Share

XXVIII

Iyah's point of view. 

"Room 08, private. Please kindly assist her" Tugon ng isang officer sa isa pa nitong kasama. At iginiya na ako nito papasok.

Ibinulsa ko ang sulat at pinatatag ang sarili ko.

Hinatid na ko ng isang pulis at iniwan ako sa harap ng isang rehas na nakabukas, at nasa loob niyon ay bulto ng isang lalaking nakatalikod na nakatitig sa bintana. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya naglakas loob na akong pumasok dito.

"D-dad" Nauutal na pauna ko. At nang sandaling lingunin niya ako, ay naramdaman ko ang mga luhang kusang umagos mula sa nga mata ko. 

"Janiyah, anak..." Anito sa mahina ngunit garalgal na boses. Tuluyan na ring bumigay ang mga luha niya at hindi ko na kinaya, tinakbo ko ang distansya naming dalawa saka ito niyakap ng mahigpit. 

Ang sakit sakit. Hinahagod niya ang likod ko pero nararamdaman ko pa rin ang pagkawasak ng puso ko. 

"I'm sorry" Rinig kong paumanhin niya. Namalayan ko ang mga luha nito sa balikat ko kaya agad akong humiwalay. Tinignan ko siya sa mga mata at pinahid ang mga luhang 'yon. 

Ngayon araw na 'to, nakita ko sa kanya ang totoong ama ko. At nandito na ako para gampanan ang pagiging anak ko sa kanya. 

"I found mom's letter, why didn't you let us know about it?" Tanong ko sa kanya, hinawakan ko ang mga kamay nito nang maramdaman kong nanginginig iyon. Agad niyang iniwasan ang mga titig ko at yumuko.

Bumuntong hininga siya, pero di pa rin siya nagsasalita.

"You hide the truth, I... I should've been comforted you, I should've been with you at the time" Pumiyok ako nang sabihin ang mga katagang iyon. Lumuluha siyang nag angat ng tingin sa akin at hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko. 

"Josh's gone?" Pag lilihis niya ng usapan. Akala ko ay basta lang niyang tanungin iyon pero mas lalo pang rumagasa ang mga luha niya nang tanguin ko ito. 

Marahas siyang tumayo at tumalikod sa akin, saka nito malakas na sinipa ang maliit na cabinet, halos magliparan ang mga piraso niyon. 

"Dad!" Naalarma ako sa ginawa nito saka agad ko siyang inawat. Narinig ko ang pagpasok ng dalawa pang pulis dahil sa pagsigaw ko. 

Hinarap ko siya sa akin at pinaupo ulit sa kama. 

"My fault, I ruined everything. I ruined our family. I... I am not a father Iy--"

"Yes you are! You're my dad. I'm still here" Pagputol ko sa anumang sasabihin niya. 

"Iyah?" Malumanay na tawag niya sa pangalan ko.

"Yes, dad?" 

"Be with Andrew, Nathalia and specially Mara. I heard her story, she grew up without her biological parents. And I'm guilty about that, knowing that I made her life more miserable. I took away her rights" Aniya na siyang mas nagpadurog sa puso ko. 

"What about you dad? Aren't you gonna defend yourself? You still have the rights to ask for a lawyer" Tanong ko sa kanya kahit pa alam kong wala na talagang pag asa na madepensahan niya pa ang sarili niya. Masyadong mabigat ang kaso niya. 

"Alanganin ang sitwasyon ko Iyah, at isa pa. Gusto kong pagbayaran si Josh, hayaan mo na lang akong bilangguin ang sarili ko, gayong wala na rin naman akong mukhang maihaharap kung sakaling makalabas pa ako. Ako Iyah, ako ang dahilan at puno't dulo ng mga pinagdadaanan niyo ngayon. At hindi ko matanggap, hinding hindi ko matatanggap ang pagkawala ni Josh.." Anito saka tuluyan nang humagulgol.

Wala akong magawa kundi aluin ito. Kahit pa sa loob ko ay durog na rin ako, gusto ko lang maramdaman niya ngayon yung mga bagay na hindi ko nagampanan bilang anak. 

