Pangako, pagkatapos ng anibersaryo natin, bibitawan ko na ang posisyon ko. Nang sa ganon, maibigay natin ang oras na kailangan ng mga anak natin, aalagaan natin sila ng sabay. Magiging maayos din ang lahat. But for now, gagawin ko mua responsibilidad ko dito. Uuwi ako mamaya before 6, ipagluluto kita ng paborito mo, para naman makabawi na ako sayo. Wag ka nang magalit sa akin ha? Ma istress ako niyan, pagbigyan mo na ko. I love you so much love. I'm sorry. See you later! Mwa!

-Arriane.

Di ko namalayan na nakayakap na pala ako kay Iyah at sabay nang rumaragasa ang masasaganang luha namin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya minabuti ko na lang na itikom ang bibig. Hangga't maaari ay hahayaan ko muna itong umiyak sa akin, kung iyon lang naman ang tanging paraan para mailabas niya lahat ng sakit.

Si Arriane ay asawa ni Carlos, tulad nang sinabi noon ni Josh, hindi masaya ang pamilya nila at yun ay dahil pala sa pinasok ng mommy niya. Hindi nila nabibigyan ng pansin ang mga anak nila dahil siguro sa sitwasyong kinakaharap ng mommy nila. Pero kahit papaano naman, base sa sulat nito, handa siyang iwan ang posisyon niya alang alang sa pamilya. Mga panahong sana ay naging matagumpay, sana ngayon buo pa sila at maayos na, kung hindi lang natapat sa peligro ang buhay ni Arriane. 

Lumalakas pa lalo ang mga hikbi ni Iyah at wala akong magawa kundi yakapin at patahanin ito, kahit pa maski ako ay di na rin napigilang umiyak. Sobrang durog ako noon at kahit sobrang bigat ay pinilit kong kapitan ang sarili ko, dahil wala naman akong ibang masasandalan noon. Pero sa sitwasyon ni Iyah? Hindi basta basta. Marami siyang pinagdaanan, maraming nasayang na pagkakataon at nawalan ng mga mahal sa buhay. 

Naiintindihan ko ang pagdadalamhati niya, kaya hindi ko ito mapipigilan na ilabas ang mga emosyon niya. Hindi na niya kayang itago ang sakit. Lalo na't sunod sunod ang dagok na dumating sa buhay niya. Nakakalungkot isipin na, wala na sa katauhan niya ngayon ang dating Iyah na nakilala ko. Noong mga panahong masaya pa kami, mga gabing siya ang nangunguna sa mga asaran at mga oras na pinahanga niya kami ni Mara. 

Napahigpit ang yakap niya sa akin habang ako naman ay hinahagod ang likod niya. 

"Imagine how devastated dad is at that time?" Sambit niya sa gitna ng pag iyak. Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig nitong iparating. 

"And I didn't even get the courage to console him, mas pinili naming ilayo ang loob sa kanya, mas pinili naming maging makasarili. Pamilya kami e, sana naisip ko na noon na hindi lang kami ni kuya ang nawalan, sana man lang naisip ko na lumayo kami noong mga panahong higit kaming kailangan ni dad. K-kasalanan ko t--" 

That's it! Sinisisi niya ang sarili niya. 

"Shh. Wala kang kasalanan sa nangyare, hindi mo masisisi ang sarili mo na lumayo sa daddy mo, parehas niyong pinagdaanan 'yan, parehas niyong ikinawasak. Hindi mo kasalanan maging mahina Iyah" Sa sinabi kong 'yon ay mas lalo pang lumakas ang pag hikbi niya. Napabuntong hininga na lang ako. Kung ako ang nasa sitwasyon ni Iyah ngayon, siguro sumuko na ako sa buhay. Yung tipong hindi lang naman siya ang nagkamali pero sinalo niya lahat ng pagsisisi? 

"A-ano nang gagawin ko ngayon? Wala na si mom, si kuya at ngayon nasa bilangguan si dad. Ako na lang mag isa Lia, h-hindi ko alam kung tama pa bang lumaban ako. Wala nang pag asa eh." Nanghihinang saad niya. 