"D-dad. Pare parehas lang tayong may mali e. Parehas lang tayong nagkulang, di mo kailangan saluhin lahat ng pagsisisi. Nandito ako dad, pwede pa natin ayusin ang lahat kahit kulang na tayo, p-pwede pa tayong bumangon" 

"I'm sorry, dad" Finally, nasabi ko rin ng buong puso ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

Yes, di lang siya ang may mali kaya dapat natuto akong tumingin sa mga kamalian ko, nang sandaling tumango siya ay niyakap ko ito ng mahigpit. At naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko, yung paraan ng pagtapik niya, gano'n na gano'n ang pag alo niya sa akin noon kapag umiiyak ako. 

Bagay na ngayon ko lang ulit naramdaman. Ang saya ng puso ko kahit pa durog ito sa kabilang banda. 

Tama si Lia, ang taong makakawala lang ng bigat na dala ko ay ang taong may sanhi ng pagdurusa ko. Si dad. Siya ang dahilan ng pagkawasak ko pero siya rin ang dahilan kung ba't ako natuto. At ngayon, alam kong mas tumibay pa ako, mas lumakas at mas naging handa sa mga sasalubong pa sa aking mga pagsubok. 

Wala na si mom, wala na rin si kuya. Nag iwan man sila ng matinding sakit, kasabay naman no'n ay ang pag asang unti unting umuusbong. Pag asang hindi ko na sasayangin. Ang mga pagkukulang ko noon, siguradong pupunan ko na ngayon. 

"I'm sorry, Janiyah. Take care of yourself okay? Tuparin mo ang mga pangarap na naiwan ng kuya mo, at saka.." Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. 

"Pag nadalaw mo ang kuya mo, pakisabing proud ang daddy niya. Nagawa niyang ipaglaban ang babaeng mahal niya kahit pa kapalit ng buhay niya, bagay na hindi ko man lang nagawa para sa mommy mo" Anito at pilit na ngumiti sa akin. 

Napahigpit ang kapit ko sa mha kamay niya.

Alam ko. Ramdam ko ang pagpipigil niya, gustong gusto niyang umiyak nang walang tigil, pero pinipigilan niya dahil kaharap niya ko. 

"Alam kong nakikita tayo ngayon ni kuya dad, at kahit nasaktan mo siya, di niya magagawang baunin ang galit niya sayo sa kung nasaan man siya ngayon. Alam kong bago niya tayo lisanin, nilinis niya muna ang puso niya. Tinaggal niya muna lahat ng hinanakit na tinanim niya. Kaya sigurado akong, masaya siyang nanonood sa atin ngayon. Sabay tayong namulat sa katotohanan." 

At dahil sa sinabi kong 'yon nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya. At dahan dahang tumango sa akin. 

"Maraming salamat anak"

Namutawi ang sinpleng ngiti sa mga labi ko. Nakikita ko na ang katangian ni dad noon. Noong mga panahong masaya pa kami. 

"I love you, dad"

"I love you too, Janiyah" 

Isang pang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa'kin bago niya ko tuluyang akayin palabas ng kulungan, nakita ko pa ang pagharang ng mga pulis at tuluyan nang sinara ang rehas. Lumapit ako sa kanya kahit pa pumapagitna samin ang mga bakal. At naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko, isang pabaon bago ko siya lisanin. 

"Babalik balikan kita, dad" Nakangiti kong saad dito. 

Pinahid niya ang mga luha sa mata ko saka pilit na ngumiti. 

"Mag iingat ka palagi, anak." Tugon niya saka 'ko 'to tuluyang tinalikuran. 

Naglakad akong luhaan palabas ng presinto. At nang matamaan na ng sinag ng araw ang mukha ko, naramdaman ko ang pagtuyo nito. Sinalubong ko ang papasikat palang na araw, at buong puso ko itong sinalubong ng ngiti. 

Mom, kuya, dad. Heto ako ngayon, mag isa. 

Pero alam kong sa mga dadating pang panahon, nariyan lang kayo. Ginagabayan ang bawat hakbang ko. 

Ang sarap isipin na, sa dami ng pinagdaanan ko, at sa dami ng pagkakataon na gusto ko nang sumuko, mas lalo akong pinapatatag. Ang mag pagsubok ay instrumento lang pala, at hindi dapat ginagawang kahinaan. Susubukin ka lang, at kailangan mo lang itong labanan.

Mara's point of view. 

I woke up when I felt the sunrays gently caressing my cheek. Then my tears suddenly burst down the moment I looked at the window.

There is it.

The light. 

The sunrise I missed. The brightness that I've been longing for 3 months, i didn't wake up so early so I didn't see the astounding beauty of the dawn. But I am awake now.

Ginising ako ng liwanag na matagal ko nang hinihintay, kasabay ng paggising ko sa katotohanang ako na lang mag isa ang sumalubong dito. 

Wala ang taong kasabay ko mangarap nito. 

He chose to stay in the darkness.

Mapait akong napangiti at pinunasan ang mga luhang hindi na naman tumigil sa pag agos. Tinupad niya ang pangarap niya, pinatunayan niya ang pagmamahal niya sa akin, pero sa huli ay iniwan niya rin ako. 

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Maaliwalas at natatamaan ng liwanag ang bawat parte. Nakita ko ang mga nagkalat na dyaryo sa bed side table. At mas lalong sumikip ang d****b ko nang mabasa ang headlines non.

"LIFETIME IMPRISONMENT FOR 'CARLOS GREGORIO' BY COMMITTING A CAPITAL CRIME DURING THE GANG WAR INCIDENT"

"2018 GANG WAR INCIDENT'S TOP PLOT WAS STILL HIDDEN"

"80 VICTIMS, 59 DIED AND 21 SURVIVED."

Nakita ko ang phone ko sa gilid at agad ko iyong dinampot. Pumapatak ang luha ko sa screen at wala akong pakealam kung manlabo na ang mga mata ko, ang gusto ko lang gawin ay masilayan siya. 

Huminto ako sa isang litrato, litrato naming dalawa, kuha iyon isang araw bago matapos ang lahat. Yung araw ng huling sayaw naming dalawa. Mapait akong napangiti nang maalala ang mukha niya. 

At sa tindi ng sakit, naihagis ko sa malayo ang phone ko. Hindi ako kuntento sa basta litrato lang, gusto kong makita siya. Gusto kong masilayan at mayakap siya. 

Marahan akong tumayo at dahan dahang lumabas ng kwarto. Wala na akong pakealam kung anong itsura ko. 

Josh..

Naglalakad lang ako sa di malamang direksyon. 

Wala akong maramdamang saya gayong nakalaya na ako, tinangay mo ang buhay ko. Binaon moko sa mas masakit at mahirap na sitwasyon, Josh. 

Namalayan ko na lang na patungo ako sa pinakamataas na palapag ng ospital. Dinala ako ng sarili kong mga paa sa rooftop nito. At mas lalo akong napaiyak nang makita ko ang tanawin. 

Kitang kita ang nagtataasang mga gusali, halo halong ingay ng mga transportasyon. Mga ibong nagliliparan, ang kulay asul na kalangitan, at ang huling nakaagaw ng pansin ko, ay ang mga kabundukan sa di kalayuan. 

Ang nayong malaya.

Parang dinurog pang lalo ang puso ko nang mapagtanto ang isang bagay.

Ito na yun Josh, ang nayong nasa panaginip mo. Sana man lang nabigyan ka ng pagkakataong masilayan ito. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulo nito, sinilip ko ang baba. Ang daming mga nagtatakbuhang sasakyan. 

Pumatong ako sa bakal na nakausli dahilan para mas umangat ako. Saka ko tinitigan ang araw na tumatama sa mga balat ko. Nakakasilaw pero hindi magawang ialis ang paningin ko dito. Habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko, hinahanap ko ang pag asang sinasabi nila na makikita sa liwanag. Pero nabigo ako.

Sapagkat ang pag asa ko, ay pinagkait na sa akin. 

Tapos na rin naman ang lahat, bakit di ko na lang rin tapusin 'to. Wala na kong pwedeng ipaglaban pa. Dahil ubos na ubos na ko, wala na kong rason para magpatuloy pa. 