Marahan ko siyang hiniwalay sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Saka ko ito binigyan ng ngiti, iyong ngiti na magpapahupa ng sakit na nararamdaman niya. 

"Wasak na nga Iyah, hindi na nga pwedeng mabuo. Pero may pag-asa pa para sa inyo ng daddy mo." Napaangat siya ng tingin sakin dahil sa sinabi ko. Halata sa mga mata niya ang pagdadalawang isip at akmang magsasalita na ito nang unahan ko siya. 

"Hindi porket tapos na ang laban ay talo kana, pwede mo pa ring dayain yon Iyah, pwede mo pang ituwid ang lahat. Kung iniisip mong nagkulang ka bilang anak, punan mo ngayon. Hindi pa huli ang lahat, alam kong iniisip ka rin ni Carlos ngayon, alam kong nagdadalamhati rin siya. Kahit gano'n ang naging samahan niyo ng daddy mo, alam kong parehas parin kayo ng nararamdaman ngayon. Parehas kayong nanghihina at wala kayong ibang pwedeng lapitan kundi sarili niyo, kulang ako Iyah, kulang kami para alisin yang tinik na nasa puso mo" 

"Kailangan mong lapitan yung taong nasa sitwasyon mo rin at sabay niyong palakasin ang isa't isa. Hindi kayo pwedeng magtalikuran. Bagkus ay magtulungan kayo, hilahin niyo pataas ang isa't isa. Dagok lang yan, pamilya kayo. Alam kong matatag ka, kaya gamitin mo na ang natitirang lakas mo para punan ang mga pagkukulang mo noon. Bigyan mo nang pagkakataon si Carlos, na maramdaman ang pagmamahal mo, siya na lang ang natitira sayo at ikaw na lang ang natitira sa kanya. Lapitan mo na siya Iyah." Sambit ko. 

Napabuntong hininga ito at ibinaba ang tingin sa papel na nalukot na ng mga kamay niya. Saka niya pinunasan ang mga luha niya at binaling sakin ang tingin. 

"Kahit kailan di ko naisip na hahantong sa ganito ang sitwasyon ko. Na darating ako dito. Pakiramdam ko binawian ako ng karapatang maging masaya. Parang ipinagdamot sa akin ang lahat" Aniya. 

Binitawan ko ito at inayos ang nagulo niyang buhok. 

"Gaya nang sinabi ko, hindi pa huli ang lahat. Nandiyan pa si Carlos. May natitira pa. Ipaglaban mo na 'yon, wag mong hayaang pati si Carlos ay maging parte na lang ng pagsisisi mo. Kumilos kana, wag kang magpapadaig sa kahinaan mo. Wag mong hayaang matapos ang lahat sa inyo. Pwede pa kami ni Mara, na maging pamilya mo. Kami ang hahalili sa mga taong nawala sayo, basta't gawin mo lang ang natitirang misyon mo." Sagot ko sa kanya.

"Do I really have to do this?" Tanong niya sa akin. 

Tinanguan ko lang ito at nginitian ulit. 

"Kailangan mong tanggalin yang nakabara sa d****b mo at alam kong ama mo lang ang makagagawa no'n, Iyah" Dahil sa sinabi ko, mabilis na namang bumuhos ang mga luha niya.

Umiling iling ito. 

"Natatakot ako Lia, di ko alam kung kaya ko siyang harapin. Di ko alam kung babalik ba lahat ng galit ko sa kanya." Anito.

Mapakla akong natawa sa naging turan niya. 

"Anukaba! Wala ka nang galit sa kanya, subukan mong isipin na ama mo siya ngayon, kalimutan mo yung Carlos na nakilala mo sa loob ng Cèstra Palace, tingnan mo siya bilang daddy mo." Pangungumbinsi ko sa kanya. 

Maya maya ay namutawi ang purong ngiti niya, walang halong pagdadalawang isip. At agad niya kong niyakap ng mahigpit. 

"Thankyou Lia, I really don't know what to do." Humihikbi niyang pasasalamat sakin habang yakap ako. 

"I'm just doing my part as your best friend" Saad ko sa kanya at tinapik tapik ang likod nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status