Mahal, hintayin moko.

Isa pang hakbang pataas dahilan para ang bakal na humaharang ay nasa mga hita ko na lang. Ipinikit ko ang mga mata ko sa huling sandali saka akmang bibitaw na sa pagkakakapit nang isang yakap ang pumigil sa akin. 

"Don't leave me" Rinig kong tugon ng isang pamilyar na boses. Dahilan para tuluyan na akong bumigay. 

Napaatras ako at bumagsak sa malamig na semento habang patuloy ang pag tangis ng mga mata ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at naramdaman ko ang panlalamig no'n. Saka niya ako pilit na pinatingin sa mga mata niya pero iwinakli ko ang mga kamay nito. 

"All of my life, I've been suffering. I can't fight anymore okay? Tinanggap ko na sa sarili kong talo na ako, just let me take this chance. I wanna end everything." Bumitaw ako sa pagkakakapit niya at saka pilit na lumayo rito nang hindi siya tinitignan sa mga mata.

I can't. I made a promise to this one. And now I'm only minutes away to break that promise. In front of her. 

Naririnig ko ang mahinang paghikbi niya na siyang humihiwa sa puso ko. Ang sakit. Bakit? Bakit kailangan kong mahirapan ng ganito? Bakit kailangan kong humantong sa puntong to? Bakit di permanente ang kasiyahan ko?

"You're not Mara anymore, you're lost in your decisions. Di ikaw ang Mara na kilala ko. Remember our first day? Ako yung nawawalan ng lakas ng loob noon Mara, pero anong ginawa mo?" Pauna niya. Nanatili akong tahimik at naghinatay sa mga susunod niyang sasabihin. 

"Ang sabi mo pa noon, hahanap tayo ng way para makalabas tayo at di tayo titigil hangga't nabubuhay tayo, bakit ngayon Mara? Natapos na ang lahat. Nakalaya na tayo. Nakita ko kung pano mo sila gapiin, nasaksihan ko kung paano mo napanalunan ang laban. Pero bakit kung kailan panalo na tayo, saka mo pa balak sumuko?" Anito. 

Alam kong pinipilit niyang baguhin ang kung ano mang nasa isip ko ngayon, gusto niyang pigilan ang desisyon ko. Pero hindi ako takot sa haharapin kong kamatayan, mas takot akong magpatuloy at habang buhay patayin ng sakit na iniwan niya sa akin. 

"Is it still because of Jos-"

"Yes it is. It is about Josh, it's about us. I found out that this battle isn't just for defeating those thugs, it's about a testing of toughness, how strong and how unbreakable you are. I won against those guys, yes. But I ran out of courage and strength to fight the real nightmare. Naging determinado lang akong ipaglaban ang karapatan ko, pero nakalimutan ko siya, nakalimutan ko si Josh. Pinaglaban niya ako kaysa sa sarili niya, at hindi ako naging handang harapin iyon. Hindi ako naging handa sa sakripisyo niya." 

Nahihirapan kong sambit.

"Nawala siya sa akin Lia. And it's all my fault."

Hinawakan niya ang pisnge ko at inalalayan akong makatayo pero hindi ko kaya. 

"It's not your fault that he chose to sacrifice Mara, he just knows that it's the only way. At that time, Josh was in between a different battle too. He's in the midst of deciding what to sacrifice, if it is your rights or his love? Pag pinili niya ang pagmamahal, hindi ka niya maililigtas. Hindi siya naduwag kaya sana ikaw din. Harapin mo yung pagkakataon na 'to. Binigyan ka niya ng chance na matupad pa ang mga pangarap mo, kaya dapat magpatuloy ka" 

Marahas akong tumayo at tumalikod sa sinag ng araw saka ako matapang na sinalubong ang mga mata niya. 

"Sadya bang ganito kalupit ang buhay ko? Puro pasakit at hinagpis ang natatamasa ko sa mundong 'to. Bakit di niyo na lang ako hayaang sumuko? Hayaan niyo na lang akong sundin ang gusto ng puso k--"

"Pero mali ang idinidikta ng puso mo Mara! Sa tingin mo ba pag pinaglaban mo ang isang bagay na tapos na ay may mapapala ka pa? Gamitin mo rin ang isip mo, alalahanin mo ang magiging reaksyon ni Josh sa gagawin mo. Sa tingin mo ba magugustuhan niya ang pinaplano mo? Hindi diba? Mas lalo mo lang siyang sasaktan Mara." Tuluyan nang nawasak ang puso ko at mahigpit itong sinalubong ng yakap.

Masyado akong nasaktan sa mga huling salitang binitawan nito. 

At sa mga yakap ni Lia, nagbalik ang mga huling salitang binitawan sa akin ni Josh. Mga salitang hinding hindi kukupas sa pandinig ko, ang mga salitang siyang kinakapitan ko. 

"Marami ka pang kailangan maabot mara, alam kong di nako magiging parte ng tagumpay mo, pero sana ipagpatuloy mo ang pinaglalaban natin. Ang karapatan na hinihiling natin. At sa magiging katayuan mo sa mga darating na panahon, sana'y gamitin mo ang mga salita ko. And yes, I need to give up. Just to fulfill my promises. Ayokong mauwi sa wala ang laban na to. Ayokong sabay tayong matalo, hayaan mo na kong mag sakripisyo Mara..."

"At g-gusto kong lumaban ka, ipaglaban mo ang pangarap mo. Papanoorin kita sa lahat ng laban at pagkapanalo mo.."

Mga salitang ala ala na lang...

Mas lalong tumindi ang pag iyak ko nang hagudin ni Lia ang likod ko. Pero kahit na nginginig ako at pinilit niyang hawakan ang mga kamay ko. 

"Look at the sunrise, Mara. Look how its light fills the spot you're standing. It's beautiful, trust me." Anito saka ako unti unting iniharap para salubungin ang sinag nito. 

At nang matamaan na ang mga mata ko, ay repleksyon ng masayang imahe ni Josh ang pumuno sa imahinasyon ko. 

"Hindi lahat ng paghihirap ay napapalitan ng gantimpala, Mara. Ang iba ay nananatiling ala-ala na lang."

"See? Everything looks fine, everything looks wonderful. Please, take a glimpse of this beautiful scene. You've been waiting for it, right? And now it's already in front of you. Your rights, is in your hands again." 

(Medicine by Daughter is the perfect background music for this part)

Saglit kong ipinikit ang mga mata ko, nang maalala ang mukha niya. Saka ko taas noong hinarap ang kalangitan. 

Sinalubong ako ng malamig at sariwang hangin at pakiramdam ko ay tinuyo no'n ang mga luha ko. 

At sa isang iglap ay tumigil ang paghangos ko, sinubukan kong ngumiti at parang nabuhay muli ang loob ko. 

"He left you for a purpose. He wants you be a better person, to be a tough woman. Move forward, Mara. This is it, you just have to continue, pick up your soul's broken pieces at start living your life with the chance he gave you." Aniya saka ako niyakap mula sa likuran. 

Dahan dahan akong tumango at naramdaman ko ang unti unting paghupa ng sakit na nararamdaman ko. 

"It doesn't matter how slow your process is, as long as you don't stop. Everything will be conquered." Dugtong niya. 

Humiwalay ako sa pagkakayakap nito at lumapit sa 

railings. Dinama ko ang hanging yumayakap sa akin, na parang ibinubulong na nagtagumpay ako sa isang laban na di ko naman sinalihan. 

Marahan kong pinahid ang mga natitirang luha sa pisngi ko at dinama ang sinag ng araw na siyang nakatutok sa akin. 

I looked back at her.

For the nth time, my heart heard Nathalia's voice whispering encouragements to my deaf soul. Again, she filled the emptiness in me. 

Binigyan ko siya ng purong ngiti saka nag angat ng tingin sa kalangitan. 

Josh, maraming salamat. Pangako mahal ko, hinding hindi ko sasayangin ang sakripisyo mo. Panoorin mokong mapanalunan ang mga susunod pang laban. Ang mga naiwan mong pangako, ako na ang tutupad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status